ANG PANUKALA NG DIYOS UKOL SA PAGLITAW NG IGLESIA NI CRISTO DITO SA PILIPINAS (ginawa itong Pahayag na ito ng isang kapatid samantalang nabubuhay pa ang Kapatid na Eraño G. Manalo bilang Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia ni Cristo ) “Sa naghanay ng anim na pahina ang tanong siya ba ay isang Ministro? Ngunit may lubhang napakamahalaga kayong dapat na maunawaan sa kaniyang hinahanap na nasa kalagitnaan ng mga kapatid sa loob ng Iglesia ni Cristo!”
Ang inyong abang lingkod ay muli lamang ilalathala ang naging panulat ng ating mahal na kapatid sa Iglesia na naghanay ng mga pahayag niya na sa kabuuan ay may anim na pahina. Matagal na rin marahil na panahon ng magawa niya ito sapagkat ang Pinakamamahal na Kapatid na Eraño G. Manalo pa ang kasalukuyang Tagapamahalang Pangkalahatan na kaniyang nabanggit sa isang bahagi ng pahina na ating mababasa. Ang kopyang ito ay naipagkaloob sa akin ng isang butihing kapatid hindi ko lamang napagtuunang basahin sapagkat sa iba’t-ibang kaabalahan na rin sa mga ginagawa ko noon na napauukol din sa Banal na Gawain ng IGLESIA NI CRISTO…HINIRANG. Marahil hindi pa nga lamang panahon. Kaya ng ako ay may hinahanap ay saka ko lamang napagtuunang pansin ang mga mahahalagang detalye na napapaloob dito. At ngayon nga napahihintulutan ng malathala at mabasa ng bawa’t isang naghahangad ng higit na Katotohanan na napapaloob sa kaniyang naihanay para malubos ang pagkaunawa sa matagal ng panahon na nalihim at ngayon lamang matutunghayan sa pampublikong pagkakalathala nito gamit ang Blog na ito ng IGLESIA NI CRISTO…HINIRANG na ang mga orihinal na kopya na ating mga sinipi ay nasa bahaging ibaba ng Blog na ito.
Mga mahal naming mga kapatid, mga magulang mga kaibigan hindi pangkaraniwang babasahin ang inyong mga matutunghayan sa panulat ng may akda. Hiwaga sa lahat ng mga Kalooban ng ating Pinakamamahal na Panginoong Diyos na Siya rin ang nagkaloob ng pagkaunawa sa may akda ng panulat na mababasa ninyo na napapaloob sa anim na pahina. Mga mahal naming kapatid kung sino man siya na naghanay ay may kapahintulutan ang ating Amang Banal Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos para sa Hiwagang nais Niya na mapag-alaman na nating lahat. Kaya naman, kayo ay akin din namang hinihikayat na manalangin isangguni sa ating Panginoong Diyos na Pinakamamahal na mabigyan kayo ng sapat na pagkaunawa na pahiramin kayo ng Karunungan para magkaroon ng higit na kabatiran, sa malalim na pag-aaral at pagsasaliksik.
Sumainyo nawa ang pagkaunawa sa udyok ng Banal na Espiritu at magbigay daan lalo ito sa inyo na pag-ibayuhin pa ang mga pag-aaral at pagsasaliksik ng mga ipinapahayag dito sa Blog ng IGLESIA NI CRISTO…HINIRANG dahil lahat ng kaniyang mga itinatanong ang Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos sa pamamagitan ng Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo ay matutugunan ng mga Patotoo na Hiwaga na mababasa sa Banal na Aklat o BIBLIA na hindi gawa ng tao o ng sinuman sapagka’t sinasaklawan ng Kapangyarihang ipinagkaloob para matanyag ang Banal na Gawain Nilang ito na magbibigay Karangalan, Kapurihan, Kadakilaan, Kaluwalhatian sa Kanila, Oo sa ating Amang Banal na Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos sa pamamagitan ng Panginoong Jesu-Cristo na ang Kaniyang Diwa mismo ang lumalakip sa napahihintulutan kaya nakapagpapahayag at nakapaghahanay ng mga pagkaunawa sa mga nakaraan para maipaalaala ng napahihintulutan, sa lahat, mula sa ating Panginoong Jesu-Cristo ang mga paunang Pahayag at mga sinalita Niya noon sa Kaniyang kapanahunan. Oo ito ang mga patuloy na isinasaysay ng Napahihintulutan na inyong kapatid sa pananampalataya na maghahatid sa inyong lahat sa Daan. Oo sa Tanging Daan na ipinagkaloob sa akin ang Mapang hindi maaagaw o makukuha ng sinuman dakong dereksyon na pinahahanda na Kaniyang pinababagtas sa atin sa mga mapapalad na mga Piling Hinirang kasama ang mga Piling Dayuhan para makarating sa Dakong Banal hanggang sa Ang Bagong Banal na Bayang Jerusalem ang lahat ay maihatid sa piling ng ating Amang Banal Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos sa loob ng Sanlibong taon sa panibagong daigdig ay mapalad ang sinoman na sumama na makapaninirahan doon. Pagkatapos ng Sanlibong taon ang mga Hinirang at ang lahat ng naroroon ay magiging sakdal na at saka pa lamang huhudyatan ng ating Panginoong Diyos na bababa mula sa Langit ang Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo na ito ang pinatutungkulan na Araw ng Paghuhukom.
– Elias Arkanghel -Jesu-Cristo 12072019PT1907PM
=========================================================================== ANG PANUKALA NG DIYOS UKOL SA PAGLITAW NG IGLESIA NI CRISTO DITO SA PILIPINAS
Ang paglitaw o pagkakatatag ng Iglesia ni Cristo dito sa bansa natin noong ika-27 ng Hulyo, 1914 ay hindi bunga ng pagkakataon lamang o ng kagustuhan ng sinomang tao. Ang pangyayaring ito ay kaganapan ng panukala ng Ama na muling pagbubukod ng mga kalipunan ng taong magsasagawa ng paglilingkod at pagsamba sa kaniya. Sapagka’t ang unang Iglesia na itinatag ng Panginoong Jesus sa Jerusalem, noong unang siglo ay naitalikod at tuluyang nawala pagkamatay ng mga apostol, kaya dahil dito ay kinasangkapan ng Diyos ang kapatid na Felix Y. Manalo upang muling lumitaw o maitatag ang Iglesia ni Cristo at muling magkaroon ng kaugnayan ang tao sa Diyos. Ang kapatid na Felix Manalo ang kinatuparan ng ibong mandadagit na matutunghayan natin sa Aklat ni Propeta Isaias 46:11 “Na tumatawag ng ibong mangdadagit mula sa silanganan, ng taong gumagawa ng aking payo mula sa malayong lupain; oo, aking sinalita, akin namang papangyayarihin; aking pinanukala, akin namang gagawin.”
Ang tinutukoy na ibong mandadagit ay tao sa kalagayan na gumagawa ng payo ng Diyos. Dito ay dapat nating mapansin na mahalaga ang payo kaya isang taong gumagawa ng payo ang kaniyang tinatawag, sapagka’t bawat panukala ay matatatag sa pamamagitan ng payo (Kawikaan 20:18 -“bawa’t panukala ay natatatag sa pamamagitan ng payo: at sa pamamagitan ng pantas na pamamatnubay ay makikipagdigma ka.“ ) at kung walang payo ay magugulo ang panukala (Kawikaan 15:22 – “ Kung saan walang payo ay nagugulo ang mga panukala: Nguni’t sa karamihan ng mga tagapayo ay nangatatatag).” Dito ay dapat nating maunawaan na upang mauna muna ang payo, sapagka’t kung walang payo ay magugulo o hindi maisasakatuparan ang panukala o plano ng Diyos.
Kaya nga ng maunawaan ng kapatid na Felix Y. Manalo ang ginawang pagtawag sa kaniya ng Diyos ay agad niyang ipinangaral ang kahalagahan ng Iglesia ni Cristo sa buhay ng tao, sapagka’t isa ito sa mga payo na dala – dala niya na ipinaunawa sa kaniya. Kaya nga itinuro niya na kung nais ng tao na magkaroon ng kaugnayan sa Diyos ay kinakailangang siya ay mapabilang na sangkap ng iisang katawan o ng Iglesia na siyang Iglesia ni Cristo
Roma 12:4 – 5 ” Sapagka’t kung paanong sa isang katawan ay mayroong tayong maraming mga sangkap, at ang lahat ng mga sangkap ay hindi pareho ang gawain: ” “Ay gayon din tayo, na marami, ay iisang katawan kay Cristo, at mga sangkap na sama-sama sa isa’t isa. “
Colosas 1:18, 24; “at siya ang ulo ng katawan, samakatuwid baga’y ng Iglesia na siya ang pasimula, ang panganay sa mga patay; upang sa lahat ng mgabagay, ay magkaroon siya ng kadakilaan. “Ngayo’y nagagalak ako sa aking hirap dahil sa inyo, at aking pinupunan sa akin ang kakulangan ng mga hirap ni Cristo sa aking laman dahil sa kaniyang katawan na siyang Iglesia.”
Roma 16:16 “Mangagbatian kayo ng banal na halik. Binabati kayo ng lahat ng mga Iglesia ni Cristo.”
Kaya sa tanggapin man o hindi ng tao ay ito ang katotohanan na ang Iglesia ay lubhang mahalaga, sapagka’t sa pamamagitan lamang ng Iglesia ni Cristo tutuparin ng Ama ang kaniyang mga panukala na nakasulat sa Biblia, sapagka’t ito ang payo na magtatatag sa panukala na kung wala ito ay magugulo ang plano ng Diyos.
Ngunit ano ba ng isa sa mga panukala ng Diyos na kaniyang gagawin, na kinakailangan pa ang Iglesia ni Cristo upang ito ay maisakatuparan? Sa kasunod na talata ng kahalalan ng kapatid na Felix Y. Manalo ay inihayag ang ukol ditto sa Isaias 46:12 – 13 ” Inyong dinggin ako, ninyong may mapagmatigas na loob; na malayo sa katuwiran: ” “Aking inilalapit ang aking katuwiran, hindi maglalaon at ang aking pagliligtas ay hindi magluluwat: at aking ilalagay ang kaligtasan sa Sion na ukol sa Israel na aking kaluwalhatian. “
Samakatuwid ay mahalaga ang Iglesia ni Cristo sapagka’t sa pamamagitan nito ilalapit ng Diyos ang kaniyang katuwiran at hindi maglalaon ay darating ang kaniyang pagliligtas. Ngunit alin ba itong katuwiran na ilalapit ng Diyos sa Iglesia ni Cristo? Sa Aklat ng mga Awit ay mababasa natin ang kasagutan sa 119:172, 142 160 ay ganito ang banggit:
Awit 119
172 – Awitin ng aking dila ang iyong salita; sapagka’t lahat ng mga utos mo ay katwiran.
142 – ang katwiran mo ay walang hanggang katuwiran at ang kautusan mo’y katotohanan.
160 – Ang kabuoan ng iyong salita ay katotohanan; At bawa’t isa ng iyong Matutuwid na kahatulan ay magpakailan man.
Samakatuwid ang katuwiran na ilalapit sa Iglesia ni Cristo ay ang Kabuuan ng mga salita ng Panginoon, ang katotohanan na kinabibilangan ng kaniyang mga kautusan, at ito ay masusumpungan natin sa kaniyang aklat Isaias 34:16 “ Inyong saliksikin sa aklat ng Panginoon, at inyong basahin: kahit isa sa mga ito ay hindi magkukulang, walang mangangailangan ng kaniyang kasama; sapagka’t iniutos ng aking bibig, at pinisan sila ng kaniyang espiritu. “ na siyang banal na kasulatan. Dito ay dapat na maunawaan natin na ang lahat ng mga nakasulat sa Biblia ay ang katuwiran na ilalapit sa Iglesia ni Cristo kaya hindi maaaring mayroon kahit isa na nakasulat na hindi alam ng Iglesia ni Cristo sapagka’t hindi ito ang katuparan ng panukala ng Diyos, sapagkat ayon mismo sa Panginoong Jesus ay kinakailangang matupad ang lahat ng mga bagay na nasusulat, Lucas 24:44 “at sinabi niya sa kanila, ito ang aking mga salitang sinabi ko sa inyo, nang ako’y sumasa inyo pa, na kinakailangang matupad ang lahat ng mga bagay na nangasusulat tungkol sa akin sa kautusan ni Moises, at sa mga propeta, at sa mga awit.” , wala kahit isa na hindi dapat matupad.
Ang pinakamalaking katanungan ngayon para sa ating mga kaanib sa Iglesia ni Cristo ay kung alam na ba natin ang lahat ng mga kautusan ng Diyos, ang kabuuan ng kaniyang mga salita, ang katotohanan, ang lahat ng mga bagay na dapat matupad? Ngayong wala na ang ibong mandadagit sapagkat matagal na siyang pinagpahinga ng Ama dahil naganap na niya Ang kaniyang katungkulan, ang itatag na muli ang Iglesia ni Cristo. Sino ngayon ang dapat nating pakinggan? Sa Aklat ng mga Gawa 3:22 ay ganito ang banggit “Tunay na sinabi ni Moises, Ang Panginoong Dios ay magtitindig sa inyo ng isang propetang gaya ko mula sa gitna ng inyong mga kapatid; siya ang inyong pakinggan sa lahat ng mga bagay na sa inyo’y sasalitain niya.”
Kung gayon ay mayroong Propetang kagaya ni Moises na ititindig o itatayo sa gitna nating magkakapatid o sa gitna ng Iglesia ni Cristo na siya nating dapat na pakinggan sa lahat ng mga bagay na sasalitain niya sa atin.
Bakit siya ang dapat nating pakinggan, ano ba ng ang mga sasalitain niya sa atin? Ganito ang mababasa natin sa Aklat ng Deuteronomio 18:18, 19 “Aking palilitawin sa kanila ang isang propeta sa gitna ng kanilang kapatid, na gaya mo; at aking ilalagay ang aking mga salita sa bibig niya, at kaniyang sasalitain sa kanila ang lahat ng aking inutos sa kaniya.” “ At mangyayari, ang sinomang hindi makikinig sa aking mga salita na kaniyang sasalitain sa aking pangalan, ay aking sisiyasatin yaon sa kaniya..”
Ayon mismo sa Panginoong Diyos, ay ilalagay niya ang kaniyang mga salita sa bibig ng Propetang ititindig niya sa gitna ng Iglesia ni Cristo, upang siyang magsalita ng lahat ng kaniyang mga salita at kautusan sa atin, ito ang katuparan ng kaniyang panukala na paglalapit ng katwiran, sapagkat nasa Propetang ito ang katwiran na ilalapit sa atin. Kaya nga kung nais nating malaman at maunawaan ang mga katwiran ng Diyos ay hindi natin maiiwasan na hanapin at alamin kung sino itong Propetang itinindig sa gitna nating magkakapatid. Ito ang tunay na dahilan kaya kinasangkapan ng Diyos ang kapatid na Felix Y. Manalo, upang maitatag ang Iglesia ni Cristo, sapagkat sa gitna nito magmumula o ititindig ang Propetang kagaya ni Moises. Kung wala ang Iglesia ni Cristo ay hindi matutupad ang panukalang ito ng Diyos, sapagka’t walang panggagalingan ito, kaya nga ang banggit ay, kung walang payo ay magugulo ang panukala (Kawikaan 15:22)
Marami ang naniniwala at nagsasabi na ang Panginoong Jesus ang kinatuparan ng hulang ito, subalit nakatitiyak tayong hindi maaaring siya ang tinutukoy dito sapagka’t una ay wala pang Iglesia ni Cristo ng isugo siya at siya pa nga ang nagtatag ng Iglesia ni Cristo at ikalawa ay siya ang pinuksa (pinatay) ng mga hudyong ayaw makinig sa kaniya gayong ang nakasulat sa Gawa 3:23 “At mangyayari, na ang bawat kaluluwa na hindi makinig sa Propetang yaon ay pupuksaing lubos mula sa gitna ng bayan.” Salungat ito sa naganap sa buhay ng Panginoong Jesus kaya nakatitiyak tayo na hindi siya ang kinatuparan ng Propetang gaya ni Moises.
Ito ngayon ang dapat nating alamin, sino ba ang Propetang ito at ano pa ang kaniyang gampanin? Ganito ang kasagutan sa Lucas 1:76,77 “Oo at ikaw, sanggol, tatawagin kang Propeta ng Kataas-taasan; sapagka’t magpapauna ka sa unahan ng mukha ng Panginoon, upang ihanda ang kaniyang mga daan.” “Upang maipakilala ang kaligtasan sa kaniyang bayan, sa pagkapatawad ng kanilang mga kasalanan.”
Samakatuwid ay ito rin ang magpapakilala ng kaligtasan sa bayan o sa Iglesia ni Cristo, sa pamamagitan ng paghahanda ng daan ng Panginoon (Awit 67:2) “ upang ang iyong daan ay maalaman sa lupa, ang iyong pangligtas na kagalingan sa lahat ng mga bansa.” Alin itong daan na ipinakilala niya ang pangligtas sa mga bansa? Ganito ang sagot ni Haring Nabucodonosor sa Aklat ni Propeta Daniel sa 4:37 “Ngayon akong si Nabucodonosor ay pumupuri, at nagbubunyi, at nagpaparangal sa Hari ng langit; sapagka’t ang lahat niyang gawa ay katotohanan, at ang kaniyang mga daan ay kahatulan, at yaong nagsisilakad sa kapalaluan ay kaniyang mapabababa.”
Ngayon, paano ipaghahanda nitong Propeta ng Kataas – taasan ang Panginoon ng daan na siyang kahatulan? Lucas 1:17 At siya’y lalakad sa unahan ng kaniyang mukha na may espiritu at kapangyarihan ni Elias, upang papagbaliking-loob ang mga puso ng mga ama sa mga anak, at ang mga suwail ay magsilakad sa karunungan ng mga matuwid, upang ipaglaan ang Panginoon ng isang bayang nahahanda.
Marami ang nagkamali ng kanilang patotohanan na si Juan Bautista ang tinutukoy na Propeta ng Kataas-taasan na magtataglay ng Espiritu at kapangyarihan ni Elias, sapagka’ hindi gayon ang patotoo mismo ni Juan Bautista sa kaniyang sarili. “At ito ang patotoo ni Juan, nang suguin sa kaniya ng mga Judio mula sa Jerusalem ang mga saserdote at mga Levita upang sa kaniya’y itanong, Sino ka baga? At kaniyang ipinahayag, at hindi ikinaila; at kaniyang ipinahayag, Hindi ako ang Cristo.” “ At sa kaniya’y kanilang itinanong, Kung gayo’y ano nga? Ikaw baga’y si Elias? At sinabi niya, Hindi ako. Ikaw baga ang propeta? At siya’y sumagot, Hindi. Juan (1:19-21)
Marami ang hindi nakaaalam nito at nabibilang tayo sa mga ito, subalit ngayon ay unti – unti nating nauunawaan ang mga katotohanan, Sapagka’t naitindig na ang propetang magsasaysay sa atin ng mga katotohanan at kalooban ng Diyos.
Ngunit, papaano ba ipakikilala ng propetang ito ang daan ng Panginoon ang kahatulan na siyang kaligtasan ng bayan? Ganito ang pahayag ng Panginoon kay Propeta Isaias sa 42:1 “Narito, ang aking lingkod, na aking inaalalayan; ang aking hinirang, na kinalulugdan ng aking kaluluwa; isinasakaniya ko ang aking Espiritu; siya’y maglalapat ng kahatulan sa mga bansa“
Ito ang lalong nagpapatunay na hindi si Juan Bautista ang tinutukoy na Propetang maghahanda ng daan ng Panginoon at magpapakilala ng kahatulan, sapagka’t kailan man ay hindi niya nagawa ang paglalapat ng kahatulan sa mga bansa na siyang pangunahing gampanin ng Propetang ititindig sa gitna ng Iglesia ni Cristo, ang lingkod na hinirang ang magtataglay ng Espiritu ng Panginoon, kung gayon ay sino ito, papaano ba siya ipinakilala ng Panginoong Jesus? Juan 5:27, 22 “At binigyan niya siya ng kapamahalaang makahatol, sapagka’t siya’y anak ng tao” ”Sapagka’t ang Ama’y hindi humahatol sa kanino mang tao, kundi ipinagkaloob niya sa Anak ang buong paghatol;”
Hindi ba’t ang kaniyang sarili ang tinutukoy ng Panginoong Jesus sa pagtuturo niyang ito? Ano ba ng paglilinaw niya ukol dito? Malinaw ang pahayag at pagtuturo ng Panginoong Jesus na hindi siya naparito upang humatol, kundi mayroon siyang itinuturong isang hahatol sa huling araw, ang salitang kaniyang sinalita, ang Anak ng tao na kinakailangang maitaas muna, bago natin makilala na ang Panginoong Jesus nga ang Cristo (Juan 8:28 “ Sinabi nga ni Jesus, kung maitaas na ninyo ang Anak ng tao, saka ninyo makikilala na ako nga ang Cristo, at wala akong ginagawa sa aking sarili, kundi sinalita ko ang mga bagay na ito, ayon sa itinuro sa akin ng Ama. ” )
Napakalinaw ng mga katotohanang ito subalit nakapagtatakang hindi ito nauunawaan ng marami, at ang higit na nakalulungkot ay hindi ito naituro ng kapatid na Felix Y. Manalo at maging ng tagapamahala (Eraño G. Manalo) ito ay sa kadahilanang ang pahayag na ito ay hiwaga na natago sa katahimikan ng panahong walang hanggan na ngayon lang nahayag (Roma 16:25,26) ” At ngayon sa kaniya na makapangyarihan na sa inyo’y makapagpapatibay ayon sa aking evangelio at sa pangangaral ni Jesucristo, ayon sa pahayag ng hiwaga na natago sa katahimikan nang panahong walang hanggan.” ”Datapuwa’t nahayag na ngayon, at sa pamamagitan ng mga kasulatan ng mga propeta, ayon sa ipinagutos ng Diyos na walang hanggan, ay ipinakilala sa lahat ng mga bansa upang magsitalima sa pananampalataya ” , sapagkat naisugo na ang Leon sa angkan ng Juda na nagtagumpay na makapagbubukas ng Aklat (Biblia) at ng 7 tatak nito
(Apocalipsis 5: 1-5) ” At nakita ko sa kanang kamay niya’ong nakaupo sa luklukan ang isang aklat na may sulat sa loob at sa labas, na tinatakang mahigpit ng pitong tatak.” ” At nakakita ako ng isang malakas na anghel na nagtatanyag ng malakas na tinig, Sinong karapatdapat magbukas ng aklat, at magtanggal ng mga tatak nito?” “At sinoman sa langit, o sa ibabaw man ng lupa, o sa ilalim man ng lupa, ay hindi makapagbukas ng aklat, o makatingin man.” “At ako’y umiyak na mainam, sapagka’t hindi nakasumpong ng sinomang marapat magbukas ng aklat, o makatingin man: “At sinabi sa akin ng isa sa matatanda, Huwag kang umiyak; narito, ang Leon sa angkan ni Juda, ang Ugat ni David, ay nagtagumpay upang magbukas ng aklat at ng pitong tatak nito., ito rin ang Anak ng tao na hahatol, ang Propetang magsasalita ng mga kautusan at katotohanan na siyang mga salita ng Panginoon na nakasulat sa Banal na Kasulatan.
Kaya hindi tayo dapat na malungkot kung hindi man naituro ng kapatid na Felix Y. Manalo at ng tagapamahala ang ukol dito, sapagka’t hindi sila ang nakapanukalang magsasagawa nito. Dapat nga tayong magpasalamat, sapagka’t ngayon ay malulubos na ang ating pagkaunawa sa mga kalooban ng Diyos at ngayon higit kailanman ay malalaman at darating, sapagka’t magugulat tayo sa mga nakatakdang panukala ng Diyos na magaganap dito sa ating panahon na pawang nakasulat lahat sa Biblia.