Mapagpalang araw sa ating lahat. Muli kaming nagpapasalamat sa Pamamahala ng Iglesia ni Cristo sa kapatid na Eduardo V. Manalo. Sapagkat nabigyan pansin ang mga nalathala namin, na lihim na ninyong inaaral at sinisilip ang anumang mga masisilip ninyo na mga kamalian namin. Dahil diyan, pinili mo mahal naming kapatid ang kapatid na Dan V. Orosa na gumawa at maghanay ng mga balangkas ng leksyon para maituro sa mga Pagsamba. Ang kapatid na Dan V. Orosa ay isa sa mga kinikilala mong Ministro diyan sa Central na may angking talino, kahusayan sa iba’t-ibang larangan ng pangangasiwa sa Iglesia at sa pagtuturo na rin sa Ministeryo. Pinili mo siya sa gayun, sa pamamagitan niya ay mailahad ninya ang inyong mga puna sa mga ipinapahayag sa Blog o Pahayagan ng Iglesia ni Cristo…Hinirang.
Ikinatutuwa namin na napapansin na niyo ito! Lihim ninyong inaaral, sinisilip, kung ano sa mga Pahayag ang maaari ninyong tuligsain sa amin. Sapagkat sa nakaraan ay walang basehan ang inyong mga pamumuna sa amin gamit ang Tribuna at kami pinupukulan ninyo ng mga mabibigat na pananalita habang kinukutya na nagtatawanan ang mga kapatid. Yun nga lang, nangangapa ang mga kapatid kung sino kaya ang inyong mga pinatutungkulan?! Dahil sa aminin man ninyo at sa hindi, sa loob ng pitong taon nakalipas, tatlong buwan, labing-limang araw, ay wala pa rin kayong lakas ng loob na mabanggit man lang sa kapulungan ng mga kapatid sa Iglesia ni Cristo, na ang Iglesia ni Cristo…Hinirang ang inyong pinupulaan na wari ninyo ay nakikipagdigmaan. Tanong: Kaya niyo bang gawin kahit sa isang araw man lang na Pagsamba ay mabanggit ninyo na ang Iglesia ni Cristo…Hinirang ang tuwirang nangangaral ng mga Bagong Pahayag na inyong mababasa sa social media, na hindi naituro ng kapatid na Felix Y. Manalo kung kaya hindi dapat ninyo kilalanin at hindi dapat ninyo paniwalaan? Kakayanin niyo ba mga mahal naming kapatid? Tiyak na kung gaano kadali para sa inyo na tuligsain ang ibang-ibang pangkatin ng relihiyon ay hindi ganun sa inyo kadali na magawang maipabatid ito sa mga kapatid sa loob ng Iglesia ni Cristo na may Iglesia ni Cristo…Hinirang na magiting na naghahanay ng mga Pahayag na mga Hiwagang nakapaloob sa mga Hula, Propesiya o Paunang Pahayag ng ating Panginoong Diyos na mababasa sa Banal na Kasulatan o Biblia. Sapagkat batid ninyo na laging nakahandang tumugon sa lahat ng pagkakataon sa anumang mga puna ninyo sa mga Aral at Katotohanan inihahayag ng Banal na Gawain na aming itinataguyod.
Katulad ngayon tutugunin namin ang inyong panunuligsa, di kami iiwas mga mahal naming kapatid, para maipagmalasakit din namin sa inyong lahat na maipaunawang lubos sa inyo ang mga nakalihim sa Hiwaga sa mga Bagong Pahayag na inihahayag ng ating Panginoong Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Cristo sa banal na kaukulan ng Mensahero na naatasan.
Isaias 42:9 MBB 9 Ang mga dating pahayag ko ay natupad na. Mga bagong bagay ang sasabihin ko ngayon bago pa mangyari ang mga ito.”
Kaya naman, nang mabasa ninyo ang nalathala ng March 30, 2022 KABUUAN NG MATEO 24:1-51 IPINAUNAWA ay malalalim ang mga pagpapaunawa sa mga Bagong inihahayag namin na hindi pa sa inyo naituturo sa Ministeryo.. Maayos na nailahad namin ang pagpapaunawa ay mayroon kayong pagmamatuwid na humanggan pa sa panunuligsa. Ang pagmamatuwid ninyo kung wawariin parang makatwiran sapagkat isang kilalang Ministro ang nagbalangkas ng leksyon para maituro sa mga kakapatid sa loob ng Iglesia ni Cristo. Ngunit napapanahon na nga na maisaayos ang mga kamaliang naituturo sa loob ng Iglesia ni Cristo dahil na rin sa paggamit ng mga maling batayan ng pagpapaunawa. Kaya naman ang laging bilin ay
2 Timoteo 4:2 ASND [2] Maging handa ka sa pangangaral ng Salita ng Dios sa anumang panahon. Ilantad mo ang mga maling aral; pagsabihan ang mga tao sa mga mali nilang gawain, at patatagin ang pananampalataya nila sa pamamagitan ng matiyagang pagtuturo.
Dadako na tayo sa pinakapaksa na mula sa inyo:
PAGHANDAAN NATIN ANG KALIGTASAN NA MALAPIT NA NATING KAMTIN na nalathala August 24/25, 2022, Mierkules/Huwebes ang leksyong binalangkas ni kapatid na Dan V. Orosa. Ito ang tinalakay ng mga kapatid nating mga Ministro sa kapulungan ng mga kapatid na Sumasamba sa mga Pagsambang Kongresyonal at Pagsambang Pansambahayan na ganito ang kanilang magkakatulad o pare-parehong sinasabi;
Gayunman, hindi natin alam ang taon, buwan, o araw ng muling pagparito ni Cristo. Ang sabi Niya sa Mateo 24:36 (MB), “Walang nakaaalam ng araw at oras ng pagsapit niyon, kahit ang mga anghel sa langit, o ang Anak man-ang Ama lamang ang nakaaalam nito.” Kaya tiyak na hindi nagsasabi ng totoo ang mga mangangaral na nangahas magbigay ng tiyak na petsa, taon. buwan, araw, at ang iba ay pati oras, ng muling pagbabalik ni Cristo o ng katapusan ng mundo. Hindi dapat paniwalaan ni pakinggan man lamang ang gayong uri ng mga mangangaral. At dahil sa hindi natin alam ang taon, buwan, o araw ng muling pagparito ni Cristo na siya ring araw ng ating kaligtasan-ang sabi Niya sa Mateo 24:44, “Kayo’y magsihanda.” Itinatagubilin din sa atin na mga naghahanda sa muling pagparito ni Cristo na “huwag ninyong balewalain ang biyaya ng Diyos na inyong natanggap.” alinsunod sa Ikalawang Corinto 6:1-2 (SND). Ganito rin ang ipinapanawagan sa atin ng Namamahala sa Iglesia. Hinihimok niya tayo na gawin natin ang puspusang pagsunod sa mga utos ng Diyos sa atin para huwag masayang ang pagkakataon na tayo’y maligtas. Ang laging pagsunod ang nagpapatatag sa pag-asa natin sa pagtatamo nito.
Kaya tiyak na hindi nagsasabi ng totoo ang mga mangangaral na nangahas magbigay ng tiyak na petsa, taon. buwan, araw, at ang iba ay pati oras, ng muling pagbabalik ni Cristo o ng katapusan ng mundo. [Mga mahal kong kapatid, huwag kayong pupukol ng bato na sa inyo rin tatama. Pansinin niyo mula sa inyong pagpapaunawa sa pahina 1] Ipinauunawa sa Mateo 24:3 at 33 na sa pamamagitan ng mga palatandaang ibinigay ni Cristo ay malalaman kung malapit na ang Kaniyang pagdating. “Mangakakarinig kayo ng mga digmaan at mga alingawngaw ng mga digmaan datapuwa’t hindi pa ang wakas.” Samakatuwid, ang unang palatandaan na ibinigay ni Cristo kapag malapit na ang muling pagparito Niya ay ang digmaang aalingawngaw o mapapabalita (MB) [ matapos ninyong basahin kailan ninyo iniuugnay ang mga palatandaan na ibinigay ni Cristo na muling malapit na ang araw ng Kaniyang pagparito at ng katapusan ng mundo? Hindi ba’t nagbigay din kayo ng tiyak na petsa, taon, buwan, araw, at ito ay may petsa na July, 27, 1914.
TAMA KAYO kapag kayo ang naglagay ng petsa: buwan, araw at taon (July 27, 1914) yan ang Kalooban ng ating Panginoong Diyos bagama’t usapin PANLABAS ng Iglesia ni Cristo ang kaganapang iniuugnay ninyo sa (literal) na digmaang aalingawngaw para matukoy lang ang “SA MGA WAKAS NG LUPA” na yan ang panahon ng Pagbabalik muli ng IGLESIA. (nag-literal) Tama naman na pagbatayan ang July 27, 1914 at hindi kami tumututol diyan para sa pagbabalik ng Iglesia. Sapagkat nailarawan ang mga literal kaganapan sa Labas ng Iglesia ni Cristo sa panahon o petsa na nabanggit. Kaya para sa inyo tiyak ang pagkakatala ng petsa sa nalalapit na pagbabalik ni Cristo at nalalapit na rin ang pagsapit ng araw ng paghuhukom na ayon sa inyong pagkaunawa.
MALI KAMI para sa inyo kapag kami ang naglagay ng petsa: buwan, araw at taon (May 27, 2015) na Kalooban ito ng ating Panginoong Diyos na hindi namin pagpapasya para matukoy ang petsa na “SA WAKAS NG LUPA” na yan ang panahon ng isilang ang Iglesia ni Cristo…Hinirang o ang Anak na Babae ng Sion ang Banal na Gawain na may malaking kaukulan sa Pagbabalik ni Cristo sa Espiritu Niya na kalagayan. Ang mga kaganapan na usapin PANLOOB ng Iglesia ni Cristo, ang kaguluhang naganap ang higit na pinatutungkulan na Digmaang aalingangaw. Oo, sa mga kaganapan sa LOOB ng Iglesia ni Cristo na mapapabalita sa buong mundo gamit ang social media at napakarami ng mga kaanib o kapatid na nasa iba’t-ibang panig ng daigdig na umalingawngaw sa kanilang pandinig sa panahon ng Pagsamba ay nagagamit ninyo ang Tribuna, Oo, kayo na mga Ministro na digmain ang mga kumakalaban sa inyo. Kaya petsang July 27, 1914 nagpapasimula pa lamang mangaral ang mahal nating kapatid na Felix Y. Manalo at bilang sa daliri o iilan pa lamang ang kakapatid sa Iglesia ni Cristo na kaniyang pinangangasiwaan noon na nasa isang bansa pa lamang, ito ang Pilipinas. Kaya higit na malapit ngayon sa pinatutungkulan na digmaang aalingangaw (sa espiritual) kaguluhang naganap sa loob ng Iglesia ni Cristo SA WAKAS NG LUPA (May 27, 2015) na naipaunawa na sa mga nakaraang nalathala sa Blog ng Iglesia ni Cristo…Hinirang, na higit na malapit sa inyong pahayag na Ipinauunawa sa Mateo 24:3 at 33 na sa pamamagitan ng mga palatandaang ibinigay ni Cristo ay malalaman kung malapit na ang Kaniyang pagdating, kaysa sa iniuugnay ninyo sa petsa ng July 27, 1914 ay nasa bungad pa lamang ng sa mga wakas ng lupa kaysa sa May 27, 2015 na sa wakas ng lupa.
Mga mahal naming kapatid, maging maingat kayo sa paghahanay ng inyong mga puna baka mahapis ang Banal na Espiritu ng ating Panginoong Diyos, na Siya ang nagbigay ng mga ipinahayag ng inyong Panginoong Jesu-Cristo gaya ng mga kaganapan bago at pagkatapos ng napauukol sa Sanlibong Taon (katumbas ng petsa) na inihayag ni Cristo sa mangangaral na si Juan ang mga ipinahayag Niya na nakapaloob sa Pahayag ng Banal na Kasulatan o Biblia sa pamamagitan ng Mensahero o Anghel na Kaniyang isinugo. Ang Pahayag na naglalaman sa nalalapit Niya na pagbabalik at napauukol sa katapusan ng mundo.
Pahayag 1:1-3 MBB 1 Ito ang pahayag ni Jesu-Cristo na ibinigay ng Diyos sa kanya at kanyang inihayag kay Juan na alipin niya, sa pamamagitan ng anghel na kanyang isinugo. Ang layunin ng paghahayag na ito’y ipakita sa mga alipin ng Diyos ang mga bagay na malapit nang maganap. 2 Pinatotohanan ni Juan ang lahat ng kanyang nakita. Ito ang kanyang patotoo tungkol sa mensahe ng Diyos at sa katotohanang ipinahayag ni Jesu-Cristo. 3 Pinagpala ang bumabasa ng aklat na ito, ang mga nakikinig sa propesiya nito, at tumutupad sa nasusulat dito! Sapagkat malapit na itong maganap
(ang inyong puna) Kaya tiyak na hindi nagsasabi ng totoo ang mga mangangaral na nangahas magbigay ng tiyak na petsa, taon. buwan, araw, at ang iba ay pati oras, ng muling pagbabalik ni Cristo o ng katapusan ng mundo.
Ang Sanlibong Taon
Pahayag 20:1-6 MBB 1 Pagkatapos nito’y nakita ko ang isang anghel na bumababa mula sa langit, hawak ang isang malaking kadena at ang susi ng napakalalim na hukay. 2 Sinunggaban niya ang dragon, ang matandang ahas na walang iba kundi ang Diyablo o Satanas, at ginapos ito sa loob ng sanlibong (1,000) taon. 3 Ito’y inihagis ng anghel sa napakalalim na hukay, saka isinara at tinatakan ang pinto nito upang hindi siya makapandaya pa sa mga bansa hangga’t hindi natatapos ang sanlibong (1,000) taon. Pagkatapos nito’y palalayain siya sa loob ng maikling panahon.
4 At nakakita ako ng mga trono, at ang mga nakaupo doon ay binigyan ng karapatang humatol. Nakita ko rin ang mga kaluluwa ng mga taong pinugutan dahil sa pagpapatotoo tungkol kay Jesus at sa pagpapahayag ng salita ng Diyos. Hindi sila sumamba sa halimaw ni sa larawan nito, ni tumanggap man ng tatak ng halimaw sa kanilang noo o kamay. Sila’y nabuhay at nagharing kasama ni Cristo sa loob ng sanlibong (1,000) taon. 5 Ito ang unang pagbuhay sa mga patay. Ang iba pang mga patay ay hindi nabuhay hanggang hindi natatapos ang sanlibong (1,000) taon. 6 Pinagpala at ibinukod para sa Diyos ang nakasama sa unang pagkabuhay ng mga patay. Walang kapangyarihan sa kanila ang pangalawang kamatayan, sa halip, sila’y magiging mga pari ng Diyos at ni Cristo, at maghahari silang kasama niya sa loob ng sanlibong (1,000) taon.
Gayunman, hindi natin alam ang taon, buwan, o araw ng muling pagparito ni Cristo. Ang sabi Niya sa Mateo 24:36 (MB), “Walang nakaaalam ng araw at oras ng pagsapit niyon, kahit ang mga anghel sa langit, o ang Anak man-ang Ama lamang ang nakaaalam nito.” [TAMA YAN ANG AMING IPINAUNAWA SA BLOG ANG AMA LAMANG ANG NAKAKAALAM KAYA NGA SIYA RIN ANG PINANGGALINGAN NG PAHAYAG KUNG KAILAN DARATING O BABALIK ANG PANGINOON NA NAPATUTUNGKOL SA TUNAY NA KATAUHAN NI ELIAS ARKANGHEL NA TUWIRANG TUMUTUKOY KAY JESU-CRISTO. ] Kaya tiyak na hindi nagsasabi ng totoo ang mga mangangaral na nangahas magbigay ng tiyak na petsa, taon. buwan, araw, at ang iba ay pati oras, ng muling pagbabalik ni Cristo o ng katapusan ng mundo. [ ANG BANAL NA ESPIRITU NG ANG NAGBIGAY NG TIYAK NA PETSA, TAON, BUWAN, AT ARAW NA ITO AY NAPAPALOOB SA WAKAS NG LUPA NANG ISILANG ANG BANAL NIYA NA GAWAIN KAYA NAKAKATAKOT NA PANUNULIGSA NA SA KANIYA NINYO IPINATUTUNGKOL] Hindi dapat paniwalaan ni pakinggan man lamang ang gayong uri ng mga mangangaral. [ KAWAWA NGA KAYO NA KINULANG NG PANANAMPALATAYA SA PAGBABALIK NI CRISTO SA KABILA NA NAGBIGAY SIYA NG MGA PALATANDAAN NG KANIYANG PAGBABALIK] At dahil sa hindi natin alam ang taon, buwan, o araw ng muling pagparito ni Cristo na siya ring araw ng ating kaligtasan-ang sabi Niya sa Mateo 24:44, “Kayo’y magsihanda.” [HINDI KAHANDAAN ANG MAGHIHINTAY LANG NG KANIYANG PAGBABALIK KAYA NGA PINAGHAHANDA KAYO DAHIL NANG MAGANAP ANG MGA PALATANDAAN AY TIYAK NA NARIRITO NA NGA ANG ANAK NG TAO NA KINAKATAWAN NG KAMUKHA NG ANAK NG TAO] Itinatagubilin din sa atin na mga naghahanda sa muling pagparito ni Cristo na “huwag ninyong balewalain ang biyaya ng Diyos na inyong natanggap.” [KALIGTASAN SA TIYAK NA PAGKAPAHAMAK YAN ANG BIYAYA NA INYONG BINABALEWALA SAPAGKAT INILALAGAY NINYO LAGI SA INYONG PAGKAUNAWA NA MAMAMALAGING WALANG TIYAK NA PANAHON O PETSA ANG KANIYANG PAGBABALIK. MGA MAHAL NAMING MGA KAPATID, HABANG MAY PANAHON PANG NATITIRA. MAGBASA KAYO NG MGA NAILALATHALA SA BLOG NG IGLESIA NI CRISTO…HINIRANG UPANG MAKASAMA KAYO SA KAHANDAAN NA MAY TIYAK NA KAHIHINATNAN. SAKA NINYO GAWIN ANG PINAGAGAWA NG ATING MAHAL NA KAPATID NA EDUARDO V. MANALO NA PUSPUSANG PAGSUNOD SA MGA KAUTUSAN NG ATING PANGINOONG DIYOS UPANG HUWAG MASAYANG ANG PAGKAKATAON NINYO NA MAPABILANG SA MGA MALILIGTAS] alinsunod sa Ikalawang Corinto 6:1-2 (SND). Ganito rin ang ipinapanawagan sa atin ng Namamahala sa Iglesia. Hinihimok niya tayo na gawin natin ang puspusang pagsunod sa mga utos ng Diyos sa atin para huwag masayang ang pagkakataon na tayo’y maligtas. Ang laging pagsunod ang nagpapatatag sa pag-asa natin sa pagtatamo nito.
Para sa inyong kabatiran mga mahal naming kapatid, Oo bagama’t may mga pangyayari na kaganapan sa Labas ng bakod ng Iglesia ni Cristo na naganap ng July 27, 1914 at yan ay kinikilala Niya para magpatotoo lang sa panahong pinatutungkulan na sa mga wakas ng lupa. Subalit higit na nakatuon ang pansin ni Cristo sa mga usapin panloob ng Iglesia ni Cristo gaya ng naganap ng May 27, 2015 na lalong dapat na paghandaan sapagkat ito ang takdang panahon ng sa wakas ng lupa na nagbabadya na ng nalalapit na Kawasakan sa Sandaigdigan, na kamatayan sa lahat ng hindi makakasama sa Pagtakas o Paglikas. Hangad namin na makasama ang lahat sa ligtas na dako hanggang doon sa Banal na Bayan na Bagong Jerusalem para makapanirahan sa loob ng Sanlibong Taon kapiling ang Panginoong Diyos na bababa mula sa Langit maninirahan sa piling ng mga tao. Pagkalipas ng Sanlibong Taon saka pa lamang ang literal na pagbabalik ng Panginoong Jesu-Cristo na nasa Kaniya ng sariling Katawan at Kaluluwa matapos maglagi ang Kaniyang Espiritu kay Elias Arkanghel matapos Niyang maisagawa na mailigtas ang mga Hinirang Niya na mga gumagalang, kumikilala at sumusunod sa Kaniya.