ANG AARALIN :
[9] Narito, ibinibigay ko sa sinagoga ni Satanas, ang mga nagsasabing sila’y mga Judio, at sila’y hindi, kundi nangagbubulaan; narito, sila’y aking papapariyanin at pasasambahin sa harap ng iyong mga paa, at nang maalamang ikaw ay aking inibig. [10] Sapagka’t tinupad mo ang salita ng aking pagtitiis, ikaw naman ay aking iingatan sa panahon ng pagsubok, na darating sa buong sanglibutan, upang subukin ang mga nananahan sa ibabaw ng lupa. [11] Ako’y dumarating na madali: panghawakan mong matibay ang nasa iyo, upang huwag kunin ng sinoman ang iyong putong. [12] Ang magtagumpay, ay gagawin kong haligi sa templo ng aking Dios, at hindi na siya’y lalabas pa doon: at isusulat ko sa kaniya ang pangalan ng aking Dios, at ng pangalan ng bayan ng aking Dios, ang bagong Jerusalem, na mananaog buhat sa langit mula sa aking Dios, at ang aking sariling bagong pangalan.
ANG PAGPAPAUNAWA:
[9] Narito, ibinibigay ko sa sinagoga ni Satanas, ang mga nagsasabing sila’y mga Judio, at sila’y hindi, kundi nangagbubulaan; [Bakit kaya ibinigay na sila sa templo na luklukan ni satanas? Sino sa palagay ninyo ang tinutukoy ng ating Panginoong Jesu-Cristo na Kaniyang derektang pinatutungkulan sa mga nagsasabi o nagpapakilala na sila man din ay mga Judio? Bakit gayun na lamang kahalaga ang makabilang sa hanay ng mga Judio? Para sa kabatiran ng lahat sisipi tayo ng talata ng Banal na Aklat o Biblia para mapag-alaman natin ang kaibahan ng Judio at hindi Judio? Sa Roma 3:2 MB [2] Napakarami. Una sa lahat, ang mga Judio ang pinagkatiwalaan ng mga pahayag ng Diyos. Kaya gayun na lang ang pagpipilit ng mga pinatutungkulan ay napakarami palang kaibahan ang pagiging Judio sa hindi kabilang sa Judio. Ang Judio diumano ang pinagkakatiwalaan ng mga Pahayag ng ating Panginoong Diyos! Kapag sinabi nilang sila ay Judio ay ibinibilang nila ang kanilang mga sarili na tapat na mga taga-sunod ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Subalit malinaw sa talata na ating nabasa hindi sila kinikilala ng ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo. Kahit pa nakakapit ang Iglesia ni Cristo sa grupong itinatag lamang nila ay ayaw nga ng ating Panginoong Jesu-Cristo na ibilang sila sa mga Judio sa espiritual, yan ay ayon sa talata na ating tintalakay. Nangangahulugan lang may nagagawa silang paglabag! Matinding paglabag dahil ibinigay sila sa luklukan ni satanas. Kamakailan nga sila ang tuwirang pinagmamalasakitan na sinasaway sa nakalipas na Bagong Pahayag. Dahil sa ang karamihan sa kanila doon ay mga kababaihan.
======================================================
Sa nakalipas na Pahayag ay pinagmalasakitan na kayo!
Narito ang bilin sa inyo
[34] Ang mga babae ay magsitahimik sa mga iglesia: sapagka’t sila’y walang kapahintulutang mangagsalita; kundi sila’y pasakop, gaya naman ng sinasabi ng kautusan. – I Mga Taga-Corinto 14:34 TLAB
Kawikaan 6:23 “Sapagka’t ang utos ay tanglaw; at ang kautusan ay liwanag; at ang mga saway na turo ay daan ng buhay:”
Mga minamahal kong kapatid, paki-damahin at namnamin ninyo ang kahalagahan ng Mensahe na nais maiparating sa inyong lahat ng talata na ating sinipi. Bawat kautusan na mula sa inyong Pinakamamahal na Pinakadakilang Panginoong Diyos ay kilalanin ninyo na ito ay tanglaw at liwanag na ang ibig sabihin gagabayan kayo nito habang namamalagi pa ang lahat na nakapaninirahan sa magulo at masamang daigdig na ito. Kaya sa pagdadala ng inyong buhay mapapanuto lamang kayo sa inyong mga nagawang pagkakamali kapag Kaniya kayong sinasaway. Sa kabila ng lahat ay hindi ninyo ipinagdaramdam ang Kaniyang mga pagtutuwid na mula rin sa Kaniyang mga Katuruan. Sapagkat dito ninyo lalong nararamdaman ang Kaniyang pagpapahalaga, pagmamahal at pag-ibig Niya sa inyo kapag sinasaway Niya kayo at itinutuwid sa pamamaraang ibig Niyang gawin at sino man ang ibig Niya na Kaniyang kakasangkapanin ay maigalang ninyo na ang patuloy na piliin ang higit na kayo ay makagawa ng mabuti sa Banal Niyang harapan, at dahil diyan paghaharian Niya kayo ng Kapayapaan sa pamamagitan ng Pinakamamahal ninyo na Panginoong Jesu-Cristo.
Muli maraming salamat sa Pamamatnubay ng Kapangyarihan ng ating Amang Banal na Pinakamamahal na Pinakadakilang Panginoong Diyos kaya naihanay ng Napahihintulutan ng buong husay ang Kaniyang mga Bagong Pahayag at ito ay dahil pa rin sa pamamagitan ng ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo na sumasaakin.
=====================================================
Kaya kung sa kabila na sila ay sinasaway na at nagpapatuloy pa rin na itataguyod ang grupo na itinatag nila, na hindi nga kikilalanin ng ating Panginoong Jesu-Cristo kahit ipilit pa ay maibibilang sila sa mga hindi tapat na sumusunod, manapa ay lumalaban na sa Kaniyang mga ipinag-uutos na sa madaling salita sila ay ang mga bumangon na mga anti-Cristo na maituturing. Bakit ayaw silang kilalanin ng ating Panginoong Jesu-Cristo? mga Bible Believers naman sila at kabilang sa Iglesia ni Cristo? Mga Salita rin ng Panginoong Jesu-Cristo at Salita ng ating Pinakadakilang Panginoong Diyos ang mga itinuturo nila doon, dumadalangin din at tumatawag din sa Kaniya ng Panginoon! Panginoon! May mali ba sila na nagagawa doon maliban sa hindi nila kinikilala ang Pamamahala ng kapatid na Eduardo V. Manalo? Ang sagot naroon din sa talatang 9 na sa atin ay ipinauunawa ng ating Amang Banal na Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos kung ano ang dapat ihanay na Pahayag para sa kanila, na tuwirang pinatutungkulan ng ating Panginoong Jesu-Cristo ang mga nagsasabing sila ay mga Judio o katumbas na kumikilala sa ating Panginoong Jesu-Cristo. Katunayan ay namamalagi pa rin sila sa loob ng Iglesia ni Cristo? Ano nga ba ang dahilan kungg bakit ayaw silang kilalanin ng ating Panginoong Jesu-Cristo na bilang Kaniya? Tulad ng mababasa sa talatang 9 sila anya doon ay “nangagbubulaan” o sa ibang pakahulugan ay nagkakalokohan. Sila-sila ay nagkakasanggunian kung akma ba ang paksa o tama ba ang nauunawaan nila?! Ang iba ay umaayon na lang kahit may pagtatanong pang naiiwan huwag lang sumama ang loob ng lider nila doon. Ang mga pagtatanungang ito ay namamalagi hanggang ngayon na maririnig pa sa nangunguna sa kanila “Ano sa palagay ninyo, tama ba ako?” Walang maililihim kapag ang Banal na Espiritu ang nagpapaunawa at naghahayag. Mapanganib na karunungan ang naipangangahas ninyong ituro sa mga kakapatid sa loob ng Iglesia ni Cristo! Hindi kayo mga ministro, hindi kayo mga manggagawa pawang mga kababaihan kayo na natuto lang magbasa ng Biblia at sumangguni sa mga Bible scholar [34] Ang mga babae ay magsitahimik sa mga iglesia: sapagka’t sila’y walang kapahintulutang mangagsalita; kundi sila’y pasakop, gaya naman ng sinasabi ng kautusan. – I Mga Taga-Corinto 14:34 TLAB. Kung hindi nga nila masusunod ang talatang yan ay nakalalabag na nga sila. Ang nakalulungkot tinapatan pa nila ng talata na hindi nagtatangi ang Panginoong Diyos para mapangatwiran lang nila na makapagpatuloy pa silang mga kababaihan sa loob ng Iglesia na makapangaral. Sila ang humahanap ng sarili nilang ikapapahamak doon kaya hindi ninyo masisisi ang Panginoong Jesu-Cristo na sila ay ibigay Niya sa luklukan ni satanas. Paglaban na sa Kaniyang mga kautusan ang mga naitataguyod nila doon. Ang ipinapahayag nila Pumapatay ng tunay na pananampalatayang naglalagay sa panganib na hindi pa maligtas ang mga napapaniwala ninyo. Lagi ninyong tinatapatan ang mga Bagong Pahayag … kapag sinabi na may Paglikas, sa inyo ay walang magaganap na Paglikas. Saan lilikas? Ang patuya pang pahayag ninyo.
Mga kapatid kung nauunawaan lang nila ang talatang mababasa nila. Ang Panginoong Diyos mismo ang nagtakda ng Paglalakbay ito ay upang lisanin o lumikas sa magulo at sumasama ng daigdig na ito. Kaya para hindi nila tuwirang nasasalungat nilalabanan ang mga kautusan Niya ay hinahangaad kong maunawaan nila ang sinasabi ng mga talatang babasahin.
Exodo 23:20-22 [20] Magpapadala ako ng anghel na mangunguna sa inyo. Pangangalagaan niya kayo sa inyong paglalakbay at papatnubayan hanggang sa lupain na aking inihanda sa inyo. [21] Pakikinggan ninyo siya at susundin ang lahat ng sasabihin niya sa inyo. Huwag ninyo siyang susuwayin sapagkat lahat ng ginagawa niya’y sa pangalan ko at hindi niya kayo patatawarin kapag naghimagsik kayo sa kanya. [22] Kung susundin ninyo siya at gagawin ninyo ang mga sinasabi ko, ipaglalaban ko kayo sa inyong mga kaaway.
Magpapadala ako ng anghel na mangunguna sa inyo : Ang tuwirang nagsasalita diyan mga mahal kong kapatid ay ang ating Panginoong Diyos mismo. Ang Kaniya anya na gagawin ay magpapadala Siya o sa ibang kahulugan ay magsusugo Siya ng Anghel para sa inyo. Anong kaukulan ng isusugo Niya?
Pangangalagaan niya kayo sa inyong paglalakbay at papatnubayan hanggang sa lupain na aking inihanda sa inyo : Anghel na mangangalaga sa magaganap na Paglalakbay na magiging tagapamatnubay ang siyang mangunguna, na ang katumbas ay siya ang magiging Lider sa inyong lahat. Oo siya nga ang mangunguna para ihatid kayo sa lupain na inihanda ng ating Pinakadakilang Panginoong Diyos. Kaya may literal na Paglikas na magaganap. Anong katunayan? Sinalita ng Panginoong Diyos kaya mangyayari!
Kaya nawa magising pa sila sa Katotohanan na mabigyang daan pa na makapagsisi at maituwid pa nila ang mga kamaliang nagawa nila sa loob ng Iglesia ni Cristo bago maging huli ang lahat. At ang ipinag-uutos na pananahimik nila sa loob ng Iglesia bilang mga kababaihan nangangaral. At nawa ay mabago na nila ang pagkilala nila sa Pamamahala ng Iglesia ni Cristo, pagkakilala sa Pangangasiwa mga Ministro sa mga Manggagawa at mga Maytungkulin na sinubok lang din tulad nila na bahagi sa pagdadalisay ng Panginoong Diyos sa lahat sa pamamagitan ng Panginoong Jesu-Cristo.
narito, sila’y aking papapariyanin at pasasambahin sa harap ng iyong mga paa, at nang maalamang ikaw ay aking inibig. [ang nakatakda ay nakatakda nang maganap ipagagawa ating Panginoong Jesu-Cristo sa hiigit na mga pinatutungkulan.}
Sino ba ang kinikilala ninyo na marapat na Sambahin na mababasa sa Banal na Aklat o Biblia?
Ang tugon ay ang ating Amang Banal na Pinakamamahal na Pinakadakila na Pinakamakapangyarihang Panginoon Diyos natin.
Sino pa mga mahal kong kapatid ang mababasa sa Banal na Aklat o Biblia ang Pinasasamba sa atin?
Ang tugon ay ang ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu–Cristo natin.
Mayroon pa ba na binibigyan naman ng Kapahintulutan ng ating Panginoong Jesu-Cristo na pasasambahin sa mga papupuntahin sa kaniya na pinatutungkulan?
Ang tugon malinaw na nabasa ninyo sa Banal na Aklat o Biblia na Pahayag mismo ng ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo na anya: sila’y aking papapariyanin at pasasambahin sa harap ng iyong mga paa, at nang maalamang ikaw ay aking inibig.
Bakit ganun na lamang ang malaking pagtitiwala ng ating Panginoong Jesu-Cristo sa Kaniyang Lingkod na Hinirang?
[10] Sapagka’t tinupad mo ang salita ng aking pagtitiis, ikaw naman ay aking iingatan sa panahon ng pagsubok, na darating sa buong sanglibutan, upang subukin ang mga nananahan sa ibabaw ng lupa. [11] Ako’y dumarating na madali: panghawakan mong matibay ang nasa iyo, upang huwag kunin ng sinoman ang iyong putong.
Tiniyak na may pagsubok na darating sa sanlibutang ito pero Tapat ang nangako na Kaniya anya na iingatan habang sinusubok Nila ng ating Amang Banal ang mga nananahanan sa ibabaw ng lupa. May makakaagaw pa ba sa Karapatan at Kahalalan na ibinigay ng ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo sa Lingkod Niya na iniibig o minamahal? Kahit anong pagsusumikap nilang lahat wala ng makapagtatagumpay! Kahit na dungisan pa ninyo siya at likhaan ng mga kasiraan, ang Lingkod Nila ay nagtagumpay na, pinaging dapat na inari na Nilang banal. Marami na ang nagsikap na ipagkanulo subalit wala ring nagtagumpay! Binabakuran ng Kapangyarihan ng Kamay na Bakal ng Katwiran ng ating Amang Banal na Pinakamamahal sino ang laban sa kaniya? Siya ay nasa Kanila ng paglingap, pag-iingat at pangangalaga wala ng sinuman ang makaaagaw ng karapatang para sa kaniya na Sila ang nagbigay. Kaya nga ang bilin sa Lingkod Nila na mahal ay panghawakang matibay ang nasa sa kaniya na, upang huwag kunin ng sinuman ang putong na nasa Pinili na Nila na Hinirang.
Antabayanan mga mahal kong kapatid ang mga kasunod na Bagong Pahayag ….