CORONA VIRUS DISEASES “COVID 19” “THE BIG ONE?” NA YUMANIG SA LAHAT NG BANSA MAY PATOTOO SA BIBLIA.. “HUWAG IKABAHALA MAY LUNAS!”
Walang kamalay malay ang lahat ng mga tao sa buong daigdig, ang marami sa kanila ay sinasaklutan na ng katatakutan. Pati na ang mga kinikilala’t mga makapangyarihang tao sa daigdig na ito ay nangangamba na sa lawak ng pinsalang dulot ng mapaminsalang Corona Virus Diseases o Covid-19. Sila bagaman mga matatapang na humaharap sa karamihan subalit sa likuran nito ay humihiyaw sa takot na sila man din ay nangangambang mapabilang sa maagang mamatay dulot ng mapaminsalang sakit na ito na mabilis na kumakalat sa kamangha-manghang dahilan. Dito nila napag-uunawa na walang magagawa ang kanilang impluwensya sa lipunan, kapangyarihan at kayamanan napagtatantu-tanto din nila na sila ay katulad din lang ng mga mahihirap na tao na kapwa iginupo ng Corona Virus Diseases sa banig ng karamdaman.
Ang ilan sa kanila ay matatalino. Alam nila sa buong daigdig may mga bansa na hindi totoong nagdi-deklara ng tunay na dami ng mga namatay o nagbibigay ng tunay na detalye ng dami ng mga napinsala sa bansa nila. Ito ay kasunduan sa panig na rin nila para maingatan ang dangal ng bansang prino-protektahan nila. Ito ay nalalaman nila mula sa mga taong mapagkukunan ng mga detalye sa mga mapagkakatiwalaan nilang napag-uutusan. Kaya hindi mapagaan ang kanilang kalooban dahil sa mga pabagu-bagong laman ng mga balita sa ibang bansa sa araw-araw na iba sa tinanggap nila sa naibalita sa kanila. Wala silang kapanatagan naroon ang kanilang pangamba. Subalit sa panig ng mga mahihirap na tao palibhasa walang mapagkukunan ng sapat na gugugulin sa kaniya sa Hospital na pinaglagakan sa kaniya dahil sa sakit na ikinahawa niya ay taimtim na dumadalangin nagmamakaawang pagagalingin siya ng Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos natin sa pamamagitan ng Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo natin, na ang mayroong ganitong pagkakilala, na mayroong napakataas na pananampalataya mahirap, mayaman o napakayaman ay siya ang unang nagtatamo ng kagalingan.
Kaya mahalagang mapag-unawa ng lahat na walang ibang makatutulong para sa lubusang kanilang ikagagaling kundi ang tulong na magmumula sa ating Amang Banal Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos lamang at ito ay sa pamamagitan ng Kaniyang Pinakamamahal na Anak ang ating Panginoong Jesu-Cristo. Nasa mga tao ang pagkukulang wala sa Kaniya. Wala sa Kanila. Nakalimot lang ang mga tao na kailangan lang talagang paalalahanan pa o marahil wala lang talagang kabatiran sa higit na Katotohanan na dapat na mapag-unawa pa ng lahat kung bakit sunud-sunod na ang mga hindi pangkaraniwang kaganapan sa daigdig at ang kasalukuyan ay Novel Covid-19.
Naghihinanakit ang ating Amang Banal Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos sa mga tao yan ang totoo … ngunit ang awa at habag ay patuloy Niyang ipinadarama sa lahat. Mahal Niya ang lahat kaya nga lagi Siyang nagpapaalaala at nagpapaunawa kung ano ang marapat na gawin nating lahat at marapat na sundin..
ANO BA ANG PUNO’T DULO NG LAHAT NG MGA NANGYAYARING ITO NA NAPAUUKOL SA CORONA VIRUS DISEASES O COVID-19 (ANG KORONA NA MAY KAPAHAMAKAN)? ANG MGA TALATANG SINIPI SA ISANG PAHINA ITO ANG DEREKTANG NAUUGNAY SA CORONA VIRUS DISEASES AT ANG MGA KAURI NITO NA PAPARATING.
HINGIN NATIN ANG PANIG NG ATING AMANG BANAL PINAKAMAMAHAL PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS KUNG BAKIT NANGYAYARI ANG LAHAT NG ITO. KAPAG NAPAG-UNAWA NA NINYO MANUMBALIK KAYONG LAHAT SA KANIYA NA SUMUNOD SA KANIYANG IPINAG-UUTOS NA SA PAGKAKATAON NA ITO AY INYONG MAPAG-UUNAWA SA PAMAMAGITAN NG KANIYANG PINAKAMAMAHAL NA ANAK NA ATING PANGINOONG JESU-CRISTO NA MAGKAKALOOB NG PUTONG NG KORONA NG KALIGTASAN NA TAGLAY ANG KAPAYAPAAN AT KAPANATAGAN NG LAHAT NG BANSA MAKASUNOD LAMANG. HAYAAN NINYONG ANG NAPAHIHINTULUTAN SA IGLESIA NI CRISTO…HINIRANG ANG INYONG ABANG LINGKOD ANG KASANGKAPANIN NG ATING AMANG BANAL PINAKAMAMAHAL PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS SA PAGSUSUGO NIYA SA PUMAPATNUBAY SA PAMAMAGITAN NG DIWA NG PINAKAMAMAHAL NATING PANGINOONG JESU-CRISTO AY MAPAHINTULUTAN NILA NA MAGPAUNAWA MULI SA INYONG LAHAT NG MAY KARUNUNGAN ITO AY MULA SA MGA KATOTOHANANG ITO PARA SA KANILANG KAPURIHAN, KARANGALAN AT SA KALUWALHATIAN. – Elias Arkanghel Jesu-Cristo
Magpapasimula na tayong mag-aral mula sa isang pahina ng Levitico bersikulo 26 talatang 1 hanggang 46 sa aking sinipi ayt bibigyang daan ang Kanilang Karunungan ang mga dapat na mapag-unawa.
Levitico 26 MB [1] Huwag kayong gagawa ng mga diyus-diyusan o magtatayo ng mga inukit na larawan o haliging sagrado, o mga batong hinugisan upang sambahin. Ako si Yahweh.
Simpleng salita ang “Huwag” sa pambungad pa lang ibig sabihin di na Niya pinahihintulutan, na sa ibang salita ay “bawal!” Madalas pumapasok pa ang mga pangangatwiran ng tao “hindi naman nila anya sinasamba, pinatutungkulan lang nila ng paggalang at kaya lang naman sila may mga larawan na nakikita sa kanilang tahanan o may mga santo na maliliit at malalaki na niluluhuran, dinadalanginan ay diumano ang lahat ng yaon ay repleka lang para may derekta silang kinakausap at pinatutungkulan ng kanilang mga dinadasalan”.
Mga kapatid, unawain natin… hindi nila talaga alam, … ang iba sa kanila mula pa sa pagkabata kinamulatan na nila ang ganoong seremonya sa kanilang mga magulang. Ang iba may kabatiran na subalit kulang pa sa pananampalataya, kasi hindi nga naipaliliwanag sa kanila ng may kaayusan at kagaanan. Nauunawaan natin na naging mabigat sa kanila na masabihan sila na talagang ipinagbabawal na nasabayan pa ng mabigat na bitaw ng pananalita kaya hindi tumimo sa kaisipan ang ipinauunawa sa kanila kaya hindi nila sinampalatayanan. Hayaan ninyo mga mahal kong kapatid, ang Kapangyarihan ng Katotohanan ng Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos sa pamamagitan ng Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo ang magpaunawa sa kanila na may kahinahunan at kaamuan. Maramdaman nila na hindi sila inuusig kundi ang maramdaman nila sila ay ipinagmamalasakit na mabigyan ng marapat na pagkaunawa kung bakit ayaw ng Panginoong Diyos ng anumang mga diyus-diyusan, na mga inukit na larawan o rebulto na sinasamba? Narito ang paghahanay na mula sa Iglesia ni Cristo…Hinirang, na isa lamang masigla at pangkaraniwang kaanib, na hindi Ministro at hindi rin Manggagawa.
Mga kababayan, mga kaibigan sa binasa sa itaas muli pakitunghayan ang unang talata na ating sinipi. May mababasa kayong pangalan? May nagpapakilala! Kaninong pangalan? Ang sabi Ako si Yahweh! Nangangahulugan ang ating Amang Banal Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos ang may sabi. Dahil Siya mismo ang Panginoong Diyos ang may pag-uutos na huwag gagawa ng mga diyus-diyusan. Tanong mga kaibigan, mga mahal naming kababayan, kailangan pa ba ninyong ipilit na gagawa pa rin kayo ng diyus-diyusan sa kabila na Siya na mismo ang Panginoong Diyos na ang pumipigil sa inyo na huwag kayong gagawa? Syempre ang salitang “huwag” pagdidiin na pag-uutos Niya na “Huwag” Kasi nga ayaw Niya! Malinaw na malinaw ang pag-uutos Niya na “Huwag” mahal naming mga kaibigan, kababayan kaya huwag na natin ipilit ang sarili nating kagustuhan, at kagustuhan rin ng iba, kundi ang masunod natin ang kagustuhan ng ating Panginoong Diyos natin.
Paano kung ikaw ngayon ay nakaunawa ng ganap. Alam mo ang tama at mabuti. Dapat mo pa bang ipagwalang bahala? Uuwi ka ng inyong tahanan katulad ng nauunawaan muna na ayaw Niya na may mga diyus-diyusan, mga inukit na larawan. o mga batong hinugisan upang sambahin hahayaan mo pa ba yung ayaw ng Panginoong Diyos natin sa tahanan niyo ay pananatilihin?
Para huwag madamay sa galit ng Panginoong Diyos ay pinakamainam makasunod na lang tayo na sundin natin Siya. Magaan na maipaunawa sa lahat, sa inyong mga mahal sa buhay ang lahat ng mababasa mo dito sa Blog ng Iglesia ni Cristo…Hinirang at saka kayo magpasya na piliin ang higit na makabubuti. Ang Amang Banal Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos na ang nagsasabi kamo na “Huwag na magsasagawa ng pagsamba sa mga larawang inanyuan, mga batong hinugisan para sambahin. Nangangahulugan lang na dapat talaga na sundin natin ang kagustuhan Niya na kapag nasunod natin magagalit pa ba ang ating Amang Banal Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos? Wala ng dahilan para magalit pa Siya dahil nakasunod na nga! Ikatutuwa pa nga Niya! Dahil ang buong Katotohanan hindi Niya ibig na may hihigit pa sa Kaniya na marapat pag-ukulan ng Pagsamba o ipantay man lang sa kaniya tulad ng naituturo ng iba. Sa Kaniya lang marapat ipatungkol ang marapat na katawagan na Panginoong Diyos, Dakilang Panginoong Diyos, Pinakadakilang Panginoong Diyos. Oo sa ating Amang Banal Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos marapat na ipatutungkol ang lahat ng iyan. Yan ang pagtutuwid, yan ang pagsasaayos dahil hindi marapat na angkinin ng sinuman o ikapit kaninuman o ikapit kahit sa abang lingkod niyo ang katuruan ng iba kahit ipinauunawa na mensahe diumano sa kanila. Ang Katotohanan kaya ako nakapagpapahayag ng may Karunungan dahil lumalakip sa akin ang tulong ng ating Amang Banal Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos sa pamamagitan ng Diwa ng ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo. Nag-iisa lang ang ating Amang Banal Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos, na kung may ipakikilala pang iba na hihigit sa Kaniya sila ay nabibilang na sa mga diyus-diyusan lalo na nga inukit na larawan, at batong hinugisan lamang para sambahin.
[2] Igalang ninyo ang mga Araw ng Pamamahinga at ang aking santwaryo. Ako si Yahweh.
Kaya mga kaibigan, mga kababayan nagpapaunawa ang ating Amang Banal Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos sa panahon ng Pagsamba sa santwaryo o dako ng dalanginan o Gusaling Sambahan ay ayaw Niya na may diyus-diyusan o may mga inukit na larawan o batong hinugisan upang sambahin ng tao. Dahil hindi Siya naigagalang yan ay kung ipagpipilitan ang ayaw Niya. Mapanigbughuin ang ating Amang Banal Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos. Ang gusto Niya Siya lang ang kilalanin ng lahat na Pinakadakilang Panginoong Diyos na Pinakamamahal natin. May nakalaang napakagandang pangako na
[3] Kung susundin ninyo ang aking mga tuntunin at tutuparin ang mga utos ko,
Huwag ninyong ikasasama ng loob o ikagagalit hinahanay ko lang ang ibig ipaunawa ng ating Amang Banal kung bakit dumarating na ang iba’t-ibang mga katatakutan na mga kaganapan sa buong daigdig at ang kabigatan ng buhay ang nararamdaman ninyo na halos parang wala ng katapusan. Subalit sa panig ng mga makasusunod ay magpapatotoo ang Hiwaga ng Kapangyarihan ng ating Amang Banal Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos. Ano ang Kaniyang gagawin?
[4] uulan sa kapanahunan at mamumunga nang sagana ang mga punongkahoy. [5] Anupat nakaraan na ang pitasan ng prutas at taniman na uli ay gumigiik pa kayo. Sasagana kayo sa pagkain at mamumuhay nang panatag. [6] Maghahari ang kapayapaan sa buong lupain at walang gagambala sa inyo. Palalayasin ko ang mababangis na hayop at wala nang dirigma sa inyo. [7] Matatakot sa inyo ang inyong mga kaaway at malulupig ninyo sila sa labanan. [8] Sapat na ang lima sa inyo upang talunin ang 100 kaaway at ang 100 para sa 10,000 kaaway. Madali ninyo silang malulupig.
Ang paglalarawan na yan ay mga pagpapala na napakaganda ng magiging mga ani masaganang-masagana. Napakasarap na panatag lang ang pagdadala ng buhay at pamumuhay. Napakasarap na naghahari ang kapayapaan. Ito ang ibig ninyo na maging kapalaran? Siya ang sundin natin huwag bigyan daan pa ang makapangatwiran na makalalabag lang. Kaya nagagalit Siya! Ayaw Niya ng mga inukit na larawan, ng mga rebulto o batong hinugisan para sambahin para sa Kaniya ang lahat ng yaon ay itinuring niya na mga diyus-diyusan. Kaya sa mga makasusunod ay pawang mga pagpapala ang Kaniyang ipagkakaloob. Pati sa mga mababangis na kaaway handa Niya kayong ipagtanggol. May dapat lamang kayong maunawaan hindi literal na kayo ay didigmain ng mga tao. Ito ay napatutungkol sa peste o Virus sa pananim na itinuturing. Sila ang mapaminsalang hayop na mababangis kung maminsala sa inyong mga pananim. Gaano man anya karami ang kanilang bilang, libu-libo man ang dami nila subalit sasapat ang bilang ninyo para sila ay sugpuin.
Katumbas naman na pagpapala at masaganang biyaya naman sa lahat ng mga patuloy na nagtatapat. Hindi kayo kayang igupo ng mga pagsubok na tila iniinis ang inyong buhay at pamumuhay. Kaya naman
[9] Pagpapalain ko kayo; kayo’y uunlad at darami. Hindi ko sisirain ang aking tipan sa inyo.
Kaya mapananaligan natin at mapanghahawakan ang Tipan ng Kaniyang Pangako na pagpapalain Niya tayo na
[10] Sa dami ng inyong aanihin, nag-aani na kayo uli ay laon pa rin ang kinakain ninyo. [11] Maninirahan akong kasama ninyo at hindi ko kayo pababayaan. [12] Ako’y inyong kasama saanman kayo magpunta; ako ang magiging Diyos ninyo at kayo naman ang magiging bayan ko.
Tapat na nangako mismo ang ating Amang Banal na Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos na tayo ay Kaniyang sasamahan saan man magtungo ay hinding-hindi Niya pababayaan. Pagpapakilala Niya
[13] Ako si Yahweh, ang naglabas sa inyo sa Egipto. Pinalaya ko na kayo kaya’t wala na kayong dapat ikahiya sa inyong kapwa bansa. [14] Ngunit kung hindi kayo makikinig sa akin at hindi tutupad sa mga utos ko, [15] kung ipagwawalang-bahala ninyo ang aking kautusan at di ninyo tutupdin ang lahat kong mga utos, kung sisirain ninyo ang aking tipan,
Muli lamang Niyang ipinaaalaala na Siya ang naglabas o nagligtas. Ang pangakong ito mula pa sa mga ninuno natin sa Espiritual ay natupad na sa panahon ni Propeta Moises. At ang mga pangakong yan ay hindi nagbabago hanggang sa kasalukuyan at hanggang sa hinaharap na patuloy na tatanggapin ng lahat, ng mga anak sa pangako sa yugto ng ating panahon. Subalit sa panig ng magwawalang bahala sa mga bilin Niya na hindi pa rin makikinig at hindi pa rin makasusunod ay
SA BAHAGING ITO IPINAUUNAWA ANG CORONA VIRUS DISEASES
[16] bigla kong paghahariin sa inyo ang takot; darating sa inyo ang lagnat at peste, manlalabo ang inyong paningin, at hindi kayo makakakain. Hindi ninyo pakikinabangan ang inyong mga tanim, pagkat kakainin ng inyong mga kaaway.
Mga mahal kong kababayan, mga mahal kong kapatid sa panig ng mga hindi makasusunod, darating anya sa kanila ang lagnat at peste na ang peste na yan ang mapaminsalang virus sa kalusugan ng tao ay dinaranas na ng marami, na kung tawagin ay Corona Virus Diseases o Covid-19. Ano ang tinitiyak na mararamdaman ng lahat ng tao sa paglalarawan sa talatang nabasa? Tulad ng ipinauunawa paghahariin sa kanila ng ating Amang Banal Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos ang takot. At ganun nga ang nangyayari sa kasalukuyan nanlalabo ang mga paningin o nanlalabo ang mga pag-asang natatanaw ng mga mahihina ang loob at mahihina ang resistensya. Hindi na nga makakakain o tatanggap ng anumang pagpapayong ikalalakas dahil inoobserbahan na lang at hindi pinalalapitan, maging sinuman sa mga mahal sa buhay ay hindi pinahihintulutan na may makadalaw man lang. Ang nakalulungkot may mga pasyente na tinamaan ng nakapipinsalang sakit Covid-19 ang hindi na niya nakita at nakausap ang kaniyang mga mahal sa buhay. Pumanaw na wala ng anuman pamamaalam na naganap pa.
Para sa kabatiran ng lahat bukod sa Covid 19 ay may mga pagsubok pa na kakaharapin ang bawat isa para sa mga mayroong pinagkukunan ng kabuhayan. Nakalulungkot ngunit nakatakda ng pinsalain ng mga balang, pinsalain ng mga daga o ng mga peste na pawang mga itinuturing ninyong kaaway ng inyong mga pananim. Katumbas naman na magiging masalimuot na ang buhay at pamumuhay ng mga hindi makasunod. Lulupigin sila ng pangamba at mga kinatatakutan nila. Kaya
[17] Pababayaan ko kayong malupig nila. Ipaiilalim ko kayo sa kapangyarihan ng mga napopoot sa inyo, anupat kakarimut kayo ng takbo kahit walang humahabol.
Saan kayo susuling kung wala na ang tulong ng ating Amang Banal Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos natin? Siya ang may sabi pababayaan Niya kayo. Kaya kakarimut o kakaripas kayo sa pagtakbo kaya takot na takot kayo sa pag-iwas kahit hindi naman kayo nila mga huhulihin. Nagaganap na ito sa kasalukuyan sa lahat. Kaya nga patuloy na nagmamalasakit, nagpapaunawa at nagpapaalaala sa inyo ang ating Amang Banal Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos sa pamamagitan ng Diwa ng ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo upang hindi ninyo danasin ang mga nakaamba pang mga kaganapan sa taong ito ng 2020 na mas malala at mas matitindi pa. Kung bakit? Unawain ninyo ang mga kasunod na mga talata… pitung ibayo ang parusang igagawad! Kaya hindi makaiiwas ang kinikilala ng ating Amang Banal Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos na pinaka-Israel ngayon sa Espiritual sa panahong ito sa mga huling araw, Oo na nakatakdang salantain kubkubin sila ng salot at peste o virus na tuwirang ipinatutungkol sa Corona Virus Diseases na makararating ito sa inyo, na pipinsala ng maraming buhay, yan ay kung hindi kayo magbabago, gaya ng nababasa ninyo sa siniping talata sa Banal na Kasulatan o BIBLIA. Kaya…
[18] Kung sa kabila nito’y hindi pa rin kayo makikinig, pitong ibayo ang parusang igagawad ko sa inyong mga kasalanan. [19] Parurusahan ko kayo dahil sa katigasan ng ulo; hindi ko kayo bibigyan ng ulan at matitigang ang lupa. [20] Mawawalan ng kabuluhan ang inyong pagpapagal pagkat hindi maaanihan ang inyong itinanim, at hindi mamumunga ang inyong mga halaman. [21] Kung tuloy pa rin ang inyong paglaban sa akin, pitong ibayo ang pahirap na ipararanas ko sa inyo.
Huwag ninyong papagmatigasin ang inyong mga kalooban. Kilala Niya ang bawat isa sa inyo na patuloy na lumalaban sa Kaniya na yan ang di ninyo paggalang, ang di ninyo pagsunod yan ang katumbas na paglaban ninyo sa Kaniya. Kaya naman
[22] Pababayaan kong lapain ng mababangis na hayop ang inyong mga anak at mga kawan. Iilan sa inyo ang matitira, at maghahari ang lungkot sa buong lupain.
Mababangis na hayop na idinugtong naman sa anak. Sila naman ay ipinatutungkol sa mga may ugaling tulad sa ganid na lobo na lalapain ang mga nasa kawan o sa loob ng Iglesia. Kakaunti na lang ang bilang na matitira. Subalit ang nakalulungkot paghaharian ng kalungkutan ang Bayan na pinatutungkulan.
[23] Kung magmamatigas pa rin kayo, [24] pitong ibayo pa ang parusang ibabagsak ko sa inyo. [25] Ipasasalakay ko kayo sa mga kaaway ninyo at marami ang mapapatay sa inyo dahil sa inyong pagsira sa aking tipan. Makapagtago man kayo sa mga muog, padadalhan ko kayo roon ng peste, kaya lalagpak din kayo sa kamay ng inyong kaaway. [26] Magdadahop kayo sa pagkain anupat iisang kalan ang paglulutuan ng sampung babae. Ang pagkai’y unti-unting irarasyon sa inyo, at hindi kayo mabubusog.
Sa mga higit na pinatutungkulan kung bakit naituturo ang mga aral na ito. Kayo na mga sumira sa Tipan na nasa loob ng Iglesia ni Cristo sa lunsod na binabanggit ang mismong Central. Oo kayo ang tuwirang pinatutungkulan na kung magmamatigas pa rin paanong hindi magdadahop umiiral na ang panic buying. Ang ipinangangamba ng lahat inilalarawan na ang paghihirap na magaganap. Hindi mahirap intindihin unti-unti ng irarasyon ang pagkain at hindi ikabubusog ng sinuman. Marapat na mapaghandaan ang lahat ng ito sapagkat darating ang matinding kahirapan. At
[27] Kung sa kabila nito’y di pa rin kayo magbabago, [28] magsisiklab na ang aking galit sa inyo, at parurusahan ko kayo nang makapitong ibayo. [29] Ang karneng kakanin ninyo’y laman ng inyong mga anak. [30] Wawasakin ko ang inyong mga dambana sa burol at dambanang sunugan ng kamanyang. Itatakwil ko na kayo at itatambak ang inyong mga bangkay, sa ibabaw ng inyong mga diyus-diyusan. [31] Wawasakin ko ang inyong mga lunsod pati ang mga santwaryo at di ko pahahalagahan ang mga handog ninyo. [32] Sasalantain ko ang inyong mga lupain anupat mamamangha ang mga kaaway ninyong sasakop niyon. [33] Uusigin ko kayo ng tabak at mangangalat kayo sa lupain ng mga Hentil. Maiiwang nakatiwangwang ang inyong lupain at iguguho ang inyong mga lunsod.
Mga paglalarawan na magiging katatakutan kung hindi pa rin magbabago at susunod. Pahihintulutan ng ating Amang Banal Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos natin ang santuwaryo o mga pinagdadausan ng Pagsamba ay mawasak at magiba. At ang anumang mga paghahandugan o abuluyan na gagawin ay hindi na Niya pahahalagahan.
[34] Sa gayon, mamamahinga nang mahabang panahon ang inyong lupain samantalang kayo’y bihag sa ibang bansa.
LOCKDOWN ang katumbas na mamamahinga sa mahabang panahon ang lupain o bayan na pinatutungkulan. Kung bakit dahil isasara pansamantala ang iba’t-ibang mga departamento, establistamyento mga santwaryo o Gusaling Sambahan. Ito ay sa takot at pangamba sa pinsalang dulot ng Covid-19. Samantala habang nagaganap ang lagnat at peste (virus) o Corona Virus Diseases sa ating bayan ang iba naman nating kababayan ay tila bihag sa mga bansa na kanilang kinaroroonan. Ito ay dahil na rin sa mga binuong mga kautusan ng paghihigpit sa mga tao na lumabas, Oo halos walang kalayaan ang mga kababayan natin doon sa pinaiiral na batas na ipinatutupad sa bawat bayan o bansa na kinaroroonan nilang lahat.
[35] Makapapahinga nga ang inyong lupain, di tulad nang kayo’y naroon. [36] Ang mga maiiwan doon ay paghaharian ng matinding takot anupat may malaglag lamang na dahon ng kahoy ay magkakandarapa na sila sa pagtakbo. [37] Magkakadagan-dagan sila sa katatakbo na parang habol ng taga, gayong wala namang humahabol. Hindi ninyo maipagtatanggol ang inyong sarili sa mga kaaway. [38] Malilipol kayo sa lupaing iyon. [39] Ang malalabi naman ay mamamatay sa hirap dahil sa kasalanan ninyo at ng inyong mga magulang. [40] Malalaman nila na sila at ang kanilang mga magulang ay lumaban sa akin, [41] kaya pinabayaan ko sila at ipinasakop sa mga kaaway nila.
Sapat na maunawaan ng lahat magpapatuloy ang mga katatakutan gaya ng inilalarawan na kung hindi nga babalikwas ang lahat mararanasan ang bigat ng buhay. Ngunit ..
[42] Ngunit kung sila’y magpapakumbaba at magbabalik-loob sa akin, aalalahanin ko ang aking tipan kay Jacob at Isaac, ang tipang ibinigay ko kay Abraham. Aalalahanin ko rin ang kanilang lupain, [43] ngunit paaalisin ko muna sila roon. Sa gayon, makapapahinga nang lubusan ang lupain at madarama naman nila ang bagsik ng parusang ipapataw ko dahil sa pagsuway nila sa aking mga tuntunin at kautusan. [44] Gayunman, hindi ko sila lubos na pababayaan sa lupain ng kanilang kaaway, baka kung puksain ko’y mawalan ng kabuluhan ang aking tipan sa kanila. Ako si Yahweh. [45] Aalalahanin ko sila alang-alang sa tipan ko sa kanilang mga ninunong inilabas ko sa Egipto. Nasaksihan ito ng mga Hentil at ginawa ko upang ako’y maging Diyos nila. Ako si Yahweh.” [46] Ito ang mga tuntunin at mga utos ni Yahweh na ibinigay sa mga Israelita sa Bundok ng Sinai sa pamamagitan ni Moises.
Mga mahal naming kababayan, kaibigan at mga kapatid ang mga Katotohanang nabasa ninyo ang magpamulat nawa sa inyong lahat para piliin natin ang mabuti sa pangkalahatang panawagan ng ating Amang Banal Pinakamamahal Pinakamakapangyarihan Pinakadakilang Panginoong Diyos sa pamamagitan ng Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo para sa pandaigdigang Pagbabago na sundin na ang lahat ng Kaniyang mga ipinag-uutos. Pagkatapos na masunod ay lalakip naman sa ating lahat sa pamamagitan ng ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo ang mga biyaya at pagpapalang Espiritual kung paanong ipinagkaloob sa mga Israelita noon ay muling laan na ipagkaloob sa ating lahat.
CORONA VIRUS ANG THE BIG ONE NA ISA LAMANG SA LITERAL NA PINANGANGAMBAHAN NA YUMANIG SA LAHAT NG BANSA… CORONA SA ESPIRITUAL O PAGHAHARI NG PINAKAMAMAHAL PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS SA PAMAMAGITAN NG ATING PINAKAMAMAHAL NA PANGINOONG JESU-CRISTO ANG PAGMUMULAN NG LUNAS O KAGALINGAN…
Nawa ang panawagan ng ating Amang Banal Pinakamamahal Pinakamakapangyarihan Pinakadakilang Panginoong Diyos sa pamamagitan ng Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo na sa mga naihanay na Pahayag ay makaakay sa inyong lahat para makapagbagumbuhay na. Piliin na natin ang mabuti at ang ikababanal. Mga kababayan mga magulang mga kapatid hinihintay Nila kayo na yakapin ninyo ang mga Katotohanan na napag-unawa ninyo. Ito ang kaparaanan para maipagmalasakit ang lahat sapagkat ang Amang Banal Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos din naman ang naghahangad ng kaligtasan ng lahat ng mga tao at ang tanging kaparaanan lamang na itinuturo ang kayo ay mapabilang sa Kanilang Pinaghaharian. Kaya ang pinakalunas sa lahat ng mga inilarawang kaganapan na mga katatakutan na sa kasalukuyan na bumangon ay ang isang pakikipagkasundo at pakikipagtipan na maipauunawa ng Napahihintulutan na magaganap sa hinaharap na walang ibang taong pinagkatiwalaan ang Kanilang abang lingkod lamang .
– Elias Arkanghel Jesu-Cristo M03162020PT1247