Muli mapagpalang araw sa inyong lahat mga mahal naming mga kapatid, at maging sa inyong lahat mga mahal naming mga kaibigan. Napakalaking biyaya na maunawaan ninyo ang mga Hiwagang nakapaloob sa mga Aral at Utos ng ating Panginoong Diyos. Manalangin muna kayo at hingin ang Kaniyang pagpatnubay sa inyo habang binabasa ninyo ang Kaniyang mga Pahayag at mga Pagpapayo na ipinahahanay lamang Niya sa Kaniyang Napahihintulutan. Sumainyo nawang lahat ang mga biyayang inyong mga kahilingan sa araw-araw at higit na maipagkaloob sa inyo ang mga pagpapalang Espiritual ng ating Panginoong Diyos na sumagana sa inyo. Nawa ang lahat ay namamalagi sa paggawa ng mabuti na naaayon sa Banal na Kalooban ng ating Panginoong Diyos na maghahatid sa inyo sa tiyak na Kaligtasan. At sa Kapahintulutan ng ating Pinakamamahal na Pinakadakilang Panginoong Diyos ay ilakip Niyang ipagkaloob ang Kapayapaan sa bawat sambahayan ninyong lahat sa pamamagitan ng Panginoong Jesu-Cristo na nakalakip ang Kanilang basbas at pagmamahal Nila sa inyong lahat. May napakahalaga tayong muling tatalakayin sa ating pag-aaral. At ang Panginoong Diyos ang gagawa nito, sa pamamagitan ng Panginoong Jesu-Cristo sa paghahanay ng Kanilang inaatasan na Mensahero sa pagsusugo sa Banal na Espiritu.
“Ano ang kaibahan ng Iglesia ni Cristo sa Iglesia ni Cristo…Hinirang? Oo, bagama’t kapwa sa Panginoong Diyos ang dalawang ito, ay may kani-kaniyang banal na kaukulan sila sa ating Panginoong Diyos, na may malaking kinalaman para magtamo ng kaligtasan. Ang Tugon: Itinatag at tinubos ng Panginoong Jesu-Cristo ang Iglesia ni Cristo na mababasa sa aklat ng Mateo 16:18, Roma 16:16 [Lamsa Translations], Samantala ang Iglesia ni Cristo…Hinirang ay sumasagisag sa Anak na Babae ng Sion na itinatag at tinubos ng ating Panginoong Diyos sa Sion o tinubos ng Panginoong Diyos sa loob ng Iglesia ni Cristo na naganap sa wakas ng lupa na mababasa sa aklat ng Isaias 62:11-12 ADB. Sila ang mga Pinili at mga Hinirang sa loob ng Kawan (Iglesia ni Cristo) na kakaunti sa bilang ang Iglesia ni Cristo…Hinirang na kung tawagin ay “Munting Kawan”
Nito lamang Hulyo 30/31, 2022, araw ng Sabado/Linggo. ang Sion o Iglesia ni Cristo natalakay ninyo sa Pagsamba ang mga parada ng tagumpay ng Iglesia ni Cristo. Inilarawan ang mabilis na paglaganap nito, at ang pagdami ng mga kaanib nito na hindi lang dito sa Pilipinas kundi nakalaganap na ito sa buong daigdig. Halos nasa 161 na bansa at teretoryo,149 na lahi ang mga kaanib dito. Ano ang nais ninyo ipahiwatig dito? Ang Kawan o Iglesia ni Cristo sa inyong Pamamahala sa kabuuan ay napakalawak na, napakarami na, napakalaganap na sa buong daigdig. Tanong: Kayo ang Kawan, kayo pa rin ba ang “Munting Kawan”?
Lucas 12:32 MBB 32 “Huwag kayong matakot, munting kawan, sapagkat ikinalulugod ng inyong Ama na ibigay sa inyo ang kaharian.
Lucas 12:32 ASND 32 “Kayong mga tagasunod ko ay kaunti lang. Ngunit huwag kayong matakot, dahil ipinagkaloob ng inyong Ama na maghari kayong kasama niya.
Yan ang napakagandang kapalaran ng Iglesia ni Cristo…Hinirang na sumasagisag sa “Anak na Babae ng Sion,” ang higit na kinikilala ng Panginoong Jesu-Cristo na mapalad. Kung bakit? Sapagkat tanging sila lamang ang kumikilala sa utos ng ating Panginoong Diyos sa magaganap na Pagtakas o Paglikas para maligtas sa Kawasakang Darating sa kasalukuyang daigdig na ang ating Panginoong Diyos rin ang nagtakda nito. Kaibayo ito sa pag-asa ng Iglesia ni Cristo na maghihintay na lamang kayo ng pagbabalik pa ng Literal na Panginoong Jesu-Cristo, na sa araw pa lamang ng Paghuhukom na yan nakatuon ang inyong pananaw sa hinaharap. Ipinauunawa ninyo sa mga kapatid na hinihintay ninyo ang ikalawang pagparito ng Panginoong Jesu-Cristo. Hindi na mangyayari ang ikalawang pagparito Niya. Tanong lang namin sa inyo. Pang-ilang pagbabalik na ng Panginoong Jesu-Cristo ang tagpong ito? Ito ay literal na nangyari. Ibig sabihin hindi tulog si Saulo. Katunayan kasalukuyan siyang naglalakbay ng mga panahong yaon.
Gawa 9:3-5 SND 3 Sa kaniyang paglalakbay, nang malapit na siya sa Damasco, biglang nagliwanag sa palibot niya ang isang ilaw mula sa langit na tulad sa kidlat. 4 Siya ay nadapa sa lupa at nakarinig siya ng isang tinig na nagsasabi sa kaniya: Saulo, Saulo, bakit mo ako pinag-uusig? 5 Sinabi niya: Sino ka ba Panginoon? Sinabi ng Panginoon: Ako si Jesus na iyong pinag-uusig. Mahirap sa iyo ang sumikad sa mga pantaboy na patpat.
26 Nang dumating si Saulo sa Jerusalem, pinagsikapan niyang makisanib sa mga alagad. Silang lahat ay natakot sa kaniya. Hindi sila naniniwala na siya ay isang alagad. 27 Ngunit kinuha siya ni Bernabe at siya ay dinala sa mga apostol. Isinaysay niya sa kanila kung paanong nakita ni Saulo ang Panginoon sa daan at kinausap siya. Isinaysay niya kung paanong sa Damasco ay nangaral siyang may katapangan sa pangalan ni Jesus.
Masasabi niyo ba na ang tagpong yan ay hindi pa nakababalik ang Panginoong Jesu-Cristo sa daigdig matapos siyang makaakyat sa Langit? Mahirap bang unawain na nakita ni Saulo ang Panginoon sa daan at kinausap siya. Mayron nga ba kayong mailalatag na talata ng Banal na Kasulatan o BIBLIA na tuwirang sinasabi doon na may ikalawang pagparito ng Panginoong Jesu-Cristo na nauugnay sa araw ng paghuhukom? Kahit basahin at paulit-ulit ninyong balikan ang Banal na Kasulatan o Biblia ay wala kayong mababasa na nauugnay sa Paghuhukom ay yun ang ikalawa Niya na pagparito. Kundi ang mapag-uunawa ninyo na nauugnay sa Paghuhukom sa literal na pagbabalik ng Panginoong Jesu-Cristo (yung katawan na Niya mismo, kaluluwa at ang Espiritu na Niya mismo) ay lilipas muna ang Sanlibong Taon.
Hindi ninyo napag-uunawa na lilipas pa ang Sanlibong Taon bago ninyo matamo ang inyong kaligtasan. Dahil sa hindi nga kayo mga sumasampalataya na may magaganap na Pagtakas o Paglikas, kung kaya pilitin man namin kayo ay hindi kayo sasama doon sa Dakong Banal na ligtas na pagdadalhan sa mga nangag-iibig na mangaligtas. Hindi namin ipinagkakait yan sa inyo. Lagi namin ipinagmamalasakit na mapaunawa sa inyo ang napauukol diyan. Kaya nakalulungkot, mararanasan ninyo ang paghihirap ng kamatayan sa daigdig na ito, na wawasakin na ng ating Panginoong Diyos sa itinalaga Niya na tagawasak sa kasalukuyang daigdig na labis na ang kasamaan ng mga tao at paglala ng kalagayan nito. Kung hindi kayo sasama ay hindi na ninyo mararanasan na makapamuhay pa sa loob ng Sanlibong Taon doon sa Bagong Daigdig, doon sa Banal na Bayan, na kung saan naroroon ang Bagong Jerusalem na doon ay makakapiling ang Panginoong Diyos natin. Oo, makalipas pa ang Sanlibong Taon saka pa lamang darating ang araw ng Paghuhukom, na ang ukol sa kaganapan na yan ay hindi mahirap unawain ng Panginoong Jesu-Cristo ang Sanlibong Taon na lilipas. Nangangahulugan batid Niya na yan ang Kaniyang muling pagbabalik. May kaibahan ito sa sinasabi Niya na hindi Niya alam kung kailan Siya babalik. Samantala ang Araw ng Paghuhukom na lilipas pa ang Sanlibong Taon ay tiyak na alam na alam Niya yaon kung kailan Siya babalik.
Kaya ang inaasam ninyong kaligtasan ay saka pa lamang ninyo makakamtan sa paglipas pa ng Sanlibong Taon. Mapabibilang kayo sa mga bubuhaying muli dahil nga sa nangamatay kayong lahat, sa di pagsama sa Pagtakas o Paglikas. Oo, iba sa mga mapapalad na mga makakasama sa Pagtakas o Paglikas na mga mapapalad na mabubuhay sa loob ng Sanlibong Taon. Sila ay daratnang buhay ng Panginoong Jesu-Cristo na pawang mga sakdal na, na mga mapapalad na sasalubong sa Kaniyang literal na pagbabalik muli. Sapagkat sa loob ng Sanlibong Taon ay dinalisay na silang lahat na nakasama sa Bagong Daigdig habang doon ay kapiling ang Amang Banal sa Banal na Bayan sa Bagong Jerusalem.
Narinig namin sa mga Pagsamba at nabasa naman sa Pagsambang Pansambahayan ang leksyong binalangkas ni kapatid na Randy L. Weir Miyerkules/Huwebes: Hunyo 22/23, 2022.
Ang kaligtasan ay dumarating sa Anak na Babae ng Sion na sumasagisag sa Iglesia ni Cristo…Hinirang. Tinalakay ito sa Pagsamba na napauukol sa Hula o Paunang Pahayag ng ating Panginoong Diyos sa Sion (Iglesia ni Cristo), na iniuutos sa inyo Jerusalem (Central) ng ating Panginoong Diyos, at ito ang mababasa natin sa;
Isaias 62:11 ADB 11 Narito, ang Panginoon ay nagtanyag hanggang sa wakas ng lupa, Inyong sabihin sa anak na babae ng Sion, Narito, ang iyong kaligtasan ay dumarating; narito, ang kaniyang kagantihan ay nasa kaniya, at ang kaniyang ganti ay nasa harap niya. 12 At tatawagin nila sila Ang banal na bayan, Ang tinubos ng Panginoon: at ikaw ay tatawagin Hinanap, Bayang hindi pinabayaan. –
AT ANG MAGANDANG PATOTOO NINYO SA CENTRAL NA NAITURO SA MGA PAGSAMBA AT PAGSAMBANG PANSAMBAHAYAN SA MGA PETSA AT MGA ARAW NA NABANGGIT ANG HINDI NINYO BATID NA NAISAKATUPARAN NA NINYO ANG HULA SA ISAIAS 62:11-12 ADB. PAHAYAG NA MULA SA INYO AY GANITO ANG AMING NARINIG.
Itong ating binasa ay Hula o Paunang Pahayag ng ating Panginoong Diyos. Kanino po tumutukoy ang hulang ito ng Diyos? Tumutukoy sa binabanggit sa talatang ating binasa na Bayang Hinirang ng ating Panginoong Diyos. Ano po ang dahilan kaya sila kinikilalang Bayang Hinirang ng Diyos? Paano sila naging Bayan ng ating Panginoong Diyos? Ang sabi ng Biblia, sila anya ay tinubos ng PANGINOON. Kaya ano po ang tiniyak sa kanila ng ating Panginoong Diyos? Ang sabi sa atin? Magkakaroon sila ng kaligtasan.
Yan ang parte ng inyong mga nabanggit sa mga Pagsamba. Kaya naisagawa na ninyo mga mahal kong kapatid ang Dakilang Kalooban ng ating Panginoong Diyos na ipinag-uutos Niya sa inyo sa Sion o sa Iglesia ni Cristo, na tuwirang ipinagagawa Niya sa mga taga Jerusalem o sa inyo mga taga Central na mga Nangangasiwa sa Ministeryo na; Inyong sabihin sa anak na babae ng Sion, Narito, ang iyong kaligtasan ay dumarating; Naisagawa ninyo ito sa nakaraang buwan, Hunyo 22/23, 2022, araw ng Mierkules/Huwebes, sa mga Pagsamba, at sa mga Pagsambang Pansambahayan. Oo, naisakatuparan na ninyo ang bilin sa inyo ng ating Panginoong Diyos. Lamang ang nakalulungkot, ang batayan ng inyong pagpapaunawa matapos ninyong basahin ang aklat ni Isaias 62 talatang 11 hanggang 12 ADB na napauukol sa Anak na Babae ng Sion, ay inako ninyo na kayo pa rin sa Sion ang Anak na Babae ng Sion, samantalang kayo nga ang inuutusan na Inyong sabihin sa anak na babae ng Sion. Dapat maging malinaw sa inyo ang paagkaunawa sa mga talatang binabasa ninyo. Marahil lito lamang kayo, dahil hindi nga lubusang ibinigay sa inyo ng ating Panginoong Diyos ang ganap na pagkaunawa, na sadyang inilingid Niya sa mga marurunong na hindi inuunawang ganap ang Hiwaga ng Kaniyang Kalooban.
Ngunit kung binasa lamang ninyo ang Isaias 62:1 bago ninyo binasa ang Isaias 62:11-12 ay tiyak mapag-uunawa ninyo mga mahal naming mga kapatid, ang kaibahan ninyo sa Anak ng Babae ng Sion. Oo, kayong mga nagbabalangkas ng mga katuruan sa mga Pagsamba, mapag-uunawa ninyo ang kaibahan ng kaukulan ng Sion sa Anak na Babae ng Sion. Katunayan kayo sa Sion ang inuutusan at ang Jerusalem o Central ang pinagbibilinan, na Inyong sabihin sa anak na babae ng Sion. Huwag ninyong inaakala na ang pag-uutos ng ating Panginoong Diyos sa Sion ay naganap na sa nakaraan? Maling akala yun! Walang ganoong pangyayari sa panahon ng Panginoong Jesu-Cristo o maging sa mga sumunod man sa Kaniya nang ibilin Niya ang Kaniyang Iglesia sa mga Apostol. Alam niyo kung bakit namin natitiyak? Nakatitiyak kami dahil sa mababasa naman sa talata ang pinaka-yugto ng panahon; anya, sa wakas ng lupa! Lamang nang basahin ang Isaias 62:11 at 12 ADB ng nangasiwa sa Pagsamba sa isang Lokal, ay may kamalian ang pagkakabanggit niya. Narito, ang Panginoon ay nagtanyag hanggang sa wakas ng lupa, na yan ang tama na mababasa doon. Pero sa kaniya malinaw na pagkakabanggit niya ay sa mga wakas ng lupa.
SA MGA WAKAS NG LUPA (Kapatid na Felix Y. Manalo, Kapatid na Erano G. Manalo, Kapatid na Eduardo V. Manalo)
May pagkakaiba ang “sa mga wakas ng lupa” at ang “wakas ng lupa.” Sa pagkakabalangkas ng ating Panginoong Diyos sa bawat panahon, ito ay laging nahahati sa tatlo. Ang sa mga wakas ng lupa sa panahon ng ating mahal na kapatid na Felix Y. Manalo yaon ang pinakabungad ng panahon sa mga wakas ng lupa. Ang mahal na kapatid na Felix Y. Manalo ay mula sa ibang pangkatin ng relihiyon, ngunit hinirang at inilagay siya ng ating Panginoong Diyos bilang Ebanghelista sa loob ng Iglesia ni Cristo, upang ipabatid sa lahat ang kahalagahan ng Iglesia ni Cristo para sa ikapapagtatamo ng kaligtasan. Sa panahon naman ng kapatid na Erano G. Manalo, ginawang Tagapamahalang Pangkalahatan sa loob ng Iglesia ni Cristo, na siya ay nasa pinakagitnang bahagi ng panahon sa mga wakas ng lupa. Natanyag ng labis ang Iglesia ni Cristo sa kaniyang 46 na taon na pangunguna. At ang kapatid na Eduardo V. Manalo ang naging Pamamahala ng Iglesia ni Cristo sa kasalukuyan, ang pinaka dulong bahagi “sa mga wakas ng lupa”. Natapos ang yugto ng “sa mga wakas ng lupa” dinaanan muna nito ang ika-isandaang taon anibersaryo ng Iglesia ni Cristo.
SA WAKAS NG LUPA (Elias Arkanghel-Jesu-Cristo, Panginoong Jesu-Cristo, PANGINOONG DIYOS)
Nang ipanganak ang Anak na Babae ng Sion May 27, 2015 ito ang panimulang pag-iral ng Banal na Gawain sa wakas ng lupa. Di pa man naghihirap ang Iglesia
AT ANG PAMBUNGAD NA PAGPAPAUNAWA NINYO SA UNANG BAHAGI NG PAGSAMBA:
Bakit ganito ang ating paninindigan bilang mga kaanib sa Iglesia ni Cristo. Gaano ba tayo nakatitiyak na magtatamo tayo ng kaligtasan? Pakinggan niyo ang Pahayag ng ating Panginoong Diyos Isaias 62 mga talatang 11- 12 ganito po ang inyong maririnig mga kapatid.
Isaias 62:11 ADB 11 Narito, ang Panginoon ay nagtanyag hanggang sa wakas ng lupa, Inyong sabihin sa anak na babae ng Sion, Narito, ang iyong kaligtasan ay dumarating; narito, ang kaniyang kagantihan ay nasa kaniya, at ang kaniyang ganti ay nasa harap niya. 12 At tatawagin nila sila Ang banal na bayan, Ang tinubos ng Panginoon: at ikaw ay tatawagin Hinanap, Bayang hindi pinabayaan.
Ang isinasagisag ng “Sion,” na siya ring tinutukoy na tinubos ng Panginoon, ay ang Iglesia ni Cristo, ayon sa Hebreo 12:22-23 (NPV) at Gawa 20:28 (Lamsa). Ang “anak na babae ng Sion” naman na binanggit sa hula ay ang nalabing binhi ng Iglesia noong unang siglo, na itinakdang bumangon sa panahong mga wakas ng lupa. Ito ay ang Iglesia Ni Cristo sa mga huling araw, na siyang kinabibilangan natin. Ito ang may tiyak na pag-asa na ililigtas ng Diyos sa Araw ng Paghuhukom.
Itong ating binasa ay Hula o Paunang Pahayag ng ating Panginoong Diyos. Kanino po tumutukoy ang hulang ito ng Diyos? Tumutukoy sa binabanggit sa talatang ating binasa na Bayang Hinirang ng ating Panginoong Diyos . Ano po ang dahilan kaya sila kinikilalang Bayang Hinirang ng Diyos. Paano sila naging Bayan ng ating Panginoong Diyos? Ang sabi ng Biblia sila anya ay tinubos ng PANGINOON. Kaya ano po ang tiniyak sa kanila ng ating Panginoong Diyos? Ang sabi sa atin Magkakaroon sila ng kaligtasan. Maaring sabihin po ng iba ang tinutukoy po diyan ay ang Anak na Babae ng Sion. Tama po yun! Kaya ating pong alamin Ano ba ang sinasagisag ng Sion, na siya ring tinutukoy sa talata na tinubos ng Panginoon. Pakinggan po natin. Baka kasi mangatwiran ang iba na hindi naman po Iglesia ang tinutukoy diyan? Ganito po ang sagot mula po sa aklat ng Hebreo sa 12:22-23. Ganito po ang pahayag sa atin ng Banal na Kasulatnan, inyo pong pakinggan at unawain mga kapatid.
Hebreo 12:22-23 NPV 22 Ngunit nakalapit kayo sa Bundok ng Sion, sa makalangit na Jerusalem, ang lunsod ng Dios na buhay. Dumalo na kayo sa masayang pagtitipon ng libu-libong anghel, 23 sa iglesya ng mga panganay, na ang mga pangala’y nakasulat sa langit. Lumapit na kayo sa Dios, ang hukom ng lahat ng tao, sa mga espiritu ng mga taong pawang sakdal.
Mga kapatid ano po ang isinasagisag ng Sion sa binasa natin sa unang talata. ang sabi sa atin ang Iglesia. Kaya hindi ho tayo nag-aangkin diyan. Talagang pinatutunayan ng Biblia na ang Iglesia ang tinutukoy na Bayang Hinirang ng Diyos , tinubos ng ating PANGINOONG DIYOS. Kaya nakatitiyak na magtatamo ng kaligtasan. Nag-aangkin lang ba tayo na tayo nga ang tinubos? pakinggan ninyo ang Pahayag sa Gawa 20:28 ganito po ang nakasulat mula po sa salin ni George M. Lamsa babasahin na natin sa pagkakaliwat na sa ating wika
Gawa 20:28 “Ingatan ninyo kung gayon ang inyong mga sarili at ang buong kawan na rito’y hinirang kayo ng Espiritu Santo upang maging mga katiwala, upang pakanin ang IGLESIA NI CRISTO na binili niya ng kaniyang dugo.” (Lamsa Version)
Alin po ang pinatutunayan ng Biblia na tinubos o binili ng dugo ng ating Panginoong Jesu-Cristo? Ang Iglesia ni Cristo. Maaring sabihin po nila yung binasa natin kanina sa Hebreo 12 :22-23 na Iglesia ng mga panganay ang tinutukoy . Opo! Sapagkat yung banggit na Iglesia na mga panganay yung mga unang kaanib sa Iglesia ni Cristo nung unang siglo yun ang tinutukoy na Sion. pero sa hula na binasa natin kanina sa aklat ng Isaias ang Anak ng Sion, Alin ang tinutukoy na Anak na Babae ng Sion. Ang Iglesia ni Cristo na lumitaw sa panahong mga wakas ng lupa, sa malayong silangan alalaumbagay ang Iglesia ni Cristo na ating kinaaaniban.
YAN ANG BAHAGI SA IPINAHAYAG NINYO SA MGA PAGSAMBA SA PETSA AT ARAW NA NABANGGIT
Mga mahal naming kapatid, huwag kayong magdaramdam. Kailangan talagang ituwid ang maling batayan ng inyong pagpapaunawa. Huwag ninyong iisipin na kayo ay kinakalaban namin o kinokontra namin. Tinutupad lamang namin, ang mga Kautusan ng ating Panginoong Diyos na kayo ay bantayan. Oo, sabi ng ating Panginoong Diyos sa Isaias 62: 6 Nagtalaga na ako ng mga bantay sa iyong mga pader, O Jerusalem; hindi sila mananahimik araw at gabi. Kaya para sa inyong kabatiran O Jerusalem (Central), ang pader na yan na pinababantayan ay kayong mga Ministro na may tangan o hawak ng mga Aral ng ating Panginoong Diyos. Ang mga aral na masasandalan na naituturo ninyo, dahil kayo dapat ang mga kinasasaligan ng mga Katotohanan sa yugto ng panahong ito na naatasan ng ating Panginoong Diyos na inyong ipangaral at maituro sa lahat ng tao, na lalong higit sa mga kapatid natin sa loob ng Iglesia ni Cristo. Ngunit, nakalulungkot ang inyong mga maling batayan ng inyong mga pagpapaunawa na paulit-ulit na lamang. Hindi ibig ng ating Panginoong Diyos na ipilit niyo pa ang mga maling batayang iyan na ikalilito ng mga nakapakikinig sa inyo. Kaya nga, kung mali, huwag ng ulitin at ipagpilitan pang iturong muli sa mga kapatid. Dahil kung ipagpapatuloy ninyo na panindigan na tama kayo sa inyong mga maling batayan ng pagpapaunawa ay hindi makabubuti sa inyo. Sapagkat, umaayon na lamang sa ibig ninyong maipaunawa sa mga kapatid ngunit tuwiran namang lumilihis sa Katotohanan, na yaon ay magiging kapintasan ninyo na hindi kalugud-lugod sa ating Panginoong Diyos. Kaya naman, muling iginayak ng ating Panginoong Diyos ang Tagapaghanay ng Kaniyang mga pagpapayo. Inaatasan Niya ang Banal na Espiritu na lumakip sa Kaniyang Napahihintulutan na Mensahero para maihanay ang lahat ng ito.
2 Timoteo 4:2 ASND [2] Maging handa ka sa pangangaral ng Salita ng Dios sa anumang panahon. Ilantad mo ang mga maling aral; pagsabihan ang mga tao sa mga mali nilang gawain, at patatagin ang pananampalataya nila sa pamamagitan ng matiyagang pagtuturo.
Muli ang ating Panginoong Diyos na nagpapayo sa inyo, ito ay sa pamamagitan ng Kaniyang pagsusugo sa Kaniyang Banal na Espiritu na nagsasaysay ng mga Katotohanan, ay inaatasan Niya ang Kaniyang Napahihintulutan na muling magpayo at mangaral ng Kaniyang mga Banal na Katwiran; upang pagsabihan ang mga tagapagturo ng Kaniyang mga kautusan, at ilantad ang ilang mali nilang naituturo sa mga maling naipauunawa sa mga kapatid sa panahon ng mga Pagsamba. Nais na ng ating Panginoong Diyos na lubusan na itong maituwid, at huwag ng muling ipilit pa na maituro pa sa kapulungan ng mga Sumasamba ng paulit-ulit. Sapagkat ang mga maling batayan ng pagpapaunawa ng mga Tagapagturo ng kautusan, ay mapait na lason na isinusubo sa mga kapatid na Sumasamba. Sapagkat pumapatay ito ng tamang pagkakilala at totoong pananampalataya dahil sa pagpipilit na ang mali ay gawing tama. Hindi nalulugod ang ating Panginoong Diyos kung kaya hindi Siya tatahimik, at hindi Siya magpapahinga, na punahin kayo sa mga kamalian na nagagawa ninyo. Pagmamahal Niya sa inyo kung kaya ipinagmamalasakit kayo na maituwid hanggang sa ang Kaniyang Katwiran ang lubusang manaig at makilala ng lahat na ang Katotohanan Niya ang naghahari sa kaisipan ng bawat isa. Halikayo unawain ng lahat ang nakasulat sa: Hula, Propesiya o Paunang Pahayag ng ating Panginoong Diyos sa Ministeryo ng Iglesia ni Cristo sa mga nangangasiwa sa Central.
Isaias 62:1 NPV 1 Para sa kapakanan ng Sion, hindi ako mananahimik. Alang-alang sa Jerusalem, hindi ako mananatiling walang kibo hanggang sa ang kanyang katuwiran ay magliwanag na tulad ng bukang-liwayway, at ang kanyang kaligtasan, tulad ng nagliliyab na sulo. 2 Ang katuwiran ninyo’y makikita ng mga bansa, at ng lahat ng hari ang inyong kaluwalhatian. Tatawagin kayo sa bagong pangalan na ipagkakaloob ng PANGINOON mula sa kanyang bibig.
Yan ang derektang Pahayag ng ating Panginoong Diyos sa inyo. Inisip Niya ang inyong kapakanan at sa ikabubuti ng lahat.
[ Para sa kapakanan ng Sion, hindi ako mananahimik. ] Oo, para sa kapakanan ng Sion (Iglesia ni Cristo) na Kaniyang ipinagmamalasakit … kung kaya hindi Siya mananahimik. Pagmamahal ng ating Panginoong Diyos para sa kapakanan ng Sion o Iglesia ni Cristo kung kaya naghahayag Siya ng mga ganitong aral. Kapakanan lang ba ng Sion (Iglesia ni Cristo)?
[ Alang-alang sa Jerusalem, hindi ako mananatiling walang kibo ] Isinasaalang-alang din ng ating Panginoong Diyos ang Jerusalem sa pagmamahal Niya sa inyo, na sabi Niya ay hindi Siya mananatiling walang kibo. Alam na alam natin sa pagpapaunawang espirituwal, ang Jerusalem ay sumasagisag sa Tanggapan ng Pamamahala ng Iglesia ni Cristo na sa kasalukuyan, ay yan ang Central o pinakadako sa Templo Central. Bakit hindi mananahimik at di magsasawalang kibo ang ating Panginoong Diyos sa kasalukuyang Sion (Iglesia ni Cristo) at sa Jerusalem (Central)?
[ hanggang sa ang kanyang katuwiran ay magliwanag na tulad ng bukang-liwayway, ] Yan ang ibig ng ating Panginoong Diyos magliwanag na tulad ng bukang liwayway ang Kaniyang Katwiran sa panig ninyo. Ano ang ipinahihiwatig Niya sa inyo? May bahagi pang kapanglawan na kalagayan sa kasalukuyan na Kulang pa sa liwanag. Bakit kulang pa? Dahil nga sa di pa ninyo pagtanggap at di pa pagkilala sa katuparan ng Hula o Paunang Pahayag mismo ng ating Panginoong Diyos na napauukol sa Kaniyang Napahihintulutan bilang Mensahero ng PANGINOON na si Elias Arkanghel Jesu-Cristo.
Malakias 3:1 NPV 1 “Narito, susuguin ko ang aking mensahero. Siya ang maghahanda ng daan sa aking unahan. Kung magkagayon, ang Panginoon na inyong hinahanap ay biglang darating sa kanyang templo. Ang hinihintay ninyong mensahero ng tipan ay darating, sabi ng PANGINOON na Makapangyarihan sa lahat.
Tatlo ang pinatutungkulan sa talata ng Banal na Kasulatan na napauukol sa Hula, Paunang Pahayag o Propesiya ng ating Panginoong Diyos na ating nabasa sa Malakias 3:1.
Ang PANGINOONG DIYOS – Ang nagsugo sa Kaniyang Mensahero –
Ang Panginoong Jesu-Cristo – Panginoon na hinahanap na biglang darating sa Kaniyang Templo
Elias Arkanghel Jesu-Cristo – Ang Mensahero ng PANGINOON na naghahanay ng Kaniyang mga pagpapayo na mababasa sa mga Bagong Pahayag. Sa kaniya nakalakip at sumasakaniya ang Espiritu ng Panginoong Jesu-Cristo at maging ang ating PANGINOONG DIYOS. Yan ang pangako ng Panginoong Jesu-Cristo sa nagmamahal sa Kanila (Juan 14:23 FSV). Ang Mensahero na inuutusan ng ating Panginoong Diyos na maghahanda ng Kaniyang Daan, (Malakias 3:1 NPV) ang Daan ng Kabanalan. (Isaias 35:8 NPV) Pinili at Hinirang ng ating Panginoong Diyos. (Isaias 42:1 AB) (Isaias 49:5-6 ASND) Dalawang Katauhan na pinag-isa ng ating Panginoong Diyos sa pamamagitan ng Panginoong Jesu-Cristo, nang lalangin Niya sa Kaniyang sarili ang Isang Taong Bago (Efeso 2:15 FSV). Ang literal na Isang Taong Bago na kumakatawan sa Kaniyang pagbabalik sa daigdig. (Juan 14:18 FSV) Oo, ang Panginoong Jesu-Cristo ang Anak ng Tao (Mateo 16:27 ASND) at ang paglalakipan Niya na si Elias Arkanghel ay ang kamukha ng Anak ng Tao (Pahayag 14:14 MBB).
Sapagkat nang siya ay isinilang, Oo, ang batang lalaki na pinatutungkulan ng Panginoong Jesu-Cristo sa aklat ng Pahayag, ay inagaw at dinala ng Anghel sa harap ng Panginoong Diyos (Pahayag 12:5 MBB). 5 Ang babae ay nagsilang ng sanggol na lalaki, na nakatakdang maghari sa lahat ng bansa sa pamamagitan ng tungkod na bakal. Ngunit may umagaw sa bata at dinala ito sa Diyos, sa kanyang trono. Ang espiritu ng batang lalaki na si Elias Arkanghel ay pinagpalit ng ating Panginoong Diyos sa Panginoong Jesu-Cristo na nasa Langit.
Yan ang plano ng ating Panginoong Diyos kung bakit Niloob ng ating Panginoong Diyos na dalhin sa Kaniya ang sanggol na batang lalaki nang isilang. Naganap ang Kalooban ng ating Panginoong Diyos na pagpalitin ang espiritu ng bata sa Espiritu ng Panginoong Jesu-Cristo. Oo, ang wangis ng Panginoong Jesu-Cristo sa nakaraan ang lumalarawan sa lumalaking batang lalaki na nakatakdang maghari sa Bagong Daigdig na pinatutungkulan sa Hula na binabanggit sa Pahayag ngunit katawan lamang at kaluluwa ni Elias Arkanghel. Subalit ang Espiritu ng Panginoong Jesu-Cristo ang Siyang maghahari sa Bagong Daigdig ito ang Kaniyang mga naipahayag sa mga Apostol noon
(Mateo 19:28 MBB). 28 Sinabi sa kanila ni Jesus, “Tandaan ninyo: kapag naghahari na ang Anak ng Tao sa kanyang trono ng kaluwalhatian sa bagong daigdig, kayong sumunod sa akin ay uupo din sa labindalawang trono upang mamuno sa labindalawang lipi ng Israel.
Pahayag 20:4 ASND 4 Pagkatapos, may nakita akong mga trono, at ang mga nakaupo roon ay binigyan ng karapatang humatol. Nakita ko rin ang kaluluwa ng mga taong pinugutan ng ulo dahil sa pangangaral nila tungkol kay Jesus at dahil sa pagpapahayag nila ng salita ng Dios. Ang mga ito ay hindi sumamba sa halimaw o sa imahen nito, at hindi tumanggap ng tatak nito sa noo o kanang kamay nila. Binuhay sila at binigyan ng karapatang maghari na kasama ni Cristo sa loob ng 1,000 taon.
Nakita ko rin ang kaluluwa ng mga taong pinugutan ng ulo dahil sa pangangaral nila tungkol kay Jesus at dahil sa pagpapahayag nila ng salita ng Dios. Sila na mga pinugutan ng ulo noon, ang mga tinutukoy na mga kaluluwa na dumanas ng napakatinding pag-uusig sa panahon ng mga Apostol nang maiwan ng Panginoong Jesu-Cristo nang Siya ay umakyat sa Langit. Kung paano sinaklawan ng Espiritu ng Panginoong Jesu-Cristo si Elias Arkanghel ay gayundin ang Kanilang mga Pinili at Hinirang. Ang espiritu ng mga namatay (Bagong Tipan) na mga Apostol (kabilang ang mga natatakan na buhat pa sa mga unang lingkod ng ating Panginoong Diyos [Lumang Tipan: Noe, Abraham, Isaac, Jacob, Moises, ] na sila ang kabilang sa mga pinatutungkulan sa 24 na Matatanda sa aklat ng Pahayag,) na unang bubuhaying muli sa Bagong Daigdig (May ilan lamang gaya ng kapatid na Felix Y. Manalo, kapatid na Erano G. Manalo ang mapahihintulutan namabubuhay na kasama doon) na tinutukoy ng Panginoong Jesu-Cristo ang siyang lalakip sa mga Pinili at Hinirang ng ating Panginoong Diyos upang ang Banal na Katwiran na ipinahayag ng Panginoong Jesu-Cristo ay umiral sa mga sumunod sa Kaniya na uupo din sa labindalawang trono upang mamuno sa labindalawang lipi ng Israel. Ang Anak ng Tao ay maghahari sa kanyang trono ng kaluwalhatian sa bagong daigdig na nakalakip Siya sa katawan at kaluluwa ni Elias Arkanghel na ang Kaniyang Espiritu ang umukopa sa Isang Taong Bago na nilikha Niya sa Kaniyang sarili. Kaya sa Bagong Katauhan ng Panginoong Jesu-Cristo maisasakatuparan Niya ang lahat ng panukala ng ating Panginoong Diyos na sa pamamagitan pa rin Niya ay tatamuhin ng mga tao ang Kaligtasan.
Juan 14:6 SND 6 Sinabi ni Jesus sa kaniya: Ako ang Daan, ang Katotohanan at ang Buhay. Walang sinumang makakapunta sa Ama maliban sa pamamagitan ko.
Juan 10:27-29 MBB 27 Nakikinig sa akin ang aking mga tupa; nakikilala ko sila, at sumusunod sila sa akin. 28 Binibigyan ko sila ng buhay na walang hanggan. Kailanma’y hindi sila mapapahamak at hindi sila maaagaw sa akin ninuman. 29 Ang aking Ama na siyang nagbigay sa kanila sa akin ay lalong dakila sa lahat,[a] at hindi sila maaagaw ninuman sa aking Ama.
Kaya ang Panginoong Jesu-Cristo nagbalik na sa yugto ng ating panahon sa wakas ng lupa, ay upang maisakatuparan Niya ang Dakilang Kalooban ng ating Panginoong Diyos na SIya lamang ang makagagawa ang naipahayag Niya sa mga Hinirang Niya noon na Walang sinumang makakapunta sa Ama maliban sa pamamagitan ko. Kaya hindi ang kapatid na Eduardo V. Manalo ang magiging dahilan para ang mga maliligtas ay makarating sa piling ng ating Amang Banal o maging ang sinuman. Ang Panginoong Jesu-Cristo pa rin! Walang sinumang makakapunta sa Ama maliban sa pamamagitan ko. At imposible ngang ang kapatid na Eduardo V. Manalo ang maghatid sa Kaligtasan sa mga kapatid sa Iglesia ni Cristo lalo na nga walang pananalig o paniniwala man lang na may magaganap na Pagtakas o Paglikas. At yan ang dahilan kung bakit nakatakdang bumalik ang Panginoong Jesu-Cristo at yan ay sa yugto ngayon ng ating panahon.
Juan 14:8 SND 8 Hindi ko kayo iiwanang tulad ng mga mga ulila, ako ay babalik sa inyo.
Kaya ang mga naghahangad na makasama Siya ay maiiwang tulad ng mga ulila. Kaya ipinangako Niya ako ay babalik sa inyo. Ang pahayag Niya na ito nais Niyang ipabatid sa lahat na Kailanma’y hindi sila mapapahamak at hindi sila maaagaw sa akin ninuman. Ayaw Niya na mapahamak ang mga binigyan na Niya ng buhay na walang hanggan. Kaya hangad Niya ang Kaligtasan ng mga ibinigay sa Kaniya ng ating Amang Banal at ang tanging kaparaanan para makarating sila sa Ama ay sa pamamagitan pa rin Niya.
Oo, sa pamamagitan pa rin Niya ay maliligtas ang lahat. Sa gayun, masasaklawan ng Hiwaga ng Kapangyarihan ng ating Panginoong Diyos ang lahat pa ng Kaniyang gagawin para ang lahat ng mga tao ay mangaligtas. Lubusang maisasakatuparan ng Panginoong Jesu-Cristo ang katuparan ng Hula o Paunang Pahayag ng ating Panginoong Diyos sa
Isaias 46:10-11 MBB 10 Sa simula pa lang, sinabi ko na ang mga mangyayari sa hinaharap. Ang aking mga inihayag ay magaganap, at gagawin ko ang lahat ng gusto kong gawin. 11 May tinawag na akong mandirigma sa silangan, siya ay darating na parang ibong mandaragit, at isasagawa ang lahat kong balak. Ako ang nagsasabi nito, at tiyak na matutupad.
Isaias 42:1 MBB 1 Sinabi ni Yahweh, “Narito ang lingkod ko na aking hinirang; ang aking pinili at lubos na kinalulugdan; ibinuhos ko sa kanya ang aking Espiritu at siya ang magpapairal ng katarungan sa mga bansa.
na ang Panginoong Jesu-Cristo ang higit ang katuparan ng Ibong Mandaragit na gaganap sa wakas ng lupa sa bagong Katauhan Niya. Oo, Siya rin ang Pinili at Hinirang ng ating Panginoong Diyos na magpapairal ng katarungan sa mga bansa bilang Tungkod na Bakal. Oo, na binigyan ng Dalawang pakpak ang Agila. Ang Agila ay sumasagisag sa kaukulan nito na dagitin ang lahat ng mga tao na nangag-iibig na magtamo ng Kaligtasan. Ito ay sa pamamagitan ng Dalawang Pakpak na binigay sa Kaniya ang Karunungan at Katotohanan, na yan Banal na Katwiran ng ating Panginoong Diyos para maisagawa ng Panginoong Jesu-Cristo ang lahat ng balak ng ating Panginoong Diyos na magtamo ang lahat ng Kaligtasan.
Mateo 11:25 ASND 25 Nang oras ding iyon, sinabi ni Jesus, “Pinupuri kita Ama, Panginoon ng langit at lupa, dahil inilihim mo ang mga katotohanang ito sa mga taong ang akala sa sarili ay marurunong at matatalino, pero inihayag mo sa mga taong tulad ng bata na kaunti lang ang nalalaman.
Sa bahaging ito nais Niyang ituwid ang maling pagkaunawa ninyo sa mga talata. Bakit nga ba hanggang ngayon ay hindi ninyo matanggap ang Mensahero ng PANGINOON na hindi naman niya aagawin ang Pamamahala ng kapatid na Eduardo V. Manalo sa Iglesia ni Cristo. Iba ang Atas ng PANGINOON DIYOS sa kapatid na Elias Arkanghel Jesu-Cristo. Ang maipaunawa niya sa inyo ang Kalooban ng ating Panginoong Diyos kung paano kayo makararating sa Kaniyang Kaharian. Kung paano kayo maliligtas sa gagawin ng ating Panginoong Diyos na kawasakan sa kasalukuyang daigdig na ito. At diyan naman kayo pangungunahan ni Elias Arkanghel Jesu-Cristo sapagkat yan ang Atas ng Panginoong Diyos sa kaniya na maihatid kayo sa ligtas na Dakong Banal na doon ay pangangalagaan kayo sa loob ng tatlong taon at kalahati. Ang Diwa ng Panginoong Jesu-Cristo na Tagapagligtas ang nakalakip sa kaniyang pagkatao. Ang Tagapagligtas na inyong pinakahinihintay-hintay na darating sa Kaniyang Templo. Katawan at kaluluwa ni Elias Arkanghel, subalit Espiritu ng Panginoong Jesu-Cristo ang nasa kaniya na nagbalik na sa ating panahon. Kaya nga binigyan siya ng Panginoong Diyos na pangalan na Elias Arkanghel Jesu-Cristo.
PARA SA KABATIRAN NG LAHAT, MGA BAGONG KAALAMAN NA ‘DI PA NAIPAPAUNAWA NINOMAN.
Mateo 24:36 ASND 36 “Tungkol sa araw o oras ng aking pagbabalik, walang nakakaalam nito, kahit ang mga anghel sa langit o ako mismo na Anak ng Dios. Ang Ama lang ang nakakaalam nito. 37 Kung ano ang mga ginawa ng mga tao noong kapanahunan ni Noe ay ganoon din ang gagawin ng mga tao sa pagdating ko na Anak ng Tao. 38 Nang mga araw na iyon, bago bumaha, ang mga taoʼy nagsisikain, nag-iinuman, at nagsisipag-asawa, hanggang sa araw na pumasok si Noe sa barko. 39 Wala silang kaalam-alam sa mangyayari hanggang sa dumating ang baha at nalunod silang lahat. Ganyan din ang mangyayari sa pagdating ko na Anak ng Tao.
PAGPAPAUNAWA:
“Tungkol sa araw o oras ng aking pagbabalik, walang nakakaalam nito, kahit ang mga anghel sa langit o ako mismo na Anak ng Dios. Ang Ama lang ang nakakaalam nito. [ ipinauunawa ng Panginoong Jesu-Cristo sa Kaniyang mga alagad na kausap Niya sa panahong yaon, na walang tiyak na araw o oras ang Kaniyang pagbabalik. Pawang mga palatandaan lamang ang itinugon Niya sa kanila na halos lahat ay nakapaloob pa sa mga wakas ng lupa ang mga kaganapan. Ngunit hindi pa Niya tiyak kung kailan at hindi Niya talaga alam.
kahit ang mga anghel sa langit o ako mismo na Anak ng Dios. Ang Ama lang ang nakakaalam nito. [ Totoo hindi Niya Alam kung kailan ang Kaniyang pagbabalik kung kaya buong katapatan na iyan ang tugon ng Panginoong Jesu-Cristo sa mga Alagad Niya noon o mga Hinirang Niya noon.
Ang Ama lang ang nakakaalam nito. [ Ang Ama lamang ang nakakaalam nito. Yan ang tama, yan ang totoo. Ang Amang Banal din naman ang nakapagpahayag kung kailan ang Panginoong Jesu-Cristo darating. Tiniyak ang panahon na tuwirang tinukoy ng ating PANGINOONG DIYOS ng Kaniyang pagdating na mababasa sa Isaias 62:12 ang panahong binabanggit ng Kaniyang pagbabalik sa wakas ng lupa. Gaya na nga ng naipaunawa hindi sa panahon ng kapatid na Felix Y. Manalo, hindi rin sa panahon ng kapatid na Erano G. Manalo at hindi rin sa panahon ng kapatid na Eduardo V. Manalo na pawang nasasaklawan ng panahon ng “sa mga wakas ng lupa.” Samantalang ang “wakas ng lupa” ay umiral noong May 27, 2015, na diyan isinilang ang Anak na Babae ng Sion ang Banal na Gawain ng ating Panginoong Diyos na Kaniyang Bayang Hinirang o Iglesia ni Cristo…Hinirang.
Juan 14:18 SND 18 Hindi ko kayo iiwanang tulad ng mga mga ulila, ako ay babalik sa inyo
Tiniyak ng Panginoong Jesu-Cristo ang Kaniyang pagbabalik. 37 Kung ano ang mga ginawa ng mga tao noong kapanahunan ni Noe ay ganoon din ang gagawin ng mga tao sa pagdating ko na Anak ng Tao. Pakatalino tayo sa pag-unawa sa bahaging sinasabi ng Panginoong Jesu-Cristo, ganoon din ang gagawin ng mga tao sa pagdating ko na Anak ng Tao. Ang mga pangyayaring yan ay hindi magaganap sa panahon ng Sanlibong Taon. Naghahari doon ang Kapayapaan at Kalooban ng ating Panginoong Diyos sa mga taong makapaninirahan sa Banal na Bayan na Bagong Jerusalem. Kaya ang Kaniyang pagbabalik ay nasa yugto ng ating panahon. Anu-ano ang ginagawa ng mga tao sa panahon ni Noe? Nang mga araw na iyon, bago bumaha, ang mga taoʼy nagsisikain, nag-iinuman, at nagsisipag-asawa, hanggang sa araw na pumasok si Noe sa barko. Ang bahaging ito ay katumbas na iginagayak para maligtas ang mga tao na 39 Wala silang kaalam-alam sa mangyayari hanggang sa dumating ang baha at nalunod silang lahat. Ganyan din ang mangyayari sa pagdating ko na Anak ng Tao.
Walang pag-aalinlangan iginagayak ang mga tao ngayon sa Kaligtasan na iniaalok ng ating Panginoong Diyos. Ito na nga ang yugto ng panahon ng pagbabalik ng Panginoong Jesu-Cristo. Noong una hindi Niya alam kung kailan ang takdang panahon ng Kaniyang pagbabalik at tanging ang Ama lamang ang nakaaalam. Ngunit ngayon ay alam na Niya na sa yugto ng ating panahon, sa dulong panahon, na yan ang wakas ng lupa naganap ang Kaniyang pagbabalik. At ang lahat ng yan ay ipinapahayag ng Mensahero ng Panginoong Diyos na Kaniyang isinugo para muling magpahayag.
Oo, ang Panginoong Diyos mismo ang magsusugo sa Kaniyang Mensahero. Siya ay naatasan ng ating Panginoong Diyos na magpahayag. At kung maisagawa niya ito Kung magkagayon, ang Panginoon na inyong hinahanap ay biglang darating sa kanyang templo. Magkaiba ang Panginoon (maliit na letra) kaysa sa PANGINOON (malalaking letra) na nagpapahayag sa Malakias 3:1 na ating binasa. Ang Panginoon na maliit ang titik ay kumakatawan sa Panginoong Jesu-Cristo. Samantalang ang malaking letra ng PANGINOON ay kumakatawan sa ating Panginoong Diyos. Ang Mensaherong ito ang maghahanda ng Daan ng ating Panginoong Diyos. Ang Daan na patungo sa Dakong Banal.
ISAIAS 35:8 NPV 8 At magkakaroon doon na isang lansangan, na tatawaging Daan ng Kabanalan. Ang marumi ay hindi maglalakbay roon; ito ay para lamang sa mga lumalakad sa nasabing Daan; ang mga masasama’t mangmang ay di maglalakad doon.
Kaya huwag ninyong ipalalagay na ang katuparan ay si Juan na Tagapagbautismo na inaakala ninyo na Elias na Propeta na pinatutungkulan. Sapagkat siya ay pinagpahinga na ng ating Panginoong Diyos kung kaya hindi na niya maisasagawa na makalakad pa para sa nakatakdang Paglalakbay. Hindi rin ang mahal na kapatid na Felix Y. Manalo ang inaakala ninyo na katuparan na Elias na Propeta sapagkat ganun na rin ang kaniyang kalagayan. Pinagpahinga na rin siya ng ating Panginoong Diyos kung kaya hindi na rin siya makapangunguna sa nakatakdang Paglalakbay. Marahil pangangatwiranan ng iba: “hindi naman sinabi na makapangunguna sa paglalakbay, kundi maghahanda ng Daan na daraanan ng PANGINOON. Kaya siya pa rin ang katuparan na mangunguna kaya nga tinawag na Sugong Lider ang kapatid na Felix Y. Manalo siya ang naghanda ng daraanan ng ating Panginoong Diyos!” Kung yan ang inyong katwiran mga mahal naming mga kapatid, higit na mabuti ang sangguniin natin ang Banal na Katwiran mismo ng ating Panginoong Diyos. at yan ay mababasa natin sa Banal na Kasulatan o Biblia sa aklat ng Exodo 23 sa mga talatang 20 hanggang 22.
EXODO 23 : 20-22 MBB 20 “Magpapadala ako ng anghel na mangunguna sa inyo. Pangangalagaan niya kayo sa inyong paglalakbay at papatnubayan hanggang sa lupaing inihanda ko sa inyo. 21 Papakinggan ninyo siya at susundin ang lahat ng sasabihin niya sa inyo. Huwag ninyo siyang susuwayin sapagkat lahat ng ginagawa niya’y sa pangalan ko at hindi niya kayo patatawarin kapag nagrebelde kayo sa kanya. 22 Kung susundin ninyo siya at gagawin ninyo ang mga sinasabi ko, ipaglalaban ko kayo sa inyong mga kaaway.
Talagang hindi na nga magagawa ng mahal na kapatid na Felix Y. Manalo ang banal na kaukulan ng mangunguna sa Paglalakbay dahil nga sa pinagpahinga na siya ng ating Panginoong Diyos. Sapagkat Pahayag mismo ng ating Panginoong Diyos, yung mangunguna na Anghel na tao sa kalagayan na ipapadala ng ating Panginoong Diyos o isusugo Niya ay hindi lang basta mangunguna, kundi siya ang inatasan na mangangalaga sa magaganap na Paglalakbay. Siya rin ang taong papatnubay na aatasan ng ating Panginoong Diyos na maghahatid hanggang, uulitin ko lang maghahatid hanggang sa lupaing inihanda Niya sa atin. Oo, sa lahat ng makakasama sa Paglalakbay. Sapagkat ang Anghel na tao sa kalagayan lamang, ang pinagbigyan Niya ng kabatiran sa dereksyon na patutunguhan na sasaklawan ng Hiwaga ng Kapangyarihan ng ating Panginoong Diyos. Maaring hindi pa rin kayo papayag na wala sa mga kapatid na Manalo ang magiging katuparan. Bagaman, hindi na rin ninyo ipipilit ang mahal na kapatid na Erano G. Manalo, sapagkat siya man ay pinagpahinga na rin ng ating Panginoong Diyos. Subalit may Pamamahala pa ng Iglesia ni Cristo sa kasalukuyan na buhay pa sa katauhan ng ating mahal na kapatid na Eduardo V. Manalo na yan ang inyong ipipilit. Tatapatin namin kayo mga mahal naming kapatid nakalulungkot mang ipaunawa sa inyo, ang ating mahal na kapatid na Eduardo V. Manalo ay hindi sumasampalataya sa magaganap na Paglalakbay; na ito ang pinatutungkulan namin na Pagtakas o Paglikas. Kaya ang Mensahero ng PANGINOON o Anghel ng Panginoon na tao sa kalagayan na makagagawa ng Kalooban ng ating Panginoong Diyos na maihatid kayo doon sa ligtas na Dakong Banal na inihanda ng ating Panginoong Diyos, Ang totoo, nakaantabay lamang sa matapat na pagkilala sa kaniya ng ating mahal na kapatid na Eduardo V. Manalo. Nauunawaan ng kapatid na Elias Arkanghel Jesu-Cristo ang mahal na kapatid na Eduardo V. Manalo at ang lahat ng mga kumikilala sa kaniya bilang Pamamahala ng Iglesia ni Cristo na ang kasalukuyan na pagmamatigas niya o nila ay isang bahagi lamang ng nakatakdang kaganapan. Kailangan matupad ang lahat ng yan! Nagkadigmaan man ng mga mabibigat na mga salita yaon ay Kalooban ng ating Panginoong Diyos para matupad ang lahat ng Kaniyang Hula o Paunang Pahayag Niya.
Roma 11:25-28 MBB 25 Mga kapatid, isang hiwaga ang nais kong malaman ninyo upang hindi maging mataas ang palagay ninyo sa inyong sarili. Ang pagmamatigas ng Israel ay sa isang bahagi lamang hanggang sa mabuo ang takdang bilang ng lahat ng mga Hentil na lalapit sa Diyos. 26 Sa paraang ito, maliligtas ang buong Israel; tulad ng nasusulat:“Magmumula sa Zion ang Tagapagligtas. Papawiin niya ang kasamaan sa lahi ni Jacob. 27 At ito ang gagawin kong kasunduan namin kapag pinawi ko na ang kanilang mga kasalanan.”
Kung ibabatay ninyo sa ipinapahayag ng talata ay mauunawaan na ninyo mga mahal kong kapatid na talagang Kalooban ng ating Panginoong Diyos ang mga pangyayaring naganap at kasalukuyang nagaganap pa sa loob ng Iglesia ni Cristo. Dapat ninyong maunawaan na kung may pagmamatigas man ng kalooban ng Israel na sumasagisag o kumakatawan sa mga taga Central ay darating din ang takdang araw na maisasaayos din ang lahat. Katunayan gaya ng ipinauunawa sa talata Magmumula sa Zion (o Sion) ang Tagapagligtas. Oo, ang Sion ay ang Iglesia ni Cristo na may kinikilala ng Tagapagligtas at Siya ang Panginoong Jesu-Cristo. Subalit magmumula anya sa Sion o sa Iglesia ni Cristo ang Tagapagligtas. Ito ay sa katauhan naman ni Elias Arkanghel Jesu-Cristo na mula sa ating Panginoong Diyos ang kaniyang kahalalan. Sa kaniya lumalakip ang Panginoong Jesu-Cristo at ang ating Panginoong Diyos.
Juan 14:23 FSV 23 Sumagot si Jesus sa kanya, “Sinumang nagmamahal sa akin ay tutupad sa aking salita, at mamahalin siya ng aking Ama. Darating kami sa kanya at maninirahan kaming kasama niya.
————————————————————————————
[ at ang kanyang kaligtasan, tulad ng nagliliyab na sulo. ] Nangangahulugan lang din na pawang nasa loob na ng Sion (Iglesia ni Cristo), subalit, hindi pa tulad ng nagliliyab na sulo ang inyong mga kaligtasan. Inilalarawan ng ating Panginoong Diyos, na nasa kalagayan pa rin kayo na mapanglaw ang liyab ng sulo o liwanag ng pag-asa ninyo sa kaligtasan. ‘Yan ang ipinauunawa ng ating Panginoong Diyos. Oo, mapanglaw sapagkat ang Tagapagligtas na inaasam-asam niyo ay dumating na, subalit hindi niyo matanggap na Siya ay kasa-kasama niyo na. Nagbalik na Siya ngunit Malamlam pang ituring ng ating Panginoong Diyos ang inyong kaligtasan dahil tahasan ninyong sinasabi na kinikilala ninyo ang Kaniyang pagliligtas sa pamamagitan ng Kaniyang Sugong Tagapagligtas na di naman ninyo mapag-unawa ang Banal Niyang Katwiran.
[ 2 Ang katuwiran ninyo’y makikita ng mga bansa, ] huwag ninyong ipalagay na mga literal na bansa ang pinatutungkulan. Sa usapin panloob o pang Iglesia ni Cristo ito ay sumasagisag lamang ang mga bansa sa lahat ng mga Lokal na naroroon din sa nasabing mga bansa. Subalit, partikular na tinutukoy ang nasa usapin panloob ng Iglesia ni Cristo na mga bansa na sumasagisag sa mga Lokal.
[ at ng lahat ng hari ang inyong kaluwalhatian. ] At ng lahat ng hari ay sumasagisag lamang sa mga Tagapangasiwa ng bawat Distrito na nakauunawa ng Liwanag at Sulo ng Kaligtasan. Ngunit Sion o Iglesia ni Cristo mayroon kayong dapat na maunawaang lahat.
[ Tatawagin kayo sa bagong pangalan na ipagkakaloob ng PANGINOON mula sa kanyang bibig. ] Mula sa bibig ng ating PANGINOON. Kaya ang ating Panginoong Diyos ay may kinikilalang Kaniyang Bayan na kung tawagin Niya ay Bayang Hinirang. Nauunawaan nating lahat ang kinikilala ng ating Panginoong Diyos na Kaniyang Bayan sa yugto ng ating panahon ay ang Iglesia ni Cristo. Ngunit sa hinaharap tatawagin anya ang Iglesia ni Cristo sa bagong pangalan na ipagkakaloob ng PANGINOON na mula sa Kaniyang bibig batay sa nakasulat na Banal na Kasulatan o Biblia. Nangangahulugan ay nabanggit na ng ating PANGINOONG DIYOS. Alam na alam na natin, at nauunawaan ng lahat ang kinikilalang Bayan ng ating Panginoong Diyos sa yugto ng ating panahon ay ito ang “Iglesia ni Cristo.” Ngunit sumapit na ang itinakdang panahon ng ating Panginoong Diyos na tatawagin Niya ito sa Bagong Pangalan ang Bayang (Iglesia ni Cristo) Hinirang o Iglesia ni Cristo…Hinirang. Ito lamang Pagsamba Hulyo 21, 2022 Huwebes pahayag ng nangasiwa sa Pagsamba; “Gagawin ng Dios ang Kaniyang pangako!” “Ano ang pangako ng ating Panginoong Diyos?” “Ang Hula ng ating Panginoong Diyos ang Bayang Hinirang hindi pababayaan.”
PINAKA-PAKSANG TALATA NA MULING ITUTUWID ANG KAMALIAN NG INYONG BATAYAN SA PAGPAPAUNAWA NA MABABASA SA AKLAT NG ISAIAS 62:11-12
Isaias 62:11 ADB1905 11 Narito, ang Panginoon ay nagtanyag hanggang sa wakas ng lupa, Inyong sabihin sa anak na babae ng Sion, Narito, ang iyong kaligtasan ay dumarating; narito, ang kaniyang kagantihan ay nasa kaniya, at ang kaniyang ganti ay nasa harap niya. 12 At tatawagin nila sila Ang banal na bayan, Ang tinubos ng Panginoon: at ikaw ay tatawagin Hinanap, Bayang hindi pinabayaan.
Isaias 62 NPV 1 Para sa kapakanan ng Sion, hindi ako mananahimik. Alang-alang sa Jerusalem, hindi ako mananatiling walang kibo hanggang sa ang kanyang katuwiran ay magliwanag na tulad ng bukang-liwayway, at ang kanyang kaligtasan, tulad ng nagliliyab na sulo. 2 Ang katuwiran ninyo’y makikita ng mga bansa, at ng lahat ng hari ang inyong kaluwalhatian. Tatawagin kayo sa bagong pangalan na ipagkakaloob ng PANGINOON mula sa kanyang bibig.
ANG IBA’T-IBANG BERSYON.
Ito ay makailang ulit na rin na naipagmalasakit na maipaunawa sa inyo na mali ang inyong batayan ng pagpapaunawa. Ngunit nagpapatuloy pa rin ang inyong pangangaral nito pagtuturo sa mga Pagsamba. Narito ang pito na salin ng Isaias 62:11-12: ABTAG1978, ABTAG2001, ADB1905, KJV2000, MBB, ASND at NPV. Ang talatang ito ng Isaias 62:11 makailang ulit na kayong gumamit ng ibang bersyon sa pagtuturo sa mga Pagsamba at Pagsambang Pansambahayan. At narito ang ilan sa kanila:
Isaias 62:11 ABTAG1978 11 Narito, ang Panginoon ay nagtanyag hanggang sa wakas ng lupa, Inyong sabihin sa anak na babae ng Sion, Narito, ang iyong kaligtasan ay dumarating; narito, ang kaniyang kagantihan ay nasa kaniya, at ang kaniyang ganti ay nasa harap niya. 12 At tatawagin nila sila Ang banal na bayan, Ang tinubos ng Panginoon: at ikaw ay tatawagin Hinanap, Bayang hindi pinabayaan.
Isaias 62:11 ABTAG2001 11 Narito, ipinahayag ng Panginoon hanggang sa dulo ng lupa: Inyong sabihin sa anak na babae ng Zion, “Narito, ang iyong kaligtasan ay dumarating; ang kanyang gantimpala ay nasa kanya, at ang kanyang ganti ay nasa harapan niya.” 12 At sila’y tatawaging “Ang banal na bayan, Ang tinubos ng Panginoon”; at ikaw ay tatawaging “Hinanap, Lunsod na hindi pinabayaan.”
Isaias 62:11 ADB1905 11 Narito, ang Panginoon ay nagtanyag hanggang sa wakas ng lupa, Inyong sabihin sa anak na babae ng Sion, Narito, ang iyong kaligtasan ay dumarating; narito, ang kaniyang kagantihan ay nasa kaniya, at ang kaniyang ganti ay nasa harap niya. 12 At tatawagin nila sila Ang banal na bayan, Ang tinubos ng Panginoon: at ikaw ay tatawagin Hinanap, Bayang hindi pinabayaan.
Isaias 62:11 (Magandang Balita Biblia) 11 na si Yahweh ay nagpapahayag sa buong lupa: Sabihin mo sa mga taga-Zion, “Narito, dumarating na ang inyong Tagapagligtas; dala niya ang gantimpala sa mga hinirang.” 12 Sila’y tatawagin ng mga tao na ‘Bayang Banal, na Tinubos ni Yahweh.’ Tatawagin silang ‘Lunsod na Minamahal ng Diyos,’ ‘Lunsod na hindi Pinabayaan ng Diyos.’
Isaias 62:11 ASND 11 Makinig kayo! Nagpadala ng mensahe ang Panginoon sa buong mundo, na nagsasabi, “Sabihin ninyo sa lahat ng taga-Israel na ang kanilang Tagapagligtas ay dumating na, at may dalang gantimpala. 12 Tatawagin silang ‘Banal’ at ‘Iniligtas ng Panginoon.’ At ang Jerusalem naman ay tatawaging, ‘Lungsod na Pinananabikan’ at ‘Lungsod na hindi na Pinabayaan.’ ”
Isaias 62:11-12 (King James Version 2000) [11] Narito, ang PANGINOON ay nagpahayag sa mga wakas ng lupa, sabihin ninyo sa anak na babae ng Sion, narito, ang iyong kaligtasan ay dumarating; narito, ang kaniyang gantimpala ay nasa kaniya, at ang kaniyang gawain ay sa harap niya. [12] At tatawagin nila sila, ang banal na bayan, ang tinubos ng PANGINOON: at ikaw ay tatawaging, hinanap, isang lungsod na hindi pinabayaan.
Isaias 62:11 (New Pilipino Version) 11 Ang PANGINOON ay gumawa na ng pahayag sa mga dulo ng daigdig. “Sabihin ninyo sa Anak na Babae ng Sion, ‘Tingnan mo, dumarating ang iyong Tagapagligtas! Tingnan mo, dala niya ang kanyang gantimpala, at taglay niya ang kanyang pabuya.’ 12 Sila ay tatawaging Ang Banal na Bayan, Ang mga Tinubos ng PANGINOON. At ikaw ay tatawaging Hinahanap-hanap, Ang Lunsod na Hindi na Pinabayaan.
NAGTANYAG HANGGANG SA WAKAS NG LUPA KAIBAHAN SA MGA WAKAS NG LUPA
[ Narito, ang Panginoon ay nagtanyag hanggang sa wakas ng lupa, ] Ang pagbabalik ng Sion o Iglesia ni Cristo sa yugto ng ating panahon ay naganap at naisakatuparan “sa mga wakas ng lupa”. Samantala ang Anak na Babae ng Sion o Iglesia ni Cristo…Hinirang ay sinasaklawan naman ng panahon na tinatawag “sa wakas ng lupa”. October 25, 2020 pinuna na ang kamalian ng pagkaunawa ninyo: sa mga wakas ng lupa at sa wakas ng lupa. Inilakip dito ang larawan na inyong matutunghayan pati ang petsa at taon nang ituwid ang maling pagkaunawa “sa mga wakas ng lupa” kaysa “sa wakas ng lupa.

Oo, nagtanyag na ang ating Panginoong Diyos hanggang sa wakas ng lupa. Ito ang hula ng ating Panginoong Diyos na hindi na nauugnay sa panahon ng ating Panginoong Jesu-Cristo noon. Sapagkat sa yugto ng ating panahon sa wakas ng lupa napatutungkol. Hindi na rin nauugnay sa panahon ng mahal na kapatid na Felix Y. Manalo sapagkat sa kaniyang kapanahunan nang magpasimula siyang mangaral 1913-1914 ay kapwa saklaw ng panahon na “sa mga wakas ng lupa.” Dahil ang “Anak na Babae ng Sion” mga mahal naming kapatid ay sa yugto lamang ng ating panahon umiral sa pinatutungkulan na “sa wakas ng lupa.” Kaya magkaiba ang “sa mga wakas ng lupa” kaysa “sa wakas ng lupa.” Gayundin ang pagkakaiba ng sa “mga huling panahon” at “sa huling panahon.” Ito ang patototohanan sa atin ng kasunod na talata
1 Pedro 1:5 ASND [5] At sa pamamagitan ng pananampalataya nʼyo, iniingatan kayo ng kapangyarihan ng Dios habang naghihintay kayo ng kaligtasang nakalaang ihayag sa huling panahon.
Ang kahalagahan ng salitang “sa huling panahon” o sa wakas ng lupa, ay dulong bahagi na ito ng yugto ng ating panahon. ang mga mapapalad na bahagi pang mga na May tinatanaw na pag-asa ang bawat mananampalataya na kaligtasang nakalaang ihayag sa huling panahon kaugnay sa Hula o Paunang Pahayag ng ating Panginoong Diyos na mababasa sa
Isaias 62:11 ABTAG1978 11 Narito, ang Panginoon ay nagtanyag hanggang sa wakas ng lupa, Inyong sabihin sa anak na babae ng Sion, Narito, ang iyong kaligtasan ay dumarating; narito, ang kaniyang kagantihan ay nasa kaniya, at ang kaniyang ganti ay nasa harap niya.
Ang makasama sa araw ng Pagtakas o Paglikas para magtamo ng Kaligtasan ay gantimpala mo ng natamo sa ating Panginoong Diyos. Maibibilang ka na sa mga mapapalad sapagkat makararating ka na sa Banal na Bayan na Bagong Jerusalem makalipas ang tatlong taon at kalahati sa araw na itakda na ng ating Panginoong Diyos.
SA WAKAS NG LUPA, SA MALAYONG LUPA, SA DULO NG LUPA, SA DULO NG DAIGDIG
Hindi ito tumutukoy sa dereksyon kundi tuwirang tumutukoy sa panahon kung kailan magaganap o mapangyayari ang Hula o Propesiya ng ating Panginoong Diyos sa mga talatang pinag-aaralan. Mga salitang matatalinhaga ang kaukulan na sadyang itinago ng ating Panginoong Diyos upang manatiling nakalihim sa Hiwaga at hindi mapag-unawa ng mga hindi Niya napahihintulutan.
ANG SION (IGLESIA NI CRISTO} NA KAIBAHAN NITO SA ANAK NA BABAE NG SION (IGLESIA NI CRISTO…HINIRANG)
ANG SION : Dapat na maunawaang ninyong lahat mga mahal kong kapatid, ang kasalukuyang Iglesia ni Cristo (Sion) ay naibalik lamang sa higit na inaasahan ng ating Panginoong Jesu-Cristo na walang anumang naging hadlang o balakid sa pagbabalik nito. Sapagkat nasa Kaniyang pangangalaga pa rin ang Iglesia Niyang ito na nababakuran ng Kapangyarihang ipinagkaloob sa Kaniya ng ating Pinakadakilang Panginoong Diyos. Lamang hindi Niya kinokontrol ang malayang pagkilos sa loob ng Iglesia ng kasalukuyang Pamamahala ng kapatid na Eduardo V. Manalo, kasama ang kaniyang mga katuwang sa Central at sa pangkalahatan kung paano nila pinangangalagaan ang Kaniyang Iglesia.
Kaya, sa Espirituwal na pagpapaunawa ay hindi ito iba sa Iglesia ni Cristo na mula sa dati nitong kalagayan. Ito pa rin ang sinasabi ng ating Panginoong Jesu-Cristo na Kaniyang hinuhulaan noon. Naibalik ang Iglesia ni Cristo sa Kapahintulutan ng ating Panginoong Diyos bunga ng pangangaral ng ating mahal na kapatid na Felix Y. Manalo, ang halal na Ebanghelista na Sugong Lider ng Iglesia ni Cristo sa mga huling araw. Subalit, nang siya ay papagpahingahin na ng ating Panginoong Diyos ay humalili ang mahal na kapatid na Eraño G. Manalo. Ganunpaman, ay walang nababago sa katawagan sa Iglesia ni Cristo (Sion) na sa kaniya ay ibinilin. At nang papagpahingahin na rin ng ating Panginoong Diyos ang mahal nating kapatid na Eraño G. Manalo na Tagapamahalang Pangkalahatan, ay ang mahal nating kapatid na Eduardo V. Manalo naman ang humalili bilang Pamamahala sa Iglesia ni Cristo (Sion). Ganunpaman ay hindi pa rin nagbabago ang katawagan. Kaya naman, namamalaging Sion o Iglesia ni Cristo pa rin ang Iglesia na itinatag ng ating Panginoong Jesu-Cristo, Anopa’t ang dapat lang talaga na inyong maunawaang lahat, ay pagbabalik lamang ng tunay na Iglesia ni Cristo na itinatag ng Panginoong Jesu-Cristo. Oo ito rin ang ganap na sinasampalatayanan nating lahat na Iglesia ni Cristo noon, ay ang Iglesia ni Cristo pa rin sa kasalukuyan na sa yugto na ng ating panahon ay ang Sion o Iglesia ni Cristo.
HINDI NA NILA INABOT ANG PAGSILANG NG ANAK NA BABAE NG SION
KAPATID NA FELIX Y. MANALO : Hindi na inabot ito ng ating mahal na kapatid na Felix Y. Manalo. Sapagkat, nasa bungad sa mga wakas ng lupa na yugto ng kaniyang panahon nang siya ay nagpasimulang mangaral bilang Ebanghelista na Sugong Lider ng Panginoong Diyos hanggang sa papagpahingahin na ng ating Panginoong Diyos sa taong 1963.
KAPATID NA ERANO G. MANALO : At ang mahal na kapatid na Erano G. Manalo naman hindi na rin niya inabot ito sapagkat nasa kalagitnaan sa mga wakas ng lupa sa yugto ng kaniyang panahon nang siya ay maging Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia ni Cristo hanggang papagpahingahin na rin siya ng ating Panginoong Diyos sa taong 2009.
PAGTATAPOS NG “SA MGA WAKAS NG LUPA” ANG PANAHON NG KAPATID NA EDUARDO V. MANALO
KAPATID NA EDUARDO V. MANALO : Samantala, sa panahon naman ng ating mahal na kapatid na Eduardo V. Manalo ang pinakahuling bahagi na ng panahong sa mga wakas ng lupa. Ito ay naganap July 27, 2014 nang sumapit na ang ika-100 taon ng Iglesia ni Cristo (1914-2014), ang itinakdang pinakahuling bahagi na ng panahong “sa mga wakas ng lupa.” Lingid sa kaniyang kaalaman, lumipas pa ang sampung buwan hanggang May 27, 2015 ay saka isinilang o ipinanganak sa loob ng Iglesia ni Cristo ang Banal na Gawain na sumasagisag sa “Anak na Babae ng Sion” na kinakatawan ng mga kapatid sa loob ng Iglesia ni Cristo ngunit pawang mga Pinili at Hinirang ng ating Panginoong Diyos na nabibilang sa Munting Kawan, kung bakit Munting Kawan ay sapagkat iilan lamang ang bilang. Kaya pagkatapos na pagkatapos ng ika-isandaan taon na anibersaryo ng Iglesia ni Cristo, ay yan na rin ang pinatutungkulan na panahon na “wakas ng lupa” na kinatuparan sa Isaias 62:11-12. Hindi ito naitala sa gobyernong umiiral sapagkat ang Panginoong Diyos mismo ang nagtatag nito.
Masdan ang larawang inilakip sa gawing ibaba nito ang kabuuan na bilang ng buwan ng pagkapanganak ng Anak na Babae ng Sion na iyan ang panimulang pag-iral ng Banal na Gawain ng ating Panginoong Diyos sa wakas ng lupa.. Pagkatapos ay unawain at basahing maigi ang mga kasunod na hanay ng mga talata na magpapaunawa sa kaibahan ng Sion sa Anak na Babae ng Sion. ….

ANO NGA BA ANG MGA HIWAGA NA NAPAPALOOB SA SION O SA IGLESIA NI CRISTO?
Dito masasagot ang iba pang mga bumabangong katanungan sa inyo na napauukol sa kaibahan ng Sion sa Anak na Babae ng Sion. Kung paano tinanggap at kinilala ng mga Pinili at Hinirang ang Pahayag ng ating Panginoong Diyos patungkol sa isinusugo Niya at ang Panginoon darating.
SA SION AY IPANGANGANAK ANG ANAK NA BABAE NG SION AT PAGSILANG NG BATANG LALAKI
Awit 87:5 ADB05 [5] Oo, tungkol sa Sion ay sasabihin, ang isang ito at ang isang yaon ay ipinanganak sa kaniya; At itatatag siya ng Kataastaasan.
salin naman sa wikang English ay ganito ang mababasa
Psalm 87:5 21st Century King James Version [5] And of Zion it shall be said, “This and that man were born in her; and the Highest Himself shall establish her.”
Isang Hiwaga ang napapaloob ang ipinauunawa ng ating Panginoong Diyos sa lahat upang malaman ninyo ( Oo, tungkol sa Sion ay sasabihin, ) na ang Sion o Iglesia ni Cristo ay mayroon talagang nakatakda na mga ipanganganak sa kaniya. Ang isang ito ay sumasagisag sa Anak na Babae ng Sion. At ang isang yaon ay sumasagisag kay Elias Arkanghel
KALOOBAN NG PANGINOONG DIYOS NA ISILANG ANG ISANG SANGGOL NA LALAKI, AT KUNG ANG BAYAN NG PANGINOONG DIYOS NA BINABANGGIT AY YAN ANG SION O IGLESIA NI CRISTO. ANG TANONG, MAY MAKAPIPIGIL BA NA ISILANG NG SION ANG KANIYANG MGA ANAK? SABI NG PANGINOONG DIYOS? ISA PANG MATIBAY NA MAPAGBABATAYAN NA HULA, PROPESIYA O PAUNANG PAHAYAG NG ATING PANGINOONG DIYOS ANG ATING BABASAHIN SA;
Isaias 66:7-9 NPV 7 “Bago niya nadama ang hirap, nanganak na siya. Bago niya nadama ang sakit, nagsilang na siya ng isang sanggol na lalaki. 8 Sino ba ang nakarinig na ng ganyang mga bagay? Sino ang nakakita na ng ganyang mga pangyayari? Ang isang bayan ba ay naisisilang sa loob ng isang araw o ang isang bansa sa loob ng isang saglit? Gayunman, hindi pa natatagalang maghirap ang Sion, isinilang na niya ang kanyang mga anak. 9 Pinararating ko ba ang mga sandali ng pagsisilang nang hindi nagluluwal?” sabi ng PANGINOON. “Isinasara ko ba ang bahay-bata kapag pinarating ko na ang pagluluwal?” tanong ng inyong Dios.
Unawain ng bumabasa: “Bago niya nadama ang hirap, nanganak na siya. nagpasimula ang paghihirap ng babae sa espiritual nang maganap ang mga kaguluhan sa loob ng Iglesia ni Cristo; at ito ay sa panahon na ng mahal na kapatid na Eduardo V. Manalo. Kaya bago nangyari ang mga kaguluhan naipanganak na o nagsilang na siya (sa babae ipinatutungkol subalit sa literal na ina na ng bata napatutungkol) isang sanggol na lalaki. Siya si Elias Arkanghel ang katuparan ng Hula o Paunang Pahayag ng ating Panginoong Diyos na isinilang na isang sanggol na lalaki. Gayunman, hindi pa natatagalang maghirap ang Sion, isinilang na niya ang kanyang mga anak. Sa bahaging ito ang Sion na ang pinatutungkulan na bayan ng ating Panginoong Diyos ang biglang nagsilang ng isang bayan na yan ang Anak na Babae ng Sion. Mapipigilan ba ang kaniyang pagsilang? Hindi na, sapagkat Kalooban ng Panginoong Diyos na isilang sa Sion ang isang sanggol na lalaki at ang Anak na Babae ng Sion. Walang makahahadlang sapagkat nakatakda na ang kanilang mga pag-iral.
ANG PAGKAPANGANAK SA ANAK NA BABAE NG SION
(Ang isang ito) : na yan ang Anak na Babae ng Sion, Oo, Anak na Babae (sa literal may kumakatawan at sa espiritual ay may mga kumakatawan rin) na sumasagisag sa Banal na Gawain (At itatatag siya ng Kataastaasan) Oo, mismo ang ating Panginoong Diyos ang nagtatag sa Anak na Babae ng Sion sa loob ng Sion o Iglesia ni Cristo na binabanggit. At para naman sa kaniyang pagkakakilanlan ay tinawag ito ng ating Panginoong Diyos na Kaniyang Bayang Hinirang o Iglesia ni Cristo na Kaniyang Bayan. Binago ng ating Panginoong Diyos ang pangalan ng Kaniyang Bayan na Iglesia ni Cristo na napulaan ng kapintasan bunga ng mga kaguluhan na naganap sa dulo ng panahon sa mga wakas ng lupa na hanggang ngayon nananatili ang batik at kapintasan ng kaguluhan. Dahil hindi nasunod ang mga Kalooban ng ating Panginoong Diyos at tuwirang nakalabag kaya sa galit ng ating Panginoong Diyos ay nilagyan Niya ng sumpa ang kalupaan ng sandaigdigan ito.
ANG KATOTOHANAN SA KABATIRAN NG LAHAT TUNGKOL SA KAWAN AT MUNTING KAWAN
Ang Iglesia ni Cristo sa mga wakas ng lupa ,sa bungad, sa kalagitnaan at sa dulong bahagi ng panahon ay naging malawak o lumaki na ang bilang ng Kawan (Gawa 20:28 Lamsa Translations), Sumapit na nga ito sa ika-100 na taon ng July 27, 2014. At ngayong July 27, 2022 ay nasa ika-108 na taon ito mula ng bumangon sa mga wakas ng lupa, kung kaya hindi na masasabing Munting Kawan para akuin nila na sila pa rin ang pinatutungkulan na “Munting Kawan”.
Muling ipinauunawa: Nito lamang Hulyo 30/31, 2022, araw ng Sabado/Linggo. ang Sion o Iglesia ni Cristo natalakay ninyo sa Pagsamba ang mga parada ng tagumpay ng Iglesia ni Cristo. Inilarawan ang mabilis na paglaganap nito, at ang pagdami ng mga kaanib nito na hindi lang dito sa Pilipinas kundi nakalaganap na ito sa buong daigdig. Halos nasa 161 na bansa at teretoryo,149 na lahi ang mga kaanib dito. Ano ang nais ninyo ipahiwatig dito? Ang Kawan o Iglesia ni Cristo sa inyong Pamamahala sa kabuuan ay napakalawak na, napakarami na, napakalaganap na sa buong daigdig. Tanong: Kayo ang Kawan, kayo pa rin ba ang “Munting Kawan”?
Lucas 12:32 ASND 32 “Kayong mga tagasunod ko ay kaunti lang.[a] Ngunit huwag kayong matakot, dahil ipinagkaloob ng inyong Ama na maghari kayong kasama niya.
Lucas 12:32 NPV 32 “Huwag kayong matakot, munting kawan, sapagkat nalulugod ang inyong Ama na ibigay sa inyo ang kanyang kaharian.
Kaya ang kapalaran ng mga tagasunod na pinatutungkulang Munting Kawan ng ating Panginoong Diyos sa pamamagitan ng Panginoong Jesu-Cristo ay pinagkalooban ng ating Amang Banal na maghahari na kasama Niya dahil ang Munting Kawan ang napahintulutan Niya na makaunawang lubos ng Hiwaga ng Kaniyang Kalooban para magtamo ng literal na kaligtasan sa araw ng Pagtakas o Paglikas patungo sa Ligtas na Dako na doon ay maalagaan sa loob ng tatlong taon at kalahati (walang pinipiling relihiyon na sumasampalataya na gustong makasama sa Pagtakas o Paglikas. Ang mahalaga sumasampalataya sa Pagtakas o Paglikas. Doon na ang lahat ay itutuwid ng Panginoong Diyos, Patatawarin at gagawin ng Banal ang lahat ng naroroon para mapahintulutan makapasok sa pagpasok sa Banal na Bayan na Bagong Jerusalem, Ang napakagandang kapalaran na makakasama doon ng mga maliligtas ay ang ating Panginoong Diyos sa loob ng Sanlibong Taon. Kaya naman, nalulugod Siya na sa Munting Kawan ibigay ang Kaniyang Kaharian.
Bakit hindi sa Kawan o sa mga Iglesia ni Cristo sa kasalukuyan na bunga ng unang Gawain? Nangangahulugan ba na hindi na sila maliligtas, dahil hindi kinilala ang Pagtakas o Paglikas? Maliligtas pa rin, lamang lilipas pa ang Sanlibong Taon saka pa lamang magaganap ang Araw ng Paghuhukom. Saan sila hindi maliligtas? Sa Kawasakang Darating! Oo, madaramay silang lahat sa Kawasakang Darating sa sandaigdigang ito at ang kamatayan ay darating sa kanilang lahat.
ANG PAGKAPANGANAK SA ISANG SANGGOL NA LALAKI
(at ang isang yaon) : (kay Elias Arkanghel tumutukoy) ay ipinanganak sa kaniya ( sa Iglesia ni Cristo) na yan naman ang isinilang na sanggol na lalaki ( that man were born in her; and the Highest Himself shall establish her ) yan ang nakasulat sa Psalm 87:5 sa 21 Century King James Version salin sa wikang English.
Oo, yan ang Hiwaga ng Katotohanan na hindi maaaring isantabi na lamang ng Jerusalem o Central ang mga Katotohanan na sa Sion ay mayroong isisilang na batang lalaki; at sa Sion din mismo isinilang ang Anak na Babae ng Sion na sumasagisag sa Iglesia ni Cristo…Hinirang sa loob ng Iglesia ni Cristo na itinatag naman ng Panginoong Jesu-Cristo. Kaya ang Anak na Babae ng Sion at ang batang lalaki na isisilang sa Sion sa Hula o Paunang Pahayag ng ating Panginoong Diyos batay sa nakasulat sa Banal na kasulatan o Biblia ang ating Panginoong Diyos ang tumubos at nagtatag dito.
Ang Hula o Paunang Pahayag ng ating Panginoong Diyos sa isang sanggol na lalaki ay bahagi sa ibinigay naman ng ating Panginoong Diyos na Hula o Paunang Pahayag sa Panginoong Jesu-Cristo na mababasa sa Aklat ng Pahayag. Unawain ng bumabasa;
Pahayag 12:5 MBBTAG [5] Ang babae ay nagsilang ng sanggol na lalaki, na nakatakdang maghari sa lahat ng bansa sa pamamagitan ng tungkod na bakal. Ngunit may umagaw sa bata at dinala ito sa Diyos, sa kanyang trono.
Revelation 12:5 Complete Jewish Bible [5] She gave birth to a son, a male child, the one who will rule all the nations with a staff of iron. But her child was snatched up to God and his throne;
Kaninong Pahayag ang inyong mga nabasa?
Pahayag 1:1 MBBTAG [1] Ito ang pahayag ni Jesu-Cristo na ibinigay ng Diyos sa kanya at kanyang inihayag kay Juan na alipin niya, sa pamamagitan ng anghel na kanyang isinugo. Ang layunin ng paghahayag na ito’y ipakita sa mga alipin ng Diyos ang mga bagay na malapit nang maganap.
Mga mahal kong kapatid, matibay na mga Katotohanan na mababasa sa Aklat ng Pahayag gaya ng sinabi sa talata na pawang Pahayag ng Panginoong Jesu-Cristo. Oo, Pahayag ng Panginoong Jesu-Cristo na ang nagbigay sa Kaniya ay ang ating Panginoong Diyos, na inihayag kay Juan sa pamamagitan ng anghel na Kaniyang isinugo. Kaya huwag na huwag ninyong ipapalagay o ni iisipin na ang Panginoong Jesu-Cristo ang sanggol na lalaki na isinilang ng babae na nakatakdang maghari. Isang malaking pagkakamali kung ipipilit ninyo. Siya nga ang nagpahayag sa talata ng Banal na Kasulatan o Biblia. Nangangahulugan na eksistido na o umiiral na ang Panginoong Jesu-Cristo. Ano lang ang ibig sabihin? Sa iba Niya ipinatutungkol ang sanggol na lalaki na isisilang ng babae. (Unawain ng bumabasa) Ang layunin ng paghahayag na ito’y ipakita sa mga alipin ng Diyos ang mga bagay na malapit nang maganap. Ang sabi malapit nang maganap (pang hinaharap) hindi sinabi na naganap na. Ang Panginoong Jesu-Cristo ay naisilang na kaya naganap na! Samantala ang sanggol na lalaki na binabanggit Niya ay malapit nang maganap at Siya mismo na Panginoong Jesu-Cristo ang nagpahayag nito.
Dapat ninyong maunawaan na laging magkaakibat ang Espiritual at literal na pagpapaunawa. Laging may kumakatawan sa Espiritual at laging may kumakatawan din sa Literal. [ Ang babae ay nagsilang ] na sumasagisag sa Espiritual na pagpapaunawa ang babae na tinutukoy ay ang Iglesia ni Cristo, ngunit sa literal naman ay ang ina o magulang ng batang lalaki [ ay nagsilang ng sanggol ] si Elias Arkanghel ang literal na isinilang [ na nakatakdang maghari sa lahat ng bansa ] subalit sa Espiritual ang Panginoong Jesu-Cristo ang talagang nakatakda na maghahari sa bago Niyang Katauhan na kumakatawan lamang kay Elias Arkanghel. Oo katawan at kaluluwa lamang ni Elias Arkanghel ang gagamitin Niya ngunit ang Espiritu Niya ang uukopa sa buong katauhan ni Elias Arkanghel. Sila ay dalawa ngunit pinag-isa ng ating Panginoong Diyos sa iisang Katawan. Ang Panginoong Jesu-Cristo ang Ulo kaya ang Espiritu Niya ang lumalakip kay Elias Arkangel kung kaya nakapagpapahayag at nakapagpapaunawa ng puspos ng Karunungan ng ating Panginoong Diyos at ang Katawan Niya ay ang literal na katawan ni Elias Arkanghel. Kaya tinawag Sila sa pangalan na “Elias Arkanghel Jesu-Cristo”.
Efeso 2:15 FSV 15 Kanyang pinawalang-bisa ang kautusang may mga batas at tuntunin upang mula sa dalawa ay lumikha siya sa kanyang sarili ng isang bagong katauhan. Sa ganitong paraan ay nakakamit ang kapayapaan,
Dapat ninyong maunawaan na may literal na kakatawan sa Isang Taong Bago na yan ang isang bagong katauhan ng Panginoong Jesu-Cristo na iiral sa kaniyang pagbabalik na ngayon ay naririto na.
Juan 14:18 FSV 18 Hindi ko kayo iiwang parang mga ulila. Darating ako sa inyo.
Palaisipan pa rin marahil sa inyo?! Tanggap na ninyo ang Panginoong Jesu-Cristo ang nagpapahayag sa Aklat ng Pahayag sa Banal na Kasulatan o Biblia. May gusto pa kayong malaman kung paanong mangyayari na ang batang lalaki na nakatakdang maghari sa lahat ng bansa. Paano nga ba?
Pahayag 12:5 MBBTAG [5] Ang babae ay nagsilang ng sanggol na lalaki, na nakatakdang maghari sa lahat ng bansa sa pamamagitan ng tungkod na bakal. Ngunit may umagaw sa bata at dinala ito sa Diyos, sa kanyang trono.
[Ngunit may umagaw sa bata at dinala ito sa Diyos, sa kanyang trono.] Kaya nang literal na ngang ipanganak ang batang lalaki ng kaniyang ina sa daigdig na ito. (Unawain ng mga bumabasa) Hindi ang literal na katawan ng bata ang dinala sa ating Panginoong Diyos. Ang espiritu ng batang lalaki ang dinala ng umagaw, at ang umagaw ay Anghel na nakatalaga na nagbantay sa bata ang siyang nagdala sa Trono ng ating Panginoong Diyos. Kaya sa Langit naganap; ang Espiritu ng Panginoong Jesu-Cristo at ang espiritu ng batang lalaki ay pinagpalit ng ating Panginoong Diyos. Kaya ang espiritu ng batang lalaki na ngayon ay si Elias Arkanghel ang nasa Langit na kasa-kasama ng ating Panginoong Diyos, at ang Espiritu ng Panginoong Jesu-Cristo ay naririto na sa daigdig.
Para sa inyong kabatiran:
Kaya ang Espiritu ng Panginoong Jesu-Cristo habang lumalaki ang bata, ang wangis Niya ang lumalarawan sa literal Niya na kaanyuan sa nakaraan. Bago pa isilang (ang batang lalaki na ngayon ay si Elias Arkanghel) ng kaniyang ina noon pa lamang ay nagpakita na sa kaniya at kinausap na siya ng Anghel ng ating Panginoong Diyos. Iginayak na at ipinaunawa na sa kaniya ang napauukol sa magiging anak niya sa hinaharap na kaniyang isisilang. Binanggit na rin sa kaniya ang marapat na ipapangalan sa bata. Hanggang isinilang si Elias Arkanghel na kakasangkapanin Niya sa Pagpapahayag na paglalakipan ng Diwa ni Cristo ang panganay sa mga Anak Niya, at ang Banal na Kaukulan Niya ay nakatakdang maganap sa dulo ng panahon sa wakas ng lupa, para maisakatuparan ang lahat ng Kaniyang mga Panukala na mga Hula o Paunang Pahayag Niya na hindi mahahadlangan ng sinuman.
Huwag nawang nagtatalo pa ang inyong isipan at ipinilit pa rin ninyo ang Panginoong Jesu-Cristo ang isinilang na sanggol na lalaki. Sasalungat na kayo sa Katotohanan na mababasa mismo sa Banal na Kasulatan o Biblia na Pahayag mismo ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Uulitin ko Pahayag mismo ng ating Panginoong Jesu-Cristo na Kaniyang patototohanan sa aklat ng Pahayag sa talatang 1 bersikulo 1 ganito ang inyong mababasa.
Pahayag 1:1 MBBTAG [1] Ito ang pahayag ni Jesu-Cristo na ibinigay ng Diyos sa kanya at kanyang inihayag kay Juan na alipin niya, sa pamamagitan ng anghel na kanyang isinugo. Ang layunin ng paghahayag na ito’y ipakita sa mga alipin ng Diyos ang mga bagay na malapit nang maganap.
Ito ang aklat ng Pahayag ng Banal na Kasulatan o Biblia na ang nilalaman ay mga pahayag ng Panginoong Jesu-Cristo kaya hindi Siya ang literal na isang sanggol na lalaki na mababasa sa Pahayag 12:5. Ang katunayan Siya pa nga ang pinagmulan ng Pahayag na binigay sa kaniya ng ating Panginoong Diyos na inihayag Niya kay Juan sa pamamagitan ng Anghel. Yan ang Kaniyang inihayag kay Juan na inihayag naman ni Juan sa pamamagitan ng anghel na Kaniyang isinugo.
Ang mga bagay na malapit nang maganap sa Kaniyang pagbabalik ay hindi pa rin hagip ng mga dalubhasa sa pag-aaral ng Banal na Kasulatan o Biblia kahit inilalarawan na ng Panginoong Jesu-Cristo ang mga palatandaan inihayag Niya sa mga Alagad o Hinirang Niya noon. Yan ang inyong aantabayan mga mahal naming kapatid!

Hashtags: Please copy and paste to all your messages
#iglesianicristo #inc100 #inccentennial #centennial #inc4life #incootd #incfashion #icmedianews #inctv #net25 #incmedia #increview #fymfoundation #mycountrymenmybrethren #kabayankokapatidko #incselfiechallenge #incwikileaks #sanggunian #radelcortez #gerrypurification #junsantos #gliceriosantosjr #rodelcabrera #biensantiago #erdzcodera #ernestosuratos#mattpareja #antonioebangelista #silentnomore #iglesianicristosilentnomore#Pananampalataya #Pagasa_#Pagibig #DoblehinAngPagsisikap#PuspusangPagbabagongBuhay #PuspusangPakikipagkaisa#ItaguyodAngKasiglahangESPIRITUAL #Iglesia_Ni_Cristo #DoblehinAngPagsisikap #SolidongPananampalataya #KaisangDiwaNgPamamahala #WEareONEwithEVM#PuspusangPagsunodAtPagpapasakopParaMaligtas #ItaguyodAngKasiglahangEspiritual #MasaganangPagbubunga #PalaguinAngPananampalatayaPagibigAtPagasa #INC101 #DoblehinAngPagsisikap #INC #Maytungkulin #INC4ever#IamTheOneWithEVM