Mga mahal kong kapatid akong inyong kapatid na si Elias Arkanghel ay napahihintulutang lamang magparating sa inyong lahat ng mahalagang Mensahe; Sa panig ng mga itiniwalag, inalis sa talaan, ibinaba ang tarheta, itinaboy, pininsala, na nauugnay sa mga pangyayari sa kasalukuyan kaguluhan sa loob ng Iglesia ni Cristo mula ng magpasimulang mamahala ang Ka Eduardo, ang ipinauunawa sa akin ng PANGINOONG DIYOS sa pamamagitan ng Panginoong Jesu-Cristo sa udyok ng Banal na Espiritu, na kayong lahat ay hindi inalis sa loob ng Iglesia ni Cristo. Namamalagi kayong nasa loob ng Katawan ng ating Panginoong Jesu-Cristo bilang mga Iglesia ni Cristo. namamalagi ang inyong mga pangalan na nasa talaan sa Aklat ng Langit. Anuman ang mga nakalulungkot na mga pangyayari sa inyo ay hindi kagustuhan ng ating DAKILANG PANGINOONG DIYOS kundi ng mga mapang-api mga tiwaling lider ng Iglesia sa ating kapanahunan. Kaya naman niloob na ng PANGINOONG DIYOS at ng Panginoong Jesu-Cristo na ilabas lamang kayo sa pamamahala nilang nanggigipit, hindi na matuwid, puro na lang pagmamalupit, sobra ng higpit. Dahil diyan inalisan sila ng bait ng PANGINOONG DIYOS, ng piliin nila ang masamang gawa sa halip na ang gawang matuwid. Kaya pumanatag kayo, magpuri, magpasalamat, kilalanin ninyo yan ay pag-ibig, pagmamahal at pagmamalasakit lamang sa inyo ng DAKILANG AMANG BANAL natin sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo na kayo ay ilagay lamang NILA sa higit na mas maayos na kalagayan ngayon, ngunit sa loob pa rin ng Kaniyang Banal na Katawan. Hindi kailanman naglalapat ng pagpapasya ang ating DAKILANG PANGINOONG DIYOS para kayo ay hatulan kahit pa may pagpapasya silang ginawa dito sa lupa. Sapagkat hindi liko ang ating PANGINOON DIYOS para sila ang katigan ang ayunan, na pawang may masasamang layunin ng kayo ay itiwalag at gawan nila ng kapinsalaan.
Ngunit, sa panig naman ng mga makatwirang itiniwalag dahil sa mga naging paglabag. Subalit hindi nila hinayaang lubusang pinaghaharian sila ng masamang kaisipan na nagsising lubos naman, at tinalikdan ang mga gawang nakapipinsala, nagpahayag na ng pakikipagkasundo at ng pagbabalik-loob. Mga mahal kong kapatid yaman din lang kumikilala kayo sa Banal na Gawaing ito hayaan ninyong ilapit ko kayo sa ating PANGINOONG DIYOS. Oo ipaglalambing ko kayo sa ating mahal na Panginoon Jesu-Cristo. Alam mo bang mahalaga ka pa rin sa Kaniya kabilang sa isang tupa na matagal ng nawalay na hinahanap Niya. Iiwan Niya ang siyamnaput-siyam para muli ka lang na magbalik, ikaw na humiwalay sa Kaniyang Iglesia. Ngayon pa ba ang Kamay ng ating Panginoon, inilahad na Niya. Ito ay tanda ng Kaniyang pagmamahal Niya pa rin sayo. Tinig Niya ang nananawagan, halika na Siya sayo ay nakaakbay na. Magpasalamat ka mahal kong kapatid. Sa likuran mo habang ang dalawang Kamay Niya magkapatong sa magkabilang balikat mo. Ibig kasi makatiyak ng ating Panginoong Jesu-Cristo na hindi muna lilingunin ang nasa likuran mo ang dating masasamang gawa kaya ginagabayan ka na Niya pabalik sa Kawan, sa Kaniyang Iglesia habang ang libu-libong mga Anghel ng PANGINOON sa ay pawang mga nakatunghay.
Mga mahal kong kapatid, sige na, iyuko na natin ang ating mga ulo. Magpakumbaba tayong lahat. Ibig niyo bang manikluhod. Sige tanda ito ng ating pagsuko. Lahat kayong bumabasa at umuunawa ng mga Katotohanang nakasulat dito, mga mahal kong kapatid, pumatak ng luha ng ating Panginoong Jesu-Cristo, mahal na mahal na mahal Niya tayo, habang ipinakikita Siya sa diwa ko halos kabigin naman tayo ng PANGINOONG DIYOS mapalapit lang sa piling NIYA. Niyakap na tayo ng KANILANG Kapangyarihan. Hayan humahaplos ng init ng hangin na dumadampi sa inyong pagkatao. Napakalakas na Kapangyarihan bumalot na ng husto sa ating pagkatao. Palibhasa nililigid tayo isa-isa ng Banal na Espiritu kung saan naroroon tayo ngayon. Kamangha-manghang Kapangyarihan maramdaman natin SILA sa buhay natin ngayon. Ano pa ba ang hinihiling niyo? Sige na habang iniluluha niyo, patuloy ang paghibik ng ating Panginoong Jesu-Cristo sa labis na pagmamahal Niya sa Kaniyang Kawan muli Niya tayong ibinibilin sa ating DAKILANG AMANG BANAL. Handa NILANG ibigay ang anumang maibigan niyo, mga pangailangan niyo. Hilingin mong mapabuti ang inyong buhay at pamumuhay pati na ang inyong mga mahal sa buhay. May karamdaman ka ba? Pinahihirapan ka ba nito? Oo ikaw na ganap na umuunawa ng pahayag na ito. Gusto mo bang gumaling at maghimala SILA sayo ngayon, sa buhay mo? Pumanatag ka, mahal kong kapatid dahil pagagalingin ka NILA base pananampalataya mo. Salamat po AMANG BANAL.. Salamat po Panginoong Jesu-Cristo muli NIYO po kaming sinamahan at dinalaw. Maraming-maraming salamat po tinanggap namin ang mahalagang basbas, biyaya at pagpapala po mula sa INYO para sa aming lahat.
– Elias Arkanghel
MINSAN PANG BASAHIN ANG JUAN 10:9-10 HIGIT NA INAYOS NILAWAKAN ANG PAGPAPALIWANAG SA HIGIT AT IKAUUNAWA NG LAHAT KUNG BAKIT INIIWASAN NILANG MAITURO ANG BAHAGING INAALIS NILA SA TALATANG NABANGGIT.
JUAN 10:9 Ako ang pintuan. Ang sinumang pumasok sa pamamagitan ko ay maliligtas. Siya’y papasok at lalabas at makatatagpo ng pastulan. Siya nga ang Panginoong Jesu-Cristo, na sa pamamagitan Niya daraan tayo sa pintuan ng Katotohanan. Ipinahahayag Niya sa atin ang mga Kaunawaan sa mga Lihim at Hiwaga ng Karunungan ng ating PANGINOONG DIYOS sa panulat ng mga Propeta at ng mga Apostol na ito rin ang maghahatid sa atin ng mga Katotohanan papatungo sa tiyak na Kaligtasan. Siya ang Panginoong Jesu-Cristo ang may Tinig ng Katotohanan. Kaya napaloob tayo sa isang Banal na Kasunduan ang kaugnayan ng ating Panginoong Jesu-Cristo sa Iglesia na kaniyang Katawan, na ito nga ang Iglesia ni Cristo. Dama ng ating Panginoon tulad ng isang babaeng manganganak ang hirap na dinaranas ngayon sa kasalukuyan ng Iglesiang Kaniyang Katawan sa ating kapanahunan, sa yugto ng huling panahon. Kung bakit ay dahil sa Kalapastanganang Walang Kapantay ng mga tiwaling nangangasiwa sa CENTRAL sa pangunguna ng suwail na naghahari-harian sa Kaniyang Banal na Katawan. Marahil maitatanong ninyo kung ano ang marapat naming gawin? Mga mahal kong kapatid, kayong napahihintulutan pa magpatuloy kayo sa Pagsamba, Maghandog ng masaya, ihandog ang sarili na haing buhay at Banal. At sa mga napagkakaitan gawin ninyo ito sa inyong sariling mga tahanan. Kung ano ang mabubuting katuruang itinuro sa atin ng Kapatid na Erano G. Manalo na naiwan, ay ipagpatuloy lang natin. Dahil walang kasalanan ang Iglesia ni Cristo para madamay at pabayaan ang ating mga Pagsamba na ito a ating tungkulin magpakailanman sa ating PANGINOONG DIYOS at sa ating Panginoong Jesu-Cristo. Sapagkat habang nabubuhay tayo anuman ang nagagawang kabutihan natin yan ay kulang pa at hindi sasapat sa lahat ng kagandahang-loob NILA sa atin. Kaya pagtalagahan pa rin natin ang mga kinagisnang turo at aral ng Tatay Erdy na pawang nakabatay sa Banal na Kasulatan o BIBLIA. Kung sa panig naman ng kasalukuyang nangangasiwa sa Iglesia sa hanay ng mga tiwaling sanggunian ano ang marapat na gawin? Gawin ninyo ang itinuturo nila at sundin ang kanilang iniuutos. Ngunit huwag lang natin tularan ang kanilang mga nakapipinsalang salita at gawa, sapagkat ang mga ipinangangaral nila ay hindi nila isinasagawa. Mga mapag-imbabaw sila kung ano ang nakikita natin sa kanila ay ibang-iba sa realidad. Kaya upang huwag madamay sa paninira nila sa ubasan ng ating Panginoon Jesu-Cristo, piliin natin ang gumawa, mag-isip, magsalita ng mabuti. Kaya lahat ng mabubuting katuruan lamang na itinuturo nila ang tuwiran nating susundin. Ang katapatan natin ay hindi na sa kanila kundi sa panig ng ating PANGINOONG DIYOS at sa ating Panginoong Jesu-Cristo habang buhay. Napakapalad nga natin sapagkat nasumpungan natin ang Mabuting Pastulan, ang may dala ng Katotohanan na ito na itinataguyod ng Iglesia ni Cristo…Hinirang.
Dahil sa matapat na pagsunod natin sa Tinig ng Panginoon na Siyang Tinig ng Katotohanan. Narito ang kapayapaan at ang kapanatagan ng buhay at pamumuhay sa piling NILA. Kaya napakahalagang bilin, patuloy tayong Sasamba sapagkat walang kinalaman ang Iglesia ni Cristo sa masasamang gawa ng mga tiwaling lider ng Iglesia. Subalit kung hindi na ninyo makayanan ang pagmamalupit nila ay isangguni ninyo sa pansariling pananalangin sa ating PANGINOONG DIYOS upang sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo tutugunin NILA kayo ipauunawa sa inyo sa udyok ng Banal na Espiritu kung ano ang marapat ninyong gawin. Kaya magagawa ninyo ang marapat at malayang paglilingkod saan man maibigan ng PANGINOONG DIYOS na kayo ay maglagi. Walang pagkakaiba sa bilin ng Anghel ng PANGINOON na nagpakita kay Jose sa panaginip na pinababangon siya upang dalhin niya agad sa Egipto ang mag-ina na si Maria at ang batang si Jesus na na noon ay ipinapapatay ni Herodes ang mga batang lalaki sa Betlehem at sa mga palibot nito, ang lahat ng may gulang na dalawang taon pababa. Kaya’t hindi pinaaalis sila doon hangga’t hindi ipinasasabi ng PANGINOON. Ang paglabas nila sa bayan na kinaroroonan nila ay pag-iwas sa pamiminsala ng pinunong lider na kinikilala noon na si Herodes. Kaya Kalooban ng PANGINOONG DIYOS ang mga pangyayari noon at nauulit lang ngayon sa ating kapanahunan. Ngunit huwag kayong mag-alala mga mahal kong kapatid ang pansamantalang paglabas ninyo ay hindi sa paglabas sa Iglesia ni Cristo. Kundi paglabas sa nagdadala ng ibang tinig, na iba sa tinig ng ating Panginoong Jesu-Cristo na hindi niya kikilanlin. Kaya nga sa huling araw, marami ang magsasabi sa kanila ng Panginoon, Panginoon, hindi sila kikilalanin ng ating Panginoong Jesu-Cristo ang masakit itataboy lang sila palalayasin dahil sa paggawa nila ng katampalasanan.
Kaya tiyakin natin ang pananampalataya nating lahat na Kaniyang mga Hinirang ay marapat na lubos at ang katapatan ng bawat isang Hinirang ay ganap. Sapagkat ibig Niyang makapagtagumpay ang lahat sa pakikipagbaka sa dito sa buhay sa mundo. Hanggang matamo natin ang putong ng buhay. Kaya higit na tayo ang mapalad dahil sa patuloy na pagdinig natin sa Kaniyang tinig o mga Salita ng Katotohanan na iba sa tinig ng kasinungalingan, tinig ng mga mapagpaimbabaw, tinig ng mga palalo at suwail. Ano ang ipinauunawa ng Banal na Kasulatan na kinatatakutan ng mga Hinirang kaya nasa loob na ay lumabas pa? 10 Ang magnanakaw ay pumaparito upang magnakaw, pumatay, at manira; Kaya pala nahihintakutan ang mga Hinirang may ibang tinig silang naririnig sa loob. Tinig na hindi makabubuti pa sa kanila. Kaninong tinig? Sa mga magnanakaw o gumagawa ng korupsyon, na pinalalaganap ang pagpatay o pagtitiwalag katumbas ng pagpatay ngayon sa karapatan, na ang ipinauunawa sa kanilang patuloy na pamamayagpag ay para sirain lang ang ubasan ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Sila ang may gusto niyon pinili nila ang magpakasama. Kaya Kalooban na at kagustuhan ng Panginoong Jesu-Cristo ang ilayo ang Kaniyang mga minamahal sa mga mapaminsalang nasa loob ng CENTRAL na kinikilala ng mga nagtatanggol sa kanila maging ng mga ipinakalat nila sa Social Media. Sa araw na ito ang lahat ng magpapahayag ng masama, manlalait kaugnay sa Mensahe NILANG ito ay may patotoong matitinding pagsubok na darating sa kanila agad-agad. Kailangan mangyari upang magunita ninyo na hindi sa tao ang Banal na Gawaing ito. Kaya nananawagan din tayo sa mga nasa loob ng CENTRAL. Magbago na kayo! Alisin na ninyo ang mga nakapipinsalang kaisipan ninyo. Sapagkat hindi Niya hahayaang ipagkatiwala pa sa inyo. Kayo na may ibang tinig o kautusang ibig pa ninyong mapangyari na iba sa Tinig ng Katotohanan na mula sa ating Panginoong Jesu-Cristo. Kaya kinatatakutan ninyong basahin ang kabuuang talatang ito sapagkat kayo ang tuwirang tintukoy na namiminsala sa loob ng Iglesia ni Cristo. Kayo na mga tiwaling sanggunian at mga nangangasiwa sa CENTRAL ang sumisira sa ubasan. Mayroon lamang din akong ibig linawin sa inyo upang huwag kayong mahulog sa pagkakamali. Ang isinusugo NILA na Banal na Espiritu ang ginawang Bantay ng PANGINOONG DIYOS na isinugo ng Panginoong Jesu-Cristo na magpapatotoo sa Kaniya. Hindi ako mga mahal kong kapatid hindi si Elias Arkanghel o sinuman tao na inaakala ninyo.
MATEO 12: 31-32 MB 31 Kaya sinasabi ko sa inyo: ipatatawad sa mga tao ang anumang kasalanan at panlalait, ngunit hindi ipatatawad ang anumang panlalait sa Espiritu Santo. 32 Sinumang magsalita laban sa Anak ng Tao ay patatawarin, ngunit sinumang magsalita laban sa Espiritu Santo ay hindi patatawarin, maging sa panahong ito o magpakailanman.”
Hashtags: Please copy and paste to all your messages
#iglesianicristo #inc100 #inccentennial #centennial #inc4life #incootd #incfashion #icmedianews #inctv #net25 #incmedia #increview #fymfoundation #mycountrymenmybrethren #kabayankokapatidko #incselfiechallenge #incwikileaks #sanggunian #radelcortez #gerrypurification #junsantos #gliceriosantosjr #rodelcabrera #biensantiago #erdzcodera #ernestosuratos#mattpareja #antonioebangelista #silentnomore #iglesianicristosilentnomore#Pananampalataya #Pagasa_#Pagibig #DoblehinAngPagsisikap#PuspusangPagbabagongBuhay #PuspusangPakikipagkaisa#ItaguyodAngKasiglahangESPIRITUAL #Iglesia_Ni_Cristo #DoblehinAngPagsisikap #SolidongPananampalataya #KaisangDiwaNgPamamahala #WEareONEwithEVM#PuspusangPagsunodAtPagpapasakopParaMaligtas #ItaguyodAngKasiglahangEspiritual #MasaganangPagbubunga #PalaguinAngPananampalatayaPagibigAtPagasa #INC101 #DoblehinAngPagsisikap #INC #Maytungkulin #INC4ever#IamTheOneWithEVM