Ang mga pangyayari sa loob ng IGLESIA NI CRISTO sa kasalukuyan ay may malaking kaugnayan sa mga ipinagpaunang Pahayag noon pa man sa kapanahunan ng mga unang lingkod ng PANGINOON, ng mga Propeta, sa kapanahunan ng ating Panginoong Jesu-Cristo at ng mga Apostol. At ang karamihan nga dito mula pa mismo sa Tinig ng ating Panginoong Jesu-Cristo ang mga Pauna Niyang Pahayag na yan nga ang bahaging ating pag-aaralan na ipauunawa sa atin ngayon.
Hangga’t hindi ninyo nababasa ang kabuuang Pahayag huwag ninyong ilalagay ang inyong mga sarili sa maagang paghatol at paghusga. Higit na mabuti unawain ninyo ang mga hanay ng bawat talata ng BIBLIA at bigyang daan natin ang malawak na pag-aaral kung umaayon nga ba sa ipinapahayag na mga Katotohanang ipinalalantad lamang sa inyong abang lingkod. Nais kong ipaunawa sa inyong lahat ito ay Kalooban ng DAKILANG PANGINOONG DIYOS sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo sa patnubay ng Banal na Espiritu sa aba ninyong kapatid na napahihitulutan lamang na ihanay ang mga pangyayaring nauugnay sa ating panahon na pawang mababasa at nakasulat sa Banal na Kasulatan o BIBLIA. Ang mga siniping talata ng BIBLIA ay bahagi sa paksang tinalakay sa Pagsamba nito lamang nakalipas na Miyerkules at Huwebes, February 14 at February 15. Ating pag-aaralan para mabigyang linaw at maunawaan ang higit na Katotohanang ipinahahayag sa ating lahat.
II TESALONICA 2:1-17 MB 1 Tungkol naman sa pagparito ng ating Panginoong Jesu-Cristo at sa pagtitipon niya sa atin, ipinamamanhik namin sa inyo, mga kapatid, Sa pahayag na yan mga mahal kong kapatid batid kong nauunawaan na ninyo. Subalit may mga mahahalagang dapat pang malaman tayo patungkol sa kung ano pa ang mga dapat hintayin na kaganapan bago ang araw ng paghuhukom, na yan nga ang ikalawang pagparito ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Tulad ng naipaunawa na sa ilang bahagi ng Pahayag sa Blog ng Iglesia ni Cristo…Hinirang, paparito lamang ang ating Panginoong Jesu-Cristo kapag ang mga Hinirang Niya ay sakdal na, wala ng batik, at wala ng anumang kapintasan. Sapagkat walang sinumang makapaglalakas ng loob na sabihin niya sa ating Panginoong Jesu-Cristo na siya ay sakdal na at karapat-dapat ng dalhin para manirahan sa Bayang Banal. Matangi riyan, titipunin pa ang lahat ng Kaniyang mga Hinirang na nasa ibayong dagat. Pawang ang lahat ay magbabalik bayan. Huhudyatan ng PANGINOONG DIYOS ang mga Hari o Pangulo ng mga bansa para mapabalik ang lahat. Sa panahong yaon makikisama pang makikipamayan sa atin ang mga dayuhan na maghahangad din magtungo sa Banal na Dako na pangunahing naipangako sa mga Ka Hinirang. Kaya pakiunawa mga mahal kong kapatid ang pamanhik na ating nabasa ay sa panahon pa ng mga Apostol subalit nasasaklaw ang bilin hanggang sa panahon na natin. Ano ba ang mahalagang bilin na yun? 2 na huwag kayong magugulat agad o mababahala sa balitang dumating na ang Araw ng Panginoon. Huwag kayong maniniwala kahit sabihin nilang ito’y hula o pahayag, o kaya’y sulat na galing sa amin, Noon pa man pinaiingatan na ang sinuman na huwag agad-agad maniniwala lalo na nga doon sa mga mandarayang mangangaral na hindi mo mapagkakamalan sapagkat nagtuturo rin ng pagparito ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Lamang nakapandaraya. Paano? Lumilikha ng pananakot na darating na ang Panginoong Jesu-Cristo at paghuhukom na lang ang ating hinihintay na iba pa sa Tinig ng Panginoong Jesu-Cristo. Kaya ang bilin 3 Sa anumang paraan, huwag kayong padadaya kaninuman. Ang Araw ng Panginoon ay hindi darating hangga’t di nagaganap ang huling paghihimagsik laban sa Diyos at ang paglitaw ng Suwail, ang itinalaga sa walang katapusang kaparusahan. Noon sa panahon ng mga Apostol ng sila ay mga nabubuhay pa, wala pang katiyakan na magaganap ang huling paghihimagsik at paglitaw ng nasabing Suwail. Sino ba ang tuwirang pinatutungkulan? May kakatawan sa Suwail subalit pinaghaharian siya ng kapangyarihan ng diablo na siya rin ang satanas na noon pa man ay kumikilos na sa panahon pa ng mga Apostol subalit muling gumagawa sa huling bahagi ng yugto ng ating panahon na may taong pinagkakapitan ng kaniyang kapangyarihan na ito ay nasa katauhan na ng Ka Eduardo Manalo mula ng piliin niyang siya ay maging Suwail. Masuwayin sa magulang at taksil sa Iglesia. Kaya noon pa man nagagawa na niya ang gusto ng diablo na siya rin tinatawag na satanas. Kaya 4 Kakalabanin niya ang lahat ng sinasamba ng tao at ipinalalagay na banal. Nagawa ito ng Ka Eduardo Manalo nang kaniyang kalabanin ang sinumang kinikilala ng mga kakapatid sa pagtatanggol na ipinapalagay nilang higit na banal kaysa sa kaniya na ang iba dito ay literal na’ng pininsala ang buhay at pamumuhay mula sa kanilang tuwirang tumanggap ng atas dahil naging/magiging banta sa kanilang mga maiitim na binabalak pa na magiging hadlang lamang sa kanila. Itataas niya ang kanyang sarili, Paano niya nagawang itaas ang kaniyang sarili? Siya na rin ang nagbigay pahintulot na parangalan ng mga kakapatid sa Iglesia ang kaniyang sarili na hinayaan niyang namamayagpag ang pangalan niya na EVM higit pa nga ang laki ng pagpaparangal sa pangalan niya kaysa sa pangalang IGLESIA NI CRISTO… papasok siya sa templo ng Diyos, alam ng Ka Eduardo Manalo na ipinilit lamang niyang ipasok ang kaniyang sarili dahil hindi siya dumaan sa tamang proseso sa konseho ng paghahalal. Ang totoo inagaw niya ang titulo ng pagiging Tagapamahalang Pangkalahatan na ito ay para sa Kapatid na Erano G. Manalo lamang sapagkat siya ay Pangalawang Tagapamahala lamang noon na hindi maaaring kunin ang titulong Halal na para lamang sa Tatay Erdy. Ano pa? uupo roon at ipapahayag na siya ay Diyos. Ang pagpapahayag ba na siya ay DIYOS ay sa bibig lang? Hindi lang mga mahal kong kapatid. Nagawa ito ng Ka Eduardo Manalo ng suwayin niya ang tuntunin at Kalooban ng ating PANGINOONG DIYOS sa KANIYANG inihahalal na iuupo upang Pamahalaan ang KANIYANG Bayan. Kaya nga siya tinawag na Suwail sa Banal na Kasulatan dahil naging masuwayin ang Ka Eduardo sa magulang at taksil sa Iglesia na ginagawa na niya noon pa man na nabubuhay ang Kapatid na Erano G. Manalo. Malinaw na ipinagpauna na… Kaya nga naitanong na.. 5 Hindi ba ninyo natatandaan? Sinabi ko na sa inyo ito nang ako’y kasama ninyo. 6 Hindi pa nga lamang nangyayari ito dahil may pumipigil pa, at alam ninyo kung ano iyon. Ang Suwail ay lilitaw pagdating ng takdang panahon. 7 Palihim nang kumikilos ngayon ang kapangyarihang ito at mananatiling gayon hangga’t di naaalis ang humahadlang. Kung maalis na ang humahadlang, Gumawa siya ng napakalaking pinsala sa Iglesia ni Cristo ng nabubuhay pa ang Tatay Erdy na lihim niyang pinipinsala. Kaya ang Ka Eduardo bilang Pangalawang Tagapamahalang Pangkalahatan ay nadudungisan na niya noon ang kaniyang kahalalan. Walang kaalam-alam ang iba na naalis sa kaniya ang karapatang ito. Hindi kagustuhan ng Tatay Erdy na hubarin niya ito siya ang may kagustuhan ng piliin niya na maging suwail na anak kaya naalis ang bisa ng karapatang iniatang sa kaniya noon na may kalakip pa namang katapatan ng panunumpa sa harapan ng marami sa kapulungan ng Iglesia noon. Mula ng itatag niya ang Special Task Force (sa hanay ng mga ministro) at ang SCAN (sa hanay ng mga Maytungkulin sa Iglesia) upang sa pamamagitan nito ay unti-unting kunin ang loob ng mga mapaniniwala niya at susunod sa kaniya habang palihim naman niyang ginigiba ang pinatatatag ng butihing Tagapamahalang Pangkalahatan ng kapatid na Erano G. Manalo na kaniya mismong Tatay na naglagay sa kaniya sa napakalaking kahihiyan sa kabatiran ng mga pangunahing Matatandang Ministro na nakakaalam ng kaniyang tunay na kalagayan pa sa panahong yaon dahil sa pagtataksil nila sa Iglesia. Lumaon at nagpatuloy na inihahanda ng Tatay Erdy ang Iglesia sa patuloy niyang mabuting Pamamahala. Hanggang sa binigla na lang ang lahat ng mga kapatid sa kabuuan ng Iglesia ni Cristo na ang Kapatid na Erano G. Manalo, Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia ni Cristo ay ianunsyo at ibalita na namayapa na August 31, 2009 pa. Subalit ang ipinagtataka ng marami bakit idineklara ng September 1, 2009 na? Sapagkat nasanay tayo na ipinararating sa kapulungan ng mga kapatid kung may dinaramdam sa katawan ang Tatay Erdy ay inihihingi ng panalangin sa mga Lokal sa panahon ng mga Pagsamba o Pagkakatipon. Ipinagpapanata sa PANGINOONG DIYOS at sa ating Panginoong Jesu-Cristo ng mga Maytungkulin upang ibsan pa NILA ng karamdaman ang Kapatid na Erano G. Manalo sa gayun mapapanatag ang lahat ng kapatid dahil naihabilin kahit ang mahal na kapatid ay nasa banig ng karamdaman. Subalit hindi nga gayun ang nangyari, biglaan ang pagkamatay ng Tatay Erdy. Inilihim ng Ka Eduardo at ng mga kumikilala sa kaniya ang mga nauna at sunud-sunod na pangyayari habang nasa kritikal na kalagayan ang kapatid na Erano G. Manalo. Hanggang sa mabalitaan na nga ang pagkamatay ng Tatay Erdy. Ano nga ba ang totoong nangyari? Hanggang sa huling bahagi ng kapatid na Erano G. Manalo nakita ang napakaraming mga kapatid at hindi mga kapatid na bumuhos sa TEMPLO CENTRAL makita lamang ang kaniyang huling labi, na ang lahat ng naroroon na mga naghihinagpis ay pawang mga gumagalang, nagmamahal, kumilala sa kaniya sa pagiging mabuting Lider ng Iglesia ni Cristo ng panahong nabubuhay pa siya.
Dumating na ang unang buwan pa lang ng Pamamahala ng Ka Eduardo sa kaniyang pag-upo ay may nakapipinsala na siyang pinahintulutan sa bahagi ng CENTRAL ng ipagiba ang isang bahagi ng lupa sa isang compound ng mga kakapatid pa man din sa Iglesia na may limampung pamilya na pawang kinatigan ng Korte subalit sapilitan at pwersahang pinaalis pa rin ang mga kapatid na naninirahan doon na hindi na nila inalintana ang kapatiran sa Iglesia, sa halip ginawa na ang maibigan gawin. Hindi na hinintay na maisaayos muna ang malilipatan nila kung mayroon man katwiran ang tanggapan ng CENTRAL na sila ay paalisin doon. Sa unang buwan pa lang ang bidyo na may petsa na October 12, 2009, matapos na maihatid sa kaniyang himlayan ang kapatid na Erano G. Manalo buwan ng September 2009. Hayag ang hindi na makatao, makakapatid sa Iglesia ni Cristo na kanilang pagtrato. Kaya hindi kataka-taka na magawa rin niya ito sa sariling Ina kay Nanay Tenny at sa mga kapatid pa man din niya. Ang mapapanood ninyo ay hayag na katotohanan na hindi maitatanggi at maipagkukunwari pa. Bahagi ito sa ipinag-uutos sa akin na ihayag mo ang masasama nilang mga gawa.
Nangibabaw kaagad ang pagiging walang makatwiran niyang pangunguna na ibang-iba sa Tatay Erdy na napakalayo kung ihahambing ang kaniyang pagkatao. Palibhasa suwail na anak, anak na masuwayin sa magulang at taksil sa Iglesia, at dahil na rin sa paghahangad na maging Tagapamahalang Pangkalahatan at gawin ang maibigan niyang gawin habang ang Ka Babylyn na kaniyang asawa ay ginagawa rin ang paghihiganti bunga ng kaniyang malalim na sama ng loob na kinikimkim sa pamilyang naiwan ng kapatid na Erano G. Manalo ito ay sa hanay lang ng mga kapatid ng Ka Eduardo na hindi kumikilala sa kanila. Hanggang makuha na nga ng kapatid na Eduardo Manalo na pasukin ang Templo ng Panginoon na taglay ang kapangyarihan ng diablo na nagluklok sa kaniya bilang hari, ito ang bahaging nagpapatotoo naman sa nakasulat sa Banal na kasulatan sa Apocalipsis o Pahayag. Subalit hindi papayag ang DAKILANG PANGINOONG DIYOS sa pamamagitan ng Panginoong Jesu-Cristo na ang kapangyarihang masama na sumasakaniya ngayon ay hindi panaigan ng mabuti. Kaya natupad naman ang Paunang Pahayag ng Panginoong Jesu-Cristo na paparito sa ating panahon ang Kaniyang pagsusugo sa Tagapagtanggol. Sa ikabubuti ng lahat ang Kaniyang pag-alis at pag-akyat sa Langit, pagparito naman ng nakakasama na natin ngayon, ang Gabay at Patnubay, ang Espiritu ng Katotohanan, ang tuwirang tumutulong sa inyong abang lingkod upang maunawaan natin ang buong Katotohanan. Kaya hindi ako ang tuwirang naghahanay at nagsasalita sa ganang aking sarili, kundi ang Banal na Espiritu ang nagpapaunawa ng lahat ng ito sa akin. Inihahanay ko lamang ang aking naririnig, idinidikta sa diwa ko ang mga dapat ipahayag kaugnay sa mga bagay na darating. Ginagawa Niya ito upang maparangalan ang Panginoong Jesu-Cristo sa Kaluwalhatian ng ating DAKILANG AMANG BANAL. Kaya nakapagpapahayag ng may buong Karunungan kahit hindi ako Ministro, naging Manggagawa man, naging guro sa Pagsamba ng kabataan o nakapag-aral man sa Banal na Ministeryo. Kaya ipinaunawa na rin na …
8 malalantad na ang Suwail. Kung magkagayon, pupuksain siya ng Panginoong Jesus sa pamamagitan ng kanyang hininga at pupugnawin ng nakasisilaw na liwanag na taglay niya sa kanyang pagdating. Kaya ang Panginoong Jesu-Cristo ang nagtawid sa diwa ng kapatid na Elias Arkanghel, Siya rin ang nagpakilala kung sino ang Kaniyang pinatutungkulang Suwail. Kaya nga nasabing pupuksain siya ng Panginoong Jesu-Cristo sa pamamagitan ng hininga ito ay hindi literal na hangin kundi mula sa bibig Niya, mga Pahayag Niya na itinatawid sa diwa ko na nagtataglay ng nakasisilaw na Katotohanan ang susugat sa damdamin ng Ka Eduardo at ng mga makababasa nito. Dahil bahagi ako ng Kaniyang Banal na Katawan na ito ang Kaniyang Iglesia, na sa Kapahintulutan ng PANGINOONG DIYOS ako ang hininga ang Tinig ng Arkanghel ng PANGINOON taglay ko ang nakapapasong Karunungan na makapagbibigay unawa ng higit pa sa Katotohanan na naipahayag na noon pa man, naipahayag kamakailan, at maipapahayag pa sa inyong lahat na mga kaganapan na nauukol pa sa hinaharap, hanggang sa kahuli-hulihang bahagi ng yugto ng Panahon. 9 Lilitaw ang Suwail na taglay ang kapangyarihan ni Satanas. Natupad na! Naganap na! Gagawa siya ng lahat ng uri ng himala at nakalilinlang na tanda at kababalaghan. Nakagawa nga ang Ka Eduardo Manalo ng himalang maipatayo niya ang Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan July 27, 2014 pagsalubong diumano sa ika-100 anibersaryo ng Iglesia ni Cristo na nagpatanghal sa kaniya sa mga kapatid subalit ang ilang bahagi na ginamit sa pagpapatayo nito ay mula naman sa napakalaking pagkakautang sa ilang kilalang bangko sa Pilipinas na lingid sa kabatiran ng marami na nagpapabaon sa kaniya sa pagkakautang na halos nagpapayanig sa kanila ngayon. Ang mga kaugnay na talata ng BIBLIA ay nailathala na natin dito sa Blog sa ibang pahina. Napakalaki ng pagkatakot at paghanga sa kaniya kahit likas na naging masuwayin at taksil sa Iglesia kaalinsabay na nagagawa rin niya/nila ang kaniyang pilit na pinatatangkilik ang nakalilinlang na tanda, ang marka sa kanang hinlalaki (right thumbmark) na itinatak niya/nila sa noo ng mga kapatid sa pamamagitan ng pagkintal o pagpipilit niya/nila sa lahat na kilalanin ang bawat ipinagagawa niya/nila at ipinag-uutos.
Ngayon namamayagpag na ang Ka Eduardo Manalo, at ang mga tiwaling sanggunian sa CENTRAL gamit ang tusong kapangyarihan ni satanas. Naipatayo na nila ang PHILIPPINE ARENA upang alisin ang napakagandang imahe ng pagkakatayo ng Templo Central mula sa mabuting Pamamahala ng kapatid na Erano G. Manalo. Ito ay naging sanhi naman ng pag-alis ng Banal na Espiritu sa Templo Central na dating pinanahanan ng Kapangyarihan ng DAKILANG PANGINOONG DIYOS mula ng ang Ka Eduardo ang humalili na nakikiapid na sa pananampalataya, nakikisama sa mga hindi kapananampalataya at hindi pa naliliwanagan ng Banal na Katotohanan. Hindi kataka-taka palibhasa inalisan na siya ng liwanag mula ng itiwalag siya sa Udyok ng Banal na Espiritu. Ang pagpapasya ay ipinahintulot na maisama siya sa hanay na itiwalag ng araw na hintayin ko ang tugon ng July 27, 2015 sa pamamagitan ng isang napakalakas na yumayanig na kulog sa katanghaliang tapat mula sa Langit ang pagsang-ayon ng PANGINOONG DIYOS. Ang kulog na ito ay isa sa pitong kulog na isusulat sana ni Apostol Juan subalit hindi ipinahintulot sa kaniya.
10 At gagamit siya ng lahat ng uri ng pandaraya sa mga mapapahamak – mga taong maliligtas sana kung kanilang tinanggap at inibig ang katotohanan. 11 Sapagkat hindi nila tinanggap ang katotohanan, ipinaubaya ng Diyos na sila’y malinlang ng espiritu ng kamalian at papaniwalain sa kasinungalingan 12 upang maparusahan ang lahat ng pumili sa kasamaan sa halip na tumanggap sa katotohanan. Kawawa ang mga kapatid na nahumaling sa pagsunod sa lahat ng kanilang ipinag-uutos gamit ang kapangyarihang umalipin sa kaisipan ng mga napaniniwala nila, na sa PANGINOONG DIYOS pa rin nagmumula ang ibang ipinasusunod ng Ka Eduardo Manalo sa mga kapatid lalo na may kinalaman sa ibat-ibang kaparaanan na may kaugnayan lagi sa usaping pinansyal at ang mga kapatid ang pinapapasan. Kawawa sapagkat nahahanay na sa mga maliligtas na sana subalit iba na ang tinig na sinusunod at tinatanggap kaysa sa Tinig ng Panginoong Jesu-Cristo na mas marapat na sundin sa ikaliligtas. Kaya ipinaubaya na sila na mahumaling at malinlang ng espiritu ng kamalian at papaniwalain na sa kasinungalingan na ang ama nito ay ang diablo na siya rin ang satanas. Sa kanilang pagpili sa pagsunod sa mapanlinlang nilang mga utos ay sila na ang pumili sa kahatulan na marapat sa kanila na binabanggit sa Banal na Kasulatan o BIBLIA.
Kaibayo naman sa mga matapat na sumusunod sa Tinig ng Panginoon na ipinagkatiwala na maging tinig ng Arkanghel na nakapagpapahayag na, na isinusugo ng ating Panginoong Jesu-Cristo ngayon. Kaya 13 Dapat kaming magpasalamat sa Diyos tuwina dahil sa inyo, mga kapatid na minamahal ng Panginoon. Nagpapasalamat kami sapagkat hinirang niya kayo upang maunang pagkalooban ng kaligtasan, sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritung nagpapabanal sa inyo at ng inyong paniniwala sa katotohanan. 14 Tinawag kayo ng Diyos sa pamamagitan ng Mabuting Balitang ipinahayag namin sa inyo upang makasama sa kaluwalhatian ng ating Panginoong Jesu-Cristo. 15 Kaya nga, mga kapatid, manatili kayong matatag sa mga katotohanang itinuro namin sa inyo, maging sa salita o sa sulat. 16 Aliwin nawa kayo ng ating Panginoong Jesu-Cristo at ng ating Diyos at Ama na umibig sa atin at sa kanyang habag ay nagbigay sa atin ng walang pagbabagong lakas ng loob at matibay na pag-asa. 17 Bigyan nawa kayo ng matatag na kalooban upang inyong maipahayag at maisagawa ang lahat ng mabuti.
Lubhang napakapalad ng lahat ng matapat na sumusunod sa Kalooban ng ating DAKILANG PANGINOONG DIYOS at ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Nararapat lamang na maging mapagpasalamat tayo ng ibilang NILA tayo sa mga Hinirang NILA na ngayon ay may matibay na pag-asang mapagbabatayan mula sa Mabuting Balita na naipahayag sa atin na maghahatid sa atin sa tiyak na kaligtasan. Magalak tayong lahat sapagkat mas pinili natin ang Espiritung magpapabanal sa atin at panghawakan natin ang mga Katotohanan mula ng manindigan tayo sa panig ng Banal na Katwiran ng ating PANGINOONG DIYOS at ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Hindi tayo magagapi ng masama. Lahat ng ibinibigay sa ating ay pawang pagtatagumpay. Walang maaring makapinsala sa atin sapagkat Tapat ang nangakong iingatan tayo at hindi pababayaan ng KANIYANG Kanang Kamay ng Katwiran sa pamamagitan ng Panginoong Jesu-Cristo na sa ating lahat ay nagmamahal. – Elias Arkanghel TH02222018PT228
11,885 Views
Hashtags: Please copy and paste to all your messages
#iglesianicristo #inc100 #inccentennial #centennial #inc4life #incootd #incfashion #icmedianews #inctv #net25 #incmedia #increview #fymfoundation #mycountrymenmybrethren #kabayankokapatidko #incselfiechallenge #incwikileaks #sanggunian #radelcortez #gerrypurification #junsantos #gliceriosantosjr #rodelcabrera #biensantiago #erdzcodera #ernestosuratos#mattpareja #antonioebangelista #silentnomore #iglesianicristosilentnomore#Pananampalataya #Pagasa_#Pagibig #DoblehinAngPagsisikap#PuspusangPagbabagongBuhay #PuspusangPakikipagkaisa#ItaguyodAngKasiglahangESPIRITUAL #Iglesia_Ni_Cristo #DoblehinAngPagsisikap #SolidongPananampalataya #KaisangDiwaNgPamamahala #WEareONEwithEVM#PuspusangPagsunodAtPagpapasakopParaMaligtas #ItaguyodAngKasiglahangEspiritual #MasaganangPagbubunga #PalaguinAngPananampalatayaPagibigAtPagasa #INC101 #DoblehinAngPagsisikap #INC #Maytungkulin #INC4ever#IamTheOneWithEVM
One thought on “II TESALONICA 2:1-17 PAANONG ANG KA EDUARDO MANALO ANG KINATUPARANG SUWAIL? “MASUWAYIN SA MAGULANG AT TAKSIL SA IGLESIA NI CRISTO” KAMATAYAN NG TATAY ERDY ANONG DAHILAN? BAKIT AUGUST 31, 2009 NG NAMATAY ANG KAPATID NA ERANO G. MANALO INILATHALA LAMANG NG CENTRAL NG SEPTEMBER 1, 2009? MAY DAPAT BA KAMING MALAMAN?”