Isaias 40:1-30 MB 1 Aliwin ninyo ang aking bayan,” sabi ng Diyos. “Aliwin ninyo sila.” 2 Inyong ibalita sa bayang Jerusalem, Na hinango ko na sila sa pagkaalipin; Pagkat nagbayad na sila nang ibayo Sa pagkakasalang ginawa sa akin.
Mga mahal naming mga kapatid Sa nakaraan lamang na Bagong Pahayag may pagpapakilala sa Bayan na ipinanganak ng Sion o ng Iglesia ni Cristo matapos ang ika-isandaang taon anibersaryo nito ng July 27, 2014 at May 27, 2015 naman ang pagkakasilang ng “Anak na Babae ng Sion” o Iglesia ni Cristo…Hinirang . Ito ang Kinikilala Niya na “Bayang Hinirang” o “(Iglesia ni Cristo) Hinirang” o “Iglesia ni Cristo…Hinirang.”
May derektang pag-uutos kaming tinanggap sa araw lang din na ito wala pag dalawang oras ang nakalilipas mula sa ating Amang Banal Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos na “Magpahayag ka!” Kaya ng udyukan akong magbuklat ng Banal na Aklat o BIBLIA ang mga talatang ito ang aking agad na natunghayan. Kaya’t ang bilin anya sabi Niya aliwin ninyo ang Aking Bayan ang Kaniyang Bayang Hinirang. Marapat na aliwin sapagkat sila ang tutugon at tutulong sa CENTRAL sa lahat ng mga pananagutan para tubusin sa kinakaharap na suliraning nagpapabigat na nalilingid lamang sa kabatiran ng marami at ang katubusan ay ipinagkatiwala sa Napahihintulutan sa pamamagitan pa rin ng Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo bago ang takdang panahon na pagpapasuko ng lahat ng mahahalagang bagay sa Kaniyang paanan. Ngunit papaano kung ang Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo ay bababa pa lamang pagkatapos pa ng Sanlibong Taon. Kaya nga magagawa pa rin Niya ito na ipinauunawa ipinakikilala sa inyo ng Napahihintulutan na sa pamamagitan pa rin Niya at ito ay kakatawanin ng Isang Taong Bago na nilkha Niya sa kaniyang sarili din. Ang lahat ng kaparaanan ay itinuturo ng Banal na Espiritu sa Diwang mula sa Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo gawa ng Makapangyarihang Kamay ng ating Amang Banal ay papangyarihin Nila ang isang Hiwagang sasaklaw para matupad ang lahat ng Kaniyang Panukala.
KASABIKAN NINYO MGA MAHAL NAMING KAPATID, MGA MAHAL NAMING MAGULANG ANG MGA KASUNOD NA PAGBIBIGAY UNAWA SA MGA TALATA NA PAG-UUTOS NG PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS NA DAPAT IHAYAG NG CENTRAL O JERUSALEM NA NAPAUUKOL SA MABUTING BALITA … ANG BAYAN NA SA MGA HINIRANG NA MAGTATAGLAY NG GANTIMPALA
3 May tinig na sumisigaw: “Ipaghanda si Yahweh ng daan sa ilang; Isang patag at matuwid na lansangan para sa ating Diyos. 4 Tambakan ang mga lambak, Patagin ang mga burol at bundok At pantayin ang mga baku-bakong daan. 5 Mahahayag ang kaningningan ni Yahweh At makikita ng lahat. Siya mismo ang nagsabi nito.” 6 Magpahayag ka, ang sabi ng tinig. “Ano ang ipahahayag ko?” tanong ko. Sumagot siya, “Ipahayag mong ang tao ay tulad ng damo, Ang kanyang buhay ay tulad lamang ng bulaklak sa parang. 7 Nalalanta ang damo At ang mga bulaklak ay kumukupas, Kung sila’y mahipan ng hangin. Ang tao nga ay tulad lamang ng damo. 8 Oo, ang damo’y nalalanta, At kumukupas ang mga bulaklak, Ngunit ang salita ng Diyos ay hindi lilipas.” 9 At ikaw, O Jerusalem, Mabuting balita ay iyong ihayag, Ikaw, Sion, Umakyat ka sa tuktok ng bundok. Ikaw ay sumigaw, huwag kang masisindak, Sabihin sa Juda, “Narito ang iyong Diyos!” 10 Dumarating si Yahweh na Makapangyarihan Taglay ang gantimpala sa mga hinirang; 11 At tulad ng pastol, Yaong kawan niya ay kakalingain, Sa sariling bisig Yaong mga tupa’y kanyang titipunin; Sa kanyang kandungan ay pagyayamanin, At papatnubayan ang tupang may supling. 12 Sino ang sumukat Ng tubig sa dagat sa kanyang palad? Sino ang makasusukat Sa lawak ng kalangitan? Sinong makapaglalagay Ng lahat ng lupa sa isang sisidian? Sa bundok at burol Ay sino kaya ang makatitimbang? 13 Sino ang makapagsasabi Ng dapat gawin ni Yahweh? May Makapagtuturo ba O makapagpapayo sa kanya? 14 At sino ang kanyang sinangguni Para malaman Ang dapat gawin sa alinmang bagay? 15 Di ba ninyo alam, Sa harap ni Yahweh ang alinmang bansa Ay walang kabuluhan? Tulad lang ng isang patak ng tubig sa isang sisidlan Ang mga pulo ay parang alikabok lamang ang timbang. 16 Ang lahat ng hayop sa gubat ng Libano Ay kulang pang panghandog, At sapat na panggatong Ang lahat ng kahoy sa bundok na ito. 17 Sa kanyang harapan, Ay walang halaga ang lahat ng bansa. 18 Saan ninyo ihahambing ang Diyos At sa anong anyo siya iwawangis? 19 Siya ba’y hindi maitutulad Sa mga imaheng ginawa ng tao, Binalutan ng ginto, At ipinatong sa pedestal na pilak? 20 Hindi rin siya maitutulad sa rebultong kahoy Matigas na kahoy na hindi binubukbok, Na siya lang nakayanan ng mahihirap. 21 Di ba ninyo batid, Sa mula’t mula ba’y Walang nagbalita sa inyong sinuman Kung paano nilalang Itong daigdigan? 22 Ang lumikha nito ay ang Diyos Na nakaluklok sa kanyang trono doon sa kalangitan, Mula roon ang tingin sa tao’y tulad lang ng langgam. Ang langit ay iniladlad niyang tulad ng kurtina, Tulad ng tolda Na inilaladlad upang matirahan. 23 Ang mga pinuno’y Iniaalis niya sa kapangyarihan At ginagawang walang kabuluhan. 24 Tulad nila’y mga halamang Walang ugat, bagong tanim Agad natutuyo At tila dayaming tinatangay ng hangin. 25 Saan ninyo ngayon ipaparis ang Diyos? Siya’y kanino itutulad? 26 Tumingin kayo sa sangkalangitan, Sino ba ang lumikha ng mga bituin, Sino ba ang sa kanila’y nagpapakilos At isa-isang tumatawag sa kanilang pangalan? Dahil sa kanyang kapangyarihan, Isa ma’y wala siyang nakaligtaan. 27 Israel, bakit ikaw ay nagrereklamo Na tila di alintana ni Yahweh Ang kabalisahan mo, At tila di pansin ang iyong kaapihan? 28 Di ba ninyo alam, di ba ninyo talos, Na itong si Yahweh ang walang hanggang Diyos? Siya ang lumikha ng buong daigdig, Hindi siya napapagod; Sa isipan niya’y walang makatatarok. 29 Ang mga mahina’t napapagal ay pinalalakas. 30 Kahit kabataan Ay napapagod at nanlulupaypay. 31 Ngunit ang nagtitiwala kay Yahweh Ay magpapanibagong sigla. Ang lakas nila’y matutulad Sa walang pagod na pakpak ng agila. Sila’y tatakbo nang tatakbo Ngunit di manghihina, Lalakad nang lalakad Ngunit hindi mapapagod