Maligayang araw na bagong taon 2022 sa inyong lahat mga mahal naming kapatid at mga kaibigan saan panig man ng daigdig kayo naroroon! Pagpalain kayo ng ating Panginoong Diyos sa pamamagitan ng Panginoong Jesu-Cristo na nagmamahal sa inyong lahat. Sumagana nawa kayong lahat na naaayon sa Kalooban Nila sa inyong mga pangangailangan sa araw-araw. Subalit higit sa lahat sa Kapahintulutan ng ating Panginoong Diyos na mabuksan ngayon ang inyong pagkaunawa sa Hiwaga ng Kaniyang mga Salita upang lalong sumagana kayo sa Pagpapalang Espiritual na maghahatid sa inyo sa higit na kaligtasan na makasama sa Banal na Dako hanggang sa Banal na Bayan na Bagong Jerusalem.
Nakatatawag pansin ang mga pangyayari sa mga nakalipas na mga taon, mga nakaraan na buwan at kamakailan lamang na mga araw na nagpapatuloy sa kasalukuyan ang mga iba’t-ibang trahedya, mga kalamidad na hindi na maramdaman ng mga tao ang kapanatagan kung paano pa makapamumuhay ng may kapayapaan. Halos wala pa ring patid ang pagdating ng mga salot at ng mga kasakunaan na bumabagabag sa lahat ng tao sa buong daigdig. Binibigla na lamang ang lahat na walang alarma o anumang paunang balita na may mga trahedya o kalamidad na paparating na di inaasahan ay bigla-bigla na mangyayari na lamang. Nakalulungkot maraming buhay na ang kinuha at mga winasak na ariarian pati na mga kabuhayan na pinagkukunan ng pang-araw-araw na pangangailangan ng mga tao. Ang lahat ng ito ay bunga na ng galit ng ating Panginoong Diyos. Ano nga ba ang dahilan? Bakit dumaranas ng ganitong katitinding mga kabagabagan ang kalupaang ito sa buong sanlibutan sa yugto ng ating panahon?
Mga mahal naming kapatid, ang lahat ng mga kaguluhang naganap sa Israel na pinatutungkulan sa hula ng Salita ng ating Panginoong Diyos, na mababasa sa Malakias 4:4-6 at sa apat na kabuuang pahina o apat na bersikulo ng aklat ni Propeta Malakias, ay may malaking kinalaman at kaugnayan sa mga naganap at patuloy pang nagaganap na mga salot, trahedya o kalamidad sa kasalukuyan sa buong daigdig. Oo, yan ay dahil sa nagawang paglabag ng Israel na hinuhulaan kaya dinaranas ng mga tao ang lahat ng ito. Ang ating Panginoong Diyos ay lubhang nagalit kung kaya naglagay Siya ng sumpa sa kalupaan sa sandaigdigan. Patutunayan sa pag-aaral na ating gagawin sa paglalahad ng Pahayag mismo ng ating Panginoong Diyos. Oo, mula rin sa mga magkakaugnay na mga talata na ating sisipiin, na hindi dinampot lang para iayon sa Hula o Propesiya ng ating Panginoong Diyos na mababasa sa Banal na Kasulatan. Kundi, tinitiyak ng ating Panginoong Diyos na kumbinsido kayong lahat na magkakaugnay ang mga talatang Kaniyang pinasisipi na tumutugon naman sa inaaral na mga talata ng Banal na Kasulatan o Biblia na ating pinag-aaralan. Mararamdaman ninyo na tunay na may pamamatnubay ng Kaniyang Banal na Espiritu na isinusugo na sumasama sa Napahihintulutan ng ating Panginoong Diyos na naghahanay ng mga Bagong Pahayag.
Mga mahal kong kapatid magpapasimula na tayong sumipi at magbasa ng mga talata. Hinihikayat namin kayo na manalangin muna sa ating Panginoong Diyos. Oo, kahit isang saglit lamang na kahit maikli lamang. Gawin ninyo na magalang na hingin ang Kaniyang Kapahintulutan na lubos ninyong maunawaan ang mga talata ng Banal na Kasulatan na nababalot ng Hiwaga na ating pag-aaralan. Gayundin, maunawaan din ninyo ang mga pahayag na naihanay sa kabuuan. Kung naisagawa na ninyong manalangin, umasa kayo na ipinagkaloob na sa inyo ng ating Panginoong Diyos ang pagkaunawang lubos sa pamamatnubay ng Banal na Espiritu dahil naiugnay na ninyo sa Kanya na ating Amang Banal na Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos.
Ang sentro ng ating pinakapaksa karamihan ay pawang mababasa sa aklat ng Malakias. Hihimayin natin ang bawat saknong, salita o pangungusap na ang mga kasagutan ay kukunin at sisipiin natin sa Banal na Kasulatan. Ang pinakatampok na laging pinag-aaralan kapag napauukol sa paglitaw ng Elias na Propeta ay ang Malakias 4:5-6. Oo, na ito lamang ang binabasa. Subalit sa atin ay napakahalaga na mailakip ang talatang 4. Kung bakit? Para mabigyan ng Banal na Katwiran ang Malakias 4:5-6. Sa gayun ay mapatotohanan sa inyong lahat ang kahalagahan ng katuparan ng mga Propesiya na nakapaloob sa aklat ng Malakias at maunawaan na rin ng lahat kung bakit isusugo ng ating Panginoong Diyos si Elias na Propeta. Kaya ang Malakias 4:4 hanggang 6 ang pinakatampok na pag-aaralan natin ngayon. Kasunod na rin na babasahin ang pinaka pambungad ng aklat ng Malakias o bersikulo 1 ng talatang 1. Magpapasimula na tayong bumasa ng mga talata na nabanggit.
Malakias 4: 4-6 ADB [4] Alalahanin ninyo ang kautusan ni Moises na aking lingkod na aking iniutos sa kaniya sa Horeb para sa buong Israel, sa makatuwid baga’y ang mga palatuntunan at mga kahatulan. [5] Narito, aking susuguin sa inyo si Elias na propeta bago dumating ang dakila at kakilakilabot na kaarawan ng Panginoon. [6] At kaniyang papagbabaliking-loob ang puso ng mga ama sa mga anak, at ang puso ng mga anak sa kanilang mga magulang; baka ako’y dumating at saktan ko ang lupa ng sumpa.
Malakias 1:1 [1] Ang hula na salita ng Panginoon sa Israel sa pamamagitan ni Malakias.
Bago natin himayhimayin na maipaliwanag ang mga talata ng Malakias 4:4-6 minarapat na rin agad na isinunod na binasa ang Malakias 1:1. Mapapansin ninyo na ipinagpapauna na ng ating Panginoong Diyos sa lahat makababasa na nasa pinaka-pambungad pa lang ng aklat ng Malakias, sa unang pahina pa lang, ay nabanggit na ang Hula ng Kaniyang Salita na napauukol sa Israel sa pamamagitan ni Malakias. Nangangahulugan, ang kabuuan ng aklat ng Malakias 1 hanggang Malakias 4 ang mga nilalalaman nito o ipinapahayag dito ay pawang mga Hula na Salita lahat ng ating Panginoong Diyos na napasulat sa aklat ni Propeta Malakias, na hindi sa kaniyang panahon bilang Propeta napauukol. Kundi, sa hinaharap pa na panahon kung saan lilitaw pa lamang ang Israel na pinatutungkulan sa Kaniyang Hula; na sa panahon din na yaon ay lilitaw pa lamang o isusugo pa lamang ng ating Panginoong Diyos si Elias na Propeta.
Mga mahal kong kapatid, hinihingi na buong tiyaga ninyong basahin at unawain o intindihin ang mga Pahayag na mga naihanay. Magiging kagalakan ninyo ang pagkaunawang nasa inyo na ngayon na ipinagkaloob ng ating Panginoong Diyos.
BIGYAN DAAN NA NATIN MAIPAUNAWA ANG BAWAT TALATA, SA MALAKIAS 4:4 NA MUNA TAYO
Malakias 4:4 ADB [4] Alalahanin ninyo ang kautusan ni Moises na aking lingkod na aking iniutos sa kaniya sa Horeb para sa buong Israel, sa makatuwid baga’y ang mga palatuntunan at mga kahatulan.
Tutukuyin natin kung sino nga ba ang Israel na pinagsasabihan ng ating Panginoong Diyos na unang binanggit sa Malakias 1:1 “Ang hula na salita ng Panginoon sa Israel“ na hindi iba “sa Horeb para sa buong Israel“ na pinatutungkulan naman sa nabasa natin sa Malakias 4:4. Kaya ang dalawang binanggit na Israel ay pawang magkaugnay o sa madaling salita ay iisa lamang. Gaya na ng aking nabanggit, ang Israel na pinatutungkulan para sa kabatiran ng lahat, ay ito ang Israel na hinuhulaan na lilitaw pa lamang sa hinaharap na panahon. Kaya naman, huwag na huwag na ipapalagay na literal na bansang Israel ang pinatutungkulan. Kundi ito ang Israel sa pangako, na magmumula sa malalayong lupain na paglilitawan ng kinikilalang Bayan ng ating Panginoong Diyos na nasa malayo pang panahon nang ito ay mailathala noon. Gayundin, ipauunawa sa lahat, na sa mga Huling Araw pa lamang lilitaw ang Elias na Propeta na isusugo ng ating Panginoong Diyos. Yan ay patutunayan Namin sa Bayan na kinikilala ng ating Panginoong Diyos ay pawang doon lamang lilitaw at makikitang lahat na natupad at natutupad pa ang nilalaman ng hula na Salita ng ating Panginoong Diyos.
Lahat ng ito, ay pawang mababasa sa aklat ng Malakias at sa mga kaukulang talata na nasa ibang Aklat ng Banal na Kasulatan na hindi minamanipula o gawa-gawa lamang para mapangyari lamang ang mga Hula ng ating Panginoong Diyos. Kaya kasama nating aalamin at tutukuyin ang tunay na Bayan na kinikilala ng ating Panginoong Diyos. Sapagkat, doon literal na makikita sa kanila ang mga kaganapan na ipinagpauna Niya na Kaniyang papangyayarihin. Oo, sapagkat Kaniya itong sinalita, tiyak na Kaniyang gagawin. Kaya hindi maaangkin ng sinuman na nagsasabing sila ang tuwirang pinatutungkulan ng ating Panginoong Diyos na Kaniyang kinikilalang Bayan, na iyan ay kung hindi makikita sa kanila ang mga pangyayaring natupad at natutupad pa sa kasalukuyan na nauugnay sa mga Hula o Propesiya ng ating Panginoong Diyos na ating pinag-aaralan sa kasalukuyan. Ipinahayag ang lahat ng ito ay hindi para sa ikawawala ng kanilang pag-asa. Kundi sa pagmamahal at pagmamalasakit ng ating Panginoong Diyos na puspos ng Pag-ibig sa lahat ng tao na Kaniyang nilalang, ay ibig na ibig Niya na tayong lahat ay mangaligtas lahat na magkakaisandiwa sa Pagsamba at Pagluwalhati sa Kaniya lalo na kapag nahayag na ang mga dapat na mahayag pa na Kaniyang mga Propesiya. Kaya Niya inilalapit Niya sa lahat ng relihiyon sa buong mundo ang lahat ng mga Katotohanan na ito na sa mahabang panahon ay inilihim Niya sa Hiwaga na inihayag at mahahayag pa lamang sa yugto ng ating panahon.
Tinutukoy pa natin ang Israel na hinuhulaan na pinagbilinan ng ating Panginoong Diyos na “Alalahanin ninyo ang kautusan ni Moises na aking lingkod na aking iniutos sa kaniya sa Horeb”. Ang pahayag na ito ng ating Panginoong Diyos ay may pagmamalasakit na nag-aatas sa Israel na Kaniya na pinatutungkulan na alalahanin anya nila ang kautusan ni Moises. Sinalita ito ng ating Panginoong Diyos sa buong Israel na pinatutungkulan na ngayon ay ipauunawa na sa inyong lahat kung sino ang kinatuparan nito. Ngunit bago yaon, ay alamin muna natin kung ano ang kautusan ni Propeta Moises na lingkod ng ating Panginoong Diyos na iniutos sa kaniya sa Horeb. Bakit ba dapat na alalahanin ng buong Israel na pinatutungkulan sa hula ang naganap sa Horeb? Ang pinagkunan ng katanungan ay ang Malakias 4: talatang 4 at ang kasagutan ay babasahin natin sa Deuteronomio 1.
Deuternomio 1:9-13,16,17 NPV [6] Sinabi sa atin doon sa Horeb ng PANGINOON nating Dios, “Matagal na rin ang itinigil ninyo sa bundok na ito. [9] “Noong panahong iyon ay sinabi ko sa inyo, “Napakabigat nang intindihin ko kayong mag-isa. [10] Pinarami na kayo ng PANGINOON ninyong Dios, kaya ngayong araw na ito, sindami na kayo ng mga bituin sa langit. [11] Nawa’y palakihin ng PANGINOON ninyong Dios ang inyong bilang ng sanlibong ibayo at gaya ng pangako niya ay pagpalain kayo! [12] Ngunit paano ko madadalang mag-isa ang lahat ninyong problema, mga pasanin at mga alitan? [13] Pumili kayo ng ilang lalaking matalino, maunawain at iginagalang sa bawat lipi ninyo at sila ang pamamahalain ko sa inyo.”[16] At nagtagubilin ako sa inyong mga hukom noong panahong iyon: Dinggin ang mga alitan ng inyong mga kapatid at humatol nang matuwid, maging ang kaso ay sa kapwa Israelita o ang kalaban ay dayuhan. [17] Huwag silang may kikilingan sa paghatol; dinggin ang kaso ng mga aba at maging may kaya sa buhay. Huwag matatakot kaninumang tao, sapagkat ang paghatol ay sa Dios. Dalhin ninyo sa akin ang anumang kasong mahirap para sa inyo at ako ang magpapasiya
Iyan ang tugon sa katanungan sa Malakias 4 na iniutos kay Propeta Moises sa Horeb. Sinipi lamang ang mga talatang binasa sa aklat ng Deuteronomio 1 upang maipaunawa sa lahat kung ano ang kautusan ni Propeta Moises na dapat na alalahanin ng Bayang Israel na hinuhulaan sa talatang kuwatro (4)
Ngayon ay malinaw na sa inyo at nasagot na. Kung bakit nga ba dapat na alalahanin ang naganap doon sa Horeb? Nagkaroon kasi ng mabigat na suliranin sa panahon ni Propeta Moises kung paano niya madadala ang lahat ng problema, mga pasanin, mga alitan ng mga magkapatid noon. Pati na ang paghatol nang matuwid, at kung paano niya mapagtuunan ng pansin ang kaso ng kapwa Israelita o maging kalaban man ay dayuhan. Pinagsabihan niya na huwag silang may kikilingan sa paghatol; at dinggin anya ang kaso ng mga aba at maging may kaya sa buhay. Si Aaron na kaniyang kapatid ang naging katuwang niya na nangusap para sa kaniya kaya naisaayos ang lahat, na umaayon sa ipinag-uutos ng ating Panginoong Diyos sa kaniya. Oo, sa pakikipagtulungan ng mga itinalaga nilang lider ay maayos na napangasiwaan ang Bayang Israel na kinikilala ng ating Panginoong Diyos noon. Ito rin ang pinaka-ibig ng ating Panginoong Diyos na dapat na magawa ng buong Israel na binabanggit sa hula na tularan ang mabuting pangunguna noon ni Propeta Moises sa pagsasaayos noon sa Kaniyang Bayang Israel. Kaya nga sa kanila itinatagubilin ng ating Panginoong Diyos na Alalahanin ninyo ang kautusan ni Moises na aking lingkod na aking iniutos sa kaniya sa Horeb. Subalit nakalulungkot sa harap ng ating Panginoong Diyos na hindi ito naisagawa ngayon ng mga inaasahan Niya na mga nangangasiwa sa Israel na pinatutungkulan ng Hula ng Salita ng ating Panginoong Diyos na mababasa sa aklat ng Malakias.
Sa derektang pagtukoy kung sino ang mga tauhin sa buong Israel na kinatuparan sa Hula ng ating Panginoong Diyos ay walang iba kundi ang mga nangangasiwa sa Central kung saan ang pinaka-tanggapan ng mga Pangunahing Lider sa loob ng Iglesia ni Cristo sa mga huling araw. Ito ang Bayang Israel sa pangako na kinikilala ngayon ng ating Panginoong Diyos na Kaniyang Bayan sa yugto ng ating panahon sa mga Huling Araw.
Bakit na naman nabanggit ang Central? Bakit na naman nabanggit ang Pamamahala ng kapatid na Eduardo V. Manalo? Sapagkat yan ang Katotohanan na sila ang pinatutungkulan sa hula. Sa kagustuhan ng ating Panginoong Diyos na maipagmalasakit silang lahat, kailangan tukuyin sila, matalakay at makarating sa kanila ang Mensahe ng ating Panginoong Diyos para sa kanila. Sa gayun ang sumpa Niya na binitiwan para sa kanila na yan ang salot ng Covid-19 at ang kahirapan na nararamdaman nilang lahat sa Loob ng Iglesia ngayon ay tuluyan na Niya na alisin kapag naitalaga lamang nila ang puso nila sa pagpaparangal sa Kaniyang Pangalan at lubos na masunod ang Kaniyang ipinag-uutos na napapaloob sa Aklat ng Malakias 4:4-6.
ANO ANG MAYROON NA PAGKAKAHALINTULAD AT HINDI PAGKAKAHALINTULAD SA PANAHON NG ISRAEL NA PINANGUNGUNAHAN NI PROPETA MOISES NOON, SA ISRAEL NA PINATUTUNGKULAN NGAYON NA PINANGUNGUNAHAN NG KAPATID NA EDUARDO V. MANALO?
Ang pagkakahalintulad ng mga kaguluhan! sa panahon ni Propeta Moises sa kaniyang Pamamahala noon sa Bayang Israel katuwang ang kaniyang kapatid na si Aaron ay naisaayos nila ang mga kaguluhan sa hanay ng mga kapatid noon. Alalaumbaga sa panahon naman natin ngayon sa Pamamahala ng kapatid na Eduardo V. Manalo ay nagkaroon din ng kaguluhan na naganap sa mga magkakapatid sa loob ng Iglesia na hindi naisaayos kahit katuwang niya ang kapatid na Glicerio B. Santos, Jr. nang siya ay nabubuhay pa. Ang kaguluhan ay nalantad sa karamihan na yan ang di naisaayos ng ating mahal na kapatid na Eduardo V. Manalo na siya ang higit na inaasahan ng ating Panginoong Diyos na gagawa ng pagsasaayos kaya pinatutularan sa kaniya ang nagawa nila Propeta Moises noon. Nakalulungkot binigo nila ang ating Panginoong Diyos. Sila ay may mga nagawang pagkukulang na di mga nasunod, sa makatuwid baga’y ang mga palatuntunan at mga kahatulan na ibig ng ating Panginoong Diyos na umiral sana subalit hindi nga ito ang nasunod kung kaya hindi naisaayos!
ANG MGA KATANUNGAN SA TALATA NG MALAKIAS 4:4 AY NASAGOT NA! KAYA ISUSUNOD NA NATIN ANG MALAKIAS 4:5
[5] Narito, aking susuguin sa inyo si Elias na propeta bago dumating ang dakila at kakilakilabot na kaarawan ng Panginoon.
Ang pagsusugo na ng ating Panginoong Diyos sa Elias na Propeta ang atin ng tinatalakay ngayon. Ano nga ba ang Banal na Katwiran kung bakit isusugo ng ating Panginoong Diyos si Elias na Propeta? At kanino isusugo ng ating Panginoong Diyos si Elias na Propeta? Batid na ng lahat na ang hinuhulaan na Israel ay ito ang Iglesia ni Cristo na bumangon sa mga Huling Araw na tuwirang Pinamamahalaan sa kasalukuyan ng kapatid na Eduardo V. Manalo. Kaya naman, sa kaniya o sa kanila mababatay lamang ang lahat ng mga kasagutan sa ipinapahayag ng talata ng Biblia sa Malakias 4:5. Gaya ng ipinapahayag mismo ng ating Panginoong Diyos na, “Aking susuguin sa inyo”. Pansinin ang salitang “sa inyo…” nangangahulugan hindi lang derektang napatutungkol sa kapatid na Eduardo V. Manalo kundi ipinatutungkol ng ating Panginoong Diyos sa mga Lider na kasa-kasama niya na mga katuwang niya sa pangangasiwa na ang pinaka-tanggapan ay ang Central o ang Jerusalem sa Espiritual na pagpapaunawa kung saan naroroon ang mga pangunahing mga lider o pinaka-Tanggapan ng Pamamahala sa loob ng Iglesia ni Cristo sa kasalukuyan. Para sa kabatiran ng lahat, kapag ipinatutungkol sa Central ay nasasaklawan nito ang lahat ng kumikilala at tumatanggap ng kautusan sa kasalukuyang Pamamahala ng Iglesia; sila man ay nasa malalayong dako sa kasuluksulukan ng ating bansa; maging sila man ay nasa mga malalayo o karatig bansa man sila mga naroroon ngayon.
Oo, sila nga ang higit na pinatutungkulan ng ating Panginoong Diyos. Sa kanila pinatutularan ang ginawa ni Propeta Moises sa Horeb sa pagsasaayos sa kaguluhan na naganap sa mga kakapatid noon sa kanilang panahon. Subalit sa yugto ng ating panahon ngayon, binigo nila ang Panginoong Diyos. Oo, sila na mga Nangangasiwa sa kasalukuyan na mga nangangalaga sa Kaniyang Bayan sa loob ng Iglesia ni Cristo.
Tanggap yan ng mga kapatid natin na mga ministro na hindi nila maitatanggi at maipagkakaila sa ating Panginoong Diyos na may naganap ngang kaguluhan sa loob ng Iglesia ni Cristo na hindi talaga naisasaayos pa, magpa-hanggang ngayon..
Tanggap din yan ng maraming mga kapatid natin sa loob ng Iglesia ni Cristo, na may nasaksihan nga silang mga kaguluhan, na napabalita sa mga pahayagan, narinig sa himpilan ng radyo, napanood sa mga balita sa telebisyon at nababasa sa social media. Kaya nga para hindi na makagulo sa kaisipan ng mga kapatid ay pinakilos ang mga Nangangasiwa na pagbawalan ang lahat ng mga kapatid sa bawat Lokal na magbasa sa internet na nasa social media lalo na nga nauugnay ang mga balita sa Iglesia, ang mga usapin na napauukol sa mga di pangkaraniwang kaguluhan. Nakalulungkot nga lang ang iba ay hindi nakinig sa bilin kung kaya natiwalag; pati na ang mga walang kamalay-malay na mga nag-usisa at nagtanong lang ay nadamay sa mga natiwalag. Hindi ito nagustuhan ng ating Panginoong Diyos ang di makatwirang pagpapasya na ikinahahapis ng mga kapatid na sa Kaniya ay mga dumadaing at nagsusumbong. Kaya yan ang pinakadahilan kung bakit isusugo ng ating Panginoong Diyos si Elias na Propeta upang kaniyang papagbabaliking-loob ang lahat ng nawalay sa loob ng Iglesia ni Cristo na bunga lamang ng mga kaguluhan. Oo, yan nga, ang pinaka-banal na Katwiran ng ating Panginoong Diyos kung kaya nasabi Niya na “Narito, aking susuguin sa inyo si Elias na propeta.”
[5] Narito, aking susuguin sa inyo si Elias na propeta bago dumating ang dakila at kakilakilabot na kaarawan ng Panginoon.
Ito naman ang tutugunin bago dumating ang dakila at kakilakilabot na kaarawan ng Panginoon. Sa bahaging ito kailangan mapatunayan na hindi pa nga dumarating ang nasabing kaarawan o Araw ng Panginoon. Paano nga ba inilalarawan sa Banal na Kasulatan o Biblia ang Araw ng Panginoon?
ANG DARATING PA LANG NA NAKAPANGINGILABOT NA ARAW NG PANGINOON
II Pedro 3:10 [10] Datapuwa’t darating ang araw ng Panginoon na gaya ng magnanakaw; na ang sangkalangitan sa araw na iyan ay mapaparam na kasabay ng malaking ugong, at ang mga bagay sa langit ay mapupugnaw sa matinding init, at ang lupa at ang mga gawang nasa lupa ay pawang masusunog.
Paano inilarawan ang darating na kaarawan ng Panginoon o Araw ng Panginoon? Itinulad sa magnanakaw na kung dumating ay hindi inaasahan o nalalaman ng sambahayan kung sa anong araw isasagawa ang pagnanakaw. Nakapangingilabot anya ang magaganap sa Araw ng Panginoon! Ang sangkalangitan ay mapaparam o mawawala na kaalinsabay ng malaking ugong o napakalakas na hudyat. Pati anya ang mga bagay sa langit ay mapupugnaw, sa tindi ng init masusunog ang lahat ang mga gawang nasa lupa. Ganiyan inilalarawan ang “Araw ng Panginoon”. Nangyari na ba? Hindi pa mga mahal kong kapatid. Kasi nga, magaganap muna ang mga Propesiya ng ating Panginoong Diyos at yan nga ang Banal na Kaukulan ng pagsusugo Niya sa Elias na Propeta bago dumating ang dakila at kakilakilabot na kaarawan ng Panginoon. Oo, kailangan maisakatuparan ang hula ng ating Panginoong Diyos!
ANG MGA KATANUNGAN SA TALATA NG MALAKIAS 4:4 AY NASAGOT NA KANINA. KATATAPOS LANG DIN NA MASAGOT ANG MALAKIAS 4:5 KUNG KAYA ISUSUNOD NA NATIN ANG MALAKIAS 4:6
Dahil diyan mabibigyan na ng Banal na Katwiran ang talatang 6 ng aklat ng Malakias 4 sa ibig ng ating Panginoong Diyos kung bakit isusugo Niya si Elias na Propeta. Ano nga ba ang makatwirang dahilan?
Malakias 4: [6] At kaniyang papagbabaliking-loob ang puso ng mga ama sa mga anak, at ang puso ng mga anak sa kanilang mga magulang; baka ako’y dumating at saktan ko ang lupa ng sumpa.
sa Espiritual na Paglilingkod ang lahat na mga pinatutungkulang mga magulang sila ang mga Matatandang Maytungkulin na mga Ministro na naghahatid ng mga pagpapayong Espiritual. At ang mga kaanib o mga itinuring nilang mga kaanib na lang ang higit naman na pinatutungkulan na mga anak. Sa pangyayari na naganap, ang puso ng mga Ministro ay hindi na lapat sa puso ng mga kaanib kung kaya ang kaguluhan ay umigting at lumaki pa ng lumaki.
Sa Literal na Paglilingkod ang mga magulang at ang relasyon sa mga anak o ang mga anak sa relasyon sa mga magulang ay napinsala at nadamay na rin, bunga ng mga kaguluhang naganap sa loob ng Iglesia. Hindi na maganda ang pakikitungo at relasyon ng isa’t-isa dahil sa kapasyahan na mula sa mga Nangangasiwa na ipinag-uutos anya ng Pamamahala na huwag kakausapin o bibigyan ng anumang pagpapalakas ng loob sa itinuturing nila na lumalaban sa Pamamahala. Kaya sila-sila na dating masayang sambahayan ay nababakuran ng tuntunin ng Central kaya ang mga magulang sa anak o ang mga anak sa magulang ay mayroon na nga na hindi na pagkakaunawaan.
Sa pasimula ay naganap ang mga panggigipit na nag-udyok sa mga nakararanas ng matinding pag-uusig na maghanap ng kakampi kaya sa ipinauunawa ng ating Panginoong Diyos ay nahulog na rin sa pagkakasala ang panig ng mahal nating kapatid na Felix Nathaniel “Angel” Manalo nang idulog na nila sa labas ng Iglesia ang mga kaganapan sa loob; na kanilang ikinatiwalag. Marahil nauunawaan nila ang tuntuning ito. Marami ang nakisimpatya sa pamilyang naulila ng ating mahal na kapatid na Erano G. Manalo dahil naman sa malabis na panggigipit naman talaga sa kanila na ito ay hayag na nakita at napanood ng karamihan. Sunud-sunod na rin ang mga pagpatay sa karapatan sa malayang makadalo sa mga Pagsamba at umiral na rin ang di mga makakatwirang pagtitiwalag na maging ang buong angkan ay dinamay na. ‘Yan ang dahilan kung bakit isusugo ng ating Panginoong Diyos si Elias na Propeta; upang sa pamamagitan niya ay mailapat ang Banal na Katwiran ng ating Panginoong Diyos sa pagsasaayos sa lahat; at kaniyang papagbabaliking-loob ang puso ng mga ama sa mga anak, at ang puso ng mga anak sa kanilang mga magulang. Oo, ‘yan ang inaasahan ng ating Panginoong Diyos! Dahil kung hindi kikilalanin ang Kaniyang pagsusugo kay Elias na Propeta; nagsalita ang ating Panginoong Diyos mismo na; baka ako’y dumating at saktan ko ang lupa ng sumpa.
Nabalitaan ba ninyo na kinilala ng Pamamahala ng Iglesia ang banal na kaukulan ng pagsusugo ng ating Panginoong Diyos kay Elias na Propeta? Binigyan ba ng pansin ang mga pinasasabi at ipinararating ng ating Panginoong Diyos kay Elias na Propeta sa Blog ng Iglesia ni Cristo…Hinirang? Hindi mga mahal kong kapatid! Nagalit ang ating Panginoong Diyos sa kabila na nagpauna at nagpaalaala Siya na baka ako’y dumating at saktan ko ang lupa ng sumpa. Dahil sa di pagsunod at di pagkilala kay Elias na Propeta ang sumpa o salot na Covid-19 ang pangunahin na pinaka-inilagay na sumpa ng ating Panginoong Diyos. Ito rin ang galit Niya na mga pinararanas na mga kasakunaan at iba’t-ibang mga trahedya o mga kalamidad na inilagay ng ating Panginoong Diyos na sumpa Niya kung kaya patuloy na dumaranas ang buong kalupaan o sandaigdigan ng mga kakaibang senaryo. Dahil diyan ang mga mapayapang Pagsamba ng lahat ay kasamang nadaramay kung kaya hindi na maisagawa ang normal o karaniwan na mga pagdalo sa mga Gusaling Sambahan. Kaya ang inaakalang matatapos din ang salot ng Covid-19 ay hinding-hindi pa aalisin ng ating Panginoong Diyos hangga’t di naisasakatuparan ni Elias na Propeta ang kaniyang Banal na Kaukulan na ipinagagawa sa kaniya ng ating Panginoong Diyos sa loob ng Iglesia ni Cristo.
Hanggang ngayon batid ng ating Panginoong Diyos na hindi maitatago sa Kaniya na umiiral pa rin sa mga Lider sa loob ng Iglesia ang hindi pagkakasundu-sundo ng mga kapatid. Mananatiling gayun, sapagkat hindi pa rin naisasaayos ang mga kaguluhan, gusot sa damdamin ng mga kakapatid sa Iglesia kung ang pagbabatayan ang mga talata na mababasa sa Biblia o Banal na Kasulatan. Sapagkat ang banal na kaukulan sa pagsusugo ng ating Panginoong Diyos sa Elias na Propeta ay hindi pa rin naisasakatuparan magpahanggang sa ngayon.
Oo, hindi pa mabibigyan daan ang lubusang Kapayapaan at Kasaganaan ng mga pagpapalang Espiritual hangga’t hindi nagaganap ang mga Propesiya na napauukol sa Elias na Propeta na magsasaayos ng kaguluhan. Kaya, aminin man ng mga Saserdote o mga Ministro at sa hindi nila aminin, ay may pumagitna sa kaguluhan o lumitaw sa kalagitnaan ng mga magkakapatid sa Iglesia ni Cristo habang niyayanig ang pananampalataya ng mga kaanib dahil sa mga kaguluhan, ay may nagpapayo na lamang sa kanila na nagpapakilalang Elias Arkanghel sa pasimula, na di umano ay isang Propeta at nananatiling nasa loob ng Iglesia na pinararatangan na isang tiwalag; na diumano sa kanila ay nagsasamantala lamang sa kaguluhan sa Iglesia. Ngunit, hindi naaantig si Elias Arkanghel sapagkat magiting na kaniyang ipinababatid sa lahat, na siya nga ang inatasan ng ating Panginoong Diyos na isinugo sa hanay nila na magtutuwid at magsasaayos. Ganunpaman, hindi pa rin kinilala ang kaniyang kahalalan sapagkat inaakala lamang ng mga Ministro na isa lamang na impostor na Elias na nagpapahayag ng paglaban sa kanila. Ang hindi lamang nila nauunawaan ang kaniyang mga ipinapahayag ay hindi nagmumula sa kaniya, kundi nagmumula mismo sa ating Panginoong Diyos, gaya ng inyong mababasa sa aklat ng Ezekiel na Kaniyang pinasasabi sa kanila;
Ezekiel 5:5-8 [5] “Ito ang sinasabi ng Kataastaasang PANGINOON: Ito ang Jerusalem na itinatag ko sa gitna ng mga bansa; napaliligiran siya ng iba’t ibang bansa. [6] Ngunit dahil sa kanyang kasamaan, naghimagsik siya laban sa aking mga utos at mga tuntunin nang higit pa sa mga bansang nakapalibot sa kanya. Itinakwil niya ang aking mga utos at hindi sinunod ang aking mga tuntunin. [7] “Kaya ito ang sinasabi ng Kataastaasang PANGINOON: Hindi ka naging masunurin tulad ng mga bansa sa iyong paligid at hindi mo sinunod ang aking mga tuntunin at utos. Ni hindi mo naabot ang pamantayan ng mga bansa sa iyong palibot. [8] “Kaya ito ang sinasabi ng Kataastaasang PANGINOON: Ako mismo’y laban sa iyo, Jerusalem, at parurusahan kita sa harapan ng mga bansa.
Mismo ang Kataastaasang PANGINOON ang nagpahayag na “Ako mismo’y laban sa iyo, Jerusalem, at parurusahan kita sa harapan ng mga bansa.” Gaya ng naipaunawa na ang Aklat ng mga Propeta ay mga Paunang Pahayag o Propesiya ng ating Panginoong Diyos sa Israel sa Pangako na ang kinatuparan ay ang Jerusalem na itinatag ng ating Panginoong Diyos sa gitna, Sentro o Central kung saan ang pinakatanggapan ng Pamamahala ng Iglesia ni Cristo sa kasalukuyan.
Kaya naman, ang ating Panginoong Diyos ay may pinasasabi na ito ay para sa lahat ng mga Ministro sa loob ng Iglesia ni Cristo.
Malakias 2 NPV 1-2 [1] “At ngayon, ito ang utos para sa inyo, mga saserdote. [2] Kapag hindi kayo nakinig at hindi ninyo itinalaga ang inyong puso sa pagpaparangal sa aking pangalan,” sabi ng PANGINOON na Makapangyarihan sa lahat, “padadalhan ko kayo ng sumpa, at susumpain ko ang inyong mga pagpapala. Oo, sinumpa ko na ang mga iyon pagkat hindi ninyo itinalaga ang inyong puso sa pagpaparangal sa akin.
Sa mga nababasa ninyo sa mga talatang inilalatag ay puno na ng hinanakit ang ating Panginoong Diyos sa Israel na hihulaan. Ipinasasabi na sa inyo ng ating Panginoong Diyos, Oo, ang Kataastaasang PANGINOON natin mismo na Siya ay laban sa inyo. Ang Kaniyang galit na nauwi pa sa binitiwan Niya sa inyo na sumpa. Maikakaila pa ba ninyo sa PANGINOON na Makapangyarihan sa lahat na Kaniya kayong pinadalhan ng sumpa? Siya ang nagsabi “susumpain Ko ang inyong mga pagpapala“. Ang mga pagpapala na Kaniyang ipinatutungkol ay ang mga pakinabang ninyo sa Espiritual na Paglilingkod at sa Material na Paglilingkod ay kapwa Niya sinumpa ito. Oo ang mga pakinabang na dating bumubuhos ng masaganang-masagana sa inyo, ay pahirapan na ninyong tinatanggap ngayon dahil sa panlalamig na rin ng marami. Bakit nangyayari sa inyo ang lahat ng ito? Dahil may pamantayan ang Panginoong Diyos na hindi ninyo naabot. Kinulang kayo ng pananampalataya sa pagsunod sa ating Panginoong Diyos kaya nasabi Niya na; “hindi ninyo itinalaga ang inyong puso sa pagpaparangal sa Akin”.
Nasagot na ang Malakias 4:4-6 … Ngayon naman ang kabuuan ng bersikulo 3 talatang 1 hanggang talatang 18 ang ating bibigyan daan na ipauunawa.
Malakias 3:1-18 [1] Sabi ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat, “Ipadadala ko ang aking sugo upang ihanda ang daraanan ko. At si Yahweh na inyong hinahanap ay biglang darating sa kanyang templo. Darating ang pinakahihintay ninyong sugo at ipahahayag ang aking tipan.”
Ang aklat pa rin ng Malakias ang ating binabasa. Kaya, hindi tayo lumalayo sa mga Propesiya na napapaloob sa kabuuan na ipinapahayag sa aklat ng Malakias. Sinabi ng ating Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat na “Ipadadala ko ang aking sugo upang ihanda ang daraanan ko.” Nahaharangan ninyo ang daraanan ng ating Panginoong Diyos! Mismo ang sugo na ipadadala ng ating Panginoong Diyos ang maghahanda ng Kaniyang daraanan. Hindi napakahirap na unawain mga mahal kong kapatid na ang ating Panginoong Diyos ang magpapadala ng Kaniyang sugo. Ngunit may binibigyang diin Siya sa mga kasunod na ipinahahayag Niya sa kabuuan ng talata. Darating ang pinakahihintay ninyong sugo at ipahahayag ang aking tipan.” Literal na may kakatawan sa sugo Niya na Kaniyang ipadadala na darating sa Templo. Sino siya? Anya, ang pinakahihintay ninyong sugo. Bakit siya darating sa Templo? ipahahayag ang aking tipan. Lilinawin natin ang bahaging ito. Tukoy na nga at naipaunawa na nga na si Elias na Propeta ang pinatutungkulan na darating sa Templo na isusugo ng ating Panginoong Diyos. Ngunit nauunawaan ba ninyo kung anong Hiwaga ang napapaloob sa terminong Darating ang pinakahihintay ninyong sugo at ipahahayag ang aking tipan.” na ang Panginoong Diyos mismo ang nagpahayag nito na “Darating ang pinakahihintay ninyong sugo”
ANG SUGO NA PINAKAHIHINTAY NINYO NA DARATING SA TEMPLO NA IPAHAHAYAG ANG KANIYANG TIPAN. MAHALAGANG MAUNAWAAN ANG SALITA NA “DARATING SA TEMPLO”
Kaya naitutuwid na dito, na hindi ang mahal na kapatid na Felix Y. Manalo ang katuparan na Elias na Propeta. Sapagkat talagang napakalayo pa sa kaniyang panahon ang araw ng Panginoon na pinatutungkulan at ang kaniyang pagdating ay wala pa siyang literal na templo na daratnan. Ngunit ang sugong darating sa Templo ay “ang pinakahihintay ninyong sugo at ipahahayag ang aking tipan.” Ito ang sabi ng ating Panginoong Diyos.
Hindi rin ang mahal na kapatid na Erano G. Manalo ang katuparan na Elias na Propeta. Bagaman sa kaniyang kapanahunan may naganap na kaguluhan subalit naisaayos niya ito. Kaya hindi nauugnay sa kaniyang panahon ang napauukol sa Malakias 4:4. Sa halip sa kaniyang kapanahunan naipatayo ang Templo Central na bahagi ng ika-70 na anibersaryo ng Iglesia ni Cristo. Kaya hindi rin siya ang sugong darating sa Templo kundi siya ang kinasangkapan ng ating Panginoong Diyos para maipatayo ang Templo Central.
Hindi rin ang kapatid na Eduardo V. Manalo ang katuparan sa Elias na Propeta. Sapagkat ang kaguluhan na binabanggit sa Malakias 4:4 ay sila nga ang pinatutungkulan na kinatuparan at ito ay sa yugto ng panahon natin bago dumating ang dakila at kakilakilabot na kaarawan ng Panginoon. Kaya hinding-hindi siya ang Elias na Propeta na sugong darating sa Templo sapagkat siya ay naroroon na sa dako ng Templo Central.
Ngayon wala ng pagtutuwid para ipilit pa na isa man sa kanila na ating mga mahal na kapatid ang kinatuparan ng Elias na Propeta. Napakalinaw na Katotohanan ang inihayag at naipaunawa. Sino ang Elias na Propeta na darating sa Templo? Siya ba ay isa lamang na pangkaraniwan na may gagampanan sa loob ng Iglesia ni Cristo?
[2] Ngunit sino ang makakatagal pagdating ng araw na iyon? Sino ang makakaharap kapag napakita na siya? Para siyang apoy na nagpapadalisay sa bakal at parang sabon na may matapang na sangkap.
Napag-uunawa na ba ninyo mga mahal naming kapatid o napag-iisip man lang ba ninyo kung gaano kahalaga sa ating Panginoong Diyos si Elias na Propeta? Darating ang pinakahihintay ninyong sugo at ipahahayag ang aking tipan. Bakit pinakahihintay anya ninyong sugo? Kung kayo ang tatanungin sa sarili na ninyong pagkaunawa ay sino ang sugong pinakahihintay ninyo?
Napakalawak pa ng pagpapaunawang gagawin subalit di muna tayo lalayo sa mga talatang napapaloob lang dito sa aklat ng Malakias. Sa kaniyang pagdating sino ang makatatagal at makahaharap? Ang kaniyang ipapahayag na Tipan ng ating Panginoong Diyos sa kanila ay katumbas ng apoy na magpapalambot sa bakal nilang puso, na yan ang apoy ng Katwiran ng ating Panginoong Diyos; na parang sabon na may matapang na sangkap na lilinisin ang karumihan ng lahat.
[3] Darating siya at mauupong tulad ng isang tagapagdalisay ng pilak. Dadalisayin niya ang mga anak na lalaki ni Levi katulad ng ginto at pilak at sa pamamagitan nito’y magiging karapat-dapat ang kanilang handog kay Yahweh.
Sa kaniyang pagdating makakasama anya nila sa Templo si Elias na Propeta na binigyan ng ating Panginoong Diyos ng kapamahalaan na sila anya doon ay dalisayin ng Banal na Katwiran ng ating Panginoong Diyos. Aayusin ang mga anak na lalaki ni Levi o sumasagisag sa sambahayan ng ating mahal na kapatid na Erano G. Manalo na ayusin ang mga di pagkakaunawaan ng magkakapatid para paglalapatin na ang kanilang mga damdamin. Gayundin aayusin na rin ang mga damdamin ng lahat ng mga kapatid na may kasamaan na loob pa. Kaya naman, mabibigyan na ng Banal na Katwiran ang pagsusugo ng ating Panginoong Diyos sa Elias na Propeta na kaniya anyang papagbabaliking-loob ang puso ng mga ama sa mga anak, at ang puso ng mga anak sa kanilang mga magulang.
Kailangan na nga ang pagkakasundu-sundo ng lahat; maging lapat na ang damdamin ng isa’t-isa. Sapagkat mula ng maganap ang kaguluhan sa loob ng Iglesia ni Cristo at may mga hinanakitan ang isa laban sa isa’t-isa ay hindi na pinagiging dapat ng ating Panginoong Diyos ang mga abuluyan o handugan kapag ito ay nakararating na sa Central. Anong pinaka dahilan? Babasa tayo ng ipinahahayag ng Panginoong Jesu-Cristo sa aklat ng
Mateo 5:23-24 ADB [23] Kaya’t kung inihahandog mo ang iyong hain sa dambana, at doo’y maalaala mo na ang iyong kapatid ay mayroong anomang laban sa iyo, [24] Iwan mo roon sa harap ng dambana ang hain mo, at yumaon ka ng iyong lakad, makipagkasundo ka muna sa iyong kapatid, at kung magkagayon ay magbalik ka at ihandog mo ang iyong hain.
Balik tayo sa aklat ng Malakias, Kaya naman, kung maayos na ang lahat?
[4] Dahil dito, ang mga handog na dadalhin ng mga taga-Juda at Jerusalem ay magiging kalugud-lugod kay Yahweh, tulad ng dati.
Oo, tulad ng dati ang anumang abuluyan nang ang mga kaanib sa Iglesia ni Cristo na pinaghaharian pa ng pag-iibigang magkakapatid, ay muli na nga na sasagana ang biyaya’t pagpapala ng ating Panginoong Diyos sa pangkalahatan sa loob ng Iglesia ni Cristo. Aalisin na Niya ang sumpang ikinapit dahil sa Kaniyang galit. Kaya muli na nga matatanyag ang Iglesia ni Cristo, yan ay kapag nahayag na sa lahat ang Propesiya napatutungkol sa pinakahihintay ninyong sugo na darating.
HAHATULAN NG ATING PANGINOONG DIYOS ang mga nahirati na sa paggawa ng masama ….
[5] Sinabi ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat, “Darating ako upang hatulan ang mga mangkukulam, ang mga mangangalunya, ang mga bulaang saksi, ang mga nandaraya sa kanilang mga manggagawa, ang mga nagsasamantala sa mga biyuda, sa mga ulila’t mga dayuhan at ang mga hindi gumagalang sa akin.” [6] “Ako si Yahweh. Hindi pa kayo lubusang nalilipol sapagkat hindi ako nagbabago sa aking pangako. [7] Subalit tulad ng inyong mga ninuno, tumalikod kayo at sinuway ninyo ang aking mga kautusan. Manumbalik kayo sa akin at manunumbalik din ako sa inyo,” sabi ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat. Itinatanong ninyo, ‘Paano kami manunumbalik sa inyo?’ [8]“Ang tanong ko nama’y, matuwid bang pagnakawan ng tao ang Diyos? Hindi! Ngunit pinagnanakawan ninyo ako. Sa paanong paraan? Sa mga ikasampung bahagi at mga handog. [9] Isinumpa ko kayong lahat sapagkat ako’y pinagnanakawan ng buong bansa.
Totoo ang lahat ng yan, na sa loob ng Kaniyang Bayan may mga lihim na nakapasok na mga literal na mangkukulam. Kukuwestyunin pa ba ninyo ang Panginoong Diyos na nagsabi niyan?; at ang mga mangangalunya na nagloloko sa kani-kanilang asawa kilala kayo ng ating Panginoong Diyos, kayo na mga nagsasamantala sa mga biyuda, sa mga ulila’t mga dayuhan o higit na mga pinatutungkulan sa mga hindi kakapatid sa Iglesia hindi kayo makapagtatago sa ating Panginoong Diyos; mga bulaan o sa mga sinungaling na lumilikha ng mga kaguluhan, sa mga nagpapasahod sa mga manggagawa at ang mga hindi gumagalang sa ating Panginoong Diyos sabi Niya “Darating ako upang hatulan ang mga mangkukulam, ang mga mangangalunya, ang mga bulaang saksi, ang mga nandaraya sa kanilang mga manggagawa. Nagawa ninyo ang lahat ng iyan sapagkat umalis ang Espiritu ng ating Panginoong Diyos kaya di niyo Siya maramdaman sa panahon ng mga Pagsamba. Kung bakit? Tumalikod kayo at sinuway ninyo ang aking mga kautusan. Manumbalik kayo sa akin at manunumbalik din ako sa inyo,” sabi ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat. Kaya nga nangangako ang ating Panginoong Diyos na “manunumbalik din ako sa inyo” Kailan Niya gagawin yan mga mahal kong kapatid? Gaya ng sabi ng Niya na ating Panginoong Diyos; Manumbalik kayo sa akin! Hinding-hindi Siya magbabalik kung hindi muna kayo manunumbalik sa Kaniya. Dama Niya na hinahanap na ninyo Siya. Kaya nga ang ating Panginoong Diyos na inyong hinahanap ay biglang darating sa kanyang templo. Darating ang pinakahihintay ninyong sugo at ipahahayag ang aking tipan.” Malinaw na malinaw at lubos ninyong nauunawaan ang darating sa Templo ay ang ating Panginoong Diyos at ang kasama Niya na darating ay ang pinakahihintay ninyong sugo. Ang nagsugo sa Kaniya ay ang ating Panginoong Diyos. Ano ang isa sa Banal na Kaukulan ng Kaniyang isusugo? Sabi ng ating Panginoong Diyos ay “ipahahayag ang aking tipan”.
Sa isusugo ng ating Panginoong Diyos ay masasabi niyo ba sa kaniya na; huwag ka ng dumating sapagkat ang Tipan ng ating Panginoong Diyos ay lubos na naming nauunawaan. Dahil kami man ay sugo rin Niya kaya sapat na ang naituro ng aming mahal na kapatid na Felix Y. Manalo na Sugong Lider sa mga Huling Araw. Maaawat ba ninyo ang Kapangyarihan ng ating Panginoong Diyos na gumagawa ngayon para pigilan na huwag ng dumating ang isusugo Niya sa Templo? Gagawin ba ng ating Panginoong Diyos na Siya na lang ang babalik sa Templo? Mga mahal kong kapatid walang sinumang makapipigil sa ating Panginoong Diyos lalo na nga sinalita na Niya noon kaya tiyak may pangyayari ang Propesiya Niya na may kaukulan sa Huling Araw. Ang kaukulan ng ating mahal na kapatid na Felix Y. Manalo ay sa bungad lamang ng muling Pagbangon ng Iglesia ni Cristo na napakalayo pa sa kaniyang panahon ang bago dumating ang dakila at kakilakilabot na kaarawan ng Panginoon. Anuman ang naituro niya sa inyo bilang Ebanghelista ay hindi niya kaukulan ang ipahahayag ng sugong darating sa Templo na kasama ng ating Panginoong Diyos. Literal na sugo ang darating dahil ipahahayag niya ang tipan ng ating Panginoong Diyos.
PAGBIBIGAY NG PAGKAKATAON NG ATING PANGINOONG DIYOS UPANG MAGTAMO NG KANIYANG MGA PAGPAPALA
[10] Dalhin ninyo nang buong-buo ang inyong mga ikasampung bahagi sa tahanan ng Diyos upang matugunan ang pangangailangan sa aking tahanan. Subukin ninyo ako sa bagay na ito, kung hindi ko buksan ang mga bintana ng langit at ibuhos sa inyo ang masaganang pagpapala. [11] Hindi ko rin hahayaang salantain ng mga balang ang inyong mga pananim at mamumunga na nang sagana ang inyong mga ubasan. [12] Dahil dito’y sasabihin ng lahat ng bansa na kayo’y mapalad sapagkat napakainam manirahan sa inyong lupain,” sabi ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat.
Hindi Niya hinihingi ito sa indibidwal o sa bawat isa na mga kakapatid na kaanib sa Iglesia ni Cristo. Ang Kaniyang paghamon ay para lamang sa mga saserdote o sa mga Ministro; subalit higit sa lahat sa mga Pangunahing Lider ng Iglesia ni Cristo na Kaniyang tuwirang ipinag-uutos sa kanila na ; “
[10] Dalhin ninyo nang buong-buo ang inyong mga ikasampung bahagi sa tahanan ng Diyos upang matugunan ang pangangailangan sa aking tahanan. Subukin ninyo ako sa bagay na ito, kung hindi ko buksan ang mga bintana ng langit at ibuhos sa inyo ang masaganang pagpapala
Masunod lamang yan na may katapatan na taglay ang banal na takot, anumang mga suliranin nang iniwan kayo ng ating Panginoong Diyos ay mareresolba na nga ang lahat sa maikling panahon lamang. Lalo na nga masasaklawan ng Hiwaga ang mga kaganapan na masasaksihan ng lahat ng bansa. Ito ay sa pamamagitan ni Elias na Propeta na ipapagawa sa kaniya ng ating Panginoong Diyos sa loob ng Iglesia ni Cristo.
[11] Hindi ko rin hahayaang salantain ng mga balang ang inyong mga pananim at mamumunga na nang sagana ang inyong mga ubasan.
Ano ang simbolikal na pakahulugan nito? Ang mga balang ay kumakatawan sa mga masitsit o kumakausap sa mga naging bunga na ng inyong pagmimisyon o pangangaral. Pilit silang pinauunawaan ng ibang mga aral na hindi naaayon sa Kalooban ng ating Panginoong Diyos. Kaya hindi na hahayaan ng ating Panginoong Diyos na salantain pa o kanila pang pinsalain ang kanilang pananalig o pananampalataya para sila ay agawin pa sa Iglesia. Kaya naman ipinangangako ng ating Panginoong Diyos sa inyo na mamumunga pa ng sagana ang inyong ubasan na sila nga ang mga ganap ng napabilang sa Iglesia ni Cristo na darami pa ng darami pa ang masaganang bunga.
[12] Dahil dito’y sasabihin ng lahat ng bansa na kayo’y mapalad sapagkat napakainam manirahan sa inyong lupain,” sabi ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat.
Dahil sa lubusang pagtulong ng Panginoong Diyos sa Kaniyang pagbabalik sa Templo sa ipinagawa Niya sa sugo niya na si Elias na Propeta ay makikita ng iba’t-ibang relihiyon ang katanyagan ng Iglesia ni Cristo na pinaghaharian na ng Kapayapaan dahil sa Kapangyarihan ng ating Panginoong Diyos na sasaklawan ng Hiwaga. Oo, kaya lalo pa o higit pa nga na magiging maningning dahil sa maningas na pananampalataya ng mga kakapatid sa Iglesia ni Cristo kung kaya maging sila na mga di kabilang o di mga kaanib sa Iglesia ni Cristo ay makapagsasabi na kayo’y mapalad sapagkat napakainam manirahan sa inyong lupain,” mahihikayat ng manirahan na ang katumbas na pagpapaunawa ay nanaisin na rin nila na mapabilang sa Iglesia ni Cristo. Yan ang ipinauunawa sa atin ng ating Panginoong Diyos.
SA PAGSASAAYOS NA MAGAGANAP AY MAY MAHAHAYAG NA KAHAHABAGAN PA RIN
[13] “Masasakit ang sinabi ninyo tungkol sa akin,” sabi ni Yahweh. “Ngunit ang tanong ninyo, ‘Ano ba ang sinabi namin laban sa inyo?’ [14] Sabi ninyo, ‘Walang saysay ang maglingkod sa Diyos. Ano ba ang mapapala natin sa pagsunod sa kanyang mga utos o sa pagpapakita natin kay Yahweh na nagsisisi tayo sa nagawa nating kasalanan? [15] Hindi ba’t kung sino ang palalo ay siya pang pinagpapala? Hindi lamang nananagana ang masasama kundi sinusubok pa nila ang Diyos sa paggawa nila ng kasamaan ngunit hindi sila pinaparusahan.’”
“Masasakit ang sinabi ninyo tungkol sa akin,”Bakit may mga ganitong pananalita ang ating Panginoong Diyos? Palibhasa batid Niya ang lahat sa hinaharap na panahon may makapagpahayag ng ganito sa kaniya? Walang maililihim sa Kaniya; di makapagkakaila kung sinuman sa inyo ang sumambit nito sa ating Panginoong Diyos. Para sa nakapagsalita ng masasakit sa ating Panginoong Diyos; marahil sa nag-aakala na nagpabaya na sa kanila ang ating Panginoong Diyos. Mga mahal kong kapatid kailanman hindi nagmamaliw ang pag-ibig at pagmamahal sa inyo ng ating Panginoong Diyos. Hindi niyo lang Siya maramdaman sapagkat nangingibabaw ang galit ninyo sa kapatiran. Handang-handa Siya na ipagkaloob sa inyo ang Kaniya na kapatawaran sa tinuran ninyo sa Kaniya. Hinihintay Niya muli ninyo Siya na igalang.
ANG KAPALARAN NG MAY PAGGALANG SA ATING PANGINOONG DIYOS.
[16] Pagkatapos, nag-usap-usap ang mga taong may paggalang kay Yahweh. Pinakinggan niyang mabuti ang kanilang usapan, kaya ipinatala niya sa isang aklat ang mga pangalan ng mga gumagalang sa kanya. [17]“Magiging akin sila,” sabi ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat. “Sa araw na ako’y kumilos, itatangi ko sila bilang sariling akin. Ililigtas ko sila, tulad ng pagliligtas ng isang ama sa anak na naglilingkod sa kanya. [18] Muli ninyong makikita ang pagkakaiba ng mabuti at ng masama, ng taong naglilingkod sa Diyos at ng hindi naglilingkod sa kanya.” …
May magaganap na pagpapanibagong tala, na ang pagpapasya ay magmumula sa ating Panginoong Diyos. Napakapalad ang lahat ng mga may paggalang sa ating Panginoong Diyos. Sapagkat isasama Niya ang inyong mga pangalan sa mga ipatatala Niya sa Aklat ang mga pangalan na maibibilang Niya sa Kaniyang mga ililigtas. “Magiging akin sila,” sabi ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat. “Sa araw na ako’y kumilos, itatangi ko sila bilang sariling akin“. Kaya nga lingid sa kaalaman ng marami ang ating Panginoong Diyos ay kumikilos na; Siya ang may sabi “Ako na ang bahala sa lahat!” Mensahe Niya ito sa Munting Kawan na Kaniyang mga Piling Hinirang na pinangungunahan ni Elias Arkanghel Jesu-Cristo ang kumakatawan sa Elias na Propeta na nasasaklawan ng Hiwaga ang Kaniyang pagkatao na inihahayag na ng ating Panginoong Diyos sa napapaloob sa Binanal Niya na Aklat na tinatakan ng Kaniyang Pitong Selyo “Ang Mga Bagong Bagay Pahayag ng ating Panginoong Diyos”
MAAYOS NA NAILAHAD
Ezekiel 21:17 MB [17] Papalakpak din ako para mapawi ang matindi kong poot. Akong si Yahweh ang may sabi nito.”
Kung umaayon ka sa kagalakan ng Panginoong Diyos sa mga Pahayag ay maging ikaw ay makikigalak

<img src=”https://s04.flagcounter.com/count2/ihH/bg_FFFDF
Hashtags: Please copy and paste to all your message
#iglesianicristo #IglesiaNiCristo #ChurchOfChrist #INCLoyaltyDay#inc100 #inccentennial #centennial #inc4life #incootd #incfashion #icmedianews #inctv #net25 #incmedia #increview #fymfoundation #mycountrymenmybrethren #kabayankokapatidko #incselfiechallenge #incwikileaks #sanggunian #radelcortez #gerrypurification #junsantos #gliceriosantosjr #rodelcabrera #biensantiago #erdzcodera #ernestosuratos#mattpareja #antonioebangelista #silentnomore #iglesianicristosilentnomore#Pananampalataya #Pagasa_#Pagibig #DoblehinAngPagsisikap#PuspusangPagbabagongBuhay #PuspusangPakikipagkaisa#ItaguyodAngKasiglahangESPIRITUAL #Iglesia_Ni_Cristo #DoblehinAngPagsisikap #SolidongPananampalataya #KaisangDiwaNgPamamahala #WEareONEwithEVM#PuspusangPagsunodAtPagpapasakopParaMaligtas #ItaguyodAngKasiglahangEspiritual#MasaganangPagbubunga#PalaguinAngPananampalatayaPagibigAtPagasa #INC101 #DoblehinAngPagsisikap #INC #Maytungkulin #INC4ever#IamTheOneWithEVM #WeareonewithGoD
#WeareonewithChrist #WeareonewithEVM #Worldwidewalkforyolandavictims #accessthetruth#onewithevm #1withevm #eduardomanalo #jojodeguzman #antoniodeguzman #arneltumanan #incdefenders #iamonewithevm #eaglenews #1with25 #AMONEWITHEVM #PASAKOPAKOSAPAMAMAHALA #FIGHTFORMYFAITH #SOLIDINCFOREVER