PAGKAUNAWA SA HIWAGA Blg 0001: PAGLALAPIT NG BANAL NA KATWIRAN SA PAMAMAGITAN NG IGLESIA NI CRISTO… ANONG HIWAGA NA MAY PATOTOO KAYONG MAPAG-UUNAWA SA MGA BAGONG PAHAYAG SA BAWAT SINIPING TALATA NA HINDI PA NAITUTURO AT HINDI PA DUMATING SA INYONG SARILING UNAWA? ANG KABUUAN NG ISANG PAHINA LUCAS 8:1-56 ANG BIBIGYANG DAAN NA MAIPAUUNAWANG GANAP SA LAHAT NG HINIRANG SA LOOB AT LABAS NG IGLESIA NI CRISTO. INYO NAWANG SUBAYBAYAN ARAW-ARAW. – Elias Arkanghel – Jesu-Cristo
Salamat po Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos sa pamamagitan ng aming Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo muli Mo po kaming hahatiran ng mga Karunungan na nakasulat at nababasa sa Banal na Kasulatan o BIBLIA, mga Katotohanan sa udyok ng Banal na Espiritung isinusugo Mo po sa diwa ng Iyo pong napahihintulutan na si Elias Arkanghel- Jesu-Cristo ay muling makapaghahanay ng Banal Niyo po na mga Pahayag na marapat mapag-unawa ng lahat sa ikatitibay ng pag-asa at sa ikatatatag ng pananampalataya ng mga Hinirang para maibahagi din naman nila na maipagmalasakit din naman sa iba sa ikauunawa din naman nila, sa ikalalakas ng kanilang espiritu sa Espiritual na paglilingkod para sa Iyo pong Kapurihan, Karangalan at Kaluwalhatiaan sa pamamagitan ng Iyo pong Pinakamamahal na Anak na Siya po naming Panginoong Jesu-Cristo.
Mga mahal kong kapatid, mga mahal naming magulang at mga mahal naming mga kaibigan. ang kabuuang pahinang ito ng aklat ng Lucas 8 mga talatang 1 hanggang 56 ang araw na ito pasisimulan pa lang natin sa pagbungad na Paghahanay ng Pahayag at sa mga susunod na araw ay iisa-isahin ng maipaunawa. Kaya ang mga mababasa ninyo at mauunawaan ay napapaloob pa lamang sa PAMBUNGAD NA PAHAYAG.
PAMBUNGAD NA PAHAYAG
Sa yugto ng ating panahon, ang mga talinhagang pag-aaralan natin ngayon ay patuloy na ipauunawa ng ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo at kung saan ito nauugnay sa kaukulan ng ating paglilingkod ngayon sa loob ng Iglesia ni Cristo. Ang lahat ng mga pangyayari noon sa Kaniyang kapanahunan ay sumasalamin sa magaganap sa hinaharap (ngayon) na magagamit para sa pagwawangis sa ikatututo nang sa gayun makapagbibigay ng patotoo sa lahat ng nangasusulat sa Banal na Aklat o BIBLIA patungkol sa Kaniya na ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo. Dahil diyan malulubos ang inyong pagkaunawa na Siya nga ay kasa-kasama na natin sa huling yugto ng panahong ito na umaagapay ang Kaniyang Espiritu na isinugo ng ating Amang Banal Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos sa pangalan din Niya na Jesu-Cristo. Subalit hindi niyo nga lamang sinasampalatayan dahil hindi niyo nga Siya ganap na kinikilala kaya hindi ninyo nagagawang lubos na makasunod sa lahat ng Kaniyang ipinag-uutos. Muli Siyang naririto, Oo para ilapit ang mga Banal na Katwiran ng ating Amang Banal na sumasabibig sa Kanilang Piling Hinirang na napahihintulutan, na walang alam, hindi nakapagtapos sa pag-aaral, walang anumang aral na nauugnay sa kabatiran sa Ministerio ng Iglesia ni Cristo na nasa Tanggapan ng Central lunsod ng Quezon City Pilipinas, na nangangahulugan o sa madaling salita hindi siya ministro hindi rin manggagawa, simple lamang, nasa hamak at aba pa nga na kalagayan.
Efeso 2: 15-16 [15] Na inalis ang pagkakaalit sa pamamagitan ng kaniyang laman, kahit kautusan na may mga batas at ang palatuntunan; upang sa dalawa ay lalangin sa kaniyang sarili ang isang taong bago, sa ganito’y ginagawa ang kapayapaan; [16] At upang papagkasunduin silang dalawa sa isang katawan sa Dios sa namamagitan ng krus, na sa kaniya’y pinatay ang pagkakaalit.
Subalit siya ang mapalad na pinaging dapat lamang ang Elias Arkanghel na taong may nagawang pagkakasala o pagkukulang kung ikukumpara sa Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo na hindi nasumpungan sa anumang pagkakasala na nasa kalagayang napakabanal subalit ginawa ito alang-alang sa Kapayapaan kahit may kautusan o may batas at mga palatuntunang banal ay pinagkasundo silang dalawa sa isang katawan sa Dios. Kaya hindi na sila nabibilang sa dalawa ngayon kundi iisa sa Katawan. Si Elias Arkanghel ang Katiwalang Bantay na nagtataglay ng Banal na Espiritu na may hawak ng susi sa Pintuang Daan ng Kaligtasan para ang Kawan ay lubos na mapangalagaan kaya siya ang tuwirang tumatanggap ng bilin na banal. Kaya nang lalangin ng ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo sa Kaniyang sarili na isang Taong Bago ang Elias Arkanghel ay pinasagana Niya sa Karunungan at Katalinuhan sa Espiritual na mga kaalaman, ang Elias Arkanghel-Jesu-Cristo, na Kanilang napahihintulutan ang Piling Hinirang na tanging makapagpapaunawa sa lahat ng mga Katotohanan na nakalihim pa sa Hiwaga para maipakilala sa lahat ang Kaniyang Dakilang Kalooban, ayon sa Kaniyang minagaling na ipinasiya Niya sa Kaniya rin na lumakip ang Kaniyang Diwa sa kumakatawan sa Kaniya para sa ikalulubos na maisakatuparan na maipaalaala ang lahat ng mga Pauna Niyang Pahayag noon, sa Kaniyang kapanahunan, na nauugnay din sa mga Paunang Pahayag o Propesiya sa kapanahunan ng mga Propetang Hinirang noon na ito ang kinakailangan mangyaring lahat na maihahanay sa Pahayag ng inyong kakapatid sa Iglesia ni Cristo na tinatawag ninyo na Elias Arkanghel na isinunod ang Pangalang Jesu-Cristo na pagkakakilanlan sa Dalawang Tao na pinaging isa sa Katawan para maparangalan, mapadakila, mapaluwalhati ang ating Amang Banal Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos na Siyang may Panukala ng lahat ng ito.
Lucas 8 MB [1] Hindi nalaunan, nilibot ni Jesus ang mga bayan at nayon. Nangangaral siya at nagtuturo ng Mabuting Balita tungkol sa paghahari ng Diyos. Kasama niya ang Labindalawa, [2] at ilang babaing pinagaling niya sa masasamang espiritu at mga karamdaman: si Maria na tinatawag na Magdalena (mula sa kanya’y pitong demonyo ang pinalayas); [3] si Juanang asawa ni Cusa na katiwala ni Herodes; si Susana at marami pang iba. Ang ari-arian nila ang itinustos nila sa pangangailangan ni Jesus at ng kanyang mga alagad. [4] Dating at dating ang mga taong nanggagaling sa mga bayan-bayan at lumalapit kay Jesus. Nang natitipon na ang napakaraming tao, isinalaysay niya ang talinghagang ito: [5] May isang taong lumabas para maghasik ng binhi. Sa kanyang paghahasik, may binhing nalaglag sa daan at nayapakan, at ang mga ito’y tinuka ng mga ibon. [6] May nalaglag sa kabatuhan, at pagtubo ay natuyo dahil sa kawalan ng halumigmig. [7] May nalaglag naman sa dawagan. Lumago ang dawag at ininis ang mga binhing tumubo. [8] Ang iba’y nalaglag sa matabang lupa, tumubo at namunga ng tig-100 butil.” At malakas niyang idinugtong, “Makinig ang may pandinig!” [9] Itinanong ng mga alagad kung ano ang kahulugan ng talinghagang ito. [10] Sumagot si Jesus, “Sa inyo’y ipinagkaloob na malaman ang mga lihim tungkol sa paghahari ng Diyos, ngunit sa iba’y sa pamamagitan ng mga talinghaga, upang: ‘Tumingin man sila’y hindi makakita; At makinig man sila’y di makaunawa.'” [11] Ito ang kahulugan ng talinghaga: ang binhi ay ang salita ng Diyos. [12] Ang mga binhing nalaglag sa tabi ng daan ay ang mga nakinig, ngunit dumating ang diyablo at inalis sa kanilang puso ang salita upang hindi sila manalig at maligtas. [13] Ang mga nalaglag sa kabatuhan ay ang mga nakinig ng salita at tumanggap nito nang may galak, ngunit hindi ito tumimo sa kanilang puso. Naniwala silang sandali, subalit sa panahon ng pagsubok ay tumitiwalag agad. [14] Ang mga nahasik naman sa dawagan ay ang mga nakinig ngunit nang malaon ay nadaig ng mga alalahanin sa buhay at ng pagkahumaling sa kayamanan at kalayawan, kaya’t hindi nahinog ang kanilang mga bunga. [15] Ang mga nahasik naman sa matabang lupa’y ang mga nakinig ng salita. Iniingatan nila ito sa kanilang pusong tapat at malinis at sila’y nagtitiyaga hanggang sa mamunga.” [16] Walang taong nagsisindi ng ilaw at pagkatapos ay tatakluban ng banga o ilalagay kaya sa ilalim ng higaan. Sa halip, inilalagay ito sa talagang patungan upang makita ng mga pumapasok ang liwanag. [17] Walang natatago na di malalantad, at walang lihim na di malalaman at mabubunyag. [18] Kaya pagbutihin ninyo ang inyong pakikinig; sapagkat ang mayroon ay bibigyan pa, ngunit ang wala ay aalisan pati ng inaakala niyang nasa kanya. [19] Dumating ang ina at mga kapatid ni Jesus, ngunit hindi sila makalapit dahil sa dami ng tao. [20] May nagsabi sa kanya, “Nasa labas po ang inyong ina at mga kapatid; ibig nilang makipagkita sa inyo.” [21] Ngunit sinabi ni Jesus, “Ang mga nakikinig ng salita ng Diyos at tumutupad nito ang siya kong ina at mga kapatid.” [22] Isang araw, si Jesus ay sumakay sa bangka, kasama ang kanyang mga alagad. Sinabi niya sa kanila, “Tumawid tayo sa ibayo.” At gayon nga ang ginawa nila. [23] Nang sila’y naglalayag na, nakatulog si Jesus. Bumugso ang isang malakas na unos at ang bangka ay pinasok ng maraming tubig kaya’t nalagay sila sa panganib. [24] Nilapitan siya at ginising ng mga alagad. “Guro, Guro, lulubog na po tayo!” sabi nila. Bumangon si Jesus, at sinaway ang hangin at ang nagngangalit na mga alon, at tumahimik ang mga ito. Bumuti ang panahon. [25] Tinanong niya sila, “Nasaan ang inyong pananalig?” Ngunit sila’y natakot at namangha, at ang sabi sa isa’t isa, “Sino kaya ito? Inuutusan niya pati ang hangin at ang dagat, at sinusunod naman siya ng mga ito!” [26] Sumadsad sila sa lupain ng mga Gergeseno, katapat ng Galilea. [27] Paglunsad ni Jesus, siya’y sinalubong ng isang lalaking tagaroon. Ito’y inaalihan ng demonyo, kaya’t matagal nang hindi nagsusuot ng damit at sa libingan na tumitira. [28] Pagkakita kay Jesus, sumigaw ang lalaki, nagpatirapa sa kanyang harapan at malakas na nagsabi, “Jesus, Anak ng Kataas-taasang Diyos, ano ang pakialam mo sa akin? Nakikiusap ako sa iyo, huwag mo akong pahirapan!” [29] Sinabi niya ito sapagkat ang masamang espiritu’y inutusan ni Jesus na lumabas sa taong iyon. (Madalas siyang alihan nito; at kahit na bantayan ipangaw, at gapusin ng mga tanikala, pinapatid niya ang mga ito, at siya’y itinataboy ng demonyo sa ilang.) [30] Tinanong siya ni Jesus, “Ano ang pangalan mo?” “Lehiyon,” tugon niya, sapagkat marami ang demonyong pumasok sa kanya. [31] At nagmakaawa sila kay Jesus na huwag silang utusang tumalon sa kalalimang walang hangganan. [32] May malaking kawan ng baboy na nanginginain sa burol na malapit doon. Nakiusap kay Jesus ang mga demonyo na papasukin sila sa mga iyon, at pinahintulutan naman sila. [33] Lumabas sa tao ang mga demonyo at pumasok sa mga baboy. Ang kawan ay biglang sumibad ng takbo at tuluy-tuloy na nahulog sa lawa at nalunod. [34] Nang makita ng mga tagapag-alaga ang nangyari, tumakas sila at ipinamalita ito sa bayan at sa mga nayon. [35] Lumabas ang mga tao upang tingnan ang nangyari. Pagdating nila kay Jesus, nakita nila ang taong inalihan ng mga demonyo. Nakaupo ito sa paanan ni Jesus, nakadamit at matino na ang isip. At sila’y lubhang natakot. [36] Isinalaysay naman sa kanila ng mga nakakita kung paano gumaling ang inalihan ng mga demonyo. [37] Ang mga Gergeseno’y nakiusap kay Jesus na umalis sa kanilang lupain, sapagkat takot na takot sila. Kaya’t lumulan siya sa bangka at umalis. [38] (Nakiusap ang taong inalisan ng mga demonyo na siya’y isama, ngunit pinauwi siya ni Jesus. [39] Umuwi ka na sa inyo, ani Jesus, “at ipahayag mo ang dakilang bagay na ginawa sa iyo ng Diyos.” Umuwi nga ang lalaki at ipinamalita sa buong bayan ang ginawa sa kanya ni Jesus.) [40] Pagbabalik ni Jesus sa ibayo ng lawa, masaya siyang tinanggap ng mga tao sapagkat hinihintay siya ng lahat. [41] Dumating naman ang isang lalaki na nagngangalang Jairo, tagapamahala ng sinagoga. Nagpatirapa siya sa paanan ni Jesus at nakiusap ditong pumunta sa bahay niya, [42] sapagkat ang kaisa-isa niyang anak na babae na maglalabindalawang taong gulang ay naghihingalo. Samantalang naglalakad si Jesus, sinisiksik siya ng mga tao. [43] Kabilang sa mga ito ang isang babaing labindalawang taon nang dinudugo at hindi mapagaling ninuman. [Naubos nang lahat sa kapapagamot ang kanyang kabuhayan. [44] Lumapit siya sa likuran ni Jesus at humipo sa palawit ng kanyang damit; at pagdaka’y tumigil ang kanyang pagdugo. [45] Nagtanong ngayon si Jesus, “Sino ang humipo sa akin?” Nang walang umamin, sinabi ni Pedro, “Guro, naliligid po kayo at sinisiksik ng mga tao!” [46] Ngunit sinabi ni Jesus, “May humipo sa akin! Naramdaman kong may bisang lumabas sa akin.” [47] Nang malaman ng babae na hindi pala nalingid ang kanyang ginawa, siya’y nanginginig na lumapit at nagpatirapa sa paanan ni Jesus. Pagkatapos, sinabi niya sa lahat ng naroon kung bakit niya hinipo si Jesus, at kung paano siya gumaling agad. [48] Sinabi sa kanya ni Jesus, “Anak, pinagaling ka ng iyong pananalig sa akin. Umuwi ka na’t ipanatag mo ang iyong kalooban.” [49] Samantalang nagsasalita si Jesus, dumating ang isang lalaking galing sa bahay ng tagapamahala. “Patay na po ang inyong anak!” sabi niya kay Jairo. “Huwag na ninyong abalahin pa ang Guro.” [50] Nang marinig naman ito ni Jesus, sinabi niya kay Jairo, “Huwag kang matakot. Manalig ka’t di siya maaano.” [51] Pagdating ni Jesus sa bahay, wala siyang isinama sa loob kundi sina Pedro, Juan at Santiago, at ang ama’t ina ng dalagita. [52] Nananaghoy ang lahat ng naroon at tinatangisan ang patay. Ngunit sinabi ni Jesus, “Huwag kayong tumangis. Hindi patay iyan; natutulog lamang.” [53] Siya’y pinagtawanan nila sapagkat alam nilang patay na ang dalagita. [54] Ngunit hinawakan ni Jesus ang kamay nito at sinabi, “Ineng, bumangon ka.” [55] Nagbalik ang kanyang hininga, at siya’y bumangon. At pinabigyan agad ni Jesus ng pagkain ang dalagita. [56] Nanggilalas ang mga magulang nito, ngunit pinagbilinan sila ni Jesus na huwag sabihin kaninuman ang nangyari.
Mga mahal kong kapatid, mga mahal naming magulang at mga mahal naming mga kaibigan. Nawa paki-subaybayan ninyo araw-araw ang mga kamangha-manghang Katotohanan na napapaloob sa bawat Pagpapaunawa na ihahayag sa bawat araw upang magbukas sa inyong mga kamalayan sa Hiwagang napapaloob sa mga Katotohanan na nakasulat sa Banal na Aklat o BIBLIA na nalihim sa mahabang panahon.
– Elias Arkanghel – Jesu-Cristo TH12122019PT1907