ANG PINAGKATIWALAAN NG ATING PINAKAMAMAHAL NA PANGINOONG JESU-CRISTO NA MAY HAWAK NG SUSI NI DAVID
[6] Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia. [7] At sa anghel ng iglesia sa Filadelfia ay isulat mo: Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng banal, niyaong totoo, niyaong may susi ni David, niyaong nagbubukas at di mailalapat ng sinoman, at naglalapat at di maibubukas ng sinoman: [8] Nalalaman ko ang iyong mga gawa (narito, inilagay ko sa harapan mo ang isang pintuang bukas, na di mailalapat ng sinoman), na ikaw ay may kaunting kapangyarihan, at tinupad mo ang aking salita, at hindi mo ikinaila ang aking pangalan.
ANG PAGPAPAUNAWA:
[6] Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia. [7] At sa anghel ng iglesia sa Filadelfia ay isulat mo: Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng banal, niyaong totoo, niyaong may susi ni David, niyaong nagbubukas at di mailalapat ng sinoman, at naglalapat at di maibubukas ng sinoman: [sa Pahayag na ito ng ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo ay hindi napauukol sa anghel sa Filadelfia ang Kaniyang binabanggit, kundi bahagi ito sa pinasusulat lamang sa anghel na pinatutungkulan. Oo ang babaeng Mensahera na kinikilala ng ating Panginoong Jesu-Cristo na anghel na derektang tumatanggap ng Mensahe na mula sa ating Amang Banal na Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos. Matagal ng panahon di kami nagkakausap o nakapapalitan ng mensahe ng ating mahal na kapatid kaya ito ay itinawid lamang niya sa isang kapwa Hinirang. Ang mga Patotoo na napauukol sa kahalalan ko na kaniyang tinanggap na Mensahe mula sa ating Amang Banal na Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos ang kaniyang inihahatid. Inyong unawain mga mahal naming mga kapatid na may kaugnayan sa talatang 7 na bahagi ng Propesiya o Paunang Pahayag ng Panginoong DIyos na ating Pinakamamahal:
MGA ILAN SA PATOTOONG TALATA SA KAHALALAN NG PINATUTUNGKULAN
==========================================================
Isaias 22:22
[22] Ibibigay ko sa kanya ang susi ng sambahayan ni David; walang makakapagsara ng anumang buksan niya, at walang makakapagbukas ng anumang sarhan niya.
SINABI O IPINAUNAWA PO NI AMA PO NATIN NA PINAKAMAMAHAL PINAKADAKILA PO NATIN NA PANGINOONG DIOS NA ANG SUSI NA IBIBIGAY PO SA KANIYA SA ATING PINAKAMAMAHAL NA KAPATID NA ELIAS ARKANGHEL JESU-CRISTO AY HINDI PO ITO LITERAL NA SUSI. SINABI PO NI AMA PO NATIN NA ANG SUSI PO NA ITO AY MGA NAPAKABANAL PO NA KATOTOHANAN PO NI AMA PO NATIN NA KANIYA PO NA MGA IPAUUNAWA PA PO SA ATIN SA KANILA PO NA PAGHAHARAP NG ATING TAGAPAMAHALA NA PANGKALAHATAN NA SI PINAKAMAMAHAL NA KAPATID NA EDUARDO V. MANALO. SINO PO BA ANG MAPAHINTULUTAN NI AMA PO NATIN NA MAG-ABOT O MAGBIBIGAY SA KANIYA SA SUSI NA WALANG IBA NA ITO PO ANG BAGONG MGA PAHAYAG NI AMA PO NATIN? ANG PAUUKOL DITO AY INYO PO NA MAUUNAWAAN O INYO PO NA MALAMAN SA PAGPAPATULOY PA PO SA PAGBABASA PO SA MGA PAKSA PA PO NA TATALAKAYIN.
1 Pedro 1:20
[20] Pinili na siya ng Diyos sa gawaing ito bago pa nilikha ang daigdig, at ipinahayag siya alang-alang sa inyo, bago sumapit ang katapusan ng mga panahon.
ANG PINILI NA MAHAHAYAG SA TAKDANG PANAHON WALANG IBA ANG ATING PINAKAMAMAHAL NA PANGINOONG JESU-CRISTO NA NASA KATAUHAN O ANG KANYANG NAPAKABANAL NA ESPIRITU AY NASA KATAUHAN SA NAPAHINTULUTAN PO NIYA NA BAGO NIYANG PANGALAN NA ELIAS ARKANGHEL JESU-CRISTO
Pahayag 3:12
[12] Ang magtatagumpay ay gagawin kong isang haligi sa templo ng aking Diyos, at hinding-hindi na siya lalabas doon. Iuukit ko sa kanya ang pangalan ng aking Diyos, at ang pangalan ng kanyang lunsod. Ito ang bagong Jerusalem na bababâ mula sa langit buhat sa aking Diyos. Iuukit ko rin sa kanya ang aking bagong pangalan.
MALINAW PO IPINAHAYAG NG ATING PINAKAMAMAHAL NATIN NA PANGINOONG JESU-CRISTO MABABASA PO IUUKIT PO O IBIBIGAY PO NIYA ANG KANIYANG BAGONG PANGALAN DOON SA TAONG NAPAHINTULUTAN NA KINASANGKAPAN PO NI AMA PO NATIN NA PINAKAMAMAHAL PINAKADAKILA PO NATIN NA PANGINOONG DIOS NA DITO PO NIYA IPINASAILALIM SA TAO PO NA ITO ANG NAPAKABANAL NA ESPIRITU NG ATING PINAKAMAMAHAL PO NATIN NA PANGINOONG JESU-CRISTO
MGA BERSIKULO NA PAUUKOL SA ATING PINAKAMAMAHAL NATIN NA KAPATID NA ELIAS ARKANGHEL JESU-CRISTO ANG PINILI NA SUGONG PROPETA SA PINAKADULO NG PANAHON PO NA ITO
1 Pedro 1:20
[20] Pinili na siya ng Diyos sa gawaing ito bago pa nilikha ang daigdig, at ipinahayag siya alang-alang sa inyo, bago sumapit ang katapusan ng mga panahon.
Deuteronomio 18:15
[15] “Mula sa inyo, si Yahweh na inyong Diyos ay pipili para sa inyo ng isang propetang katulad ko. Dapat kayong makinig sa kanya.
Mga Gawa 3:22
[22] Sapagkat sinabi ni Moises, ‘Mula sa inyo, ang Panginoon ninyong Diyos ay pipili para sa inyo ng isang propetang katulad ko. Sundin ninyo ang lahat ng kanyang sasabihin sa inyo.
Exodo 23:20-21
[20] “Magpapadala ako ng anghel na mangunguna sa inyo. Pangangalagaan niya kayo sa inyong paglalakbay at papatnubayan hanggang sa lupaing inihanda ko sa inyo.
[21] Papakinggan ninyo siya at susundin ang lahat ng sasabihin niya sa inyo. Huwag ninyo siyang susuwayin sapagkat lahat ng ginagawa niya’y sa pangalan ko at hindi niya kayo patatawarin kapag nagrebelde kayo sa kanya.
Isaias 49:18
[18] Tumingin ka sa paligid at masdan ang nangyayari. Ang mga mamamayan mo’y nagtitipun-tipon na upang umuwi. Ako si Yahweh, ang Diyos na buháy, ang nagsasabi: ipagmamalaki mo sila balang araw, tulad ng babaing ikakasal na suot ang kanyang mga alahas.
Isaias 49:22
[22] Ang sagot ng Panginoong Yahweh sa kanyang bayan: “Huhudyatan ko ang mga bansa, at ang mga anak mo’y iuuwi nila sa iyo.
Isaias 41:25-27
[25] “Mayroon akong isang taong pinili mula sa silangan, at aking pinasasalakay mula sa hilaga. Parang lupang kanyang tatapakan ang mga hari, tulad ng pagmamasa sa putik na ginagawang palayok.
[26] Mula sa simula sino sa inyo ang nakahula na ito’y mangyayari, para masabi naming siya ay tama? Walang sinabing anuman tungkol dito ang isa man sa inyo.
[27] Akong si Yahweh ang unang nagbalita nito sa Jerusalem, nang ipasabi ko sa aking sugo ang ganito: “Ang aking bayan ay uuwi na.”
Isaias 42:1-7
[1] Sinabi ni Yahweh, “Narito ang lingkod ko na aking hinirang; ang aking pinili at lubos na kinalulugdan; ibinuhos ko sa kanya ang aking Espiritu, at siya ang magpapairal ng katarungan sa mga bansa.
[2] Hindi siya makikipagtalo o makikipagsigawan, ni magtataas ng boses sa mga lansangan.
[3] Ang marupok na tambo’y hindi niya babaliin, ilaw na aandap-andap hindi niya papatayin; katarungan para sa lahat ang kanyang paiiralin.
[4] Hindi siya mawawalan ng pag-asa o masisiraan ng loob, hangga’t katarungan ay maghari sa daigdig; ang malalayong lupain ay buong pananabik na maghihintay sa kanyang mga turo.”
[5] Ang Diyos na si Yahweh ang lumikha ng kalangitan, nilikha rin niya ang lupa at nagbigay-buhay sa lahat ng bagay dito sa daigdig, kaya’t sinabi ng Diyos na si Yahweh sa kanyang lingkod,
[6] “Akong si Yahweh ang tumawag sa iyo sa katuwiran, binigyan kita ng kapangyarihan upang pairalin ang katarungan sa daigdig. Sa pamamagitan mo ay gagawa ako ng kasunduan sa lahat ng tao, at sa pamamagitan mo’y dadalhin ko ang liwanag sa lahat ng bansa.
[7] Ikaw ang magbubukas sa mga mata ng mga bulag at magpapalaya sa mga bilanggo ng kadiliman.
SA HINDI PO NA PAHINTULUTAN NA MAKAUNAWA SA BERSIKULO AT MGA TALATA PO NA ITO AY INYO PO NA PAKAISIPIN NA ITO PO AY NAPAUUKOL SA ATING PINAKAMAMAHAL NA PANGINOONG JESU-CRISTO. SUBALIT SINABI PO NI AMA PO NATIN NA PINAKAMAMAHAL PINAKADAKILA PO NATIN NA PANGINOONG DIOS NA BAGAMAN NAPAUUKOL PO SA KANIYA SA ATING PINAKAMAMAHAL PO NATIN NA PANGINOONG JESU-CRISTO SUBALIT ANG HIGIT PO NA PINATUTUNGKULAN PO AY ANG KANIYA NA PO NA BAGONG KATAUHAN AT BAGONG PANGALAN NA SI PINAKAMAMAHAL PO NA KAPATID NA ELIAS ARKANGHEL JESU-CRISTO NA PO
============================================================
[8] Nalalaman ko ang iyong mga gawa (narito, inilagay ko sa harapan mo ang isang pintuang bukas, na di mailalapat ng sinoman), na ikaw ay may kaunting kapangyarihan, at tinupad mo ang aking salita, at hindi mo ikinaila ang aking pangalan.
Walang naililingid sa ating Panginoong Jesu–Cristo na sumasaakin. Lahat ng ginagawa ko ay batid Niya mula ng magpasimulang tanggapin ko ang Atas ng Amang Banal sa Banal na Gawain na Kanilang ipinagkatiwala sa akin. Oo ako ay inihanda Nila na makaunawa ng mga Hiwaga mula sa mga Karunungan na mababasa sa Banal na Aklat o Biblia, na pawang mga Kaalaman at mga Kaunawaan na ang ating Amang Banal at ang ating Panginoong Jesu-Cristo ang gumagawa at naglalapat ng Kanilang Karunungan sa diwa ko na ito na yaong pintuan bukas na inilagay sa harapan ko bilang Kanilang Katiwala sa Hiwaga ang may hawak ng Susi ng Karunungan na Kaniyang ipinagkatiwala sa akin na ginawa Nila akong Katiwala sa bukas na pinto ng Katotohanan. Ang pinto ng Katotohanan na walang sinumang makapagsasara sapagkat ang Katotohanan ay mananatiling Katotohanan na nahayag sa yugto lamang ng ating panahon. Unawain ninyo mga mahal kong kapatid para hindi ipagkamali. Ang Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo ang nagsabi na Siya ang naglagay sa harapan ng Kaniyang pinatutungkulan na pintuang bukas! Ang Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo ang pintuan na daraanan upang sa pamamagitan Niya ay makarating sa ating Amang Banal. Oo ang mga Hinirang ng ating Amang Banal na tapat at ganap na sumunod at kumilala sa Kaniya (Panginoong Jesu-Cristo) ang tanging maliligtas. Oo mga mahal kong kapatid sa kapanahunan Niya Siya ay nagsalita rin ng mga Bagong Pahayag lamang di kinilala ng mga Punong Saserdote at ng mga tagasunod nila na mga tagapagturo sa halip ay inuyam at kinutya din nila ang Kaniyang mga ipinapahayag na walang pagkakaiba sa pang-uuyam at pangungutya din sa mga Bagong Pahayag na Kaniyang ipinahahanay Nila sa akin.
na ikaw ay may kaunting kapangyarihan, at tinupad mo ang aking salita, at hindi mo ikinaila ang aking pangalan. [ang kaunting kapangyarihan na ipinagkaloob Niya sa akin sapat para magpatotoo na di pangkaraniwang ang Kanilang ipinagkakatiwala sa akin. Napahihintulutan akong humiling anuman ang aking hilingin sa isang kisap mata ay ipinagkakalob ng ating Pinakadakilang Panginoong Diyos ang mga Patotoong nasaksihan ng mga Hinirang ang mga Hiwaga sa panahon ng aming mga Pagtitipon.
(1) Napahihintulutan Nila ako na tawagin ang Pitong Arkanghel; Arkanghel Miguel, Arkanghel Gabriel, Arkanghel Rafael, …. pati na ang mga Anghel; Kerubin,.. Nakakausap ng mga kapwa Hinirang na ikinamamangha nila ang mga nasasaksihan sa mga Pagtitipon na sila ang nagpapatotoo na hindi magagawa ng pangkaraniwan lamang kung walang pamamatnubay at pagkasi ng Banal na Espiritu. Ito ay sa kapahintulutan ng ating Amang Banal sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo.
(2) Napahihintulutan ako na makausap ang mga Anghel na nakatalaga sa bawat Hinirang na mga nagbabantay sa bawat isa at na nangangalaga sa kanila sa pagsusugo ng ating Pinakamakapangyarihang Panginoong Diyos. Napakikisuyuan na puntahan ang bawat sambahayan at maramdaman ng mga Ka Hinirang sa kapahintulutan ng ating Amang Banal sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo ang pagsunod na ipagagawa sa kanila (mga Anghel)
(3) Napahihintulutan na makapagpalayas ng masasamang espiritu na nanggagambala at namiminsala. Tulad ng pangyayari sa Mamburao Occidental Mindoro na naging tampok pa sa KMJS .. mga masasamang espiritung nagkunwaring mga umalis na sa mga bata subalit sa Atas sa akin ng ating Amang Banal ay sinadya sila doon at personal na pinuntahan sila doon …. at ang maraming masasamang espiritu ay naglagi lamang at mga nagkunwari na mga lumayas dahil para tigilan lamang sila ng mga nagtataboy sa kanila katulad ni Ginoong Caluwag ng KMJS. Subalit sa pagkukunwari ay unti-unti nilang pinahihina ang mga batang sinapian nila na kung magtatagal mauuwi sila sa pagkamatay na di napaghahalata na sila na ang may gawa. Nasaksihan ng mga guro at ng mga magulang na naroroon, ng mga kabataan nagsisipag-aral doon, ang simple lamang pagtataboy sa masasamang mga espiritu na di na kailangan ang mga orasyon na kinagisnan at di na rin kailangan pa ang hawak-hawakan ang mga kabataan. Sa utos lamang na lisanin ang katawan ng mga batang pinipinsala sa takot ay agad sumusunod ang mga masasamang espiritu na matagal ding namahay sa katawan ng mga kabataang mag-aaral.. na mula ngayon ay wala ng napapabalitang may namiminsala pa sa kanila doon.
(4) Napahihintulutan ako na makailang ulit ng nakapagpapagaling ng mga may sakit, sa kapahintulutan ng ating Amang Banal sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Covid-19 man tinaglay ng mag-asawa nang mag-alala ang magulang sa kaniyang anak at asawa nito na nakaramdam na ng pamimigat ng katawan na iginugupo ng maapaminsalang sakit ako ay hinilingan na maipanalangin dahil sa pagkakilala at pananampalataya kinabukasan naroon na namimili na sa Talipapa. Oo, anumang karamdaman, malala man o pangkaraniwan ay iibsan ng ating Amang Banal na Pinakamakapangyarihan sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo na iniuugnay sa inyong abang lingkod Elias Arkanghel Jesu-Cristo na magtatamo lamang ng kagalingan na aayon sa pananampalataya ng humihiling ay gagaling. Oo dahil sa magagawang tulong ng Pinakamakapangyarihang Panginoong Diyos sa pamamagitan ng Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo, matapos na sundin ang bawat ipinauunawa Nila sa akin na inyo lamang gagawin ay magtatamo na ng kagalingan. Oo, kahit hindi makadaupang palad, Oo, kahit pa nasa malayong dako na kung saan man naroroon ang mga hihiling ng kanilang kagalingan na dahil sa uri at antas ng pananampalataya ay magtatamo ng pananauli ng mabuting kalagayan at maayos na pakiramdam. Kung may kahilingan ang sinuman ay inyong ipahayag o ikomento dito.
(5) Napahihintulutan na makapagpahinto ng napakalakas na ulan kahit sa isang saglit lang ay Kaniyang tinutugon. Makailang ulit ng nagpatotoo at minsan na rin na aktual na nasaksihan ng magkaibigang Hinirang at mga kabataang Hinirang na naroroon sa pangyayaring yaon.
Kung ihahanay pa dito at iisa-isahin ay lubhang napakarami pa na ng mga Patotoo na makapagsasaysay ang mga nakasaksi na naroroon sa mga aktual na kaganapan. Nagagawa ko sa kapahintulutan ng ating Amang Banal sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo dahil sa naging tapat sa pagsunod sa Kanila kaya ako ay nagtagumpay pinagkalooban Niya ng kaunting kapangyarihan.
Hindi ko ikinaila ang Kaniyang pangalan
BAKIT ANG TAWAG SA NAPAHIHINTULUTAN AY ELIAS ARKANGHEL JESU-CRISTO?
Pahayag 3:12
[12] Ang magtatagumpay ay gagawin kong isang haligi sa templo ng aking Diyos, at hinding-hindi na siya lalabas doon. Iuukit ko sa kanya ang pangalan ng aking Diyos, at ang pangalan ng kanyang lunsod. Ito ang bagong Jerusalem na bababâ mula sa langit buhat sa aking Diyos. Iuukit ko rin sa kanya ang aking bagong pangalan.
Iniukit Niya sa akin ang Banal na Pangalan ng ating Amang Banal – Ang Eli-
Pangalan ng ating Amang Banal na Eli na ating Panginoon kaya naging Eli-Jah o katumbas sa ating wika na Elias … kaya ang Jesu-Cristo na Kaniyang Bagong Pangalan ay iniukit din sa aking pangalan na ibinigay Nila.
Elias Arkanghel – Jesu-Cristo — ang pangalang ito ang inyong nababasa at naririnig ang ipinagagamit ng ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo na kaniyang iniukit sa Kapahintulutan ng ating Amang Banal
Bukas din ay ang Ikatlong Bahagi …