EZEKIEL 18:23 NPV 23 Ikinalulugod ko ba ang kamatayan ng masasama? pahayag ng kataastaasang PANGINOON. Sa halip, hindi ba ako nalulugod kung talikdan nila ang kanilang mga gawain at sila’y mabuhay? Kailanman hindi ibig ng PANGINOONG DIYOS ang kamatayan ng masasama sa kaniyang bayan kaya EZEKIEL 33:11 NPV 11 Sabihin mo sa kanila, ‘Buhay ako, pahayag ng Kataastaasang PANGINOON, hindi ako nalulugod sa pagkamatay ng masasama, ngunit kailangang talikdan ang kanilang maling pamumuhay upang sila’y mabuhay. Magbalik-loob kayo! Talikdan ang inyong masamang pamumuhay! Bakit kayo kailangang mamamatay, sambahayan ng Israel?’ EZEKIEL 18:32 NPV 32 Pagkat hindi ako nalulugod sa kamatayan ninuman, pahayag ng Kataastaasang PANGINOON. Magsisi kayo at mabuhay! NAPAKADAKILA ng pag-ibig ng ating PANGINOONG DIYOS! Palibhasa SIYA ang may ibig na ang lahat ng tao ay mangaligtas. Kahit gaano pa kasama hinihingian lang NIYA na magsisi, magbalik-loob, talikdan ang mali at masamang pamumuhay yun lang ay sapat na, upang ang PANGINOONG DIYOS ay malugod sa taong inalok NIYA ng pagbabagong-buhay at agad na sumunod at magpahalaga. Subalit sa panig naman ng ayaw ng magbago sa halip nagpapatuloy sa paggawa ng masama lalo na sa hanay ng mga pangunahing pinuno sa Kanyang bayan ay ano ang pagpapasya ng ating PANGINOONG DIYOS?
Isaias 3:14 NPV
14 Ang PANGINOON ay nagsisimula na sa paghatol laban sa matatanda at mga pinuno ng kanyang bayan: “Kayo ang sumira sa aking ubasan; ang mga sinamsam mula sa mga dukha ay nasa inyong mga bahay.
HINATULAN NG PANGINOONG DIYOS ANG KANYANG BAYAN
ISAIAS 3 : 13, 14, 15 BMBB 13 Nakahanda na si Yahweh upang ibigay ang kanyang panig, nakatayo na siya upang hatulan ang kanyang bayan. 14 Ipapataw na ni Yahweh ang kanyang hatol sa matatanda at mga pinuno ng kanyang bayan: “Ubasan ng mahihirap inyong sinamsam, inyong mga tahanan puro nakaw ang laman. 15 Bakit ninyo inaapi ang aking bayan at sinisikil ang mahihirap?” Ito ang sabi ni Yahweh, ang Makapangyarihang Panginoon.
HOSEAS 4 MB 1 Dinggin ninyo, mga taga-Israel,ang pahayag ni Yahweh, sapagkat may hinanakit siya sa inyo. “Sa lupaing ito ay walang katapatan, walang pagkahabag at walang pagkakilala sa Diyos. Nasa loob ng Iglesia ni Cristo ang matinding pagsubok …wala sa labas o sa ibang relihiyon ang bunton ng sisi kaya nga gayun na lang ang hinanakit ng PANGINOONG DIYOS sa sarili Niyang bayan. Wala na anyang katapatan, hindi na mga naaawa pawang kasamaan. Kaya kawalang pagkilala sa PANGINOONG DIYOS natin kung ilarawan na. Hindi na kumikilala sumusunod sa mga payo at saway NIYA 2 Sa halip ay laganap ang panunungayaw, pagsisinungaling, pagpatay, pagnanakaw at pangangalunya. Nilalabag nila ang lahat ng batas at sunud-sunod ang mga patayan. Kaya nga kahit may mga tuntunin na, binago nila upang hindi maging hadlang sa mga maibigan pa nilang gawin. Napakarami na ng kanilang mga pinatay sa karapatan, ang iba ay hayag na binabasa ang mga pangalan sa mga tagubilin sa Pagsamba at ang iba ay ibinababa na lang upang hindi makatawag pansin pa sa karamihan ng hindi na sila balingan dahil kapag nalaman ng mga pumupuna sa kanila, nag-iinit ang mga kapatid na nasasaktan kung anu-ano na ang nasasambit ng kanilang bibig, dahil napipinsala rin ang kanilang pagka-ministro kapag gumaganti ng masasakit na pahayag ang kabilang kampo ng mga kapatid na laban sa kanila. Ngunit binibilinan ang lahat na 4 Gayunma’y huwag makipaglaban ang sinuman, at huwag usigin ang sinuman sapagkat ang hinanakit ko’y laban sa inyo, mga saserdote. Kaya hayaan ang PANGINOONG DIYOS ang umusig sa kanila sa pamamagitan ng mga ipinapahayag dito mula sa Banal na Kasulatan na may pahintulot ang PANGINOONG DIYOS na punahin at sawayin sila. Dahil kahit pa sila maglabas ng mga di umano ay pagtatagumpay nila, subalit panghahawakan natin ang sabi mismo ng PANGINOONG DIYOS na 5 Isang kabiguan ang gawain ninyo gabi’t araw. At ang propeta’y kasama ninyong bigo. Lilipulin ko ang Israel na inyong pinakamagulang. Nakatakda na ang KANYANG paglipol sa mga pinatutungkulan, pati ang ipinakikilala nilang propeta na minsan na nating narinig sa pagtuturo sa mga Pagsamba ay kasamang bibiguin ng DAKILANG AMANG BANAL. Ano’t pati ang mga aktibidad na nila ay nakahanda ng biguin ng PANGINOONG DIYOS natin. 6 Nalipol ang aking bayan dahil sa di pagpapahalaga sa akin. Sapagkat itinakwil ninyo ako, kaya itinatakwil ko naman kayo bilang saserdote. At yamang kinalimutan ninyo ang aking kautusan, kalilimutan ko rin ang inyong mga anak. Nakalulungkot para sa mga nagpagal ng ilang taon para makapag-aral sa Ministeryo para maging mga saserdote o ministro subalit sa galit ng PANGINOONG DIYOS mula ng SIYA ay maitakwil nila mula ng limutin nila ang KANYANG mga kautusan ay KANYA ng itatakwil ang pagiging saserdote nila pati na ang mga anak nila sa Espiritual na pinatutungkulan, yan ang mga nasasakop nilang mga kapatid sa mga Lokal na nagkaka-simpatya pa sa mga pinagagawa sa kanila sapagkat inaakala nila ito na mabuti sapagkat sa atas di umano ng pamamahala nanggagaling ang utos. Subalit 7 Habang dumarami ang mga saserdote, lalo naman silang nagkakasala sa akin; kaya gagawin kong kahihiyan ang kanilang kadakilaan. Kaya kahit pa nadaragdagan ang bilang ng mga ministrong naoordinahan at nagsisipag-aral iba ang pananaw ng PANGINOONG DIYOS sa kanila. Bakit? Batid niyang kinakalakal na lang ang KANYANG salita para sa pansariling mga pakinabang na lang kaya 8 Yumayaman sila dahil sa mga kasalanan ng mga tao; nalulugod pa sila sa kalikuan ng bayan. Sa halip na ikahiya ang paggamit ng pananalapi ng Iglesia sa kung anu-anong maisip nilang pag-uukulan ay hindi nila kinatakutan ang PANGINOONG DIYOS na nakaaalam ng kanilang mga ginagawa sa araw-araw. Ito na ba ang Iglesia na kanilang ihaharap sa pagparito ng ating Panginoong Jesu-Cristo? Sila ang nagtuturo sa mga kapatid para maglaban-laban, at sa kanila mga tumatayong mga tagapanguna pa nagmumula ang kaguluhan sapagkat pilit nilang pinasusunod ang mga kapatid sa maibigan ninyong ipagawa na lagi ninyong binabantayan. 9 At gayon nga ang nangyayari, kung ano ang saserdote, gayon din ang bayan. Kaya’t parurusahan ko sila kapwa dahil sa masasama nilang gawa. Ang PANGINOONG DIYOS ang nagsasalarawan kung ano kayo ngayon at ang mga kapatid na pinapaniwala ninyo at pinasusunod ninyo. Ano ang pagpapasya gaya ng ating mababasa? PARURUSAHAN KO SILA KAPWA DAHIL SA MASASAMA NILANG GAWA.
Mga mahal kong kapatid. Abril na! Naisagawa na ang pagbabanal na Hapunan sa halos lahat ng Lokal. Nagbigay ng palugit na pagkakataon ang ating PANGINOONG DIYOS sa lahat ng hindi pa mga nagbabago, ngunit iba sa mga nangagbabalik-loob. Sapagkat sabik ang PANGINOONG DIYOS sa mga nag-iibig na mangagsipagbalik-loob sa KANYA. Ngayon ay ipapataw na ng ating PANGINOONG DIYOS ang pagpaparusa sa mga matatanda at mga pinuno ng Kanyang bayan. Sila ang mga nasa Sanggunian ang pangunahing pinatutungkulan, at ang nasa hanay ng mga pangunahing maytungkulin din sa Iglesia ang pinatutungkulan ng Kanyang pagpapasyang mga hahatulan. Sapagkat hayag sa ating PANGINOONG DIYOS ang pagmamalabis at pananamantala nila, sinisikil ang mga mahihirap na kapatid, pati na ikabubuhay nila ay kinukuha pa nila, pati na ang lupang para sa kanila na ay ginagamit pa nila, kayong mga nasa hanay ng Sanggunian. ISA ANG HINUGOT MULA SA SAMPU … SUSUNDAN PA NG DALAWA. Ang babalang ito ang magganyak nawa sa inyo na bumalikwas na kayo at mangagbalik-loob sa PANGINOONG DIYOS bago maging huli ang lahat sapagkat hindi ninyo kilala kung sino ang sa inyo ang pinatutungkulang isusunod. Ihanda na ninyo ang inyong sambahayan sapagkat hindi nagbibiro ang nagpahayag ng KANYANG paghatol. Subalit kung kayo ay babalikwas at magsisising lubos ay hindi darating sa inyo ang kapahamakang ito. Narito ang pinakabilin pinatutungkol sa inyo. Sundin na ninyo!
EZEKIEL 45:9 MB 9 Ito ang ipinasasabi ni Yahweh: Mga pinuno ng Israel, tigilan na ninyo ang karahasan at pang-aapi sa aking bayan. Sa halip, pairalin ninyo ang katarungan at ang katuwiran. Tigilan na ninyo ang pang-aagaw sa lupain ng aking bayan.
Nadarama po ng hinirang ang Kapangyarihan ng Amang Banal sa pamamagitan ng Panginoong JesuCristo
LikeLike
100% damang dama po talaga..
LikeLike
100% damang dama po ng tunay na hinirang walang bahid ng pagkukunwari…..!
LikeLike
Reblogged this on Iglesia Ni Cristo Never Keep Silent.
LikeLike