Mali ang pagkaunawa mo kapatid ko sa panulat mo na magsasapanganib sayo at sa mga mapaniniwala mo na manalig na tama ang sinasabi mo. Diumano ang inilalarawan ay ang tunay na Iglesia at ang labindalawang bituin ay ang mga Apostol na dahil umayon lang sa bilang na dose o labindalawang bituin kaya sinabi mo na ito ay ang mga Apostol. At ang anak na lalake sa pagkaunawa mo ang Panginoong Jesu-Cristo ang tinutukoy. Mababasa ito sa iyong isinulat para makumpleto mo lang na tapos muna ang Ika-pitong tatak. Subalit kailangan natin itong ituwid kapatid, maisaayos natin dahil maling-mali ang iyong pagkaunawa. Kung bakit? Dahil kulang ang mga talata na iyong sinipi sa huling bahagi upang maging basehan ng Katotohanan na iyong itinuturo. Kaya nga minabuti nating kunin ang huling bahagi para lumitaw ang Katotohanan at mahayag ang kamalian. Kaya nga natitiyak ko sayong hindi ang Panginoong Jesu-Cristo ang pinatutungkulan mo na Anak na lalake. Dahil sinipi mo ang mga talata sa Pahayag o Apocalipsis na eksistido na ang ating Panginoong Jesu-Cristo at Siya ay nasa piling na ng ating PANGINOONG DIYOS. Para lalo mong maunawaan sa unang bahagi pa lang ng aklat ng Apocalipsis ay mapag-uunawa mo, na sa iba nga pinatutungkol ang Anak na lalake na inilalarawan mo sa Blog mo sa inihahayag pa lang ng Panginoong Jesu-Cristo. Paki-unawa .. Apocalipsis 1-3 NPV 1 Ang pahayag ni Jesu-Cristo na ibinigay sa kanya ng Dios upang ipakita sa kanyang mga lingkod ang mga bagay na malapit nang maganap. Inihayag niya ito nang kanyang suguin ang anghel sa lingkod niyang si Juan, 2 na siyang nagpapatotoo sa lahat ng bagay na kanyang nakita – samakatuwid baga’y ang salita ng Dios at ang patotoo ni Jesu-Cristo. 3 Mapalad ang bumabasa sa mga salita ng pahayag na ito, ang mga nakikinig nito, at buong pusong tumutupad sa nasusulat dito pagkat malapit na ang panahon. Dito malinaw na malinaw kaya naisulat ang Apocalipsis ay upang ipakita ng Panginoong Jesu-Cristo sa kanyang mga lingkod ang mga bagay na malapit nang maganap. Kaya mali na ipatungkol mo pa sa Panginoong Jesu-Cristo na nagpapahayag sa aklat na sinipi mo. Kaya naman kinuha ko pa ang huling bahagi sa mga talata mo na sinipi sapagkat naroon na ang Panginoong Jesu-Cristo kaya nabanggit yung mga sumusunod sa kanya sa utos ng PANGINOONG DIYOS na nananatiling tapat sa patotoo Niya. Nauunawaan mo ba kapatid?
Apocalipsis 12:12-17 NPV 12 Dahil dito, magalak kayo, kalangitan at kayong naninirahan doon! Ngunit sa aba ng lupa at ng dagat, pagkat ang diyablo ay nanaog sa iyo. Pinaghaharian siya ng poot pagkat nalalaman niyang maikli na ang kanyang panahon.’ 13 Nang makita ng dragon na siya’y nasa lupa na, tinugis niya ang babae na nagsilang sa sanggol na lalaki. 14 Ngunit ang babae ay binigyan ng dalawang pakpak ng malaking agila upang makalipad sa lugar na inihanda para sa kanya doon sa ilang upang doon alagaan sa loob ng isang panahon. Tatlong taon at kalahati siyang inalagaan roon para iligtas sa pananalakay ng ahas. 15 Kaya mula sa kanyang bibig, nagbuga ang ahas ng tubig na parang isang ilog para maanod ang babae sa malakas na agos nito. 16 Ngunit sinaklolohan ng lupa ang babae; bumuka iyon at hinigop ang tubig na ibinuga ng dragon. 17 Dahil dito, nag-apoy sa galit ang dragon laban sa babae, kaya humayo siya para digmain ang ibang anak niya – silang sumusunod sa mga utos ng Dios at nananatiling tapat sa patotoo ni Jesus.
Kapatid isa kang lihitimong ministro na kinikilala ko subalit aminin mo man o hindi dahil sa ipinahayag mo na aking sinipi ipinauunawa na limitado na talaga ang inyong mga nalalaman patungkol sa Hiwaga. Kaya nga ito ang sinasabi mo at tinitindigan na hinihikayat mong paniwalaan ka na “Kumpleto na ang mga “FUNDAMENTAL DOCTRINES” na ating tinanggap at sinasampalatayan sa loob ng Iglesia para sa maayos at karapatdapat na buhay Cristiano.” Dahil diyan sa paniniwala ninyong yan ang hinihintay na lang ninyo ay ang paghuhukom. May tanong lamang… Naganap ang ikalawang pagkaaba na pumatay ng 7,000 sa unang bugso. Napabalita yan at sinipi ng kapatid na Erano G. Manalo ang Manila Bulletin at nai-texto ang patungkol diyan. At yan ang naganap na malakas na lindol sa Phuket Thailand at mga karatig bansa. The 2004 Indian Ocean earthquake occurred at 00:58:53 UTC on 26 December with the epicentre off the west coast of Sumatra, Indonesia. The shock had a moment magnitude of 9.1–9.3 and a maximum Mercalli intensity of IX (Violent). The undersea megathrust earthquake was caused when the Indian Plate was subducted by the Burma Plate and triggered a series of devastating tsunamis along the coasts of most landmasses bordering the Indian Ocean, killing 230,000 people in 14 countries, and inundating coastal communities with waves up to 30 metres (100 ft) high. It was one of the deadliest natural disasters in recorded history. Indonesia was the hardest-hit country, followed by Sri Lanka, India, and Thailand. Kung sinasabi ninyo na naganap ng lahat, na ayon sa pagkaunawa ninyo ang mga palatandaan binabanggit at ang hinihintay na lamang ninyo ay ang paghuhukom paano ang pinatutungkulan sa talatang ito? Apocalipsis 11: 13-14 KJV 13 At nang oras na yaon ay nagkaroon nang isang malakas na lindol, at nagiba ang ikasampung bahagi ng bayan; at may nangamatay sa lindol na pitong libo katao: at ang mga iba ay nangatatakot, nangagbibigay ng kaluwalhatian sa Dios ng langit. 14 Nakaraan na ang ikalawang Pagkaaba: narito, nagmamadaling dumarating ang ikatlong Pagkaaba. Naganap na ba ang ikatlong Pagkaaba? Ang sabi nagmamadaling dumarating.
Hayaan mong ipagmalasakit ka ng PANGINOONG DIYOS sa pamamagitan ng Diwa ng ating Panginoong Jesu-Cristo na gumagabay sa kapatid mo, ang Banal na Espiritu na KANILANG isinusugo upang kapwa tayo maturuan ng Katotohanan na magliligtas kapag tinanggap ang ipinahahanay sayong abang kapatid mo na napahintulutan lamang.
Narito mahal kong kapatid, KANILA tayong tuturuan hinihiling kong manalangin ka ng taimtim ng ipagkaloob sayo ang ganap na pagkaunawa hindi para maghimagsik. Sapagkat ang mga Katotohanang ito ang muling maghahatid sayo at sa mga mahal mo sa buhay sa ligtas na dako. Layunin kong kayo ay makasama pa rin namin doon sa Kapahintulutan ng PANGINOONG DIYOS sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo sa DAKONG BANAL na iginagayak kung saan naghihintay ang AMANG BANAL sa lahat ng susunod sa kasunduang Espiritual. Sa gayun huwag madamay sa tiyak na napakalaking trahedyang inilalarawan sa talata na ating sinipi. Ang diablo sa pagsasalarawan ay nagngingitngit na sa galit sapagkat kakaunting panahon na lamang ang kanyang ilalagi kaya ibig niyang pinsalaing lubusan ang Iglesia sa nasa Banal na Dako subalit hindi siya magtatagumpay. Kaya nga yung hindi nakasama doon sa ligtas na dako na nasa ibat-ibang dereksyon napasuong, napapunta dahil sa udyok ng iba, ay sila naman ang babalingan ng kanyang galit at doon siya magtatagumpay sa mga natitira na hindi nakasama sa Dakong Banal.
Sa mga panahong yaon gagawin ng mapaminsalang diablo ang lahat Apocalipsis 12 : 15 At ang ahas ay nagbuga sa kaniyang bibig sa likuran ng babae ng tubig na gaya ng isang ilog, upang maipatangay siya sa agos.” Hindi pangkaraniwan ang ibubuga sapagkat lilikha ito ng napakalaking pwersa ng tubig na hahampas para makapanira yaon ay ang napakalaking tsunami na ang kanyang taas ay higit pa sa mga naglalakihan at nagtataasang mga gusali .. kaya nga sa lakas ng rumaragasang tubig ay wala ng halos matitirang buhay na nilalang kapag humampas na sa kapatagan ito na gigibain nito ang halos nakatayong mga nagtataasang mga gusali kaya napakaraming mga mamamatay at nagkakalat. Paano yung CENTRAL? May ipinagpauna ang Panginoong Jesu-Cristo Mateo 24 : 1-2 BMBB 1 Lumabas si Jesus sa Templo. Paalis na siya nang lumapit ang mga alagad at itinuro sa kanya ang mga gusali ng Templo. 2 Sinabi niya sa kanila, “Nakikita ba ninyo ang mga gusaling iyan? Tandaan ninyo! Darating ang araw na wala riyang matitirang bato sa ibabaw ng kapwa bato. Lahat ay iguguho!” Kaya sa literal na pagkawasak ay kasama na itong mawawasak. Dahil sa nananalasa pa ang malaking pwersa ng tubig na lumalarawan sa ibinuga ng ahas kaya pinabuka naman ng Panginoong Diyos ang lupa na bahagi ng fault line upang ang lahat ng giniba ng napakalakas na pwersa ng tubig ay lalamunin na ng lupa. Ito ang Kawasakang Darating sa sandaigdigan. Mapalad na ligtas ang lahat ng nasa Banal na Dako sa pinagdalhan sa Babae na tumakas o lumikas.
Hashtags: Please copy and paste to all your messages
#accessthetruth #inc101 #onewithevm #1withevm #net25 #eduardomanalo #gliceriosantosjr #jojodeguzman #antoniodeguzman#antonioebangelista #radelcortez#arneltumanan #incdefenders #iamonewithevm #eaglenews #iglesianicristo #1with25 #inc100#inccentennial#centennial #inc4life #incootd#incfashion #incmedianews #inctv #incmedia #AMONEWITHEVM #PASAKOPAKOSAPAMAMAHALA
#FIGHTFORMYFAITH #SOLIDINCFOREVER