JUAN 14:1-14 RPTV05 1 “Huwag na kayong mabalisa; sumampalataya kayo sa Diyos, sumampalataya din kayo sa akin.
Ang kabalisahan ay dumarating sa mga kinukulang pa rin ng pananampalataya. Kung uunawain ninyo ang kausap at kasama na ni Cristo sa panahong yaon ay pawang mga Apostol, na mga pangunahin sa mga Hinirang Niya sa loob ng Kaniyang Iglesia. Kasama Niya sa iba’t-ibang dako na mga nangangaral at nagtuturo ng Magandang Balita tungkol sa kaharian ng Diyos. Marami na ang karanasan sa paglilingkod sa loob ng Kawan o Iglesia sa Kaniyang kapanahunan. Nasaksihan na rin nila ang maraming gawa ng Kapangyarihan ng ating Amang Banal na pawang mga Hiwaga sa pamamagitan Niya. Subalit bakit nababalisa at nababagabag pa rin sila sa mga ipinapahayag Niya sa kanila at may kabalisahan sa pagtanggap at pagkakilala sa Kaniya sa kabila ng lahat ng nasaksihan nila. Nangangahulugan lang na kahit sila na mga Apostol Niya noon ay hindi pa lubusan at hindi pa sila ganap na mga sumasampalataya sa Kaniyang mga naipapahayag dahil sa mga kalituhan pa rin nila na unawain ang lahat ng ipinauunawa Niya lalo na nga pawang matatalinhaga ang mga salita na naririnig nila sa Kaniya, ngunit maliban sa iilan sa Kaniyang mga Apostol na may malaking pagkilala at paggalang sa Kaniya bilang Sinugo ng ating Panginoong Diyos. Ganunpaman, pinagsusumakitan pa rin Niya silang lahat na mapaunawaan lalo na sa panig ng mga kinukulang ng pagkaunawa sa mga Katotohanan na Kaniyang ipinapahayag sa kanila noon. Sinabihan Niya sila na sumampalataya kayo sa Diyos, sumampalataya din kayo sa akin. Nais Niya na ipaunawa kung sila ay sumasampalataya sa Panginoong Diyos na nagsugo sa Kaniya, ang anyaya Niya ay sumampalataya rin sila sa Kaniya sa pagsusugo sa Kaniya ng ating Panginoong Diyos. Talagang nasusubok ang pananampalataya ng bawat isa sa kanila noon. Kaya naman, mapapaisip kahit ang sinuman sa mga makababasa sa pagpapaunawa dito sa Pahayagan o Blog ng Iglesia ni Cristo…Hinirang na may malaking simpatya sa lahat ng mga naging Apostol ni Cristo na Panginoon, na sila man din pala ay kinakitaan ng kawalan ng lubusang pananalig kay Cristo noon. Subalit may iilan, at iilan lang ang nakatutugon sa Kaniya na hindi nag-isip na Siya ay isa lamang pangkaraniwan na nagpapahayag ng Magandang Balita. At ang iilan sa mga Apostol na ito ang pinatutungkulan, ang tuwirang nakasusunod at nakauunawa sa Kaniya. Kaya naman, kung sa yugto ng ating panahon iuugnay ang kanilang pagkilala bilang mga pangunahing namumuno sa Iglesia noon, anong pagtutulad mayroon ang mga pangunahing leader sa loob ng Iglesia ni Cristo ngayon? Sa kapatid na Eduardo V. Manalo na lang. Bakit siya? Kailangan natin tulungan siya at mapagmalasakitan din natin siya. Hindi para gibain ang katauhan niya bilang namamahala sa Iglesia sa kasalukuyan, kundi tulungang imulat sya ang kawalan niya ng pagkilala sa mga talata na ipinahayag na ni Cristo noon. Kailangan lang ipaalaala sa kaniya ang mga sinabi ni Cristo noon, na tila naisasantabi niya lamang at ang inaasahan na lang niya na naituturo sa lahat ng mga kapatid sa Iglesia ay ang pinakahihintay nila na araw ng paghuhukom sa Espiritual na kaganapan, na ito ay napakatagal pa sapagkat lilipas pa ang Sanlibong Taon bago pakawalan si satanas. Magaganap at magaganap muna ang literal na paghuhukom na ito ang Kawasakang darating sa sumasama at lumalala ng kalagayan ng kasalukuyang daigdig na ito, na ating pinanahanan ngayon. Unawain mo lang mahal kong kapatid na Eduardo V. Manalo ang mga Katotohanan ipinapahayag dito sa Pahayagan o Blog ng Iglesia ni Cristo…Hinirang. Hindi ito sariling unawa! Ang Panginoong Diyos pa rin ang gumagawa. Daluyan lamang ako ng Kaniyang mga Salita upang dalhin kayo sa tiyak na kaligtasan bago man lang Niya isagawa ang napagpasyahan na Niya
Jeremias 4:27-28 ASND 27 Ito ang sinasabi ng Panginoon, “Ang buong lupain ay magigiba, pero hindi ko ito gigibaing lubos. 28 Iiyak ang sanlibutan at magdidilim ang langit, dahil sinabi ko na ang kaparusahan at hindi ko na ito babaguhin. Nakapagpasya na ako at hindi na magbabago ang isip ko.”
Kaya nga kailangan maganap ito;
Pahayag 12:6 MB [6] Ang babae naman ay tumakas patungo sa ilang, sa isang dakong inihanda ng Diyos para sa kanya, upang maalagaan siya roon sa loob ng 1,260 araw.
Oo ang babae na sumasagisag sa Iglesia ni Cristo ay doon dadalhin ang mga Hinirang sa pinakaligtas na dako na inihanda ng ating Panginoong Diyos, kasama ang napakaraming bilang ng mga tao na sumampalataya sa pagtakas at paglikas na mapalad na makapaglalakbay sa Daan ng Kaligtasan hanggang makarating sa Dakong Banal sa pangangalaga ng ating Panginoong Diyos sa loob ng 1,260 na araw o katumbas ng tatlong taon at kalahati na mananatili doon sa Dakong Banal.
Kilalanin mo yan mahal naming kapatid ang mga talata na napauukol sa Pagtakas o Paglikas. Dahil ito ang magbibigay Daan patungo sa Banal na Dako na inihanda ng ating Amang Banal na pagbababaan buhat sa Langit ng Banal na Bayan na Bagong Jerusalem.
1 Pedro 1:5 ASND [5] At sa pamamagitan ng pananampalataya nʼyo, iniingatan kayo ng kapangyarihan ng Dios habang naghihintay kayo ng kaligtasang nakalaang ihayag sa huling panahon.
Ang kaligtasang nahayag sayo ang pag-anib sa loob ng Iglesia ni Cristo ay hindi yan ang kaligtasang pinatutungkulan na kaligtasang nakalaang ihayag sa huling panahon. Noon pa hayag na sa karamihan ang mapabilang sa Iglesia na Kaniyang Katawan ay maliligtas. Alam na alam na noon pa man ng karamihan ang patungkol diyan na nahayag noon pa man. Subalit iba itong binabanggit na kaligtasang nakalaang ihayag sa huling panahon. Ang kaukulan ng pagtakas o paglikas at ang ating Panginoong Diyos na mangangalaga sa atin doon sa loob ng tatlong taon at kalahati.
Balikan natin ang mga Apostol. Kilala Niya silang mga kinulang ng pananalig sa Kaniya. Oo mga Hinirang Niya na mga nababalisa kahit Siya na ang Cristo na Panginoon ang kanilang kasakasama noon at kaukausap Niya. Mga pangunahin sa Iglesia na kinulang ng pananalig at pananampalataya sa Kaniya.]
2 Sa bahay ng aking Ama ay maraming silid. Kung hindi ito totoo, sasabihin ko ba sa inyong pupunta ako roon upang ipaghanda ko kayo ng inyong matitirhan?
[Dama Niya ang kabalisan nila sa pagtanggap sa mga sinasabi Niya. Inaakala nila na hindi totoo ang mga ipinapahayag Niya sa kanila. Kaya naman nasabi at naitanong na Niya “Kung hindi ito totoo, sasabihin ko ba sa inyong pupunta ako roon upang ipaghanda ko kayo ng inyong matitirhan? Saan nga ba sila ipaghahanda ni Cristo na tila tinitiyak ng mga Apostol kung saan ang daan? Sa bahay ng aking Ama ay maraming silid … inyong matitirhan. Sa bahay o Tahanan ng Kaniyang Ama sa Langit ang Kaniyang pinatutungkulan. Oo, sa Langit kung saan nakatira ang ating Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos! Mahalagang maunawaan ninyo ito. Sapagkat sa mga susunod na talata ay mayroong sinasabi na lilikhain ang ating Amang Banal na Bagong Langit kaysa sa Langit na Kaniyang kinaroroonan ngayon. Oo, lilikha pa lamang na Bagong Langit at iba ito sa tirahan o tahanan ng ating Panginoong Diyos sa Langit na tinutukoy ni Cristo sa kanila na pupuntahan pa lamang Niya nang sinabi Niya ito sa kanila. May malaking pagkakaiba rin ang Bagong Langit na lilikhain pa lamang, kaysa sa kasalukuyang langit na natatanaw natin ngayon sa ating daigdig, na sinalita ito ng ating Panginoong Diyos sa pasimula pa lamang nang likhain Niya ang sandaigdigang ito kung saan pa tayo naninirahan. Sa Aklat ni Propeta Isaias ay hinulaan na ng ating Panginoong Diyos ang napauukol sa Bagong Langit na Kaniyang lilikhain pa lamang na mababasa natin sa Luma o Matandang Tipan sa aklat ni Propeta Isaias sa;
Isaias 66:22 AB 22 Sapagka’t kung paanong ang mga bagong langit at ang bagong lupa, na aking lilikhain ay mananatili sa harap ko, sabi ng Panginoon, gayon mananatili ang inyong lahi, at ang inyong pangalan.
Nagpatotoo naman na ito sa Bagong Tipan sa aklat ng Pahayag na ating mababasa ang Bagong Langit… at doon naman tinukoy na wala na ang dating langit… sa aklat ng;
Pahayag 21:1 MBB 1 Pagkatapos nito, nakita ko ang isang bagong langit at isang bagong lupa. Wala na ang dating langit at lupa, wala na rin ang dagat. 2 At nakita ko ang Banal na Lungsod, ang bagong Jerusalem na bumababa mula sa langit buhat sa Diyos, gaya ng isang babaing ikakasal. Siya’y nakabihis at nakahanda sa pagsalubong sa kanyang mapapangasawa.
Nang ipinakita kay Juan ang isang bagong langit at isang bagong lupa., nakita naman niya ang pinanggagalingan nito na bumababa mula sa langit buhat sa Diyos. Oo, buhat sa Langit ang Banal na Lunsod. Ang Banal na Lunsod na ito ang may Bagong Langit. At ang Bagong Langit na ito ay iba sa Langit na pinanggalingan nito, na pinagbabaan ng Banal na Lungsod.. Ang Banal na Lunsod na ito rin ang sinasabi ni Cristo na Bagong Daigdig na Kaniyang paghaharian. Paghaharian Niya sa loob ng Sanlibong Taon na itinakda ng ating Panginoong Diyos na pamamahinga Niya sa ika-pitong araw (7 days) na ang katumbas ay ikapitong libong taon (7,000 years) sa mga tao. Dapat niyo rin na maunawaan ang mahahalagang binanggit na napauukol sa tatlong Langit na batay sa pagkakasunod-sunod na tinukoy sa aklat ng Pahayag 21:1 at 2. At ang unang binanggit ay ang; Bagong Langit; at ang ikalawa naman na binanggit ay; wala na ang dating langit. At ang ikatlo naman na binanggit ay; ang Langit buhat sa Diyos. Ang Langit buhat sa Diyos ay namamalaging Langit mula nang likhain ng ating Panginoong Diyos ang kasalukuyang langit sa ating daigdig na atin pa na natatanaw ngayon.
3 Narinig ko ang isang malakas na tinig mula sa trono, “Tingnan ninyo, ang tahanan ng Diyos ay nasa piling na ng mga tao! Maninirahan siyang kasama nila, at sila’y magiging bayan niya. Diyos mismo ang makakapiling nila at siya ang magiging Diyos nila.
Kaya hindi mahirap unawain sa kagustuhan o Kalooban ng ating Panginoong Diyos ang Kaniyang tahanan na Bagong Jerusalem na nasa Langit ay bumaba, at ang ating Panginoong Diyos ay maninirahan sa piling ng mga tao. Subalit unawain ninyong mabuti: Hindi ang Langit ang bumaba! Kundi, ang Banal na Lungsod, ang bagong Jerusalem na bumababa mula sa langit. Nilinaw din yan sa talatang 10.
10 Napasailalim ako sa kapangyarihan ng Espiritu, at ako’y dinala ng anghel sa ibabaw ng isang napakataas na bundok. Ipinakita niya sa akin ang Jerusalem, ang Banal na Lungsod, na bumababa mula sa langit buhat sa Diyos.
Kaya malinaw na ang bumaba buhat sa Langit ay; ang tahanan ng Diyos nasa piling na ng mga tao! Sa bagong daigdig maninirahan ang ating Panginoong Diyos na ito ang ika-pitong araw Niya na binabanggit sa Banal na Kasulatan na Kaniyang pamamahinga. Makakapiling Niya ang mga tao sa loob ng Sanlibong Taon, na katumbas naman sa ating Panginoong Diyos na isang araw lamang sa Kaniya.
Marahil nang mabasa ninyo ang pagpapaunawang ito dito sa Blog o Pahayagan ng Iglesia ni Cristo…Hinirang ay saka lamang dumating sa inyong pagkaunawa na may tatlong Langit na magkakaiba ang kaukulan sa yugto ng bawat panahon. Noon pa, naipaunawa na ito sa Blog ang patungkol sa tatlong Langit. Pangunahin sa lahat ang Langit na kinaroroonan ng ating Panginoong Diyos, na yaon ay namamalaging naroroon sa kinalalagyan nito at ang bagong langit na Kaniyang lilikhain ay pamalagian na tatahanan ng mga tao na makararating doon sa loob ng bagong Jerusalem.
3 At kapag naipaghanda ko na kayo ng matitirhan, ako’y babalik at isasama ko kayo upang kayo’y makapiling ko kung saan ako naroroon.
Nang sabihin ni Cristo na ako’y babalik ….. sa isang pagkakataon
Mateo 24:3 [3] Habang si Jesus ay nakaupo sa Bundok ng mga Olibo, palihim siyang tinanong ng kanyang mga alagad, “Kailan po ba mangyayari ang mga sinabi ninyo? Ano po ang magiging palatandaan ng inyong muling pagparito at ng katapusan ng mundo?”
naitanong ng mga Apostol Ano po ang magiging palatandaan ng inyong muling pagparito? Talagang babalik si Cristo sa ating daigdig. At sa isang pagkakataon din nang Siya ay nagsasalita sa kanila ng talinhaga ay naitanong din Niya ang napauukol sa pagdating Niya sa daigdig na ito.
Lucas 18:8 MB 8 Sinasabi ko sa inyo, agad niyang igagawad sa kanila ang katarungan. Ngunit pagdating ng Anak ng Tao sa daigdig na ito, may makikita kaya siyang mga taong nananalig sa kanya?”
ako’y babalik si Cristo mismo ang may sabi. Sinabi Niya sa mga Apostol na naririyan din sa tagpong yan ang mga nagtanong sa Kaniya noon na inaalam nila kung ano ang magiging palatandaan ng Kaniyang muling pagparito sa ating daigdig. March 30, 2022 nalathala sa website ng iglesianicristohinirang.com ang pagpapaunawa. at naihanay doon ang mga palatandaan at ang lahat ng palatandaan ng Kaniyang pagparito sa yugto ng panahong ito. Wala ng palatandaan na hindi nangyari. Nangangahulugan lang ang Cristo na tapat na nangako na magbabalik ay narito na sa daigdig na ito. Ngunit pagdating ng Anak ng Tao sa daigdig na ito, may makikita kaya siyang mga taong nananalig sa kanya? Si Cristo mismo ang nagtatanong sa pagdating Niya sa daigdig na ito. Unawaing maigi hindi Niya tinukoy sa bagong daigdig kundi sa daigdig na ito may makikita kaya siyang mga taong nananalig sa kanya? Mahihirapan nga sila na tanggapin ang pagdating ng Anak ng Tao na Kaniyang binabanggit. Sapagkat nakatakda ang pagdating ng Anak ng Tao na nakalakip sa Kaniyang Kawangis .. Espiritu man Niya ngunit nakalakip sa ibang katauhan . Kaya paano nga Siya pananaligan ng mga tao na daratnan Niya sa daigdig na ito?
Naitatanong Niya ito sapagkat kung ang mga inaasahan Niya na Kaniyang mga Apostol ay kinukulang ng pananalig sa Kaniya na nakasama na Niya noon. Gaano pa kaya itong Kaniyang daratnan sa Templo Central na hindi Niya nakasama kailanman? Ngunit
ako’y babalik at isasama ko kayo upang kayo’y makapiling ko kung saan ako naroroon. Hinihikayat Niya ang mga Apostol na Siya ay paniwalaan na sila ay paghahandaan Niya ng matitirhan sa Langit. Kung ililiteral silang lahat na kausap ni Cristo noon ay wala na silang lahat, pawang mga patay na pinagpahinga na ng ating Panginoong Diyos. Ngunit Tapat ang ating Panginoong Diyos na nangako sa kanila sa pamamagitan ng Kaniyang Anak na si Cristo na isinugo sa kanilang kapanahunan ay naipahayag Niya sa kanila na sila “ay uupo din sa labindalawang trono upang mamuno sa labindalawang lipi ng Israel.” Sila ay makakasama sa mga bubuhaying muli ng ating Panginoong Diyos, gaya ng naipangako kay Propeta Daniel.
Daniel 12:12-13 MBB 12 Mapapalad ang mananatiling tapat hanggang sa matapos ang 1,335 araw. 13 Daniel, maging tapat ka nawa hanggang sa wakas. Mamamatay ka ngunit muling bubuhayin sa huling araw upang tanggapin ang iyong gantimpala.”
Napakapalad ang pag-asa ng mga nanatiling naging tapat noon hanggang sa wakas ng kanilang buhay. Kung bakit, ay sapagkat napangangakuan sila ng ating Panginoong Diyos na mamatay man sila, ay muling bubuhayin sa huling araw. Yan din ang pag-asa ng mga Apostol sapagkat;
Mateo 19:28 MBB [28] Sinabi sa kanila ni Jesus, “Tandaan ninyo: kapag naghahari na ang Anak ng Tao sa kanyang trono ng kaluwalhatian sa bagong daigdig, kayong sumunod sa akin ay uupo din sa labindalawang trono upang mamuno sa labindalawang lipi ng Israel.
4 At alam na ninyo ang daan papunta sa pupuntahan ko.”
[ Sa Langit na Kaniyang pupuntahan kung saan ibig Niya na makasama silang lahat. Kaya patuloy Niya silang pinagmamalasakitan na turuan at hanayan ng mga Katotohanan, hanggang lubos nilang maunawaan na ang magbibigay Daan para makasama sila sa Ama sa Langit na Kaniyang pupuntahan ay sa pamamagitan lamang Niya. ]
5 Sinabi sa kanya ni Tomas, “Panginoon, hindi po namin alam kung saan kayo pupunta, paano naming malalaman ang daan?”
[ Halos katatapos lang ipaunawa ni Cristo kung saan Siya pupunta at ipinaalam na Niya ang kaparaanan. Subalit si Apostol Tomas ang nabalisa na nagtanong naman kay Cristo na; “hindi po namin alam kung saan kayo pupunta, paano naming malalaman ang daan?”
6 Sumagot si Jesus, “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makakapunta sa Ama kundi sa pamamagitan ko.
[ Dama ni Cristo ang kakulangan ng pananampalataya ng mga alagad o mga Hinirang Niya noon. Hindi maikakaila ng kanilang pakikitungo sa Kaniya. Kasa-kasama na Siya ng mga Apostol ngunit kinukulang pa rin sila ng kapanatagan at di lubos ang pagkilala sa Kaniya. Sinabi na nga Niya na Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Subalit, hinahayag pa rin sila ng kanilang malabis na pag-aalala o pagkabalisa. Dama na ito ni Cristo sa pasimula pa lang, nagpauna na Siya na anya “Huwag na kayong mabalisa; sumampalataya kayo sa Diyos, sumampalataya din kayo sa akin…. at may kalakip pang pangako na ako’y babalik at isasama ko kayo upang kayo’y makapiling ko kung saan ako naroroon. Kaya naman;
7 Kung ako’y kilala ninyo, kilala na rin ninyo ang aking Ama. Mula ngayon ay kilala na ninyo siya at inyo nang nakita.”
Ngunit;
8 Sinabi sa kanya ni Felipe, “Panginoon, ipakita po ninyo sa amin ang Ama at masisiyahan na kami.”
Si Apostol Felipe naman ang kinahayagan din ng kakulangan ng pagkilala at kakulangan ng pananampalataya sa Kaniya. Dito nahahayag ang salitang maniniwala lamang kapag naipakita na. Subalit puno ng pagmamahal pa rin ang naging tugon ni Cristo.
9 Sumagot si Jesus, “Felipe, kaytagal na ninyo akong kasama, hanggang ngayo’y hindi mo pa ako kilala? Ang nakakita sa akin ay nakakita na sa Ama. Bakit mo sinasabing ‘Ipakita mo sa amin ang Ama’?
“kaytagal na ninyo akong kasama, hanggang ngayo’y hindi mo pa ako kilala?” … kaya lalo kang mapapaisip kaytagal na Siya anya nila na kasama ay kung bakit ganoon pa rin ang pakikitungo nila sa Kaniya?; Ang nakakita sa akin ay nakakita na sa Ama. Bakit mo sinasabing ‘Ipakita mo sa amin ang Ama’?
10 Hindi ka ba naniniwalang ako’y nasa Ama at ang Ama ay nasa akin? Hindi sa akin galing ang sinasabi ko sa inyo. Ngunit ang Ama na nasa akin ang siyang gumaganap ng kanyang gawain.
11 Maniwala kayo sa akin; ako’y nasa Ama at ang Ama ay nasa akin. Kung ayaw ninyong maniwala sa sinasabi ko, maniwala kayo dahil sa mga ginagawa ko.
12 Pakatandaan ninyo: ang nananalig sa akin ay makakagawa ng mga ginagawa ko, at higit pa kaysa rito, sapagkat babalik na ako sa Ama.
13 At anumang hilingin ninyo sa aking pangalan ay gagawin ko upang maparangalan ang Ama sa pamamagitan ng Anak.
14 Kung hihiling kayo ng anuman sa aking pangalan, ito ay aking gagawin.”
Sumampalataya kayo sa Diyos, sumampalataya din kayo sa akin. Nasabi Niya ito sa kakulangan ng pananampalataya nila at pagtanggap sa Kaniyang mga sinasabi. Hindi nila maitatanggi, damang-dama ni Cristo sa paraan ng kanilang mga pagtatanong sa Kaniya. Pansinin ninyo mga Apostol na Niya noon na mga Hinirang na sa Kaniyang Iglesia, na kasa-kasama na Niya noon ay nababalisa pa sa Kaniyang mga sinasabi. Ngunit ginawa ni Cristo ang lahat para maabot nila ang pamantayan para maisama Niya sila sa Langit sa takdang panahon.
Juan 10:16 FSV [16] Ngunit mayroon pa akong ibang mga tupa na wala pa sa kulungang ito. Kailangang dalhin ko rin sila rito at makikinig sila sa tinig ko. Sa gayon, magkakaroon ng iisang kawan at iisang pastol
Kailangang dalhin ko : unawain ninyo ang salita Niyang ito kailangang dalhin ko. Sa yugto na ng panahong ito napauukol ang Kaniyang ipinangangako. Dadalhin sa Katotohanan para makarating sa Kaniyang parooonan, dahil iba ang pagkaunawa na naituturo sa kanila ng mga Tagapagturo ng mga Kautusan. Lumilihis sa Katotohanan at hindi yun ang Kaniyang Tinig para magtamo ng Kaligtasan ang mga nakikinig sa kanila. Oo nang una ipinagkatiwala sa kanila subalit mula ng panghawakan ang mga dating turo at isantabi ang Magandang Balita at ganun din isinantabi ang mga Bagong Pahayag ay nalayo na ang mga Tagapagturo ng Kautusan sa Banal na Katwiran ng ating Panginoong Diyos para makatiyak na magtatamo ng kaligtasan ang mga nakikinig sa kanila. Kaya si Cristo ay babalik sa daigdig na ito ay para marig din nila ang Tinig Niya. Oo, Siya mismo ang magdadala at yun ang kailangan Niya na gawin! Kanino Niya ito pinatutungkol? Hindi na sa unang bilang na mga Hinirang Niya noon na naging bahagi ng Kaniyang Kawan o Iglesia sa Kaniyang kapanahunan. May higit na pinatutungkulan si Cristo para sa ibang mga tupa na Kaniyang pinatutungkulan. Sino ang kinatuparan? Sila ang bunga ng pangangaral ng kapatid na Felix Y. Manalo sa mga huling araw. Walang makakapunta sa Ama kundi sa pamamagitan ko .. Hindi mahirap unawain kung bakit Siya babalik gaya ng sabi ni Cristo: Walang makakapunta sa Ama kundi sa pamamagitan ko.. Siya pa rin! At tanging siya lamang ang makagagawa nito gaya ng Kaniyang sinabi: Kailangang dalhin ko … Walang makakapunta sa Ama kundi sa pamamagitan ko .. Oo, kaya Siya ay naririto na! Dahil Siya mismo ang magdadala o maghahatid sa mga nag-iibig na mangaligtas para makapunta sa Ama at yan ay sa pamamagitan lamang Niya! Kaya maliligtas ang lahat kung ganap na makasusunod at sasampalataya sa Kaniyang Tinig. Tinig Niya na maririnig na Siya ang nagpapahayag subalit sa bago na Niyang Katauhan sa katawan na pinaglakipan ng Kaniyang Espiritu. Ang Tinig ni Cristo na Panginoon na maghahatid sa Ama doon sa paroroonan Niya sa Bagong Daigdig na may Bagong Langit at Bagong Lupa sa Banal na Bayan na Bagong Jerusalem. Mapalad ang makakasama doon sapagkat makapaninirahan sila doon, at makakapiling nila ang ating Amang Banal kung saan paghaharian sila ng Espiritu ni Jesu-Cristo sa loob ng Sanlibong Taon na nakalakip sa katawan ni Elias Arkanghel. Si Elias Arkanghel Jesu-Cristo na nilikha ni Cristo sa Kaniyang sarili na isang Taong Bago na Kaniyang Kawangis bilang Anak ng Tao. Pagkalipas ng Sanlibong Taon ang Kaniyang Espiritu ay babalik na sa Kaniyang Katawan na nasa Langit at Siya na Cristo na Anak ng Tao na inyong Panginoon ang literal ng makikita sa Araw (Espiritual) ng Paghuhukom.
Sa ikauunawa ninyo ang kabuuan ng isang pahina ng Pahayag 20 ay ibinahagi na dito sa inyo. Ang mga pagkakasunud-sunod na kaganapan paglipas ng tatlong tatlong taon at kalahati matapos ang pagtakas o paglikas sa dating daigdig na winasak na ng ating Panginoong Diyos ay ilalarawan ang mga magaganap sa loob ng sanlibong taon at paglipaas nito pagkatapos ay ang paghuhukom na.
Ang Sanlibong Taon
Pahayag 20:1-15 MBB 1 Pagkatapos nito’y nakita ko ang isang anghel na bumababa mula sa langit, hawak ang isang malaking kadena at ang susi ng napakalalim na hukay. 2 Sinunggaban niya ang dragon, ang matandang ahas na walang iba kundi ang Diyablo o Satanas, at ginapos ito sa loob ng sanlibong (1,000) taon. 3 Ito’y inihagis ng anghel sa napakalalim na hukay, saka isinara at tinatakan ang pinto nito upang hindi siya makapandaya pa sa mga bansa hangga’t hindi natatapos ang sanlibong (1,000) taon. Pagkatapos nito’y palalayain siya sa loob ng maikling panahon.
Kaya payapa na ang buhay ng mga tao sapagkat si satanas ay inihagis na sa napakalalim ng hukay, isinara na at tinatakan upang ang mga bansa na naroroon sa bagong daigdig ay hindi na niya madadaya. Hindi pa sa Langit sapagkat may mga bansa pang binabanggit na ito ay tinawag na bagong daigdig. Kaya makapamamahinga na ang ating Panginoong Diyos sa loob ng sanlibong taon sa bagong daigdig na Kaniyang nilikha na may bagong langit at bagong lupa, ang banal na bayan na bagong Jerusalem.
4 At nakakita ako ng mga trono, at ang mga nakaupo doon ay binigyan ng karapatang humatol. Nakita ko rin ang mga kaluluwa ng mga taong pinugutan dahil sa pagpapatotoo tungkol kay Jesus at sa pagpapahayag ng salita ng Diyos. Hindi sila sumamba sa halimaw ni sa larawan nito, ni tumanggap man ng tatak ng halimaw sa kanilang noo o kamay. Sila’y nabuhay at nagharing kasama ni Cristo sa loob ng sanlibong (1,000) taon. 5 Ito ang unang pagbuhay sa mga patay. Ang iba pang mga patay ay hindi nabuhay hanggang hindi natatapos ang sanlibong (1,000) taon. 6 Pinagpala at ibinukod para sa Diyos ang nakasama sa unang pagkabuhay ng mga patay. Walang kapangyarihan sa kanila ang pangalawang kamatayan, sa halip, sila’y magiging mga pari ng Diyos at ni Cristo, at maghahari silang kasama niya sa loob ng sanlibong (1,000) taon.
Ang mga naunang binuhay ay ang mga nasa panahon ni Adam, Eva, Abraham, Isaac, Jacob at ang labindalawang lipi ng Israel. Maging sina Noah, si Propeta Moises, Si Job, si David, si Daniel at marami pang iba at kasamang naririyan ang mga Apostol ni Cristo na unang nakita na mga kaluluwa na sila ang mga pinugutan ng ulo noon dahil sa pagpapatotoo nila kay Cristo. namatay sila na di alintana ang buhay nila ang kapalit maitaguyod lamang ang Banal na Gawain na ibinilin sa kanila. Hindi na nila inabutan ang yugto ng panahon na naisagawa ang tatak ng halimaw sa noo o kamay. Ito ang pwersa ni satanas na nahayag sa yugto na ng panahong ito na saklaw ng panahon sa mga wakas ng lupa, na siya ay nagtagumpay para madaya niya ang mga hinirang ng ating Panginoong Diyos mula ng maupo sa Templo ang tinutukoy na Suwail. May mga ilan ding mapalad na bubuhayin doon sa bagong daigdig na makakasama natin ang ating mahal na kapatid na Felix Y. Manalo, kapatid na Erano G. Manalo, at may ilan mga ilan pa sa Kalooban ng ating Panginoong Diyos. Subalit ang mga namatay na hindi nakasama sa pagtakas o paglikas ay saka pa lamang bubuhayin pagkalipas ng sanlibong taon. Hindi sila pinalad na makasama sa loob ng sanlibong taon na malasap ang pamumuhay sa Banal na Bayan na Bagong Jerusalem.
Ang Pagkatalo ni Satanas
Pahayag 20:7-15 MBB 7 Pagkatapos ng sanlibong (1,000) taon ay palalayain si Satanas mula sa kanyang pagkabilanggo. 8 Lalabas siya at dadayain ang mga bansa mula sa apat na sulok ng daigdig, ang Gog at Magog. Titipunin niya ang mga ito upang isama sa pakikipagdigma. Ang hukbong ito ay sindami ng buhangin sa tabing-dagat. 9 Kumalat sila sa buong daigdig at pinaligiran ang kampo ng mga hinirang ng Diyos at ang pinakamamahal na lungsod. Ngunit umulan ng apoy mula sa langit at tinupok ang mga kampon ni Satanas. 10 At ang Diyablong nandaya sa kanila ay itinapon sa lawa ng apoy at asupre na pinagtapunan din sa halimaw at sa huwad na propeta. Pahihirapan sila doon araw at gabi, magpakailanman.
Matapos ang sanlibong taon na paghahari ni Cristo sa Bagong Daigdig ay saka palalayain si satanas sa pagkakabilanggo. Makikita niya ang lungsod kung saan naroroon ang mga mapapalad na nakapamuhay sa loob ng Sanlibong Taon na nakapiling nila ang ating Pinakadakilang Panginoong Diyos at nakapamuhay kasama ang Kawangis ng Anak ng Tao, kung saan nakalakip ang Espiritu ni Cristo na naghari doon. Nang makita ni satanas ang kampo ng mga Hinirang ng ating Panginoong Diyos ay umiral ang masamang kaisipan ni satanas. At ang hukbo niya na sindami ng buhangin sa tabing-dagat ay kumalat at pinaligiran ang pinakamamahal na lungsod ngunit hindi na pinahintulutan na makapinsala sila, kaya’t umulan ng apoy mula sa Langit at tinupok ang mga kampon ni satanas at itinapon na sila sa lawa ng apoy at asupre na araw at gabi na pahihirapan sila doon magpakailanman.
Ang Paghuhukom
11 Pagkatapos nito’y nakita ko ang isang malaking tronong puti at ang nakaupo doon. Naglaho ang lupa’t langit sa kanyang harapan, at hindi na nakita pang muli. 12 Nakita kong nakatayo sa harap ng trono ang mga namatay, maging dakila at hamak, at binuksan ang mga aklat. Binuksan ang isa pang aklat, ang aklat ng buhay. Hinatulan ang mga patay ayon sa kanilang ginawa, batay sa nakasulat sa mga aklat. 13 Iniluwa ng dagat ang mga patay na naroroon. Iniluwa din ng Kamatayan at Daigdig ng mga Patay ang mga patay na nasa kanila. Hinatulan ang lahat ayon sa kanilang mga ginawa. 14 Pagkatapos ay itinapon din sa lawa ng apoy ang Kamatayan at ang Daigdig ng mga Patay. Ang lawa ng apoy ang pangalawang kamatayan. 15 Ang sinumang hindi nakasulat ang pangalan sa aklat ng buhay ay itinapon sa lawa ng apoy.
Mga mahal kong kapatid, ang mga Katotohanang nabasa ninyo sa aklat ng Pahayag 20: talatang 1 hanggang 15 na halos inilarawan ang mga magaganap bago ang Sanlibong Taon, paglipas ng Sanlibong Taon at pagkatapos nito ay ang Paghuhukom na. Kayong nasa panig pa ng mga nagtuturo ng lihis sa Katotohanan ay hinihikayat namin na piliin na ninyong sundin ang Kalooban ng ating Panginoong Diyos. Maging ang mga komokopya lamang sa mga ipinapahayag ng Iglesia ni Cristo…Hinirang pagkatapos ay dinadala ninyo sa inyong Pahina na waring kayo ang inaakala ng mga kasama ninyo ang naghanay at gumawa ay magbago na kayo ng pag-iisip. Sinasabi namin ito sa inyo ng may pagmamahal at pagmamalasakit na inaagaw namin kayo sa apoy ng pagkapahamak bago mangyari ang lahat ng nabasa ninyo. Sapagkat sinuman kayo ay ibig din namin kayong makasama sa mga maliligtas sa Kawasakang darating sa daigdig na ito na lubhang higit na napakalapit na. Oo, kayong lahat na lumihis sa Katotohanan na pilit ninyong itinataguyod pa rin ang mga maling kaunawaan at aral na naituturo ninyo sa karamihan, ay tiyak na tiyak na ikapapahamak ninyo at hindi ninyo ikaliligtas sa Kawasakang darating sa daigdig na ito. Kaya kayo na inaakala na Paghuhukom na lamang ang inaantay ninyo at isasantabi ang mga iba pang mga talata na nabasa ninyo ay wala na kayong mga kamalayan sa magaganap sa loob ng Sanlibong Taon at paglipas nito, yan ay kung hindi kayo sasama sa nakatakdang Pagtakas at Paglikas ay pawang mga mangamamatay lamang kayong lahat, pati na ang mga pinaniwala ninyo na paghuhukom na lamang ang kanilang hinihintay. Kaya habang may pagkakataon pa piliin ninyo ang mga Katotohanan na ipinapahayag ng Iglesia ni Cristo…Hinirang. Ang mga Katotohanan na ito ang gagabay sa inyo para sa Daan ng Kaligtasan at malasap ninyo ang Buhay sa Banal na Bayan na Bagong Jerusalem.
– Elias Arkanghel Jesu-Cristo

Hashtags: Please share, copy and paste to all your messages
#iglesianicristo #inc100 #inccentennial #centennial #inc4life #incootd #incfashion #icmedianews #inctv #net25 #incmedia #increview #fymfoundation #mycountrymenmybrethren #kabayankokapatidko #incselfiechallenge #incwikileaks #sanggunian #radelcortez #gerrypurification #junsantos #gliceriosantosjr #rodelcabrera #biensantiago #erdzcodera #ernestosuratos #mattpareja #antonioebangelista #silentnomore #iglesianicristosilentnomore#Pananampalataya #Pagasa_#Pagibig #DoblehinAngPagsisikap#PuspusangPagbabagongBuhay #PuspusangPakikipagkaisa#ItaguyodAngKasiglahangESPIRITUAL #Iglesia_Ni_Cristo #DoblehinAngPagsisikap #SolidongPananampalataya #KaisangDiwaNgPamamahala #WEareONEwithEVM#PuspusangPagsunodAtPagpapasakopParaMaligtas #ItaguyodAngKasiglahangEspiritual #MasaganangPagbubunga#PalaguinAngPananampalatayaPagibigAtPagasa #INC101 #DoblehinAngPagsisikap #INC #Maytungkulin #INC4ever#IamTheOneWithEVM #INC108 #WeAreOneWithEVM #IglesiaNiCristo #ChurchOfChrist #FaithLoveHope #ProudINC