I Corinto 2:4 NPV [4] Ang dala kong mensahe at paraan ng pangangaral ay hindi karunungan o tamis ng pananalita, kundi sa patotoo at kapangyarihan ng Espiritu,
Awit 19:1-14 NPV [1] Ang kaluwalhatian ng Dios ay ipinahahayag ng mga kalangitan, ang mga kalawakan ay nagsasaad ng mga gawa ng kanyang mga kamay. [2] Araw-araw ay may mensahe silang binibigkas; at sa gabi-gabi ay nagpapahayag sila ng karunungan. [3] Sa lahat ng salita at wika ang tinig nila ay naririnig. [4] Ang tinig nila ay naglalakbay sa buong daigdig, ang mga salita nila ay umaabot sa mga dulo ng daigdig. Sa mga kalangitan, nagtayo siya ng tolda para sa araw, [5] tulad ng kasintahang lalaki na lumalabas mula sa kanyang bulwagan, parang isang kampiyong nagagalak sa kanyang takbuhin. [6] Sumisikat ito mula sa isang dulo ng kalangitan; patungo sa kabilang dako, ito’y naglalakbay; walang nakukubli sa init nitong taglay. [7] Ang kautusan ng PANGINOON ay ganap, muling nagpapasigla sa kaluluwa. [8] Ang mga tuntunin ng PANGINOON ay matuwid, ito’y nagdudulot ng galak sa puso. Ang mga utos ng PANGINOON ay maningning, nagdudulot ng liwanag sa mga mata. [9] Ang pagkatakot sa PANGINOON ay dalisay, nananatili magpakailanman. Ang mga kautusan ng PANGINOON ay tiyak at matuwid na lahat. [10] Higit itong mahalaga kaysa ginto, kaysa maraming dalisay na ginto; higit pa sa pulot ang tamis nito, higit pa sa pulot na buhat sa bahay ng pukyutan. [11] Dahil sa mga ito, pati iyong alipin – ay nabababalaan; sa pagtupad nito, may gantimpalang nakalaan. [12] Sino’ng makakikita sa kanyang mga kamalian? Patawarin ako sa lihim kong kamalian. [13] Ilayo mo ang ‘yong lingkod sa pagsadya sa kasalanan; huwag nawa nila akong mapagharian. Kung magkagayon, ako’y magiging walang kapintasan, walang malay sa malubhang pagsalangsang. [14] Nawa ang mga salita ko at pagbubulay ng aking puso ay maging kalugud-lugod sa iyong paningin, O PANGINOON, aking Bato at aking Kaligtasan.
[34] Ang mga babae ay magsitahimik sa mga iglesia: sapagka’t sila’y walang kapahintulutang mangagsalita; kundi sila’y pasakop, gaya naman ng sinasabi ng kautusan.
Paano ang Mensahera na kinakasangkapan babae siya mahal naming kapatid na Elias? Yan marahil ang maitatanong ninyo. Pakaunawain ninyo ang talata pinatatahimik sila sa Iglesia kung wala silang kapahintulutang magsalita. Dapat ninyong maunawaan na kautusan ng Panginoong Diyos sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo na ang mga babae ay magsitahimik sa Iglesia tulad ng isinasaad na nasa talata na inyong nabasa. Subalit ang Panginoong Diyos din ang nagbibigay ng kapahintulutan kung kinakailangang magsalita ng babae na Kaniyang isinusugo. Kung hindi siya bibigyan ng Kapahintulutan ay hindi papayag ang Panginoong Diyos na maghanay ng Kaniyang Pahayag sa babae na nagsasalita sa bidyo. Kaya yaong may kahalalan at yaong may kapahintulutan ng ating Panginoong Diyos ang maaari lamang magsalita. Kaya matibay na katunayan ang pagkasangkapan sa kaniya ng ating Pinakadakilang Panginoong DIyos na magsa-Tinig ng Kaniyang mga nais ipahayag. Kaya walang anumang nalalabag ang Mensahera ng PANGINOON na kinakasangkapan kundi siya ay napapasailalim sa Atas sa akin ng ating Panginoong Diyos sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Napasasakop siya hindi niya ako inuutusan, kundi buong katapatan siyang sumusunod. Iginagalang niya ang anumang mga sinasabi ko sa kaniya lalo na nga’t nauugnay sa Kalooban ng ating Panginoong Diyos. Hindi siya nangangaral sapagkat ang kaniyang mga ipinapahayag ay mula sa ating Panginoong Diyos na nagbigay sa kaniya ng Kapahintulutan na ito ay kaniyang ipinapahayag ayon lamang sa kaniyang naririnig. Di niya kontrol ang kaniyang pag-iisip habang nakapikit siya ay kaalinsabay na ipinakikita sa diwa niya at diwa ko ang mga ipinauunawa ng ating Panginoong Diyos. Oo bagamat siya ay babae siya ay napasasailalim sa kautusan ng ating Panginoong Diyos kaya napasasakop ang Mensahera ng PANGINOON
– Elias Arkanghel Jesu-Cristo T11252020PT1922
REBLOG:
Kahalagahan ng Iglesia ni Cristo at ng Iglesia ni Cristo…Hinirang.
Isaias 62:11-12 (King James Version 2000) [11] Narito, ang PANGINOON ay nagpahayag sa mga wakas ng lupa, sabihin ninyo sa anak na babae ng Sion, narito, ang iyong kaligtasan ay dumarating; narito, ang kaniyang gantimpala ay nasa kaniya, at ang kaniyang gawain ay sa harap niya. [12] At tatawagin nila sila, ang banal na bayan, ang tinubos ng PANGINOON: at ikaw ay tatawaging, hinanap, isang lungsod na hindi pinabayaan.
Narito, ang PANGINOON ay nagpahayag sa mga wakas ng lupa, : Ang ating Amang Banal Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos may Paunang Pahayag, Propesiya o hula na napauukol sa mga wakas ng lupa na ang tuwirang tinutukoy ay dako at panahon kung saan muling babangon ang Iglesia ni Cristo. Bakit ipinauunawang may pagbangon na muling naganap? Yan ang mga pag-aaralan natin para maipagmalasakit at maipaunawa din sa lahat sa gayun maging ang mga nagbabasa na sumusubaybay sa mga ipinapahayag dito sa Blog ng Iglesia ni Cristo…Hinirang ay makaunawa at makabahagi ng Katotohanan. Mga mahal naming kapatid sa panahon ng ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo, ay Siya ay may Iglesia na itinayo. Mababasa ninyo ito sa Banal na Aklat o Biblia sa Mateo 16 talatang 18.
[18] At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesia; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya. – Mateo 16:18
Kausap ng ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo sa tagpong ito si Apostol Pedro at ang mga kasama niyang naroroon. Pahayag ng ating Panginoong Jesu-Cristo na “sa ibabaw ng batong ito ay itatayo Ko ang Aking Iglesia. Oo Kaniyang Iglesia (Church) ang Iglesia na ito ay sa ating Panginoong Jesu-Cristo kaya nga ang sabi Niya ay Aking Iglesia. Inaako ng ating Panginoong Jesu-Cristo na sarili Niyang Iglesia, Pagmamay-ari ng nagtayo! Tama ba na Iglesia ni Cristo ang itawag o pinangunahan ko lang kahit walang mababasa na Iglesia ni Cristo sa talata ng 18 ng Aklat ng Mateo 16? Hayaan natin ang Banal na Aklat o Biblia magmula ang kasagutan sa Roma 16: talatang 16.
[16] Mangagbatian kayo ng banal na halik. Binabati kayo ng lahat ng mga iglesia ni Cristo. –Roma 16:16
Sa panig ng mga hindi pa namin kapananampalataya .. mga kaibigan mga kapatid, hindi kayo dinadaya ng inyong mga mata. Ang Iglesia ni Cristo ay eksistido na o umiiral na, na naitayo na ng unang siglo sa panahon ng ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo. At ito ang Kaniyang kinikilala na pagmamay-ari Niya na Siya ang pinaka-Pastor nito. Katunayan na mababasa ito
[14] Ako ang mabuting pastor; at nakikilala ko ang sariling akin, at ang sariling akin ay nakikilala ako, [15] Gaya ng pagkakilala sa akin ng Ama, at ng sa Ama ay pagkakilala ko; at ibinibigay ko ang aking buhay dahil sa mga tupa. – Juan 14:14-15
Kaya mahal kong kapatid ang kilalanin ka na ikaw ay Kaniyang pagmamay-ari mula nang Siya ay kilalanin mo sa pamamaraang sinunod mo ang Kaniyang ipinag-uutos ay napakapalad mong maituturing, dahil mapapabilang ka sa inaari Niyang Kaniyang tupa na pagbibigyan Niya ng Kaniyang buhay. Kaya nga
[28] Ingatan ninyo ang inyong sarili at ang buong kawan, sapagkat kayo ang ginawa ng Espiritu Santo na mga tagapag-ingat nila para pangalagaan ang Iglesya ng Panginoon, na binayaran niya ng sarili niyang dugo – Gawa 20:28 BSP
Sa mga kaibayo pa namin sa pananampalataya huwag kayong magdamdam mga kaibigan namin, mahal namin kayo kaya hindi rin kami tumitigil sa pag-aanyaya sa inyo na daluhan ang mga Gawaing Pag-aaral ng mga Katotohanan na napauukol sa kahalagahan ng Iglesia ni Cristo sa ikapagtatamo ng kaligtasan. Totoo ang Iglesia ni Cristo, binayaran mismo ng ating Panginoon ng sarili niyang dugo o katumbas na tinubos Niya ang Kaniyang Iglesia ng sarili Niyang dugo. Kaya gayun na lamang Niya ito pinahahalagahan pati nga ang mga pinagkakatiwalaan ay Kaniyang pinag-iingat para magawa nilang mapangalagaan ang napapaloob sa Kawan o sa Iglesia ni Cristo.
Kaya nakatitiyak ang isang Iglesia ni Cristo ng kaligtasan dahil mismo ang sarili Niyang dugo ang ipinambayad o ipinantubos niya. Ang Apostol Pablo ang may pahayag sa Gawa 20:28 kung may pag-aalinlangan ang iba siguro mas mabuti ay manggaling na mismo sa Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo natin ang pagpapahayag.
[13] Walang may lalong dakilang pagibig kay sa rito, na ibigay ng isang tao ang kaniyang buhay dahil sa kaniyang mga kaibigan. [14] Kayo’y aking mga kaibigan, kung gawin ninyo ang mga bagay na aking iniuutos sa inyo. [15] Hindi ko na kayo tatawaging mga alipin; sapagka’t hindi nalalaman ng alipin kung ano ang ginagawa ng kaniyang panginoon: nguni’t tinatawag ko kayong mga kaibigan; sapagka’t ang lahat ng mga bagay na narinig ko sa aking Ama ay mga ipinakilala ko sa inyo. [16] Ako’y hindi ninyo hinirang, nguni’t kayo’y hinirang ko, at aking kayong inihalal, upang kayo’y magsiyaon at magsipagbunga, at upang manatili ang inyong bunga: upang ang anomang inyong hingin sa Ama sa aking pangalan, ay maibigay niya sa inyo. – Juan 15: 13-16
[16] At mayroon akong ibang mga tupa, na hindi sa kulungang ito: sila’y kailangan din namang dalhin ko, at kanilang diringgin ang aking tinig; at sila’y magiging isang kawan, at magkakaroon ng isang pastor. [17] – Juan 16:14-17
IV. At itatatag siya ng Kataastaasan. : ang mga kasunod na mga talata ng Banal na Aklat o Biblia ang matibay na Patotoo sa mga Paunang Pahayag, Propesiya o Hula ng paglalagay o pagkakatatag ng ating Pinakamamahal na Pinakadakilang Panginoong Diyos sa Iglesia ni Cristo…Hinirang (Anak na Babae ng Sion) sa loob ng Iglesia ni Cristo (Sion) ay hindi matututulan at mahahadlangan ng sinuman. Marami mang mga tisod, hindi matanggap, hindi kayang kilalanin sapagkat inakala lamang ninyo na isa lamang pag-aangkin o sariling pagproklamasyon ang kahalalan ng Iglesia ni Cristo…Hinirang na siya ring pinatutungkulan na batong katitisuran at ang kahalalan ng Napahihintulutan na si Elias Arkanghel Jesu-Cristo na itinulad naman sa batong pangbuwal. Subalit sa panig ng mga tumanggap at kumikilala napakapalad ninyo tiniyak na hindi kayo mapapahiya. Oo,
Isaias 28:16 NPV [16] Kaya ito ang sinasabi ng Makapangyarihang PANGINOON: “Tingnan ninyo, naglagay ako ng bato sa Sion, isang subok na bato, isang mahalagang batong panulok para sa isang matatag na pundasyon; sinumang magtiwala rito ay hindi mabibigo.
Roma 9:33 [33] Gaya ng nasusulat, Narito, inilalagay ko sa Sion ang isang batong katitisuran, at batong pangbuwal: At ang sumasampalataya sa kaniya’y hindi mapapahiya.
I Pedro 2:6 [6] Sapagka’t ito ang nilalaman ng kasulatan, narito, aking inilalagay sa Sion ang isang batong panulok na pangulo, hirang mahalaga; At ang sumasampalataya sa kaniya ay hindi mapapahiya.
Ngunit higit sa lahat ang Katotohananang ito ngayon pa lamang ninyo mapag-uunawa ang mahalagang gagampanan ng Piling Hinirang na mahalaga sa inyong Pinakamamahal na Pinakadakilang Panginoong Diyos kung bakit inilalagay Niya sa Sion o Iglesia ni Cristo, ay para sa anong kaukulan mga mahal kong kapatid?
Roma 11:26 [26] At sa ganito’y ang buong Israel ay maliligtas: gaya ng nasusulat, Magbubuhat sa Sion ang Tagapagligtas; Siya ang maghihiwalay sa Jacob ng kalikuan:
Tulad ng ipinaunawa maliligtas ang buong Israel na sumasagisag din sa Iglesia ni Cristo sa Espiritual na pakahulugan. Totoo mga mahal kong kapatid paulit-ulit na lamang ninyo naririnig kapag nasa loob kayo ng Iglesia ni Cristo ay magtatamo kayo ng kaligtasan. Oo totoo subalit hindi ninyo nalalaman kung sa anong kaparaanan dapat kayong maligtas, hindi sa pananampalataya lamang dahil lalakipan ninyo ng gawa at ito ay sa nalalapit na mga araw na may Paglikas na magaganap para maligtas sa Kawasakang darating. At ang lahat ng ibig na maligtas ay dadalhin sa Dakong Banal na ibinilin Nila sa akin. Pati ang dereksyon itinuro na ng ating Amang Banal na Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos na sinabi na Nila sa akin. Oo ang Dereksyon kung saan magsisimula! Ipinauunawa na hindi kayo mahihirapan sa paglalakad! Hindi mapapagod! Hindi magugutom o mauuhaw man! Kaya huwag kayong padadala sa mga bulaang mangangaral na sinisiraan ang Banal na Gawaing ito, na sila man din ay nagtataglay na may pangalan din ang grupo nila na Cristo subalit ibinibilang sila na mga bulaan, kahit mga nangangaral gamit ang Banal na Aklat o Biblia. Mapatutunayan iba ang kanilang pananampalataya, at lumalaban sa higit na mga Katotohanan. Dahil hindi naniniwala sa sinalita ng Pinakadakilang Panginoong Diyos na walang magaganap sa Kaniyang mga Sinalita at pinalilitaw pa na simbolikal lang ang lahat tulad ng Paglikas. Para sa kanila walang magaganap na Paglikas!
[37] At kung paano ang mga araw ni Noe, gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao. [38] Sapagka’t gaya ng mga araw bago nagkagunaw, sila’y nagsisikain at nagsisiinom, at nangagaasawa at pinapapagaasawa, hanggang sa araw na pumasok si Noe sa daong, [39] At hindi nila nalalaman hanggang sa dumating ang paggunaw, at sila’y tinangay na lahat; ay gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao. – Mateo 24:37-39
Kaya yan ang hindi abot ng pagkaunawa ng mga nagtuturong walang magaganap na paglikas. Kung naganap ang Paglikas sa panahon ni Noe at ang Kawasakan ipinauunawa sa Aklat ng Mateo 24 talatang 37, ipinauunawa Nila sa akin na literal na mangyayari at mauulit ang Paglikas kasunod ang Kawasakan na pagluray-lurayin ang sandaigdigan na ito sumama na ng sumama gawa ng mga tampalasan at mga palalong tao. Diyan kayo dapat maligtas sa Kawasakang darating! Diyan dapat maligtas ang lahat ng Iglesia ni Cristo! Diyan dapat maligtas ang lahat ng mga tao! Kaya magpakatalino kayo mga mahal kong kapatid ito ay sa panig ng mga dating kababaihan na humiwalay sa Gawain nagtayo ng sariling bato na saligan. Bigyang daan ninyo na huwag kayong mahulog sa pagmamagaling na alam na alam na ninyo ang magaganap. Ang mga katuruan ninyo maraming kamalian lalo na nga hindi naman kayo mga ministro kayo ay mga pangkaraniwan lang na mga natuto. Nakalulungkot hindi nakalulugod sa Pinakadakilang Panginoong Diyos ang mga hinahanay ninyo na wari makatotohanan dahil sa Biblia rin kayo bumabatay subalit kawawa ang napaniniwala ninyo na inaakalang tama ang mga nababasa nila sa mga pahayag ninyo. Pagmamalasakit ang sa akin habang may panahon pa! Mahal na mahal ko kayong lahat ayoko na isa man sa inyo ay mapahamak dahil sa maling pagkaunawa ninyo.
Narito ang bilin sa inyo
Kawikaan 6:23 “Sapagka’t ang utos ay tanglaw; at ang kautusan ay liwanag; at ang mga saway na turo ay daan ng buhay:”
Mga minamahal kong kapatid, paki-damahin at namnamin ninyo ang kahalagahan ng Mensahe na nais maiparating sa inyong lahat ng talata na ating sinipi. Bawat kautusan na mula sa inyong Pinakamamahal na Pinakadakilang Panginoong Diyos ay kilalanin ninyo na ito ay tanglaw at liwanag na ang ibig sabihin gagabayan kayo nito habang namamalagi pa ang lahat na nakapaninirahan sa magulo at masamang daigdig na ito. Kaya sa pagdadala ng inyong buhay mapapanuto lamang kayo sa inyong mga nagawang pagkakamali kapag Kaniya kayong sinasaway. Sa kabila ng lahat ay hindi ninyo ipinagdaramdam ang Kaniyang mga pagtutuwid na mula rin sa Kaniyang mga Katuruan. Sapagkat dito ninyo lalong nararamdaman ang Kaniyang pagpapahalaga, pagmamahal at pag-ibig Niya sa inyo kapag sinasaway Niya kayo at itinutuwid sa pamamaraang ibig Niyang gawin at sino man ang ibig Niya na Kaniyang kakasangkapanin ay maigalang ninyo na ang patuloy na piliin ang higit na kayo ay makagawa ng mabuti sa Banal Niyang harapan, at dahil diyan paghaharian Niya kayo ng Kapayapaan sa pamamagitan ng Pinakamamahal ninyo na Panginoong Jesu-Cristo.
Add title
DANIEL 2:20-22 NPV [20] Sinabi niya: ‘Purihin ang pangalan ng Dios. magpakailan-kailan pa man; sa kanya ang karunungan at kapangyarihan. [21] Pinapalitan niya ang mga panahon; inilalagay niya ang mga hari at iniaalis ang mga ito. Binibigyan niya ng karunungan ang mga pantas at ng kaalaman ang may pangunawa. [22] Inihahayag niya ang malalalim at natatagong mga bagay; alam niya kung ano ang nasa gitna ng kadiliman at nananahang kasama niya ang liwanag.
KAYA WALANG MAILILIHIM KUNG ANO ANG NASA GITNA NG KADILIMAN, IHAHAYAG O IBUBUNYAG NG ATING PANGINOONG DIYOS ANG MGA MALALALIM AT NATATAGONG MGA BAGAY GAYA NG INYONG MABABASA SA …
ISAIAS 57:12 NPV [12] Ilalantad ko ang inyong katuwiran at ang inyong mga gawa at ang mga ito ay walang pakinabang na idudulot sa inyo.
HUWAG PAKATITIGAN ANG ANUMANG KASAMAAN NA NAGAWA NILA SA HALIP SUMABAY ANG LAHAT SA PAGBABAGUMBUHAY .. KILALANIN DIN NATIN ANG ATING MGA SALA AT NAGAWANG MGA KAMALIAN .. SA GAYUN MAKASABAY TAYO NA MAKAGAWA NA NG MABUTI SA BANAL NA HARAPAN NG ATING AMANG BANAL AT SA ATING PANGINOONG JESU-CRISTO. – Elias Arkanghel Jesu-Cristo F01012021PT2359

MAHALAGANG PAUNAWA :
(Copy Paste sa Messenger, FB Friends sa Twitter …) https://www.youtube.com/watch?v=cQ_uAepF3Ng&list=PLAmCxhsmt1QWrvqSgQOT8nOU5l8UrJcLN
TINIG PAHAYAG PLAYLIST CONTINOUS PLAYING … Mapagpalang araw sa inyong lahat. Sumainyo ang Kapayapaan at Pagpapala ng ating Amang Banal sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo … Ito mga mahal kong kapatid ang maaari ninyong ipamahagi sa inyong mga mahal sa buhay, kaibigan at kakilala para di na kailangan pang magpipindot-pindot kundi tuluy-tuloy ng magpi-play para di na sila mahirapan… Kahit sa sarili ninyong cellphone gamit ang inyong ear phone ay mapagbubulay-bulay ninyo lagi ang mga TINIG PAHAYAG Maraming salamat …