Sa Bayan noon na kinikilala ng Aking Ama na Bayang Israel ay isinugo Niya Ako, upang ipahayag Ko sa lahat ang Mabuting Balita at ipaunawa ang kahalagahan na kilalanin nila ang mga Paunang Pahayag o Hula ng Aking Ama na napauukol sa Akin, na nakasulat sa mga Propesiya ng mga Propeta gaya ng mababasa sa mga aklat ni Isaias at sa aklat ng Mga Awit ni David kung ano ang mga ipaliliwanag at gaganapin Ko.
Subalit sa panahong isinasakatuparan Ko ang pagsusugo sa Akin ng Aking Ama, inyong Ama na ating Panginoong Diyos, ay hindi ito naging katanggap-tanggap noon sa mga eskriba at mga Pariseo na sa pakiwari nila na nag-aangkin at nagpapahayag lamang Ako ng ayon lamang sa Aking Kalooban. At kahit hayagan Akong gumagawa ng maraming Hiwaga o Himala sa Kapangyarihan ng Aking Ama na ating Panginoong Diyos, ang lahat ng yaon ay ibinilang lamang nila sa wala sapagkat hindi Nila ako tinatanggap na Sugo ng Aking Ama, na inyong Ama na ating Panginoong Diyos.
Mateo 5:17-20 MB 17 Huwag ninyong akalaing naparito ako upang pawalang-bisa ang Kautusan at ang aral ng mga propeta. Naparito ako, hindi upang pawalang-bisa kundi para ipaliwanag at ganapin, ang mga iyon. 18 Tandaan ninyo ito: magwawakas ang langit at ang lupa, ngunit ang kaliit-liitang bahagi ng Kautusan ay di mawawalan ng bisa hangga’t hindi nagaganap ang lahat. 19 Kaya’t sinumang magpawalang-halaga kahit sa kaliit-liitang bahagi nito, at magturo nang gayon sa mga tao, ay ibibilang na pinakamababa sa kaharian ng Diyos. Ngunit ang gumaganap ng Kautusan at nagtuturo na tuparin iyon ay ibibilang na dakila sa kaharian ng Diyos. 20 Sinasabi ko sa inyo: kung ang pagsunod ninyo sa kalooban ng Diyos ay tulad lamang ng pagsunod ng mga eskriba at mga Pariseo, hindi kayo makapapasok sa kaharian ng Diyos.”
Iyan ang Aking tuwirang pahayag sa kapulungan ng Aking mga tagasunod noon. Sa tagpo na yan ay hihirang pa lamang Ako ng mga Tagapagturo ng mga Kautusan. Ngunit maagap Ko nang ipinagpapauna sa lahat, sa hanay ng Aking mga hihirangin bilang mga Tagapagturo ng mga Kautusan, na huwag nilang tutularan ang mga eskriba at ang mga Pariseo na ang pagsunod nila ay hindi umaayon sa Kalooban ng Aking Ama, na inyong Ama na ating Panginoong Diyos. Kaya’t kung hindi Kalooban ng Aking Ama ang kanilang pagsunod, yaon ay sa kagustuhan lamang ng taong pinaglilingkuran nila. Kaya naman, nasabi Ko, na di makapapasok sa Kaharian ng ating Panginoong Diyos kung ang pagsunod ng mga Tagapagturo ng mga Kautusan ay magiging tulad lamang ng pagsunod ng mga eskriba at mga Pariseo. Nangangahulugan manganganib ang kanilang kaligtasan makarating sa Kaharian ng ating Panginoong Diyos kung sa kalooban lang ng tao mababatay ang kanilang magiging pagsunod.
Sapagkat sa pasimula pa lamang, na Ako’y nagpapahayag ng mga Salita ng Aking Ama at nagpapaunawa ng Magandang Balita sa mga taong nakikinig sa Akin noon; ang mga eskriba at mga Pariseo, sila man din ay naroroon na aali-aligid lamang, habang Ako ay nagpapahayag hindi para Ako ay pakinggan, kundi tuligsain sa mga Pagpapahayag Ko sa layunin na Ako ay hiyain upang kainisan ng karamihan. Ipinahihiwatig ng mga eskriba at sa mga Pariseo sa mga kumikilala sa kanila, na sapat na ang mga katuruan tinanggap nila kay Moises na Propeta at matangi sa kaniya ay naniniwala sila na wala pang Sugo sa yugto ng kanilang panahon na makahihigit kay Moises. At Ako na si Jesus na baguhan lamang na nagpapahayag ng mga Salita ng ating Panginoong Diyos ay hindi nila kinikilalang Sugo Niya. Kaya naman, gayun na lamang nila Ako kung ipagtabuyan, pagwikaan nila ng masasakit na mga salita, pinararatangan nila Ako na isang sinungaling, nililikhaan Ako ng kasiraan sa karamihan, at ibinibilang na Ako ay isang salarin o isang masamang tao na nanggugulo lamang sa pananampalatayang mayroon na sila noon.
PAGPAPAUNAWA:
( 17 Huwag ninyong akalaing naparito ako upang pawalang-bisa ang Kautusan at ang aral ng mga propeta. ) Pinararatangan Ako ng mga eskriba at ng mga Pariseo sa Aking mga pagpapahayag, pagpapaunawa o pagpapaliwanag ng mga aral at kautusan ng Aking Ama mula sa mga sinulat ng mga kinikilala nila na mga Propeta na para sa kanila ay pinawawalang saysay o pinawawalang bisa Ko diumano ang mga pahayag at katuruan nila.
Kaya naman, sa tagpong yaon ay ipinauunawa Ko sa lahat. Hindi lamang sa mga Tagapagturo ng mga Kautusan kundi maging sa lahat ng mga naroroon, maging sa mga tapat na mga Tagasunod Ko na mga sumasama sa Akin at sabihin na: ( Naparito ako, hindi upang pawalang-bisa kundi para ipaliwanag at ganapin, ang mga iyon.) Kaya nga lang, laging may tumutuligsa na kahit anumang pagpapaunawa ang gawin Ko lagi na’ng naroroon ang mga eskriba at mga Pariseo na patuloy Ako na iniinis at inuusig. Kaya nga;
( 18 Tandaan ninyo ito: magwawakas ang langit at ang lupa, ngunit ang kaliit-liitang bahagi ng Kautusan ay di mawawalan ng bisa hangga’t hindi nagaganap ang lahat. ) Yan ang mahalagang bilin Ko noon sa mga kausap Ko sa yugto ng Aking panahon noon. Ngunit, silang lahat ay pawang mga nangamatay na. Kung kaya hindi na para sa kanila na maituro pa ang mga nakasulat na kasalukuyang ipinauunawa Ko sa inyo ngayon. Kaya sa Aking muling pagparito o sa Aking pagbabalik, ay muli Ko itong binuksan ang mga usapin na ito sa yugto ng panahong ito na tinatawag ng Aking Ama na “Ngayon” na ipinatutungkol para sa lahat ng mga Tagapagturo ng mga Kautusan sa kasalukuyan sa dulong panahon o sa huling panahon o sa wakas ng lupa. Ipinagmamalasakit kayo ng Aking Ama ito ay sa pamamagitan Ko pa rin. Aralin ninyo ang mga Propesiya at unawain ang mga Salita Ko na mula sa Kaniya na ating Panginoong Diyos. Ito ang dapat na masunod; na kahit kaliit-liitang bahagi ng Kautusan na sinabi Ko ay di mawawalan ng bisa magwawakas man ang langit at ang lupa.
PAGHAHANDOG NA MAKAPAGBIBIGAY SA KANIYA NG KALUWALHATIAN NAISASAGAWA PA BA ?
Kaya ngayon ay tuwiran Ako na magtatanong sa mga Tagapagturo ng mga Kautusan, sa Bayan ng Aking Ama na tila tinutuldukan na ninyo ang mga ipinahayag Niya sa Akin. Ang Kaniyang mga Kautusan na higit na dapat ninyo na mga nasusunod at higit din na mga dapat ninyo na mga naituturo. Ito ang Aking Mabuting Balita ng Kaligtasan at ang mga Bagong Pahayag ng Aking Ama na Ako ay inatasan Niya na muli Akong magpahayag, para sa inyo at sa lahat ng mga tao. Subalit, ginawa na ninyong saligan at pinakabatayan ng inyong mga aral at kautusan ang mga binalangkas ng kapwa tao na tulad ninyo dito sa lupa, na mga aral na ginawang doktrina na inyong sinusunod subalit may ilan na di umaayon sa Kalooban Ko at sa Kalooban ng Aking Ama. Diyan na lamang ng diyan umiikot ang mga katuruan ninyo, wala talagang bago; napapadalas o paulit-ulit na lamang ang mga naituturo ninyo sa inyong mga Pagtitipon ang maghandog, hindi matatapos na hindi ninyo napapaaalalahanan ang lahat. Magpasalamat, laging magpasalamat na may kalakip na mga handog, na halos sa lahat ng pagkakataon kapag nabanggit ang magpasalamat laging nakasunod ang salitang handog. Dama ng Aking Ama ang layunin Matuwid ang maghandog, ngunit yaong makapagbibigay ng Kaluwalhatian sa ating Panginoong Diyos na Aking Ama. Hindi na kalugud-lugod sa harap ng Aking Ama, inyong Ama ang mga hinahain ninyong mga handog sa panahon na isinasagawa ninyo ang mga pagpapasalamat ninyo na nauuwi na lamang kayo sa pagpapaligsahan. Sino sa inyong mga dako ang hindi susulong kung may mga inaatasan kayo na ibang mga kapatid ninyo na kilala ninyo na may kakayahan na pagtakpan ang mga kakulangan ninyo. Kinukundisyon ninyo sila na ibigay ang halaga ng salapi na mahihigitan ang sa nakaraan na mga taon na natipon ninyo para mabigyan lugod ang mga taong nangangasiwa sa inyo. Kaya naman masaya ninyong ibinabalita sa kapulungan ng mga dumadalo sa banal na pagtitipon na sulong ang lahat ng ginawa ninyong paghahandog; na lingid sa kaalaman ng karamihan kung kaya sumulong ay nanggaling sa iilan at hindi nabasbasan ng panahong inihandog sa mga banal na pagtitipon ninyo. Kayo ang sumagot! Sa harap ng Aking Ama ang inyong mga pamamaraan ay nakalulugod ba sa Kaniya iyan? Pagiging dapatin ba Niya yan? Hindi Niya Kalooban ang inyong nasusunod kundi itinutulad Niya kayo sa mga maniningil ng buwis.
Ganunpaman, sa mga masayang nagkaloob ng kanilang handog tanda ng inyong pagtatalaga, ay tinatanggap ninyo ang mahalagang basbas ng Aking Ama. Ngunit sa pangkalahatan ay wala Kaming makita ng Aking Ama, ni isa man na pagiging dapatin Namin ang handog ng bawat dako na nagsagawa nito. Umiiral ang kakaibang mga kaisipan, sa panig pa lamang ng mga inaatasan na mangangasiwa dito. Wala ng pag-ibig! Hindi na pasya ng inyong puso. Wala ng madamang kabanalan! Lahat ay pawang nahumaling na gumawa ng mga bagay na di ikinaluluwalhati ng Aking Ama. Manapa ay ikinagagalit na ng Aking Ama! Sa Akin naman ay Panginoon kayo ng Panginoon ngunit hindi naman ninyo sinusunod ang ipinag-uutos Ko. Hindi ninyo napangangalagaan ang Kawan sa loob ng Aking Iglesia, na tila nagsasabwatan na lamang kayo ng inyong panlilinlang sa kanila na isang uri ng kasakiman para gawin ninyo ito sa Aking mga Hinirang na pawang lahat ay minamahal Ko at labis na minamahal ng Aking Ama na ating Panginoong Diyos. Ipinagkatiwala lamang Niya sa inyo na mga Tagapagturo ng mga Kautusan ang mga Hinirang Ko at mga Hinirang ng Aking Ama, upang pangalagaan ang kanilang pananampalataya hanggang sa pagparito Ko. At sa Aking pagbabalik ay yan nga ang nadatnan Ko sa yugto ng panahong ito na Ako ay nakabalik na, na unti-unti ng tumatakas karamihan sa katapatan sa inyo ng inyong mga kapatid. Nababalutan na lamang ng takot sa pagsunod sa inyong lahat, na huwag lamang silang mapaghalata na hindi na kasang-ayon ninyo, Kunwa na lamang na sumusunod at tumutugon sa mga kahilingan ninyo sa kanila na upang hindi ninyo ipalagay na sila tumatanggi at pag-isipan ninyo na sila ay kumakalaban sa inyo. Kaya nga, sunud-sunuran na lamang silang lahat sa takot na lamang, na alisin ninyo sila sa talaan at ipahayag sa kapulungan na sila ay itinitiwalag. Hindi dapat na ganito ang kaisipan nilang lahat kung napangangalagaan lamang ninyo sila ng may pagmamahal.
PAGPAPATAWAD O PAGTITIWALAG
Galacia 6:1 MBB [1] Mga kapatid, kung may isa sa inyo na mahulog sa pagkakasala, kayong pinapatnubayan ng Espiritu ang magtuwid sa kanya. Subalit gawin ninyo iyon nang mahinahon, at mag-ingat kayo, baka kayo naman ang matukso.
Napakabilis ng inyong mga pagpapasya na magtiwalag na inaakala ninyo na sumasang-ayon Kami ng Aking Ama na inyong Panginoong Diyos sa mga paghatol ninyo? Nagpapakilala lamang na wala sa inyo ang Pamamatnubay ng Banal na Espiritu nang sila ay pasyahan ninyo. Isang pag-amin ninyo sa Amin ng Aking Ama na mahihina kayo sa pangangalaga, walang tiyaga sa pag-ibig sa kapwa sa halip kinapootan na ninyo sila at itinuro niyo pa sa kapulungan ng mga kapatid na silang lahat ay kamuhian at ibinilang na ninyong mga kaaway. na nagbibigay sa Akin, at sa inyo Ama na Panginoong Diyos ng kahapisan at ito ay hindi makabubuti sa panig ninyo at sa panig ng mga gumagawa nito nang dahil sa utos ninyo.
Mateo 5:43 ASND 43 Narinig ninyong sinabi: Ibigin mo ang iyong kapwa at kapootan mo ang iyong kaaway. 44 Ngunit sinasabi ko sa inyo na mahalin ninyo ang inyong mga kaaway at ipanalangin ninyo ang mga umuusig sa inyo.
Hindi kayo naging mahinahon! Umiral agad ang galit sa inyong puso sa mga kapatid ninyong nahulog sa pagkakasala na umuusig na nakikipagdigmaan sa inyo. Para sa inyo, kaaway na ninyo silang itinuturing na may napakabigat ng mga kasalanan na nagawa. Subalit sa Akin at sa Aking Ama na ating Panginoong Diyos ay hindi pa gayun. Paano ninyo sila pinatunguhan nang humarap at ipatawag ninyo sila? Tumanggap ba sila ng mga pagpapayo na ikababalikwas nila? Nang humingi ba sila na ipanalangin ninyo, ginawa ba ninyo ito o ipinagtabuyan na lamang ninyo sila palabas ng Iglesia? Hindi ba ninyo naaalaala nang lapitan ako ni Pedro na isa mga pangunahing nagpapayo sa Aking Iglesia?
Mateo 18:21 MBB 21 Lumapit si Pedro at nagtanong kay Jesus, “Panginoon, ilang beses ko po bang patatawarin ang aking kapatid na nagkakasala sa akin? Pitong beses po ba?” 22 Sinagot siya ni Jesus, “Hindi pitong beses, kundi pitumpung ulit na pito.
Makailang beses na pagpapatawad sa isang kapatid na nagkasala ang sinagot Ko kay Pedro na Apostol doon sa tanong niya na kung pitong beses ba lamang? Hindi pitong beses, kundi pitumpung ulit na pito. Nangangahulugan lamang na ibig Ko na maisaayos na laging mauwi sa pagpapatawad, na lakip naman ninyong nagawa ang marapat na pagpapayo na ikapagbabago niya na umaayon sa Kalooban Ko at ng Aking Ama na ating Panginoong Diyos ang kakauwian ng pag-uusap sa panig nila at sa panig ninyo.
Unawain ninyo si Pablo na isang Apostol kung paano naging mabuting Tagapagturo ng Kautusan.
3 Ang pangangaral namin ay hindi batay sa kamalian, o sa masamang layunin, o sa hangad na manlinlang. 4 Sapagkat minarapat ng Diyos na ipagkatiwala sa amin ang Magandang Balita, nangangaral kami, hindi upang bigyang-kasiyahan ang tao, kundi ang Diyos na sumisiyasat ng ating puso. 5 Alam ninyo na ang aming pangangaral ay hindi sa pamamagitan ng matatamis na pangungusap, o ng mga salitang nagkukubli ng kasakiman. Saksi namin ang Diyos. 6 Hindi kami naghangad ng papuri ninyo o ninuman
Sa ganiyang pamamaraan inaasahan Ko kayo na mga Tagapagturo ng mga Kautusan sa pangangaral ninyo sa inyong mga kapatid. Naituturong mainam ang mga Aral at Kautusan ng Aking Ama na wala anumang masusumpungang kamalian. Hindi kailanman magiging mabuti ang inyong layunin kung hindi makatwiran ang inyong mga pagpapayo at mga pagpapasya kung higit ninyo na kakatigan ang sumbong ng sinuman na walang pag-ibig sa kapwa, kundi ang nais lamang ng gumawa nito, ay sang-ayunan siya na patayin ang pananampalataya o ipatiwalag ang kaniyang maibigan na maipatiwalag na kaalitang kapatid sa pananampalataya. At sa iba ay gayun din na mahilig magsumbong nang magsumbong sa panig ng mga naatasang nangangalaga na walang tiyaga ay nag-isip na pabigat lamang sa kaniyang mga pinangangalagaan ang mga kapatid na sana ay kaniyang patitibayin, palalakasin ang pananampalataya. Ngunit nang manghinawa ay nagawa ng likhaan ng sumbong na may bahid na ng daya o kasinungalingan sa kagustuhan na lamang niya ang kapatid ay matanggal sa talaan. Dahil diyan kasiyahan nila na mga mapag-ulat ang nabibigyan daan, at hindi ang ating Amang Banal na nagpapahalaga sa bawat kaluluwang idinaragdag Niya sa iglesia sa araw-araw na inyo namang agad-agad inaalis sa talaan dahil na nangingibabaw ang personal ninyong alitan. Alalahanin ninyo sinisiyasat ng Aking Ama na inyong Ama na ating Panginoong Diyos ang inyong mga puso. Kaya hinihikayat Ko kayo na maging tapat na sa inyong pangangaral. Itakwil na ninyo ang nagkukubling kasakiman na tumukso lamang sa inyong kahinaan para mahadlangan pa ang paggawa ninyo ng mabuti sa inyong mga kapatid at sa inyong mga kapwa. Pahalagahan ninyo ang mga Katotohanang dapat pa na mahayag na Aking sinalita noon na naisasantabi na ninyo ngayon . Naririto Ako muling nagpapahayag at nagpapaunawa sa inyo na ipinaaalaala Ko sa inyong lahat ang mga sinalita Ko noon para hindi kayo mabigo na makarating sa Kaharian ng Aking Ama at maibilang na dakila doon.
(19 Kaya’t sinumang magpawalang-halaga kahit sa kaliit-liitang bahagi nito, at magturo nang gayon sa mga tao, ay ibibilang na pinakamababa sa kaharian ng Diyos.) Dapat ninyong maunawaan hindi Ko ito ipinatutungkol sa mga eskriba at Pariseo na may ugali ng magpawalang halaga sa mga sinasabi Ko. Ipinahayag Ko ito para sa mga hihirangin Ko na Tagapagturo ng mga Kautusan na may pag-asang magtamo ng kaligtasan. Ngunit kung ang sinuman ang hindi magpapahalaga kahit pa nabibilang sa mga lingkod Ko at masumpungan sa gayun din kapabayaan sa pagsunod ay ibibilang na pinakamababa sa kaharian ng Diyos.
(Ngunit ang gumaganap ng Kautusan at nagtuturo na tuparin iyon ay ibibilang na dakila sa kaharian ng Diyos.) Dapat ninyong maunawaan sa Kaharian ng Aking Ama ay totoo na may ibibilang na dakila sa kaharian Niya. Kayo yun na Aking mga minamahal na mga nagmamalasakit, nagtuturo o nagpapaunawa ng kahalagahan ng Aking kahalalan, at mga tapat na sumusunod sa Kalooban ng Aking Ama ay Kaniya naman kayong gagantimpalaan. Ngunit sa panig naman ng iba, na akin ring mga lingkod na mga Hinirang na patuloy kong nakakasama. Ang Aking Ama na inyong Ama ang magpapasya kung saan naman Niya kayo ibibilang. Kahit na malapit kayo sa akin ngayon ay may pagbabatayan Siya para maibilang kayo sa mga dakila sa Kaniyang Kaharian, Iyan ay sa pamamagitan ng inyong mga gawa; kung paano ninyo ako pinatunguhan, kung paano kayo naging masunurin, kung paano kayo nagmalasakit ng may kasipagan at tumulong sa Akin ng may pagmamahal, ay diyan ibabatay ng Aking Ama ang magiging kapalaran ninyo sa Kaniyang Kaharian para makalapit kayo sa Kaniya. Oo, ang Aking Ama ang ating Pinakamamahal Pinakadakila Pinakamakapangyarihang Panginoong Diyos ng langit at ng lupa, ay makakasama ninyo Siya doon sa Bagong Daigdig, sa Banal na Bayan na Bagong Jerusalem.
(20 Sinasabi ko sa inyo: kung ang pagsunod ninyo sa kalooban ng Diyos ay tulad lamang ng pagsunod ng mga eskriba at mga Pariseo, hindi kayo makapapasok sa kaharian ng Diyos.”) Bakit sinabi Ko na hindi makapapasok sa kaharian ng ating Panginoong Diyos ang mga Tagapagturo ng mga Kautusan? “Yan ay kung tutularan ninyo ang mga eskriba at ang mga Pariseo sa mapagkunwaring may pananampalataya. Sapagkat sa yugto ng Aking panahon noon nang Ako ay nangangaral at nagtuturo, ay hayag ang pag-uugali ng mga eskriba at ng mga Pariseo sa pakikitungo sa Akin noon; hindi nila Ako iginagalang, mahilig na Ako ay tuligsain, ipagtabuyan, kutyain, hamakin. Hindi nila kinikilala ang Aking Kahalalan at hindi nila tinatanggap ang Aking mga ipinapahayag na mula sa Salita ng Aking Ama na ating Panginoong Diyos, ang mga Mabuting Balita na magdadala sa kanila patungo sa Kaharian ng Aking Ama na nasa Langit.
Kung sa yugto ng ating panahon “Ngayon” hindi na ganiyan hayagan kung mangusap ang mga Tagapagturo ng mga Kautusan. Kilalang-kilala kayo ng Aking Ama walang makapaglilihim sa inyo. Subalit;
Mateo 15:8-9 ASND 8 Lumalapit sa akin ang mga taong ito sa pamamagitan ng kanilang mga bibig at iginagalang nila ako sa pamamagitan ng kanilang mga labi. Ngunit ang kanilang mga puso ay malayo sa akin. 9 Walang kabuluhan ang pagsamba nila sa akin. Ang aral na kanilang itinuturo ay mga kautusan ng mga tao.
Lumalapit kayo sa Akin gamit ang inyong mga bibig at iginagalang ninyo Ako sa pamamagitan ng inyong mga labi. Ngunit ang inyong mga puso ay malayo sa Akin. Hindi ninyo Ako sinusunod. Sinasabi ko sa inyo na mahalin ninyo ang inyong mga kaaway at ipanalangin ninyo ang mga umuusig sa inyo. Iyan ang puso Ko, diyan kayo malayo sa Akin. Hindi ninyo kayang mahalin ang inyong mga kaaway! Hindi ninyo kayang ipanalangin ang mga umuusig sa inyo! Naging makatwiran ba ang sila ay agad-agad na mga mahatulan na itiwalag ninyo? Hindi yan ang Kalooban Ko at Kalooban ng Aking Ama. Itinuro Ko na buong tiyaga ninyo sila na pagsumakitan. Kaya walang kabuluhan sa Akin nang umiral ang inyong damdaming tao na napopoot sa kapwa. Hayag sa Akin at sa inyong Ama na Panginoong Diyos kung paano ninyo sila pinangingilagan na parang may sakit na nakamamatay. Hinding-hindi yan makabubuti sa inyo. Kami ng inyong Ama ay nahahapis kung patuloy kayong mamamalagi sa ganyang pakikitungo sa inyong kapatid at sa inyong kapwa. Hindi yan ang ugali ng isang lingkod Ko. Kaya nga;
Mateo 7:21-23 MBB 21 “Hindi lahat ng tumatawag sa akin, ‘Panginoon, Panginoon,’ ay papasok sa kaharian ng langit, kundi ang mga taong sumusunod sa kalooban ng aking Ama na nasa langit. 22 Sa Araw ng Paghuhukom marami ang magsasabi sa akin, ‘Panginoon, hindi po ba’t sa iyong pangalan ay nangaral kami, nagpalayas ng mga demonyo at gumawa ng mga himala?’ 23 Ngunit sasabihin ko sa kanila, ‘Hindi ko kayo kilala. Lumayo kayo sa akin, kayong mga gumagawa ng kasamaan.’”
LITERAL NA PAGHUHUKOM BAGO ANG KAGANAPAN NG SANLIBONG TAON
Ang mga salitang yan na Aking sinabi sa nakaraan ay higit sa yugto ng panahong ito sa huling araw napapauukol. Sapagkat, hindi na yan masasabi pa ang mga katagang binanggit ko noon ng mga nangamatay na. Kundi, ng mga buhay na masasaksihan ang Araw ng Paghuhukom, na yan ang literal na Paghuhukom, ang Kawasakang darating sa sandaigdigang ito bago ang Sanlibong Taon na kaganapan sa Banal na Bayan na Bagong Jerusalem. Sa Araw na yan ng Paghuhukom marami ang magsasabi sa inyo sa Akin, ‘Panginoon, hindi po ba’t sa iyong pangalan ay nangaral kami, nagpalayas ng mga demonyo at gumawa ng mga himala?’ Subalit, may pasya na ang Ama ng Sambahayan ang Panginoong Diyos na Aking Ama na naglapat na ng pintuan, isinara na Niya. Kaya huli na, para kayo na humahabol ay pagbuksan at papasukin sa Kaharian Niya. Kinulang kayo ng pananampalataya. Hindi kayo naging tapat sa pagsunod sa Kalooban Ko at sa Kalooban ng Aking Ama. Gumawa kayo ng ayon lamang sa maibigan ninyo. Nagmatigas ang kalooban ninyo sa paghihimagsik. Sa araw na yaon ay wala kayong maisusumbat sa Amin ng Aking Ama. Kayo ang pumili ng inyong magiging kapalaran para hindi makasama sa Kaharian ng Aking Ama na nasa Langit. Kaya ang mabuhay sa Banal na Bayan sa loob ng Sanlibong Taon ay hindi kayo pinalad na makasama. At pagkalipas naman ng Sanlibong Taon ay saka palalayain si satanas sa kaniyang pagkabilanggo
Pahayag 20:7-15 MBB 7 Pagkatapos ng sanlibong (1,000) taon ay palalayain si Satanas mula sa kanyang pagkabilanggo. 8 Lalabas siya at dadayain ang mga bansa mula sa apat na sulok ng daigdig, ang Gog at Magog. Titipunin niya ang mga ito upang isama sa pakikipagdigma. Ang hukbong ito ay sindami ng buhangin sa tabing-dagat. 9 Kumalat sila sa buong daigdig at pinaligiran ang kampo ng mga hinirang ng Diyos at ang pinakamamahal na lungsod. Ngunit umulan ng apoy mula sa langit at tinupok ang mga kampon ni Satanas. 10 At ang Diyablong nandaya sa kanila ay itinapon sa lawa ng apoy at asupre na pinagtapunan din sa halimaw at sa huwad na propeta. Pahihirapan sila doon araw at gabi, magpakailanman.
ESPIRITUAL NA PAGHUHUKOM PAGKALIPAS NG SANLIBONG TAON
11 Pagkatapos nito’y nakita ko ang isang malaking tronong puti at ang nakaupo doon. Naglaho ang lupa’t langit sa kanyang harapan, at hindi na nakita pang muli. 12 Nakita kong nakatayo sa harap ng trono ang mga namatay, maging dakila at hamak, at binuksan ang mga aklat. Binuksan ang isa pang aklat, ang aklat ng buhay. Hinatulan ang mga patay ayon sa kanilang ginawa, batay sa nakasulat sa mga aklat. 13 Iniluwa ng dagat ang mga patay na naroroon. Iniluwa din ng Kamatayan at Daigdig ng mga Patay ang mga patay na nasa kanila. Hinatulan ang lahat ayon sa kanilang mga ginawa. 14 Pagkatapos ay itinapon din sa lawa ng apoy ang Kamatayan at ang Daigdig ng mga Patay. Ang lawa ng apoy ang pangalawang kamatayan. 15 Ang sinumang hindi nakasulat ang pangalan sa aklat ng buhay ay itinapon sa lawa ng apoy.
HABANG MAY NALALABI PANG PANAHON BAGO ANG ARAW NG PAGTAKAS O PAGLIKAS
Hebreo 4:1-7 MBB 1 Kaya nga habang nananatili ang pangako ng Diyos, na tayo’y makakapasok sa kapahingahang sinabi niya, mag-ingat kayo at baka mayroon sa inyong hindi makatanggap ng pangakong ito. 2 Sapagkat tulad nila’y napakinggan din natin ang Magandang Balita, ngunit hindi nila pinakinabangan ang balitang kanilang narinig dahil hindi nila ito tinanggap nang may pananampalataya. 3 Tayong mga sumampalataya ay tumatanggap ng kapahingahang ipinangako. Ito’y ayon sa kanyang sinabi,“Sa galit ko’y aking isinumpa, ‘Hindi sila makakapasok sa lupain ng kapahingahang aking ipinangako.’”
Sinabi niya ito kahit tapos na niya ang kanyang mga gagawin mula nang likhain ang sanlibutan. 4 Sapagkat sinasabi sa isang bahagi ng kasulatan ang ganito tungkol sa ikapitong araw, “At sa ikapitong araw, nagpahinga ang Diyos sa kanyang paglikha.” 5 At muli pang sinabi, “Hindi sila makakapasok sa lupain ng kapahingahang aking ipinangako.” 6 Ang mga unang nakarinig ng Magandang Balita ay hindi nakapasok sa lupain ng kapahingahan dahil hindi sila sumampalataya. Ngunit may mga inaanyayahan pa ring pumasok sa lupaing iyon ng kapahingahan. 7 Kaya’t muling nagtakda ang Diyos ng isa pang araw na tinawag niyang “Ngayon”. Pagkalipas ng mahabang panahon, sinabi sa pamamagitan ni David sa kasulatang nabanggit,
“Ngayon, kapag narinig ninyo ang tinig ng Diyos, huwag ninyong patigasin ang inyong mga puso.”.

IBAHAGI AT IPABATID SA LAHAT:
#iglesianicristo #inc100 #inccentennial #centennial #inc4life #incootd #incfashion #icmedianews #inctv #net25 #incmedia #increview #fymfoundation #mycountrymenmybrethren #kabayankokapatidko #incselfiechallenge #incwikileaks #sanggunian #radelcortez #gerrypurification #junsantos #gliceriosantosjr #rodelcabrera #biensantiago #erdzcodera #ernestosuratos#mattpareja #antonioebangelista #silentnomore #iglesianicristosilentnomore#Pananampalataya #Pagasa_#Pagibig #DoblehinAngPagsisikap#PuspusangPagbabagongBuhay #PuspusangPakikipagkaisa#ItaguyodAngKasiglahangESPIRITUAL #Iglesia_Ni_Cristo #DoblehinAngPagsisikap #SolidongPananampalataya #KaisangDiwaNgPamamahala #WEareONEwithEVM#PuspusangPagsunodAtPagpapasakopParaMaligtas #ItaguyodAngKasiglahangEspiritual #MasaganangPagbubunga #PalaguinAngPananampalatayaPagibigAtPagasa #INC101 #DoblehinAngPagsisikap #INC #Maytungkulin #INC4ever#IamTheOneWithEVM