ANG HIWAGANG NAPAPALOOB SA APOCALIPSIS O PAHAYAG 12:1 HANGGANG 5 AT ANG KAUGNAYAN NITO SA IGLESIA NI CRISTO AY GANAP NG NAIPAUNAWA LETRA POR LETRA NA NAUUGNAY SA NALALAPIT NA KALIGTASANG DARATING.
Mga mahal kong kapatid. Mapagpalang Araw sa inyong lahat. Muli nating ipinagpapasalamat sa Kapahintulutan ng ating Amang Banal na Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos at ng ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo sa muli Nilang pagsusugo sa Banal na Espiritu ay muli Nila ginabayan ang Napahihintulutan ng mga Katotohanan na sinasaklawan ng Hiwaga. Hindi natin ito mauunawaan sa sariling pag-aaral kahit makailang ulit na balik-balikan, dahil darating lamang ang kalituhan kung walang pahintulot sa ating Pinakamakapangyarihan Pinakadakilang Panginoong Diyos na Siyang may Akda ng lahat ng ito. Para sa inyong kabatiran ang Apocalipsis o Pahayag ay naglalaman ng mga Propesiya o Paunang Pahayag na magaganap sa hinaharap. At ngayon sa yugto ng ating panahon ang lahat ng nilalaman nito ay kasalukuyan ng natupad, natutupad at matutupad. At para pa rin sa inyong kabatiran mga mahal naming kapatid nang isulat ang Aklat ng Apocalipsis ay umiiral na o eksistido na ang ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo. Kung bakit kinakailangan pang ipaunawa ito sapagkat ipinagkakamali ng mga nag-aaral at mga tagapagturo ang batang tinutukoy diumano sa Apocalipsis 12 na ipanganganak para sa kanila ay ang Panginoong Jesu-Cristo ang pinatutungkulan. Kaya napakapalad pa ngang itinuturing ang sinumang bumabasa ng Aklat ng Pahayag. Bago natin lubusang pag-aralan pakiunawa muna ang sinipi sa unang bahagi ng Apocalipsis o Pahayag sa Bersikulo 1talatang 1.
Apocalipsis 1 MB 1 Ito ang paghahayag ng Diyos kay Jesu-Cristo, at kanya namang inihayag kay Juan na alipin niya, sa pamamagitan ng anghel. Ang layon ng paghahayag na ito’y ipabatid sa mga alipin ng Diyos ang mga bagay na malapit nang maganap. 2 Ito ang patotoo ni Juan sa mga nakita niya – tungkol sa inihayag ng Diyos at pinatunayan ni Jesu-Cristo. 3 Mapalad ang bumabasa ng aklat na ito, ang mga nakikinig sa hulang inihahayag nito, at tumutupad sa nasusulat dito! Sapagkat ang lahat ng ito’y malapit nang maganap.
Dahil diyan hindi na darating sa inyong kaisipan at ipipilit pa na ang sanggol na batang lalake na ipanganganak ay siya din ang Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo natin. Sapagkat malinaw naman ang ginawang paghahayag ng ating Pinakadakilang Panginoong Diyos sa ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo na kaniya namang inihayag sa pamamagitan ng Anghel na inihayag naman ng Anghel kay Juan. Tayo ng dumako sa :
Apocalipsis 12 MB [1] Kasunod nito’y lumitaw sa langit ang isang kagila-gilalas na tanda: isang babaing nararamtan ng araw at nakatuntong sa buwan; ang ulo niya’y may koronang binubuo ng labindalawang bituin…
Kasunod nito’y lumitaw na sa Langit o pumailanlang na sa kaitaasan sa kaniyang katanyagan ang Iglesia ni Cristo na namamayagpag na sa panahon ng mahal na kapatid na Eraño G. Manalo dahil sa kaniyang masigasig at matuwid na Pamamahala. Kinikilala ng mga punong lider ng bawat bansa at punong lider ng bawat relihiyon ang matagumpay na kaniyang pangunguna sa Iglesia ni Cristo mula ng pagpahingahin na ng ating Amang Banal Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos ang mahal na kapatid na Felix Y. Manalo na kinikilalang Sugong Lider sa mga Huling Araw. Sa Pamamahala ng kapatid na Eraño G. Manalo sa Iglesia ni Cristo ay sunud-sunod na pagtatagumpay ang napapabalita. Ito ang isang kagila-gilalas na tanda na nagpapatotoo ang pagtulong ng Pinakadakilang Panginoong Diyos sa pamamagitan ng Panginoong Jesu-Cristo kung bakit tinamasa ng Iglesia noon ang mga tagumpay dahil sa matuwid na pangunguna ng mahal na kapatid na Eraño G. Manalo. Kaya nga nabihisan ito ng mga Karangalan katumbas na isang babaing nararamtan ng araw o ang Iglesia ni Cristo ang babae na nararamtan ng araw o nasa kaniyang maningning na kalagayan, na tulad ng silahis ng sikat ng araw na kumalat sa buong mundo ang Mabuting Balita na may dala ng Kaunawaan sa Kaligtasan na inaalok ng ating Pinakadakilang Panginoong Diyos sa pamamagitan ng ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo. Mula sa napakadilim na kalagayan dinala sa liwanag na puno ng pag-asa ang bawat kaanib nito kaya sumisikat hanggang sa apat na sulok ng daigdig ang Iglesia ni Cristo na namamayagpag sa maluwalhati ng kalagayan. Subalit sa panahon na nagpapatuloy ang pagmamalasakit sa Iglesia ni Cristo ng Tagapamahalang Pangkalahatan ng kapatid na Eraño G. Manalo ay sumasabay na ang mga lihim na namiminsala sa kaniyang ledirato ito ay kaniya ng ikinababahala sapagkat sa panahong yaon ang kaniyang inaasahang magiging mabuting mga katuwang sa pamamahala sa Iglesia ay sila pa ang nagiging kasiraan na humahadlang sa Banal na Gawain. Nilapatan man niya ng disiplina ang ilan sa kanila subalit sa halip na ituwid ang mga kamaliang nagawa ay lalo pang kinimkim ang galit sa dibdib at poot na ang pinaghahari na damdamin ay pawang laban na sa kaniya. Labis na dinamdam ng kapatid na Eraño G. Manalo ang mga pagmamalaki, pagmamalabis at pananamantala ng mga nakapaligid sa kaniya. Kaya umaayon ang kaniyang sinabi sa mga nangyayari na “wala na sa labas ng Iglesia ang pagsubok, nasa loob na.” Tumintindi at lumalala ang pinsala ngunit tanging ang mga nasa loob ng Central ang nakaaalam ng lahat, at karamihan dito ay ang mga tapat na matatandang ministro na nakikisimpatya at kumikilala sa kapatid na Eraño G. Manalo na may pusong mapagmahal at mapagmalasakit sa mga kakapatid sa Iglesia. Sila ang mga matatandang ministro ang mga hayagang nakakakita sa mga kaganapan sa loob ng Central na bagama’t mga nanahimik nasasaksihan nilang lahat ang mga ginagawang pamiminsala ng kinikilala nilang Pangalawang Tagapamahalang Pangkalahatan kapatid na Eduardo V. Manalo gayundin ng mga tagasunod niya. Hindi na rin magtatagal dama na noon ng ating mahal na kapatid na Eraño G. Manalo ang kaniyang panghihina nararamdaman na niya unti-unti na siyang nawawalan ng lakas na lalo pang lumalala dahil sa kahapisang likha ng mga nagtataksil na sa kaniyang pangunguna sa Iglesia, silang walang banal na takot na gumagambala sa kapayapaan ng Iglesia ni Cristo at sumisira sa kaniyang matuwid na Pamamahala. Kaya sa paglalarawan ang maningning na kalagayan ng Iglesia ay nahuhubaran na kaya humantong na sa/at nakatuntong sa buwan; o lumagay na sa kalagayan ng lumamlam na sa kaliwanagan o namamanglaw na ang liwanag ng pag-asa na maisaayos pa niya ang lumalalang kapinsalaan. Batid ng mahal na kapatid na Eraño G. Manalo na nakatakdang malantad sa matinding kahihiyan ang Iglesia ni Cristo sa pangkalahatan dahil sa lantaran na ring ipinakikita sa mga kakapatid sa loob ng Central ang mga pamiminsala at hindi na paggalang sa kaniya. Kaya sila ang pinatutungkulang mga banta na yayanig sa pananampalataya ng mga kapatid sa loob ng Iglesia ni Cristo sa hinaharap at marami ang manlalamig. Sinu-sino ang sila-sila na pinatutungkulan? Paano makikilala at papaano sila ilarawan? Kung ang pagbabatayan natin ang nakasulat sa Banal na Kasulatan o BIBLIA ang ulo niya’y may koronang binubuo ng labindalawang bituin. ito ay dahil na rin sa labindalawang bilang na pinatutungkulan na bituin na may kinakatawan na tauhin na nasa loob ng Central. Bituin o nasa mataas na kalagayan na lahat ng ito ay binubuo, nasasaklawan o napasasakop sa kaniya. Mga bituin sa paglalarawan kaya tinitingala nasa mga matataas na posisyon, mga malalakas ang loob dahil nakasandal sa Pangalawang Tagapamahala na napagbibigyan ang anuman ang maibigan nila gamit ang masama at mapaminsala ng kaisipan. Siya ang pinatutungkulan “ang ulo niya’y” may koronang binubuo ng labindalawang bituin. Pansinin niyo, ginamit na pantukoy ay “niya” na tuwirang ginagamit sa pang-isahan lamang. Kanino tumutukoy ang may korona o nakaupo na sa trono? Ito ay tuwirang napatutungkol sa Pangalawang Tagapamahala ng Iglesia na tumutukoy kay kapatid na Eduardo V. Manalo.
[2] Malapit na siyang manganak kaya’t napapasigaw siya sa matinding sakit at hirap.
Malapit na siyang manganak kabuwanan na para dumanas na sa literal na pagbabago ang babae o ang Iglesia ni Cristo. Isang pagbabago na Kalooban at Kapahintulutan na ng ating Amang Banal Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos ang lahat ng mga kakaharaping pagsubok ng lahat ng mga kakapatid sa loob ng Iglesia ni Cristo. Sapagkat sa mga kaganapang ito ay makikilala na ang bawat indibidwal na Iglesia ni Cristo ay dadaanan na ang Apoy ng Pagsubok para masala ang pananampalatayang nararapat para matiyak ay dadaan din naman sa Apoy ng Pagdalisay hanggang sa umaayon na sa pamantayan ng ating Amang Banal Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos ang bawa’t isang nagsasabing sila ay tapat na Iglesia ni Cristo.
Hanggang sa naganap ang hindi inaasahan ng lahat na ikinagulat, ikinabigla ng maraming mga kapatid sa Iglesia ni Cristo sa buong mundo. Ikinabigla nga ng lahat maging ng mga hindi kaanib sa Iglesia ni Cristo ang biglaang pagpanaw ng mahal na kapatid na Eraño G. Manalo ang Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia ni Cristo kung kaya’t napapasigaw siya sa matinding sakit at hirap ang babaeng ito ay ang Iglesia ni Cristo sa nakaraan. Naramdaman ito ng lahat ng mga kakapatid sa loob ng Iglesia ni Cristo. Kung bakit? Sapagkat kinikilala ng lahat bilang kaanib bahagi ng Katawan o ng Iglesia. Umugong ang mga bulung-bulungan at pagtatanong kung bakit hindi man lang nagkaroon ng sirkular para ipabatid sa mga kakapatid sa Iglesia ni Cristo na ang mahal na kapatid na Eraño G. Manalo ay nasa banig na ng karamdaman at nasa malala ng kalagayan, na ibinalita na lang pumanaw na ang mahal na kapatid na Eraño G. Manalo. Kaya naman hindi naging madali ang pagtanggap sa kaniyang pagkamatay ng araw ng Lunes noon August 31, 2009, lamang naideklara kinabukasan pa araw ng Martes ng September 1, 2009. Ang pagpapahayag na ang mahal na kapatid na Eraño G. Manalo ay pumanaw na ay katumbas ng paghiyaw na nagresulta ng paghihirap ng kalooban ng marami.
[3] Isa pang tanda ang lumitaw sa langit: isang pulang dragon na napakalaki. Ito’y may pitong ulo at sampung sungay, at may korona ang bawat ulo. [4] Sinaklot ng kanyang buntot ang ikatlong bahagi ng mga bituin sa langit at inihagis ang mga iyon sa lupa. Pagkatapos ay tumayo siya sa paanan ng babaing malapit nang manganak upang lamunin ang sanggol sa sandaling ito’y isilang.
Hanggang sa isa pang tanda ang lumitaw sa langit: isang pulang dragon na napakalaki kumakatawan ito sa kapangyarihan ni satanas na siya ring diablo. Si satanas ay noon pa ay kumikilos na. Sa pasimula pa lang kilala ng napakatuso, napakapalalo, at likas na siyang masuwayin at taksil sa ating Amang Banal Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos sa Pasimula pa lamang.
I ) Oo sa unang yugto ng panahon sa mga nakaraan ay nagawa na niyang makapasok sa Paraiso kung saan naroroon sina Adan at Eva, dinaya niya ang mag-asawa sa tusong pamamaraan umiral ang damdaming tao sa mag-asawa naging mahina kaya nahulog sa pagkakasala.
II ) Nagawa rin niyang pasukin ang Sambahayan ni Job upang subukin at sukatin kung gaano katatag ang pananampalataya nito sa ating Amang Banal Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos subalit umiral din ang damdaming tao nagawa pa niyang sumbatan ang ating Amang Banal kaya nagkasala rin siya na lingid sa pagkakilala ng mga kapatid dahil nakilala siyang napakabuti at hinangaan si Job, hindi naituturo kailanman sa Iglesia ang mga naging pagkakasala niya at panunumbat sa ating Amang Banal Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos dahil hindi pa napapanahon maituro kundi ngayon pa lamang napahihintulutan dahil umaayon na sa panahon na ng paghahayag, pagsasaayos at pagtutuwid ( Job 34 MB 1 Sinabi pa ni Eliu: 2 Makinig kayo, matatalinong tao, Itong sinasabi ko ay pakinggan ninyo.. 5 Ayon dito kay Job ay wala siyang sala, At itong katarunga’y ikinakait daw sa kanya. 6 Kahit daw siya matuwid ay ayaw paniwalaan, Ipinipilit niyang siya’y walang kasalanan, Gayunma’y sinugatang halos ikamatay. 7 May nakita na ba kayong tulad nitong si Job? Kaunti man ay wala siyang paggalang sa Diyos.)
III ) Higit sa lahat itong si satanas muling nag-anyong ahas subalit ang masama niyang espiritu ang nangusap sa ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo sa tagpong nag-aayuno sa ilang kung saan hinatid Siya ng Banal na Espiritu. Dumating doon si satanas para Siya ay tuksuhin ngunit hindi pinanaigan ni satanas ang damdaming tao ng ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo dahil nanaig ang damdaming maka-Langit habang ipinakikilala Niya ang Ama na Pinakamakapangyarihan sa Lahat na SumasaKaniya. Kaya naman ang pagkain, ang kapangyarihan at mga kayamanang panlupa na inalok sa kaniya ni satanas ay hindi Niya tinanggap dahil batid Niya hindi si satanas ang magkakaloob nito sa Kaniya sa takdang panahon kundi ang ating Amang Banal Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos natin.
Hanggang ngayon si satanas ay hindi tumitigil lalo na nga kakaunting panahon na lamang ang nalalabi sa kaniya. Kaya patuloy niyang dinadaya ang kaisipan ng mga Lingkod ng PANGINOON maging ang kaisipan ng mga pangkaraniwang mga tao. Sinasamantala niya at pinapasok niya ang sinumang ibig niyang tuksuhin tulad ng kaniyang masiglang pagkilos ngayon para dayain ang mga Hinirang sa loob ng Iglesia ni Cristo at sa huling yugto na ng panahon nating ito a ibig niyang biguin ang lahat sa inaasahang kaligtasan na ipagkakaloob ng ating Amang Banal Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos sa pamamagitan ng ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo. Ang Iglesia ni Cristo sa simbolikal sa Espiritual na pakahulugan ay ito rin ang Langit na inuusig ni satanas kung saan kabilang ang mga kapatid natin na kaniyang dinadaya at pinagkakapitan ng diwa niyang masama. Kaya pinasok niya para tuksuhin at dayain din ang kaisipan ng bawat kaanib. Walang makaiiwas kay satanas na mga kapatid sa Iglesia ni Cristo sa panunukso niyang gagawin, kung paanong dinaya niya ang ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo ganun din niya (satanas) dadayaing lahat ang mga Hinirang.
MAHALAGANG MAUNAWAAN : Subalit kayo (mga Sanggunian at mga kapatid sa pangkalahatan) ang pipili ng inyong magiging kapalaran. Alam ninyo ang mabuti, alam rin ninyo kung ano ang masama. Kung mabuti ang pinili kailangan pasanin ninyo ang inyong krus at humanda sa pagsalang sa apoy; Apoy ng Pagsubok, Apoy ng Pagdalisay mula sa mga Katotohanang tatanggapin ninyo na mula sa Tabak ng Karunugan na may magkabilang talim. Masakit sa damdamin kapag iwinawasiwas ng paulit-ulit sa paraang nababasa ninyo o naririnig. na mga pagtutuwid na derektang ipinatutungkol sa inyo, mga pangalan pa ninyo ay tuwirang binabanggit, may diin ang pananalita habang kayong mga pinatutungkulan ay winawari ninyong kayo ay sinisiraan at hinihiya sa kapulungan. Subalit hindi sapagkat ang bilin ay ihayag mo sila ang Atas na ito ng ating Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos sa Napahihintulutan. Alalahanin ninyo kayo ang mga pangunahing tauhan sa Iglesia ni Cristo kaya marapat lang na kayo ang unang masalang sa patutuwid at pagsasaayos. Kaparaanan ng inyong Amang Banal Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos ang paghahayag sa mga kamaliang nagawa ninyo at nagagawa pa ninyo sa kasalukuyan. Walang makapaglilihim, walang makatatanggi. Pawang ang lahat ay katotohanan kaya tama lang na anihin ninyo ang Kaniyang galit. Bahagi ng Kaniyang mga pagsasaayos at mga pagtutuwid! Kaya naman, huwag ninyong kabagutan o ipagdaramdam sa inyong kakapatid na Napahihintulutan. Ginagampanan lamang niya ang Atas sa kaniya ng inyong Panginoong Diyos na Pinakamamahal. Lahat ng inyong nababasa sa Blog ng Iglesia ni Cristo…Hinirang ay hindi niya sariling unawa! Tuwirang naipapahayag ng Napahihintulutan sa Diwa ng Panginoong Jesu-Cristo na pagsusugo sa Banal na Espiritung Pumapatnubay sa kaniya sa Atas ng inyong Amang Banal kaya sinuman ay hindi makapagsasabi sa kaniya na huwag ako kapatid. Sapagkat mali na turuan ng sinuman sa inyo o ng sinumang mga kapatid na waring itinutuwid ang Napahihintulutan. Walang sinumang makapag-uutos kung ano ang gagawin ng Napahihintulutan na parang ibig ninyo kayo pa ang kaniyang susundin. Hindi marapat na pagsasalitaan o pinagwiwikaan ng masasamang pananalita ang Napahihintulutan sapagkat ang tuwiran ninyong napagsasabihan ng masama ay ang Espiritung Banal na isinusugo sa kaniya.
Matuto kayong gumalang kung kinikilala ninyo na ang sumasakaniyang diwa ay Diwa ng Panginoong Jesu-Cristo at Diwa ng Pinakamamahal ng inyong Pinakadakilang Panginoong Diyos. Maging maingat rin kayo na makapagbitaw ng mabigat na pananalita sa kaniya kaya bantayan ninyo ang bibig ninyo sapagkat hindi sa kaniya nagmumula ang mga naihahanay niya at naipapahayag niya sa inyo at mga ikinikilos niya lahat ng ito ay iniuudyok lamang sa kaniya. Alalahanin ninyo na makailang ulit ng nagpahayag ang Napahihintulutan ay walang anumang karangalan na maipagmamalaki, wala siyang alam, hindi siya matalino, hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral, o nakatuntong man sa pag-aaral sa Ministerio para magpakadalubhasa gamit ang Banal na Kasulatan o BIBLIA. Isa lamang siyang pangkaraniwang kapatid sa loob ng Iglesia ni Cristo kaya saan kumuha ng ganitong Karunungan ang Napahihintulutang kapatid ninyo? Tunay na hindi Siya ang nagsasalita ng ayon sa kaniyang sarili kundi ayon lamang sa kaniyang narinig na idinidikta sa kaniyang diwa ng inyong Amang Banal Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos ang tanging nakakaalam ng Kaniyang mga kaparaanan na ikabubuti ninyo hindi Niya ibabatay sa kaparaanan na alam ng mga tao. Kaya nga piliin ninyo ang Apoy ng Pagdalisay dahil ikabubuti ninyo at huwag ninyong piliin ang Apoy ng Pagkapahamak na si satanas ang patuloy na magdidikta sa inyo sa paggawa ng masama na ang lundo nito ay dadalhin niya sa pagkapahamak ang bawat isa maibulid maisama niya sa impyerno. Si satanas ayaw na ayaw sa mabuti kaya binabaligtad, isinisinsay ang mga aral, ayaw ng sinasaway kaya nagrerebelde, ayaw ng itinutuwid kaya nagngingit sa galit, ayaw ng nasasaktan kaya bumabatikos, ayaw ng napapahiya kaya gumaganti ng mabibigat na salita, ayaw ng nahihirapan laging nagrereklamo. Kaya piliin ninyo pagkatapos na malaman ninyo ang Katotohanan na kayo ang mga pinatutungkulan manumbalik kayo sa ating Amang Banal at tuwiran ng makipagkasundo at alamin ang mga mabubuting hakbangin. Oo ang lahat ng ito ay inyong mapag-uunawa tanging sa Kanilang Napahihintulutan lamang. Subalit hayaan na munang magpatuloy na maipahayag niya ang lahat ng nasusulat para magpatotoo sa lahat. na Siya na ating Pinakamamahal na Panginoong Diyos ang may Akda ng lahat ng ito para maipamalas na Niya ang Kaniyang Kapangyarihan.
MULI ANG MGA IPINAUUNAWA NA MARAPAT MAIPAHAYAG SA MGA KASUNOD NA IHAHANAY AY PANUKAT SA LAHAT NG ATING AMANG BANAL NA PINAKAMAMAHAL
Tulad ng naipaunawa patungkol sa isang pulang dragon na napakalaki kumakatawan ito sa kapangyarihan ni satanas. Si satanas ay nasa kalagayang espiritu, masamang espiritu kung siya ay tawagin. At ito ang kumakapit sa isang/mga katauhang nagtataglay ng masamang espiritu o masamang kaisipan. Ang kapatid na Eduardo ang pinagkapitan nang hinahayaan niyang itanyag ang kaniyang sarili sa mga kakapatid sa Iglesia ni Cristo. Tuwiran siyang sumasalangsang at nagmamataas na nagtatanyag sa kaniyang sarili.
Walang kamalay-malay ang iba na napasusunod niya sa kaniyang utos bilang tao wala na itong kabuluhan para sa ating Pinakamamahal Pinakamakapangyarihan Pinakadakilang Panginoong Diyos. Naisasagawa na ng kapatid na Eduardo sa bawat isa ang pagtatatak sa noo o inilalagay niya sa kaisipan ng bawat kapatid na maparangalan ang EVM na kaniyang pangalan kaysa higit na dapat na maparangalan ang Pangalan ng Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo na halos bihirang mabanggit sa mga pagtuturo at pananalangin tanging sa kahilingan na lamang siya nababanggit. Nagawa niya ang anumang maibigan niya Ito’y may pitong ulo at sampung sungay, at may korona ang bawat ulo. Nangangahulugan pitong ulo o pito sa kanila ang pinaka adviser na nagtataglay ng sungay o authority o kapangyarihan at may korona ang bawat isa. Nangangahulugan mga nahahalintulad din sa kalagayan ng Pamamahala na nauupong may kapangyarihan din. Kung sa derektang pagtukoy sila ang Sanggunian na may bilang na sampu. Sino ang dalawa para mapunan ang bilang na labindalawang bituin? Sila ang kapatid na Babylyn Ventura Manalo, at ang kapatid na Jojo de Guzman.
Sinaklot ng kanyang buntot ang ikatlong bahagi ng mga bituin sa langit at inihagis ang mga iyon sa lupa. Ang labindalawang bituin ay pinasok ng mapanuksong kaisipan ng pulang dragon o ni satanas dinaya niya rin ang kanilang puso para ang damdaming tao ang umiral kaya madaling nasaling ang sariling ego para magkaisa sila at nagpasyang lahat ng hindi panig sa kanila ay ipatiwalag ito ang pagsaklot ng buntot sa ikatlong bahagi ng mga kakapatid sa Iglesia. Pagkatapos ay tumayo siya sa paanan ng babaing malapit nang manganak upang lamunin ang sanggol sa sandaling ito’y isilang. Kaya ang kaisipan ni satanas ay nakaantabay na sa babaing malapit ng manganak o ang pinatutungkulan na sanggol na malapit ng lumitaw sa Iglesia ni Cristo.
[5] At ang babae ay nagsilang ng sanggol na lalaki, ngunit may umagaw sa bata at dinala ito sa Diyos, sa kanyang trono. Ang sanggol na ito ang itinakdang maghahari sa lahat ng bansa sa pamamagitan ng kamay na bakal.
At ang babae ay nagsilang ng sanggol na lalaki, (sa huling pagtulak ng kasket ng mahal na kapatid na Eraño G. Manalo ay ang pinakahuling bahagi ng kaniyang ginampanan para sa Iglesia ni Cristo sa halos huling tulak sa kasket ay kaalinsabay naman ng pagpalahaw ng iyak ng sanggol ang hudyat ng pagsilang sa Espiritual na gampanin ng kaukulan ng batang lalaki para ihanda na ang mga nasa loob ng Iglesia ni Cristo )
Naipanganak na ang sanggol na lalaki na may kahalalan. Siya ang Pinili at Hinirang na itinalaga ng Amang Banal Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos sa pamamagitan ng ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo para sa nakatakda niyang gagampanan na isang Tungkulin na iaatang sa kaniyang balikat.
ngunit may umagaw sa bata at dinala ito sa Diyos, sa kanyang trono. may umagaw sa bata at dinala sa ating Amang Banal, ginawa naman Niya ang naaayon sa Kaniyang Dakilang Kalooban. Nagsimula sa gawain taong 2000 sa idad na 30 at nang maisaayos ang Materyal ay tumakas sa Materyal na paglilingkod na hindi pinanghinayangan ang naatang na gampanin sa Materyal na kinilala ng Nagkakaisang mga Bansa (United Nations) nang siya ay naroroon pa at naglilingkod . At matapos tumakas at umalis sa Materyal ay pinili ang Espiritual na Paglilingkod.
Ang sanggol (saklaw ng hiwaga ng Kapangyarihan ng Pinakadakilang Panginoong Diyos nang pagpalitin Niya ang Espiritu ng Panginoong Jesu-Cristo sa espiritu ng literal na naipanganak na sanggol) na batang lalake (literal na may kumakatawan subalit may sapat ng idad ang kumakatawan sa batang lalake na siya rin ang sanggol) na ito ang itinakdang maghahari sa lahat ng bansa sa pamamagitan ng kamay na bakal. At patungkol sa itinakdang paghahari niya sa lahat ng bansa sa pamamagitan ng kamay na bakal na ipinatutungkol sa sanggol na batang lalake ay paano nga ba siya maghahari? Basahin muna ninyo mga mahal kong kapatid kung bakit itinulad sa bata?
Mateo 11:25-26 [25] Nang panahong iyo’y sinabi ni Jesus, “Ama, Panginoon ng langit at lupa, salamat sa iyo, sapagkat inilihim mo ang mga bagay na ito sa marurunong at matatalino, at inihayag mo naman sa mga may kaloobang tulad ng sa bata. [26] Oo, Ama, sapagkat ganoon ang nais mo.
Ano nga ba ang dahilan kung bakit nga ba itinulad sa bata? Pansinin ninyo mga mahal kong kapatid itinulad lang nangangahulugan na hindi talaga litiral na bata. Kaya hindi kwestyunable, ganoon ang nais ng ating Amang Banal Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos na yung kahalagahan ng kaloobang tulad sa bata ang Kaniyang pinagbatayan at pinatutularan. Kaya nasa angkop ng idad ang pinatutungkulan na bata sa Espiritual na kalagayan. Subalit ang Espiritu ng sanggol ay literal na inagaw ng Pinakadakilang Panginoong Diyos na sinaklawan ng Hiwaga . Ang sanggol na ito ang Piniling bata, Hinirang na bata sa Espiritual na kalagayan. Subalit matanda sa kaalaman sa Karunungan ng Panginoong Diyos na tinataglay kaysa sa mga nagsasabing sila ang mga matatanda na sa kaalaman, matatanda na diumano sa karanasan napauukol sa pag-unawa sa kautusan na mababasa sa BIBLIA o Banal na Kasulatan, matatanda na umano na may higit ng karapatan o kapangyarihan para pamahalaan ang kalipunan ng mga Hinirang. Subalit hindi sa kanila inihayag ng ating Amang Banal, ipinagkatiwalang malaman ang Kaniyang mga inililihim na sinasaklawan ng Hiwaga na ang buong Katotohanan ay pinipigilan pa nila ito na mahayag dahil namamalagi na lamang sa mga aral o doktrinang kinagisnan. Doon na lamang nakabatay tulad ng mga Punong Saserdote na nanalig na lamang sa aral at mga katuruan at mga kautusan ni Propeta Moises na hindi na tinanggap ang mga Bagong Pahayag ng ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo. Ganiyan din ang nangyayari sa kasalukuyan ang mga aral at katuruan mula sa Bagong Pahayag ng Napahihintulutan ay hindi rin nagiging katanggap-tanggap sa kanila ang mga Bagong Pahayag. Ngunit di nila mahahadlangan ang nakatakdang mga kaganapan sa paghahayag ng Katotohanan sapagkat ang Napahihintulutan ang itinakdang maghahari sa lahat ng bansa sa pamamagitan ng Kanang Kamay na Bakal ng Katwiran ng ating Pinakadakilang Panginoong Diyos na hinding- hindi Niya pababayaan kaya hinding-hindi nila mapagtatagumpayan.
Marcos 4: [26] Sinabi pa rin ni Jesus, “Ang paghahari ng Diyos ay maitutulad sa isang naghahasik ng binhi sa kanyang bukid. Ang Banal na Katwiran na ito ang Salita ng ating Pinakadakilang Panginoong Diyos ang talagang maghahari na itinulad sa ihahasik na binhi tulad din ng butil ng mustasa na siyang pinakamaliit sa lahat ng binhi subalit magiging pinakamalaki sa lahat ng puno ng gulay. Ganiyan din ang Banal na Gawaing ito na ipinagmamalasakit sa lahat ng bansa na sa takda at maikling panahon ito ay kikilalanin at matatanyag ang ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo na magbibigay Karangalan, Kaluwalhatian sa ating Amang Banal Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos dahil Siya rin ang maghahasik at ang napahihintulutan ay abang Katiwala lamang na munting bata na Napahintulutan Nila na magpahayag.
Marcos 10:15 MB [15] Ito ang tandaan ninyo: ang sinumang hindi tumatanggap sa paghahari ng Diyos tulad ng isang maliit na bata ay hindi mapapabilang sa mga pinaghaharian niya.”
Ang Apocalipsis 12:1 hanggang 5 ang naipaunawa ng ganap. Pakiantabayan ninyo mga mahal kong kapatid ang pagpapaunawa Nila sa Apocalipsis 6 hanggang 18.
Reblogged this on welcomebrotherelijah.
LikeLike