Ang Mangangaral 1:9 [9] Ang naganap noon ay nangyayari rin ngayon. Ang mga nagawa noon ay nagagawa rin ngayon; walang bagong pangyayari sa mundong ito.
Sa larangan ng Espiritual na paglilingkod ang Banal na Kasulatan o Biblia ang naging Saligan sa pag-aaral ng mga tao sa mga Katotohanan ng mga Pahayag ng ating Panginoong Diyos. Inilalarawan sa Banal na Aklat na ito ang mga pangyayari o mga kaganapan na sumasalamin sa nakaraan, sa kasalukuyan at maging sa hinaharap na rin. Subalit, sa paghahanay at pagbabalangkas ng mga Tagapagturo ng mga Kautusan sa kanilang mga pagtuturo sa yugto ng panahong ito Ang naganap noon ay nangyayari rin ngayon. Ang mga nagawa noon ay nagagawa rin ngayon; ay walang bagong pangyayari sa mundong ito ang kanilang naipaglilingkod na naituturo sa mga tagapakinig nila. Kaya naman, ang Aking Ama, na inyong Ama na ating Pinakamamahal na ating Panginoong Diyos ay binibigyan naman Niya ng daan na maipaalam, maipaunawa na sa lahat ang mga Bagong Pahayag Niya na kailanman ay hindi pa naituturo ng sinumang mga Tagapagturo ng mga Kautusan. Oo, kahit pa ang sinasabing Sugo ng Aking Ama sa mga Huling Araw na si Felix ay walang tiyak na kabatiran sa mga Bagong Pahayag ng ating Panginoong Diyos. Kaya, walang makapagsasabing nauunawaan na niya at naituro na nila ang mga Bagong Pahayag. Sapagkat, ang buong Katotohanan, sa Huling bahagi ng Panahong ito nakatakda na maihayag, sa isa pang araw na tinawag ng Aking Ama na “Ngayon” pagkalipas ng mahabang panahon. Ito ang mga bagong bagay, ang mga Bagong Pahayag ng Aking Ama ang sa inyo ay Aking ipinaglilingkod mula nang Ako ay makabalik sa daigdig na ito. Tunghayan ninyo ang sinabi ng Aking Ama na;
Isaias 42:9 MBB [9] Ang mga dating pahayag ko ay natupad na. Mga bagong bagay ang sasabihin ko ngayon bago pa mangyari ang mga ito.”
Sapagkat,
Isaias 48:6-7 MBB [6] “Lahat ng pahayag ko ay pawang natupad, inyo nang kilalanin ang katotohanan nito. Ngayo’y may ihahayag akong bago, mga bagay na hindi ko inihayag noon. [7] Ngayon ko pa lamang ito gagawin; wala pang pangyayaring katulad nito noon para hindi ninyo masabing ito’y alam na ninyo.
Marahil, ay naging kapuna-puna na rin sa inyong lahat, ang mga paulit-ulit na lamang na naituturo sa inyo ng mga Tagapagturo ng mga Kautusan. Halos nagkaidad at matatanda na ang karamihan sa inyo sa mga nabubuhay pa, subalit pawang mga dating pahayag na ang lagi nang naririnig ninyo na naituturo sa inyo sa mga banal na pagtitipon ninyo. Lahat ay pawang nakahanay sa mga binalangkas na Doktrina ng nilagay ng Aking Ama na Ebanghelista sa Aking Iglesia sa katauhan ni Felix Manalo. Ngunit limitado lamang ang kaniyang nauunawaan lalo na napauukol sa mga Hiwaga ng Kaalaman. Sapagkat hindi ukol sa kaniyang panahon, Sa Mga Huling Araw na mahayag ang mga Bagong Pahayag na nasasaklawan ng Hiwaga ng Kapangyarihan ng Aking Ama. Kung kaya naman, nang sumapit na ang Huling Araw sa dulo ng panahon bago ang Araw ng Pagtakas o Paglikas ay may mga bagong bagay na ipinag-uutos ang Aking Ama sa Akin, na sa inyong lahat ay maipahayag at maipaunawang lubos ang mga Bagong Pahayag na hindi pa Niya naihahayag, at wala pang katulad na mga pangyayari noon. Walang sinuman ang makapagsasabi na alam na ninyo ito, yan ang tiniyak ng aking Ama, dahil ngayon lamang sa Aking pagbabalik sa daigdig na ito, sa pamamagitan ko, ay maipababatid ng aking Ama, inyong Ama na ating Panginoong Diyos ang mga Bagong Pahayag na ngayon pa lamang darating sa inyo ang pagkaalam at pagkaunawa sa mga Hiwaga ng Kaalaman ng Aking Ama na natago sa mahabang panahon.
Mga Hebreo 4:7 MBB [7] Kaya’t muling nagtakda ang Diyos ng isa pang araw na tinawag niyang “Ngayon”. Pagkalipas ng mahabang panahon, sinabi sa pamamagitan ni David sa kasulatang nabanggit, “Ngayon, kapag narinig ninyo ang tinig ng Diyos, huwag ninyong patigasin ang inyong mga puso.”
Ngayon ang Tinig ng Aking Ama, na inyong Ama, na ating Panginoong Diyos ay inyo ng naririnig at ito ay sa pamamagitan Ko, na Siya ang tuwirang nangungusap at nagsasabi nito sa Akin. Kaya, huwag na ninyong pagmatigasin pa ang inyong puso. Kung sumasampalataya kayo sa Aking Ama, sampalatayanan ninyo rin ang mga sinasabi Ko. Hindi sa Akin nagmula ang mga ipinapahayag Ko dito sa inyo, kundi doon sa nagsugo sa Akin. Oo, Ako’y hindi nagsasalita mula sa Aking sarili, kundi ang Ama na nagsugo sa Akin ang Siya ang pinagmumulan ng mga Kaalaman at ng mga Karunungan na mga Hiwaga na naisasaysay Ko sa inyo. Siya na Aking Ama na Pinakadakilang Panginoong Diyos na nasa Langit ang nag-uutos kung ano ang dapat Kong sabihin, at kung ano ang dapat Kong bigkasin. Yan ang Tinig ng Aking Ama, inyo namang kilalanin, na yan ang inyong pagkilala naman sa Akin na Ako ay muli Niya na isinugo sa Huling Araw sa sandaigdigang ito. Hindi Ako naghahangad ng sarili Ko na Kapurihan kundi ginagawa Ko ito para Siya ang higit na Maparangalan, inyong Maluwalhati ang Aking Ama na inyong Ama na ating Panginoong Diyos.
Oo, nagtakda ang Aking Ama ng isa pang araw na tinawag Niyang “Ngayon”. Nauunawaan ninyo ang pangungusap Niya na pagkalipas ng mahabang panahon, na diyan nakapaloob sa nakaraan ang mga pangyayari noon, na pawang naganap na ngang lahat, at nangyari na. Saklaw sa nakaraan ang yugto ng panahon ni Felix Manalo. Kung kaya, hindi na maituturing na Bagong Pahayag ng Aking Ama ang kaniyang mga naituro na, hanggang sa kasalukuyang naituturo pa ni Eduardo na Pamamahala sa Aking Iglesia. Napapanahon na! Ipamalita ninyo sa lahat ang mga bagong bagay na mga Bagong Pahayag ng Aking Ama, na maghahayag sa inyo ng Kaniyang Kapangyarihan na nasasaklawan ng Hiwaga na Siya ang may Kalooban, Kapahintulutan at may Akda ng lahat ng mga kaganapan na inyong masasaksihan hanggang sa Ako ay lubusang mahayag sa inyo na Ako nga ay nakabalik na sa daigdig na ito.
Isaias 53:1 MBB [1] Sumagot ang mga tao, “Sino ang maniniwala sa ibinabalita naming ito? Kanino mo ipinakita ang iyong kapangyarihan?
Sa Akin naipakita ng Aking Ama ang Kaniyang Kapangyarihan na magagamit Ko. Subalit, hindi pa sa daigdig na ito na ginawa ng pinakatahanan ng diablo. Ngunit kailanman hindi niya magagapi ang Kapangyarihan ng Aking Ama na nasa Akin, sapagkat walang puwang ang anumang masamang iniisip niya laban sa Amin.
Mayroong nais ipahiwatig ang Aking Ama, na ating Panginoong Diyos na maituwid sa lahat ng mga tao sa sandaigdigan, kung bakit inilakip Niya ang talatang yan na isang Propesiya Niya na napauukol sa Akin, na naisulat sa aklat ni Isaias na isang Propeta. Oo, nakapaloob sa kabuuan ng isang pahina na hindi nabigyan ng tamang pagpapaunawa ng mga Tagagapagturo ng mga Kautusan upang lubusan Ako na makilala ng lahat ng mga tao sa sandaigdigan nang ayon sa paglalarawan sa Akin. Sapagkat, sa mahabang panahon, ang larawang nakikita ninyo na waring Ako, ay hindi talaga Ako yaon. Isang imahe sa kagustuhan lamang ng gumawa nito, kung ano ang ibig niya na iguhit, ay pinili niya ang isang tao na may napakaamo at magandang wangis para iayon sa ibig lamang niya na maging anyo ng Jesu-Cristo na diumano yun daw ang Aking anyo.
Subalit kung pagbabatayan ang nakasulat sa Propesiya o Paunang Pahayag ng Aking Ama ang buong Katotohanan, ay wala Akong kagandahan o makatatawag pansin para Ako ay makaakit at hangarin na mapagnasaan ng sinuman. Kaya nga sa Aking panahon noon, Ako ay lagi ng hinahamak, at halos ipagtabuyan dahil hindi nga nila matanggap ang aking kaanyuan. Ang buhay Ko noon ay lubhang mapanglaw sapagkat kami ay mahirap lamang. Nasanay na lamang ako na nagdurusa sa panlalait sa Akin ng mga tao noon na para Akong may sakit na pinangingilagan. Hindi Ako pinahahalagahan, itinatakwil nila laging hinahamak ng Aking kapwa sa kadusta-dusta kong kalagayan at kaanyuan.
Kaya nang Akin ng gampanan at ipaunawa ang Aking kahalalan, ayon sa nasusulat sa Aklat ni Isaias na Propeta at sa aklat ng Salmo ni David na Propeta, ni kahit sa sarili kong mga kababayan, hindi matanggap ang Aking mga pagpapaunawa at Pagpapahayag. Ako ay hindi paniwalaan, sa halip kinukutya Ako pinagtutulakan, itinaboy hanggang sa labas ng Aking Bayan. Hanggang sa makilala Ko ang mga tumanggap sa Magandang Balita ng Kaligtasan, ang Aking Iglesia na Aking minamahal, ang kinaroroonan ng Ilaw na nagliliwanag para tanglawan ang Daan ng Kaligtasan, ang matibay na saligan ng mga Katotohanan ng Banal na Katwiran ng Aking Ama.
Inyong unawaing lubos ang Propesiyang ukol sa Akin
Isaias 53 NPV
1 Sino ang naniwala sa aming balita at kanino nahayag ang bisig ng PANGINOON?
2 Lumaki siyang una sa kanyang gaya ng murang usbong, at tulad ng ugat sa tuyong lupa. Wala siyang kagandahan o katangiang makatawag-pansin. Ang kanyang anyo ay walang pang-akit upang magnasa tayo sa kanya.
3 Siya ay hinamak at itinakwil ng mga tao, isang lalaking puno ng kapanglawan, at hirati sa pagdurusa. Siya ay tulad ng isang taong pinagtataguan ng kanyang kapwa. Hinamak siya, at hindi natin siya pinahalagahan.
4 Tunay na kinuha niya ang ating kahinaan at pinasan ang ating mga kalungkutan. Gayunpaman, ipinalagay nating siya ay hinampas ng Dios, pinalo, at pinahirapan.
5 Ngunit siya ay inulos dahil sa ating mga pagsalansang; binugbog siya dahil sa ating mga kasalanan. Ang parusang nagdulot sa atin ng kapayapaan ay iginawad sa kanya, at gumaling tayo dahil sa kanyang mga sugat.
6 Tayong lahat ay tulad ng tupang naligaw. Bawat isa sa atin ay lumakad sa sariling daan; at ipinasan sa kanya ng PANGINOON ang lahat ng ating pagkakasala.
7 Siya ay inapi at pinahirapan, gayunman, ni hindi siya nagbuka ng kanyang bibig. Siya ay inakay na tulad ng korderong papunta sa dakong patayan. Tulad ng tupa, tahimik siya sa harap ng mga manggugupit. Hindi nga niya ibinuka man lang ang kanyang bibig.
8 Sa pamamagitan ng paninikil at hatol ay dinala nila siya. Sino ang makapagsasabi tungkol sa kanyang mga angkan? Pagkat inalis siya sa daigdig ng mga buhay. Siya ay hinampas dahil sa pagsalansang ng aking bayan.
9 Itinakda sa kanya ang isang libingan, kasama ng masasama at kasama ng mayayaman sa kanyang kamatayan. Siya ay pinatay bagaman wala siyang ginawang karahasan, o kinasumpungan man ng daya sa kanyang bibig.
10 Gayunman, kalooban ng PANGINOON na siya’y bugbugin at magdanas ng hirap. At bagaman ginawa ng PANGINOON na ang buhay niya’y maging handog para sa kasalanan, makikita niya ang kanyang supling at pahahabain ang kanyang mga araw, at mananagana sa kanyang kamay ang kalooban ng PANGINOON.
11 Pagkatapos ng pagdurusa ng kanyang kaluluwa, makikita niya ang liwanag ng buhay at siya’y masisiyahan. Dahil sa kanyang karunungan, marami ang pawawalang-sala ng aking lingkod na matuwid, at dadalhin niya ang kanilang pagkakasala.
12 Dahil dito, bibigyan ko siya ng bahagi sa piling ng mga dakila. Makikihati siya sa mga samsam ng malalakas, pagkat ibinuhos niya ang kanyang buhay hanggang kamatayan, at ibinilang sa kasama ng mga makasalanan. Pagkat dinala niya ang kasalanan ng marami, at namagitan siya para sa mga makasalanan.
HUWAG KAYONG HUMATOL BATAY SA ANYO
Juan 7:16-20,24
16 Kaya’t sinabi ni Jesus, “Hindi sa akin ang itinuturo ko, kundi sa nagsugo sa akin. 17 Kung talagang nais ninumang sumunod sa kalooban ng Diyos, malalaman niya kung ang itinuturo ko’y mula nga sa Diyos, o kung ang sinasabi ko ay galing lamang sa akin. 18 Ang nagtuturo ng galing sa sarili niya ay naghahangad ng sariling karangalan. Ngunit ang taong naghahangad na maparangalan ang nagsugo sa kanya ay tapat at hindi nagsisinungaling. 19 Hindi ba’t ibinigay sa inyo ni Moises ang Kautusan? Bakit wala ni isa man sa inyo ang tumutupad nito? Bakit nais ninyo akong patayin?”
20 Sumagot ang mga tao, “Sinasapian ka ng demonyo! Sino ba ang gustong pumatay sa iyo?”
24 Huwag kayong humatol batay sa anyo, kundi humatol kayo batay sa matuwid na pamantayan.”
Ngayon ay nakikilala na ninyo Ako sa tunay Ko na anyo at wangis ng Aking mukha na di ninyo kagigiliwan. Subalit mga minamahal, “Huwag kayong humatol batay sa anyo, kundi humatol kayo batay sa matuwid na pamantayan.”
Marami na akong nasabi na mga Bagong Pahayag ng Aking Ama dito sa Blog o Pahayagan Niya na Napahihintulutan. Ipamalita ninyo ang mga hinahayag na mga Katotohanan na inyo ng nabasa at mga narinig na mga Bagong Pahayag ng Aking Ama. Ipaglingkod ninyo sa lahat mga minamahal Ko, at mga minamahal ng Aking Ama. Pagpalain Niya kayong lahat na patuloy na nagbabasa at ang lahat ng inyong mahahatiran ng Mensahe na nakapaloob dito.

IBAHAGI AT IPAGMALASAKIT SA LAHAT :
#iglesianicristo #inc100 #inccentennial #centennial #inc4life #incootd #incfashion #icmedianews #inctv #net25 #incmedia #increview #fymfoundation #mycountrymenmybrethren #kabayankokapatidko #incselfiechallenge #incwikileaks #sanggunian #radelcortez #gerrypurification #junsantos #gliceriosantosjr #rodelcabrera #biensantiago #erdzcodera #ernestosuratos#mattpareja #antonioebangelista #silentnomore #iglesianicristosilentnomore#Pananampalataya #Pagasa_#Pagibig #DoblehinAngPagsisikap#PuspusangPagbabagongBuhay #PuspusangPakikipagkaisa#ItaguyodAngKasiglahangESPIRITUAL #Iglesia_Ni_Cristo #DoblehinAngPagsisikap #SolidongPananampalataya #KaisangDiwaNgPamamahala #WEareONEwithEVM#PuspusangPagsunodAtPagpapasakopParaMaligtas #ItaguyodAngKasiglahangEspiritual #MasaganangPagbubunga #PalaguinAngPananampalatayaPagibigAtPagasa #INC101 #DoblehinAngPagsisikap #INC #Maytungkulin #INC4ever#IamTheOneWithEVM
Amen😊😍😇🙏
LikeLike