Mapagpalang araw sa inyong lahat mga mahal naming mga kapatid at mga mahal naming mga kaibigan na patuloy na sumusubaybay sa mga Bagong Pahayag na nalalathala sa Blog na ito. Sumainyo nawang lahat ang mga biyayang materyal at mga pagpapalang Espiritual ng ating Panginoong Diyos, at sa Kaniyang Kapahintulutan ay ilakip Niyang ipagkaloob ang Kapayapaan sa bawat sambahayan ninyong lahat sa pamamagitan ni Cristo.
Sa mga nalathala na Bagong Pahayag sa nakaraan, damang-dama ang pamamatnubay at paglakip ng Banal na Espiritu na isinusugo ng ating Pinakadakilang Panginoong Diyos, sa pamamagitan ni Cristo. Kung kaya, buong husay na naihanay ang mga Katotohanang naihayag. Dahil diyan, patuloy na Napararangalan, Naluluwalhati ang ating Pinakadakilang Panginoong Diyos sa pamamagitan ni Cristo.
Mga mahal kong kapatid at mga mahal kong kaibigan, patuloy tayong napagmamalasakitan ng ating Panginoong Diyos na mapagpaunawaan kayo ng mga Hiwaga ng mga Katotohanan mula sa Kaniyang mga Karunungan at Kaalaman. Tulad ng napag-uunawa na ninyo, ang kapatid na Elias Arkanghel ay napahihintulutan lamang. Kaya walang sariling angking talino, walang sariling anumang husay na maipagmamalaki sa inyo, na waring siya ang nagpapaunawa dito. Salat siya sa maraming bagay kung ikukumpara sa kaninuman. Ngunit ang tangi lamang nalalaman niya, ang pwersa ng Kapangyarihan ng ating Panginoong Diyos sa paglakip ng Espiritu ni Cristo na nangungusap sa diwa niya at ang nagsasabi sa kaniya kung ano ang mga marapat na ihahanay niya.
Totoo, ang pagpapaunawa sa mga Bagong Pahayag na nababasa ninyo dito, ay hindi mula sa kaniyang sariling karunungan. Kundi, nagmumulang lahat sa ating Panginoong Diyos. Kaya lamang niya naipauunawa ang mga talata na sinisipi niya mula sa Banal na Kasulatan, na inyong mga nababasa dito ay dahil sa paglakip sa kaniya ng Banal na Espiritu na isinusugo ng ating Panginoong Diyos. Gaya ng paunang talata na ipinahahanay sa kaniya ng ating Panginoong Diyos, sa kagustuhan Niya na maipabatid sa lahat ng mga tao. Ano nga ba ang Banal na kaukulan at ang kahalalan ng Kaniyang Pinili na Kaniyang Hinirang? Nais ng ating Panginoong Diyos na maipabatid sa inyong lahat na si Elias Arkanghel Jesu-Cristo ay hindi nag-aangkin kailanman. Siya ay nasa pagsunod lamang sa mga marapat niya na maihanay na derektang Atas sa kaniya ng ating PANGINOON. Inyong pakaunawain ang inyong mababasa sa talata na siya niyang kahalalan ..
Isaias 49:1-2 MB [1] Makinig kayo mga taong Naninirahan sa malalayong lugar. Pinili na ako ni Yahweh bago pa isilang At hinirang niya ako para siya’y paglingkuran. [2] Mga salita ko’y ginawa niyang Sintalas ng tabak, Siya ang sa aki’y laging nag-iingat. Ginawa niya akong parang matulis na palaso Na anumang oras ay handang itudla.
Footnotes: 49:1 malalayong lugar: o, mga isla; o, mga lugar na malapit sa dagat.
I Corinto 2:4 NPV [4] Ang dala kong mensahe at paraan ng pangangaral ay hindi karunungan o tamis ng pananalita, kundi sa patotoo at kapangyarihan ng Espiritu,
Bago pa isilang, Pinili na at Hinirang na ng ating Panginoong Diyos si Elias Arkanghel Jesu-Cristo na maging tagapaglingkod Niya sa lahat ng mga tao. Ginawa ng ating Panginoong Diyos na sintalas ng Tabak ang mga pagpapayong ginagawa ni Elias Arkanghel Jesu-Cristo kung kaya ganun na lamang siya magsalita at mangusap. Matindi ang iniiwang latay sa damdamin sa kaniyang mga pinatutungkulan na tagus-tagusan hanggang kaluluwa sa kanilang lahat. Ang taglay ng Tabak na may dalawang talim na ipinagkatiwala kay Elias Arkanghel Jesu-Cristo ay Talim ng Katotohanan at Talim ng Karunungan, na yan ang Banal na Katwiran ng ating Panginoong Diyos. Ginawa siyang parang matulis na pana ng ating Panginoong Diyos na anumang oras ay handang itudla. Kung kaya walang pinipiling oras ang Panginoong Diyos kung kailan Niya ihuhulagpos ang bibig ni Elias Arkanghel Jesu-Cristo para paalalahanan niyang muli ang ibig Niyang patungkulan.
Sa mga pagpapahayag nn kapatid na Elias Arkanghel Jesu-Cristo sa mga Mensahe na sa kaniya ay ipihahanay ng ating Panginoong Diyos ay may napakalaking kaibahan sa ibang mga tagapagturo. Oo, sa paraan ng pagbabalangkas ng mga Karunungan ng ating Panginoong Diyos hindi pangkaraniwan na magawang makapaghanay ang isang tulad niya na hindi naman Ministro at hindi nakapag-aral sa Ministeryo. Anong Hiwaga ang nakapaloob sa kaniyang katauhan? Lalo na nga kapag siya ay nasa ilalim ng Kapangyarihan ng ating Panginoong Diyos ay tunay nga na naipapahayag niya ang mga Katotohanan sa Hiwagang nakapaloob sa mga Hula ng Salita ng ating Panginoong Diyos.
Oo, ibang-iba siya sa mga nagpapakilalang mga mangangaral na matatalino na totoong may taglay ngang karunungan, tamis ng pananalita, at husay na mangusap na kinagigiliwan ng mga nakikinig sa kaniya sa harapan ng madla. Sila yaan, sila yaon! Ngunit, ang pakikisama ng ating Panginoong Diyos at ni Cristo sa kaniya ay hayag na hayag na lumalakip sa kaniya ang Kapangyarihan ng Espiritu, na wala sa sinuman at hindi kailanman maaangkin ng iba. Kakaiba ang kapatid na Elias Arkanghel Jesu-Cristo sa panahon na siya ay naghahanay na ng mga Bagong Pahayag, ng ating Pinakadakilang Panginoong Diyos. Gaya ngayon, ayon sa talatang ipinalalakip sa kaniya sa udyok ng Banal na Espiritu ay binibilinan siya na;
2 Timoteo 4:2 ASND [2] Maging handa ka sa pangangaral ng Salita ng Dios sa anumang panahon. Ilantad mo ang mga maling aral; pagsabihan ang mga tao sa mga mali nilang gawain, at patatagin ang pananampalataya nila sa pamamagitan ng matiyagang pagtuturo.
Kaya hindi kalooban ni Elias Arkanghel Jesu-Cristo na ilantad ang mga maling aral. Hindi rin kagustuhan ni Elias Arkanghel Jesu-Cristo na pagsabihan ang mga tao sa mga mali nilang gawain. Kundi, Kalooban at Kagustuhan ng ating Panginoong Diyos. Ganiyan kumikilos ang Kapangyarihan ng ating Panginoong Diyos upang sa lahat ng pagkakataon o anumang panahon ang kahandaan ni Elias Arkanghel Jesu-Cristo na maituro o maipangaral ang Kaniyang mga Salita. Ito ay para patatagin niya at maingatan ang pananampalataya ng bawat isa sa pamamagitan ng matiyaga niya na pagtuturo sa lahat.
Muli mga mahal kong kapatid at mga mahal kong mga kaibigan, gagawi na tayo sa pinakatampok na mga talata na ating pag-aaralan ngayon. Ito ang bersikulo 24 ng aklat ng Mateo.
Tungkol sa Pagkawasak ng Templo
MATEO 24:1-2
Mateo 24:1-51 [1] Lumabas si Jesus sa Templo. Paalis na siya nang lumapit ang mga alagad at itinuro sa kanya ang mga gusali ng Templo. [2] Sinabi niya sa kanila, “Nakikita ba ninyo ang mga gusaling iyan? Tandaan ninyo! Darating ang araw na wala riyang matitirang bato sa ibabaw ng isa pang bato. Lahat ay iguguho!”
Nakatanaw si Cristo sa Templo nang lumapit sa Kaniya ang Kaniyang mga alagad at naitanong Niya kung “Nakikita ba ninyo ang mga gusaling iyan? Literal na may Templo na pinatutungkulan si Cristo na Kaniyang pinatatanaw sa mga alagad Niya na naroroon ng panahong yaon. Tandaan ninyo! Darating ang araw na wala riyang matitirang bato sa ibabaw ng isa pang bato. Lahat ay iguguho! ‘Yan ang mga salitang binitawan Niya sa mga alagad Niya noon. Alam Niya na ito ay mangyayari sa higit na pinatutungkulang panahon na naipaunawa sa Kaniya ng ating Pinakadakilang Panginoong Diyos. Oo, sa higit na mga kaganapan na ipinauunawa sa Kaniya ng ating Panginoong Diyos, na mangyayari pa lamang sa hinaharap na panahon. Ngunit ang katanungan ay kung naganap na ba ang Propesiya o Hulang ito ni Cristo? Kung kami na rin ang sasagot ay hindi pa! Sapagkat kung sa higit na pinatutungkulan nito sa kinaroroonan nito, ay namamalaging naroon pa ang ilang bahagi ng gusali ng Templo na natatanaw pa ng mga tao. Kaya tama lang na sabihin na hindi pa natutupad.
Kaya matapos ipaunawa ni Cristo sa Kaniyang mga alagad ang mangyayari sa Templo na sa kanila ay pinatanaw, ay naudyukan naman ng Banal na Espiritu ang Kaniyang mga alagad na sila naman ang magtanong sa Kaniya. Pakaunawain ninyong basahin ang talatang 3.
Mga Kahirapan at Pag-uusig na Darating
MATEO 24:3
[3] Habang si Jesus ay nakaupo sa Bundok ng mga Olibo, palihim siyang tinanong ng kanyang mga alagad, “Kailan po ba mangyayari ang mga sinabi ninyo? Ano po ang magiging palatandaan ng inyong muling pagparito at ng katapusan ng mundo?”
[ Lubhang napakahalaga ng tatlong katanungan ng mga alagad kay Cristo na inyong Panginoon. Una: “Kailan po mangyayari ang sinasabi ninyo? Ikalawa: Ano po ang mga palatandaan ng inyong muling pagparito? Ikatlo: at ng katapusan ng mundo?”
“Kailan po mangyayari ang sinasabi ninyo? Tanong ng mga alagad napauukol sa pagguho ng Templo ay nasagot na sa unang bahagi na mangyayari pa lamang sa higit na pinatutungkulang panahon na naipaunawa sa Kaniya ng ating Pinakadakilang Panginoong Diyos. Oo, magaganap pa lamang sa hinaharap na panahon.
Ngunit ang higit na mahalagang katanungan na mapagtuunan ninyo ng pansin sa lahat, ay KUNG! Ano po ang mga palatandaan ng inyong muling pagparito? Uulitin ko “Ano po ang mga palatandaan ng inyong muling pagparito?“ at saka naidugtong ang pangatlong katanungan na; at ng katapusan ng mundo?” Sa kanilang mga katanungan ay humihingi ang mga alagad kay Cristo ng mga palatandaan ng Kaniyang muling pagparito na katumbas na kung kailan ang Kaniyang muling pagbabalik.
[ Mga mahal kong kapatid ang mga talata na ating pinag-aaralan ay may mahalagang kaukulan sa mga nalathalang Bagong Pahayag sa buwan ng January 2022 sa Blog na ito, sa kung sino ang Sugong Pinakahihintay na darating sa Templo na makakasama ng ating Panginoong Diyos. Kaya ang katanungan ng mga alagad sa isang tagpo nang ang Cristo na inyong Panginoon ay nakaupo sa Bundok ng mga Olibo ay kung “Ano po ang mga palatandaan ng inyong muling pagparito?” Mahalagang maipaunawa ito sa lahat. Kaya huwag ninyong hahayaan matapos ninyong mabasa ang mga Pahayag ngayon dito ay hindi ninyo maibahagi sa mga mahal ninyo sa buhay, kaibigan at mga kakilala na ang lundo ng pagpapaunawa na mauunawaan ninyo dito ay may kaugnayan at kinalaman sa Kaligtasang inaalok ng ating Panginoong Diyos para makasama doon sa Banal na Dako hanggang sa Banal na Bayan na may Bagong Jerusalem. Balik tayo sa katanungan kay Cristo “Ano po ang mga palatandaan ng inyong muling pagparito?“ Kaya nga, kung mababasa ba ninyo ng letra por letra ang mga palatandaan na ibinigay ni Cristo, sa Kaniyang muling pagparito, na matapat Niyang tinugon silang lahat, at kung natupad na ang mga ito, mga mahal kong kapatid, sasampalatayanan ba ninyo, na Siya ay naparito na? Sa laki ng inyong paggalang at pagkakilala kay Cristo na inyong Panginoon ay sa Kaniya mismo manggagaling ang mga palatandaang tuwirang naging tugon Niya na mababasa ng letra por letra sa Banal na Kasulatan o Biblia , marahil nga ay hindi na magiging kwestyunable pa sa inyo na Siya ay naparito na nga o naririto na. Ngunit may mahalagang katanungan na dapat maunawaan ang lahat!
[ Sa Pisikal ba Niyang kalagayan na ang ibig sabihin ay Siya nga ba talaga mismo; o sa Espiritual Niya na kalagayan? Oo, Siya mismong nangungusap noon ang Siyang nangungusap din ngayon na hindi niyo lamang makilala sapagkat nasa iba na Siya na katauhan. ]
Ano ba ang Kaniyang naisagot sa kung “Ano po ang mga palatandaan ng inyong muling pagparito?” Iisa-isahin na natin para lumapat sa inyong kaisipan ang mga Katotohanan na maipauunawa na hinding-hindi ninyo matututulang lahat na si Cristo ay muling naparito na o nakabalik na nga sa daigdig na ito.
[4] Sumagot si Jesus, “Mag-ingat kayo upang hindi kayo mailigaw ninuman! [ Mahalagang bilin Niya ito sapagkat hinuhulaan Niya sa hinaharap na panahon ay mangyayari ito. Kung kaya pinag-iingat Niya upang huwag mailigaw ninuman? Kung bakit? ]
[5] Maraming paparito sa pangalan ko at magpapanggap na sila ang Cristo, at marami silang maililigaw.
[ ito na ang pinaka-takdang panahon sa yugto na ng ating panahon, ang higit na pinatutungkulan ni Cristo, bago dumating ang Araw ng Panginoon. Hindi sa bungad ng panahon ng kapatid na Felix Y. Manalo. Hindi rin sa kalagitnaang panahon ng kapatid na Erano G. Manalo, kundi nasa dulong panahon ng kapatid na Eduardo V. Manalo ang kinatuparan ng kaguluhan na inilalarawan sa aklat ni Propeta Malakias. Oo higit na marami ang lumitaw na mga kapatid pa mismo sa loob ng Iglesia ni Cristo, ang may kaniya-kaniyang grupo na nagpapakilalang diumano, na nasa kanila ang tunay na paglilingkod sa ating Panginoong Diyos sa pamamagitan ni Cristo na inyong Panginoon. Ang pag-aangkin na sila ang Cristo ay tuwirang pag-ako na sila ang tunay na Iglesia ni Cristo. Ngunit gaya ng ipinauunawa ng ni Cristo, sila ay pawang mga mapagpanggap lamang na paparito, na ginagamit lamang anya nila ang Kaniyang pangalan. Ngunit ang nakalulungkot nito ay marami anya silang maililigaw.
Ang tunay na Iglesia ni Cristo ay ang Pinamamahalaan ng kapatid na Eduardo V. Manalo, na nasa kalagayan lamang na sinusubok ngayon, dahil sa kawalan nila ng pananalig sa mga Salita ng Hula ng ating Panginoong Diyos sa kaukulan ng Elias Arkanghel Jesu-Cristo at ang banal na kaukulan ng Iglesia ni Cristo…Hinirang. Subalit ang totoo hindi nagmamaliw ang pagmamahal ng ating Panginoong Diyos sa kanila. Kaya nga ipinapaalaala kay Elias Arkanghel Jesu- Cristo na maghanay lang ng mga marapat na Pahayag, kahit masakit man o susugat muli sa kanilang kalooban, ay huwag pangingilagan na sabihin pa rin sa kanila o sa sinuman na pinatutungkulan. Kinakailangan, para mabigyan ng daan ang Salita ng Hula ng ating Panginoong Diyos. Kung sila man ang nakatadhanang gumanap nito sa mga nakasulat sa Banal na Kasulatan o Biblia hindi tayo ang pumipili ng karakter na ating ginagampan.Kundi, ang ating Panginoong Diyos na may Akda ng ating mga kapalaran. Kung ibig ng ating Panginoong Diyos na sawayin sila sa ganitong paraan, na parang sinisibat sa dibdib ng mga Katotohanan Siya na ating Panginoong Diyos ang masusunod para mabigyan daan ang pagbabago ang lahat, tungo sa mabuti, sa gayun lalong mahayag sa lahat ang pag-ibig at pagmamahal sa inyo ng ating Panginoong Diyos. Iyan ang Banal na Katwiran Niya sa pamamagitan ni Cristo ang napapanahon na maipahayag na.
Ano ang kaibahan ng Iglesia ni Cristo sa Iglesia ni Cristo…Hinirang? Ang totoo, kapwa sa Panginoong Diyos ang dalawa! Subalit ang Iglesia ni Cristo…Hinirang ay kabilang sa loob ng nag-iisang Katawan o iisang Iglesia ni Cristo. Kaya kapwa gumawa sa iisang Espiritu lamang na may iba’t-ibang mga kaukulan ang dalawa na pinag-isa ng ating Panginoong Diyos.
Roma 12:4-12 FSV 4 May ibaʼt iba tayong kaloob, ngunit iisa lang ang Espiritung pinagmulan nito. 5 May ibaʼt ibang paraan ng paglilingkod, ngunit iisa lang ang Panginoong pinaglilingkuran natin. 6 Ibaʼt iba ang ipinapagawa ng Dios sa atin, ngunit iisa lang ang Dios na nagbibigay sa atin ng kakayahang gawin ang mga ito. 7 Ang bawat isa ay binigyan ng kakayahan na nagpapakita na sumasakanya ang Banal na Espiritu, upang makatulong siya sa kapwa niya mananampalataya. 8 Sa isaʼy ipinagkaloob ng Espiritu ang kakayahang maghayag ng kaalaman tungkol sa Dios, at sa isa naman ay ang kakayahang unawain ito. 9 Ang ibaʼy pinagkalooban ng Espiritu ng malaking pananalig sa Dios, at ang iba naman ay binigyan ng kakayahang magpagaling sa mga may sakit. 10 Ang ibaʼy pinagkalooban ng Espiritu ng kapangyarihang gumawa ng mga himala, at ang iba naman ay binigyan ng kakayahang maghayag ng mensahe ng Dios. Mayroon namang pinagkalooban ng kakayahang makakilala kung ang kapangyarihan ng isang tao ay mula sa Banal na Espiritu o sa masasamang espiritu. Sa ibaʼy ipinagkaloob ang kakayahang magsalita sa ibaʼt ibang wika na hindi nila natutunan, at sa iba naman ay ang kakayahang maipaliwanag ang sinasabi ng mga wikang iyon. 11 Ngunit iisang Espiritu lang ang nagbigay ng lahat ng ito, at ipinamamahagi niya sa bawat tao ayon sa kanyang kagustuhan.12 Sapagkat kung paanong iisa ang katawan at marami ang mga bahagi, at ang lahat ng bahagi ng katawan, bagama’t marami ay iisang katawan, gayundin naman kay Cristo
Kinulang lang ng pananampalataya ang mga kinauukulan na nasa Central. Hirap nilang tanggapin ang mga ipinauunawa na napauukol sa Iglesia ni Cristo…Hinirang, kasi nga hindi nga nila kaukulan na maunawaan. Para sa kanila ay sapat na ang naituro ng ating mahal na kapatid na Felix Y. Manalo bilang Sugong Lider sa mga Huling Araw. Para sa kanila ang Katotohanang naituro ng kapatid na Felix Y. Manalo sa mga Ministro at Manggawa sa loob ng Iglesia ni Cristo ay hindi na sila na maaari pang humihigit doon. Para sa kanila ang Iglesia ni Cristo lamang ang kikilalanin nila na itinatag ng ating Panginoong Jesu-Cristo.
Kalooban ng ating Panginoong Diyos sa Sugong Lider at sa mga sumunod pa na mga katuwang niya noon, ang mga Hiwaga ng Salita ng Hula ng ating Panginoong Diyos ay maipagkait pa sa kanila. Tama lang! Sapagkat hindi pa napapanahon na maihayag sa kanilang kapanahunan. Mabuti basahin na muna ninyo ang isang Hiwaga na sinabi mismo ng ating Panginoong DIyos na hindi ninyo maaaring tutulan.
Isaias 28:16 NPV [16] Kaya ito ang sinasabi ng Makapangyarihang PANGINOON: “Tingnan ninyo, naglagay ako ng bato sa Sion, isang subok na bato, isang mahalagang batong panulok para sa isang matatag na pundasyon; sinumang magtiwala rito ay hindi mabibigo.
(unawain ng bumabasa) ang Panginoong Diyos mismo ang naglagay sa Sion o sa Iglesia ni Cristo ng isang subok na bato, isang mahalagang batong panulok o batong saligan ng Katotohanan. Ito anya ay matatag at di magigiba ng sinuman, kahit pa likhaan ng kasinungalingan, kahit pa gawan ng kasiraan, kahit pa balutan ng kapintasan, ang Katotohanan ay mananatiling Katotohanan.
Mga mahal kong kapatid ang batong ito ay pinahahalagahan ng ating Panginoong Diyos. Siya mismo ang naglagay! Siya mismo ang naghalal! Ang Banal na Gawain na ito ay itinatag mismo ng ating Panginoong Diyos sa Sion o sa loob ng Iglesia ni Cristo. Mababago ba ng sinuman ang kagustuhan ng ating Panginoong Diyos para maisantabi ang Iglesia ni Cristo…Hinirang at di na kilalanin ito? Walang makahahadlang sa panukala ng Makapangyarihang PANGINOON. Kaya may napakalaking kaukulan ang batong ito na nilagay Niya sa Sion o sa Iglesia ni Cristo. May kaibahan ba ang Kaniyang inilagay sa Sion o sa Iglesia ni Cristo para di ninyo ikalito? Hayaan ninyo ang talatang sinipi sa Efeso 2:20, at iwangis sa talata ng Isaias 28:16 sa gayun mapag-uunawa ang kaibahan nito. Ano nga ba ang kaibahan ng isang mahalagang batong panulok na inilagay ng ating Panginoong Diyos sa Iglesia ni Cristo?
Efeso 2:20 MB [20] Na mga itinatayo sa ibabaw ng kinasasaligan ng mga apostol at ng mga propeta, na si Cristo Jesus din ang pangulong bato sa panulok;
Kaya napakalaki ng kaibahan ng dalawang binabanggit na batong panulok na kapwa Pinaghaharian ng Kapangyarihan ng ating Panginoong Diyos. Ano ang napakalaking kaibahan nila bagama’t kapwa ang dalawa ay sa Panginoong Diyos? Ang sa Panginoong Jesu-Cristo ang pagiging Pangulong batong panulok (Iglesia ni Cristo). Siya ang pinaka-Ulo ng Iglesia. Samantala ang kay Elias Arkanghel naman ay inilagay siya ng ating Panginoong Diyos sa Katawan ng Iglesia ni Cristo na isang mahalagang bato sa panulok (Iglesia ni Cristo…Hinirang). Mahalaga sa ating Panginoong Diyos kung kaya hindi dapat isantabi. Oo, isang matatag na pundasyon, na ang sinumang magtiwala sa Iglesia ni Cristo…Hinirang na pinangungunahan ni Elias Arkanghel na inilagay ng ating Panginoong Diyos sa Iglesia ni Cristo ay hindi mabibigo. At ano ang magandang kapalaran ng lahat? At sa ganito’y ang buong Israel ay maliligtas: gaya ng nasusulat, At gaya ng ipinaunawa ang kapatid na Elias Arkanghel sa paglakip Cristo o Elias Arkanghel Jesu-Cristo ang Aatasan ng ating Panginoong Diyos na siya ang maghahatid sa Ligtas na Dako na kaniyang pangungunahan dahil tanging siya lamang ang binigyan ng ating Panginoong Diyos ng kabatiran sa dereksyon na ating patutunguhan.
Maliligtas anya ang buong Israel na napatutungkol sa Israel sa Pangako, hindi sa literal na bansang Israel. Bakit sinabing ang buong Israel ay maliligtas? Saan? Kung bakit? Dahil Kalooban ng ating Panginoong Diyos na magmumula sa Sion o Iglesia ni Cristo ang Tagapagligtas! Siya rin ang maghihiwalay sa Jacob o Israel sa paggawa ng kalikuan o kasalanan. Yan ang Katotohanan na inyong mapananaligan, ang Banal na Kaukulan na napahihintulutan ng ating Panginoong Diyos sa isang taong Pinili Niya (Pili), na Hinubog (pino), na Kaniyang tinawag mula sa kasuluksulukan, sa Dulo sa gawing Silangan, sa Lupa ng mga Hinirang (Pilipino) o Lupang Hinirang (Pilipinas, Inang Bayan, Luz-Vi-Minda) sa Iglesia ni Cristo (Ang Bayan ng Panginoong Diyos) na nasa Lupa ng mga Hinirang. Pinili siya para sa Kaniya ay maglingkod at maparangalan Siya nito. Siya nga ang Pinili na marapat na igalang, kilalanin ang pagsusugo sa kaniya ng ating Panginoong Diyos at ipagkatiwala sa kaniya ang Banal na Gawain ng ating Panginoong Diyos na pinangungunahan nga niya bilang Elias Arkanghel sa pamamagitan ni Cristo, na kapwa gumagawa Sila sa loob at labas ng Iglesia ni Cristo, na parang iisa (Elias Arkanghel Jesu-Cristo) alang-alang sa kaligtasang iniaalok ng ating Panginoong Diyos sa lahat ng mga tao na naghahangad din na sila ay makasama sa mga maliligtas sa araw ng Pagtakas o Paglikas. Kaya gayun na lamang kahalaga sa ating Panginoong Diyos ang Pangulong batong panulok (Iglesia ni Cristo) at ang nilagay Niya dito ang isang mahalagang bato sa panulok (Iglesia ni Cristo…Hinirang). Ang Panginoong Diyos mismo ang naglagay sa Sion o sa Iglesia ni Cristo kay Elias Arkanghel na lumitaw sa kalagitnaan ng kapatiran, na nagtataglay ng Karunungan ng ating Panginoong Diyos dahil sa pamamagitan ng paglakip ng Espiritu ni Cristo sa kaniya. Oo, ipinagkatiwala kay Elias Arkanghel Jesu-Cristo na Kaniyang napahihintulutan. Sa pangalan ni Cristo ay isinusugo Niya ang Espiritu ng Katotohanan na lumalakip sa aba Nilang lingkod na Kanilang Piniling Hinirang na taong nagkakamali at taong nagkakasala rin ngunit Kalooban ng ating Panginoong Diyos na siya ang Pinili at pinaging dapat lamang ng ating Panginoong Diyos.
Hindi man siya nakapagtapos ng pag-aaral, di man siya nakapag-aral sa Ministeryo, wala mang natamong anumang karangalan, salat na salat sa karunungan at katalinuhan. mangmang kung ituring, kapos at hindi taong mayaman, at hindi kaayaaya ang kaanyuan, nakatira lamang sa isang yungib kung iwawangis ang kaniyang kinaroroonan, kaysa sa inyong naggagandahang tahanan na sagana kayo sa lahat ng pangangailangan. Subalit si Elias Arkanghel Jesu-Cristo ay umaamot lang ng biyaya sa may pusong mapagbigay. Kung kinakailangan minsan ay nagpapasabi, pero madalas hindi kumikibo, naghihintay lang kung pagkakalooban ng tulong. Oo, ang abang lingkod na hamak lamang ang kalagayan ang Kaniyang Pinili na hinubog sa kaalaman, na may matibay na kahalalan na mababasa sa Banal na Kasulatan, na pinuspos ng hula ng ating Panginoong Diyos na mahahayag sa yugto ng ating panahon; sa dulo ng panahon. Oo, sinanay, hinubog at tinuruan siya ng ating Panginoong Diyos, pinuspos ng Espiritu ng Katotohanan upang magtaglay ng Kaniyang Karunungan.
Si Elias Arkanghel Jesu-Cristo ay inalalayan ng ating Panginoong Diyos sa lahat ng pagkakataon. Siya ay binabakuran ng Kaniyang Kapangyarihan kaya hindi magagapi, hindi mapipinsala, hindi magagalaw ng masama, hindi mapananaigan, hinding-hindi maagaw ang kaniyang kahalalan. Sinuman ang mangangahas at mag-iisip na pinsalain siya, bago pa nila magawa, sa nag-iisip ng masama may pasya na ang Panginoong Diyos na mangyayari sa kanila. Napakarami na ng patotoo kung paano Siya binabakuran ng Kapangyarihan ng Panginoong Diyos para maingatan. Sa Atas ng Panginoong Diyos na ibinigay sa kaniya, walang sinuman ang makapag-tuturo kung ano ang dapat niyang gawin. Pinili siya at Hinirang para maibalik ang lahat ng bagay sa ibig ng ating Panginoong Diyos na kaayusan sa pamamagitan ng Diwa ni Cristo na nasa kaniyang katauhan.
HINDI NAPARITO PARA PALITAN ANG PAMAMAHALA NG KAPATID NA EDUARDO V. MANALO
Sa daigdig na ito hindi siya uupo para palitan o agawin ang Pamamahala sa ating mahal na kapatid na Eduardo V. Manalo. Itinalaga ang kapatid na Elias Arkanghel Jesu-Cristo ng ating Panginoong Diyos isagawa ang lahat ng Kalooban Niya at kaniyang ipaunawa sa kapatid na Eduardo V. Manalo ang mga nakapaloob sa Bagong Pahayag ng ating Panginoong Diyos na nasasaklawan ng Hiwaga ng mga Salita ng Hula na mababasa sa Banal na Kasulatan o Biblia na hindi nila mapag-unawa. At maituro sa lahat na masunod din ang lahat ng pinaka ibinibilin ng ating Panginoong Diyos sa kaukulan ng pagsusugo kay Elias Arkanghel Jesu-Cristo. At ang kapatid na Eduardo V. Manalo lamang na Pamamahala ng Iglesia ni Cristo, ang siya naman ang may karapatan na magturo naman nito sa lahat ng mga kapatid sa Iglesia ni Cristo at sa lahat ng mga tao na di pa kabilang sa Iglesia ni Cristo, para sa paghahanda na rin sa napauukol na Pagtakas o Paglikas.
Pahayag 12:6 ASND [6] Ang babae naman ay tumakas sa ilang, sa isang lugar na inihanda ng Dios para sa kanya, upang maalagaan siya roon sa loob ng 1,260 araw.
Hindi maaaring isantabi nila ang nalalaman ng kapatid na Elias Arkanghel Jesu-Cristo. Dahil tanging siya lamang ang pinaka-pinagbigyan, pinagkatiwalaan ng ating Panginoong Diyos, ng kabatiran sa Daan ng Kaligtasan na babaybayin ng lahat ng sasama sa Pagtakas o Paglikas ang ligtas na dako.
Tatakasan natin ang mga pag-ulan ng mga apoy sa langit (Kalooban ng ating Panginoong Diyos) mula sa mga malalakas na gamit pandigma ng mga bansa at ang tuluyan ng kawasakan ng daigdig na lilikhain ng digmaan nuklear na susunog sa sandaigdigan. Kaya tanging ang ligtas na Dakong Banal na piniling Dako ng ating Panginoong Diyos ang paroroonan nating lahat, ang hindi mapipinsala dahil nababakuran ng Kapangyarihan ng ating Panginoong Diyos. Oo, isang lugar na inihanda ng Dios para sa Iglesia ni Cristo o sa Babae. Nasa pangangalaga tayo ng ating Panginoong Diyos sa loob ng 1,260 araw o tatlong taong kalahati.
[ Ano pa ang mga palatandaan na hinahanay ni Cristo na inyong Panginoon para mapag-unawa ninyo na Siya ay naririto na? ]
MATEO 24:6
[6] Makakarinig kayo ng mga labanan at makakabalita ng mga digmaan sa iba’t ibang dako. Ngunit huwag kayong mababahala dahil talagang mangyayari ang mga iyon, bagama’t hindi pa iyon ang katapusan ng mundo.
[nabigyan daan na ang literal na digmaan na naganap noong July 27, 1914; kaalinsabay noon ng pagkakatala sa gobyernong umiiral nang muling paglitaw ng Iglesia ni Cristo sa mga pulo ng dagat. Naipaunawa na rin ng ating mahal na kapatid na Felix Y. Manalo, bilang Sugong Lider ang tiyak na panahon binabanggit ay sa mga Huling Araw. Ngunit dapat ninyong maunawaan ang literal na digmaan sa LABAS ng Iglesia na naganap taong 1914 na naipaunawa na ng ating mahal na kapatid na Felix Y. Manalo ay may kaakibat na mga kaganapan sa Espiritual na paglilingkod. Ito ang digmaan sa LOOB ng Iglesia na kaguluhan na pinatutungkulan sa Malakias 4 na kamakailan lamang buwan ng January 2022 ay nalathala sa Blog na ito ang pagpapaunawa. Ano pa ang mga palatandaan ng Kaniyang pagparito? ]
Makakarinig kayo ng mga labanan at makakabalita ng mga digmaan sa iba’t ibang dako. … [ Kaya kung lalawakan ninyo ang inyong pagkaunawa, ang mga ipinapahayag ng mga talata sa aklat ng Mateo 24 ,ay pawang may mga sinisimbulo lamang, na higit na usapin sa Iglesia, o usapin sa loob ng Iglesia ni Cristo na yan ang mga Espiritual na kaganapan na siyang higit na pinatutungkulan ni Cristo.
Makakarinig kayo ng mga labanan [ Kailan ito narinig mga mahal naming kapatid? Ang damdamin ng Pamamahala ng kapatid na Eduardo V. Manalo ay umaalingawngaw sa panahon ng mga Pagsamba kung saan nababanggit niya ang mga pakikidigma sa kaniya ng mga itiniwalag niya na mga Ministro at mga kapatid na diumano ay mga tuwirang lumalaban sa kaniyang Pamamahala na mga itiniwalag rin niya.]
at makakabalita ng mga digmaan sa iba’t ibang dako. [ Kaya mismo ang Pamamahala din ng Iglesia ang nagbabalita ng mga digmaan nila sa mga kapatid na pinatutungkulan na kumakalaban anya sa kaniya. Ngunit ang nakalulungkot sa tuwing mga Pagsamba na lamang ay nagiging bahagi ng madidiin na talakayan na kahit na hindi na umaayon sa tema ng texto sa mga Pagsamba, ay nagagawa nilang maisingit ang pagkapoot nila sa mga kapatid, na randam ng mga Sumasamba ang bagsik ng pagpapaalaala para maging babala sa iba. Subalit ang pinakabilin ni Cristo]
Ngunit huwag kayong mababahala [ Bakit hindi dapat na mababahala? ]
ngunit hindi pa ito ang wakas [ kaya hindi pa dito nagtatapos ang lahat. Sapagkat ]
MATEO 24:7
[7] Maglalaban-laban ang mga bansa at gayundin ang mga kaharian. Magkakaroon ng taggutom at lilindol sa maraming lugar. [ ang tagisan o ang mga pagtatalo ng mga bansa na sumasagisag sa Lokal laban sa Lokal. Umaalma ang mga kapatid na nasa Lokal sa mga Lokal na lantarang pumupuna sa Pamamahala. Dinidigma nila ng mga masasakit na salita at lantarang paggamit ng mga di angkop na pananalita na may kasama ng mga pag-aalimura. At ang tagisan din ng kaharian laban sa kaharian mula sa napauulat na mga Lokal na may mga kapatid na lumalaban diumano sa Pamamahala na iniaakyat sa mga Distrito. Sila-sila ay nagkakaturuan, sapagkat wala sa Lokal na kinatatalaan ang natukoy na kapatid na itinuring na nilang kumakalaban sa Pamamahala kundi nasasakop ng Distrito kung saan naglalagi kaya di nila anya maaksyunan. Naroon ang pag-aalala nila kung sino ba ang responsableng Distrito na dapat magsasaayos at gagawa ng ulat na derekta sa Pamamahala. Kaya Distrito sa Distrito ay nagkakairingan. Ikinatatakot kasi nila na malagay sa alanganin ang kanilang mga karapatan at pasyahang ibaba o ilipat sila ng Pamamahala kung panaigan siya ng biglang galit at sila ang mapagbalingan.
Magkakaroon ng kagutom [ kasagsagan ito ng matinding kaguluhan sa loob ng Iglesia. Oo, ang kagutom sa paglakip ng Banal na Espiritu na kinasasabikan sa panahon ng mga Pagsamba ang inaapuhap at hinahanap ng mga kapatid. Dahil ang mga naririnig na nila sa mga Pagsamba ay nawala na ang alab ng pagsama sa kaanila Banal na Espiritu, mula ng mawala ang katutubong pag-iibigang magkakapatid dahil ng pawang salita ng mga paghihinanakit ang kanilang mga naririnig sa kasagsagan ng kaguluhan habang nakatayo sila sa banal na tribuna na kaharap ang kapulungan ng mga kapatid na mga Sumasamba. ]
at lindol [ niyayanig ng kaguluhan ang mga pananampalataya ng mga kapatid. Natatakot na mga madamay kaya sunod na lamang sa mga pagbabawal na magbasa ng mga usapin sa social media na pumupuna sa Pamamahala ng Iglesia.] Maging sa iba’t ibang dako, [ Oo, hindi lamang sa kani-kaniyang mga Lokal, maging sa iba’t-ibang dako ay nakararanas ng mga pagbabantang ipatitiwalag ang sinumang masumpungan na mga kapatid na mag-like, mag-share ng mga magbabasa ng mga usapin sa social media na anumang may pag-atake sa Pamamahala ng Iglesia. ]
MATEO 24:8
[8] Ang lahat ng mga ito’y pasimula pa lamang ng mga paghihirap na tulad sa isang babaing nanganganak. [ Oo, nagpasimulang madama ang kahirapan sa pakikitungo sa kapwa kapatid. Paghihirap na tulad sa isang babaing manganganak na nahihirapan at nahahapis sa kaniyang kalagayan. Ganiyan ipinakita ng ating Panginoong Diyos kay Cristo ang magiging kalagayan ng mga kapatid bunga ng kaguluhan sa loob ng Iglesia na katuparan sa nasusulat sa aklat ni Propeta Malakias bersikulo 4 talatang 4 hanggang 6. ]
MATEO 24:9
[9] “Pagkatapos ay kapopootan kayong lahat dahil sa inyong pagsunod sa akin. Isasakdal kayo upang pahirapan at patayin, [kaya nang umiral na ang kaukulan ng Banal na Gawain ng Iglesia ni Cristo…Hinirang ay marami ang nagagalit at kami ay kinapootan sa pagsunod sa ating Panginoong Jesu-Cristo na yan ay sa Kalooban ng ating Panginoong Diyos na ilantad ang mga nagagawa nilang pinsala sa Iglesia. Kahit na nababasa nila na pawang mga Salita ng Hula o Propesiya ng Banal na Kasulatan o Biblia ang pinanggagalingan ng mga pagpuna sa kanila ay mabigat sa loob nilang tanggapin na mga pangkaraniwan kapatid lamang nilang ituring ang kinakasangkapan ng Panginoong Diyos sa hanay ng Iglesia ni Cristo…Hinirang. Kaalinsabay nito natutunghayan sa mga balita ang iba ay dumanas, na sila ay maihabla, nakadama ng pagpapahirap sa kalooban habang sinisiyasat pa lamang. Hanggang sa patayin (itiwalag) na nila sa kalayaan na maka-Samba ang mga inaakaala nilang kumakalaban sa Pamamahala ng kapatid na Eduardo V. Manalo.
Sa gitna ng kaguluhan Mayo 27, 2015 lumitaw ang Iglesia ni Cristo…Hinirang (Anak na Babae ng Sion), na ang Panginoong Diyos mismo ang nagtatag sa Banal na Gawain Niya na ito at ilang ulit ng naipaunawa dito sa Blog, ang mga Salita ng Hula ng ating Panginoong Diyos na mababasa sa mga Bagong Pahayag ukol dito. At kaalinsabay na paglitaw na rin ni Elias Arkanghel ang tuwirang inatasan ng ating Panginoong Diyos na muling magpahayag sa pamamagitan ni Cristo na napakarami ng mga talata ukol sa kaniyang kahalalan na mababasa sa Banal na Kasulatan o Biblia.
KAYA NALATHALA ANG PAHAYAG NA ITO:
Ang IGLESIA NI CRISTO…HINIRANG ay isang bukas na pahina para sa Kapurihan at Kaluwalhatian ng ating DAKILANG PANGINOONG DIYOS at ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Isang napahihintulutang Blog na maglalarawan ng napakadakilang pag-ibig at pagmamahal NILA sa KANILANG mga Hinirang. Ginawa ito sa udyok na rin ng Banal na Espiritu. Magsisilbing tagapagpatnubay para sa kapakanan ng lahat ng mga Hinirang, upang sa pamamagitan nito, masinop pa rin na mababantayan, mapangangalagaan at magagabayan ang lahat.
Aakayin nito ang indibidwal na kapatid sa IGLESIA sa matuwid na pamumuhay. Tuturuan pa na taglayin ang pinaka-mataas na uri ng pananampalataya, patatatagin at patitibayin ang pag-asa habang hinihintay ang pangakong kaligtasan, at higit sa lahat papag-aalabin nito ang pag-ibig sa kakapatid sa IGLESIA habang gumagawa ng mabuti at ibinubuhay ang kabanalan.
Ang Blog din na ito, magsisilbing tagapagpaalaala na rin, magtuturo upang makatulong para ang indibidwal na mga kapatid natin na mga nanlulumo at nanghihina bunga ng ibat-ibang uri ng mga pagsubok, ay mapalakas at mapanumbalik ang kasiglahan sa mga Pagsamba na hindi balakid ang anumang kanyang naririnig at nauulinigang mga balita sa social media patungkol sa mga kaguluhan.
Kaya nga sa pamamagitan ng Blog na ito, marami sa inyo ang mabubuksan pa ang kaisipan sa mga ilalahad at ipahahayag dito. Pagkat ang mga Katotohanan na inyong mababasa at maririnig, ay ngayon lang darating sa inyo ang pagkaunawa, hindi napag-aralan sa Ministerio. Pagkat inilihim sa mahabang panahon. Subalit ngayon ay ipinahihintulot na ng ating Panginoong Diyos na maipabatid at maipaalam sa lahat, ang kaugnayan ng mga kaganapan sa kaukulan nito sa kasalukuyan at sa hinaharap.
Ngunit sa kabila ng lahat, ito ay may pahintulot ng DAKILANG PANGINOONG DIYOS, sa pamamagitan ng Panginoong Jesu-Cristo sa Patnubay ng Banal na Espiritu na pumuna at magsaway sinuman ang masumpungang na nasa paglabag at nagpapatuloy sa paggawa ng masama. Lalo na sa hanay ng mga kinakaladkad at kinakalakal ang pangalan ng IGLESIA NI CRISTO para lang sa kanilang sariling kapakinabangan na lamang. Kaya ang Banal na Gawain na ito ay may malaking ginagampanan para sa kapakanan ng lahat sa pagtutuwid at panunumbalik ng indibidwal na kapatid, ng lahat na taglayin ang matuwid na kaisipan, na kaisandiwa sa kabutihan, sa kalinisan at kabanalan patungo sa tiyak na kaligtasan.
Ang gampaning ito ay hindi ipinagkaloob kung kani-kanino lang. Sapagkat ang PANGINOONG DIYOS ang pumili at humirang para isagawa ang lahat ng KANIYANG balak. May basbas ng DAKILANG PANGINOON ang bawat sasalitain, iisipin at gagawin. Taglay nito ang Batas ng DAKILANG PANGINOONG DIYOS ang KANIYANG Banal na Katwiran na dapat na umiiral. Kaya kung anong ipinag-uutos matapat na ating sundin. Lahat ng KANIYANG panukala sa ikabubuti natin yun ang KANIYANG Salita handa NIYANG papangyarihin. Kaya sa pagpapahayag at paghahayag ay matapang na isasagawa, walang kinatatakutan, walang kinikilingan, walang kakampihan. Pagkat pantay ang timbangan ng Katarungan ng ating DAKILANG PANGINOONG DIYOS at ng ating Panginoong Jesu-Cristo, na gagamitin para sa lahat.
Gayunpaman, alam natin kung ano ang mga mabuti at kung alin naman ang masama. Piliin natin ang mabuti at doon tayo mabuhay sa kabanalan. Mga mahal kong kapatid, kahit may pinanghihinaan ng loob bunga ng pag-uusig, ay ipagmalasakit natin silang lahat. Kaya dapat;
I TESALONICA 5: 14 Mga kapatid, ipinapakiusap din namin na inyong pagsabihan ang mga tamad, pasiglahin ang mahihinang-loob, at kalingain ang mga mahihina. Pagtiyagaan ninyo silang lahat. 15 Huwag ninyong paghigantihan ang gumawa sa inyo ng masama; sa halip, magpatuloy kayo sa paggawa ng mabuti sa isa’t isa at sa lahat. 16 Magalak kayong lagi, 17 palagi kayong manalangin, 18 at magpasalamat kayo sa Diyos sa lahat ng pagkakataon; sapagkat ito ang kalooban ng Diyos para sa inyo sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus.
19 Huwag na ninyong hadlangan ang Espiritu Santo. 20 Huwag na ninyong bale-walain ang anumang pahayag mula sa Diyos. 21 Suriin ninyo ang lahat ng bagay at gawin ang mabuti. 22 Lumayo kayo sa lahat ng uri ng kasamaan. 23 Nawa’y lubusan kayong gawing banal ng Diyos na siyang nagbibigay ng kapayapaan. At nawa’y panatilihin niyang walang kapintasan ang buo ninyong katauhan, ang espiritu, kaluluwa at katawan, hanggang sa pagparito ng ating Panginoong Jesu-Cristo.
Ito ang magandang pagkakataon mga mahal kong kapatid, na pahalagahan natin na sundin ang ipinag uutos sa atin ng ating DAKILANG PANGINOONG DIYOS at ni Cristo. Palakasin natin ang loob ng mga kapatid natin na mga nanghihina. Magpaalalahanan! Mangag-aralan tayo sa isa’t-isa Ipagmalasakit natin ang lahat akay ng pag-ibig at pananampalataya para mapatatag natin ang pananampalataya at pag-asa ng mga kapatid nating higit na nagdaranas at naapektuhan ng mga naganap na kaguluhan sa loob ng Iglesia ni Cristo. Nalalapit na ang araw ng paghuhukom sa Espiritual kaya lalo tayong maging masigasig na gawin ang mabuti bago natin iwan at takasan itong sandaigdigan. Layuan na natin ang lahat ng uri ng paggawa ng masama, makapag-isip ng masama, at makapagsalita ng masama. Sikapin natin lahat ang mabuhay na sa Kabanalan, yan ang ating mga kaukulan, upang walang anumang maipipintas sa buo nating katauhan, hanggang sa mahayag ang ating Panginoong Jesu-Cristong mahal. Kaya nga mga mahal kong kapatid ihandog na natin ang ating mga abang sarili na haing buhay sa ating DAKILANG PANGINOONG DIYOS sa pamamagitan ni Cristo na laging nasa panig NILA hanggang sa kahuli-hulihang yugto ng buhay na ipagkakaloob ng ating DAKILANG PANGINOONG DIYOS o ang KANIYANG Kapahintulutan na tayo ay magkasama-sama doon sa Banal na Bayan na Bagong Jerusalem. Ang inyong abang lingkod – Elias Arkanghel
Kayong mga nalalabing bilang magpakatatag kayo mga mahal kong kapatid. Huwag kayong aalis sa Iglesia ni Cristo. Ibalanse ninyo ang inyong damdamin, panatilihin ang kahinahunan…
MATEO 24:10
[10] at dahil dito’y marami ang tatalikod sa kanilang pananampalataya. Mapopoot sila at magtataksil sa isa’t isa. [ Alam ni Cristo kung bakit marami ang tatalikod sa kanilang pananampalataya. Ang hula Niyang ito ay nauugnay sa kaguluhang magaganap sa loob ng Iglesia ni Cristo at ito na yaon sa yugto ng ating panahon naganap ang kaguluhang pinatutungkulan sa Malakias 4:4-6 na isa sa mga palatandaan na ibinigay ni Cristo na muli Niyang pagbabalik. Hindi mapasisinungalingan at maitatanggi ng Pangasiwaan ng Iglesia ni Cristo na nasa Central, na aminin man nila o sa hindi aminin, ay marami na nga ang tumalikod at di na nagpatuloy sa mga Pagsamba. Sila na mga tumalikod na sa pagkakilala sa Pamamahala niya ay nagdaramdam sa kaniya na nauwi na rin sa pagkapoot sa kaniya ng iba. Subalit marami na panig sa kaniyang Pamamahala, angg tumulong sa kaniya, na pawang nagtaksil at ipinagkanulo sa Pangangasiwa ang mga kapatid sa Iglesia ni Cristo na naging malapit rin ang loob sa kanila ngunit kinaringgan ng pagpuna sa kaniyang Pamamahala sa Iglesia kung kaya naman inihayag kung sinu-sino man sila.]
MATEO 24:11
[11] Marami ang magpapanggap na propeta at ililigaw ang mga tao. [ nangyari ito kaalinsabay ng kaguluhan sa Iglesia, ang pagkaniya-kaniyang grupo. Ipinakita sa ating Panginoong Jesu-Cristo na mayroong mga magpapakilalang mga propeta na nagpipilit, kahit di kakitaan ng anumang tanda ng isang pagiging propeta. Subalit, hinayaan na lamang niya (nagpanggap ng Propeta) na ito ang ibansag sa kaniya habang nakahihikayat siya ng marami na paniwalaan siya. Ang nakalulungkot ipinagpauna ng ating Panginoong Jesu-Cristo ililigaw lamang nila ang mga tao. Ganun nga ang nangyari! Lalo na sa panig ng mga nagpipilit na maging guro ng kautusan subalit walang matibay na mapagbabatayan na Propesiya na nasusulat sa Banal na Kasulatan o Biblia na derektang napauukol sa kanila para masabing sila nga ay may kahalalan na mula sa ating Panginoong Diyos. Dinadaya lamang nila gamit ang mapanlinlang nila na kaisipan. Nakita ni Cristo sa hinaharap na panahon may mapangahas na lalason sa kaisipan ng mga hinirang Niya. Ang mapangahas o mapang-ahas na kaisipan na nagtataglay nito ang siyang nakatakdang lumuray sa mga mananampalatayang Iglesia ni Cristo na nasa uri ng maliligtas subalit nadaya niya gamit ang mapanlinlang niyang kaisipan na nagligaw lamang sa mga tao. ]
MATEO 24:12
[12] Lalaganap ang kasamaan, kaya’t manlalamig ang pag-ibig ng marami. [ Sino ang tututol sa Katotohanang ito na Pahayag ni Cristo. Malubha na at tumitindi pa talaga ang kasamaan ng mga tao. Nawala na rin ang katutubong pag-iibigan ng mga magkakapatid. At hindi ito lingid sa kaalaman ng kasalukuyang Pamamahala ng Iglesia, ang panlalamig ng maraming kapatid.
MATEO 24:13
[13] Ngunit ang mananatiling tapat hanggang wakas ang siyang maliligtas. … [ Kaya sinisikap ng mga kapatid sa kabila ng kaguluhan na nangyari ay huwag silang paapekto sa mga pangyayari. Kung kaya tahimik at tapat lamang sila sa pagsunod sa Pamamahala ng Iglesia. Higit sa lahat ang makapamalagi na tapat sa ating Panginoong Diyos, at tapat kay Cristo na maghahatid sa kanila sa kaligtasan.
MATEO 24:14
[14] Ipapangaral sa buong sanlibutan ang Magandang Balitang ito tungkol sa kaharian ng Diyos upang magsilbing patotoo sa lahat ng mga bansa. At saka darating ang wakas.” … [ ang Magandang Balita ay nakapaloob din sa mga Bagong Pahayag na napauukol sa Kaharian ng ating Panginoong Diyos upang magpatotoo sa lahat ng mga bansa kung gaano Siya kabuti. Ngunit naipagkakait pa ngayon, sapagkat tinatanggihan nig kasalukuyang Pamamahalla ang pagsusugo ng ating Panginoong Diyos kay Elias na Propeta (Espiritu ni Cristo) na nakalakip kay Elias Arkanghel.
Ang Kasuklam-suklam na Kalapastanganan
MATEO 24:15
15 “Kapag nakita ninyong nagaganap na sa Dakong Banal ang kasuklam-suklam na kalapastanganang tinutukoy ni Propeta Daniel (unawain ito ng nagbabasa), [ naipaunawa na dito sa Blog ang espiritual na kaganapan sa pinatutungkulan na kasuklam-suklam na kalapastanganang tinutukoy ni Propeta Daniel na ikinagalit ng Kataastaasang PANGINOON sa mga saserdote o mga Ministo na nasa Jerusalem o Central.
Ezekiel 5:5-8 [5] “Ito ang sinasabi ng Kataastaasang PANGINOON: Ito ang Jerusalem na itinatag ko sa gitna ng mga bansa; napaliligiran siya ng iba’t ibang bansa. [6] Ngunit dahil sa kanyang kasamaan, naghimagsik siya laban sa aking mga utos at mga tuntunin nang higit pa sa mga bansang nakapalibot sa kanya. Itinakwil niya ang aking mga utos at hindi sinunod ang aking mga tuntunin. [7] “Kaya ito ang sinasabi ng Kataastaasang PANGINOON: Hindi ka naging masunurin tulad ng mga bansa sa iyong paligid at hindi mo sinunod ang aking mga tuntunin at utos. Ni hindi mo naabot ang pamantayan ng mga bansa sa iyong palibot. [8] “Kaya ito ang sinasabi ng Kataastaasang PANGINOON: Ako mismo’y laban sa iyo, Jerusalem, at parurusahan kita sa harapan ng mga bansa.
[ Mismo ang Kataastaasang PANGINOON ang nagpahayag na “Ako mismo’y laban sa iyo, Jerusalem, at parurusahan kita sa harapan ng mga bansa.” Ang bansa ay tumutukoy sa mga Lokal sapagkat usapin ito sa LOOB ng Iglesia. Gaya ng naipaunawa na ang Aklat ng mga Propeta ay mga Paunang Pahayag o Propesiya ng ating Panginoong Diyos sa Israel sa Pangako, na ang kinatuparan ay ang Jerusalem na itinatag ng ating Panginoong Diyos sa gitna, Sentro o Central kung saan ang pinakatanggapan ng Pamamahala ng Iglesia ni Cristo sa kasalukuyan. ]
Paano ba nagalit ang Kataas-taasang PANGINOON at Siya ay naging laban sa kanila kung kaya nakararanas ang Central ngayon ng kaparusahan? Oo, hindi pa maibalik-balik ng ating Panginoong Diyos ang mga pagpapalang sumasagana sa pananalapi ng Iglesia upang magamit sa mga banal na kaukulan nito. Sa kasalukuyan ang sumpang iginawad sa kanila ang paglalagay ng Panginoong Diyos ng Lagnat at Peste (Corona-Virus) ay pansamantalang bumubuti pa lamang ang kalagayan dito sa bansang Pilipinas na ngayon ay inilagay na sa Alert Level 1 ang mga piling dako pa lamang. Hindi pa lubusan sapagkat hindi pa nila lubos na nasusunod ang Kalooban ng ating Panginoong Diyos. Bakit nga ba nagalit ang ating Panginoong Diyos sa kanila?
Roma 11:28 MBBTAG 28 Dahil tinanggihan ng mga Israelita ang Magandang Balita, sila’y naging kaaway ng Diyos, at kayong mga Hentil ang nakinabang. Ngunit dahil sa sila ang mga hinirang ng Diyos, sila’y mahal pa rin niya, alang-alang sa kanilang mga ninuno.
Kaya hindi nawawala ang sumpa ng ating Panginoong Diyos dahil tinanggihan nila ang mga Bagong Pahayag…. na yan din ang Magandang Balita na napauukol sa pagsusugo ng ating Panginoong Diyos kay Elias na Propeta ( ang inyong Panginoong Jesu-Cristo) na nakalakip kay Elias Arkanghel ang Kaniyang Espiritu kung kaya ganito na lamang siya kahusay sa paghahanay ng mga Pahayag. Nagpapahayag na may mga recorded na audio at video at inilalakip sa mga Bagong Pahayag subalit nagbibingi-bingihan lamang ang Central. Kahit nababasa nila ng napakalinaw ang mga Pahayag ay nagbubulag-bulagan lamang sila. Ito ba ay sabi ba lamang natin ito o sinabi ng ating Panginoong Diyos?
Ang Israel ay Parang Bingi at Bulag
Isaias 42:18-25 ASND 18 Sinabi ng Panginoon sa kanyang mga mamamayan, “Kayong mga bingi at bulag, makinig kayo at tumingin! 19 Kayoʼy mga lingkod ko at mga pinili. Isinugo ko kayo bilang aking mga tagapagsalita, pero walang makakapantay sa inyong pagbibingi-bingihan at pagbubulag-bulagan. 20 Marami na kayong nakikita pero hindi ninyo pinapansin. Nakakarinig kayo pero ayaw ninyong makinig!” 21 Nais ng Panginoon na parangalan ang kanyang kautusan para ipakita na matuwid siya. 22 Pero ngayon, ang kanyang mga mamamayan ay ninakawan, sinamsaman ng ari-arian, inihulog sa hukay o ipinasok sa bilangguan, at walang sinumang tumulong sa kanila. 23 Mayroon ba sa inyong gustong makinig o magbigay halaga mula ngayon sa inyong narinig? 24 Sino ang nagbigay ng pahintulot na nakawan at samsaman ng ari-arian ang Israel? Hindi baʼt ang Panginoon, na siyang pinagkasalaan natin? Sapagkat hindi natin sinunod ang mga pamamaraan niya at mga kautusan. 25 Kung kaya, ipinadama ng Panginoon ang matindi niyang galit sa atin sa pamamagitan ng pagpapahirap sa atin sa digmaan. Ang galit niyaʼy parang apoy na nakapalibot at sumusunog sa atin, pero hindi natin ito pinansin o inisip man lamang.
Sana nauunawaan ng Central ang paglalarawan sa kanila ng ating Panginoong Diyos at tawagin Niya sila na mga lingkod Niya na mga bulag at mga bingi. Panawagan ng ating Panginoong Diyos na makinig kayo at tumingin! Magpipitong taon na ang dumaan at lumipas, Nakasunod ba kayo? Sa dami na ng pagpapahayag wala kayo ni isang nasunod sa halip tinanggihan niyo ang Kaniyang mga ipinag-uutos. Kaya nga alam na alam na ng ating Panginoong Diyos na Marami na kayong nakikita pero hindi ninyo pinapansin. Nakakarinig kayo pero ayaw ninyong makinig!” Sa Kaniyang pagtuturing sa inyo ay walang makakapantay sa inyong pagbibingi-bingihan at pagbubulag-bulagan.
Mga kapatid na taga-Central Nais ng Panginoon na parangalan ang kanyang kautusan para ipakita na matuwid siya. Pero nahahadlangan ninyo! Hindi ninyo mabigyan ng daan, dahil tinanggihan ninyo ang Kautusan Niya, at hindi ninyo magawang maigalang ang Kautusan Niya at kilalanin ang pagsusugo Niya kay Elias na Propeta ( na inyong Panginoong Jesu-Cristo ) na nakalakip kay Elias Arkanghel ang Kaniyang Espiritu na Siyang naghahanay at nagpapaunawa sa mga Bagong Pahayag na mababasa ninyo sa Banal na Kasulatan o Biblia na nailatag dito. Dahil sa inyong pagmamatigas, patuloy Niya kayong inihahayag.
Pero ngayon o gaya ngayon ( tupad na tupad sa kasalukuyan buwan ng Marso 2022) ang kanyang mga mamamayan ay ninakawan, sinamsaman ng ari-arian, (mga pagpapasya na makiisa sa darating na Sabado at Linggo sa Worlwide Tanging Handugan para sa Africa. Bakit ang paglalarawan ng ating Panginoong Diyos ay ninakawan? Sapagkat hindi kusang loob na kagustuhan maghandog ng mga kapatid. Damang-dama nila ang bigat. Sapagkat hindi malinaw ang layunin sa muling pagtulong na gagawin sa bansang Africa. Ipinauunawa ng ating Panginoong Diyos kaya Niya sinabi na ninakawan sinamsaman ng ariarian ang mga kapatid ay dahil sa muli ninyong pananawagan na muling magsagawa ng World Wide Tanging Handugan ay ipinauunawa Niya isa na lamang pananamantala. Wala magagawa ang mga kapatid sa Iglesia, kundi sumunod kahit may nagtatalo sa isipan nila, sa takot na kung ano ang isipin ng Pangasiwaan sa Lokal kung hindi sila makikipag-isa. Kaya ang handugan nila ay) inihulog sa hukay o ipinasok sa bilangguan, ( inihulog sa sobre katumbas ay para silang namatayan o inihulog sa pasadya na malalim na box-handugan na ang katumbas ay wala silang kalayaan dahil hayagan ninyo silang sinasamsaman ng ari-arian). at walang sinumang tumulong sa kanila. (walang tumulong sa kanila dahil magtatagumpay na naman kayong mga nasa Central sa ipinaunawa ng ating Panginoong Diyos na ang mga kapatid ay inyong ninakawan, sinamsaman ng ari-arian.
Kaya yan ang mga pangyayari na nagaganap sa loob ng Central ang kaniyang mga mamamayan o Iglesia ni Cristo ay ninakawan, sinamsaman ng ari-arian. Ngunit Sino ang nagbigay ng pahintulot na nakawan at samsaman ng ari-arian ang Israel? Hindi ba’t ang Panginoon na siyang pinagkasalaan (ninyo)? Sapagkat hindi (ninyo) sinunod ang mga pamamaraan Niya at mga kautusan.
Kaya ngayon batid na ninyo mga mahal kong kapatid sa Iglesia ni Cristo na kapahintulutan ng ating Panginoong Diyos ang lahat ng mga nangyayaring yan sa loob ng Israel o ng Iglesia ni Cristo na ang mga kapatid ay kanilang nakawan. Kung bakit? Basahin at unawain! May ipinag-uutos ba sa kanila na mga saserdote o mga Ministro na hindi nila maitalaga ang kanilang mga puso para maparangalan ang ating Panginoong Diyos? Ano ba ang dahilan bakit nagagawa na nilang nakawan, samsaman ng ari-arian ang mga kapatid?
Malakias 2:1-2 NPV [1] “At ngayon, ito ang utos para sa inyo, mga saserdote. [2] Kapag hindi kayo nakinig at hindi ninyo itinalaga ang inyong puso sa pagpaparangal sa aking pangalan,” sabi ng PANGINOON na Makapangyarihan sa lahat, “padadalhan ko kayo ng sumpa, at susumpain ko ang inyong mga pagpapala. Oo, sinumpa ko na ang mga iyon pagkat hindi ninyo itinalaga ang inyong puso sa pagpaparangal sa akin.
Kaya naman nagawa na ninyong samsaman ng ari-arian ang mga kapatid dahil sinumpa ng ating Panginoong Diyos ang inyong mga pagpapala. Saan nga ba naman kayo kukuha kung hindi kayo napahihintulutan maghanap-buhay? Tanging sa tulong lang ng mga kapatid magmumula para maisalba ang inyong mga pangangailangan sa araw-araw. Ang totoo hindi naman tisod sa paghahandog ang mga kapatid sa Iglesia. Kaya lang, dama nila na may kalabisan na ang mga kahilingan ninyo. Ipinauunawa ng ating Panginoong Diyos ang hindi na makatwiran ninyong mga pananawagan na muling handugan at hingin pati na ang mga iniingatang impormasyon na kanilang pagkakakilanlan. Gusto ng ating Panginoong Diyos na maipaunawa sa inyong mga nasa Central na mananatili kayo sa ganiyang kalagayan, na sasamsaman ninyo ng mga ari-arian ang mga kapatid kung magpapatuloy kayo sa pagmamatigas at hindi ninyo susundin ang mga pamamaraan Niya at mga kautusan.
Sa kabila ng lahat, may nais ipaunawa ang ating Panginoong Diyos sa mga kapatid natin sa Iglesia ni Cristo at maging sa inyo na rin na mga taga- Central.
Nahahabag ang Diyos sa Lahat
Roma 11:25-28 MBBTAG 25 Mga kapatid, isang hiwaga ang nais kong malaman ninyo upang hindi maging mataas ang palagay ninyo sa inyong sarili. Ang pagmamatigas ng Israel ay sa isang bahagi lamang hanggang sa mabuo ang takdang bilang ng lahat ng mga Hentil na lalapit sa Diyos. 26 Sa paraang ito, maliligtas ang buong Israel; tulad ng nasusulat:“Magmumula sa Zion ang Tagapagligtas. Papawiin niya ang kasamaan sa lahi ni Jacob. 27 At ito ang gagawin kong kasunduan namin kapag pinawi ko na ang kanilang mga kasalanan.”
Ngayon nauunawaan na ninyo mga mahal kong kapatid na Kalooban ng ating Panginoong Diyos ang mga pangyayaring naganap na at nagaganap pang lahat sa loob ng Iglesia ni Cristo na kung may pagmamatigas man ng kalooban silang lahat ng mga taga Central darating ang takdang araw na maisasaayos din ang lahat. Katunayan gaya ng ipinauunawa sa talata Magmumula sa Zion (o Sion) ang Tagapagligtas. Oo, ang Sion ay ang Iglesia ni Cristo na may kinikilala ng Tagapagligtas (Panginoong Jesu-Cristo). Subalit magmumula anya sa Sion o sa Iglesia ni Cristo ang Tagapagligtas. Ito ay sa katauhan naman ni Elias Arkanghel Jesu-Cristo na mula sa ating Panginoong Diyos ang kaniyang kahalalan.
NAPAKAHALAGANG MAUNAWAAN NG LAHAT NG GUSTONG MALIGTAS:
Mga mahal kong kapatid matagal na kayong mga Iglesia ni Cristo. Matagal na rin ninyong alam na ang maliligtas ay ang Iglesia ni Cristo. Maaga ninyong naunawaan na kapag nasa loob ka ng Iglesia ni Cristo sa araw ng paghuhukom ikaw ay maliligtas! Kailan naipaunawa sa inyo ang kaligtasan na yan? Mula ng kayo ay aralan ng mga Katuruan na mula sa Doktrina na sinasampalatayanan ng lihitimong kaanib sa Iglesia ni Cristo. Kailan nabalangkas ang mga Katotohanang yan? Sa panahon ng ating Sugong Lider na si kapatid na Felix Y. Manalo. Itinuro niya ang kaligtasan batay sa nakasulat sa Banal na Kasulatan o Biblia na nahayag na naituro ng first century o Unang Siglo pa lamang sa panahon pa ni Jesu-Cristo.
Kaya walang mali doon, matibay ang ginawang batayan ng ating mahal na kapatid na Felix Y. Manalo na mula sa ipinahayag ng Tagapagligtas mismo ang pinagmulan ng kaniyang mga Katuruan. Pinatibay pa ng mga patotoo ng mga Apostol. Kaya pinanghawakan ito ng ating kapatid na Felix Y. Manalo bilang Sugo ng ating Panginoong Diyos sa mga Huling Araw. Hindi mahirap unawain ang panahon ng kapatid na Felix Y. Manalo, ay siya ay nasa bungad na panahon sa mga Huling Araw. Uulitin ko siya ay nasa bungad na panahon sa mga Huling Araw; ang panahon naman ng ating mahal na kapatid na Erano G. Manalo ay nasa kalagitnaang panahon; at ang panahon naman ng ating mahal na kapatid na Eduardo V. Manalo ay siya ay nasa huling panahon.
Mga mahal kong kapatid at mga mahal kong kaibigan, tinatawagan ko ang inyong pansin. May napakahalaga kayong dapat na maunawaan sa talata ng Banal na Kasulatan na aking sinipi na napauukol sa huling panahon pa lamang maihahayag. Inyong unawain.
1 Pedro 1:5 ASND [5] At sa pamamagitan ng pananampalataya nʼyo, iniingatan kayo ng kapangyarihan ng Dios habang naghihintay kayo ng kaligtasang nakalaang ihayag sa huling panahon.
Kaya mapalad ang lahat, dahil sa pamamagitan ng inyong pananampalataya bilang mga kaanib sa Iglesia ni Cristo, ang Kapangyarihan ng ating Panginoong Diyos ang nag-iingat sa inyong lahat habang naghihintay kayo sa kaligtasang nakalaang ihayag sa huling panahon. Kaya sa panahon pa lamang ng inyong kapatid na Eduardo V. Manalo naihayag ang kaligtasan na umaayon sa huling panahon na pinatutungkulan. Kaya napakahalagang maunawaan ang Mensahe ng ating Panginoong Diyos na dapat tumimo sa kaisipan ng lahat ng mga naghahangad na maligtas sa galit Niya sa Araw ng Kawasakang darating sa buong daigdig. Unawain ninyo ang Kaligtasang Espiritual at ang Kaligtasang Literal
Kaligtasang Espiritual, na nahayag na, ng unang siglo pa lamang sa panahon ng inyong Panginoong Jesu-Cristo ipinangaral Niya ang Magandang Balita. At ito ay naipagmalasakit ng mga Apostol at ng Ebanghelista na inyong kapatid na si Felix Y. Manalo na maituro sa mga tao ang kahalagahan ng Iglesia ni Cristo at ang pag-anib dito ay magtatamo ng Kaligtasan sa Araw ng Paghuhukom.
Kaligtasang Literal, na naihayag pa lamang sa huling panahon ang ipinagmamalasakit ng Iglesia ni Cristo…Hinirang sa pangunguna ng inyong kapatid na Elias Arkanghel Jesu-Cristo na hanggang sa kasalukuyan ay ipinaglilingkod ang mga Katotohanan na mababasa sa Banal na Kasulatan o Biblia na inihahayag ang mga Salita ng Hula ng ating Panginoong Diyos at ang Salita ng Hula ni Cristo. At ang Kaligtasang Literal ay napauukol sa Pagtakas o Paglikas na ang sinasaklawan ng kaligtasan ay ang kaligtasan ng lahat ng mga tao sa buong daigdig na matapos mapaunawaan ay nagpasyang sasama sa araw ng pagtakas o paglikas.
ANG PAGTAKAS PATUNGO SA BANAL NA DAKO
MATEO 24:16
16 ang mga nasa Judea ay dapat tumakas papunta sa kabundukan, [ Sambahayan ng Juda o Iglesia ni Cristo…Hinirang ang tanging nakababatid kung saan ang pinakaligtas na Dakong Banal. Oo, kung saan aalagaan ng ating Panginoong Diyos sa loob ng tatlong taon at kalahati ang mga makakasama sa Pagtakas o Paglikas. Ang Banal na Gawain ito ang naatasan ng ating Panginoong Diyos sa katauhan ng kapatid na Elias Arkanghel sa pamamagitan ni Cristo (Elias Arkanghel Jesu-Cristo) na maghahatid sa Kaniyang Iglesia sa Ligtas na Dako. Saan naman?
Pahayag 12:6 MB [6] Ang babae naman ay tumakas patungo sa ilang, sa isang dakong inihanda ng Diyos para sa kanya, upang maalagaan siya roon sa loob ng 1,260 araw.
Oo ang babae na sumasagisag sa Iglesia ni Cristo na doon dadalhin sa pinakaligtas na dako. kasama ang napakaraming bilang ng mga tao na mapalad na makapaglalakbay sa Daan ng Kaligtasan hanggang makarating sa Dakong Banal sa pangangalaga ng ating Panginoong Diyos sa loob ng 1,260 na araw o katumbas ng tatlong taon at kalahati na mananatili doon sa Dakong Banal.
MATEO 24:17-22
17 ang nasa bubungan ay huwag nang mag-aksaya ng panahon na kumuha pa ng kahit ano sa loob ng bahay, 18 at ang nasa bukid ay huwag nang umuwi upang kumuha ng balabal. 19 Sa mga araw na iyon, kawawa ang mga nagdadalang-tao at mga nagpapasuso! 20 Ipanalangin ninyo na ang inyong pagtakas ay huwag mapataon sa taglamig o sa Araw ng Pamamahinga. 21 Sapagkat sa mga araw na iyon, ang mga tao’y magdaranas ng matinding kapighatiang hindi pa nararanasan mula nang likhain ang sanlibutan hanggang sa ngayon, at hindi na mararanasan pa kahit kailan. 22 At kung hindi pinaikli ng Diyos ang mga araw na iyon, walang taong maliligtas. Ngunit alang-alang sa mga hinirang, paiikliin ng Diyos ang mga araw na iyon.
[ 17- 22 : Nangangahulugan lang, saan man abutin ay nakahanda at gayak na para sa Pagtakas o Paglikas. Dapat ninyong maunawaan na sasaklawan ng Hiwaga ng Kapangyarihan ng ating Panginoong Diyos ang araw na yaon. Mapalad ang ganap na sumasampalataya sa araw ng Pagtakas o Paglikas na hindi nag-aalinlangan. Hindi nila halos mamamalayan sa isang kisap mata kung paano sila bibitbitin ng Kapangyarihan ng ating Panginoong Diyos at isasama doon sa pinaka-dakong pagtitipunan ng lahat ng makakasama sa Pagtakas. Sabay-sabay na uusad at lilisanin ang magulo at napakasama ng kalagayan ng daigdig na ito. Lilisananin natin na wala ng lilingunin pa sa lahat ng maiiwan para alalahanin pa pati na ang mga inimpok na mahahalagang bagay sa mahabang panahon na inilagi sa daigdig na iiwan. Sa mga makasasama sa Pagtakas o Paglikas ay hindi makararamdam ng pagod, ng pagkagutom o pagkauhaw. Hindi makararamdam ng maiihi at mapapadumi man. Ngunit sa takdang gustuhin ng ating Panginoong Diyos na kumain at magpahinga, ang lahat ay sasaklawan Niya ng Hiwaga ng Kaniyang Kapangyarihan ang lahat. Ngunit sa panig ng mga naiwan, ano ang magiging kapalaran nila habang payapa ang paglalakbay ng mga nakasama sa Pagtakas o Paglikas?
Sapagkat sa mga araw na iyon, ang mga tao’y magdaranas ng matinding kapighatiang hindi pa nararanasan mula nang likhain ang sanlibutan hanggang sa ngayon, at hindi na mararanasan pa kahit kailan. [ Oo, nakalulungkot sa panig ng mga kapatid na Iglesia ni Cristo, na kahit na nasa uri man sila na maliligtas, mababait, maaamo, mahinahon ngunit hindi naman sumasampalataya sa pagliligtas na gagawin ng ating Panginoong Diyos sa kaparaanang Pagtakas o Paglikas, sa halip ay nangag-alinlangan pa na mga sumama. Dahil doon ay hindi sila magtatamo ng literal na kaligtasan sa Kawasakang Darating sa buong daigdig. Sa halip, daranasin nila ang nakapangingilabot na paghihirap, na masasaksihan nila ang “Matinding Kapighatian” na pinatutungkulan sa Banal na Kasulatan o Biblia na di na mararanasan pa kahit kailanman. Magaganap yan habang nasa pagtakas ang mga Hinirang na kasama ang iba’t-ibang relihiyon na sumampalataya sa Pagtakas o Paglikas. Doon na silang lahat itutuwid! Kaya sa mga hindi sasama sa Pagtakas o Paglikas ay daranasin nila ang napakasaklap na kamatayan dito sa kasalukuyang daigdig sa magaganap na ikatlong pagkaaba. Matapos silang mamatay ay magpapahinga sila sa loob ng Sanlibong taon.
NGAYON NAUNAWAAN MO ITO! HUWAG MO NG HINTAYIN NA TAPUSIN PA ANG KABUUANG PAHAYAG BAGO MO IBAHAGI SA MGA MAHAL MO SA BUHAY, KAIBIGAN AT MGA KAKILALA ANG MGA NAKATAKDANG KAGANAPAN NA MALAPIT NA MALAPIT NG MAGANAP. (ibahagi mo na ito sa kanila)
Pagkalipas ng Sanlibong taon saka pa lamang bababa ang Literal na Panginoong Jesu-Cristo sa Langit na Kaniyang kinaroroonan. Ang Espiritu Niya na, na kay Elias Arkanghel ay magbabalik sa Literal Niyang Katawan sa Langit bago Siya bumaba at ang Espiritu ni Elias Arkanghel na nasa Katawan ng Literal ni Cristo na pinagpalit ng ating Panginoong Diyos, ay magbabalik na sa lihitimong katawan ni Elias Arkanghel.
Si Elias Arkanghel nang siya ay ipinanganak ng literal niyang ina ay sinaklawan din ng Hiwaga ng Kapangyarihan ng ating Panginoong Diyos (ang espiritu ni Maria na ina ni Cristo ay lumakip sa literal na ina ni Elias Arkanghel, Muling naganap at nangyari ang lahat, ayon sa Kalooban ng ating Panginoong Diyos nang isugo ang Kaniyang Banal na Espiritu. Sa pasimula pa lang iginagayak na ang kaniyang ina nang isugo ng ating Panginoong Diyos ang Anghel ng PANGINOON. Nakatakda niyang ipanganak ang isang bata na ang ipapangalan ay “Elias” na nangangahulugan ang Panginoong Diyos ay sumasakaniya.
Apocalipsis 12:5 MB [5] At ang babae ay nagsilang ng sanggol na lalaki, ngunit may umagaw sa bata at dinala ito sa Diyos, sa kanyang trono. Ang sanggol na ito ang itinakdang maghahari sa lahat ng bansa sa pamamagitan ng kamay na bakal.
Marcos 12:6 [6] Mayroon pa siyang isa, isang sinisintang anak na lalake: ito’y sinugo niyang kahulihulihan sa kanila, na sinasabi, Igagalang nila ang aking anak.
Marcos 12:6 ASD 6 Mayroon siyang isang anak na lalaki na kaniyang minamahal. Isinugo rin nga niya ito sa kanila sa huling pagkakataon na sinasabi: Igagalang nila ang aking anak.
Kaya nga nang maisilang na ang sanggol na lalaki (Elias Arkanghel) agad-agad ang espiritu niya ay dinala sa Banal na Luklukan ng ating Panginoong Diyos sa Langit. Ginawa ng ating Panginoong Diyos ayon sa Kaniyang Kalooban na ang Espiritu ni Cristo ay Kaniyang ipagpalit sa espiritu ng sanggol na lalaki na si Elias Arkanghel upang sa takdang panahon ang sanggol na ito ang itinakda Niya na maghahari sa lahat ng bansa sa pamamagitan ng kamay na bakal o sa pamamagitan ng Espiritu ni Cristo na nakalakip kay Elias Arkanghel.
[Para sa kabatiran ninyong lahat, bago pa isinilang ni Maria ang ating Panginoong Jesu-Cristo, sa bawat yugto ng panahon na may nagaganap na pagliligtas sa mga unang lingkod ng ating Panginoong Diyos na mababasa ninyo sa Banal na Kasulatan o Biblia, ang Espiritu ni Cristo ang laging isinusugo ng ating Panginoong Diyos bilang Tagapagligtas. Lumalakip Siya sa Atas ng ating Panginoong Diyos sa kalagayang Espiritu sa sinumang tao na Pinili Niya na Hinirang para maisagawa ang Banal Niyang Kalooban at umiral ang Kaniyang Banal na Katwiran sa pagliligtas.]
Kaya matapos ang Sanlibong Taon na paghahari daratnan na ni Cristo na buhay ang lahat ng mga Hinirang Niya na nakapanirahan na nakasama Niya sa loob ng Sanlibong Taon sa Banal na Bayan na Bagong Jerusalem, na wala ng batik ang lahat o anumang kapintasan, matapos ang Sanlibong Taon na hinubog Niya rin sa kabanalan ang lahat.
Kaalinsabay sa mga panahong yaon ay bubuhayin naman ang lahat ng mga patay. Kahatulan para sa mga nakalaan sa kaparusahan na nagpakalabis sa kasamaan at ang kapalaran na kahatulan sa mga mabubuti na namatay, na ang lundo ng kanilang Kaligtasan ay ang mapalad na makasama ang mga pangalang nila na babasahin sa Aklat ng Buhay na makapaninirahan sa Langit na pinakatahanan na ng ating Panginoong Diyos. ]
Apocalipsis 20:15 MB [12] At nakita kong nakatayo sa harap ng trono ang mga namatay, maging dakila at maging hamak, at binuksan ang mga aklat. Binuksan ang isa pang aklat, ang aklat ng buhay. Hinatulan ang mga patay ayon sa kanilang ginawa, gaya ng nasusulat sa mga aklat. [13] Iniluwa ng dagat ang mga patay na nasa kanya. Inilabas din ng Kamatayan at ng Hades ang mga patay na nalagak sa kanila. Hinatulan ang lahat ayon sa kanilang mga ginawa. [14] Pagkatapos ay itinapon sa lawang apoy ang Kamatayan at ang Hades. Ang lawang apoy na ito ang pangalawang kamatayan. [15] Itinapon sa lawang apoy ang sinumang hindi nakasulat ang pangalan sa aklat ng buhay.
Mga mahal naming kapatid, mga mahal naming kaibigan, magbabalik lang tayo sa aklat ng Mateo, sa bersikulo 24 na tayo, sa talatang 23 hanggang 28.
MATEO 24:23-28
23 “Kung may magsasabi sa inyo, ‘Narito ang Cristo!’ o ‘Naroon siya!’ huwag kayong maniniwala. 24 Sapagkat may lilitaw na mga huwad na Cristo at mga huwad na propeta. Magpapakita sila ng mga kamangha-manghang himala at mga kababalaghan upang iligaw, kung maaari, maging ang mga hinirang ng Diyos. 25 Tandaan ninyo, ipinagpauna ko nang sabihin ito sa inyo. 26 “Kaya’t kung sabihin nila sa inyo, ‘Naroon siya sa ilang,’ huwag kayong pumunta roon. Kung sabihin naman nilang, ‘Naroon siya sa silid,’ huwag kayong maniniwala. 27 Sapagkat darating ang Anak ng Tao na parang kidlat na gumuguhit mula sa silangan hanggang sa kanluran. 28 “Kung nasaan ang bangkay, doon nagkakatipon ang mga buwitre.”
2 Timoteo 4:2 ASND [2] Maging handa ka sa pangangaral ng Salita ng Dios sa anumang panahon. Ilantad mo ang mga maling aral; pagsabihan ang mga tao sa mga mali nilang gawain, at patatagin ang pananampalataya nila sa pamamagitan ng matiyagang pagtuturo.
Ang kahandaan sa pangangaral ng Salita ng ating Panginoong Diyos para ilantad ang mga maling aral at pagsabihan ang mga tao na gumagawa nito ay patuloy na inuudyok ng Banal na Espiritu kay kapatid na Elias Arkanghel Jesu-Cristo na sundin niya ang bilin ng ating Panginoong Diyos na mababasa sa Banal na Kasulatan o Biblia. Ngunit dapat na maunawaan ng lahat, hindi layunin ng kapatid na Elias Arkanghel Jesu-Cristo na hiyain sila na kaniyang mga tutukuyin. Gamitan man niya ng mga matatalim na pananalita, yaon ay Kapahintulutan o Kalooban ng ating Panginoong Diyos na pagwikaan sila ng may kabagsikan.
Apocalipsis 19:15 AB [15] Mula sa kanyang bibig ay lumalabas ang isang tabak na matalas, upang sa pamamagitan nito’y tatagain niya ang mga bansa at sila’y kanyang paghaharian ng tungkod na bakal, at paaagusin niya mula sa pisaan ng ubas ang bagsik ng poot ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat.
Mula sa pisaan ng ubas na sumasagisag na mula sa mga dako ng kapatiran na kaanib sa loob ng Iglesia. At sa bibig ng Kaniyang lingkod, gagamitan sila nito ng Tabak ng Katwiran na may dalawang Talim; ang Katotohanan na susugat sa kanilang damdamin at ang Salita ng ating Panginoong Diyos na lalatay sa kanilang mga kaluluwa, upang paghaharian sila ng Tungkod na Bakal ang Kapangyarihan ng ating Panginoong Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Cristo.
ANG PAGHAHAYAG SA BIBLE BELIEVER’S – IGLESIA NI CRISTO SILA ANG TUWIRANG PINATUTUNGKULAN
[ 23-28 “Kung may magsasabi sa inyo, ‘Narito ang Cristo!’ o ‘Naroon siya!’ huwag kayong maniniwala. ] ang mga katagang ito ay ipinag-aanyaya nila, na gamit-gamit ang pangalang Cristo na ikinapit sa mga pangkating grupo o samahan na itinatag lamang nila, subalit namamalaging nasa loob din ng Iglesia ni Cristo. Mula nang magkaroon ng kaguluhan sa loob ng Iglesia ni Cristo ay naglitawan ang iba’t-ibang grupo at tahasang nagpapaunawa na ang Cristo na ating Panginoon ay naroroon sa kanila. Ngunit ano ang bilin ng ating Panginoong Jesu-Cristo? huwag kayong maniniwala. Isa na nga dito ang Bible Believer’s Iglesia ni Cristo na pawang mga dating nakasama ng kapatid na Elias Arkanghel Jesu-Cristo sa hanay ng mga Hinirang.
Paano nga ba nagsimula silang humiwalay at itatag ang kanilang samahan? Sa pasimula masigasig at magalang ang kapatid na a.k.a. Aiza o a.k.a. Lina Castillo sa mga pagtatanong paghingi ng mga patotoo sa mga Propesiya. Napapadalas ang kaniyang mga pagtatanong na hindi pa kasamang natatalakay kaysa sa mga Bagong Pahayag na nalathala na Blog ng Iglesia ni Cristo…Hinirang. Doon sinimulan na udyukan ng Banal na Espiritu ang kapatid na Elias Arkanghel Jesu-Cristo na pag-ingatan siya lalo na bukambibig niya ang; “natuklasan ko sa sarili kong pagsisiyasat sa pagwawangis ko sa sinasabi ng mga Bible Scholars” ;ay isa na itong pahiwatig na siya ay nakikipamatok na sa mga katuruan sa labas ng Iglesia sa halip na matatag sa pananalig sa katuruan ng Iglesia. Lalo na naghihinanakit sa kaniya ang ilang mga kapatid na Hinirang kapag sinasabi niya na; “alalahanin ninyo kung hindi dahil sa akin ay hindi kayo makakasama sa mga Hinirang. Ako ang nauna sa inyong lahat” Kaya naman, ipinauunawa sa kanila ng kapatid na Elias Arkanghel Jesu-Cristo ng may kahinahunan at pagmamahal, ang tumawag anya sa inyo kaya kayo nakasama sa mga Hinirang ay ang Panginoong Diyos mismo lamang sa pamamagitan ni Jesu-Cristo.
Nakakaalarma na ang mga ikinikilos ni a.k.a Lina Castillo lalo na sa mga Pagtitipon ang madalas na pagbubukod-bukod nila ng mga kababaihan na malapit sa kaniya. Napapansin na ito ng karamihan, at may isang pagkakataon pa sa Pagtitipon ay nagdala sila ng ilang bote ng red wine at tinuksong painumin ang kapatid na Elias Arkanghel na makainom ng isang baso. May katusuhan pa na pagtatanong kung mapahihintulutan ba sila na mag-inuman. Bago pa niya hilingin at ipagpaalam ay bitbit na niya sa Pagtitipon sa isang lamesa kaya may kakaibang mararamdaman na ang kapatid na Elias sa pakikitungo na nila.
Ang kapatid na a.k.a. Lina Castillo ay isang babae na kayang-kaya na niyang mandohan ang ibang kapatid na Hinirang na hindi na sumasangguni sa kapatid na Elias Arkanghel. Kung may nakakasamaan ng loob sa mga kapwa Hinirang at nagpapakababang loob na sa kaniya, ay hindi tumatanggap ng pakikipagkasundo. Nagagawa niyang mandohan kahit ang mabait at maamo niyang asawa, nagagawa niya rin na pagwikaan ng mabigat na salita ang Kuya niya na pinakapanganay nilang kapatid na nakakasama rin sa Pagtitipon na kung ayaw niyang padaluhin ay hindi niya pinasasama; nagagawa rin niya sa mga nakatatanda niya pa na mga kapatid na nasa ibang bansa na hindi sila sundin na pawang mga kumikilala rin sa Banal na Gawain, at nagagawa rin niya ito sa isang ate niyang napakabait at napakahinahon (Mensahera) na halos iniiyak na kay kapatid na Elias Arkanghel Jesu-Cristo ang mga di makatwirang pagtrato sa kanilang mag-asawa at pagbibitaw ng pananalitang ipagdaramdam ng isang Nanay kung naririnig lamang siya, lalo na nang mangumusta ang kaniyang Nanay kay Elias Arkanghel at likhaan niya ng salitang walang kabuluhan at sabihin niya na patay na ito. Pinakabunso si a.k.a. Lina Castillo sa kanilang magkakapatid kaya inuunawa ng mga nakatatanda sa kaniya.
Bakit kailangan ilarawan ang pagtuturing niya sa mga mahal niya sa buhay? Ang kapatid na Lina Castillo ay maibibilang din sa mga suwail na hindi nakalulugod sa ating Panginoong Diyos. Ang pagiging masuwayin niya sa kaniyang mga mahal sa buhay, at ang kataksilan niya sa Panginoong Diyos. Kaya
Efeso 5:6 NPV [6] Huwag kayong padaya kaninuman sa pamamagitan ng mga salitang walang kabuluhan pagkat dahil sa mga bagay na ito dumarating ang galit ng Dios sa mga suwail. [7] Kaya huwag kayong makikisangkot sa kanila. [8] Dati, kayo’y nasa kadiliman, ngunit ngayon ay nasa liwanag sa Panginoon. Mamuhay kayo bilang mga anak ng kaliwanagan, [9] (pagkat ang bunga ng kaliwanagan ay kabutihan, katuwiran, at katotohanan), [10] at hanapin ninyo kung ano ang nakalulugod sa Panginoon. [11] Huwag kayong makikisama sa masasamang gawa ng kadiliman, sa halip ay ilantad ninyo ang mga ito. [12] Sapagkat nakahihiyang banggitin man lamang ang lihim na gawain ng mga suwail.
[ Kaya huwag ninyong ipagtaka kung bakit kailangang ilantad siya. Kalooban ng Panginoong Diyos na huwag na rin na pakisamahan ang tulad niyang suwail na lihim ng gumagawa ng mga kasamaan sa hanay ng mga kapatid sa Iglesia ni Cristo…Hinirang. Sa halip ay ilantad o ihayag ang author ng Bible Believer’s – Iglesia ni Cristo na si a.k.a. Lina Castillo na isang babae na nangangahas lamang maging guro ng kautusan. Subalit walang kamalay-malay ang iba na tuwiran niyang tinutuligsa, kinokontra, binabangga ang mga Katotohanan ng ating Panginoong Diyos na mababasa sa Banal na Kasulatan o Biblia. Ano ang isa sa halimbawa na kaniyang pinangangahasang ipaunawa sa mga kapatid nating Iglesia ni Cristo. Inyong basahin sa larawan ang kaniyang sinasabi.

sa pagtuturo ni a.k.a. Lina Castillo matatag ang kaniyang paninindigan gaya ng kaniyang pagtatanong na nasa larawan pagmamay-ari nila na : “Naihayag na namin sa inyo sa mga nakaraang mga hanay dito sa page ang ukol sa tinatawag na mundong tuluyang mawawasak. Literal nga ba ang sinasabi ng iba na paglikas?” [At tila may pagmamalaki pa niyang ipinahahayag na] : “Naihayag na rin namin sa inyo sa nakaraan na WALANG LITERAL NA PAGLIKAS. Lahat ng nakasulat ay SYMBOLICAL.”
Sa kasaysayan ng mga kaganapan na mababasa sa Banal na Kasulatan o Biblia maraming pangyayari na nagkaroon ng literal na Pagtakas o Paglikas sa kagustuhan ng ating Panginoong Diyos na sila ay mangaligtas sa tiyak na pagkapahamak. At sa panahon naman ni Lot nagkaroon din ng literal na Pagtakas o Paglikas, apat sana silang maliligtas subalit hindi nakasunod sa bilin ang asawa ni Lot kaya’t naging haliging asin kaya’t si Lot at ang dalawang anak niyang babae lamang ang naligtas. Sa panahon ni Propeta Moises nagkaroon ng literal na Pagtakas o Paglikas ang bayang Israel para lisanin ang dakong kinaroroonan nila at ipaubaya sa ating Panginoong Diyos ang kaligtasan nila. Sino pa?
Genesis 7:7 MBB [7] Pumasok nga siya sa malaking barko kasama ang kanyang asawa, mga anak, at mga manugang upang maligtas sa baha.
Genesis 19:17 MBB [17] Nang sila’y mailabas na nila, ay sinabi nila, “Tumakas ka alang-alang sa iyong buhay. Huwag kang lumingon o huminto man sa buong libis; tumakas ka hanggang sa bundok, sapagkat kung hindi, ikaw ay mamamatay.”
Exodo 14:30 MBB [30] Nang araw na iyon ang mga Israelita’y iniligtas ni Yahweh sa mga Egipcio; nakita nila ang bangkay ng mga Egipcio, nagkalat sa tabing dagat.
Kaya, napakahalaga ng pagsunod sa ibinibilin ng ating Panginoong Diyos para ang tao ay magtamo ng kaligtasan. Ngunit paano na ang mga tao na ibig ng ating Panginoong Diyos na sila ay maligtas kung tuturuan ng may kapangahasan na kaisipan na huwag sundin ang Kaniyang Kalooban. Tahasan niyang kinakalaban ang ating Panginoong Diyos.
Diyan kahabag-habag si a.k.a. Lina Castillo ang author ng Bible Believer’s-Iglesia ni Cristo na hindi sumasampalataya sa Paglikas o Pagtakas. Kung magpapatuloy siya sa paniniwala niyang yan ay hindi nga siya maliligtas. Ganun na rin ang mga naniniwala sa mga turo niya. May nalalabi pang panahon para siya maligtas at ang mga naniniwala sa kaniya. Nawa magbago na siya ng pag-iisip at kilalanin niya at ng mga naniniwala sa kaniya na may literal na magaganap na Pagtakas o Paglikas! Hindi kasi magiging angkop na Bible Believer’s siya kung tinatanggihan niya ang Katotohanan na may literal na magaganap na Pagtakas o Paglikas. Sana nauunawaan niya ang salitang EXODO na bahagi ng ikalawang aklat ng Biblia na Pinaniniwalaan niya!
Anong mga pagpapaunawa pa ang itinuturo niya para mapaniwala niya na siya di umano na ang kinakasihan ng Banal na Espiritu? At angkinin ang natutunan na pagkaunawa sa Mga Gawa 2:16-18
Mga Gawa 2:16-18 [16] Manapa’y natupad ngayon ang sinabi ni Propeta Joel: [17] ‘Ito ang gagawin ko sa mga huling araw, sabi ng Diyos, Pagkakalooban ko ng aking Espiritu ang lahat ng tao, At sa ngalan ko’y magpapahayag ang inyong mga anak. Ang inyong mga binata’y makakakita ng mga pangitain, At ang inyong matatandang lalaki’y magkakaroon ng mga panaginip. [18] Sa mga araw na iyon ay pagkakalooban ko rin ng aking Espiritu Ang aking mga alipin, maging lalaki at babae, At sa ngalan ko’y magpapahayag sila.
Sila na diumano ang katuparan ng Propesiya na pinagkalooban ng ating Panginoong Diyos ng Kaniyang Espiritu. Kaya si a.k.a. Lina Castillo nagpakita siya ng mga kamangha-manghang pagpapaunawa niya na isang himala sa mga nakapakikinig sa kaniya at nakababasa ng mga ipinapahayag niya. At pilit na inagaw na nga niya ang kaukulan ng ibang mga Mensahera na nakapananaginip at may mga pangitain, na napagpapaunawaan noon ni Elias Arkanghel Jesu-Cristo, nang sila ay magkakasama pa. Dahil ipinapalagay niya ang kaniyang sarili na isa rin siyang propeta.
Ang katotohanan nito kapag may Mensahe ang ating Panginoong Diyos sa panaginip ng pamangkin niya, na tuwirang sumasangguni noon kay Elias Arkanghel Jesu-Cristo ay inuunahan na niyang hingin sa pamangkin niya na hindi na siya matanggihan ng bata, dahil diumano nagagalit sa kaniya. Kaya kapag nasa kaniya na ang Mensahe ay pinangangahasan na niya ito, na bigyan na niya ng pagpapakahulugan ayon sa unawa niya, na kung hindi aayon sa ipinaunawa ni a.k.a. Lina Castillo ang ipinauunawa ng kapatid na Elias Arkanghel Jesu-Cristo ay itinuturing niya na bulaan na at mali-mali na diumano ang pagpaunawa ng Propeta na dating maalab ang pagsunod niya.
Sa panahong pinagmamalasakitan hanayan ng mga talata na inilalatag sa group chat nang magkakasama pa sila noon ay binibigyan niya ng pagpapaunawa sa lahat ng mga naroroon na tila isinusumpa diumano sila ng kapatid na Elias Arkanghel Jesu-Cristo kahit ang mga pagpapayo ay mula sa mga talata ng Banal na Kasulatan ipinaunawa niya ito sa kaniyang mga kumikilala na isang pagtugis sa kanila. Kaya nilikhaan niya ng galit ang lahat upang sa kaniya mabaling ang pakikinig. Bumabangon na ang kaisipan ng paghihimagsik. Tuluyan na niyang dinaya ng mapanlansi niyang kaisipan ang mga Hinirang na nahatak niya na siya na ang kilalanin at si Elias Arkanghel Jesu-Cristo ay huwag na nilang paniwalaan at huwag na rin nilang kilalanin. Dahil hindi na umano babalik diumano ang Banal na Espiritu na kinikilala rin niya na unang nadama niya na nakalakip kay Elias Arkanghel Jesu-Cristo.
Ang totoo, hinayaan lamang ni Elias Arkanghel Jesu-Cristo na mangyari ang lahat ng ito, ang kaniyang pananamlay sa paggawa, na umaayon sa Kalooban ng ating Panginoong Diyos para matupad ang Propesiya na Pahayag ni Jesu-Cristo.
Pahayag 2:19-22 FSV 19 “Alam ko ang mga gawa mo ang iyong pag-ibig, pananampalataya, paglilingkod, at pagtitiis. Alam kong ang mga huli mong ginawa ay higit kaysa una. 20 Subalit mayroon akong bagay na laban sa iyo: hinahayaan mo ang babaing si Jezebel, na nagsasabing siya’y propeta. Sa pagtuturo ay inililigaw niya ang mga lingkod ko upang makiapid at kumain ng pagkaing inialay sa diyus-diyosan. 21 Binigyan ko siya ng panahon upang magsisi, subalit tumanggi siyang magsisi sa kanyang pakikiapid. 22 Tandaan mo, iraratay ko siya sa higaan ng karamdaman, maging ang mga nakiapid sa kanya ay itatapon ko rin sa matinding pagdurusa, maliban kung pagsisihan nila ang kanyang mga gawa.
Nakalulungkot hindi nila napagtagumpayan ang pagsubok. Dumating sa kanila ang kaisipan ng kaaway ng Panginoong Diyos at umiral ang babaing si Jezebel sa katauhan ng kapatid na a.k.a. Lina Castillo na nagsasabing siya’y propeta. Ang pakikiapid niya sa mga katuruan ng ibang tagapagturo ng ibang relihiyon at pagpapakain na inialay sa diyus-diosan ay katumbas na kaniyang isinusubong mga kaalaman na hindi mula sa ating Panginoong Diyos. Oo ang mga nakalalason niyang pagpapaunawa na mula sa mga pinagsasanggunian niya ang mas pinapanigan niya, kung kaya kalituhan ang unawang dumating na sa kaniya. Kaya naman ang mga dating mga kapatid na Hinirang na kumilala at sumama na sa kaniya ay tuluyan ng mga nangaligaw (katuparan ng Mateo 24:23-26)
MATEO 24:23-26
23 “Kung may magsasabi sa inyo, ‘Narito ang Cristo!’ o ‘Naroon siya! huwag kayong maniniwala. 24 Sapagkat may lilitaw na mga huwad na Cristo at mga huwad na propeta. Magpapakita sila ng mga kamangha-manghang himala at mga kababalaghan upang iligaw, kung maaari, maging ang mga hinirang ng Diyos. 25 Tandaan ninyo, ipinagpauna ko nang sabihin ito sa inyo. 26 “Kaya’t kung sabihin nila sa inyo, ‘Naroon siya sa ilang,’ huwag kayong pumunta roon. Kung sabihin naman nilang, ‘Naroon siya sa silid,’ huwag kayong maniniwala.

Pansinin ninyo mga mahal kong kapatid, ang inyong mababasa na nasa larawan! (unawain ng bumabasa ang pahayag ng author ng Biblle Believer’s-Iglesia ni Cristo); Kami ang tunay na nakakaalam ng ukol sa kung sino ang DALAWANG SAKSI sa Pahayag 11 (ayon sa Page nila). Oo, mula ito sa hanay ng author ng Bible Believer’s na si a.k.a. Lina Castillo (babae). Gaya ng nasa larawan mapupuna ninyo ang malaking letra na Dalawang Saksi na may pagdidiin, dahil may tuwiran siyang pinatutungkulan, (na nahayag noon nang magkakasama pa sila sa Iglesia ni Cristo…Hinirang) na sila diumano ang tunay na nakaaalam ng ukol sa kung sino ang DALAWANG SAKSI sa Pahayag 11. Para sa kabatiran ninyo gaya ng mababasa ninyo sa larawan mula sa FB Page nila na ang DALAWANG SAKSI ay pilit niyang ikinakapit sa kaniyang sarili, na isa siya sa Dalawang Saksi (pangunahin sa dalawa ang napauukol kay Cristo ) at pilit din niyang pinaniwala ang isang mabait na kapatid na hinirang, na siya ang katuparan din sa isang saksi. na maisama lamang niya, sa mga aaklas sa hanay ng Iglesia ni Cristo…Hinirang. Ngunit ang totoo mabigat din ang loob niya sa kapatid, kaya nga nakapagtataka kung bakit pinaniwala niya na isa din sa Dalawang Saksi (banal na kaukulan naman ng isang Propeta) Hindi niya kasi matanggap na siya ang pangunahing katuwang ni Elias Arkanghel Jesu-Cristo na kinikilala niya na isa sa saksi, ngunit bakit hindi siya madeklara na isa rin sa Dalawang Saksi. Napakaselan na usapin kung kaya wala pang derektang nalalathala ang kapatid na Elias Arkanghel Jesu-Cristo patungkol sa Dalawang Saksi bagama’t naipaunawa na sa kaniya kung sino ang higit na pinatutungkulan.
Hindi ang ka Lina Castillo, na naghahangad lamang na isa siya sa Dalawang Saksi na pinatutungkulan sa Pahayag 11. Subalit, yaon ay Banal na Kaukulan ni Cristo at ang isa ay Banal na kaukulan ng isang Hinirang na Propeta. Kaya huwad na saksi si Lina Castillo, huwad na huwad na pilit lamang ikinakapit sa kaniyang sarili ang Banal na Kaukulan ng Panginoong Jesu-Cristo. Kung kaya nasabi ng ating Panginoong Jesu-Cristo na ; may lilitaw na mga huwad na Cristo at mga huwad na propeta. Hindi sila ang Dalawang Saksi. Kaya ang bilin ay huwag kayong maniniwala sa kanila. Kahit pa may magsasabi sa inyo, ‘Narito ang Cristo!’ o ‘Naroon siya! Saan ba sila naglalagi? Kaya’t kung sabihin nila sa inyo, ‘Naroon siya sa ilang,’ huwag kayong pumunta roon. Kung sabihin naman nilang, ‘Naroon siya sa silid,’ huwag kayong maniniwala.
Ang mga larawan na matutunghayan ninyo kung saan naroroon sila sa ilang ay yan ang kanilang personal website. At naroroon din sila sa kanilang silid o sa kanilang messenger room sa kanilang FB Page.

Kaya nagpapatotoo ang mga larawan na yan na mula sa kanila na sila ang derekta o tuwirang pinatutungkulan ng ating Panginoong Cristo na magsasabing; kung sabihin nila sa inyo, ‘Naroon siya sa ilang,’ huwag kayong pumunta roon. Kung sabihin naman nilang, ‘Naroon siya sa silid,’ huwag kayong maniniwala.
LINA CASTILLO sabi niya : . Kami ang tunay na nakakaalam ng ukol sa kung sino ang DALAWANG SAKSI sa Pahayag 11.
. Kami ang tunay na nakakaalam kung ano ang ibig sabihin ng Daniel 9 at kung sino ang mamamatay. . . . . Kami ang nakaunawa ng Daniel 12 at kung sino ang sinasalamin ng nakadamit lino na nasa ibabaw ng tubig. . . . . Kami lamang ang nakapagpahayag ng malinaw ukol sa ibig sabihin ng logo ng Iglesia. . .Kami lamang sa loob ng Iglesia ang nagpahayag na ang 1,000 years ay figurative at hindi literal na dami ng taon ukol sa kaganapan. . . .Kami lang ang nakapagpahayag ng buong katotohanan at may pagwawangis ukol sa Mateo 24.



Kami lang ang nakapagpahayag ng buong katotohanan at may pagwawangis ukol sa Mateo 24 . – a.k.a. Lina Castillo
Kayo na mga kapatid ang humusga kay kapatid na a.k.a. Lina Castillo ang author ng Bible Believers – Iglesia ni Cristo kung buong katotohanan nga ba niyang naipahayag ang Mateo 24 na may pagwawangis gaya ng kaniyang sinasabi..
Pagkatapos ay ikumpara ninyo sa nababasa ninyong pagpapaunawa ng Iglesia ni Cristo…Hinirang sa halos kabuuang pahina ng Mateo 24 mula talatang 1 hanggang sa kabuuan 51 na ayon sa pagkakasununod-sunod ng mga talata, pagkasunud-sunod din na mga pangyayari na kalakip ang iba’t-iba pang mga talata na nauugnay din sa mga Salita ng Hula na ipinahayag ni Cristo na mababasa sa Aklat ni Apostol Mateo 24?
Hayag na hayag man sa inyo na pag-angkin lamang niya ang lahat, na siya lang, na siya lang, na siya lang ang nakapagpahayag ng buong katotohanan sa mga nababanggit niyang mga talata gaya ng Mateo 24!?Sa kapangahasan at pagpupumilit na siya ay maging guro ng kautusan siya ang pumili ng kaniyang magiging kapalaran. Subalit, kailanman ay marami ang tututol at hindi siya paniniwalaan na tanging siya lamang diumano ang nakapagpahayag ng buong katotohanan sa mga nabanggit niyang mga talata ng Biblia. Tila ibig pa niyang higitan ang ating mga mahal na kapatid na Felix Y. Manalo at kapatid na Erano G. Manalo na naunang nakapagpaunawa ng buong husay sa mga talatang binabanggit niya dahil sa pamamatnubay ng Banal na Espiritu na lumalakip sa kanila ng sila ay mga nabubuhay pa.
Palibhasa hindi niya kinikilala ang kasalukuyang Pamamahala ng kapatid na Eduardo V. Manalo na lingid sa kaalaman, ng mga marami nilang napaniwala, na nasa FB Page nila. Naitatago pa nila sa Pamamahala ng Iglesia ang kanilang mga pagkakakilanlan at hindi pa tukoy kung sinu-sino sila. Ngunit ipinaunawa sa akin ng ating Panginoong Diyos dalawa sa malapit sa kaniya ang tuwirang magkakanulo rin sa kaniya sa tunay na pagkakakilanlan niya kung sino siya at saang Lokal naroroon siya.
Nakalulungkot lang, Ipinipilit niya kasi sa sarili niyang pagkaunawa, na sila ang nilakipan ng Banal na Espiritu, na kinatuparan na mababasa sa aklat ng mga Gawa 2. Ito ay inangkin din lamang niya mula ng maipaunawa ng kapatid na Elias Arkanghel Jesu-Cristo sa mga pagtitipon nila noon na kanilang nadadaluhan. Hinangad niyang daluyan rin siya tulad ng mga Mensahera at Mensahero na nilalakipan ng Banal na Espiritu at ng mga Arkanghel at ng mga Anghel. Ito ang kaniyang isa sa kaniyang pinagdaramdam sapagkat kahit anong pagpupumilit niyang matuto sa mga pinagagawa sa kanila ni Elias Arkanghel Jesu-Cristo ay hinding-hindi siya napapahintulutan. Bigung-bigo siya pati na ang mga malalapit sa kaniya. Mabuti pa ang kaniyang asawa nakaramdam at nagpatotoo na may Anghel na nagparamdam sa kaniya nang sabihin ng kapatid na Elias Arkanghel.
Kaya nang tuluyan ng humiwalay ay naghanap pa ng talata na napatutungkol sa ginagawa ng mga anghel (gaya ng makikita sa cover photo sa FB Profile nila) at ipinilit na ikinapit na nila, na sila ang pinatutungkulan. Anghel na may kakayahang humatol ng mabuti, mga anghel na sila diumano ang mag-aani. Ngunit sa paghahangad nila na maging kalugud-lugod sa ating Panginoong Diyos ay may tuwiran at tahasan na silang nalalabag sa ating Panginoong Diyos. Kung pangangatwiranan pa rin nila, ay derektang pakikipagtunggali na nila pakikipagtagisan na nila ito sa ating Panginoong Diyos na lalo lamang nilang ipinagpapatuloy ang paglaban nila at paghihimagsik sa Kaniya.
1 Corinto 14:34 ADB1905 [34] Ang mga babae ay magsitahimik sa mga iglesia: sapagka’t sila’y walang kapahintulutang mangagsalita; kundi sila’y pasakop, gaya naman ng sinasabi ng kautusan.
Gaya ng naipaunawa na sila ay walang kapahintulutan mangagsalita sa mga nasa Iglesia kundi pinatatahimik at tinuturuan silang pasakop gaya ng sinasabi ng kautusan.

Ang katawagan na earth angels sa group chat nila noon, bitbit-bitbit pa rin nila mula ng maghimagsik sila sa Iglesia ni Cristo…Hinirang sa paghahangad na maging mga anghel sila na hindi naipahintulot na mapabilang sa mga binigyan ng ating Panginoong Diyos na makabahagi sa Hiwaga. Gusto talaga nilang maging mga anghel. Ang katunayan ginawa pa nilang pinaka-cover photo ng kanilang Facebook Page.
Sa takdang panahon, mababago ang damdamin ng Pamamahala sa hinaharap at kikilalanin din ang Banal na Gawain na itinataguyod ng kapatid na Elias Arkanghel. Subalit sa hanay nila, kapag nabalitaan nila ito uusigin pa niya ang pagsasama ng kapatid na Eduardo V. Manalo at ng kapatid na Elias Arkanghel.
May pakiusap nga pala ang kapatid na Lina Castillo: “Kaya sana ay hayaan ninyong magbasa ang mga kapatid para sa kanilang ikatututo para sa ikapagiging handa nila sa hinaharap ng panahon ng pagdadalisay. ” sa pakiusap niya talagang nag-iimbita siya na magbasa ang kumikilala sa kanila sa website nila at FB Page nila at kapag nagkalapatan ng loob maiimbitahan ka na nila na makapalitan ng message sa Messenger room nila.

Kaya lang talagang mali na ipilit niya, ipilit ng mga kasama niyang mga kababaihan na maging guro siya ng kautusan. Wala siyang kapahintulutan mula sa ating Panginoong Diyos. Mali ang mga pagpapaunawa niya sa mga Salita ng Diyos na pinangangahasan niya na ipaliwanag. Marami ang maliligaw at nanganganib pa na hindi mga maligtas. Sa kabila ng lahat ..
Binigyan ko siya ng panahon upang magsisi, subalit tumanggi siyang magsisi sa kanyang pakikiapid. Yung sinasabi na pakikiapid ay katumbas ng kaniyang pakikiayon sa mga nasa ibang pananampalataya sinasangguni niya ang kanilang mga kaalaman dahil diumano sila ang mga iskolar sa Biblia kaysa sa kinabibilangan niya na sinasabi niya na hindi pa nga sila tiwalag. Ayaw niya talaga magsisisi na ilang ulit na ngang napaaalalahanan, dito na rin sa Blog ng Iglesia ni Cristo…Hinirang. Ipinipilit pa rin niya na maging guro ng kautusan. Katunayan, nagpapatuloy pa rin siya hanggang ngayon sa paggawa ng mga pahayag gamit ang Banal na Kasulatan na inililihis ang mga Salita ng Panginoong Diyos at iayon lamang sa sarili niyang pang-unawa. Dahil ayaw niyang magbago, ayaw niyang magsisi; ano ang tinitiyak ng ating Panginoon na magiging kasasapitan niya at ng mga kapatid na kumikilala na rin sa kaniya? Tandaan mo, iraratay ko siya sa higaan ng karamdaman, maging ang mga nakiapid sa kanya ay itatapon ko rin sa matinding pagdurusa, Tiniyak ni Cristo. May pasya na! Ngunit may pag-asa pa ba? maliban kung pagsisihan nila ang kanyang mga gawa.
Kaya sa ibang mga pagkakataon ay ipagmamalasakit muli sa kanila na maipaunawa ang mga kamalian na naituturo niya hanggang ngayon. Samantala balikan natin ang Mateo 24
Ang Pagparito ng Anak ng Tao
MATEO 24:29-31
29 “Pagkatapos ng kapighatian sa mga araw na iyon, magdidilim ang araw, hindi magliliwanag ang buwan, malalaglag mula sa langit ang mga bituin, at mayayanig ang mga kapangyarihan sa kalawakan. 30 Pagkatapos, lilitaw sa langit ang tanda ng Anak ng Tao at mananangis ang lahat ng mga bansa sa daigdig. Makikita nila ang Anak ng Tao na nasa alapaap at dumarating na may dakilang kapangyarihan at kadakilaan. 31 Sa hudyat ng malakas na tunog ng trumpeta, susuguin niya ang kanyang mga anghel sa apat na sulok ng daigdig at titipunin nila ang mga hinirang mula sa lahat ng dako.”
“Pagkatapos ng kapighatian sa mga araw na iyon, [ pagkatapos ng mga kaguluhan. sa mga panahong yaon na lumikha ng matinding hapis sa marami.] magdidilim ang araw, hindi magliliwanag ang buwan, [ makadarama ng kawalan ng pag-asa ang mga kapatid, at magiging mapanglaw ang lahat ] malalaglag mula sa langit ang mga bituin, [ magbabagsakan mula sa Bayan ng Panginoong Diyos o Iglesia ni Cristo ang mga tinitingalang mga kapatid katumbas na mga mangawawala sila at mga magsisipanaw. ] at mayayanig ang mga kapangyarihan sa kalawakan. [ Dahil diyan, mayayanig ang mga kaharian o mga Distrito sa pangkalahatan ]
Pagkatapos, lilitaw sa langit ang tanda ng Anak ng Tao [ Oo, lilitaw sa Bayan ng ating Panginoong Diyos o lilitaw sa Iglesia ni Cristo ang tanda o pagkakakilanlan ni Cristo. Nangangahulugan sa kalagayang Espiritual sapagkat tanda lamang o pagkakakilanlan lamang. Napakahalagang maunawaan ng lahat yung tanda lamang o yung pagkakakilanlan lamang ang lilitaw; at hindi ang literal na Anak ng Tao. Paano ninyo siya makikilala kung pare-pareho kayo ng pagkaunawa na ang lilitaw mismo ay ang literal na Panginoong Jesu-Cristo? Ginigising lang kayo sa Katotohanan, ang lilitaw ay tanda lamang ng pagkakakilanlan ng Anak ng Tao. Kaya hindi literal na si Cristo ang makikita ninyo.
Ano pa ang dumarating na pagkaunawa sa inyo? Ang iniisip ng halos lahat sa inyo ang tagpong yan ay sa Araw na ng Paghuhukom?! Maling-mali talaga! Kung bakit? (Unawain ng bumabasa) at mananangis ang lahat ng mga bansa sa daigdig. [ yan ang dapat na maunawaan ninyong lahat na mananangis pa ang lahat ng mga bansa sa daigdig. Dahil kung yan ay magaganap sa araw na ng Paghuhukom, ay wala ng mga kikibo pa doon at wala na rin na magsisiiyakan. Para ano? Para kaawaan at para makiusap na basahin ang kanilang mga pangalan?! Sa panahon na yaon sa Araw ng Paghuhukom ay babasahin na lamang ang mga pangalan at hahatulan na ang bawat isa ayon sa kaniyang mga ginawa.
Kaya hindi pa sa Araw ng Paghuhukom at yan ay dito pa lamang sa kasalukuyang daigdig na ating kinaroroonan, na nasa yugto ng ating panahon na tinatawag sa dulo ng panahon. Kung mananangis ang lahat ng mga bansa sa daigdig ito ay dahil sa ] Makikita nila ang Anak ng Tao na nasa alapaap [ makikita nila na nasa maluwalhati ng kalagayan kaya hindi literal na alapaap kundi sumasagisag sa ikatatanyag Niya. Bakit matatanyag? Sapagkat naparito Siya bilang Anak ng Tao na taglay Niya ang dakilang kapangyarihan at kadakilaan na mula sa ating Panginoong Diyos. Si Cristo bilang Elias na Propeta na Anak ng Tao ay nakalakip ang Kaniyang Espiritu kay Elias Arkanghel na kamukha ng Anak ng Tao.
Pahayag 14:14 MBB 14 Tumingin uli ako, at nakita ko ang isang puting ulap, at nakaupo rito ang isang kamukha ng anak ng tao, may suot na koronang ginto at may hawak na isang matalim na karit.
Ang tagpong yan ay halos nasa magkatulad na kalagayan ng paglalarawan sa unang nabasa natin na talata ng Mateo 24:30, at ngayon naman ay Pahayag 14:14; na ang unang talata ay napauukol kay Cristo, bilang Anak ng Tao at kay Elias Arkanghel Jesu-Cristo naman bilang kamukha ng Anak ng Tao. Saan pa sila magkamukha? Magkamukha sa Banal na Gawain na Kanilang itinataguyod. Kapwa Nila ipinagmalasakit ang kaligtasan ng lahat ng tao. Banal na Katwiran ng ating Panginoong Diyos na maipaunawa sa lahat ang Magandang Balita ni Cristo at Bagong Pahayag ng ating Panginoong Diyos sa pagmamahal sa lahat ay ngayon pa lamang inihahayag para mailigtas ang lahat ng mga tao.
Isaias 48:6-7 ASND 6 Narinig ninyo ang aking mga propesiya at nakita ninyo ang katuparan ng mga ito, pero ayaw ninyong tanggapin na ako ang gumawa nito. Mula ngayon, sasabihin ko sa inyo ang mga bagong bagay na hindi ko pa ipinahayag sa inyo. Hindi pa ninyo ito alam. 7 Ngayon ko pa lamang ito gagawin para hindi ninyo masabing itoʼy alam na ninyo.
Ang Aral mula sa Puno ng Igos
MATEO 24:32-35
32 “Unawain ninyo ang aral mula sa puno ng igos; kapag ang mga sanga nito ay umuusbong at nagkakadahon na, alam ninyong malapit na ang tag-araw. 33 Gayundin naman, kapag nakita ninyo ang lahat ng ito, malalaman ninyong malapit na siyang[a] dumating, halos naririto na. 34 Tandaan ninyo, magaganap ang lahat ng mga ito bago maubos ang salinlahing ito. 35 Lilipas ang langit at ang lupa, ngunit ang aking mga sinasabi ay tiyak na mananatili.”
Hindi natin maiiwasan na mailakip ang kabuuan ipinahayag ni Cristo patungkol sa puno ng igos sa aklat na sinulat ni Apostol
Mateo 21:18-21 MBB [18] Kinaumagahan, habang pabalik si Jesus sa lunsod, siya’y nagutom. [19] Nakakita siya ng isang puno ng igos sa tabi ng daan, at nilapitan ito. Ngunit wala siyang natagpuan kundi mga dahon. Kaya’t sinabi niya sa puno ng igos, “Hindi ka na mamumunga kailanman!” At pagdaka’y natuyo ito. [20] Nakita ito ng mga alagad at namangha sila. “Paanong natuyo agad ang puno ng igos?” tanong nila. [21] Sumagot si Jesus, “Tandaan ninyo ito: kung nananalig kayo sa Diyos at hindi nag-aalinlangan, magagawa rin ninyo ang ginawa ko sa puno ng igos na ito. Hindi lamang iyan! Kung sabihin ninyo sa bundok na ito, ‘Umalis ka riyan; tumalon ka sa dagat,’ mangyayari ang inyong sinabi. [22] At anumang hingin ninyo sa pananalangin ay tatanggapin ninyo, kung nananalig kayo.”
Hindi kasi natin mauunawaan ang aral mula sa puno ng igos kung hindi natin mailalakip ang mga talatang iyan. Lubhang napakahalagang talinhaga na nakapaloob ang bilin ni Cristo na dapat na pakatandaan anya ng isang nananalig sa magagawa ng ating Panginoong Diyos. Huwag anya mag-aalinlangan, magagawa rin ninyo anya ang ginawa Niya sa puno ng igos. Kaya’t sinabi niya sa puno ng igos, “Hindi ka na mamumunga kailanman!” At pagdaka’y natuyo ito. Nais ipaunawa ni Jesu-Cristo anumang hingin ninyo sa panalangin ay manalig kayong natanggap na ninyo ito.
Gayundin naman, kapag nakita ninyo ang lahat ng ito, [ Alin yaong kapag nakita ninyo ang lahat ng ito. Ito yaong mga kasagutan Niya sa mga palatandaan kapag naganap na ang Kaniyang mga hinanay ay upang] malalaman ninyong malapit na siyang[a] dumating, halos naririto na. Nang ipinapahayag yan ni Cristo sa Kaniyang mga alagad ay may kasagutan Siya na hindi na angkop para sa kanilang panahon. Kaya ng sabihin Niya na magaganap ang lahat ng mga ito, umaayon ang lahat sa yugto na ng ating panahon naganap. Oo, sa dulo ng panahon. Lilipas ang langit at ang lupa, ngunit ang aking mga sinasabi ay tiyak na mananatili. Kaya huwag aakalain ng sinuman na mababago pa ang mga ipinahayag ni Cristo, gaya ng Kaniyang ipinauunawa sa Kaniyang muling pagbabalik. Tinitiyak Niya na mananatili ang Kaniyang mga sinabi kahit ano pa ang mangyari!
Juan 14:18 MBB005 [18] “Hindi ko kayo iiwang nangungulila; babalik ako sa inyo.
Walang Nakakaalam ng Araw o Oras
MATEO 24:36-44
36 “Ngunit tungkol sa araw at oras na iyon ay walang nakakaalam, kahit ang mga anghel sa langit [o maging ang Anak man].[b] Ang Ama lamang ang nakakaalam nito. 37 Ang pagdating ng Anak ng Tao ay tulad noong panahon ni Noe. 38 Nang mga araw na iyon, bago bumaha, ang mga tao’y nagsisikain, nag-iinuman, at nagsisipag-asawa hanggang sa araw na pumasok si Noe sa barko. 39 Hindi nila namamalayan ang nangyayari hanggang sa dumating ang baha at tinangay silang lahat. Gayundin ang mangyayari sa pagdating ng Anak ng Tao. 40 Sa panahong iyon, may dalawang lalaking nagtatrabaho sa bukid, kukunin ang isa at iiwan ang ikalawa. 41 May dalawang babaing nagtatrabaho sa gilingan, kukunin ang isa at iiwan ang ikalawa. 42 Kaya’t maging handa kayo dahil hindi ninyo alam kung kailan darating ang inyong Panginoon. 43 Unawain ninyo ito: kung alam ng may-ari ng bahay kung anong oras sa gabi darating ang magnanakaw, siya’y maghahanda at hindi niya pababayaang pasukin ang kanyang bahay. 44 Kaya’t lagi kayong maging handa, sapagkat darating ang Anak ng Tao sa oras na hindi ninyo inaasahan.”
Ngunit tungkol sa araw at oras na iyon ay walang nakakaalam, kahit ang mga anghel sa langit [o maging ang Anak man].[b] Ang Ama lamang ang nakakaalam nito. [ ipinauunawa ni Cristo sa Kaniyang mga alagad na kausap sa panahong yaon, na walang tiyak na petsa o oras ang Kaniyang pagbabalik. Pawang mga palatandaan lamang ang itinugon Niya sa kanila. At ipinaunawa Niya sa kanila na tanging ang Amang Banal lamang ang nakakaalam. Maging ang mga Anghel man sa Langit o Siya na Anak ng ating Panginoong Diyos ay di pa Niya batid noon ang Kaniyang pagbabalik. Oo, noon walang nakakaalam maging ang mga anghel sa Langit. Nangangahulugan alam na Niya ngayon sa yugto ng ating panahon, sa dulong panahon ay naganap ang Kaniyang pagbabalik.
Hindi pa naman Araw ng Paghuhukom ang tinatalakay sa kabuuan ng Mateo 24:1-51. Katunayan bahagi ng ipinahayag sa Mateo 24 talagang mangyayari ang mga iyon, bagama’t hindi pa iyon ang katapusan ng mundo. Paghahanda pa lamang sa Kaniyang Pagbabalik ang pinatutungkulan ng kabuuang pahina at pagpapaunawa sa mga kaganapan bago ang takdang araw ng Pagtakas o Paglikas.
Ang pagdating ng Anak ng Tao ay tulad noong panahon ni Noe. [ Anong mayroon sa panahon ni Noe?] 38 Nang mga araw na iyon, bago bumaha, ang mga tao’y nagsisikain, nag-iinuman, at nagsisipag-asawa hanggang sa araw na pumasok si Noe sa barko. 39 Hindi nila namamalayan ang nangyayari hanggang sa dumating ang baha at tinangay silang lahat. Gayundin ang mangyayari sa pagdating ng Anak ng Tao. [ ganiyan na rin ang kasalukuyang kalagayan ng mga tao sa yugto ng ating panahon. Limot na nila ang mga bagay na makapagbibigay lugod sa ating Panginoong Diyos kaysa sa mga Hinirang ng ating Panginoong Diyos na iginagayak at inihahanda. Samantala sila na ayaw kilalanin ang Banal na Gawain ay nakatuon na lang sila sa mga bagay na kanilang pinagkakaabalahan. Doon na halos nakasentro ang kanilang buhay, mas higit na ngang pinahahalagahan ang magiging pakinabang sa kanila nito sa daigdig na ito. Hanggang hudyatan na ng Panginoong Diyos si Elias Arkanghel Jesu-Cristo (tulad ng pinagawa kay Noe) ang Kaniyang Pinili na sa kaniya nakalakip ang Espiritu ng inyong Panginoong Jesu-Cristo na may awtoridad
Pahayag 12:10 ASND 10 Pagkatapos, narinig ko ang malakas na tinig mula sa langit na nagsasabi, “Dumating na ang pagliligtas ng Dios sa mga tao. Ipinapakita na niya ang kanyang kapangyarihan bilang hari at ang awtoridad ni Cristo na kanyang pinili.
Sa hudyat na ibibilin ng ating Panginoong Diyos kay Elias Arkanghel Jesu-Cristo gagawin na niya ang kaniyang kaukulan sa paglalakbay sa Daan ng Kaligtasan, na kaniyang pangungunahan ang Paghahatid sa mga makakasama sa Pagtakas o Paglikas. Dadalhin sa pinaka-ligtas na Dako, na inihanda ng ating Panginoong Diyos sa lahat ng mga makakasama doon. Kaawa-awa ang magiging kalagayan ng mga maiiwan. Sapagkat inilalarawan ng ating Panginoong Jesu-Cristo ang mga palantandaan, samantalang ipinauunawa naman ng ating Panginoong Diyos ang mga dapat na kahandaan. Sa panig ng walang pagtatalaga sa Gawain ng ating Panginoong Diyos ay kahabag-habag ang magiging kapalaran nila na mga magpapaiwan dahil kinulang sila ng pananampalataya, mas pinili nilang doon na lamang sila mamamatay. Oo, hindi nila mamamalayan, darating sa kanila ang baha, ang walang katumbas na kapighatian na sasapitin ng mga tao sa daigdig na ito.
Mga Bilang 12:6 MBBTAG [6] sinabi niya, “Pakinggan ninyo ang sasabihin ko. Kung ang sinuma’y nais kong piliing propeta, nagpapakita ako sa kanya sa pangitain at kinakausap ko siya sa panaginip.
Ang Panginoong Diyos totoong-totoo wala nga Siyang laman at mga buto, ngunit sa kalagayan Niya na Banal na Espiritu ay nababanaag ang Kaniyang Wangis, ang Kaniyang kasuutan na busilak sa walang kaparis na kaputian, maging ang magandang ngiti, nangungusap na mga mata. Sa pagkakataong yaon, nagsalita sa kaniya ang ating Panginoong Diyos.
Sa kasalukuyan derektang nangungusap ang ating Panginoong Diyos sa kaniyang diwa, ganundin si Cristo at kung ano ang ipinararating Nila kay Elias Arkanghel. (Walang sariling unawa kundi ayon sa ipinag-uutos sa kaniya ng ating Panginoong Diyos at dikta ng Espiritu ni Cristo) ay yaon ang kaniyang ipinapahayag at inihahanay.
Anong mayroon sa panahon ni Noe? May mga pagwawangis para makita natin ang ipinauunawa ni Cristo na tulad anya sa panahon ni Noe kumpara sa panahon ni Elias Arkanghel. Si Noe kinakausap ng ating Panginoong Diyos. Si Elias Arkanghel nagpakita sa kaniya ang ating Panginoong Diyos nagsalita sa kaniya sa isang pangitain.
ang idad ni Noe ay 500 taon na nang maging anak niya sina Sem, Ham at Jafet . Yung haba ng panahon ni Noe ang katumbas naman sa yugto ng ating panahon March 16, 1521 nang maipakilala sa kasaysayan ang mga pulo ng dagat (Kung isusuma total ang 500 years sa 1521 ay pumapatak na March 16, 2021 ang ika-500 ng taon) na itinawag sa Lupa ng mga Hinirang (Lupang Hinirang) na kinikilala ng ating Panginoong Diyos na narito ang kinatuparan na Israel sa pangako, na yan ang Iglesia ni Cristo na naitala July 27, 1914 sa gobyernong umiiral.
Ang Iglesia ni Cristo ay sumapit na sa kaniyang ika-isandaang taon (100 years ng July 27, 2014) katumbas na may humigit kumulang na 100 years bago natapos ang Daong ni Noe na ipinagawa sa kaniya ng ating Panginoong Diyos.
Si Noe may tatlong anak sina Sem, Ham at Jafet. Samantala may tatlong kinikilalang lingkod ng Panginoong Diyos ang kapatid na Elias Arkanghel ( ang kapatid na Felix Y. Manalo, ang kapatid na Erano G. Manalo, at ang kapatid na Eduardo V. Manalo.. ) Sila ang nagpakilala sa Arko ng Panginoon sa yugto ng ating panahon na ang sinumang sumakay o maging kaanib sa loob ng Iglesia ni Cristo ang magiging tiyak na kapalaran ay maliligtas sa Kalooban at Kapahintulutan ng ating Panginoong Diyos, sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Kung kaya nasabi Niya na Gayundin ang mangyayari sa pagdating ng Anak ng Tao.
Genesis 5:32 ABTAG 32 Nang si Noe ay may limang daang taon, naging anak niya sina Sem, Ham, at Jafet.
Genesis 7:6 ABTAG 6 Si Noe ay animnaraang taon nang ang baha ng tubig ay dumating sa lupa
Genesis 6:5 ABTAG 5 Nakita ng Panginoon na napakasama na ng tao sa lupa, at ang bawat haka ng mga pag-iisip ng kanyang puso ay palagi na lamang masama. 6 Nalungkot ang Panginoon na kanyang nilalang ang tao sa lupa at nalumbay ang kanyang puso. 7 Kaya’t sinabi ng Panginoon, “Lilipulin ko ang tao na aking nilalang sa ibabaw ng lupa—ang tao, hayop, ang mga gumagapang, at ang mga ibon sa himpapawid, sapagkat ako’y nalulungkot na nilalang ko sila.”

40 Sa panahong iyon, may dalawang lalaking nagtatrabaho sa bukid, kukunin ang isa at iiwan ang ikalawa. 41 May dalawang babaing nagtatrabaho sa gilingan, kukunin ang isa at iiwan ang ikalawa. 42 Kaya’t maging handa kayo dahil hindi ninyo alam kung kailan darating ang inyong Panginoon. 43 Unawain ninyo ito: kung alam ng may-ari ng bahay kung anong oras sa gabi darating ang magnanakaw, siya’y maghahanda at hindi niya pababayaang pasukin ang kanyang bahay. 44 Kaya’t lagi kayong maging handa, sapagkat darating ang Anak ng Tao sa oras na hindi ninyo inaasahan.”
Dapat Palaging Maging Handa
MATEO 24:45-51
45 “Sino ang tapat at matalinong alipin? Hindi ba’t ang pinamamahala ng kanyang panginoon upang magpakain sa iba pang mga alipin sa takdang oras? 46 Pinagpala ang aliping iyon kapag dinatnan siyang tapat na naglilingkod sa pagbabalik ng kanyang panginoon! 47 Sinasabi ko sa inyo, gagawin siyang tagapamahala ng kanyang panginoon sa lahat ng mga ari-arian nito. 48 Ngunit kung masama ang aliping iyon, sasabihin niya sa kanyang sarili, ‘Matatagalan pa ang pagbabalik ng aking panginoon.’ 49 Kaya’t sisimulan niyang bugbugin ang kanyang kapwa alipin, at makikipagkainan at makikipag-inuman sa mga lasenggo. 50 Babalik ang panginoon ng aliping iyon sa araw na hindi niya inaasahan at sa oras na hindi niya alam. 51 Bibigyan siya ng kanyang panginoon ng matinding parusa,[c] at pagkatapos ay isasama sa mga mapagkunwari. Doo’y tatangis siya at magngangalit ang ngipin.”
Ang kaharian ng ating Panginoong Diyos ay maihahalintulad sa bukid na may pinakamainam na lupain. Kapwa sa dalawang pinili na katiwala umaasa ang may-ari ng bukid na mapagyayaman nila ang kaniyang bukirin kung kaya ibinigay niya sa kanila ang pinakamainam na binhi at nakalakip na ang malaking halaga na kabuuang kabayarang salapi at pantustos sa iba pang kakailanganin gaya ng mga abono na gagamitin. Panginoon umasa ka pahayag ng isang Katiwala, ako ay may kaalaman at marunong sa bagay na yan, babalik kang masaya sa araw ng anihan. Nakiusap pa ito na lagyan ng tabing ang kanilang pagitan sa kagustuhan lamang niya na huwag kopyahin ang kaalaman niyang gagawin. Samantala ang nakababata na katiwala sa may ari ng bukirin ay hindi nahiyang sumangguni. Sapat ang ilang minuto niyang paglapit, pagkatapos tumingala sa Panginoong Diyos na nasa Langit na nagpapasalamat, dahil siya ay may munting kaalaman tinanggap sa may ari ng bukid na kanilang paglilingkuran.
Makalipas ang ilang buwan biglang dumating sa di inaasahan pagkakataon ang may-ari ng bukid, kasama ang kaniyang mga manggagapas. Inunang gumawi sa nagsasabing marunong at may kaalaman. Wala doon ang Katiwala tanging napagbilinan niyang magbantay ang nakapagsabi na laging naroroon kasama ang mga manlalasing. Tiningnan na lamang ng may-ari ang bunga ng kaniyang pananim, maraming damo na umaabala sa paglago ng palay, may sakit at maraming peste sa paligid nito. Galit na nasambit na lamang ng may ari ng bukid; “Tamad na katiwala, inihahayag ang kaniyang gawa sa bunga ng kaniyang pananim na hindi niya maikakaila. Kaya’t ipinag-utos ng may-ari, inyo ng gapasin, hindi natin mapakikinabangan ang lahat ng kaniyang tinanim. Wala na siyang babalikan dito, palibhasa bayad na ang upa ko sa kaniya, kaya wala ng malasakit. Linisin na lamang ninyo at bakuran. Wala ng karapatan bumalik dito ang tamad na katiwala. Samantala nang gumawi ang may-ari sa kabilang bakod kung saan naroroon ang nakababatang Katiwala. Kagalakan agad ang sumalubong sa may-ari ng bukid nang ang madatnan niyang pananim ang pinakamainam sa lahat ng kaniyang nakita sa kaniyang bukirin. Habang pinagmamasdan niya ang masayang katiwala na patuloy sa kaniyang paglapit habang nasambit na “dahil po sa sinunod kong lahat ng inyong bilin kaya yumabong ang ating pananim”. Ipinag-utos na niya sa mga manggagapas na anihin na ninyong lahat ng iyan. Aliw na aliw ang lahat sa dami ng kanilang inani. Masaya nating lilisanin ang dakong ito isasama ko ang masipag na katiwala kong ito. Siya na aking Pinili na gagawing Tagapamahala sa iba ko pang lupain sa labas ng bukirin kong ito. Sapagkat naging tapat ka at naging masunurin ka sa akin, gagantimpalaan kita ng isang tahanan na maluwalhati mong matitirhan at makakabahagi ang lahat ng mga minamahal mo sa buhay.
IPAGMALASAKIT MO MAHAL KONG KAPATID ANG MGA KATOTOHANANG NABASA MO DITO NA MAKABAHAGI RIN ANG MGA MAHAL MO SA BUHAY, MGA KAIBIGAN AT MGA KAKILALA. OO PARA SA LAHAT ANG KAALAMAN NA MGA HINANAY DITO. WALANG PINIPILING RELIHIYON SAPAGKAT ANG INAALOK NA KALIGTASAN NG ATING PANGINOONG DIYOS AY PARA SA LAHAT NG TAO NA IBIG MANGALIGTAS.

KABUUAN NG ISANG PAHINA NA IPINAUNAWA
Tungkol sa Pagkawasak ng Templo
24
1 Lumabas si Jesus sa Templo. Paalis na siya nang lumapit ang mga alagad at itinuro sa kanya ang mga gusali ng Templo. 2 Sinabi niya sa kanila, “Nakikita ba ninyo ang mga gusaling iyan? Tandaan ninyo! Darating ang araw na wala riyang matitirang bato sa ibabaw ng isa pang bato. Lahat ay iguguho!”
Mga Kahirapan at Pag-uusig na Darating
3 Habang si Jesus ay nakaupo sa Bundok ng mga Olibo, palihim siyang tinanong ng kanyang mga alagad, “Kailan po ba mangyayari ang mga sinabi ninyo? Ano po ang magiging palatandaan ng inyong muling pagparito at ng katapusan ng mundo?”
4 Sumagot si Jesus, “Mag-ingat kayo upang hindi kayo mailigaw ninuman! 5 Maraming paparito sa pangalan ko at magpapanggap na sila ang Cristo, at marami silang maililigaw. 6 Makakarinig kayo ng mga labanan at makakabalita ng mga digmaan sa iba’t ibang dako. Ngunit huwag kayong mababahala dahil talagang mangyayari ang mga iyon, bagama’t hindi pa iyon ang katapusan ng mundo. 7 Maglalaban-laban ang mga bansa at gayundin ang mga kaharian. Magkakaroon ng taggutom at lilindol sa maraming lugar. 8 Ang lahat ng mga ito’y pasimula pa lamang ng mga paghihirap na tulad sa isang babaing nanganganak.
9 “Pagkatapos ay kapopootan kayong lahat dahil sa inyong pagsunod sa akin. Isasakdal kayo upang pahirapan at patayin, 10 at dahil dito’y marami ang tatalikod sa kanilang pananampalataya. Mapopoot sila at magtataksil sa isa’t isa. 11 Marami ang magpapanggap na propeta at ililigaw ang mga tao. 12 Lalaganap ang kasamaan, kaya’t manlalamig ang pag-ibig ng marami. 13 Ngunit ang mananatiling tapat hanggang wakas ang siyang maliligtas. 14 Ipapangaral sa buong sanlibutan ang Magandang Balitang ito tungkol sa kaharian ng Diyos upang magsilbing patotoo sa lahat ng mga bansa. At saka darating ang wakas.”
Ang Kasuklam-suklam na Kalapastanganan
15 “Kapag nakita ninyong nagaganap na sa Dakong Banal ang kasuklam-suklam na kalapastanganang tinutukoy ni Propeta Daniel (unawain ito ng nagbabasa), 16 ang mga nasa Judea ay dapat tumakas papunta sa kabundukan, 17 ang nasa bubungan ay huwag nang mag-aksaya ng panahon na kumuha pa ng kahit ano sa loob ng bahay, 18 at ang nasa bukid ay huwag nang umuwi upang kumuha ng balabal. 19 Sa mga araw na iyon, kawawa ang mga nagdadalang-tao at mga nagpapasuso! 20 Ipanalangin ninyo na ang inyong pagtakas ay huwag mapataon sa taglamig o sa Araw ng Pamamahinga. 21 Sapagkat sa mga araw na iyon, ang mga tao’y magdaranas ng matinding kapighatiang hindi pa nararanasan mula nang likhain ang sanlibutan hanggang sa ngayon, at hindi na mararanasan pa kahit kailan. 22 At kung hindi pinaikli ng Diyos ang mga araw na iyon, walang taong maliligtas. Ngunit alang-alang sa mga hinirang, paiikliin ng Diyos ang mga araw na iyon.
23 “Kung may magsasabi sa inyo, ‘Narito ang Cristo!’ o ‘Naroon siya!’ huwag kayong maniniwala. 24 Sapagkat may lilitaw na mga huwad na Cristo at mga huwad na propeta. Magpapakita sila ng mga kamangha-manghang himala at mga kababalaghan upang iligaw, kung maaari, maging ang mga hinirang ng Diyos. 25 Tandaan ninyo, ipinagpauna ko nang sabihin ito sa inyo.
26 “Kaya’t kung sabihin nila sa inyo, ‘Naroon siya sa ilang,’ huwag kayong pumunta roon. Kung sabihin naman nilang, ‘Naroon siya sa silid,’ huwag kayong maniniwala. 27 Sapagkat darating ang Anak ng Tao na parang kidlat na gumuguhit mula sa silangan hanggang sa kanluran.
28 “Kung nasaan ang bangkay, doon nagkakatipon ang mga buwitre.”
Ang Pagparito ng Anak ng Tao
29 “Pagkatapos ng kapighatian sa mga araw na iyon, magdidilim ang araw, hindi magliliwanag ang buwan, malalaglag mula sa langit ang mga bituin, at mayayanig ang mga kapangyarihan sa kalawakan. 30 Pagkatapos, lilitaw sa langit ang tanda ng Anak ng Tao at mananangis ang lahat ng mga bansa sa daigdig. Makikita nila ang Anak ng Tao na nasa alapaap at dumarating na may dakilang kapangyarihan at kadakilaan. 31 Sa hudyat ng malakas na tunog ng trumpeta, susuguin niya ang kanyang mga anghel sa apat na sulok ng daigdig at titipunin nila ang mga hinirang mula sa lahat ng dako.”
Ang Aral mula sa Puno ng Igos
32 “Unawain ninyo ang aral mula sa puno ng igos; kapag ang mga sanga nito ay umuusbong at nagkakadahon na, alam ninyong malapit na ang tag-araw. 33 Gayundin naman, kapag nakita ninyo ang lahat ng ito, malalaman ninyong malapit na siyang[a] dumating, halos naririto na. 34 Tandaan ninyo, magaganap ang lahat ng mga ito bago maubos ang salinlahing ito. 35 Lilipas ang langit at ang lupa, ngunit ang aking mga sinasabi ay tiyak na mananatili.”
Walang Nakakaalam ng Araw o Oras
36 “Ngunit tungkol sa araw at oras na iyon ay walang nakakaalam, kahit ang mga anghel sa langit [o maging ang Anak man].[b] Ang Ama lamang ang nakakaalam nito. 37 Ang pagdating ng Anak ng Tao ay tulad noong panahon ni Noe. 38 Nang mga araw na iyon, bago bumaha, ang mga tao’y nagsisikain, nag-iinuman, at nagsisipag-asawa hanggang sa araw na pumasok si Noe sa barko. 39 Hindi nila namamalayan ang nangyayari hanggang sa dumating ang baha at tinangay silang lahat. Gayundin ang mangyayari sa pagdating ng Anak ng Tao. 40 Sa panahong iyon, may dalawang lalaking nagtatrabaho sa bukid, kukunin ang isa at iiwan ang ikalawa. 41 May dalawang babaing nagtatrabaho sa gilingan, kukunin ang isa at iiwan ang ikalawa. 42 Kaya’t maging handa kayo dahil hindi ninyo alam kung kailan darating ang inyong Panginoon. 43 Unawain ninyo ito: kung alam ng may-ari ng bahay kung anong oras sa gabi darating ang magnanakaw, siya’y maghahanda at hindi niya pababayaang pasukin ang kanyang bahay. 44 Kaya’t lagi kayong maging handa, sapagkat darating ang Anak ng Tao sa oras na hindi ninyo inaasahan.”
Dapat Palaging Maging Handa
45 “Sino ang tapat at matalinong alipin? Hindi ba’t ang pinamamahala ng kanyang panginoon upang magpakain sa iba pang mga alipin sa takdang oras? 46 Pinagpala ang aliping iyon kapag dinatnan siyang tapat na naglilingkod sa pagbabalik ng kanyang panginoon! 47 Sinasabi ko sa inyo, gagawin siyang tagapamahala ng kanyang panginoon sa lahat ng mga ari-arian nito. 48 Ngunit kung masama ang aliping iyon, sasabihin niya sa kanyang sarili, ‘Matatagalan pa ang pagbabalik ng aking panginoon.’ 49 Kaya’t sisimulan niyang bugbugin ang kanyang kapwa alipin, at makikipagkainan at makikipag-inuman sa mga lasenggo. 50 Babalik ang panginoon ng aliping iyon sa araw na hindi niya inaasahan at sa oras na hindi niya alam. 51 Bibigyan siya ng kanyang panginoon ng matinding parusa,[c] at pagkatapos ay isasama sa mga mapagkunwari. Doo’y tatangis siya at magngangalit ang ngipin.”
Hashtags: Please copy and paste to all your message
#iglesianicristo #IglesiaNiCristo #ChurchOfChrist #INCLoyaltyDay#inc100 #inccentennial #centennial #inc4life #incootd #incfashion #icmedianews #inctv #net25 #incmedia #increview #fymfoundation #mycountrymenmybrethren #kabayankokapatidko #incselfiechallenge #incwikileaks #sanggunian #radelcortez #gerrypurification #junsantos #gliceriosantosjr #rodelcabrera #biensantiago #erdzcodera #ernestosuratos#mattpareja #antonioebangelista #silentnomore #iglesianicristosilentnomore#Pananampalataya #Pagasa_#Pagibig #DoblehinAngPagsisikap#PuspusangPagbabagongBuhay #PuspusangPakikipagkaisa#ItaguyodAngKasiglahangESPIRITUAL #Iglesia_Ni_Cristo #DoblehinAngPagsisikap #SolidongPananampalataya #KaisangDiwaNgPamamahala #WEareONEwithEVM#PuspusangPagsunodAtPagpapasakopParaMaligtas #ItaguyodAngKasiglahangEspiritual#MasaganangPagbubunga#PalaguinAngPananampalatayaPagibigAtPagasa #INC101 #DoblehinAngPagsisikap #INC #Maytungkulin #INC4ever#IamTheOneWithEVM #WeareonewithGoD
#WeareonewithChrist #WeareonewithEVM #Worldwidewalkforyolandavictims #accessthetruth#onewithevm #1withevm #eduardomanalo #jojodeguzman #antoniodeguzman #arneltumanan #incdefenders #iamonewithevm #eaglenews #1with25 #AMONEWITHEVM #PASAKOPAKOSAPAMAMAHALA #FIGHTFORMYFAITH #SOLIDINCFOREVER