PAGPAPAUNAWA LETRA POR LETRA SA KABUUAN NG ISANG PAHINA ISAIAS 62:1-12 KILALANIN ANG SION AT ANG ANAK NA BABAE NG SION KILALANIN… SINO ANG TALAGANG BANTAY PINTUAN NA PINATUTUNGKULAN SA MGA TALATANG TINALAKAY SA PAGSAMBA NITO LAMANG MIERKULES AT HUWEBES?
May napakalaking dahilan kung bakit hindi ako pinatitigil ng ating Amang Banal Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos sa paghahanay ng mga Bagong Pahayag na napauukol sa Sion o Iglesia ni Cristo na derektang ipinatutungkol sa Jerusalem o CENTRAL
Isaias 62:1- 1 Dahil sa Sion ay hindi ako tatahimik, at dahil sa Jerusalem ay hindi ako magpapahinga, hanggang sa ang kaniyang katuwiran ay lumitaw na parang ningning, at ang kaniyang kaligtasan ay parang ilawan na nagniningas.
Mahal naming kapatid na Eduardo V. Manalo, ikaw na kasalukuyang Tagapamahala ng Iglesia ni Cristo (Sion). Para sa ikauunawa ninyo … ang Panginoong Diyos ang tuwirang nag-aatas sa amin na kayo na nasa CENTRAL (Jerusalem) ay patuloy lang namin na pagmalasakitan na paalalahanan. Kaya naman, ibig Niya na magpatuloy lang kami mga mahal naming mga kapatid sa pagsusumikap na mailapit sa inyo ang Kaniyang Banal na Katwiran na itinataguyod ng Banal na Gawain na ipinagkatiwala sa amin. Kaya halos di kami tumitigil (di magpapahinga) hangga’t ang Banal na Katwiran ng ating Amang Banal Pinakadakilang Panginoong Diyos ay magliwanag o ganap na maunawaan ninyong lahat. Hanggang ang kaningningan ng Katotohanan na Siya Niyang Banal na Katwiran ay maging maningas o maging malinaw sa inyong lahat. Kaya bilang mga Katiwala sa Hiwaga kami ang Kaniyang inaasahan na magtawid ng “Mga Bagong Pahayag” (Katwiran na lilitaw) na nagpapaunawa ng mga pamamaraan ng pagliligtas na Kaniyang gagawin na nauugnay sa nakatakdang Paglikas (Kaligtasan) na magaganap sa mga Huling Araw na ito kaya naman nagpapatuloy na maipagmalasakit na maipabatid sa inyo ang mga mahahalagang Mensahe na magbibigay daan para kayo ay patuloy Niya na tawagan ng pansin habang naririto pa ang lahat sa daigdig na ito.
4 Hindi ka na tatawagin pang Pinabayaan; hindi na rin tatawagin pa ang iyong lupain na Giba: kundi ikaw ay tatawaging Hephzi-bah, at ang iyong lupain ay Beulah: sapagka’t ang Panginoon ay nalulugod sa iyo, at ang iyong lupain ay tatangkilikin.
Inakala ng iba na ang lupain o dako ng pag-asa ng mga lingkod ay pinabayaan na ng ating Amang Banal. Lalo na ang Sentrong Dako ang CENTRAL (lupain) ay nalantad na may kasiraan (Giba) dahil sa iba”t-ibang mga napaulat na pangyayari na napabalita sa mga pahayagan, radyo, telebisyon at maging sa social media. Ang mga naganap na digmaan sa nakaraan sa pagitan natin, ang lahat ng yaon ay napahintulutan Niya dahil bahagi ng Propesiya o Paunang Pahayag. Ngunit ibig kong ipaunawa sa inyo mga mahal kong kapatid darating ang takdang araw ang lupain o dako na kinaroroonan ng CENTRAL ay kusa ninyong iiwan at lilisanin sa atas ng Pinakamamahal na Panginoong Diyos natin. Sapagkat hindi Niya mapahihintulutan na ang Sentrong Dako o CENTRAL ay nasa paligid gamit ang Saint John, Saint Joseph, Saint Peter mga pangalan ng santo na kaibayo sa ating pagkaunawa kaya naganap ang espiritual na pakikiapid dahil sa mahabang panahon ay nagpaubaya kayo na sumilong sa mga pangalang nabanggit. Kaya may nakagayak na, may itinatangi na Siyang lupain para sa mga Hinirang (Hephzi-bah o ang Aking Kasiyahan ay nasa kaniya at Beulah) ang lupaing ipinapangako Niya para sa mga tapat na Hinirang na kumilala sa Banal Niyang Gawain na itinataguyod ng Kaniyang mga Piling Hinirang na sa kanila ipinagkakaloob ang Pangakong Banal na Bayan ang Bagong Jerusalem na ibig din naman Niyang lahat ay mangaligtas na makapanirahang sama-sama ang lahat ng mga Piling Hinirang na mga Iglesia ni Cristo at di mga kapananampalataya na tinatawag Niyang mga Piling Dayuhan na makapaninirahan doon ng naayon sa Banal Niyang Kalooban. .
5 Sapagka’t kung paanong ang binata ay nakikipagtipan sa dalaga, gayon nakikipagtipan ang iyong mga anak na lalake sa iyo; at kung paanong ang kasintahang lalake ay nagagalak sa kasintahang babae, gayon magagalak ang Dios sa iyo.
Mga mahal kong kapatid, mga mahal naming mga magulang naaaliw, nasisiyahan ang ating Amang Banal kung paano nagaganap ang suyuan sa pagitan ng kabinataan at kadalagahan. Kaniyang ipinauunawa ganito Niya tayong lahat isinasaayos at inihahanda.
6 Ako’y naglagay ng mga bantay sa iyong mga kuta, Oh Jerusalem; sila’y hindi magsisitahimik kailan man sa araw o sa gabi: kayong mga mapagalaala sa Panginoon, huwag kayong mangagpahinga, 7 At huwag ninyong bigyan siya ng kapahingahan, hanggang sa siya’y matatag, at hanggang sa kaniyang gawing kapurihan sa lupa ang Jerusalem.
Kaya naman, para maingatan ang lahat Humirang ang ating Amang Banal Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos ng mga mangangalaga at magbabantay na ukol para sa CENTRAL (Jerusalem) at sa mga kuta (Tanggapan) nito. Ginagawa namin ang anumang Kaniyang mga bilin na halos di na nga literal na makapagpahinga araw at gabi. Kaya naman nagpapatuloy kami na huwag din na bigyan ng kapahingahan kayong mga naririyan hanggang sa malubos at maisaayos na nga ang lahat sa pagitan ng mga magulang sa espiritual at sa mga anak sa espiritual ay papagkasunduing lahat.
8 Ang Panginoon ay sumumpa ng kaniyang kanang kamay, at ng bisig ng kaniyang kalakasan, Tunay na hindi na ako magbibigay ng iyong trigo na pinakapagkain sa iyong mga kaaway; at ang mga taga ibang lupa ay hindi magsisiinom ng iyong alak, na iyong pinagpagalan. 9 Kundi silang nangagimbak niyaon ay magsisikain niyaon, at magsisipuri sa Panginoon; at silang nangagtipon niyaon ay magsisiinom niyaon sa mga looban ng aking santuario.
Tapat ang nangako! Ang panunumpang ito ng pagtaas ng Kanang Kamay ng Katwiran ng ating Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos ang nagpapalakas ng loob at nagpapatibay ng paninindigan na hinding-hindi Niya kailanman pababayaan ang pinatutungkulan na pinaglalaanan Niya ng Kaniyang gantimpala para sa mga nagsakit at mga nagpagal na magtatagumpay. Sila ang mga kinalulugdan na patuloy na nag-iimbak ng mga gawang kabanalan (nagpapakalinis, nagbabagumbuhay, iniwan na ang masasamang gawa) na nagtatamo na ng mga pagkaing Espiritual na hindi nasisira (Salita ng Katotohanan) na nagpaparangal (Banal na Katwiran) sa ating Amang Banal Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos sa pamamagitan ng ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo sa Bantay Pintuan (Isang Taong Bago) na pinagkatiwalaan may hawak (Katiwala sa Hiwaga) ng pinaka-Susi ng Kaligtasan (Daan sa Paglikas) na hinding-hindi sa kaniya maaagaw (Kahalalan) ng sinuman sapagkat siya ang nagtataglay ng Tatak ng Espiritu ng Katotohanan (Anak ng Tao) na kaniyang ipinakikilala ipinagmamalasakit na ipinamamahagi na sa lahat ang kaniyang mga katuruan na pinakahinihintay-hintay na ng lahat ng mga bansa na maituro sa kanila subalit di pa ngayon pansin ng marami, hindi pa ganun kinikilala sapagkat silang nagsasabing kumikilala sa Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo ay di pa Siya nakikilalang lubos na naririto na at kasa-kasama na ang Espiritung ipinangako na isusugo sa Kaniyang Pangalan ng ating Amang Banal Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos natin para likumin, isaayos ang lahat ng mahahalagang bagay na ihahatid sa paanan ng ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo.
10 Kayo’y magsidaan, kayo’y magsidaan sa mga pintuang-bayan; inyong ihanda ang lansangan ng bayan; inyong patagin; inyong patagin ang maluwang na lansangan; inyong pulutin ang mga bato; mangagtaas kayo ng watawat na ukol sa mga bayan.
Kayo’y magsidaan, (Pagmumulat sa Katotohanan bigyan pansin) kayo’y magsidaan (panawagan na bigyan daan na maunawaan) sa mga pintuang-bayan; (iba’t-ibang pangkating relihiyon) inyong ihanda (inuutusan ang lahat) ang lansangan ng bayan; (kinikilala) inyong patagin; (ipinasasaayos na) inyong patagin (ipinagagayak) ang maluwang na lansangan; (mga nagsasabi sila ang pinakamarami) inyong pulutin ang mga bato; (ang mga tagapagtayo) mangagtaas kayo ng watawat na ukol sa mga bayan. (Lahat sila ay inuudyukan na mangagtanyag ng ukol sa relihiyon na kanilang tinatangkilik)
11 Narito, ang Panginoon ay nagtanyag hanggang sa wakas ng lupa, Inyong sabihin sa anak na babae ng Sion, Narito, ang iyong kaligtasan ay dumarating; narito, ang kaniyang kagantihan ay nasa kaniya, at ang kaniyang ganti ay nasa harap niya. 12 At tatawagin nila sila Ang banal na bayan, Ang tinubos ng Panginoon: at ikaw ay tatawagin Hinanap, Bayang hindi pinabayaan.
Subalit higit sa kanilang lahat mga mahal naming mga kapatid, mga mahal naming mga kaibigan pansinin niyo ang mga pinagtataas ng watawat na ukol sa mga bayan nila, na sa derektang pinatutungkulan sila ang mga kabilang sa iba’t-ibang pangkatin bayan o kabilang sa iba’t-ibang relihiyon. Ang panawagan ng Panginoon na hindi pangkaraniwan sapagkat Siya na mismo ang nagpapakilala ang nagtatanyag ng Paunang Pahayag noon o Propesiya na sa wakas ng lupa napauukol sa tinawag Niyang Ngayon ay may pagsasaayos na Siyang ginagawa na napauukol sa yugto ng ating panahon. Kapwa ito nakalakip ang kaligtasan sa Sion at sa Anak na Babae ng Sion. Subalit may mahalagang pinasasabi ang ating Panginoon sa Anak na Babae ng Sion. Kunin natin at sipiin ang pagkakasabi na “anak na babae ng Sion, Narito, ang iyong kaligtasan ay dumarating,” “ang kaniyang kagantihan ay nasa kaniya” “at ang kaniyang ganti ay nasa harap niya”
Sion = Iglesia ni Cristo – Unang Siglo – Itinatag ng Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo
Sion = Iglesia ni Cristo Bahagi ng Unang Siglo – Sugong Lider Kapatid na Felix Y. Manalo muling bumangon July 27, 1914
Anak na Babae ng Sion = Iglesia ni Cristo…Hinirang – Ipinanganak pagkalipas ng ika-isandaang taon anibersaryo ng Iglesia ni Cristo – kasagsagan ng kaguluhan – May 27, 2015 – Elias Arkanghel
Maraming-maraming salamat po Amang Banal Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos sa pamamagitan ng Pagsusugo Mo po sa Banal na Espiritu sa Diwa ng aming Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo ay naihanay ng iyo pong abang lingkod ng may buong Kaalaman, puspos ng Karunungan at may mga kamangha-manghang mga Katotohanan na pawang mababasa sa Banal na o BIBLIA. Muli maraming-maraming salamat po ibinabalik po namin Sa Iyo ang lahat-lahat ng Kapurihan, Karangalan, Kadakilaan at Kaluwalhatian sa pamamagitan ng aming Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo.
– Elias Arkanghel – Jesu-Cristo S12292019PT2044