PAGLILINAW AT PAGPAPAUNAWA # 0003 SA SANLIBONG TAON. ANO ANG NAPAPALOOB SA SANLIBONG TAON? “ITO ANG UNANG PAGKABUHAY SA MGA PATAY. ANG IBA PANG MGA PATAY AY BUBUHAYIN DIN PAGKARAAN NG SANLIBONG TAON.” BAHAGING MABABASA ITO SA PAHAYAG 20:5 NA ATING IPAUUNAWA SA PAMAMAGITAN NG DIWA NG PANGINOONG JESU-CRISTO NA SUMASAAKIN SA PAMAMATNUBAY NG AMANG BANAL PINAKAMAMAHAL PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS NATIN.
UNANG MAGAGANAP ANG LITERAL NA PAGHUHUKOM BAGO ANG SANLIBONG TAON … PAGKALIPAS NG SANLIBONG TAON SAKA PA LAMANG ANG ESPIRITUAL NA PAGHUHUKOM.
BAGO MAGANAP ANG LAHAT ANG LAHAT AY NARITO ANG NAIS MAIPAUNAWA
Hindi na magtatagal at magaganap na ang Paglikas. Sapagkat wawakasan na ng ating Amang Banal Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos ang lumalala at sumasamang kalagayan ng daigdig na ito. Inihalintulad sa panahon ni Noe ang pagdating ng Anak ng Tao nangangahulugan lang na maging matalino sa pagpapasya. Sino ang mga mapapalad na makakasamang aakyat sa Banal na Bundok? Yaon lamang dirinig at tutugon sa panawagan ng ating Amang Banal Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos natin sa gagawin Niyang pananawagan at pag-iimbita sa lahat na sumama sa Paglikas! Dadalhin Niya tayo sa Piling Dako sa kabundukan sa loob ng tatlong taon at kalahati habang kasalukuyan winawasak ng ating Pinakamakapangyarihang Panginoong Diyos na Pinakamamahal ang kasalukuyang daigdig na sumama na ng sumama ang kalagayan hanggang malubos ang tatlong taon at kalahati ay sa mga mapahihintulutang makakita at matutunghayan nila ang Banal na Bayan na Bagong Jerusalem na bumababa mula sa Langit. Oo ang mga Piling Hinirang at mga Piling Dayuhan ay magkakasamang sisilong sa napakabanal na dako na itinalaga Niya na paglalagian habang winawasak ng ating Amang Banal na Pinakamakapangyarihan sa lahat ang kasasalukuyang daigdig na nasa napakasama-sama na ng kalalagayan bunga ng pagkakasala ng mga taong lumimot tumalikod na sa paggawa ng kabutihan.
Paano ang mga hindi makakasama sa paglikas na mga mabubuting Iglesia ni Cristo? Yaong ibang mabubuting tao na nasa iba’t-ibang relihiyon? Paano na ang mga nagsisisi ng lubos subalit hindi pinalad na makasama sa Paglikas katulad ng mga naunang mga mababait na mga tao na binanggit? Ano ang mangyayari sa kanila? Lahat-lahat ng maiiwan mabuti man o masama. Iglesia ni Cristo man o hindi man Iglesia ni Cristo basta lahat ng naiwan sa araw ng Paglikas ay pareho nilang sasapitin ang kawasakang darating. Nakalulungkot subalit yaon ang nakatakdang sapitin.
Mababaliwala na ba ang kanilang mga ginawang kabutihan? – Hinding-hindi lilimutin ng ating Amang Banal Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos ang lahat ng kanilang kabutihan. Hindi man sila pinalad na makapanirahan sa loob ng sanlibong taon sa Bagong Daigdig sa Bayang Banal na Bagong Jerusalem dahil hindi pinalad na makasama sa Paglikas Oo, mamatay man sila madamay sa kawasakang darating subalit muli silang bubuhayin sa araw na ng Paghuhukom na magaganap pagkalipas ng sanlibong taon na saka pa lamang igagawad sa kanila ang lahat ng kanilang pinaka-gantimpala na makapanirahan Kapiling ng Amang Banal Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos gayundin makakasama na ang literal na Panginoong Jesu-Cristo na ating Pinakamamahal sa mga araw na yaon doon na sa Pamalagiang Langit na pinatutungkulan.
MGA MAHALAGANG BAHAGI PA NA PAGLILINAW AT PAGPAPAUNAWA
Sanlibong taon? Hindi dapat na humangga lang na mabasa lang ito pagkatapos ay wala na. Napakahalagang mapagtuunan ito ng pansin sapagkat ang kaligtasan ay hindi dapat ipakipagsapalaran. Dapat mapag-aralan ng mga nagsasabing sila ay mga Cristiano lalo na BIBLIA o Banal na Kasulatan din ang batayan sa ginagawang mga pag-aaral sa Espiritual na paglilingkod. Gayundin tinatawagan ng pansin ang mga nasa iba’t-ibang denominasyon pangkatin grupo ng mga relihiyon na naghahangad ng kaligtasan ay napakahalagang mapag-unawa rin nila ito dahil nauugnay ito sa kawasakang darating na di na ipaaantala pa ng Amang Banal Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos sa araw o oras na maibigan Niya. Siya lang ang nakaaalam kung kailan, tanging paunawa lamang na mga palatandaan ang ngayon sa akin ay ibinigay. Sa ibang pangkatin ng relihiyon natatalakay na rin ninyo ito subalit iba sa mga nauunawaan ninyo. Bagama’t napagtutuunan na ninyo ito ng pag-aaral subalit namamalaging hindi ganap na dumarating sa inyo ang pagkaunawa. Sapagkat inililingid pa rin sa iba ng aking Ama na inyong Amang Banal Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos ang lubusang pagkaunawa na napauukol dito. Ito ang aking ipaglilingkod ko sa inyo sa napakabanal na atas ng Aking Ama.
Subalit bago tayo dumako sa pagbibigay linaw at unawa pakibasa mga mahal kong kapatid, mahal kong kaibigan, mahal kong kakilala ang Pahayag 20:1 hanggang 10
Pahayag 20 MB [1] Pagkatapos nito’y nakita ko ang isang anghel na bumababa mula sa langit, hawak ang isang malaking kadena at ang susi ng bangin na walang kasing-lalim. [2] Sinunggaban niya ang dragon, ang matandang ahas na walang iba kundi ang Diyablo o Satanas, at ginapos ito sa loob ng sanlibong taon. [3] Ito’y inihagis ng anghel sa bangin na walang kasing-lalim, saka isinara at tinatakan ang pinto nito upang hindi siya makalabas at makapandaya pa sa mga bansa hangga’t hindi natatapos ang sanlibong taon. Pagkatapos nito’y palalayain siya sa loob ng maikling panahon. [4] At nakakita ako ng mga trono, at ang mga nakaupo doon ay binigyan ng karapatang humatol. Nakita ko rin ang mga kaluluwa ng mga taong pinugutan dahil sa pagpapatotoo tungkol kay Jesus at sa pagpapahayag ng salita ng Diyos. Hindi sila sumamba sa halimaw ni sa larawan nito, ni tumanggap man ng tatak ng halimaw sa kanilang noo o kamay. Binuhay sila upang magharing kasama ni Cristo sa loob ng sanlibong taon. [5] Ito ang unang pagbuhay sa mga patay. Ang iba pang mga patay ay bubuhayin din pagkaraan ng sanlibong taon. [6] Mapalad at lubos na pinagpala ang mga nakasama sa unang pagbuhay sa mga patay. Walang kapangyarihan sa kanila ang pangalawang kamatayan; sila’y magiging mga pari ng Diyos at ni Cristo, at maghahari silang kasama niya sa loob ng sanlibong taon. [7] Pagkatapos ng sanlibong taon ay palalayain si Satanas mula sa kanyang pagkabilanggo. [8] Lalabas siya at dadayain ang mga bansa sa buong mundo, ang Gog at Magog. Titipunin niya ang mga ito at isasama sa pakikipagdigma. Ang hukbong ito ay magiging sindami ng buhangin sa tabing-dagat. [9] Kumalat sila sa buong mundo at pinaligiran ang kampo ng mga hinirang ng Diyos at ang pinakamamahal na lunsod. Ngunit umulan ng apoy mula sa langit at tinupok ang mga kampon ni Satanas. [10] At ang Diyablong nandaya sa kanila ay itinapon sa dagat na apoy at asupre na pinagtapunan din sa halimaw at sa huwad na propeta; magkakasama silang pahihirapan, araw at gabi, magpakailanman.
PAGLALARAWAN SA HINAHARAP NA IPINAUUNAWA NGAYON SA AKIN NG ATING AMANG BANAL PINAKAMAMAHAL PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS SA KANIYANG KAPAHINTULUTAN NA AKING IHANAY SA PAMAMAGITAN NG DIWA NG ATING PINAKAMAMAHAL NA PANGINOONG JESU-CRISTO.
[1] Pagkatapos nito’y nakita ko ang isang anghel na bumababa mula sa langit, hawak ang isang malaking kadena at ang susi ng bangin na walang kasing-lalim. [2] Sinunggaban niya ang dragon, ang matandang ahas na walang iba kundi ang Diyablo o Satanas, at ginapos ito sa loob ng sanlibong taon.
( sa loob ng sanlibong taon gagapusin si satanas )
[3] Ito’y inihagis ng anghel sa bangin na walang kasing-lalim, saka isinara at tinatakan ang pinto nito upang hindi siya makalabas at makapandaya pa sa mga bansa hangga’t hindi natatapos ang sanlibong taon. Pagkatapos nito’y palalayain siya sa loob ng maikling panahon.
(may takdang araw ng ihahagis si satanas ng isang anghel na nakatalaga. Tulad ng ipinauunawa mamamalagi siya doon sa loob ng sanlibong taon. Para ano? Sa gayun di na siya makapandaya sa mga bansa. Mga bansa? Oo mga bansa sapagkat lilipat lamang tayo sa Bagong Daigdig. Kapag naroroon na tayo wala na ang lahat ng naroroon sa kalagayang mahahapis, malulungkot, matatakot, at mamatay. Ang buhay natin sa Bagong Daigdig na may Bagong Langit ay nasa kalagayang binanal na ang bawat isa na naroroon. Ang Bagong Langit na lumulukob sa kaisipan ng lahat ay katulad ng maningning na sikat ng araw sa kaliwanagan na wala ng kapanglawan na darating sa buhay at pamumuhay ng lahat ng naroroon. Kung bakit? Dahil maninirahan kasa-kasama ng mga tao ang Amang Banal Pinakadakilang Panginoong Diyos sa Bagong Daigdig kung saan ang Paghahari ng napahihintulutang kakatawan sa Panginoong Jesu-Cristo na kakatawanin ng Isang Taong Bago na napahintulutan sa pangalang tinatawag na Elias Arkanghel – Jesu-Cristo. )
[4] At nakakita ako ng mga trono, at ang mga nakaupo doon ay binigyan ng karapatang humatol. Nakita ko rin ang mga kaluluwa ng mga taong pinugutan dahil sa pagpapatotoo tungkol kay Jesus at sa pagpapahayag ng salita ng Diyos. Hindi sila sumamba sa halimaw ni sa larawan nito, ni tumanggap man ng tatak ng halimaw sa kanilang noo o kamay. Binuhay sila upang magharing kasama ni Cristo sa loob ng sanlibong taon. [5] Ito ang unang pagbuhay sa mga patay. Ang iba pang mga patay ay bubuhayin din pagkaraan ng sanlibong taon.
(Tulad nga ng naipaunawa may Paghaharing magaganap na sila ang tuwirang pinatutungkulan na mga nakaupo sa Trono na pinagkalooban ng karapatang humatol. Ngunit may higit pang nakatatawag ng pansin yung mga nakita na naroroon! Ano yun? Mga kaluluwa ng mga taong pinugutan na sila ang nagpapatotoo tungkol kay Jesus. Ibig sabihin mga kaluluwang nakasaksi sa mga kaganapan noon at pangyayari noon nang ang literal na Panginoong Jesu-Cristo ay nangabubuhay pa sa Kaniyang kapanahunan. Katunayan hindi nila inabot ang panahon ng mga sumasamba na sa halimaw ni tumanggap ng tatak ng halimaw sa kanilang noo o kamay sapagkat nangamatay na nga sila noon. Bakit natin napagtutuunan ng pansin sa pag-aaral natin sila ngayon? Dahil sila ang mga mapapalad na mga pangunahing bubuhayin upang magharing kasama ng maghahari na Panginoong Jesu-Cristo sa loob ng sanlibong taon. At kung makalipas ng sanlibong taon ay saka pa lamang bubuhayin ang iba pang mga patay, na mga nauna ng namatay sa dating daigdig at ang mga nangamatay na di nakasama sa Paglikas.
[6] Mapalad at lubos na pinagpala ang mga nakasama sa unang pagbuhay sa mga patay. Walang kapangyarihan sa kanila ang pangalawang kamatayan; sila’y magiging mga pari ng Diyos at ni Cristo, at maghahari silang kasama niya sa loob ng sanlibong taon. [7] Pagkatapos ng sanlibong taon ay palalayain si Satanas mula sa kanyang pagkabilanggo. [8] Lalabas siya at dadayain ang mga bansa sa buong mundo, ang Gog at Magog. Titipunin niya ang mga ito at isasama sa pakikipagdigma. Ang hukbong ito ay magiging sindami ng buhangin sa tabing-dagat. [9] Kumalat sila sa buong mundo at pinaligiran ang kampo ng mga hinirang ng Diyos at ang pinakamamahal na lunsod. Ngunit umulan ng apoy mula sa langit at tinupok ang mga kampon ni Satanas. [10] At ang Diyablong nandaya sa kanila ay itinapon sa dagat na apoy at asupre na pinagtapunan din sa halimaw at sa huwad na propeta; magkakasama silang pahihirapan, araw at gabi, magpakailanman.
( Kaya napakapalad ng mga makakasama sa unang pagbuhay sa mga patay. At gaya ng ipinaunawa sila ang mga nakasaksi na nakasama ng literal na Panginoong Jesu-Cristo sa Kaniyang kapanahunan. Wala na ngang magaganap pa na ikamamatay nila. At dahil ibinilang nga sila sa mga nagtagumpay lakip pa silang pagkakalooban ng kanilang mga gampanin sa loob ng sanlibong taon.
Subalit pagkalipas ng sanlibong taon si satanas naman ay palalayain sa kaniyang pagkakabilanggo at sa pagkakataon yaon sa paglabas niya ay dadayain niya ang mga bansa sa buong mundo na ito rin ang Bagong Daigdig. Kung saan naroroon sa Bagong Daigdig ang dalawang Kaharian na ang isa ay Magog na pinaghaharian ni David na muling binuhay na lumakip sa isang Hinirang. At ang Kaharian ng Gog na pinaghaharian naman ng napahintulutan na kumakatawan sa Panginoong Jesu-Cristo na paglalakipan ng Espiritu, Kaluluwa at Damdamin sa katauhan ng isang Piling Hinirang na nakikilala ninyo sa pangalang Elias Arkanghel.
Sa muling paglaya ni satanas ay titipunin niya yung ito na binabanggit ay ang mga isasama niya sa pakikidigma sa mga Hinirang ng ating Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos. Ang hukbo ni satanas na halos sindami ng buhangin sa dagat na kaniyang pinakalat sa buong mundo para kubkubin o paligiran ang kampo ng mga Hinirang na Pinakamamahal na Lunsod ng ating Amang Banal Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos.
Subalit hinding-hindi na papayag na pananaigan pa ng kamatayan ang mga naroroon na naninirahan sa Pinakamamahal na Lunsod ng ating Amang Banal Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos. Kaya magpapaulan Siya ng apoy mula sa Langit upang tupukin ang pagkadami-rami man na kampon ni satanas. Oo si satanas na siya rin ang diablo at halimaw na kasama ang mga huwad na propeta ay itatapon sila sa dagat-dagatang apoy at asupre. Ito na ang PAGHUHUKOM na pinatutungkulan na magaganap pa lamang pagkalipas ng sanlibong taon.
Sa paghuhukom saka pa lamang bubuhayin ang lahat ng mga namatay na iba sa naging kapalaran ng mga tumugon sa Paglikas na hindi na dumanas ng kamatayan kasama ang mga unang pinangakuan na bubuhaying muli na nakasama sa Banal na Bayan na Bagong Jerusalem sa loob ng sanlibong taon.
Mga mahal kong mga kapatid, mga mahal kong kaibigan, mga mahal kong kakilala gawin ninyo lagi na ang pananalangin sa Kaniya. Ipaglambing ninyo sa aking Ama na inyong Amang Banal na Pinakadakilang Panginoong Diyos na kayo ay makatiyak na makasasama sa araw ng Paglikas. Ipanalangin din ninyo na huwag Niya kayong bibitawan sa panahong ito na kayo ay dumaranas ng matitinding pagsubok.
O Ama, O Ama kaawaan mo po sila. Kung batid man nila na napapalayo sila sayo ngayon bunga ng nagagawang kasalanan. Ama huwag Mo na pong hintayin na sa araw pa ng Paglikas ay saka pa lamang dumating sa kanila ang pagkaunawa at pagkakilala sayo. Ama Ama huwag po baka mapagsarhan na sila ng pinto at ikaw ang gagawa nito. Ayaw nila Ama ko na isa sila sa mga kumakatok na di Mo na pagbubuksan pa kapag kinikilala na nila ang Napahihintulutan at itatangging nakikilala sila. Ama… Oh Ama maawa ka po Ama ngayon pa lamang ay isusuko na Nila sa Iyo ang lahat-lahat Ama ko iiwan na nila ang mga kasalanang nagpapalayo sa pakikinig Mo sa mga pagdaing na ginawa nila sa Iyo sa nakaraan. Opo Ama naramdaman nila na di muna sila tinutugon kaya nararanasan na nila ang bigat ang bigat sobrang bigat ng pagdadala ng kanilang buhay at pamumuhay. Ngayon nagugunita nila Ama nahahapis Ka sa pagkakasalang nagawa nila. Opo inakala nila na wala silang pagkukulang na nagagawa kaya nalibang sila nalibang sila Ama. Ngayon parang kinukuyom ang kanilang mga dibdib sa pag-iyak kasi Ama nararamdaman nila wala na silang pagkakataon mapatawad Mo pa. Subalit di pa po huli ang lahat. Opo Ama sa galit Mo pinararanas Mo ang iyong malabis na paghihinakit sa nagawa nila sa Iyo. Hindi Ka nila masisisi Opo Ama nararamdaman nila ang hinanakit at galit Mo. Ngunit hindi sila Ama ko titigil sa pananalangin at pagdaing bago ang takdang Paglikas na gagawin ay maisama Mo po sila sa mapapalad na maisasama pati na ang mga mahal nila sa buhay na aasa sa kaligtasan iniaalok Mo sa lahat ng tapat na makikinig at sasampalatayanan ang panawagan Mo para maligtas. Ito ang damdamin ng inyong Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristong dumadalangin na sa diwa ko ang naghanay ng panalangin.
– Elias Arkanghel – Jesu-Cristo W09042019PT1421
UNANG MAGAGANAP ANG LITERAL NA PAGHUHUKOM BAGO ANG SANLIBONG TAON … PAGKALIPAS NG SANLIBONG TAON SAKA PA LAMANG ANG ESPIRITUAL NA PAGHUHUKOM.