Mapagpalang araw sa inyong lahat mga mahal kong kapatid. Damhin niyo ang Pahayag mismo ng ating Amang Banal Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos. Nagagalit man Siya at halos sumisigaw na ay huwag nating maisantabi ang Kaniyang Mensahe. Nanginginig ako sa pagkatakot ng tanggapin ko kahapon December 10, 2020 ang Kaniyang Tinig Pahayag. Ulit-ulitin ninyo kung kinakailangan hanggang maramdaman niyo ang Kaniyang pagmamahal at pagmamalasakit para hindi kayo makabitaw sa pag-asang ibinibigay Niya para sa ikaliligtas ng lahat.
I Corinto 2:4 NPV [4] Ang dala kong mensahe at paraan ng pangangaral ay hindi karunungan o tamis ng pananalita, kundi sa patotoo at kapangyarihan ng Espiritu,
Awit 19:1-14 NPV [1] Ang kaluwalhatian ng Dios ay ipinahahayag ng mga kalangitan, ang mga kalawakan ay nagsasaad ng mga gawa ng kanyang mga kamay. [2] Araw-araw ay may mensahe silang binibigkas; at sa gabi-gabi ay nagpapahayag sila ng karunungan. [3] Sa lahat ng salita at wika ang tinig nila ay naririnig. [4] Ang tinig nila ay naglalakbay sa buong daigdig, ang mga salita nila ay umaabot sa mga dulo ng daigdig. Sa mga kalangitan, nagtayo siya ng tolda para sa araw, [5] tulad ng kasintahang lalaki na lumalabas mula sa kanyang bulwagan, parang isang kampiyong nagagalak sa kanyang takbuhin. [6] Sumisikat ito mula sa isang dulo ng kalangitan; patungo sa kabilang dako, ito’y naglalakbay; walang nakukubli sa init nitong taglay. [7] Ang kautusan ng PANGINOON ay ganap, muling nagpapasigla sa kaluluwa. [8] Ang mga tuntunin ng PANGINOON ay matuwid, ito’y nagdudulot ng galak sa puso. Ang mga utos ng PANGINOON ay maningning, nagdudulot ng liwanag sa mga mata. [9] Ang pagkatakot sa PANGINOON ay dalisay, nananatili magpakailanman. Ang mga kautusan ng PANGINOON ay tiyak at matuwid na lahat. [10] Higit itong mahalaga kaysa ginto, kaysa maraming dalisay na ginto; higit pa sa pulot ang tamis nito, higit pa sa pulot na buhat sa bahay ng pukyutan. [11] Dahil sa mga ito, pati iyong alipin – ay nabababalaan; sa pagtupad nito, may gantimpalang nakalaan. [12] Sino’ng makakikita sa kanyang mga kamalian? Patawarin ako sa lihim kong kamalian. [13] Ilayo mo ang ‘yong lingkod sa pagsadya sa kasalanan; huwag nawa nila akong mapagharian. Kung magkagayon, ako’y magiging walang kapintasan, walang malay sa malubhang pagsalangsang. [14] Nawa ang mga salita ko at pagbubulay ng aking puso ay maging kalugud-lugod sa iyong paningin, O PANGINOON, aking Bato at aking Kaligtasan.
I Corinto 14:[34] Ang mga babae ay magsitahimik sa mga iglesia: sapagka’t sila’y walang kapahintulutang mangagsalita; kundi sila’y pasakop, gaya naman ng sinasabi ng kautusan.
Paano ang Mensahera na kinakasangkapan babae siya mahal naming kapatid na Elias? Yan marahil ang maitatanong ninyo. Pakaunawain ninyo ang talata pinatatahimik sila sa Iglesia kung wala silang kapahintulutang magsalita. Dapat ninyong maunawaan na kautusan ng Panginoong Diyos sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo na ang mga babae ay magsitahimik sa Iglesia tulad ng isinasaad na nasa talata na inyong nabasa. Subalit ang Panginoong Diyos din ang nagbibigay ng kapahintulutan kung kinakailangang magsalita ng babae na Kaniyang isinusugo. Kung hindi siya bibigyan ng Kapahintulutan ay hindi papayag ang Panginoong Diyos na maghanay ng Kaniyang Pahayag sa babae na nagsasalita sa bidyo. Kaya yaong may kahalalan at yaong may kapahintulutan ng ating Panginoong Diyos ang maaari lamang magsalita. Kaya matibay na katunayan ang pagkasangkapan sa kaniya ng ating Pinakadakilang Panginoong DIyos na magsa-Tinig ng Kaniyang mga nais ipahayag. Kaya walang anumang nalalabag ang Mensahera ng PANGINOON na kinakasangkapan kundi siya ay napapasailalim sa Atas sa akin ng ating Panginoong Diyos sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Napasasakop siya hindi niya ako inuutusan, kundi buong katapatan siyang sumusunod. Iginagalang niya ang anumang mga sinasabi ko sa kaniya lalo na nga’t nauugnay sa Kalooban ng ating Panginoong Diyos. Hindi siya nangangaral sapagkat ang kaniyang mga ipinapahayag ay mula sa ating Panginoong Diyos na nagbigay sa kaniya ng Kapahintulutan na ito ay kaniyang ipinapahayag ayon lamang sa kaniyang naririnig. Di niya kontrol ang kaniyang pag-iisip habang nakapikit siya ay kaalinsabay na ipinakikita sa diwa niya at diwa ko ang mga ipinauunawa ng ating Panginoong Diyos. Oo bagamat siya ay babae siya ay napasasailalim sa kautusan ng ating Panginoong Diyos kaya napasasakop ang Mensahera ng PANGINOON – Elias Arkanghel Jesu-Cristo T11252020PT1922
Add title
DANIEL 2:20-22 NPV [20] Sinabi niya: ‘Purihin ang pangalan ng Dios. magpakailan-kailan pa man; sa kanya ang karunungan at kapangyarihan. [21] Pinapalitan niya ang mga panahon; inilalagay niya ang mga hari at iniaalis ang mga ito. Binibigyan niya ng karunungan ang mga pantas at ng kaalaman ang may pangunawa. [22] Inihahayag niya ang malalalim at natatagong mga bagay; alam niya kung ano ang nasa gitna ng kadiliman at nananahang kasama niya ang liwanag.
KAYA WALANG MAILILIHIM KUNG ANO ANG NASA GITNA NG KADILIMAN, IHAHAYAG O IBUBUNYAG NG ATING PANGINOONG DIYOS ANG MGA MALALALIM AT NATATAGONG MGA BAGAY GAYA NG INYONG MABABASA SA …
ISAIAS 57:12 NPV [12] Ilalantad ko ang inyong katuwiran at ang inyong mga gawa at ang mga ito ay walang pakinabang na idudulot sa inyo.
HUWAG PAKATITIGAN ANG ANUMANG KASAMAAN NA NAGAWA NILA SA HALIP SUMABAY ANG LAHAT SA PAGBABAGUMBUHAY .. KILALANIN DIN NATIN ANG ATING MGA SALA AT NAGAWANG MGA KAMALIAN .. SA GAYUN MAKASABAY TAYO NA MAKAGAWA NA NG MABUTI SA BANAL NA HARAPAN NG ATING AMANG BANAL AT SA ATING PANGINOONG JESU-CRISTO. – Elias Arkanghel Jesu-Cristo F01012021PT2359

MAHALAGANG PAUNAWA :
(Copy Paste sa Messenger, FB Friends sa Twitter …) https://www.youtube.com/watch?v=cQ_uAepF3Ng&list=PLAmCxhsmt1QWrvqSgQOT8nOU5l8UrJcLN
TINIG PAHAYAG PLAYLIST CONTINOUS PLAYING … Mapagpalang araw sa inyong lahat. Sumainyo ang Kapayapaan at Pagpapala ng ating Amang Banal sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo … Ito mga mahal kong kapatid ang maaari ninyong ipamahagi sa inyong mga mahal sa buhay, kaibigan at kakilala para di na kailangan pang magpipindot-pindot kundi tuluy-tuloy ng magpi-play para di na sila mahirapan… Kahit sa sarili ninyong cellphone gamit ang inyong ear phone ay mapagbubulay-bulay ninyo lagi ang mga TINIG PAHAYAG Maraming salamat …