Daniel 12:1-13 MB [1] Sa pagkakataong yaon, darating si Miguel, ang makapangyarihang bantay ng bansang Israel, at magkakaroon ng matinding kahirapang hindi pa nangyayari kailanman. Ngunit maliligtas ang mga kababayan mong ang pangalan ay nakasulat sa aklat ng Diyos. [2] Mabubuhay ang marami sa mga namatay sa lahat ng panig ng daigdig; ang iba’y sa buhay na walang hanggan, at ang iba’y sa kaparusahang walang hanggan. [3] At yaong may pagkaunawa at umakay sa marami tungo sa kabutihan ay magniningning na parang tala sa kalangitan magpakailanman. [4] Daniel, ingatan mo muna ang mga salitang ito at isara ang aklat hanggang sa takdang panahon. Marami ang magsasaliksik upang tumuklas ng karunungan.” [5] Akong si Daniel ay tumingin at may nakita akong dalawang tao, isa sa magkabilang pampang ng ilog. [6] Tinanong ng isa yaong lalaking nakatayo sa gawing dulo, “Gaano pa katagal bago maganap ang mga pangitaing ito?” [7] Itinaas nito ang dalawang kamay at narinig kong sinabi niya: “Sa ngalan ng Diyos na nabubuhay magpakailanman, magaganap ito sa loob ng tatlong taon at kalahati, kapag natapos na ang paghihirap ng bayan ng Diyos.” [8] Hindi ko naunawaan ang kanyang sagot kaya nagtanong ako uli, “Ginoo, ano’ng talaga ang mangyayari?” [9] Sinabi niya sa akin, “Tumahimik ka na, Daniel. Ang kahulugan nito’y mananatiling lihim hanggang sa huling araw. [10] Magpapakabuti ang marami at maglilinis ng kanilang sarili. Ngunit magpapakasama pa ang masama, at isa man sa kanila’y di aabot sa pagkaunawa sa mga bagay na mauunawaan ng marurunong. [11] Pararaanin ang 1,290 araw mula sa pagpapatigil sa paghahandog araw-araw at sa paghahalili rito ng Kalapastanganang Walang Kapantay na siyang dahilan ng mga kahirapan. [12] Mapalad ang sinumang umabot sa pagdating ng ika-1,335 araw. [13] Daniel, ipagpatuloy mo ang gawain mo hanggang sa wakas. Pagkamatay mo, bubuhayin ka sa huling araw upang tanggapin ang iyong gantimpala.”
Add title
DANIEL 2:20-22 NPV [20] Sinabi niya: ‘Purihin ang pangalan ng Dios. magpakailan-kailan pa man; sa kanya ang karunungan at kapangyarihan. [21] Pinapalitan niya ang mga panahon; inilalagay niya ang mga hari at iniaalis ang mga ito. Binibigyan niya ng karunungan ang mga pantas at ng kaalaman ang may pangunawa. [22] Inihahayag niya ang malalalim at natatagong mga bagay; alam niya kung ano ang nasa gitna ng kadiliman at nananahang kasama niya ang liwanag.
KAYA WALANG MAILILIHIM KUNG ANO ANG NASA GITNA NG KADILIMAN, IHAHAYAG O IBUBUNYAG NG ATING PANGINOONG DIYOS ANG MGA MALALALIM AT NATATAGONG MGA BAGAY GAYA NG INYONG MABABASA SA …
ISAIAS 57:12 NPV [12] Ilalantad ko ang inyong katuwiran at ang inyong mga gawa at ang mga ito ay walang pakinabang na idudulot sa inyo.
HUWAG PAKATITIGAN ANG ANUMANG KASAMAAN NA NAGAWA NILA SA HALIP SUMABAY ANG LAHAT SA PAGBABAGUMBUHAY .. KILALANIN DIN NATIN ANG ATING MGA SALA AT NAGAWANG MGA KAMALIAN .. SA GAYUN MAKASABAY TAYO NA MAKAGAWA NA NG MABUTI SA BANAL NA HARAPAN NG ATING AMANG BANAL AT SA ATING PANGINOONG JESU-CRISTO. – Elias Arkanghel Jesu-Cristo F01012021PT2359

MAHALAGANG PAUNAWA :
(Copy Paste sa Messenger, FB Friends sa Twitter …) https://www.youtube.com/watch?v=cQ_uAepF3Ng&list=PLAmCxhsmt1QWrvqSgQOT8nOU5l8UrJcLN
TINIG PAHAYAG PLAYLIST CONTINOUS PLAYING … Mapagpalang araw sa inyong lahat. Sumainyo ang Kapayapaan at Pagpapala ng ating Amang Banal sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo … Ito mga mahal kong kapatid ang maaari ninyong ipamahagi sa inyong mga mahal sa buhay, kaibigan at kakilala para di na kailangan pang magpipindot-pindot kundi tuluy-tuloy ng magpi-play para di na sila mahirapan… Kahit sa sarili ninyong cellphone gamit ang inyong ear phone ay mapagbubulay-bulay ninyo lagi ang mga TINIG PAHAYAG Maraming salamat …