PAHAYAG 3:1-22 … ANG IPAUUNAWA NAPAUUKOL SA ANGHEL NA AKING MABUTING KATUWANG NA MAY KAHALALAN … ANG MAPAMINSALANG KAISIPAN NG MGA GURO NG BIBLE BELIEVERS NA PAWANG MGA KABABAIHAN (Unang Bahagi)
ANG KABUUAN NA ISANG PAHINA ANG BIBIGYANG DAAN NA MAIPAUNAWA
Pahayag 3:1-22 [1] At sa anghel ng iglesia sa Sardis ay isulat mo: Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng may pitong Espiritu ng Dios, at may pitong bituin: Nalalaman ko ang iyong mga gawa, na ikaw ay may pangalang ikaw ay nabubuhay, at ikaw ay patay. [2] Magpuyat ka, at pagtibayin mo ang mga bagay na natitira, na malapit ng mamatay: sapagka’t wala akong nasumpungang iyong mga gawang sakdal sa harapan ng aking Dios [3] Alalahanin mo nga kung paanong iyong tinanggap at narinig; at ito’y tuparin mo, at magsisi ka. Kaya’t kung hindi ka magpupuyat ay paririyan akong gaya ng magnanakaw, at hindi mo malalaman kung anong panahon paririyan ako sa iyo. [4] Nguni’t mayroon kang ilang pangalan sa Sardis na hindi nangagdumi ng kanilang mga damit: at sila’y kasama kong magsisilakad na may mga damit na maputi; sapagka’t sila’y karapatdapat. [5] Ang magtagumpay ay daramtang gayon ng mga mapuputing damit; at hindi ko papawiin sa anomang paraan ang kaniyang pangalan sa aklat ng buhay, at ipahahayag ko ang kaniyang pangalan sa harapan ng aking Ama, at sa harapan ng kaniyang mga anghel. [6] Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia.
[7] At sa anghel ng iglesia sa Filadelfia ay isulat mo: Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng banal, niyaong totoo, niyaong may susi ni David, niyaong nagbubukas at di mailalapat ng sinoman, at naglalapat at di maibubukas ng sinoman: [8] Nalalaman ko ang iyong mga gawa (narito, inilagay ko sa harapan mo ang isang pintuang bukas, na di mailalapat ng sinoman), na ikaw ay may kaunting kapangyarihan, at tinupad mo ang aking salita, at hindi mo ikinaila ang aking pangalan.
[9] Narito, ibinibigay ko sa sinagoga ni Satanas, ang mga nagsasabing sila’y mga Judio, at sila’y hindi, kundi nangagbubulaan; narito, sila’y aking papapariyanin at pasasambahin sa harap ng iyong mga paa, at nang maalamang ikaw ay aking inibig. [10] Sapagka’t tinupad mo ang salita ng aking pagtitiis, ikaw naman ay aking iingatan sa panahon ng pagsubok, na darating sa buong sanglibutan, upang subukin ang mga nananahan sa ibabaw ng lupa. [11] Ako’y dumarating na madali: panghawakan mong matibay ang nasa iyo, upang huwag kunin ng sinoman ang iyong putong. [12] Ang magtagumpay, ay gagawin kong haligi sa templo ng aking Dios, at hindi na siya’y lalabas pa doon: at isusulat ko sa kaniya ang pangalan ng aking Dios, at ng pangalan ng bayan ng aking Dios, ang bagong Jerusalem, na mananaog buhat sa langit mula sa aking Dios, at ang aking sariling bagong pangalan. [13] Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia. [14] At sa anghel ng iglesia sa Laodicea ay isulat mo: Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng Siya Nawa, ng saksing tapat at totoo, ng pasimula ng paglalang ng Dios: [15] Nalalaman ko ang iyong mga gawa, na ikaw ay hindi malamig o mainit man: ibig ko sanang ikaw ay malamig o mainit. [16] Kaya sapagka’t ikaw ay malahininga, at hindi mainit o malamig man, ay isusuka kita sa aking bibig. [17] Sapagka’t sinasabi mo, Ako’y mayaman, at nagkamit ng kayamanan, at hindi ako nangangailangan ng anoman; at hindi mo nalalamang ikaw ang aba at maralita at dukha at bulag at hubad: [18] Ipinapayo ko sa iyo na ikaw ay bumili sa akin ng gintong dinalisay ng apoy, upang ikaw ay yumaman: at ng mapuputing damit, upang iyong maisuot, at upang huwag mahayag ang iyong kahiyahiyang kahubaran; at ng pangpahid sa mata, na ipahid sa iyong mga mata, upang ikaw ay makakita. [19] Ang lahat kong iniibig, ay aking sinasaway at pinarurusahan: ikaw nga’y magsikap, at magsisi. [20] Narito ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako’y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo ko. [21] Ang magtagumpay, ay aking pagkakaloobang umupong kasama ko sa aking luklukan, gaya ko naman na nagtagumpay, at umupong kasama ng aking Ama sa kaniyang luklukan. [22] Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia.
Magpapasimulang ipaunawa ng ating Amang Banal na Pinakamamahal na Pinakadakilang Panginoong Diyos ang mga Hiwaga na matagal na nalihim sa mahabang panahon ng Kaniyang pananahimik. Ngayon ay ilalahad sa mga Bagong Pahayag sa pamamagitan ng Diwa ng ating Pinakamamahal na PanginoongJesu-Cristo na sumasaakin.
Apocalipsis 3 [1] At sa anghel ng iglesia sa Sardis ay isulat mo: [isa sa mga kinikilala ng ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo ang may banal na kaukulan o gampanin na siya man din ay inuutusan na magsulat at di niya namamalayan siya man din ay may kahalalan na mababasa sa Banal na Aklat o Biblia. Oo siya ang isa sa mga mabuti kong katuwang sa Banal na Gawain na ipinagkatiwala sa akin. Siya ay anghel rin na kinikilala ng ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo.]
Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng may pitong Espiritu ng Dios, at may pitong bituin: [sa Pahayag na ito ng ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo ay hindi napauukol sa binabanggit na Anghel sa Sardis, kundi bahagi ito sa pinasusulat lamang sa kaniya na ang higit na pinatutungkulan ay yaong nagtataglay ng pitong Espiritu at may pitong bituin na ang pinatutungkulan ay ang Napahihintulutan na tawagin ang pitong Arkanghel ng Pinakadakilang Panginoong Diyos na bumaba mula sa Langit at magpahayag ng pagpapatotoo sa kahalalan ng Elias Arkanghel Jesu-Cristo. Ito ay nasaksihan ng mga aktual na pakikipag-usap nila sa akin na lumulukob ang kanilang Espiritu sa Piling Hinirang na mapahintulutan. at patuloy na nasasaksihan ng mga Ka Hinirang. Kaya walang naililihim lahat ay Kanilang inihahayag sa akin… walang makapagtatago sa Atas sa kanila ngPinakadakilang Panginoong Diyos ay inilalantad nila sa akin.]
Nalalaman ko ang iyong mga gawa, na ikaw ay may pangalang ikaw ay nabubuhay, at ikaw ay patay. [batid ng ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo bagamat ipinalalagay na buhay, ngunit sa pangalan ay pinatay. Natupad ito at ang gumawa nito ay nasa hanay ng mga nag-aklas na mga nagpapakilala na mga earth angels na nagkaisang ipaunawa ng magkapatid sa kanilang ina na nagtatanong at naghahanap sa kapatid na Elias Arkanghel subalit ang naging tugon nila na ako ay patay na. Dinaya ang kaisipan ng kanilang butihing ina na napakalaki ng simpatya at napakalambing sa akin subalit pinalitaw nila ako ay patay na para mabago na ang pananaw ng mabait nilang Nanay na di na muli niyang hangarin na ako ay makikita pa.]
sila ay pawang mga kababaihan na nag-aklas sa Sambahayan ng Juda (Iglesia ni Cristo…Hinirang) at nagtayo ng sarili nilang bato na pananaligan ang (Bible Believer’s-Iglesia ni Cristo) na waring nagsasaysay ng katotohanan dahil ang gamit-gamit ang Banal na Aklat o Biblia subalit itinatanggi nito ang mga higit na Katotohanan. ]
[2] Magpuyat ka, at pagtibayin mo ang mga bagay na natitira, na malapit ng mamatay: sapagka’t wala akong nasumpungang iyong mga gawang sakdal sa harapan ng aking Dios [Inuutusan ako ng Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo na manatiling gising o dilat sa Katotohanan upang ang nalalabing pag-asa ng marami na mamamatay na kung patuloy na paaapekto o padadala sa mga pangangantyaw na nauugnay sa Mensahe na nasa larawan na inyong matutunghayan …
Oo yan nga diyan nauugnay ang pinag-ugatan ng pag-aaklas ng mga dating kasama sa Hinirang dahil sa pagsubok na aking tinanggap mula sa itinawid ng Mensahera ng Pinakadakilang Panginoong Diyos na hindi katanggap-tanggap sa kanila… kahit na maraming ulit na ipinauunawa subalit di na tumatanggap ng pagpapaunawa ang kapatid na Lina Castillo at ang mga kababaihan na kaniyang isinama. Kaya dama ng ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo na tila sa kanila na nababaling ang pagmamalasakit ko sa halip na sa Mensahera. Ito ang nagawa ko na hindi naging kalugud-lugod sa ating Pinakamamahal na Pinakadakilang Panginoong Diyos na kung mamamalagi akong nakikisimpatya sa kanila ay di na ako masusumpungan pa sa mga gawang ikasasakdal.]
Kaya ang Kaniyang bilin ay …
[3] Alalahanin mo nga kung paanong iyong tinanggap at narinig; at ito’y tuparin mo, at magsisi ka. Kaya’t kung hindi ka magpupuyat ay paririyan akong gaya ng magnanakaw, at hindi mo malalaman kung anong panahon paririyan ako sa iyo. [muli Niya akong pinaalalahanan sa mga tinanggap ko na mga Katotohanan na Kaniyang isinatinig na ibinilin Niya sa akin. Pinaaalis sa akin ang mga gawang di ko ikababanal at di ko ikasasakdal. Pinaiiwasan na rin na mamuhay sa pagkakasala at sa halip ay pagsisihan ang mga pagkukulang. Dahil kung hindi ko pa rin pagtatalagahan ang maging dilat sa Katotohanan sa Kaniyang mga pinagagawa sa akin, ay ipagkakait na Niya na malaman ko pa kung kailan Siya paririto na katumbas ng di kuna Siya mararamdaman na sumasaakin. Kaya nang mapagtuunan ko na ng pagpapahalaga ang Banal na Gawaing ipinagkatiwala Nila sa akin at ako ay nakasusunod na, ay saka lamang ako pinaging dapat na inari na Nilang banal]
[4] Nguni’t mayroon kang ilang pangalan sa Sardis na hindi nangagdumi ng kanilang mga damit: at sila’y kasama kong magsisilakad na may mga damit na maputi; sapagka’t sila’y karapatdapat. [Ang hanay ng mga pinatutungkulan na nakatakdang makasama. Sila ay may malilinis na kalooban. Tiniyak ng ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo na mga magsisilakad na makakasama.]
[5] Ang magtagumpay ay daramtang gayon ng mga mapuputing damit; at hindi ko papawiin sa anomang paraan ang kaniyang pangalan sa aklat ng buhay, at ipahahayag ko ang kaniyang pangalan sa harapan ng aking Ama, at sa harapan ng kaniyang mga anghel. [ang tatamuhin na gantipala ng mga pinatutungkulang mga magtatagumpay ay daramtan din Niya ng kabanalan kung paano Niya ibinihis sa akin at Siya mismo na ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo ang maglalapit sa harapan ng ating Amang Banal na Pinakamamahal na Pinakadakilang Panginoong Diyos]

Sa araw ng bukas ang kasunod na bahagi … sa lalong ikauunawa subaybayan ang kabuuang ipinauunawa nila…