
Bilang 10:6 NPV [6] Sa ikalawang maikling tunog ng trompeta, lalakad naman ang mga nakahimpil sa gawing timog. Ang maikling tunog ay hudyat sa pagpapatuloy ng paglalakbay.
Nagpapatuloy pa tayo sa Paglalakbay…. Kaya bawat hudyat ay pag-usad ….
Oo mga mahal kong kapatid, mga mahal kong kaibigan hindi inuuri ang kasarian ang sinumang napahihintulutan ng Amang Banal na lukuban ng Kaniyang Kapangyarihan upang magsaysay ng napakabanal Niya na Kalooban. Mangungusap Siya kahit na kanino Niya maibigan para maitawid ang mga Mahahalagang Bilin. May pangyayari sa nakaraan na biglang sumatinig ko ang ipinauunawa ng ating Amang Banal na ilang ulit akong pinabangon. Narito ang Banal na Patotoo. Hindi siya magagawang i-edit kaya kung anuman ang nakikita ninyo ay yan ang Patotoo na araw at oras na maipahayag. at ng araw din na yaon ay naganap nga ang isang napakalakas na lindol na yumanig sa parteng Batanes
…
Kaya sa halip na punahin ay piliin ninyo na pakinggan ang mga mahahalagang bilin Niya na marapat na masunod at magawa upang hindi Siya sisihin ng sinuman sa araw na maitakda na Niya na maisagawa ang napakabanal na Paglikas. Naantala lamang dahil sa hindi pa nakahandaang ganap ng lahat kaya minarapat na munang binilinan ako ng Aking Ama na paalalahanan ang lahat, na sinuman o anumang mga damdamin at mga kaisipan na hindi naaangkop ay huwag ng paghariin sa mga puso upang sa araw na Kaniyang maitakda ay walang maiiwan.
I Corinto 14:1-5
[1] Sikapin ninyong makamtan ang pag-ibig, ngunit sikapin din ninyong makamtan ang mga kaloob na espiritwal, lalo na ang pagpapahayag ng mensahe ng Dios. (ito ang lalong higit na dapat makamtan ng lahat ang makapagpahayag ng Mensahe ng Amang Banal Pinakamamahal Pinakadakilang panginoong Diyos)
[2] Ang taong nagsasalita sa ibang wika na hindi niya natutunan ay nakikipag-usap hindi sa tao kundi sa Dios, dahil wala namang nakakaunawa sa kanya. Nagsasalita siya ng mga hiwaga sa tulong ng Banal na Espiritu. (ang nagpapahayag ng Mensahe ng Panginoon ay hindi matututunan sa tao maliban na yung taong napahihintulutan na nagagabayan ng Banal na Espiritu ang magsasanay at makapagtuturo. )
[3] Ngunit ang taong nagpapahayag ng mensahe ng Dios ay nagsasalita sa mga tao upang silaʼy matulungan, mapalago at mapalakas ang loob.
[4] Ang nagsasalita sa ibang wika na hindi niya natutunan ay pinatitibay ang kanyang sarili, ngunit ang nagpapahayag ng mensahe ng Dios ay nagpapatibay sa iglesya.
[5] Gusto ko sanang kayong lahat ay makapagsalita sa ibang wika na hindi natutunan, ngunit mas ninanais kong makapagpahayag kayo ng mensahe ng Dios. Sapagkat ang taong nagpapahayag ng mensahe ng Dios ay mas mahalaga kaysa sa nagsasalita sa ibang wika na hindi natutunan, maliban na lamang kung ipapaliwanag niya ang kahulugan ng kanyang sinasabi upang mapatibay ang iglesya.
I Corinto 14:21-25
[21] Sinasabi ng Panginoon sa Kasulatan, “Magsasalita ako sa mga taong ito sa pamamagitan ng ibaʼt ibang wika at sa pamamagitan ng mga dayuhan, ngunit hindi pa rin sila makikinig sa akin.”
[22] Kaya ang pagsasalita sa ibaʼt ibang wika na hindi natutunan ay isang tanda, hindi para sa mga mananampalataya, kundi para sa mga hindi mananampalataya. Ngunit ang pagpapahayag ng mensahe ng Dios ay para sa mga mananampalataya, hindi sa mga di-mananampalataya.
[23] Kung nagtitipon kayong mga mananampalataya at lahat kayoʼy nagsasalita sa ibaʼt ibang wika na hindi ninyo natutunan, at may dumating na mga di-mananampalataya na hindi alam ang inyong ginagawa, hindi ba nila aakalaing nasisiraan kayo ng bait?
[24]Ngunit kung lahat kayoʼy nagpapahayag ng mensahe ng Dios at may dumating na hindi mananampalataya na hindi alam ang inyong ginagawa, makikilala niyang makasalanan siya, at malalaman niya ang tunay niyang kalagayan.
[25] Maging ang mga lihim ng kanyang puso ay maihahayag, at dahil dito, siyaʼy magpapatirapa sa pagsisisi at sasamba sa Dios, at masasabi niyang ang Dios ay talagang nasa piling ninyo.
SA KAHULI-HULIHAN BILIN NA DAPAT TAGLAYIN
Roma 12:1-20 MB [1] Kaya nga, mga kapatid, alang-alang sa masaganang habag ng Diyos sa atin, ako’y namamanhik sa inyo: ialay ninyo ang inyong sarili bilang handog na buhay, banal at kalugud-lugod sa kanya. Ito ang karapat-dapat na pagsamba ninyo sa Diyos. [2] Huwag kayong umayon sa takbo ng mundong ito. Mag-iba na kayo at magbago ng isip upang mabatid ninyo ang kalooban ng Diyos – kung ano ang mabuti, nakalulugod sa kanya, at talagang ganap. [3] Dahil sa kaloob ng Diyos sa akin, sinasabi ko sa bawat isa sa inyo: huwag ninyong pahalagahan nang higit sa nararapat ang inyong sarili. Sa halip, pakalimiin ninyo ang tunay ninyong katatayuan, ayon sa sukat ng pananampalatayang ipinagkaloob ng Diyos sa bawat isa sa inyo. [4] Ang katawan ay binubuo ng maraming bahagi, at hindi pare-pareho ang gawain ng bawat isa. [5] Gayon din naman,tayo’y marami ngunit nabubuo sa iisang katawan ni Cristo, at isa’t isa’y bahagi ng iba. [6] Yamang mayroon tayong mga kaloob na magkakaiba ayon sa kagandahang-loob ng Diyos sa atin, gamitin natin ang mga kaloob na iyan. Kung paghahayag ng kalooban ng Diyos ang ipinagkaloob sa atin, ipahayag natin ito ayon sa sukat ng ating pananampalataya; [7] kung paglilingkod, maglingkod tayo. Magturo ang tumanggap ng kaloob na pagtuturo [8] at mangaral ang may kaloob na pangangaral. Kung pag-aabuloy, mag-abuloy nang buong kaya; kung pamumuno, mamuno nang buong sikap. Kung nagkakawanggawa, gawin ito nang buong galak. [9] Maging tunay ang inyong pag-ibig. Kasuklaman ninyo ang masama, pakaibigin ang mabuti. [10] Mag-ibigan kayo na parang tunay na magkakapatid. Pahalagahan ninyo ang iba nang higit sa pagpapahalaga nila sa inyo. [11] Magpakasipag kayo at buong pusong maglingkod sa Panginoon. [12] Magalak kayo dahil sa inyong pag-asa. Magtiyaga kayo sa inyong kapighatian, at laging manalangin. [13] Tumulong kayo sa pangangailangan ng mga kapatid. Ibukas ninyong lagi ang inyong pinto sa mga taga-ibang lugar. [14] Idalangin ninyo ang mga umuusig sa inyo – idalanging pagpalain at huwag sumpain. [15] Makigalak kayo sa mga nagagalak, makitangis sa mga tumatangis. [16] Magkaisa kayo ng loobin. Huwag kayong magmataas, kundi makisama sa mga aba. Huwag ninyong ipalagay na kayo’y napakarunong. [17] Huwag ninyong gantihin ng masama ang masama. Sikapin ninyong mamuhay nang marangal sa lahat ng panahon. [18] Hangga’t maaari, makisama kayong mabuti sa lahat ng tao. [19] Mga minamahal, huwag kayong maghiganti; ipaubaya ninyo iyon sa Diyos. Sapagkat nasusulat, “Akin ang paghihiganti, ako ang gaganti, sabi ng Panginoon.” [20] Kaya, “Kung nagugutom ang iyong kaaway, pakanin mo; kung nauuhaw, painumin mo; sa gayon, mapapahiya siya sa kanyang sarili.” [21] Huwag kang padaig sa masama, kundi daigin mo ng mabuti ang masama.