NAGPAPATULOY NGAYONG TAONG 2020 (VISION 20/20) ANG ANGHEL NG PANGINOON NA PINAKIKILOS NA NG ATING AMANG BANAL PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS AT NG ATING PANGINOONG JESU-CRISTO PARA SA KAUKULAN NG MGA KAGANAPAN…
Mga mahal naming mga kapatid, mga mahal naming mga magulang, mga mahal naming mga kaibigan. Piliin na ng lahat ang makapamuhay at mabuhay na mabuti, iwan na ang mga nakaraang masamang pamumuhay, at magsanay na sa mga gawang kabanalan. Kaya nga dapat nating matiyak sa lihim at sa hayag hindi na tayo alipin ng kasalanan sa halip ay maging kalugud-lugod tayo sa ating Amang Banal Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos na ngayon ay nananawagan na ng pagsasaayos pagpatag sa Kaniyang dadaanan.
Dapat ninyong maunawaan ang mga Paunang Pahayag o Propesiya na ipinakita kay Apostol Juan sa kaniyang kapanahunan ay saklaw ng yugto ng ating panahon na ginagalawan na yan ay ipinakita sa kaniya noon na nauugnay karamihan sa taon 2020. Oo, magaganap na ang mga Pangitain (Vision) mababasa sa Banal na Aklat o BIBLIA na hindi namamalayan ng marami ang pag-usad ng napakalakas na daluyong ng Karunungan ng ating Amang Banal Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos na naipagkaloob sa Anak ng Tao sa Pinakamamahal natin na Panginoong Jesu-Cristo na parang bahang hahampas sa lahat ng mga naglalakihan at nagtataasan na mga burol at mga bundok sa pamamagitan ng itinalaga Nila na inatasan na Anghel para makapagpahayag na muli para gibain ang pag-asa ng lahat na mga bayan bayan na nagsasabi na diumano sila ang mga daan na nasa mga lansangan na nasa Katotohanan, na buong pagmamalaking itinuturo ang kani-kanilang mga nalalaman na dumadaya sa lahat ng naalipin ng kanilang mga katuruan na pawang may bahid ng kabanalan dahil gamit-gamit ang Banal na Aklat o BIBLIA. Subalit sa Mata ng ating Pinakamakapangyarihang Pinakamamahal na Pinakadakilang Panginoong Diyos ay di sila nagiging kalulugod sapagkat di magkakasundo na kani-kaniyang mga paliwanag na lalong nagpapalito sa marami kung saan nga ba ang mga tao marapat sumilong para magtamo ng tunay na pananampalataya na may kapayapaan, na naroon ang kapahingahan at kaligtasan para magkaroon ng Kapahintulutan na makapanirahan sa Banal na Bayan ang Bagong Jerusalem na sa hinaharap ang Banal na Gawain ng Iglesia ni Cristo…Hinirang ang magpapaunawa ng Hiwaga na napauukol sa Paglikas patungong Banal na Dako at pagkalipas ng tatlong taon at kalahati ay ang paninirahan naman ng mga magtatagumpay sa Banal na Bayan ang Bagong Jerusalem.
Sinipi na mga talata para sa Pahayag at Pagpapaunawa :
Pahayag 1:[1] Ito ang pahayag na ibinigay ng Diyos kay Jesu-Cristo, at sa pamamagitan ng anghel na kanyang isinugo, kanya namang inihayag kay Juan na alipin niya. Ang layunin ng paghahayag na ito’y ipabatid sa mga alipin ng Diyos ang mga bagay na malapit nang maganap. [2] Ito ang patotoo ni Juan sa lahat ng nakita niya tungkol sa mensahe ng Diyos na ipinahayag naman ni Jesu-Cristo.