SAKLAW NG HIWAGA : (1) “ANGHEL NA ISUSUGO SA PAGLIKAS NA MANGUNGUNA PINILI NG PANGINOON… SINO?.. IPAUUNAWA” … (2) “ELI- (DIYOS) AT JAH (PANGINOON) “ELI-JAH” KATUMBAS NG “PANGINOONG DIYOS” SINO ANG KUMAKATAWAN SA ELIJAH O ELIAS NA PAPARATING NA MAGSASAAYOS NG LAHAT NG BAGAY… SINO? ANG LITERAL NA PANGINOONG JESU-CRISTO BA (BAGAMAT SIYA PA RIN SAPAGKAT BAHAGI NG KANIYANG KATAWAN O IGLESIA) O ANG ELIAS ARKANGHEL JESU-CRISTO NA KINAKASIHAN NIYA? ALALAHANIN NINYO BABABA ANG LITERAL NA PANGINOONG JESU-CRISTO SA ARAW PA NG PAGHUHUKOM PAGKALIPAS PA NG ISANLIBONG TAON. IPAUUNAWA” ANG DALAWANG PAKSA NA MGA BAGONG PAHAYAG NA NGAYON LANG MAIPAUUNAWA SA LAHAT. – Elias Arkanghel Jesu-Cristo
Sa daigdig na ito napakarami ang nagsisikap na sinasaliksik, pinag-aaralan ang Banal na Aklat o Biblia. Hindi natatapos hanggang ngayon patuloy na may mga tumutuklas ng mga kasagutan sa naiiwang katanungan sa kanila na patuloy pa rin nagiging palaisipan lalo na kapag sinasaklawan ng Hiwaga ang paksang ibig nilang buksan. Halikayo inyong basahin at unawain ang isa mga talata ng Banal na Aklat o Biblia na mababasa na ninyo na bahagi ng naituturo ng mga nagsasabing mangangaral at naipasa na at naituturo na rin ng mga kumikilala sa kanila. Subalit hindi nila nauunawaan ang panganib na kanilang binabagtas. kapag binabalik-balikan ang mga naituturo nila ay wala pa ring katiyakan ang kanilang mga naipapaunawa sa sarili nilang paliwanag at pagkaunawa.
Hindi ninyo maaaring ipakipagsapalaran ang inyong mga kaligtasan at ipagkatiwala na lang sa kanila na kahit maging sila ay may mga kalituhan pa sa mga itinuturo nila sa inyo tulad ng pag-aaralan natin ngayon na mga talata ng Banal na Aklat o Biblia na may ibang pagpapaliwanag pa. Narito muli tayong magpapasalamat sa ating Amang Banal Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos at sa pamamagitan ng ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo sa muli Nilang paglakip para sa kapakanan ng lahat sa ikatututo at ikauunawa.
KAHALAGAHAN NG KAHALALAN NG ANGHEL NA ISUSUGO NG ATING AMANG BANAL
Exodo 23:20-22 [20] Magpapadala ako ng anghel na mangunguna sa inyo. Pangangalagaan niya kayo sa inyong paglalakbay at papatnubayan hanggang sa lupain na aking inihanda sa inyo. [21] Pakikinggan ninyo siya at susundin ang lahat ng sasabihin niya sa inyo. Huwag ninyo siyang susuwayin sapagkat lahat ng ginagawa niya’y sa pangalan ko at hindi niya kayo patatawarin kapag naghimagsik kayo sa kanya. [22] Kung susundin ninyo siya at gagawin ninyo ang mga sinasabi ko, ipaglalaban ko kayo sa inyong mga kaaway.
Ang mga talata na iyan kung hindi maipauunawa ay mananatili lamang ito sa inyo na isang malaking palaisipan na hindi mauunawaan ang napaka-halagang Mensahe na napapapaloob dito kung kaya’t mamamalagi lang na Hiwaga sa pagkaintindi at pagkaunawa ng lahat. Dahil diyan tiyak nga na hindi ninyo malalaman ang dereksyon sa patutunguhan, sa “Paglalakbay” na may pagtitiyak na magaganap sa hinaharap dahil sinalita ng ating Amang Banal na Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos. Ang Katotohanan na ito na ay gigiba sa paniniwala ng iba na walang magaganap na Paglalakbay o Paglikas para tunguhin ang Dakong Pipiliin ng ating Pinakadakilang Panginoong Diyos na Siya mismo ang naghanda. Saan nga ba talaga ang Lupain na inihanda ng ating Amang Banal na Pinakamamahal? Tiyak na mayroon dereksyong na sasabihin kung ito ba ay pa-Kanluran, pa-Silangan, pa-Timog o pa-Hilaga na mahalagang masiguro nating lahat dahil kaligtasan ang makarating doon sa Lupain na inihanda Niya. Oo mapalad nga na maituturing ang sinumang makakasama at makararating doon. Kaya napakahalaga rin na makikilala kung sino ang Anghel na pinatutungkulan na mangunguna sa inyong lahat na isusugo ng ating Amang Banal na Pinakamamahal na Pinakadakilang Panginoong Diyos? Ang dapat na maunawaan ng lahat hindi maaaring magsariling deklarasyon o magsariling kalooban ang sinumang tao dito sa lupa dahil makalalabag na pinangungunahan ang Amang Banal na Pinakadakilang Panginoong Diyos na Siyang magsusugo batay sa talata na ating nabasa. Kaya tanging Siya lamang ang may Kapangyarihan na magtakda kung mayroon pa maliban sa Kaniya sa hinaharap ang pagkakalooban Niya ng Karapatan na magsugo rin ng Anghel. Sa gawing ibaba ipauunawa rin dito sa mga ginagawang pag-aaral natin. Samantala pagbatayan muna natin ang napauukol sa Exodo 20 talatang 21 at 22 malinaw na malinaw walang ibang ipinakikilala na makapaghahatid sa dakong pipiliin Niya kundi ang Anghel na na magiging tagapamatnubay sa lahat patungo sa lupain na Kaniyang inihahanda.
Kaya nga “Ngayon na ang Panahon” ang inilalaan ng ating Pinakamamahal na Pinakadakilang Panginoong Diyos para mabigyan daan na maipaunawa sa inyong lahat upang ang mga katanungan na naghahanap ng kasagutan na napatutungkol sa Exodo 23: talatang 20 at 21 ay maliwanagan sa inyo ngayon. Kaya muli tayong mag-aaral mga mahal kong kapatid ng mga Bagong Pahayag. na ang mga ipauunawa sa inyo, ay ngayon pa lamang darating sa inyong mga pagkaalam. Ang mga Katotohanan na idinidikta sa diwa ko ng ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo sa Pamamatnubay ng Kapangyarihan ng ating Amang Banal na Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos ay maihahanay muli ito ng may kahusayan at ito para sa Kaniyang Kapurihan, Karangalan at Kaluwalhatian sa paamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo na Pinakamamahal. May kahusayan dahil Siya na ating Amang Banal na Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos ang gumagawa mismo sa pamamagitan ng Panginoong Jesu-Cristo. Mahalagang maunawaan ninyo ako na naghahanay ay tinutulungan lamang Nila. Isa lamang akong pangkaraniwan na masiglang kapatid sa loob ng Iglesia ni Cristo. Hindi nakapag-aral sa Ministeryo, hindi rin nagma-manggagawa walang anumang kasanayan para sa pagpapakadalubhasa sa pag-aaral ng Banal na Kasulatan o Biblia. Subalit sa Kalooban at Kapahintulutan ng ating Amang Banal na Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos ay Pinili Niya ako at Hinirang sa Banal Nilang Gawain na ito, na nasa loob ng Iglesia ni Cristo para magpahayag ng mga Bagong Pahayag na puspos ng Kanilang Karunungan.
Magpapadala ako ng anghel na mangunguna sa inyo : Ang tuwirang nagsasalita diyan mga mahal kong kapatid ay ang ating Panginoong Diyos mismo. Lahat kayo ay tiyak na sumasang-ayon diyan. Ang Kaniya anya na gagawin ay magpapadala Siya o sa ibang kahulugan ay magsusugo Siya ng Anghel para sa inyo. Ang tinutukoy na para sa inyo ay saklaw ang lahat ng mga mapapalad na tatanggap at kikilala sa Anghel na isusugo ng ating PANGINOON.
Pangangalagaan niya kayo sa inyong paglalakbay at papatnubayan hanggang sa lupain na aking inihanda sa inyo : Anghel na mangangalaga sa magaganap na Paglalakbay na magiging tagapamatnubay ang siyang mangunguna, na ang katumbas ay siya ang magiging Lider sa inyong lahat. Oo siya nga ang mangunguna para ihatid kayo sa lupain na inihanda ng ating Pinakadakilang Panginoong Diyos. Subalit may babangong katanungan ayon sa nauunawaan ng iba. Para sa kanila ang mga Anghel diumano ay nasa espiritung kalagayan. Totoo walang pagtatalo diyan subalit mali ang pagkaunawa ng iba na kapag Anghel na nasa espiritu na kalagayan ay hindi na nakikita. Maling-mali talaga ang mga naninindigan na tama sila! Dapat ninyong maunawaang lahat, na sila na mga Anghel na nasa kalagayang Espiritu ay nababanaag: sila ay nakikita at sila ay nakakausap. Lamang, ay walang laman at mga buto dahil nga sa nasa kalagayang Espiritu. Katulad din ng nakita at nakausap ni Maria na mahal na Ina ng ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo na naganap nang siya ay nasa kalagayang dalaga pa.
Lucas 1:26-35 MB [26] Nang ikaanim na buwan na ng pagdadalantao ni Elisabet, ang anghel Gabriel ay sinugo ng Diyos sa Nazaret, Galilea, [27] sa isang dalaga na ang pangala’y Maria. Siya’y nakatakdang ikasal kay Jose, isang lalaki buhat sa lipi ni Haring David. [28] Paglapit ng anghel sa kinaroonan ng dalaga, binati niya ito “Matuwa ka! Ikaw ay kalugud-lugod sa Diyos,” wika niya. “Sumasaiyo ang Panginoon!” [29] Nagulumihanan si Maria sa gayong pangungusap, at inisip niyang mabuti kung ano ang kahulugan niyon. [30] Kaya’t sinabi sa kanya ng anghel, “Huwag kang matakot, Maria, sapagkat kinalulugdan ka ng Diyos. [31] Makinig ka! Ikaw ay maglilihi at manganganak ng isang lalaki, at siya’y tatawagin mong Jesus. [32] Magiging dakila siya, at tatawaging Anak ng Kataas-taasan. Ibibigay sa kanya ng Panginoong Diyos ang trono ng kanyang amang si David. [33] Maghahari siya sa angkan ni Jacob magpakailanman, at ang kanyang paghahari ay walang hanggan.” [34] Paanong mangyayari ito, gayong ako’y dalaga? tanong ni Maria. [35] Sumagot ang anghel, “Bababa sa iyo ang Espiritu Santo, at lililiman ka ng kapangyarihan ng Kataas-taasan. Kaya’t banal ang ipanganganak mo at tatawaging Anak ng Diyos.
Sa Banal na kasulatan maraming tagpo na ang mga Anghel na isinusugo ay may magkakaibang kalagayan. Sa panig ng mga Anghel na isinusugo ay sumasa-katawan sa tao na ang ibig sabihin nakagagawa ng ipinagagawa sa kanila, kaya sila nga mga Anghel na isinusugo ay nakikita nakakausap, nahahawakan at samantala ang iba namang Anghel ay namamalaging nasa kalagayang espiritu. Narito ang ilang Patotoo:
[35] Nang gabing ‘yon, ang anghel ng PANGINOON ay lumabas at pinuksa ang 185,000 kawal sa kampo ng Asiria. Kaya nang magbangon kinabukasan ang mga tao, naghalang ang mga bangkay! – II Hari 19:35 NPV
[11] Ngunit tinawag siya ng anghel ng PANGINOON mula sa langit, “Abraham! Abraham!” “Narito po ako,” tugon niya.- Genesis 22:11 NPV
[15] Nang nagbubukang-liwayway na, sinabi ng mga anghel kay Lot, “Madali ka! Isama mo ang iyong asawa at dalawang anak na dalagang narito, para hindi kayo maramay sa pagpaparusa sa lunsod na ito. [16] Nang nag-aatubili siya, hinawakan ng dalawang lalaki ang kanyang kamay, ang mga kamay ng kanyang asawa at mga anak na dalaga at inilabas silang ligtas sa labas ng lunsod, pagkat kinahabagan sila ng PANGINOON.” – Genesis 19:15-16 NPV
[1] Lumakad na rin si Jacob at sinalubong siya ng mga anghel ng Dios. [2] Nang makita ni Jacob ang mga anghel, sinabi niya, “Ito ang kampo ng Dios.” Kaya tinawag niyang Mahanaim ang lugar na iyon. – Genesis 32:1-2 NPV
[22] Nang mapagwari ni Gideon na anghel iyon ng PANGINOON, siya’y napabulalas, “O Makapangyarihang PANGINOON! Nakita ko nang mukhaan ang anghel ng PANGINOON!”- Hukom 6:22 NPV
Sa Bagong Tipan may mahalagang bilin din na mababasa …
[2] Huwag ninyong kaliligtaang magpatuloy ng mga taga-ibang bayan. May ilang gumawa nito, na di nila alam ay mga anghel pala ang kanilang pinatuloy. – Hebreo 13:2 NPV
Ilan lamang yan sa mga halimbawa na mga talata na mababasa sa Banal na Aklat o Biblia na nagpapatotoo sa ating pinag-aaralan sa kalagayan ng mga Anghel. Kaya nananawagan sa mga nagsasabing sila ay mga tagapagturo na iba ang pagpapaunawa sa mga tinuturuan na napaniniwala. Marahil, sapat na para mabago ang inyong mga pananaw na naghulog lamang sa kalituhan na naituturo ninyo sa iba. Itakwil ang mga maling aral na pilit ninyong pinaninindiganan na sa huli maghahatid lamang sa pagkapahamak sa inyong mga tinuturuan. Nawa mamulat na kayo sa Katwiran at magising na sa Katotohanan at tanggapin ang mga Katotohanan na inilalahad ngayon sa Blog ng Iglesia ni Cristo…Hinirang. Muli para malubos na ang pagkaunawa sa mga talatang pinag-aaralan natin na nauugnay sa Exodo 20: talatang 21 at 22 ay dadako na tayo sa karugtong na bahagi.
Pakikinggan ninyo siya at susundin ang lahat ng sasabihin niya sa inyo. Huwag ninyo siyang susuwayin sapagkat lahat ng ginagawa niya’y sa pangalan ko at hindi niya kayo patatawarin kapag naghimagsik kayo sa kanya. : Walang dapat na maging pagtutol ang sinuman o kahit katiting na pag-aalinlangan na sumunod sa ipinagagawa ng nag-uutos. Ang Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos ang may ibig na pangunahan kayong lahat ng Kaniyang isusugong Anghel.
Tanging Anghel na Kaniyang isusugo na dapat na pakinggan!
Tanging Anghel na Kaniyang inaatasan na susundin sa lahat ng kaniyang sasabihin!
Tanging Anghel na huwag siyang susuwayin!
Tanging Anghel na binigyan Niya ng karapatan na huwag magpatawad kung maghihimagsik sa kaniya.
Ginagawa ng Anghel na ito ang lahat sa pangalan ng ating Amang Banal na Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos. Ano pa ang dapat maunawaan sa bahagi na ating pinag-aaralang talata ng Banal na Aklat o Biblia na napauukol sa Exodo 20: talatang 21 at 22?
[31] Kaya’t sinasabi ko sa inyo, mapapatawad ang anumang kasalanan at paglapastangan, ngunit hindi patatawarin ang anumang paglapastangan sa Espiritu. [32] Sinumang magsalita laban sa Anak ng Tao ay patatawarin, ngunit sinumang magsalita laban sa Espiritu Santo ay hindi patatawarin, maging sa panahong ito o sa panahong darating.” – Mateo 12:31-32 RTPV05
Sa takdang panahon alam ng Pinakadakilang Panginoong Diyos na sa hinaharap sa huling yugto ng panahon, sa mga Huling Araw ang Kaniyang Anghel na isusugo ay magdaranas ng kapighatian sa buhay, kasama na diyan ang Siya ay kukutyain, pararatangan, pagwiwikaan ng masama at masasakit, pagbabantaan na papatayin, hahamakin, aalimurahin, ipagtatabuyan. at itatakwil. Nangyari na! Natupad na ngang lahat dinanas din Niya dahil lumakip Siya sa taong Napahihintulutan Nila. Subalit awa at habag ang pinili na maging damdamin sa lahat. Hinayaan na kargahin bitbitin ang lahat huwag lang may maiwan ni isa sa mga napamahal sa akin..
Kung susundin ninyo siya at gagawin ninyo ang mga sinasabi ko, ipaglalaban ko kayo sa inyong mga kaaway. : yan ang ibig ng ating Amang Banal na Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos na sundin niyo ang ipadadala o isusugo Niyang Anghel na mangunguna sa inyong lahat para pangalagaan kayo sa Paglalakbay hanggang makarating sa inihanda Niyang Lupain. Pagsunod ang ibig Niya na gawin ng lahat! Siya na ating Pinakadakilang Panginoong ang tuwirang nag-uutos na sundin ang Anghel sa lahat niyang sasabihin at sa panig ng makasusunod ang Pinakadakilang Panginoong Diyos ang nangako na sinuman ang kakaaway sayo lalo na nga aawayin ka ng mga hindi makapaniniwala na may Anghel na Kaniyang ipadadala o isusugo ay Siya naman ang magtatanggol. Kaya patunayan niyo ang inyong katapatan sa ating Pinakadakilang Panginoong Diyos!
Siya na ating Amang Banal ang may ibig na pangalagaan kayong lahat sa magaganap na Paglalakbay. Ang nagtakda ay ang ating Panginoong Diyos. At ang Anghel na Kaniyang isusugo ang tanging inaasahan Niya na mangunguna hanggang sa Lupain na Kaniyang inihanda. Saan ba kayo dadalhin ng Anghel na naatasan na mangunguna? Ano ang ipinaunawa na sa Napahihintulutan?
( [10] At dinala niya akong nasa Espiritu sa isang malaki at mataas na bundok, at ipinakita sa akin ang bayang banal na Jerusalem, na nananaog mula sa langit buhat sa Dios,- Apocalipsis 21:10 )
Pahayag 22:6 [6] Sinabi ng anghel sa akin, “Ang mga salitang ito ay mapagtitiwalaan at totoo. Ang anghel ay sinugo ng Panginoon, ng Dios ng mga espiritu ng mga propeta, upang ipakita sa kanyang mga lingkod ang mga bagay na magaganap sa lalong madaling panahon. [7] “Makinig kayo, darating na ako sa lalong madaling panahon! Mapalad ang tumutupad sa mga pahayag ng aklat na ito.”
Pahayag 22:6 NVP [16] “Akong si Jesus ang nagsugo sa iyo ng aking anghel upang ibigay ang patotoong ito sa mga iglesya. Ako’y nagmula sa angkan ni David, at ako ang maningning na Tala sa Umaga.”
Awit 91 NPV [1] Siya na nananahan sa lihim ng Kataastaasan ay magpapahingalay sa ilalim ng Makapangyarihan sa lahat. [2] Sasabihin ko tungkol sa PANGINOON, “Siya ang aking kanlungan at muog, ang aking Dios na pinagtitiwalaan.” [3] Tiyak na ililigtas ka niya sa bitag ng maninilo at sa salot na pumupuksa. [4] Lulukuban ka niya ng kanyang mga balahibo, at manganganlong ka sa lilim ng kanyang mga pakpak; ang katapatan niya ang magsisilbing tanggulan mo at kalasag. [5] Hindi mo katatakutan ang nakasisindak na gabi, ni ang palaso na sumisibat kung araw, [6] ni ang sakit na sumusubaybay sa kadiliman, ni ang salot na nagwawasak sa katanghalian. [7] Maaaring 1,000 ang mabuwal sa iyong tabi, 10,000 sa iyong kanang kamay, ngunit hindi ito lalapit sa iyo. [8] Mamamasdan lang ito ng ‘yong mga mata at makikita ang pagpaparusa sa masasama. [9] Kung ang Kataastaasan ang gagawin mong tahanan maging ang PANGINOON na aking kanlungan – [10] kung gayon, walang kapahamakang darating sa ‘yo, at walang kapansanang lalapit sa iyong tolda. [11] Sapagkat mag-uutos siya sa kanyang mga anghel tungkol sa ‘yo para bantayan ka sa lahat ng mga lakad mo; [12] aalalayan ka nila sa kanilang mga kamay, para di matisod sa bato ang ‘yong paa. [13] Maglalakad ka sa gitna ng leon at ng kobra; tatapakan mo ang malaking leon at ahas. [14] ” Ililigtas ko siya”; sabi ng PANGINOON, “sapagkat mahal niya ako“; ililigtas ko siya, sapagkat kumikilala siya sa aking pangalan. [15] Tatawag siya sa akin, at tutugunin ko siya; sasamahan ko siya sa gitna ng kaguluhan, ililigtas ko siya at pararangalan. [16] Bibigyan ko siya ng mahabang buhay na magiging kasiyahan niya at ipapakita ko sa kanya ang aking pagliligtas.”
II BAKIT NAPAKAHALAGA NA TALAKAYIN NGAYON ANG PANGALAN NG ATING PINAKAMAMAHAL PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS (sabi ng PANGINOON, “sapagkat mahal niya ako“; ililigtas ko siya, sapagkat kumikilala siya sa aking pangalan.). MAY NAAALAALA BA KAYO SA PANGALANG BINANGGIT MISMO NG ATING PINAKAMAMAHAL NA PANGINOONG JESU-CRISTO?
Napakahalaga na matalakay natin ngayon ang mga pangalang nabanggit na sa Banal na Kasulatan na napauukol sa ating Amang Banal na Pinakamamahal. Bagama’t narinig na ninyo, subalit hindi pa ganap na ipinaunawa ng ating Amang Banal na Pinakamamahal, ang lihim na kaugnayan ng bawat pangalan na bahagi sa mga Bagong Pahayag na ipinauunawa Niya ngayon sa inyong abang lingkod at ipinaaalam naman sa inyong lahat. Ang Karunungang ito ay mula sa ating Amang Banal na Pinakamamahal sa pamamagitan ng ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo na Siyang sumasaakin. Pagtuunan ninyo ng pansin sapagkat ngayon pa lamang maipauunawa ang kaukulan ng bawat pangalan na itinawag sa ating Amang Banal na Pinakamamahal. Para sa karagdagang kabatiran ninyo ang pagpapaunawa ng Bagong Pahayag tanging ang Iglesia ni Cristo…Hinirang lamang ang napahihintulutan na magbigay Daan na maipaunawa sa inyong lahat ang mga Katotohanan na ihahayag. Mga mahal naming kapatid sa loob ng Iglesia ni Cristo, at sa inyong lahat anumang relihiyon kayo nabibilang mga minamahal naming kapatid ipinagmamalasakit na maipaunawa sa inyong lahat ang mga Bagong Salita o Bagong Pahayag ng ating Amang Banal na Pinakamamahal para mailapit din sa inyong lahat ang Kaligtasan, Oo para sa lahat ang panawagan para na sa pagagayak sa araw ng Kaligtasan na malapit na nga na dumating. Ang paanyayang ito ay mula ating Amang Banal na Pinakamamahal sa pamamagitan ng ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo dahil sa pag-ibig at pagmamahal Nila sa inyong lahat. Halikayo at pagtuunan ninyo ng buong taimtim na pag-aaral. Narito ang panimulang talata na ipauunawa sa inyong lahat.
Mateo 27:46 MB [46] Nang mag-iikatlo ng hapon, sumigaw si Jesus, “Eli, Eli, lama sabachthani?” ibig sabihi’y “Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?”
Sinipi ang talatang ito, yung tagpo na ihahabilin na ng ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo ang kaniyang Espiritu sa ating Amang Banal na Pinakamamahal bago Siya malagutan ng hininga sa pagkakapako Niya sa krus. Kapansin-pansin sa inyo ang pagtatanong ng ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo “bakit Mo Ako pinabayaan?” Bakit nga ba napahintulutan ito ng ating Pinakadakilang Panginoong Diyos na mabanggit ng ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo? Dahil ibig Niyang mapag-unawa ninyong lahat ang kaibahan Niya sa ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo. Lalo na kapag ikinakapit na sa Panginoong Jesu-Cristo ang pagiging Diyos umano Niya sa tunay na kalikasan. Ang ating Amang Banal ay hindi nagkukulang ng pagkaunawa kailanman. Hindi nagtatanong gaya ng pagtatanong ng walang nalalaman o kinukulang sa pagkaunawa. Lahat ay alam Niya tulad ng mga naganap na, nagaganap sa kasalukuyan at magaganap pa lang sa hinaharap. Palibhasa Siya lang ang ating Pinakadakilang Panginoong Diyos ang may Akda ng lahat. Samantala, ang ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo sa tagpong ito ay nagawa Niyang magtanong “… bakit Mo Ako pinabayaan?” Hindi Siya nagkasala sa tagpong ito mga mahal kong kapatid! Tulad ng naipaunawa, lahat ng ito ay Kalooban at Kapahintulutan ng ating Amang Banal na Pinakamamahal na maipahayag ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Ang naging pagtatanong Niya ang lalong nagpapakilala ng kahigitan ng ating Amang Banal sa Anak na Kaniyang Pinakamamahal nang Siya (Pinakadakilang Panginoong Diyos) ay tanungin ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Naging malinaw nawa sa inyo ang pagpapaunawang yan.
Dumako na tayo mga mahal kong kapatid sa pangalang nabanggit Niya sa ating Amang Banal na Pinakamamahal. Mas mabuting kopyahin natin ang nasa talata yung bahagi na lang na isinigaw ng ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo “Eli, Eli, lama sabachthani?” ibig sabihi’y “Diyos ko, Diyos ko. Ano ang pangalang isinigaw ng ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo? Diyos Ko, Diyos Ko o Eli, Eli. Saan natin iuugnay ang pangalang Eli o Diyos para magpatotoo sa ating Banal na Gawain? Muli sisipi tayo ng nakasulat sa Banal na Aklat o Biblia na maiuugnay sa pangalang Eli o Diyos na pangalang binanggit ng ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo na napauukol sa ating Amang Banal na Pinakamamahal. Narito ang mga talata …
Awit 68: [4] Kayo’y magsiawit sa Dios, kayo’y magsiawit ng kapurihan sa kaniyang pangalan: Ipaghanda ninyo ng maluwang na lansangan siya na nangangabayo sa mga ilang; Ang kaniyang pangalan ay JAH; at mangagalak kayo sa harap niya.
Awit 68:4 NPV [4] umawit kayo sa Dios, umawit ng papuri sa kanyang pangalan, purihing matapat siya na sumasakay sa mga alapaap; ang pangalan niya ay PANGINOON – at sa harapan niya ay magalak.
Awit 89: [8] Oh Panginoong Dios ng mga hukbo, Sino ang makapangyarihang gaya mo, Oh JAH? At ang pagtatapat mo’y nasa palibot mo.
Isaias 42:8-9 ABAB [8] Ako ang PANGINOON, iyon ang aking PANGALAN; hindi ko ibibigay sa iba ang aking kaluwalhatian, o ang akin mang kapurihan sa mga larawang inanyuan. [9] Narito ang mga dating bagay ay lumipas na, at ang mga bagong bagay ay ipinahahayag ko; bago sila lumitaw ay sinabi ko sa inyo ang tungkol sa kanila.
Psalm 68: 4 KJV [4] Sing unto God, sing praises to his name: extol him that rideth upon the heavens by his name JAH, and rejoice before him.
Awit 68:4 NPV [4] umawit kayo sa Dios, umawit ng papuri sa kanyang pangalan, purihing matapat siya na sumasakay sa mga alapaap; ang pangalan niya ay PANGINOON – at sa harapan niya ay magalak.
Ngayon napag-uunawa na ninyo ang Katotohanang ito na matagal ng nalihim na may napakalaking kaugnayan para makilala ninyo ang Banal na Gawaing ito na aming itinataguyod ng Iglesia ni Cristo…Hinirang na pawang mga kaanib din kami sa loob ng Iglesia ni Cristo. Nakatala sa kani-kaniyang mga Lokal. Hindi pa nga lamang nagpapangpo ang Sambayan ng Juda at ito ay sa panig namin at ang Sambahayan ng Israel sa panig ng kasalukuyang Pamamahala ng Iglesia ni Cristo.
Para sa lalo pang ikalilinaw at ikauunawa ng lahat … muli tunghayan ang mga susunod pa na ating pag-aaralan.
Mateo 27:46
- Eli
- Diyos
Awit 68:4 Awit 98:8
- Jah
- Panginoon
Ang mabubuong pangalan sa Eli at Jah ay Eli-Jah (Elias) at ang sa Diyos at sa Panginoon ay Panginoong Diyos. Samakatuwid ang pangalang Panginoong Diyos mga mahal kong kapatid ay itinawag na sa Kaniya sa pasimula pa, ay naipakilala na, at magpasa-hanggang ngayon. Ito ay batid na nating lahat lalo na sa panig ng mga nakaanib sa loob ng Iglesia ni Cristo. Ang napakabanal na pangalan ng ating Amang Banal na Pinakamamahal ay Panginoong Diyos. Anong pangalan pa ang ibig ninyo sa Kaniya ay itawag? Pangalan ba na may kalituhan pa? Nakasisiguro na ba kayo o tiyak na nga ba ang inyong naging pag-aaral at pagsaliksik ay yaon ang Kaniyang pangalan? Ang pangalan ng Panginoong Diyos na ipinauunawa ngayon ng Espiritu ng ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo ay sapat na. Nababasa at nakasulat naman sa Banal na Aklat o Biblia. Yamang napahihintulutan ang mga salin na kasalukuyang ginagamit natin sa Banal na Aklat o Biblia ay kilalanin na natin ang Panginoong Diyos ang pangalan ng ating Amang Banal na Pinakamamahal yun ay sapat na. Hindi marapat na tila may babangon pang pagtatanong para mabigyang katwiran pa ang sariling unawa ng iba sa kabila na nababasa na ng pagkalinaw-linaw ang mga pangalang nabanggit na napauukol sa ating Amang Banal Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos. Huwag ng humanap pa ng sariling katanyagan. Ipaubaya natin sa ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo na Siya ang magtamo ng Kapurihan, at ng Katanyagan para sa Ikararangal at Ikaluluwalhati ng ating Amang Banal Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos. Kaya huwag ninyo isasantabi ang pangalang Eli-Jah o Elias
Kaya mga mahal naming kapatid kakaunting panahon na lamang ang hinihintay nating lahat sa isang iglap mababago na ang ating buhay at takbo ng pamumuhay. Tanawin na natin ang Bayang Banal na Bagong Jerusalem. Alalahanin ninyo di natin mababaon doon ang galit, hinanakit, poot at sama ng loob. Payapa na ang buhay ng mga mapapalad na makararating doon. Sayang naman ang ginugol natin sa paglilingkod kung dahil lang sa damdaming tao ay mabigo pang makasama doon. Pairalin na natin ngayon ang damdaming makalangit hindi nag-iisip ng masama laban sa kapwa lalo na sa kakapatid. Pawang mabubuti at ikapapayapa ng lahat. Kaya tapusin na natin ang digmaang espiritual na tila nagiging balakid pa para tumagal pa ang ang pagkakasundu-sunduan ng lahat.Hayaan ninyo mga mahal kong kapatid may takdang leksyon o aralin na ipauunawa sa inyo ang ating Amang Banal Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos at ito ay sa ikapapayapa ng inyong loob. Mahal na mahal kayo ng ating Amang Banal pati na ang mga kapatid natin sa hanay ng Pamamahala mahal na mahal kayo ng ating Amang Banal mga mahal kong kapatid. Kaya nga may ganito tayong mga pag-aaral ito ay sa Kaniyang Kapahintulutan para sa pagsasaayos na Ginagawa Niya sa pamamagitan ng ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo. Ako ay Napahihintulutann lamang Nila. Kaya antabayanan ninyo mga mahal kong kapatid ang lalo pang ikapananauli ng inyong damdamin sa isa’t-isa na wala ng mga pagtatalunan pa dahil pawang kagalakan ang idudulot nito sa inyo kapag napag-unawa na ninyong lahat at mananaig ang pag-iibigang magkakapatid natin sa isa’t-isa at kapag nagawa na nating lahat tinalo na natin si satanas sa maitim niyang plano sa ating magkakapatid. Hindi siya mananaig at tatakas siya sa kaisipan ng lahat at magiging malinis na ang kaisipan ng mga magkakapatid at lilimutin na ang sigalot at di pagkakaunawaan na bahagi lamang ng pagdalisay sa bawat Iglesia ni Cristo. Paano hanggang sa muli mga mahal kong kapatid panabikan ninyo ang mga susunod na pagpapaunawang ginagawa ngayon ng ating Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos sa pamamagitan ng ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo. Mga Bagong Pahayag
– Elias Arkanghel – Jesu-Cristo S05102020PT933
ANO ANG MALALIM NA NAPAPALOOB SA PANGALANG ELIAS ARKANGHEL-JESU-CRISTO?
Mateo 27:46 MB [46] Nang mag-iikatlo ng hapon, sumigaw si Jesus, “Eli, Eli, lama sabachthani?” ibig sabihi’y “Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?”
ELI
Awit 68: [4] Kayo’y magsiawit sa Dios, kayo’y magsiawit ng kapurihan sa kaniyang pangalan: Ipaghanda ninyo ng maluwang na lansangan siya na nangangabayo sa mga ilang; Ang kaniyang pangalan ay JAH; at mangagalak kayo sa harap niya
JAH
Huwag ninyo siyang susuwayin sapagkat lahat ng ginagawa niya’y sa pangalan ko. : Sa pangalan ng ating PANGINOONG DIYOS (Eli-Jah o Elias)
I Corinto 12:28 [28] At ang Dios ay naglagay ng ilan sa iglesia, una-una’y mga apostol, ikalawa’y mga propeta, ikatlo’y mga guro, saka mga himala, saka mga kaloob na pagpapagaling, mga pagtulong, mga pamamahala, at iba’t ibang mga wika.
NAGLAGAY ANG PANGINOONG DIYOS SA IGLESIA NI CRISTO… MGA PROPETA
Gawa 3:22 ASD
[22] Tunay na sinabi ni Moises, Ang Panginoong Dios ay magtitindig sa inyo ng isang propetang gaya ko mula sa gitna ng inyong mga kapatid; siya ang inyong pakinggan sa lahat ng mga bagay na sa inyo’y sasalitain niya.
PROPETA
Malakias 4:5-6 [5] Narito, aking susuguin sa inyo si Elias na propeta bago dumating ang dakila at kakilakilabot na kaarawan ng Panginoon. [6] At kaniyang papagbabaliking-loob ang puso ng mga ama sa mga anak, at ang puso ng mga anak sa kanilang mga magulang; baka ako’y dumating at saktan ko ang lupa ng sumpa.
ELIAS
Exodo 23:20-22 [20] Magpapadala ako ng anghel na mangunguna sa inyo. Pangangalagaan niya kayo sa inyong paglalakbay at papatnubayan hanggang sa lupain na aking inihanda sa inyo. [21] Pakikinggan ninyo siya at susundin ang lahat ng sasabihin niya sa inyo. Huwag ninyo siyang susuwayin sapagkat lahat ng ginagawa niya’y sa pangalan ko at hindi niya kayo patatawarin kapag naghimagsik kayo sa kanya. [22] Kung susundin ninyo siya at gagawin ninyo ang mga sinasabi ko, ipaglalaban ko kayo sa inyong mga kaaway.
Ark (Arko o Iglesia ni Cristo…Hinirang) anghel
ARKANGHEL
Pahayag 3:12 [12] Ang magtagumpay, ay gagawin kong haligi sa templo ng aking Dios, at hindi na siya’y lalabas pa doon: at isusulat ko sa kaniya ang pangalan ng aking Dios, at ang pangalan ng bayan ng aking Dios, ang bagong Jerusalem, na mananaog buhat sa langit mula sa aking Dios, at ang aking sariling bagong pangalan.
JESU-CRISTO
isusulat ko sa kaniya ang pangalan ng aking Dios – ELI-JAH o ELIAS
ang pangalan ng bayan ng aking Dios – IGLESIA NI CRISTO…HINIRANG
at ang aking sariling bagong pangalan JESU-CRISTO
ANG PATOTOO HIWAGANG NAPAPALOOB SA PANGALAN NA ELIAS ARKANGHEL-JESU-CRISTO