PAGKAUNAWA SA HIWAGA Blg. 0002: ANO ANG NAKALIHIM NA HIWAGA SA TALINHAGA SA PAHAYAG NG PINAKAMAMAHAL NA PANGINOONG JESU-CRISTO NA MABABASA SA LUCAS 8:4-8 NA MAY KAUGNAYAN SA KASALUKUYANG KAGANAPAN SA LOOB NG IGLESIA NI CRISTO – Elias Arkanghel – Jesu-Cristo
Nang magpasimulang mangaral ang ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo labis na namamangha sa Kaniya ang lahat sa Karunungang Kaniyang tinataglay habang napupuspos Siya ng Banal na Espiritung sumasa-Kaniya mula sa ating Amang Banal na Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos na habang naghahanay Siya ng mga Bagong Pahayag sa harap ng napakaraming mga tagapakinig sa Kaniya. Makikilala ang mga sumasampalataya sa Kaniya at hindi sumasampalataya habang nagpapahayag Siya. Para sa mga napahintulutang makaunawa na kahit noon lamang nila narinig ang mga Bagong Pahayag ay kinilala nila’t sinasampalatayanan mula sa Pinakadakilang Panginoong Dios na nagsugo sa ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo nagmumula ang lahat ng Kaniyang mga itinuturo at ipinangangaral sa lahat. Subalit para sa mga eskriba at sa mga Pariseo na nasa Jerusalem at sa mga tapat sa kanila ay hindi ganun ang naging kanilang pagtanggap noon sa ating Panginoong Jesu-Cristo sa halip hindi siya pinaniniwalaan tulad ng inyong mababasa sa
( Mateo 13:53-58 MBB [53] Umalis si Jesus mula roon matapos niyang isalaysay ang mga talinghagang ito. [54] Umuwi siya sa kanyang bayan at nagturo sa kanilang sinagoga. Nagtaka ang mga nakarinig sa kanya, kaya’t kanilang itinanong, “Saan kumuha ng ganyang karunungan ang taong iyan? Paano siya nakakagawa ng mga himala? [55] Hindi ba siya ay anak ng isang karpintero? Hindi ba si Maria ang kanyang ina at sina Santiago, Jose, Simon, at Judas ang kanyang mga kapatid? [56] At tagarito rin ang kanyang mga kapatid na babae, di ba? Saan kaya niya natutuhan ang lahat ng iyan?” [57] At siya’y hindi nila pinaniwalaan. Kaya’t sinabi ni Jesus sa kanila, “Ang isang propeta’y iginagalang kahit saan maliban sa kanyang sariling bayan at sariling sambahayan.” [58] At dahil ayaw nilang maniwala kay Jesus, hindi siya gumawa roon ng maraming himala. )
Para sa kanila sapat na ang mga aral at kautusan na tinanggap nila mula sa kinikilala nilang Sugong Propeta Moises. Kaya kung hihigit pa doon at iba sa ipinahayag ng Sugong Propeta ay hindi nila tatanggapin. Kaya ang mga Bagong Pahayag ng ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo na tinatanggihan nang Kaniya na itong ipinangangaral at itinuturo ay tuwirang pagtalikod nilang lahat sa Katotohanan at sa Banal na mga Kautusan. Oo tuwirang pagtatakwil at pagtalikod din nila sa Pinakamakapangyarihan sa lahat na ating Pinakamamahal na Pinakadakilang Panginoong Diyos na Siyang may Akda ng Kaniyang Lihim na Panukala mula ng Pagsusugo Niya sa Kaniyang Pinakamamahal na Anak. Kaya kung ilalarawan ang lahat ng kanilang pangungutya, pagtataboy, pag-aalimura, pananakit, matinding pang-uusig at pagpapapako sa kaniya sa krus ay papapatunay na hindi nga Siya kinilalang Sugo dahil para sa kanila wala ng hihigit sa nauna na nilang kinilala na Sugong Propeta sa katauhan ni Propeta Moises.
Alam niyo bang nauulit lamang sa yugto ng ating panahon ang mga pangyayari noon na masasalamin sa ngayon kung paano nila naitatakwil ang Katotohanan? Hindi namamalayan ng mga nasa CENTRAL ang Banal na Espiritu na isinugo ng Amang Banal sa pangalan ng Kaniyang Pinakamamahal na Anak (Jesu-Cristo) ay tuwiran nilang lahat na naitatanggi at di nila tinatanggap. Para sa kanila sapat na ang naituro ng mahal na kapatid na Felix Y. Manalo bilang Sugong Lider sa mga Huling Araw na kung may hihigit pa di nila kikilalanin, di nila tatanggapin, sapagkat para sa kanila wala ng hihigit pa sa nauna ng naituro na nakahanay na sa mga Doktrinang naituro ng Sugong Ebangelista at yan ay sa katauhan na lang ng mahal na kapatid na Felix Y. Manalo lahat ibabase.
Ngunit dahil sa pagsunod ng inyong abang lingkod sa may Akda ng lahat Oo sa ating Pinakadakilang Panginoong Diyos na Pinakamakapangyarihan sa lahat ay patuloy kong ipaglilingkod sa inyong lahat ang mga sinabi ng ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo at ito ay sa Kaniyang pagkasangkapan sa akin na Kanilang napahihintulutan na napagkatiwalaan lakipan ng Kaniyang Espiritu na sa Diwa ko ay nananahanan ang Kaniyang Banal na Espiritung ipinangako na isusugo sa Kaniyang pangalan na hindi matanggap hindi mapag-unawa ng marami na di nila namamalayan ay kanilang tuwiran ng naitatakwil at nasusuway ang Pinakadakilang Panginoong Diyos na may Akda ng lahat ng ito na nakalakip rin sa Kaniyang Lihim na Panukala. Sa kabila ng lahat patuloy na nagmamalasakit na magpaunawa ang inyong abang kapatid dahil sa laki ng pag-ibig at pagmamahal sa inyong lahat para sa ikapagtatamo ng Ganap na pagkaunawa sa Katotohanan para maligtas sa tiyak na pagkapahamak at maigayak na makasama sa “Paglikas” bago ang nakatakdang Pandaigdigang Kawasakan na magaganap sa daigdig na ito bago makarating sa Bagong Daigdig na doon ay makapaninirahan sa loob ng Sanlibong Taon at pagkaraan ay saka pa lamang bababa ang literal na Panginoong Jesu-Cristo na Siyang nakita noon ng mga Apostol at mga tapat na kasa-kasama nila noon na na iniaakyat sa Langit. Kaya iba ang kalagayan ng Panginoong Jesu-Cristo na isinugo ngayon sa ating panahon na nasa kalagayang Espiritu isinugo at hindi bumaba.
Juan 14:26 MB 26 Ngunit ang Patnubay, ang Espiritu Santo na susuguin ng Ama sa pangalan ko, ang siyang magtuturo sa inyo ng lahat ng bagay at magpapaalaala ng lahat ng sinabi ko sa inyo.
Ito ang makatwirang dahilan kung bakit isinugo Siya sa kalagayang Espiritu huwag ipagkamali na bumaba na kundi isinugo ng ating Pinakadakilang Panginoong Diyos na lalakip sa diwa ng napahihintulutan para siya ang magtuturo ng lahat ng bagay na kaniyang ipapaalaala sa lahat ng sinabi ng ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo.
Noon sa mga Bagong Pahayag na Kaniyang inihahanay sa pagbibigay Niya ng mga pahiwatig na tugon sa mga Talinhaga na napauukol sa Hiwaga ay may nakalihim pa na maiuugnay sa hinaharap na panahon. Bagamat nasasagot na ang mga tanong ay namamalagi pa rin sa kanila ang di ganap na pagkaunawa sapagkat hindi pa naaangkop sa kanilang kapanahunan maibigay ang angkop o Ganap na kasagutan.
Alalaumbaga’ kaya di natatapos nagpapatuloy hanggang sa yugto ng panahon sa mga Huling Araw, at sa Huling Araw na ito ang mga nakalihim pa sa Hiwaga na Pahayag ng ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo, na kailangang maipagmalasakit na sa lahat na maipaunawa maging ang kaliit-liitang bahagi ng mga Aral at Salita ng ating Pinakamamahal na Panginoong Diyos na walang dapat na idagdag, alisin at ibawas sa mga nasusulat na mababasa sa Banal na Aklat o BIBLIA sa halip ay maipaliwanag ang bawat kaukulan nito upang ganap ngang maunawaan ang mga Paunang Pahayag na nasasaklawan ng Hiwaga; mga Katotohanan, mga Karunungan, mga Kaalaman na mula sa ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo na Kaniyang narinig sa ating Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos na maglalapit sa mga tao sa Kaniyang Banal na Katwiran na nalihim sa Hiwaga sa mahabang panahon na ngayon ay napahihintulutan sa nakikilala ninyo na si Elias Arkanghel-Jesu-Cristo na magsasaysay ng Katotohanan na pawang nauugnay sa mga Paunang Pahayag ng ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo… na sa Huling Araw na ito ay lagi ng sumasaatin at laging sumasapuso natin sa kasalukuyang daigdig, ang Kaniyang Espiritu na mamamalagi na ito magpakailan-kailanman hanggang sa lubusan ng maibalik ang lahat ng bagay sa kaayusan at pagkatapos ay saka pa lamang Siya literal na bababa mula sa pamalagiang Langit na Kaniyang kasalukuyang kinaroroonan at yun ay sa Araw pa ng Paghuhukom na binabanggit na naituturo sa mga Pagsamba subalit, pagkalipas pa ng Sanlibong Taon tulad ng mababasa sa Banal na Aklat o BIBLIA.
Ang Patnubay, ang Banal na Espiritu ang muling patuloy na tutulong at gagabay sa inyong abang lingkod sa pagpapaunawa at pagpapaliwanag ng mga sinasaklawan ng Hiwaga na nakalihim pa sa mga Talinhaga kaugnay sa mga Paunang Pahayag ng ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo na ngayon ay napahihintulutan maipaunawa sa inyo ang nakatagong Hiwaga sa Katotohanan para magpatotoo sa higit pang mga Katotohanan na napauukol sa yugto ng panahon sa mga Huling Araw, at sa Huling Araw na ito.
Oo mga mahal kong kapatid sa yugto na ng ating panahon na ito iuugnay ang lahat sa pagpapaunawa at yan ay sa Atas pa rin ng ating Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos sa Kaniyang Pagsusugo sa Banal na Espiritu sa pangalan ng Kaniyang Pinakamamahal na Anak (Jesu-Cristo). Subalit sa pagpapaunawa ay hinding-hindi tayo lalayo sa Katotohanan na naipaunawa ng ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo. Lamang tulad ng paulit-ulit ng nabanggit ay sa yugto na ng panahon nating ito bibigyan daan para magpapatotoo sa mga Katotohanan na nababalot pa ng Hiwaga kaugnay sa mga Talinhaga na naipahayag ng Panginoong Jesu-Cristo na ipauunawa ng ating Pinakadakilang Panginoong Diyos at yan ay saklaw sa Kaniyang ipinatutungkol na “Ngayon” subalit ang dapat na mapag-unawa sa pamamagitan pa rin ng ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo mula ng Siya ay dumating bilang Ganap ( I Corinto 13:10 MB 10 ngunit pagdating ng ganap, mawawala ang di ganap.) sa muling Pagsusugo sa Kaniya ng ating Amang Banal Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos sa yugto ng panahong ito na lumakip sa katauhan ng Kanilang Pinili na Hinirang para maitawid ang mga Katotohanan ng mga Kaalaman para sa ikaliligtas ng lahat ng mga tatanggap at kikilala sa Banal na Gawain na saklaw ng Lihim na Panukala ng ating Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos.
ANG TALINHAGANG IPINAHAYAG NG PANGINOONG JESU-CRISTO NA IPAUUNAWA ANG KAUKULAN NITO SA YUGTO NG PANAHON SA MGA HULING ARAW
[4] Dating at dating ang mga taong nanggagaling sa mga bayan-bayan at lumalapit kay Jesus. Nang natitipon na ang napakaraming tao, isinalaysay niya ang talinghagang ito
Sa kasalukuyan panahon ay patuloy ang dating at dating o patuloy na pagtanggap at pagtanggap ng mga nanggaling sa bayan-bayan o iba’t-ibang denominasyon o sektang panrelihiyon na kanilang kinabibilangan. Ito ay nagpapatuloy na napapalapit sa loob ng Iglesia ni Cristo ang mga tao sa pagmamalasakit sa kanila ng mga kapatid.
[5] May isang taong lumabas para maghasik ng binhi. Sa kanyang paghahasik, may binhing nalaglag sa daan at nayapakan, at ang mga ito’y tinuka ng mga ibon.
Ang ipinauunawa Nila sa akin: Ang mahal na kapatid na Felix Y. Manalo ang kinikilala natin na Sugong Lider sa mga Huling Araw, ang siya rin na taong pinatutungkulan sa Talinhaga na lumabas sa mga dating relihiyon na kaniyang kinabibilangan para maghasik ng binhi ng Katotohanan. Ipinaunawa sa kaniya ng ating Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos ang mga Karunungan at mga Kaalaman na pawang mga Katotohanan. Sa kaniyang paghahasik may mga nalaglag sa ibang daan o nadaig na napunta sa ibang relihiyon dahil sa sila ay minaliit lamang o nayapakan ang kanilang pagkatao dahil sa tinanggap nilang katotohanan.. subalit tinuka o inagaw ng ibang ibon o ibang taong gumagawa ng ibang payo kaya sila ay nawala at hindi nakapagpatuloy.
[6] May nalaglag sa kabatuhan, at pagtubo ay natuyo dahil sa kawalan ng halumigmig.
Ang ipinauunawa Nila sa akin: may mga nakaunawa tinanggap ang aral ng Iglesia ni Cristo, yung Katotohanan na tinanggap nila naunawaan na lumalago na sana o patubo ay unti-unti ng natutuyo dahil di na nadiligan ng Katotohananan dahil di na nakaSasamba mula ng makisama o mapunta na sa ibang kabatuhan o ibang relihiyon dahil sa pakikipagtipan o pag-aasawa sa di kapananampalataya di na nakatatanggap ng pagpapayong Espiritual sa panahon ng Pagsamba sa loob ng Iglesia ni Cristo kaya tuluyan ng nawala sa kanila ang Katotohanan mula ng hikayatin ng kaniyang piniling pakisamahan dinadala na siya sa ibang relihiyon at nilimot na ang binhing nahasik sa kaniya o nilimot na ang aral sa Iglesia ni Cristo.
[7] May nalaglag naman sa dawagan. Lumago ang dawag at ininis ang mga binhing tumubo.
Ang ipinauunawa Nila sa akin: Sila ang mga binhing tumubo o mga nakapakinig tinanggap ang pananampalatayang Iglesia ni Cristo dala-dala ang aral subalit Umalis sila ng Walang Paalam kaya nang nakapanirahan sa mga lugar na madawag o punung-puno ng mga di sumasampalataya na nagtataglay ng mga kaisipang mapang-upat mapang-usig hindi nila kinaya ang mga pang-iinis at pang-uusig sa kanila kaya inalis sa kaisipan nila ng mga taong nabanggit ang mga Katotohanan na naitanim sa kanilang kaisipan hanggang di na nila kayang makapagbunga pa dahil natuyot na ang bahaging sangang kinasusugpungan nila dahil nilimot na rin nila ang Sumamba wala na ang dating sigla.
[8] Ang iba’y nalaglag sa matabang lupa, tumubo at namunga ng tig-100 butil.” At malakas niyang idinugtong, “Makinig ang may pandinig!” [9] Itinanong ng mga alagad kung ano ang kahulugan ng talinghagang ito. [10] Sumagot si Jesus, “Sa inyo’y ipinagkaloob na malaman ang mga lihim tungkol sa paghahari ng Diyos, ngunit sa iba’y sa pamamagitan ng mga talinghaga, upang: ‘Tumingin man sila’y hindi makakita; At makinig man sila’y di makaunawa.'”
Ang ipinauunawa Nila sa akin: Marami ang hindi nakaaalam halos lahat ng ipahayag ng ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo ay mayroon Siyang pinahihiwatigan na ito ay Kaniyang ipinatutungkol sa hinaharap na panahon na bahagi ng Kaniyang Propesiya na nakalihim sa Hiwaga hindi abot ng pang-unawa kung hindi ipauunawa. “Ang iba’y nalaglag sa matabang lupa, tumubo at namunga ng tig-100 butil.” Sila ang mga nahasik sa matabang lupa o mga tumanggap sa Kaniyang Iglesia, tapat na mga nakinig ng Kaniyang Salita, mga namamalaging Iglesia ni Cristo na nasa katapatan, may malinis na kaisipan, mga nagtiis at nagtiyaga hanggang sa tumubo’t mamunga sa loob ng ika-sandaang taon (100 years – 1914-2014 at kaya nasabi na tig-100 ang ibang mga Lokal ay sumasapit rin sa kasalukuyan sa kanilang ika-100 na taon at ito ay naisakatuparan nagpapatuloy sa buong panahon ng Pamamahala ng mahal na kapatid na Eduardo V. Manalo sa kasalukuyan. Bakit idinugtong ng Panginoong Jesu-Cristo at malakas pa Niyang sinabi na Makinig ang may pandinig? Dahil alam na alam ng ating Panginoong Jesu-Cristo sa takdang panahon sa yugto ng ating panahon sa hanay ng mga napabilang sa Kaniyang Iglesia o kaanib na sa Iglesia ni Cristo ay may hindi makikinig, hindi maniniwala sila yaong binabanggit niya na “ngunit sa iba’y sa pamamagitan ng talinhaga samantalang sa nakauunawa naman ay sila ang higit na pinatutungkulan ng ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo na “sa inyo’y ipinagkaloob na malaman ang lihim. Lihim saan? Sa paghahari ng ating Pinakamamahal na Panginoong Diyos sa Katotohanan sa Kaniyang inilalapit na Banal na Katwiran, na ngayon ay itinataguyod ng Iglesia ni Cristo…Hinirang ang mga nalabing Hinirang, Munting Kawan, ang Anak na Babae ng Sion na higit na mapalad na nakauunawa ng mga Hiwagang nasasaklawan ng Lihim na Panukala ng ating Amang Banal Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos at sa pamamagitan pa rin ng ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo ang Espiritung isinugo sa Kaniyang pangalan ang patuloy na gumagawa sa katauhan ng napahihintulutan Nila na abang lingkod ang inyong kapatid na Elias Arkanghel para maparangalan ang ating Pinakamakapangyarihang Pinakadakilang Panginoong Diyos na Pinakamamahal.
ANG MGA PAGPAPAUNAWA NG PINAKAMAMAHAL NA PANGINOONG JESU-CRISTO
[11] Ito ang kahulugan ng talinghaga: ang binhi ay ang salita ng Diyos. [12] Ang mga binhing nalaglag sa tabi ng daan ay ang mga nakinig, ngunit dumating ang diyablo at inalis sa kanilang puso ang salita upang hindi sila manalig at maligtas. [13] Ang mga nalaglag sa kabatuhan ay ang mga nakinig ng salita at tumanggap nito nang may galak, ngunit hindi ito tumimo sa kanilang puso. Naniwala silang sandali, subalit sa panahon ng pagsubok ay tumitiwalag agad. [14] Ang mga nahasik naman sa dawagan ay ang mga nakinig ngunit nang malaon ay nadaig ng mga alalahanin sa buhay at ng pagkahumaling sa kayamanan at kalayawan, kaya’t hindi nahinog ang kanilang mga bunga. [15] Ang mga nahasik naman sa matabang lupa’y ang mga nakinig ng salita. Iniingatan nila ito sa kanilang pusong tapat at malinis at sila’y nagtitiyaga hanggang sa mamunga.”
ANG KABUUANG HANAY NG MGA TALATA NA SINIPI
[4] Dating at dating ang mga taong nanggagaling sa mga bayan-bayan at lumalapit kay Jesus. Nang natitipon na ang napakaraming tao, isinalaysay niya ang talinghagang ito [5] May isang taong lumabas para maghasik ng binhi. Sa kanyang paghahasik, may binhing nalaglag sa daan at nayapakan, at ang mga ito’y tinuka ng mga ibon. [6] May nalaglag sa kabatuhan, at pagtubo ay natuyo dahil sa kawalan ng halumigmig. [7] May nalaglag naman sa dawagan. Lumago ang dawag at ininis ang mga binhing tumubo. [8] Ang iba’y nalaglag sa matabang lupa, tumubo at namunga ng tig-100 butil.” At malakas niyang idinugtong, “Makinig ang may pandinig!” [9] Itinanong ng mga alagad kung ano ang kahulugan ng talinghagang ito. [10] Sumagot si Jesus, “Sa inyo’y ipinagkaloob na malaman ang mga lihim tungkol sa paghahari ng Diyos, ngunit sa iba’y sa pamamagitan ng mga talinghaga, upang: ‘Tumingin man sila’y hindi makakita; At makinig man sila’y di makaunawa.'” [11] Ito ang kahulugan ng talinghaga: ang binhi ay ang salita ng Diyos. [12] Ang mga binhing nalaglag sa tabi ng daan ay ang mga nakinig, ngunit dumating ang diyablo at inalis sa kanilang puso ang salita upang hindi sila manalig at maligtas. [13] Ang mga nalaglag sa kabatuhan ay ang mga nakinig ng salita at tumanggap nito nang may galak, ngunit hindi ito tumimo sa kanilang puso. Naniwala silang sandali, subalit sa panahon ng pagsubok ay tumitiwalag agad. [14] Ang mga nahasik naman sa dawagan ay ang mga nakinig ngunit nang malaon ay nadaig ng mga alalahanin sa buhay at ng pagkahumaling sa kayamanan at kalayawan, kaya’t hindi nahinog ang kanilang mga bunga. [15] Ang mga nahasik naman sa matabang lupa’y ang mga nakinig ng salita. Iniingatan nila ito sa kanilang pusong tapat at malinis at sila’y nagtitiyaga hanggang sa mamunga.”
MGA MAHAL NAMING MGA KAPATID, MGA MAHAL NAMING MGA MAGULANG AT MGA MAHAL NAMING MGA KAIBIGAN ANG MGA KATOTOHANAN NA NAHAYAG AY MULA LAMANG SA PANIG NG IGLESIA NI CRISTO…HINIRANG. WALANG KINALAMAN ANG SINUMAN SA CENTRAL. NG IGLESIA NI CRISTO ITO AY PAGHAHANAY NG INYONG ABANG KAPATID NA HINDI MINISTRO, HINDI RIN MANGGAGAWA ISANG PANGKARANIWANG KAANIB LAMANG SUBALIT PINAGKALOOBAN AKO NG KAPAHINTULUTAN NG ATING PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS SA PAMAMAGITAN NG PANGINOONG JESU-CRISTO NA MAGHANAY MAGPATOTOO HABANG SINASAKLAWAN NG KANILANG KAPANGYARIHAN PARA ANG LAHAT NG NABABASA NINYO DITO SA BLOG NG IGLESIA NI CRISTO…HINIRANG AY DI PANGKARANIWANG PAHAYAG NA NASASAKLAWAN NG HIWAGA PARA MAGPATOTOO NA ITO AY DI GAWA NG PANGKARANIWANG TAO KUNDI NG PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS NA PINAKAMAKAPANGYARIHAN SA LAHAT. – Elias Arkanghel-Jesu-Cristo M01272020PT1407
Reblogged this on welcomebrotherelijah.
LikeLike