Juan 19:1-42 NPV [1] Nang magkagayon, ipinakuha ni Pilato si Jesus at ipinahampas. [2] Ang mga kawal ay gumawa ng isang koronang tinik at ipinutong sa kanyang ulo. Siya’y sinuotan nila ng balabal na kulay ube. [3] Paulit-ulit silang lumapit sa kanya na nagsasabi, “Mabuhay ang hari ng mga Judio!” At siya’y pinagsasampal nila. [4] Muling lumabas si Pilato at sinabi sa mga Judio, “Narito, ilalabas ko siya sa inyo, para malaman ninyong wala akong makitang anumang batayan upang siya’y ipagsakdal.” [5] Nang lumabas si Jesus na may koronang tinik at balabal na kulay ube, sinabi ni Pilato sa kanila, “Narito ang tao!” [6] Nang makita siya ng mga punong saserdote at ng mga pinuno, sila’y sumigaw, “Ipako sa krus! Ipako sa krus!” Ngunit sinabi ni Pilato, “Kunin ninyo siya at kayo ang magpako sa krus. Para sa akin, wala akong makitang dahilan upang isakdal siya. [7] Sinagot siya ng mga Judio, “May kautusan kami, at ayon sa kautusang iyon, dapat siyang mamatay pagkat nagpapanggap siyang Anak ng Dios.” [8] Nang marinig ito ni Pilato, lalo siyang natakot, [9] at pumasok uli sa palasyo. “Tagasaan ka ba?” tanong niya kay Jesus, ngunit hindi sumagot si Jesus. [10] “Ayaw mo bang makipag-usap sa akin?” sabi ni Pilato. “Hindi mo ba alam na may kapangyarihan akong palayain ka o ipapako sa krus?” [11] Sumagot si Jesus, “Wala kang kapangyarihan sa akin, malibang ito’y ipagkaloob sa iyo mula sa itaas. Kaya mas mabigat ang kasalanan ng nagdala sa akin dito.” [12] Mula noon, sinikap ni Pilatong palayain si Jesus, ngunit ayaw tumigil ng kasisigaw ang mga Judio: “Pag pinalaya mo ang taong ito, hindi ka kaibigan ni Cesar. Sinumang nagpapanggap na hari ay kalaban ni Cesar.” [13] Nang marinig ito ni Pilato, inilabas niya si Jesus, at lumuklok sa hukuman sa dakong tinatawag na “Ang Plataporma” (sa wikang Aramaico ay Gabata). [14] Noon ay araw ng Paghahanda ng Sanlinggo ng Paskuwa, at mag-iikalabindalawa na ng tanghali. “Narito ang inyong hari,” sabi ni Pilato. [15] Ngunit sila’y nagsigawan, “Patayin siya! Patayin siya! Ipako siya sa krus!” “Ipapako ko ba sa krus ang inyong hari?” tanong ni Pilato. “Wala kaming hari maliban kay Cesar,” sagot ng mga punong saserdote. [16] Nang magkagayon, ibinigay siya ni Pilato sa kanila upang ipako sa krus. Si Jesus ay ipinaubaya nila sa mga kawal. [17] Lumabas siya, pasan ang kanyang krus patungo sa lugar na kung tawagin ay Dako ng Bungo (sa wikang Aramaico ay Golgota). [18] Doo’y ipinako siya sa krus, kasama ang dalawa pa: isa sa kaliwa, isa sa kanan, si Jesus sa gitna. [19] Nagpasulat si Pilato ng isang pangungusap, at ipinalagay sa krus ni Jesus. Ganito ang nakasulat: JESUS NA TAGA-NAZARET, ANG HARI NG MGA JUDIO. [20] Marami sa mga Judio ang nakabasa nito sapagkat ang dakong pinagpakuan kay Jesus ay malapit sa bayan, at ito’y isinulat sa Aramaico, Latin at Griego. [21] Kaya ang mga punong saserdote ay nagsabi kay Pilato, “Ang isulat ninyo’y ‘Sinabi ng taong ito, ako ang Hari ng mga Judio, huwag ‘Ang Hari ng Mga Judio.’ ” [22] Sumagot si Pilato, “Ang naisulat ko’y naisulat na. [23] Nang maipako na si Jesus sa krus, kinuha ng mga kawal ang kanyang mga kasuotan at hinati-hati sa apat na bahagi; isa para sa bawat isa sa kanila. Natira ang tunika at ito’y walang tahi at hinabing buo mula sa itaas. [24] Nag-usap ang mga kawal, “Huwag nating punitin ito. Magsapalaran tayo para malaman natin kung kanino ito mapupunta.” Nangyari ito upang matupad ang isinasaad ng Kasulatan: “Naghati-hati sila sa aking kasuotan At ang aking damit ay kanilang pinagsapalaran.” Gayon nga ang ginawa ng mga kawal. [25] Malapit sa krus ni Jesus ay nakatayo ang kanyang ina, ang kapatid ng kanyang ina, si Mariang asawa ni Cleopas, at si Maria Magdalena. [26] Nang makita ni Jesus ang kanyang ina at ang kanyang alagad na minamahal na nakatayo sa tabi nito, sinabi niya, “Mahal na babae, narito ang iyong anak.” [27] At sinabi sa alagad, “Narito ang iyong ina,” Mula noon, siya’y dinala’t pinatira ng alagad na ito sa kanyang bahay. [28] Pagkatapos nito, alam ni Jesus na naganap na ang lahat ng bagay, at upang matupad ang Kasulatan, sinabi niya, “Nauuhaw ako!” [29] Doo’y may isang mangkok na puno ng suka. Isinawsaw nila rito ang isang espongha, inflagay sa dulo ng isang sanga ng isopo, at idiniit sa mga labi ni Jesus. [30] Nang matanggap na niya ang suka, sinabi ni Jesus, “Naganap na!” Iniyuko ang kanyang ulo at ibinigay ang kanyang espiritu. [31] Noo’y araw ng Paghahanda, at ang sumusunod na araw ay natatanging Sabbat. Ayaw ng mga Judio na ang mga bangkay sa krus ay abutan ng araw ng Sabbat. Hiniling nila kay Pilato na ipabali ang mga binti ng mga nakapako sa krus at alisin pagkatapos. [32] Kaya dumating ang mga kawal at binali ang mga binti ng unang ipinako sa krus na kasama ni Jesus, at gayon din ang ginawa sa isa pa. [33] Ngunit nang puntahan nila si Jesus, nakita itong patay na, kaya hindi na nila binali ang kanyang mga binti. [34] Sa halip, inulos ng sibat ng isa sa mga kawal ang tagiliran ni Jesus. At pagdaka’y bumulwak ang dugo at tubig. [35] Ang taong nakakita nito ay nagpatotoo at tunay ang kanyang patotoo. Alam niyang ang kanyang sinasabi ay totoo, at sinasaksihan niya ito upang manampalataya rin kayo. [36] Nangyari ang mga bagay na ito upang matupad ang Kasulatan: “Walang isa man sa kanyang mga buto ang mababali,” [37] at ang isa pang sinasabi ng Kasulatan, “Titingin sila sa kanya na kanilang inulos.” [38] Pagkatapos nito, si Jose na taga-Arimatea, ay nagsadya kay Pilato upang hilingin ang bangkay ni Jesus. Si Jose ay isang alagad ni Jesus, bagamat inilihim niya ito dahil sa takot sa mga Judio. Taglay ang pahintulot ni Pilato, pinuntahan niya’t kinuha ang bangkay. [39] Sinamahan siya ni Nicodemo, ang lalaking nagsadya kay Jesus isang gabi. Nagdala si Nicodemo ng pabango na pinaghalong mira at aloe na 75 libra ang timbang. [40] Kinuha ng dalawa ang bangkay ni Jesus at binalot ng kayong lino na may pabango. Ginawa nila ito dahil sa kaugalian ng mga Judio sa paglilibing. [41] Sa dakong pinagpakuan kay Jesus ay may isang halamanan. Dito’y may isang bagong libingang hindi pa napaglilibingan ninuman. [42] Pagkat noon ay araw ng Paghahanda ng mga Judio, at dahil sa ang libingang iyon ay malapit, doon inilibing si Jesus.
Add title
DANIEL 2:20-22 NPV [20] Sinabi niya: ‘Purihin ang pangalan ng Dios. magpakailan-kailan pa man; sa kanya ang karunungan at kapangyarihan. [21] Pinapalitan niya ang mga panahon; inilalagay niya ang mga hari at iniaalis ang mga ito. Binibigyan niya ng karunungan ang mga pantas at ng kaalaman ang may pangunawa. [22] Inihahayag niya ang malalalim at natatagong mga bagay; alam niya kung ano ang nasa gitna ng kadiliman at nananahang kasama niya ang liwanag.
KAYA WALANG MAILILIHIM KUNG ANO ANG NASA GITNA NG KADILIMAN, IHAHAYAG O IBUBUNYAG NG ATING PANGINOONG DIYOS ANG MGA MALALALIM AT NATATAGONG MGA BAGAY GAYA NG INYONG MABABASA SA …
ISAIAS 57:12 NPV [12] Ilalantad ko ang inyong katuwiran at ang inyong mga gawa at ang mga ito ay walang pakinabang na idudulot sa inyo.
HUWAG PAKATITIGAN ANG ANUMANG KASAMAAN NA NAGAWA NILA SA HALIP SUMABAY ANG LAHAT SA PAGBABAGUMBUHAY .. KILALANIN DIN NATIN ANG ATING MGA SALA AT NAGAWANG MGA KAMALIAN .. SA GAYUN MAKASABAY TAYO NA MAKAGAWA NA NG MABUTI SA BANAL NA HARAPAN NG ATING AMANG BANAL AT SA ATING PANGINOONG JESU-CRISTO. – Elias Arkanghel Jesu-Cristo F01012021PT2359

MAHALAGANG PAUNAWA :
(Copy Paste sa Messenger, FB Friends sa Twitter …) https://www.youtube.com/watch?v=cQ_uAepF3Ng&list=PLAmCxhsmt1QWrvqSgQOT8nOU5l8UrJcLN
TINIG PAHAYAG PLAYLIST CONTINOUS PLAYING … Mapagpalang araw sa inyong lahat. Sumainyo ang Kapayapaan at Pagpapala ng ating Amang Banal sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo … Ito mga mahal kong kapatid ang maaari ninyong ipamahagi sa inyong mga mahal sa buhay, kaibigan at kakilala para di na kailangan pang magpipindot-pindot kundi tuluy-tuloy ng magpi-play para di na sila mahirapan… Kahit sa sarili ninyong cellphone gamit ang inyong ear phone ay mapagbubulay-bulay ninyo lagi ang mga TINIG PAHAYAG Maraming salamat …