0001 PAUNANG PAHAYAG : Awit 87:5 [5] Oo, tungkol sa Sion ay sasabihin, Ang isang ito at ang isang yaon ay ipinanganak sa kaniya; At itatatag siya ng Kataastaasan. ANG MATIBAY NA PROPESIYA NA NAKASULAT SA BANAL NA AKLAT O BIBLIA NA NAPAUUKOL SA MAY IPANGANGANAK ANG SION (Iglesia ni Cristo) … ANG ISANG ITO AY ANG ANAK NA BABAE NG SION (Iglesia ni Cristo…Hinirang) AT ANG ISANG YAON AY ANG SANGGOL NA BATANG LALAKE (Elias Arkanghel Jesu-Cristo) ANG PINAKAMAMAHAL PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS ANG MAGTATATAG SA KANIYA
Marami pong salamat Amang Banal Pinakamamahal na Pinakadakila naming Panginoong Diyos! Pinupuri, Niluluwalhati at Pinararangalan namin ang Pinakadakila Mo pong Pangalan! Muli nagpapasalamat sa Iyo pong Kapahintulutan upang muling makapaghanay ng mga Bagong Pahayag at ito ay napauukol para sa Iyo pong pagtutuwid sa pagsasaayos ng lahat ng bagay, sa pamamagitan pa rin po ng aming Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo na sumasaakin.
Awit 87:5 [5] Oo, tungkol sa Sion ay sasabihin, Ang isang ito at ang isang yaon ay ipinanganak sa kaniya; At itatatag siya ng Kataastaasan.
I . Oo, tungkol sa Sion ay sasabihin : ang Sion ay siyang sumasagisag sa Iglesia ni Cristo sa kasalukuyan. Katunayan laging ipinauunawa ito sa panahon ng mga isinasagawang Pagtitipon o Pagsamba. Katunayan din naging paksa pa ito ng Pagsambang Pansambahayan para sa araw ng Sabado/Linggo na may petsa na Mayo 9/10, 2020. Kaya dito manggagaling ang ating papaksain o tatalakayin para mabigyan kayo ng higit pagkaunawa sa Hiwagang napapaloob na napauukol sa “Sion” at ang napauukol sa “Anak na Babae ng Sion”. Mahalagang maunawaan ninyong lahat ang ating Pinakadakilang Panginoong Diyos ay may pinasasabi sa Sion o sa Iglesia ni Cristo sa huling yugto ng ating panahon. Kung ano ito na pinasasabi Niya sa kanila ay yan ang ating bibigyan daan na maipaunawa sa lahat mula sa Kapangyarihan at Kapahintulutan ng ating Pinakamamahal na Pinakadakilang Panginoong Diyos at yan ay sa pamamagitan ng ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo na sumasa-akin mula sa Diwa Niya na nagpapaunawa sa diwa ko ng mga Katotohanan mga sinasalita sa Kaniya ng ating Pinakamamahal na Pinakadakilang Panginoong Diyos na akin namang inihahanay sa Bagong Pahayag sa Blog ng Iglesia ni Cristo…Hinirang na ito ang Dakilang Kalooban Niya na Kaniyang Dakilang Kaparaanan para mangusap sa inyong lahat.
II. Ang isang ito : ang tuwirang pinatutungkulan ay ang Iglesia ni Cristo…Hinirang kaya may nababanggit na Anak na Babae ng Sion. Katulad ng malinaw na pagpapakilala ninyo sa Sion na sumasagisag sa Iglesia ni Cristo sa Espiritual na pagpapaunawa. At para sa higit na ikauunawa ninyo sa mga higit na pinatutungkulan muli Niya akong inaatasan, napapakasangkapan sa ating Pinakamamahal na Pinakadakilang Panginoong Diyos para sundin ang Kaniyang pinasasabi sa inyo mga mahal kong kapatid sa Iglesia ni Cristo. Kaniyang pinasisipi sa akin ang kopya na ginamit ninyo sa Pagsambang Pansambahayan kung saan naroroon na tinatalakay ang napauukol sa Sion. Mamaya matapos ninyong mabasa ang kabuuan nito balikan ninyong basahin ang kopya ninyo para maipagtugma ninyo kung umaayon ba sa nakasulat talaga ang naihanay dito. Mga mahal kong kapatid, sa mga Huling Araw na ito sa yugto ng ating panahon bago ang mga itinakda Niyang mga Kaganapan, Oo, ng ating Pinakamamahal na Pinakadakilang Panginoong Diyos ang tuwiran ng kumikilos ngayon sa pamamagitan ng Kaniyang Pinakamamahal na Anak para sa pagtutuwid at pagsasaayos sa lahat ng bagay na dapat na mapanauli at maibalik. Oo, napapanahon para maitama sa dapat na pagkaunawa ng lahat ang mga maling pagkaunawa na inyong inakala. Nawa sa panig ng mga nagtuturo kayo ang higit na kinakausap ng ating Pinakadakilang Panginoong Diyos para sa Kaniyang ipinasasabi sa Sion o Iglesia ni Cristo na inyong pinangangasiwaan.
Isaias 28:16 NPV [16] Kaya ito ang sinasabi ng Makapangyarihang PANGINOON: “Tingnan ninyo, naglagay ako ng bato sa Sion, isang subok na bato, isang mahalagang batong panulok para sa isang matatag na pundasyon; sinumang magtiwala rito ay hindi mabibigo.
Kaya sa talatang iyan mapag-uunawa na ninyo ang pinasasabi ng ating Pinakamamahal na Pinakadakila Pinakamakapangyarihang Panginoong Diyos. Ang sabi Niya ay tingnan ninyo! Ito ay salitang pag-oobliga o pag-uutos na pagtuunan ninyo ng pansin ang Kaniyang sasabihin na katumbas na sumentro ang inyong kaisipan sa Kaniyang sasabihin. Kinikilala mo ba ang Kaniyang pag-uutos mahal kong mga kapatid? Tanggap mo ba at nakahanda kang sumunod? Dahil kung umaayon ang iyong espiritu ang iyong damdamin walang alinlangan kang susunod at ipamamahagi ang mga Katotohanang naihayag at naipaunawa sa inyo. Oo batay sa talata napakadaling unawain ang Pinakadakilang Panginoong Diyos mismo ang may sabi na Siya ay naglagay sa Sion o naglagay Siya sa Iglesia ni Cristo ng bato, isang subok na bato, isang mahalagang batong panulok para tumibay maging matatag ang pundasyon ng Iglesia ni Cristo na sinuman ang magtiwala ay hindi mabibigo.
Nawa ang pinasasabi ng ating Amang Banal na Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos ay mapag-una-unawa ninyong lahat na kailangan talagang maituwid ang mga kamalian ng pagkaunawa para mabigyan na ng Banal na Katwiran ang higit na pinatutungkulan na Katotohanan na napauukol sa Anak na Babae ng Sion.
======================= =======================
Narito ang sarili ninyong pagkaunawa sa kopya na ipinapahayag doon:
Isaias 62:11-12 (King James Version 2000) [11] Narito, ang PANGINOON ay nagpahayag sa mga wakas ng lupa, sabihin ninyo sa anak na babae ng Sion, narito, ang iyong kaligtasan ay dumarating; narito, ang kaniyang gantimpala ay nasa kaniya, at ang kaniyang gawain ay sa harap niya. [12] At tatawagin nila sila, ang banal na bayan, ang tinubos ng PANGINOON: at ikaw ay tatawaging, hinanap, isang lungsod na hindi pinabayaan.
Ang “Sion” na binabanggit sa hulang ito ay sumasagisag sa Iglesia na itinayo ng Panginoong Jesucristo. Ang “anak na babae ng Sion” ay tumutukoy sa nalabing binhi ng babae o ng Iglesia na hinulaang babangon sa mga wakas ng lupa sapagkat natalikod ang Iglesia noong unang siglo.
……….
Samakatuwid, ang Iglesia ni Cristo na ating kinaaaniban ang tinutukoy na “anak na babae ng Sion.” Tiniyak ng Diyos sa Iglesiang ito: “Ang iyong kaligtasan ay dumarating.”
Yan ang ipinauunawa sa kopya na ipinamahagi niyo para sa Pagsambang Pansambahayan para sa araw ng Sabado/Linggo may petsa na Mayo 9/10, 2020 .
==============================================
Ang “Sion” na binabanggit sa hulang ito ay sumasagisag sa Iglesia na itinayo ng Panginoong Jesucristo. : Tama ang Sion ay sumasagisag sa Iglesia ni Cristo na itinayo ng ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo.
Ang “anak na babae ng Sion” ay tumutukoy sa nalabing binhi ng babae o ng Iglesia na hinulaang babangon sa mga wakas ng lupa sapagkat natalikod ang mga kapatid sa Iglesia noong unang siglo. : Hindi maituturing na ang Sion o Iglesia ni Cristo sa kasalukuyan ang anak na Babae ng Sion kaya Mali na mamalagi sa inyong kaisipan ang patuloy ninyo na naipapaunawa sa lahat na ang anak na babae ng Sion ay ang Sion din sa pinakadiwa nito. Sapagkat may magkaibang kaukulan ang Sion (Iglesia ni Cristo) at ang Anak na Babae ng Sion (Iglesia ni Cristo…Hinirang) Kapwa may mga matitibay na Propesia napauukol sa dalawa. Hindi ninyo ikalilito kung ganap na uunawain ang inyong mababasa sa aklat ng Awit 87 talatang 5, tungkol anya sa Sion ay ipinanganak sa kaniya, na ang kaniya na tuwirang pinatutungkulan, para sa kabatiran ng lahat ay ito ang Sion. Alin naman itong ipanganganak ng Sion? Yan ang anak na babae ng Sion na iba sa inyong pagkaunawa na kailangan ng maituwid ninyo para huwag mauwi sa kalituhan ng lahat ng mga Sumasamba sa loob ng Iglesia ni Cristo. Kaya mga mahal naming kapatid ang bahagi na ipinauunawa sa “ang isang ito” ang isa sa pinasasabi sa inyong lahat ng Pinakamamahal na Pinakadakilang Panginoong Diyos.
III. at ang isang yaon ay ipinanganak sa kaniya; ang isang yaon ay tuwirang ipinatutungkol sa sanggol na lalaki ang mga kasunod na Pahayag ay naipaunawa na sa nakaraan lamang na Bagong Pahayag kaya minarapat na lamang na kopyahin ang pagpapaunawa at inihanay dito. Ngunit huwag pakaisipin na ang ipanganganak na batang lalaki ay napatutungkol pa sa Panginoong Jesu-Cristo. Sapagkat ang Apocalipsis o Pahayag ay ang Panginoong Jesu-Cristo na ang halos nagpapahayag dito. Nangangahulugan lamang ay nang nagpapaunang Pahayag ang ating Panginoong Jesu-Cristo ay hindi pa ipinanganganak sa Kaniyang panahon ang Batang Lalaki na inilalarawan sa Pahayag 12:5:
Pahayag 12:5 [5] At ang babae ay nagsilang ng sanggol na lalaki, ngunit may umagaw sa bata at dinala ito sa Diyos, sa kanyang trono. Ang sanggol na ito ang itinakdang maghahari sa lahat ng bansa sa pamamagitan ng kamay na bakal.
At ang babae ay nagsilang ng sanggol na lalaki, (sa huling pagtulak sa kasket ng mahal na kapatid na Eraño G. Manalo ay yaon ang pinakahuling bahagi ng kaniyang ginampanan para sa Iglesia ni Cristo. Oo sa halos huling tulak sa kasket ay kaalinsabay naman ng pagpalahaw ng iyak ng sanggol na ito ang hudyat ng pagsilang sa Espiritual na gampanin ng kaukulan ng batang lalaki para ihanda na ang mga nasa loob ng Iglesia ni Cristo )
Naipanganak na ang sanggol na lalaki na may kahalalan. Siya ang Pinili at Hinirang na itinalaga ng Amang Banal na Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos sa pamamagitan ng ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo para sa nakatakda niyang gagampanan na isang Tungkulin na iaatang sa kaniyang balikat.
ngunit may umagaw sa bata at dinala ito sa Diyos, sa kanyang trono. Oo, may umagaw sa bata at ginawa ng ating Panginoong Diyos ang naaayon sa Kaniyang Dakilang Kalooban. Nagpasimula ang Napatutungkulan sa gawain taong 2000 sa idad na 30 at nang maisaayos niya ang Gawain sa Materyal ay tumakas sa Materyal na paglilingkod na hindi pinanghinayangan ang naatang na gampanin sa Materyal na kinilala ng Nagkakaisang mga Bansa (United Nations) nang siya ay naroroon pa at naglilingkod sa kanila. At ang Pinili matapos tumakas at umalis sa Materyal ay ang Espiritual na Paglilingkod kung saan naroroon ang Kaharian ng Panginoong Diyos umiiral.
Ang sanggol (saklaw ng hiwaga ng Kapangyarihan ng Pinakadakilang Panginoong Diyos nang pagpalitin Niya ang Espiritu ng Panginoong Jesu-Cristo sa espiritu ng literal na naipanganak na sanggol) na batang lalake (literal na may kumakatawan subalit may sapat ng idad ang kumakatawan sa batang lalake nang magpasimula sa Banal na Gawain) na ito ang itinakdang maghahari sa lahat ng bansa sa pamamagitan ng kamay na bakal. At patungkol sa itinakdang paghahari niya sa lahat ng bansa sa pamamagitan ng kamay na bakal (Kanang Kamay na bakal na sumasagisag sa Panginoong Jesu-Cristo) na ipinatutungkol sa sanggol na batang lalake ay paano nga ba siya maghahari? Basahin muna ninyo mga mahal kong kapatid kung bakit itinulad sa bata?
Mateo 11:25-26 [25] Nang panahong iyo’y sinabi ni Jesus, “Ama, Panginoon ng langit at lupa, salamat sa iyo, sapagkat inilihim mo ang mga bagay na ito sa marurunong at matatalino, at inihayag mo naman sa mga may kaloobang tulad ng sa bata. [26] Oo, Ama, sapagkat ganoon ang nais mo.
Ano nga ba ang dahilan kung bakit nga ba itinulad sa bata? Pansinin ninyo mga mahal kong kapatid itinulad lang nangangahulugan na hindi na talaga litiral na bata. Kaya hindi kwestyunable, ganoon ang nais ng ating Amang Banal na Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos na yung kahalagahan ng kaloobang tulad sa bata ang Kaniyang pinagbatayan at pinatutularan. Kaya nasa angkop ng idad ang pinatutungkulan na bata sa Espiritual na kalagayan. Subalit ang Espiritu ng sanggol ay literal na inagaw ng Pinakadakilang Panginoong Diyos na sinaklawan ng Hiwaga. Ang sanggol na ito ang Piniling bata, Hinirang na bata Subalit matanda sa kaalaman sa Karunungan ng Panginoong Diyos na tinataglay kaysa sa mga nagsasabing sila ang mga matatanda na sa kaalaman, matatanda na diumano sa karanasan napauukol sa pag-unawa sa kautusan na mababasa sa BIBLIA o Banal na Kasulatan, matatanda na umano na may higit ng karapatan o kapangyarihan para pamahalaan ang kalipunan ng mga Hinirang. Subalit hindi sa kanila inihayag ng ating Amang Banal, ipinagkatiwalang malaman ang Kaniyang mga inililihim na sinasaklawan ng Hiwaga na ang buong Katotohanan ay pinipigilan pa nila ito na mahayag dahil namamalagi na lamang sa mga aral o doktrinang kinagisnan. Doon na lamang nakabatay tulad ng mga Punong Saserdote na nanalig na lamang sa aral at mga katuruan at mga kautusan ni Propeta Moises na hindi na tinanggap ang mga Bagong Pahayag ng ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo. Ganiyan din ang nangyayari sa kasalukuyan ang mga aral at katuruan mula sa Bagong Pahayag ng Napahihintulutan ay hindi rin nagiging katanggap-tanggap sa kanila ang mga Bagong Pahayag. Ngunit di nila mahahadlangan ang nakatakdang mga kaganapan sa paghahayag ng Katotohanan sapagkat ang Napahihintulutan ang itinakdang maghahari sa lahat ng bansa sa pamamagitan ng Kanang Kamay na Bakal ng Katwiran ng ating Pinakadakilang Panginoong Diyos na hinding- hindi Niya pababayaan kaya hinding-hindi nila mapagtatagumpayan.
Ang mga Katotohanan na aking tinanggap ay mananatiling Katotohanan, na kahit magsanib pwersa pa kayo na paulit-ulit na gibain ninyo ito ng inyu-inyong sariling paliwanag, gamit ang mga angking talino bunga ng pagpapakadalubhasa ninyo, sangguniin man ninyo ang mga titulado, bihasa, tanyag at kinikilalang mga tao, kahit angkinin na kopyahin at agawin ninyo ang mga naipahayag dito at ipagkunwaring gawa pa ninyo ito sa harap ng mga napaniniwala ninyo, lakipan ng masidhing paninirang puri at panlalait pa ninyo, hinding-hindi ninyo magigiba ang Banal na Gawain na ipinagkatiwala Nila sa akin tiniyak na mabibigo lamang kayo. Sapagkat ihahayag kayo ng Kapangyarihan ng Pinakamamahal na Pinakadakilang Panginoong Diyos sa paraan na Kaniyang gagawin para magpatotoo na Siya ay Tapat na nangako sa akin na hinding-hindi Niya ako pababayaan Siya na tuwirang nag-Atas sa akin ng lahat ng mga nabasa at napag-unawa ninyo sa mga Bagong Pahayag na pawang mula sa mga Karunungan Niya na naipagkaloob sa ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo na naipagkatiwala naman Nila sa akin.
Kahalagahan ng Iglesia ni Cristo at ng Iglesia ni Cristo…Hinirang.
Isaias 62:11-12 (King James Version 2000) [11] Narito, ang PANGINOON ay nagpahayag sa mga wakas ng lupa, sabihin ninyo sa anak na babae ng Sion, narito, ang iyong kaligtasan ay dumarating; narito, ang kaniyang gantimpala ay nasa kaniya, at ang kaniyang gawain ay sa harap niya. [12] At tatawagin nila sila, ang banal na bayan, ang tinubos ng PANGINOON: at ikaw ay tatawaging, hinanap, isang lungsod na hindi pinabayaan.
Narito, ang PANGINOON ay nagpahayag sa mga wakas ng lupa, : Ang ating Amang Banal Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos may Paunang Pahayag, Propesiya o hula na napauukol sa mga wakas ng lupa (sa ADB na salin ay “wakas ng lupa” na pinakangkop na salin ) na ang tuwirang tinutukoy ay dako at panahon kung saan muling babangon ang Iglesia ni Cristo. Bakit ipinauunawang may pagbangon na muling naganap? Yan ang mga pag-aaralan natin para maipagmalasakit at maipaunawa din sa lahat sa gayun maging ang mga nagbabasa na sumusubaybay sa mga ipinapahayag dito sa Blog ng Iglesia ni Cristo…Hinirang ay makaunawa at makabahagi ng Katotohanan. Mga mahal naming kapatid sa panahon ng ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo, ay may Iglesia Siya na itinayo. Mababasa natin ito sa Banal na Aklat o Biblia sa Mateo 16 talatang 18.
[18] At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesia; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya. – Mateo 16:18
Kausap ng ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo sa tagpong ito si Apostol Pedro at ang mga kasama niyang naroroon. Pahayag ng ating Panginoong Jesu-Cristo na “sa ibabaw ng batong ito ay itatayo Ko ang Aking Iglesia. Oo Kaniyang Iglesia (Church) ang Iglesia na ito ay sa ating Panginoong Jesu-Cristo kaya nga ang sabi Niya ay Aking Iglesia. Inaako ng ating Panginoong Jesu-Cristo na sarili Niyang Iglesia, Pagmamay-ari ng nagtayo! Tama ba na Iglesia ni Cristo ang itawag o pinangunahan ko lang kahit walang mababasa na Iglesia ni Cristo sa talata ng 18 ng Aklat ng Mateo 16? Hayaan natin ang Banal na Aklat o Biblia magmula ang kasagutan sa Roma 16: talatang 16.
[16] Mangagbatian kayo ng banal na halik. Binabati kayo ng lahat ng mga iglesia ni Cristo. –Roma 16:16
Sa panig ng mga hindi pa namin kapananampalataya .. mga kaibigan mga kapatid, hindi kayo dinadaya ng inyong mga mata. Ang Iglesia ni Cristo ay eksistido na o umiiral na, na naitayo na ng unang siglo sa panahon ng ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo. At ito ang Kaniyang kinikilala na pagmamay-ari Niya na Siya ang pinaka-Pastor nito. Katunayan na mababasa ito
[14] Ako ang mabuting pastor; at nakikilala ko ang sariling akin, at ang sariling akin ay nakikilala ako, [15] Gaya ng pagkakilala sa akin ng Ama, at ng sa Ama ay pagkakilala ko; at ibinibigay ko ang aking buhay dahil sa mga tupa. – Juan 14:14-15
Kaya mahal kong kapatid ang kilalanin ka na ikaw ay Kaniyang pagmamay-ari mula nang Siya ay kilalanin mo sa pamamaraang sinunod mo ang Kaniyang ipinag-uutos ay napakapalad mong maituturing, dahil mapapabilang ka sa inaari Niyang Kaniyang tupa na pagbibigyan Niya ng Kaniyang buhay. Kaya nga
[28] Ingatan ninyo ang inyong sarili at ang buong kawan, sapagkat kayo ang ginawa ng Espiritu Santo na mga tagapag-ingat nila para pangalagaan ang Iglesya ng Panginoon, na binayaran niya ng sarili niyang dugo – Gawa 20:28 BSP
Sa mga kaibayo pa namin sa pananampalataya huwag kayong magdamdam mga kaibigan namin, mahal namin kayo kaya hindi rin kami tumitigil sa pag-aanyaya sa inyo na daluhan ang mga Gawaing Pag-aaral ng mga Katotohanan na napauukol sa kahalagahan ng Iglesia ni Cristo sa ikapagtatamo ng kaligtasan. Totoo ang Iglesia ni Cristo, binayaran mismo ng ating Panginoon ng sarili niyang dugo o katumbas na tinubos Niya ang Kaniyang Iglesia ng sarili Niyang dugo. Kaya gayun na lamang Niya ito pinahahalagahan pati nga ang mga pinagkakatiwalaan ay Kaniyang pinag-iingat para magawa nilang mapangalagaan ang napapaloob sa Kawan o sa Iglesia ni Cristo.
Kaya nakatitiyak ang isang Iglesia ni Cristo ng kaligtasan dahil mismo ang sarili Niyang dugo ang ipinambayad o ipinantubos niya. Ang Apostol Pablo ang may pahayag sa Gawa 20:28 kung may pag-aalinlangan ang iba siguro mas mabuti ay manggaling na mismo sa Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo natin ang pagpapahayag.
[13] Walang may lalong dakilang pagibig kay sa rito, na ibigay ng isang tao ang kaniyang buhay dahil sa kaniyang mga kaibigan. [14] Kayo’y aking mga kaibigan, kung gawin ninyo ang mga bagay na aking iniuutos sa inyo. [15] Hindi ko na kayo tatawaging mga alipin; sapagka’t hindi nalalaman ng alipin kung ano ang ginagawa ng kaniyang panginoon: nguni’t tinatawag ko kayong mga kaibigan; sapagka’t ang lahat ng mga bagay na narinig ko sa aking Ama ay mga ipinakilala ko sa inyo. [16] Ako’y hindi ninyo hinirang, nguni’t kayo’y hinirang ko, at aking kayong inihalal, upang kayo’y magsiyaon at magsipagbunga, at upang manatili ang inyong bunga: upang ang anomang inyong hingin sa Ama sa aking pangalan, ay maibigay niya sa inyo. – Juan 15: 13-16
[16] At mayroon akong ibang mga tupa, na hindi sa kulungang ito: sila’y kailangan din namang dalhin ko, at kanilang diringgin ang aking tinig; at sila’y magiging isang kawan, at magkakaroon ng isang pastor. [17] – Juan 16:14-17
IV. At itatatag siya ng Kataastaasan. : ang mga kasunod na mga talata ng Banal na Aklat o Biblia ang matibay na Patotoo sa mga Paunang Pahayag, Propesiya o Hula ng paglalagay o pagkakatatag ng ating Pinakamamahal na Pinakadakilang Panginoong Diyos sa Iglesia ni Cristo…Hinirang (Anak na Babae ng Sion) sa loob ng Iglesia ni Cristo (Sion) ay hindi matututulan at mahahadlangan ng sinuman. Marami mang mga tisod, hindi matanggap, hindi kayang kilalanin sapagkat inakala lamang ninyo na isa lamang pag-aangkin o sariling pagproklamasyon ang kahalalan ng Iglesia ni Cristo…Hinirang na siya ring pinatutungkulan na batong katitisuran at ang kahalalan ng Napahihintulutan na si Elias Arkanghel Jesu-Cristo na itinulad naman sa batong pangbuwal. Subalit sa panig ng mga tumanggap at kumikilala napakapalad ninyo tiniyak na hindi kayo mapapahiya. Oo,
Isaias 28:16 NPV [16] Kaya ito ang sinasabi ng Makapangyarihang PANGINOON: “Tingnan ninyo, naglagay ako ng bato sa Sion, isang subok na bato, isang mahalagang batong panulok para sa isang matatag na pundasyon; sinumang magtiwala rito ay hindi mabibigo.
Roma 9:33 [33] Gaya ng nasusulat, Narito, inilalagay ko sa Sion ang isang batong katitisuran, at batong pangbuwal: At ang sumasampalataya sa kaniya’y hindi mapapahiya.
I Pedro 2:6 [6] Sapagka’t ito ang nilalaman ng kasulatan, narito, aking inilalagay sa Sion ang isang batong panulok na pangulo, hirang mahalaga; At ang sumasampalataya sa kaniya ay hindi mapapahiya.
Ngunit higit sa lahat ang Katotohananang ito ngayon pa lamang ninyo mapag-uunawa ang mahalagang gagampanan ng Piling Hinirang na mahalaga sa inyong Pinakamamahal na Pinakadakilang Panginoong Diyos kung bakit inilalagay Niya sa Sion o Iglesia ni Cristo, ay para sa anong kaukulan mga mahal kong kapatid?
Roma 11:26 [26] At sa ganito’y ang buong Israel ay maliligtas: gaya ng nasusulat, Magbubuhat sa Sion ang Tagapagligtas; Siya ang maghihiwalay sa Jacob ng kalikuan:
Tulad ng ipinaunawa maliligtas ang buong Israel na sumasagisag din sa Iglesia ni Cristo sa Espiritual na pakahulugan. Totoo mga mahal kong kapatid paulit-ulit na lamang ninyo naririnig kapag nasa loob kayo ng Iglesia ni Cristo ay magtatamo kayo ng kaligtasan. Oo totoo subalit hindi ninyo nalalaman kung sa anong kaparaanan dapat kayong maligtas, hindi sa pananampalataya lamang dahil lalakipan ninyo ng gawa at ito ay sa nalalapit na mga araw na may Paglikas na magaganap para maligtas sa Kawasakang darating. At ang lahat ng ibig na maligtas ay dadalhin sa Dakong Banal na ibinilin Nila sa akin. Pati ang dereksyon itinuro na ng ating Amang Banal na Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos na sinabi na Nila sa akin. Oo ang Dereksyon kung saan magsisimula! Ipinauunawa na hindi kayo mahihirapan sa paglalakad! Hindi mapapagod! Hindi magugutom o mauuhaw man! Kaya huwag kayong padadala sa mga bulaang mangangaral na sinisiraan ang Banal na Gawaing ito, na sila man din ay nagtataglay na may pangalan din ang grupo nila na Cristo subalit ibinibilang sila na mga bulaan, kahit mga nangangaral gamit ang Banal na Aklat o Biblia. Mapatutunayan iba ang kanilang pananampalataya, at lumalaban sa higit na mga Katotohanan. Dahil hindi naniniwala sa sinalita ng Pinakadakilang Panginoong Diyos na walang magaganap sa Kaniyang mga Sinalita at pinalilitaw pa na simbolikal lang ang lahat tulad ng Paglikas. Para sa kanila walang magaganap na Paglikas!
[37] At kung paano ang mga araw ni Noe, gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao. [38] Sapagka’t gaya ng mga araw bago nagkagunaw, sila’y nagsisikain at nagsisiinom, at nangagaasawa at pinapapagaasawa, hanggang sa araw na pumasok si Noe sa daong, [39] At hindi nila nalalaman hanggang sa dumating ang paggunaw, at sila’y tinangay na lahat; ay gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao. – Mateo 24:37-39
Kaya yan ang hindi abot ng pagkaunawa ng mga nagtuturong wala diumanong magaganap na paglikas. Kung naganap ang Paglikas sa panahon ni Noe at ang Kawasakan ipinauunawa sa Aklat ng Mateo 24 talatang 37, ipinauunawa Nila sa akin na literal na mangyayari at mauulit ang Paglikas kasunod ang Kawasakan na pagluray-lurayin ang sandaigdigan na ito na sumama na ng sumama ang gawa ng mga tampalasan at mga palalong tao. Diyan kayo dapat maligtas sa Kawasakang darating! Diyan dapat maligtas ang lahat ng Iglesia ni Cristo! Diyan dapat maligtas ang lahat ng mga tao! Kaya magpakatalino kayo mga mahal kong kapatid (ito ay sa panig ng mga dating kababaihan na humiwalay sa Gawain nagtayo ng sariling bato na saligan). Bigyang daan ninyo na huwag kayong mahulog sa pagmamagaling na alam na alam na ninyo ang magaganap. Ang mga katuruan ninyo maraming kamalian lalo na nga hindi naman kayo mga ministro kayo ay mga pangkaraniwan lang na mga natuto. Nakalulungkot hindi nakalulugod sa Pinakadakilang Panginoong Diyos ang mga hinahanay ninyo na wari makatotohanan dahil sa Biblia rin kayo bumabatay subalit kawawa ang napaniniwala ninyo na inaakalang tama ang mga nababasa nila sa mga pahayag ninyo. Pagmamalasakit ang sa akin habang may panahon pa! Mahal na mahal ko kayong lahat ayoko na isa man sa inyo ay mapahamak dahil sa maling pagkaunawa ninyo.
Narito ang bilin sa inyo
[34] Ang mga babae ay magsitahimik sa mga iglesia: sapagka’t sila’y walang kapahintulutang mangagsalita; kundi sila’y pasakop, gaya naman ng sinasabi ng kautusan. – I Mga Taga-Corinto 14:34 TLAB
Kawikaan 6:23 “Sapagka’t ang utos ay tanglaw; at ang kautusan ay liwanag; at ang mga saway na turo ay daan ng buhay:”
Mga minamahal kong kapatid, paki-damahin at namnamin ninyo ang kahalagahan ng Mensahe na nais maiparating sa inyong lahat ng talata na ating sinipi. Bawat kautusan na mula sa inyong Pinakamamahal na Pinakadakilang Panginoong Diyos ay kilalanin ninyo na ito ay tanglaw at liwanag na ang ibig sabihin gagabayan kayo nito habang namamalagi pa ang lahat na nakapaninirahan sa magulo at masamang daigdig na ito. Kaya sa pagdadala ng inyong buhay mapapanuto lamang kayo sa inyong mga nagawang pagkakamali kapag Kaniya kayong sinasaway. Sa kabila ng lahat ay hindi ninyo ipinagdaramdam ang Kaniyang mga pagtutuwid na mula rin sa Kaniyang mga Katuruan. Sapagkat dito ninyo lalong nararamdaman ang Kaniyang pagpapahalaga, pagmamahal at pag-ibig Niya sa inyo kapag sinasaway Niya kayo at itinutuwid sa pamamaraang ibig Niyang gawin at sino man ang ibig Niya na Kaniyang kakasangkapanin ay maigalang ninyo na ang patuloy na piliin ang higit na kayo ay makagawa ng mabuti sa Banal Niyang harapan, at dahil diyan paghaharian Niya kayo ng Kapayapaan sa pamamagitan ng Pinakamamahal ninyo na Panginoong Jesu-Cristo.
Muli maraming salamat sa Pamamatnubay ng Kapangyarihan ng ating Amang Banal na Pinakamamahal na Pinakadakilang Panginoong Diyos kaya naihanay ng Napahihintulutan ng buong husay ang Kaniyang mga Bagong Pahayag at ito ay dahil pa rin sa pamamagitan ng ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo na sumasaakin.
Napakarami pang mga Mahihiwagang Pahayag ang susunod na tatalakayin sa Blog na ito. Kapananabikan niyo ang mga Paunang Pahayag, Propesiya o Hula na napauukol sa Banal na Gawaing ito at napauukol sa kahalalan ng Napahihintulutan… patuloy lamang kayo na sumubaybay! Maraming salamat sa inyong lahat!
– Elias Arkanghel Jesu-Cristo F05152020PT2105
Tinig at Paunang Pahayag ni Elias Arkanghel Jesu-Cristo
Nagpatotoo ang Paunang Pahayag …nang itiniwalag ng mahal na kapatid na Eduardo V. Manalo ang ilan sa kanila sa hanay ng mga Sanggunian …. ngunit tulad ng ipinaunawa kailangan mangyari ang lahat ng ito para matupad ang lahat ng nakasulat sa Banal na Aklat o Biblia