ANG HIWAGANG INIHAHAYAG NG IGLESIA NI CRISTO…HINIRANG AY HINDI PARA LANG SA MGA IGLESIA NI CRISTO NA AYAW KAMING TANGGAPIN AT KILALANIN DAHIL HINDI SILA NANINIWALANG SA PANGINOONG DIYOS ANG BANAL NA GAWAING ITO NA ITINATAGUYOD NAMIN. KAYA WALA SILANG KINALAMAN AT DI KAMI NAUUGNAY SA IGLESIA NA NASA CENTRAL. ANG BANAL NA GAWAING ITO NG IGLESIA NI CRISTO…HINIRANG AY PARA SA LAHAT NG MGA RELIHIYON SA BUONG MUNDO NA NANANABIK SA HIWAGA NA MAGAGANAP SA NALALAPIT NA MGA ARAW: KATOLIKO, PROTESTANTE, MUSLIM, BORN AGAIN CHRISTIAN, SAKSI NI JEHOVAH, ANG DATING DAAN, HUDAISMO, AT MARAMI PANG IBA AY KAYO ANG PINAKADAHILAN SA ATAS NG ATING PANGINOONG DIYOS SA AKIN NA AKO AY LUMABAS SA KAUTUSAN NA NASASAKOP NG KASALUKUYANG PAMAMAHALA NG IGLESIA. ANG KALIGTASAN AY INILALAPIT SA LAHAT NG ATING PANGINOONG DIYOS SA PAMAMAGITAN NG BANAL NIYANG KATWIRAN NA SASAKLAWAN NG HIWAGA NG KANIYANG KAPANGYARIHAN BAGO ANG TAKDANG PAGLIKAS, PAGTAKAS SA DAIGDIG NA ITO NA LABIS NG SUMASAMA NG SUMASAMA ANG KALAGAYAN.
Mapagpalang araw sa inyong lahat! Muli akong napahihintulutan ng ating Panginoong Diyos na sagutin ang mga katanungan na bumabangon. Yan ay mula nang mailathala sa Blog at sa YouTube ang patungkol sa mga ipinapahayag ng espiritu ni Christine Angelica Dacera. Bago nga pala ninyo basahin ang mga komento ay kapwa ko pinasasalamatan sina Jake Magnus at Allen sapagkat nabigyan daan para mapakinggan ng karamihan sa mga tumatangkilik sa inyong YouTube Channel ang pahayag ng espiritu ni Christine Dacera.
MGA MAHAL KONG KAPATID AT MGA KAIBIGAN, HUWAG NINYONG LALAGPASAN ANG PAGBABASA NG KABUUANG PAHAYAG DITO SAPAGKAT AALISIN NA NITO ANG INYONG AGAM-AGAM SA MGA BUMABANGONG KATANUNGAN. LAHAT AY MASASAGOT! MARAMING SALAMAT!
Basahin na muna natin ang mga komento ng mga nakapanood sa YouTube Channel ni Jake Magnus TV at Allen ReacTV . Isinama natin sila dito para sagutin ang mga katanungan nila at bigyan daan na ipaunawa naman ang mga pag-aalinlangan nila. Narito ang mga ilan lamang sa 472 comments kay Jake Magnus TV at 380 comments para naman sa YouTube Channel ni Allen ReacTV. Oo mga reaksyon ng mga komento na mga sinipi ko para maipagmalasakit sa lahat na mabigyan ng kaunawaan sa mga Katotohanan na ikamamangha ng lahat.





Nabasa na ninyo ang mga katanungan at pag-aalinlangan ng mga nakapakinig sa recorded audio na napakinggan sa dalawang YouTube Channel na binabanggit sa itaas. Wala akong anumang pagdaramdam sa inyong mga tinuran o naging damdamin kahit may mga kabigatan ang mga salitang binitawan ng ilan sa inyo. Sa halip ang lawak ng pang-unawa ay patuloy na ipinahihiwatig ko sa inyo at sa lahat ng mga nakapakinig na at sa makapakikinig pa lamang, na may katulad rin naman na mga pagtatanong na babangon at pag-aalinlangan. Iginagalang ko ang inyo-inyong mga sariling opinyon, saloobin at pananaw. Totoo napakahirap para sa inyo na paniwalaan ninyo ang naging pahayag ni Christine Dacera na consistent ang pagpapahayag lalo na nga siya ay patay na. Hindi rin kapani-paniwala sa inyo ang napakahaba ng kaniyang pagpapahayag dahil siya nga ay patay na. Kung kaya naman ipinalagay ng ilan sa inyo ang nailathala namin ay scripted lamang! Hindi anya kapani-paniwala at napaka-imposible, para sa nakararami. Kaya naman nasasabi ng iba na hindi kapani-paniwala sa kanila dahil nakapanood na nga ng maraming ulit ng mga paranormal stories mapa-lokal at international na kaiba sa mga nailalahad namin. Ang iba ay hindi naniniwala na makapagsasalita ng ganun ang isang espiritu ng isang namatay na at namamayapa na. Sa halip ay ano ang nasasabi? Peke anya yan! Subalit gaya ng nasabi kuna ay inuunawa ko ang anumang naging reaksyon ninyo na gaya nga ng pag-unawa ko sa ipinahayag ni Allen ReacTV na mas kapani-paniwala anya sa kaniya ang international paranormal na si Mr. Gold Rush. Bagaman di naman niya derektang sinabi ngunit sa nagawa niyang reaksyon sa video ay siya nga ang pinatutungkulan niya. Narito aking hinanay ang kaniyang naging pahayag;
ALLEN: “Ako po noh! Personally. Ako yung sa paranormal na unang ginawa natin noh! Ako doon medyo maniniwala pa ako. Kasi yun talaga ang trabaho nila. Eto naman kasi ……… na parang bago nila simulan tong ganito.. eh! Parang mayroon silang prayer noh! Ah! Ako personally hindi naniniwala dito. Kasi, napakalinaw noh! Parang yung mga salita niya parang naandiyan lang. Parang buhay lang noh! ….. Malinaw na malinaw noh! Nakita mo kaya niyang mag-explain … So sa akin, ako po hindi naniniwala dito pero sa hindi ko ginagambala ang espiritu ni Christine noh! Ah ako po eh ginawan ko lang ito ng reaction para sabihin sa inyo na ako po personally hindi ako naniniwala dito. Noh! Ako mas maniniwala pa ako kahit papaano sa mga paranormal. Pero dito wala po kahit, kahit 1% hindi po ako naniniwala. Kasi, audio lang siya, na wala naman hong ginawa silang anything noh! Pero don sa una nilang ano mayron para silang prayer. So, I dont think, hindi naman po sila. Eto para sa akin hindi ko naman sila kilala bilang paranormal na ito yung trabaho nila o something noh.. So para sa akin yun po noh kung mayroon kayong ibang opinion yan i-comment niyo lang diyan sa ibaba kung ano ang masasabi ninyo about sa narinig ninyo ngayon. …
Kung yan ang pananaw mo Allen ReacTV iginagalang ko yan ngunit hindi ko hahayaan na di maipaunawa sayo at maituwid ang mga maling akala at maipaunawa sa lahat kung ano nga ba ang tama. Suportado na mababasa mo sa ibaba sa kabuuan ng Pahayag ko dito ang mga pagpapaunawa na mula sa Katotohanan na ikamamangha mo rin naman ang mga kasagutan na magmumula sa Banal na Kasulatan magmumula ang mga kasagutan. Umaasa ako na makailang ulit mong babasahin Allan hanggang sa lubos na maunawaan mo ang lahat ng iyong naging agam-agam.. Sa panig naman ni Jake Magnus ay positibo niya itong tinanggap at hinayaan niya sa kaniyang YouTube Channel na ang mga nakapakikinig ang mag-komento. Kaya, taos puso akong nagpapasalamat sayo Jake Magnus TV at sa pagbibilin mo na rin sa mga tagapagtangkilik mo na suportahan ang aming YouTube Channel. Salamat!
Sayo Allen ilalakip ko lang dito ang sinabi mo na; “Ako po noh! Personally. Ako yung sa paranormal na unang ginawa natin noh! Ako doon medyo maniniwala pa ako. Kasi yun talaga ang trabaho nila. Sino nga ba ang iyong pinatutungkulan na Paranormal na pinaniniwalaan mo? Narito sa gawing ibaba sinipi ko ang kahulugan at kontexto niya para may mababasa ang mga tagapagtangkilik ng Paranormal na si Gold Rush sa kaniyang YouTube channel.
The term “paranormal” has existed in the English language since at least 1920. The word consists of two parts: para and normal. The definition implies that the scientific explanation of the world around us is ‘normal’ and anything that is above, beyond, or contrary to that is ‘para’.
(mula sa Wikipedia at di sa amin ang mga pahayag na pinagmulan nito at isinawikang tagalog naman ng google traslator )
[sa salin tagalog] Ang salitang “paranormal” ay umiiral sa wikang Ingles mula noong hindi bababa sa 1920. Ang salita ay binubuo ng dalawang bahagi: para at normal. Ipinapahiwatig ng kahulugan na ang paliwanag na pang-agham ng mundo sa paligid natin ay ‘normal’ at anumang bagay na nasa itaas, lampas, o salungat sa iyon ay ‘para’
Sa ipinauunawa naman sa akin ng ating Panginoong Diyos sila ay nasa hanay ng mga tagapagsiyasat na lagpas sa kakayahan ng isang normal na tao. Yung mga bagay na di pangkaraniwan ay doon sila nasesentro para alamin ang mga natatagong dahilan na maaapuhap o makakakuha lamang sila ng mga kasagutan batay lamang sa kanilang nalalaman na kaparaanan na ang iba sa kanila ay may mga dala na instrumentong ginagamit para sa pagtukoy sa pinapinatutungkulan nila. Kaya kakayahan na pantao lamang.

MULA SA GOOGLE TRANSLATOR AY ITO ANG KANIYANG IPINAUUNAWA.
CHRISTINE DACERA - Potensyal na Katibayan? SPIRIT BOX Session. Hindi ako sigurado kung ano ang aasahan mula sa session ng espiritu / multo sa kahon. Makikipag-ugnay ba ako sa Spirit ni Christine Angelica Dacera? Gumamit ako ng maraming magkakaibang mga aparato at pamamaraan sa unang pagtatangka na makipag-usap sa kanyang diwa at pagkatapos ng maraming mga session na sumasaklaw ng maraming araw, naniniwala ako na ito ay maaaring katibayan na siya talaga ang dumaan. Ano ang sinabi niya?
Nais kong bigyan ang aking taos-pusong pakikiramay sa pamilya ni Christine, mga kaibigan at lahat ng nagmamahal sa kanya.
Ang lahat ng aking Mga Session sa Pakikipag-usap sa Espiritu ay ginagawa nang may lubos na paggalang, pagmamahal, pakikiramay para sa Espiritu at Pamilya.
Matapos makipag-usap sa mga Espirito sa loob ng halos 2 dekada, naniniwala ako na hindi lamang ang aming buhay ay nagpapatuloy pagkatapos ng isang ito, ngunit ang mga Espirito ay sabik na makipag-usap sa amin at sabihin sa amin ang mga lihim ng kabilang buhay at ng kanilang paglalakbay.
Dalangin ko para sa pamilya ni Christine Dacera na makahanap ng pagsara at kapayapaan.
Mangyaring huwag kalimutang makabahagi at mag-subscribe kung nais mong makita ang higit pang mga Video sa Mga Komunidad ng Komunikasyon.
Maging si Mr. Gold Rush may pagtatanong (salin tagalog na) ;
Hindi ako sigurado kung ano ang aasahan mula sa session ng espiritu / multo sa kahon. Makikipag-ugnay ba ako sa Spirit ni Christine Angelica Dacera?
at pagtityak na;
naniniwala ako na ito ay maaaring katibayan na siya talaga ang dumaan.
Si Gold Rush paranormal expert ay halos dalawang dekada na niyang ginagawa ang pakikipag-usap sa mga patay. At ang kaso nga ni Christine ang isa sa kaniyang napili. Kung papansinin ninyo ang kaniyang inihanay na pahayag ay halos may pagtatanong. Pagtatanong na hindi siya sigurado kung si Christine Dacera nga ba ang spirit na nakontak ng spirit box niya. Bagaman naroon ang kaniyang pagtatanong sa huli ay naniniwala siya na maaring maging katibayan na si Cristine nga ang dumaan sa spirit box na gamit niya.
Malaki ang kaibahan ng aming pamamaraan. Si Mr. Gold Rush naka-depende sa tulong na magagawa ng kaniyang spirit box. Ang spirit box ay bagay na likha na
gawa lamang ng tao. Gaya ng ipinapalagay ni Mr. Gold Rush sa kaniyang pahayag na “Hindi ako sigurado kung ano ang aasahan mula sa session ng espiritu/ multo sa kahon.” Alam niya na limitado ang magagawa ng spirit box niya kaya nasasabing ganoon. Nangangahulugan lang kapag sinabi na hindi sigurado ay walang katiyakan na ang isang espiritu na kaniyang ipinatatawag ay siya nga ang naroroon sa spirit box niya?! Yan ang pambungad na pagtatanong mismo ni Mr. Gold Rush Ngunit sa kagustuhan niyang makatulong ay sinabi niya na naniniwala siya na maaaring katibayan na si Christine talaga ang nasa kaniyang spirit box at ito rin ang paniniwala ni Allen ReacTV gaya ng kaniyang mga sinabi;
1. “Ako po noh! Personally. Ako yung sa paranormal na unang ginawa natin noh! Ako doon medyo maniniwala pa ako. Kasi yun talaga ang trabaho nila. Eto naman kasi ……… na parang bago nila simulan tong ganito.. eh! Parang mayroon silang prayer noh! ……
2. Ako mas maniniwala pa ako kahit papaano sa mga paranormal. Pero dito wala po kahit, kahit 1% hindi po ako naniniwala. Kasi, audio lang siya, na wala naman hong ginawa silang anything noh! Pero don sa una nilang ano mayron para silang prayer.
Yan ang nauunawaan ni Allen ReacTV na pareho nating mababasa sa kaniyang sinabi mayroon silang prayer / mayroon para silang prayer. Hahangaan mo si Allen sa kaniyang ipinahayag na ito, dahil hindi niya ipinagkait o itinago ang katotohanan na nalalaman niya na maiuugnay sa audio recorded na pahayag ng espiritu ni Christine Dacera sa kaniyang pagtungo sa aming YouTube Channel sa Elias Arkanghel. Kahit na 1% na hindi ka naniniwala ay wala akong hinanakit sayo bagkus nauunawaan kita dahil naging tapat ka! Kaya pagmamalasakitan kita, ganun na rin si Jake Magnus at ang lahat ng mga nakapanood at nakapakinig na mayroon pang mga pag-aalinlangan sa aming ginawa. Tama ka Allen mayroon kaming isinasagawang prayer o panalangin sa Panginoong Diyos na nasa Langit! Sa Kaniya kami unang sumasangguni . Siguro ang pinakamabuti ay basahin ang nasa ibabang bahagi o panoorin na muna ninyo ang nasa video na ito … Malalaman ninyo ang pagkakasunod-sunod ng aming ginagawa at marahil sa bahaging ito ay magtatamo na kayo ng unawa. Bago tayo dumako sa higit na Katotohanan na mula sa Banal na Kasulatan o Biblia para mawala na ang anumang inyong mga pag-aalinlangan. Kaya ang Banal na Kasulatan o Biblia ang maghahanay ng mga Patotoo at sasagot sa inyo.
Ngunit bago tayo dumako doon ay mabuting maunawaan na muna ninyo ang nakapagpapalito sa inyo. Gaya ng Elias Arkanghel Jesu-Cristo? Si Elias Arkanghel ay may malalim pang pakahulugan na kung magbabasa kayo ng mga ipinahayag dito sa Blog gaya ng makikita ninyong larawan sa ibaba ay saka lamang na lubos ninyong mauunawaang lahat. Kung bakit Elias Arkanghel Jesu-Cristo? Sapagkat si Elias Arkanghel ay kumakatawan lamang sa ating Panginoong Jesu-Cristo na ang kahalalan ay nasa Isaias 42:1-25 at si Elias Arkanghel ang kahalalan ay nasa Isaias 49:1-26. Napahihintulutan lang ako ng ating Panginoong Diyos at ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Ang Panginoong Diyos na mismo ang kasalukuyang gumagawa na sa yugto ng ating panahon sa Huling Araw, sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo. At ang Diwa ng Panginoong Jesu-Cristo naman ang nagdidikta sa akin ng mga dapat kong ipahahayag na mula sa ating Panginoong Diyos. Kung kaya ako ay abang tagasunod lamang ng ating Panginoong Diyos at ng Kaniyang Pinakamamahal na Anak na si Jesu-Cristo na ating Panginoon. Ako ay abang lingkod lamang ninyong lahat na nagpapakumbaba at yumuyuko sa inyong lahat. Ginagawa kuna ito para pasanin kayong lahat na walang sinisino anumang relihiyon kayo nabibilang, at mailapit lamang sa ating Pinakadakilang Panginoong Diyos sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo na kapwa naroon sa Langit; na kapag tumindig na at sinampalatayanan na ninyo ang Kanilang Banal na Gawain na ipinagkatiwala nila sa akin ay maitataas na at maitatanyag na ang Anak ng Tao na Siya ang ating Panginoong Jesu-Cristo na ipinapako sa krus ng mga taong gumanap lamang sa Dakilang Kalooban ng ating Panginoong Diyos na minahal rin naman niya at pinatawad silang lahat, Kaya Siya ang dapat na derektang Papupurihan ng lahat ng mga tao para sa lalo pang Ikararangal at Ikaluluwalhati ng ating Panginoong Diyos na Kaniyang Amang Banal.
Kaya si Elias Arkanghel Jesu-Cristo ay di man ako kinikilala ng mga kapatid kong Iglesia ni Cristo dahil hindi nila matanggap ang aking kahalalan ay namamalagi ang aking pagmamahal sa inyong lahat. Kung ako man ay nakapagpapahayag sa inyo ng mga pagpuna lahat ng yaon ay hindi ko pansariling kalooban. Kundi Kalooban ng ating Panginoong Diyos na Siyang may Akda ng ating mga kapalaran. Kaya anuman ang mangyari sasaklawan ng Panginoong Diyos ng Kaniyang Kapangyarihan ang Banal na Gawaing ito sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo upang magpatotoo sa lahat ng Kaniyang pagmamahal sa lahat ng tao na Kaniyang nilalang.








Dadako na tayo sa pinaka-tampok na bahagi. Ang Banal na Kasulatan ang magpapatotoo at mag-aalis ng anumang pag aalinlangan ninyong lahat. Gaya ng may nakapag-komento na “ang mga namatay ay wala ng alam hindi na kailanman babalik at sila ay mananatiling tulog” May katotohanan yan gaya ng mababasa sa;
Mangangaral 9:5-6 MB [5] Alam ng buhay na siya’y mamamatay ngunit ang patay ay walang anumang nalalaman. Wala na silang pag-asa, at nakakalimutan nang lubusan. [6] Nawawala pati kanilang pag-ibig, pagkapoot, pagkainggit; anupat wala silang namamalayan sa anumang nangyayari sa daigdig.
Wala tayong pagtatalunan sa inyong nauunawaan. Dahil malinaw naman na mababasa sa Banal na Kasulatan. Tama kapag patay na wala na anyang anumang nalalaman pa, wala na siyang pag-asa pa, pati ang damdamin niya para umibig pa, magalit pa, mainggit pa na ang lahat ng yan ay wala na sa isang patay. Wala na silang namamalayan pa sa anumang nangyayari sa daigdig. Subalit yan ay para sa mga patay na hinahayaan na ng ating Panginoong Diyos na mamalagi na nasa ganiyan nilang kalagayan. Kaya lang may mga patay na, malinaw na malinaw rin na mababasa sa Biblia na sila ay napahihintulutan ng ating Panginoong Diyos na makitang nababanaag na kaluluwa at muling ibinabalik ng Panginoong Diyos ang kanilang espiritu para muling mabalik ang damdamin nila, alaala at pagkaunawa sa nakaraan sa hinaharap. Ang isa sa hayag na hayag sa marami na napahintulutan ng ating Panginoong Diyos, ay yung tagpo na kausap Niya, ang ating Panginoong Jesu-Cristo na Kaniyang Pinakamamahal na Anak. At ang kasama ng ating Panginoong Jesu-Cristo na nakita nila Apostol Pedro, at ng magkapatid na sina Apostol Santiago at Apostol Juan ay yung tagpong nakikipag-usap sa Kaniya sina Propeta Elias at si Propeta Moises. Oo, si Propeta Moises ay namatay na at inilibing pa gaya ng mababasa sa;
Deuteronomio 34:5,6 NPV [5] At si Moises na lingkod ng PANGINOON ay namatay sa Moab, gaya ng sinabi ng PANGINOON. [6] Inilibing siya sa Moab sa lambak sa tapat ng Bet-peor ngunit hanggang sa araw na ito, walang nakaaalam kung nasaan ang kanyang libingan.
Ngayon ay may isang Patotoo na akong nailatag sa inyo mula sa ipinauunawa sa akin ng ating Panginoong Diyos sa pamamagitan ng Diwa ng ating Panginoong Jesu-Cristo na lumalakip sa akin. At ito ay sa pamamagitan ng Espiritu ng Katotohanan na isinusugo naman ng Panginoong Jesu-Cristo natin. Malinaw na malinaw si Propeta Moises ay namatay na. Ngunit alam niyo bang siya ay napahihintulutan ng ating Panginoong Diyos na makipag-usap sa ating Panginoong Jesu-Cristo? Saang tagpo? Saang panahon?Totoo ba na patay na siya ay patay na subalit nakapangungusap pa? Basahin natin ang Mateo 17:1-9;
Mateo 17 MB [1] Pagkaraan ng anim na araw, isinama ni Jesus si Pedro, at ang magkapatid na Santiago at Juan, at sila’y umakyat sa isang mataas na bundok. [2] Samantalang sila’y naroon, nakita nilang nagbagong-anyo si Jesus: nagliwanag na parang araw ang kanyang mukha, at pumuting parang busilak ang kanyang damit. [3] Nakita na lamang at sukat ng tatlong alagad sina Moises at Elias na nakikipag-usap kay Jesus. [4] Kaya’t sinabi ni Pedro kay Jesus, “Panginoon, mabuti pa’y dumito na tayo. Kung ibig ninyo, gagawa ako ng tatlong kubol: isa sa inyo, isa kay Moises at isa kay Elias.” [5] Nagsasalita pa siya nang liliman sila ng isang maningning na ulap. At mula rito’y may tinig na nagsabi, “Ito ang minamahal kong Anak na lubos kong kinalulugdan. Pakinggan ninyo siya!” [6] Ang mga alagad ay natakot nang gayon na lamang nang marinig nila ang tinig, at sila’y napasubasob. [7] Ngunit nilapitan sila ni Jesus at hinipo. “Tumindig kayo,” sabi niya, “huwag kayong matakot!” [8] At nang tumingin sila ay wala silang nakita kundi si Jesus. [9] At habang bumababa sila sa bundok, iniutos ni Jesus sa kanila, “Huwag ninyong sasabihin kaninuman ang pangitain hangga’t hindi muling nabubuhay ang Anak ng Tao.”
Saang tagpo? Yung tagpong nakikipag-usap siya sa ating Panginoong Jesu-Cristo. Yan ang Saklaw ng Hiwaga kaya kahit patay na subalit kung napahihintulutan na ng ating Panginoong Diyos na makapangusap sa isang buhay ay hindi kwestyunable. Tanging ang ating Panginoong Diyos lamang ang makagagawa nito sa sinuman na Kaniyang mapahihintulutan. Oo, hindi sa lahat ng mga tao, kundi sa derektang sumasangguni sa Kaniya gaya ng ginawa ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Gaya ng ginagawa ng inyong abang lingkod.
Ang kasunod na talata ng Biblia na ating sisipiin ay isang pahina mula sa I Samuel 28:1-25 . Maikling pagpapaunawa ang aking ihahanay ngunit sasapat para masagot ang mga bumabangon ninyong mga katanungan. Noon si Propeta Samuel ay patay na at nailibing na. Subalit sa kahilingan ni Saul sa espiritista na nakumbinsi niya na siya ay paunlakan sa kaniyang ipinagagawa dahil anya naririnig siya ni Yahweh kung kaya hindi siya dapat mabahala. Kaya naman naitanong ng babaeng espiritista kung kaninong espiritu ang ibig niyang ipatawag? Lumitaw si Samuel! Nangangahulugan siya ay nakita ng babaeng espiritista. Isang multo anya o kaluluwa na kaniyang nababanaag subalit hindi siya nakikita ni Saul. Kaya nga, inilarawan ng espiritista kay Saul ang kaniyang nakita na isa siyang matandang lalaki na nakatalukbong. Kaya nagpapatotoo ang babaeng espiritista sa bawat pagtatanong ni Saul ay tumutugon si Propeta Samuel. Ngunit dapat ninyong maunawaan hindi siya nakikita ni Saul. Lalong hindi siya maririnig ni Saul. Kung kaya ang tinig ng espiritista ang tuwirang tumutugon na siyang naghahanay ng isasagot ni Propeta Samuel na isa ng patay. Kaya consistent ang pagsasalita ng patay na si Propeta Samuel. Kaya ipinauunawa lamang ng mga talatang nakahanay na may mga kapahintulutan na manggagaling sa pagpapasya ng ating Panginoong Diyos na hindi maaaring sawatain o pagbawalan lalo na nga Kaniyang napahihintulutan. Gaya ng Kapahintulutan ng ating Panginoong Diyos na makipag-usap sa patay ang ating Panginoong Jesu-Cristo. Gaya rin ng kapahintulutan sa akin ng ating Panginoong Diyos na makausap ko ang mga patay na Kaniyang napahihintulutan, para magpatotoo lamang ako sa Hiwaga na Saklaw ng Kaniyang Kapangyarihan.
I Samuel 28 MB [1] Nang panahong yaon, naghahanda ang mga Filisteo para digmain ang Israel. Sinabi ni Aquis kay David. “Inaasahan kong ikaw at ang mga tauhan mo’y sasanib sa aking hukbo.” [2] Sumagot si David, “Maaasahan po ninyo. Ngayon ko ipakikilala sa inyo kung ano ang magagawa ko.” Sinabi ni Aquis, “Mabuti kung gayon. Ikaw ang gagawin kong pansariling tanod habang buhay.” [3] Noon nga’y patay na si Samuel. Labis nga itong dinamdam ng buong Israel at ang bangkay niya’y inilibing sa dating tirahan niya sa Rama. Napaalis nang lahat ni Saul ang mga manghuhula at ang mga espiritista. [4] Ang mga Filisteo ay humimpil sa Sunem at sina Saul naman ay sa Gilboa. [5] Nasindak si Saul nang makita ang hukbo ng mga Filisteo at labis siyang nabagabag. [6] Kaya’t sumangguni siya kay Yahweh ngunit wala siyang natamong katugunan kahit sa panaginip, sa Urim o sa pamamagitan ng mga propeta. [7] Dahil dito, iniutos niya sa kanyang mga tagapaglingkod na ihanap siya ng isang babaing espiritista upang siya’y magpasangguni. Sinabi naman sa kanya ng kanyang mga tagapaglingkod na mayroon sa Endor. [8] Nagbalatkayo si Saul, isinama ang dalawa niyang tagapaglingkod at sila’y lumakad. Gabi na nang dumating sila sa Endor. Sinabi niya sa espiritista, “Tingnan mo nga kung ano ang magiging kapalaran ko; kausapin mo ang espiritu ng sinumang sasabihin ko sa iyo.” [9] Sinabi sa kanya ng babae, ” Hindi mo ba alam na pinaalis ni Saul sa Israel ang lahat ng espiritista at manghuhula? Bakit mo ako pinagagawa ngayon ng isang bagay na ikapapahamak ko?” [10] Kaya’t nangako si Saul sa pangalan ni Yahweh. Sinabi niya, “Naririnig ako ni Yahweh, hindi ka parurusahan dahil sa ipinagagawa ko sa iyo.” [11] Itinanong ng babae, “Kaninong espiritu ang ibig mong tawagin ko? “Kay Samuel,” sagot niya. [12] Nang lumitaw si Samuel, napasigaw ang babae. Sinabi niya kay Saul, “Kayo pala si Saul! Bakit ninyo ako dinaya?” [13] Sinabi ni Saul, “Huwag kang matakot. Ano ba ang nakita mo?” “Isang multo na lumilitaw mula sa lupa,” sagot ng babae. [14] Itinanong ni Saul, “Ano ang hitsura?” “Isa siyang matandang lalaking nakatalukbong,” sagot ng babae. Natiyak ni Saul na si Samuel ang tinutukoy ng espiritista kaya siya’y nagpatirapa at nagbigay-galang. [15] Itinanong ni Samuel kay Saul, “Bakit mo ako binabagabag sa aking pamamahinga?” Sumagot siya, “May malaki akong suliranin. Sinasalakay kami ng mga Filisteo. Tinalikdan na ako ng Diyos at ayaw nang magpahayag sa akin, maging sa mga propeta o sa mga panaginip. Ipinatawag nga kita upang itanong kung ano ang dapat kong gawin.” [16] Sinabi ni Samuel, “Bakit magtatanong ka pa sa akin gayong tinalikdan ka na ni Yahweh? [17] Iyan na ang katuparan ng ipinasabi niya sa iyo. Inialis na sa iyo ang pagiging hari at ibinigay kay David. [18] Hindi mo sinunod ang kanyang utos at hindi mo ipinadama sa mga Amalecita ang kanyang poot, kaya ginagawa niya ito sa iyo. [19] Ikaw at ang buong Israel ay mahuhulog sa kamay ng mga Filisteo. Bukas, ikaw at ang iyong mga anak ay mamamatay na ring tulad ko pagkat niloob na ni Yahweh na mahulog kayo sa kamay ng mga Filisteo.” [20] Dahil sa sinabi ni Samuel, si Saul ay parang nabuwal na tiniban. Bukod dito, siya’y hinang-hina sa pagod at gutom pagkat maghapo’t magdamag na hindi tumitikim ng pagkain. [21] Nilapitan siya ng espiritista at nakita niyang ito’y takot na takot. Kaya, sinabi niya, “Pinagbigyan ko po ang inyong kahilingan kahit alam kong yaon ay mitsa ng aking buhay. [22] Ngayon po, ako naman ang hihiling sa inyo. Ipaghahanda ko kayo ng pagkain para lumakas kayo at makapagpatuloy ng inyong lakad.” [23] Sumagot si Saul, “Ayokong kumain.” Ngunit pinilit siya ng kanyang mga tauhan at ng babae. Napahinuhod naman siya at pagkatapos ay naupo sa isang higaan. [24] Ang espiritista ay may isang pinatabang baka. Dali-dali niya itong kinatay. Nagmasa siya ng harina, niluto nang hindi na pinaalsa, [25] saka inihain kay Saul at sa mga kasamahan nito. Pagkakain, nagmamadali silang umalis.
ANG TATLONG MAGKAKASUNOD NA BIDYO AY ANG NAGING BAHAGI NG PAG_UUSAP NINA PROPETA MOISES AT PROPETA ELIAS SA ATING PANGINOONG JESU-CRISTO. NA TAGPONG NAGANAP SA BUNDOK NA KANILANG INAKYAT KASAMA SI APOSTOL PEDRO AT ANG MAGKAPATID NA APOSTOL SANTIAGO AT APOSTOL JUAN.
Ang mga Patotoong Pahayag ay pakinggan ninyo ang Kanilang mga Pahayag nang ako ay humiling at Sila ay napahintulutan ng ating Panginoong Diyos na magpahayag. Hayaan niyo may panahon na mapatutunayan ninyo na hindi gawa-gawa lamang ang mga audio recorded na Kanilang mga ipinahayag. Ako ay Napahihintulutan ng ating Panginoong Diyos na gawin ang mga bagay na yan na Hiwaga. Para magpatotoo sa kahalalan Nila sa akin para sa Banal Nilang Gawain na itinataguyod namin. Gawain na hindi para lamang sa mga Iglesia ni Cristo. Gawain ng Panginoon para sa lahat ng mga Katoliko, para sa lahat ng mga Muslim, para sa lahat mga Protestante, para sa lahat ng iba’t-ibang relihiyon sa buong mundo na nanabik sa Hiwaga ng ating PANGINOON. Oo ng ating Panginoong Diyos mismo sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo.