Maraming-maraming salamat po DAKILANG AMANG BANAL. Maraming salamat rin po mahal naming Panginoong Jesu-Cristo. Patuloy kaming Nagpupuri, Dumadakila, Lumuluwalhati sa Banal NINYONG Harapan. Sa pagkakataong ito sa INYO pong Kapahintulutan ay ipapahayag ng inyong abang lingkod at ihahayag po sa lahat ng mga tao ang totoong pangyayaring IYO pong napahintulutan aming DAKILANG PANGINOONG DIYOS sa isang pagkakataon. Salamat po hindi isang panaginip kundi sa literal, aktual o tunay na pangyayari sa isang kuwarto kung saan ako naroroon kasama ang mga kapatid na napahayagan patungkol sa mga kaganapan sa loob ng IGLESIA NI CRISTO, taong 2015 naganap ito. Narito sa kabatiran ng lahat:
Mahal naming Panginoong Jesu-Cristo ng minsan akong nananalangin at matapos maisagawa ang panalangin pagkamulat ko nasaksihan ng ilang kapatid, nakita kong umiiyak sila na napahihintulutan ng AMANG BANAL na makita Ka po nila sa anyong Banal na Espiritu na nasa aking likuran. Natupad lamang mahal naming Panginoong Jesu-Cristo ang ipinagpaunang Pahayag Mo. MATEO 18:20 MB 20 Sapagkat saanman may dalawa o tatlong nagkakatipon dahil sa akin, naroon akong kasama nila.” hanggang pinaggitnaan Mo po kami at iniutos Mo po sa mga kapatid ko na nakakakita sayo sa anyong Espiritu na ilapat kong dalawa kong kamay sabi nila dahil may iaabot Ka po sa akin. Binanggit nila ang pangalan ko at sinabi nila na parang mga bubog o diamante na pagkakaliit-liit na nagkikislapan sa dami. At ng mailapat na sa aking mga palad ang nailagay Mo mahal naming Panginoon, na kung ang isipan ko po ay pangkaraniwan na may interes o paghahangad lang sa mahahalagang bagay o kayamanang maituturing ay ilalagay ko ito sa marapat na paglagyan para mamalaging maitabi at hintayin ang magiging kaukulan. Subalit hindi ganun ang nangyari mahal naming Panginoong Jesu-Cristo sa kabatiran Mo. Sa halip pagkaabot na pagkaabot Mo lang mahal naming Panginoong Jesu-Cristo ay agad-agad kong inilapit ang mga ito sa dibdib ko, opo ang lahat ng yun sa bahagi ng aking puso nilagay bagamat hindi ko nakikita subalit nakikita ng mga kapatid na naroroon habang nasa kalagayang mga luhaan pa na sumasaksi sa pangyayari ( mga kapatid na kasama ko na naroroon kasama ang isang matandang kapatid na kilala ng kapatid na Erano G. Manalo ng nabubuhay pa, isang aktibong Diakonesa, asawa ng isang Ministro at mga Kabataan .. ) at matapos na mailagay ko sa dibdib ko sa bahagi ng puso ang mga butil na nagkikislapan sa dami ay saka ko naman ipinahayag sa kanila kung ano ang ipinauunawa sa akin ng mga butil na wari mga diamante na nagkikislapan sa sobrang dami; na ang mga ito anya ay ibabahagi ko sa lahat, “Ang mga Butil ng Karunungan, Gintong Kaalaman “. ( KAWIKAAN 1:2 -9 NPV 2 para sa pagtatamo ng karunungan at disiplina; para sa pag-unawa sa mga salita ng kaalaman; 3 para sa pagtatamo ng matuwid at maayos na pamumuhay, nagsasagawa ng buhay na tama, matuwid at tapat; 4 para sa pagbibigay talino sa mga walang karanasan, karunungan at wastong pagpapasiya sa mga kabataan 5 ang marurunong ay makinig para madagdagan ang kanilang kaalaman, at ang mga nakauunawa ay magtamo ng patnubay – 6 para maunawaan ang mga kawikaan at talinghaga, mga kasabihan at bugtong ng mga pantas, 7 Ang pagkatakot sa PANGINOON ay pasimula ng karunungan, subalit ang mga mangmang ay nababagot sa karunungan at disiplina. ) Pinili ko sa bahagi ng puso ko mailagay ang Karunungan, Kaalaman at Kaunawaan at kaalinsabay niyon pinili ko rin ilugar ang diwa ko sa Puso ng ating Panginoong Jesu-Cristo upang maramdaman ko habang ibinabahagi ko ang lahat ng mga ito ang mga pangangailangan ng lahat ng nakararami at maipadama sa lahat ang NAPAKADAKILANG PAG-IBIG ng PANGINOONG DIYOS sa pamamagitan ng Panginoong Jesu-Cristo habang nagpapahayag. Gayundin, maipaunawa na rin sa lahat kung bakit sa taong pinili NILA na suguan ng Banal na Espiritu na napahihintulutan NILA maiabot ang pagkaunawa sa Karunungan at Kaalaman sa kabila na wala namang kasanayan sa BIBLIA, hindi tulad ng mga pinag-aral sa Ministeryo, na ang tanging mayroon lamang ang napahihintulutan ay damdaming makalangit na magsaysay ng pawang mga Katotohanan, mga Katotohanang magdadala sa lahat sa Kaligtasang iniaalok NILA sa lahat ng mga tao, relihiyon, anumang lahi, o lipi nabibilang na nag-iibig na mangaligtas.
Nang mga oras na yun ay hindi nagtagal nagpakita ang Panginoong Jesu-Cristo. Luhaan nagpapahayag ang mga kapatid na nakasaksi pawang kinikilabutan sa mga pangyayari na nasaksihan. Subalit bago nangyari yun sa panahong nagpapahayag ay may mga nauna pa silang nakita bago isinasagawa ang pananalangin, aliw na aliw sila ang pagdagsa ng pagkadami-daming mga Anghel na halos pinuno nilang nilugaran ang buong kuwarto. Malalaki sa paglalarawan ng mga napahintulutang makakita na may taas na 7 feet at may mga kabataan at maliliit na inilalarawan nila na pawang mga baby na Anghel na mga nakakalakad na. Ang mga pangyayaring ito ay pawang Katotohanan lamang.
– Elias Arkanghel W05232018PT1320
Hashtags: Please copy and paste to all your messages
#iglesianicristo #inc100 #inccentennial #centennial #inc4life #incootd #incfashion #icmedianews #inctv #net25 #incmedia #increview #fymfoundation #mycountrymenmybrethren #kabayankokapatidko #incselfiechallenge #incwikileaks #sanggunian #radelcortez #gerrypurification #junsantos #gliceriosantosjr #rodelcabrera #biensantiago #erdzcodera #ernestosuratos#mattpareja #antonioebangelista #silentnomore #iglesianicristosilentnomore#Pananampalataya #Pagasa_#Pagibig #DoblehinAngPagsisikap#PuspusangPagbabagongBuhay #PuspusangPakikipagkaisa#ItaguyodAngKasiglahangESPIRITUAL #Iglesia_Ni_Cristo #DoblehinAngPagsisikap #SolidongPananampalataya #KaisangDiwaNgPamamahala #WEareONEwithEVM#PuspusangPagsunodAtPagpapasakopParaMaligtas #ItaguyodAngKasiglahangEspiritual #MasaganangPagbubunga #PalaguinAngPananampalatayaPagibigAtPagasa #INC101 #DoblehinAngPagsisikap #INC #Maytungkulin #INC4ever#IamTheOneWithEVM