PAGTUTUWID: MALING PAGKAUNAWA SA ISAIAS 62:11-12 NA ANG IGLESIA NI CRISTO NGAYON DIUMANO ANG ANAK NA BABAE NG SION AT ANG KAMALIAN DIN NA SA MGA WAKAS NG ARAW INIUUGNAY ANG ANAK NA BABAE NG SION. : (UNANG BAHAGI SA TALATA) Narito, ang Panginoon ay nagtanyag hanggang sa wakas ng lupa, : (UNAWAIN ANG PAGTUTUWID NG PANGINOONG DIYOS NA NAGPAPAUNAWA SA AKIN) Nagtanyag na ang ating Panginoong Diyos hanggang sa wakas ng lupa. Ito ang hula ng ating Panginoong Diyos na hindi na nauugnay sa panahon ng ating Panginoong Jesu-Cristo noon. Sapagkat sa wakas ng lupa napatutungkol. Hindi na rin nauugnay sa panahon ng mahal na kapatid na Felix Y. Manalo sapagkat sa kaniyang kapanahunan nang magpasimula siyang mangaral 1913-1914 ay kapwa saklaw ng panahon na “sa mga wakas ng lupa.” Dahil ang “Anak na Babae ng Sion” mga mahal naming kapatid ay sa yugto lamang ng ating panahon naganap sa pinatutungkulan na “sa wakas ng lupa.” Kaya magkaiba ang “sa mga wakas ng lupa” kaysa “sa wakas ng lupa.” Dahil diyan mahal kong kapatid na Eduardo V. Manalo at sa lahat ng mga mahal kong kapatid na Ministro, ang Iglesia ni Cristo…Hinirang ang anak na babae ng Iglesia ni Cristo. Hindi maaaring ang Ina ay siya rin ang Anak na babae. Para lubos ninyong maunawaan ang Isaias 62:11-12, kailangan ninyong maunawaan ang kaugnayan ng Anak na Babae ng Sion na ipinanganak ng Sion o ipinanganak sa Iglesia ni Cristo. Higit sa lahat ang maunawaan ninyo kung sino ang may Kalooban nito.
Awit 87:5 [5] Oo, tungkol sa Sion ay sasabihin, Ang isang ito at ang isang yaon ay ipinanganak sa kaniya; At itatatag siya ng Kataastaasan.
Awit 87:5 NPV [5] Tunay, tungkol sa Sion ay ganito ang sasabihin, “Ito at iyon ay parehong sa kanya ipinanganak, at mismong ang Kataastaasan ang magtatatag sa kanya.”
Ito ang ilan lamang sa maipauunawa sa inyo sa nilalaman ng Pahayag na mababasa ninyo sa kabuuan.
Ang Iglesia ni Cristo ang sumasagisag sa Sion na itinayo o itinatag ng ating Panginoong Jesu-Cristo, na ito rin ang tinatanaw Niya sa hinaharap na Iglesia ni Cristo na Kaniyang binabanggit sa Juan 10:16 .
Juan 10:16 MB [16] Mayroon akong ibang tupa na wala sa kulungang ito. Kinakailangang sila’y alagaan ko rin; pakikinggan nila ang aking tinig. Sa gayo’y magiging isa ang kawan at isa ang pastol.
Ang Panginoong Jesu-Cristo mismo ang nagpapaunawang mayroon pa Siyang ibang tupa na wala sa kulungan o wala pa sa panahong yaon. Ang sinalita Niyang ito ukol sa ibang tupa ay pawang mga tao na pakikinggan rin ang Kaniyang Tinig. Ngunit di man na ang literal na Tinig ng ating Panginoong Jesu-Cristo ang mapakikinggan, ito ay sa pamamagitan na ng pakikinig sa mga ministro na may kahalalan sa loob ng Iglesia ni Cristo na magtuturo sa mga ipinapahayag Niya na mga aral at katuruan na mga nakasulat sa Banal na Kasulatan o Biblia. Ang Kaniyang Paunang Pahayag, Propesiya o sa mas naiintindihan ng iba ay Hula, nais na ipaunawa sa lahat ay mangyayari pa lamang sa hinaharap na panahon. Uulitin ko may hula Siya na mangyayari pa lamang sa hinaharap na panahon. Oo, mayroon pa Siyang ibang tupa o mga taong nabibilang sa Kaniyang Iglesia o Iglesia ni Cristo. Ito ang Sion na sumasagisag sa Iglesia ni Cristo noon. At ito pa rin ang Sion o ito pa rin ang Iglesia ni Cristo sa kasalukuyan. Kaya maling ipalagay na Anak na Babae ng Sion ang Iglesia ni Cristo ngayon.
[ At mayroon akong ibang mga tupa,] : Ang mga tupa na kumakatawan sa mga tao na tatawagin pa lang ng ating Panginoong Diyos sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Ang mga tupa na iba sa mga tupa na naroroon sa Kaniyang pangangalaga noon. Kaya ang mga tupa na binabangit Niya na wala pa sa kulungang yaon ay sa hinaharap pa na panahon pa lamang darating.
[ na hindi sa kulungang ito ] : na hindi kabilang sa Kaniyang panahon. Lumipas pa ang napakahabang panahon mula sa kaniyang kapanahunan at sa mga huling araw pa lamang na yugto ng panahon natupad ang Kaniyang Propesiya.
[ sila’y kailangan din namang dalhin ko,] : Siya ay nasa Langit na? Madadala pa rin ba Niya ang mga tupa na Kaniyang kinikilala na pinatutungkulan? Oo, taglay ang Kapangyarihan na ipinagkaloob sa Kaniya ng ating Panginoong Diyos. At kung madala na ng ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo, ay ano naman ang dapat gawin ng mga tupa para masunod ang Kalooban ng Kaniyang Amang Banal.
[ at kanilang diringgin ang aking tinig; ] : may pakikinig sa Kaniyang Tinig na gagawin ang mga tinawag Niyang mga tupa. Literal bang mga tupa? Hindi mga mahal kong kapatid kundi pawang mga tao na makauunawa sa Kaniyang mga Aral at Katuruan. Literal bang Tinig ng ating Panginoong Jesu-Cristo ang mapakikinggan pa? Hindi na rin! Sapagkat sa pangalan niya ay may mga hihirangin na rin at itatalaga para magturo at mangaral.
Efeso 4:11-12 MB [11] Siya ang humirang upang ang ilan ay maging apostol, ang iba’y propeta, ang iba’y ebanghelista, at ang iba’y mga pastor at guro, [12] upang ihanda ang bayan ng Dios sa mga gawain ng paglilingkod, upang ang katawan ni Cristo ay lumago.
[ at sila’y magiging isang kawan, ] : napaanib sa Iglesia ni Cristo o napabilang sa Kawan ang mga naging bunga ng pangangaral ng ating mahal na kapatid na Felix Y. Manalo na kinikilalang Sugong Lider sa mga huling araw. At sa tulong ng kaniyang mga pangunahing mga katuwang, ang Iglesia ni Cristo ay lumago ng lumago.
[ at magkakaroon ng isang pastor. ] : Dahil iisa lang ang Kawan at ito ang Iglesia. Tama lang na iisa lang din ang Pinaka-Pastor ng mga Pastor ng lahat. Ang Panginoong Jesu-Cristo pa rin ang Siyang mamalagi magpakailan-kailanman na Mabuting Pastor. Siya ang nangalaga at nagmalasakit sa Kaniyang Iglesia noon at Siya pa rin hanggang ngayon sa kasalukuyan ang mangangalaga at magmamalasakit sa Kaniyang Iglesia. Oo, ang ating Panginoong Jesu-Cristo lamang ang Mabuting Pastol ng Kawan o Pastor ng Iglesia walang sinumang makapag-aangkin nito.
ANG PAGBABALIK NG SION O IGLESIA NI CRISTO SA YUGTO NG ATING PANAHON AY NAGANAP AT NAISAKATUPARAN “SA MGA WAKAS NG LUPA.” SAMANTALA, ANG ANAK NA BABAE NG SION O IGLESIA NI CRISTO…HINIRANG AY SINASAKLAWAN NAMAN NG PANAHON NA TINATAWAG “SA WAKAS NG LUPA.” KAYA MALINAW NA MABABASA NA NASA TALATA SA ISAIAS 62:11-12 AY “SA WAKAS NG LUPA.” KAYA NAGANAP NA ANG KATUPARANG PANAHON, NANG MAY NAMAGITANG KAGULUHAN NA NALANTAD SA KARAMIHAN SA MADLA AT SA MGA KAKAPATID SA IGLESIA NI CRISTO NA NASA DAKO NG CENTRAL. HINDI MAITATANGGI NA NAGANAP ITO.
Dapat na maunawaang ninyong lahat mga mahal kong kapatid, ang kasalukuyang Iglesia ni Cristo (Sion) ay naibalik lamang sa higit na inaasahan ng ating Panginoong Jesu-Cristo na walang anumang naging hadlang o balakid sa pagbabalik nito. Sapagkat nasa Kaniyang pangangalaga pa rin ang Iglesia Niyang ito na nababakuran ng Kapangyarihang ipinagkaloob sa Kaniya ng ating Pinakadakilang Panginoong Diyos. Kaya hindi ito iba sa Iglesia ni Cristo na mula sa dati nitong kalagayan. Ito pa rin ang sinasabi ng ating Panginoong Jesu-Cristo na Kaniyang hinuhulaan noon. Naibalik ang Iglesia ni Cristo sa Kapahintulutan ng ating Panginoong Diyos bunga ng pangangaral ng ating mahal na kapatid na Felix Y. Manalo ang halal na Sugong Lider ng ating Panginoong Diyos sa mga huling araw. Subalit, nang siya ay papagpahingahin na ng ating Panginoong Diyos ay humalili ang mahal na kapatid na Erano G. Manalo. Ganunpaman, ay walang nababago sa katawagan sa Iglesia ni Cristo (Sion) na sa kaniya ay ibinilin. At nang papagpahingahin na rin ng ating Panginoong Diyos ang mahal nating kapatid na Erano G. Manalo na Tagapamahalang Pangkalahatan, ay ang mahal nating kapatid na Eduardo V. Manalo naman ang humalili bilang Pamamahala sa Iglesia ni Cristo (Sion). Ganunpaman ay hindi pa rin nagbabago ang katawagan. Kaya naman, namamalaging Sion o Iglesia ni Cristo pa rin ang Iglesia na itinatag ng ating Panginoong Jesu-Cristo, Anopa’t ang dapat lang talaga na inyong maunawaang lahat, ay pagbabalik lamang ng tunay na Iglesia ni Cristo na Kaniyang itinatag. Oo ito rin ang ganap na sinasampalatayanan nating lahat na Iglesia ni Cristo noon, ay ang Iglesia ni Cristo pa rin sa kasalukuyan na sa yugto na ng ating panahon ay nagbalik lamang.
ANG BANAL NA KASULATAN O BIBLIA AY BATBAT NG MGA HULA NG ATING PINAKADAKILANG PANGINOONG DIYOS. LAHAT NG ITO AY NASASAKLAWAN NG KANIYANG MGA HIWAGA. HINDI BASTA NA LAMANG NIYA IPINAGKAKALOOB NA MAUUNAWAAN ITO NG SINUMAN. KAYA NAMAMALAGI ANG MGA INIINGATANG LIHIM NA NAPAPALOOB DITO SA KADAHILANANG HINDI PA NOON DUMARATING ANG NAPAUUKOL NA TAKDANG PANAHON. AT DAHIL NGAYON NA ANG TAKDANG PANAHON SA HULING ARAW NA ITO KUNG KAYA NAPAPANAHON NG MAHAYAG AT MABABASA ITO SA MGA BAGONG PAHAYAG NG ATING PANGINOONG DIYOS .
Ang Banal na Kasulatan o Biblia ay batbat ng mga hula ng ating Pinakadakilang Panginoong Diyos na sinalita ng Kaniyang mga unang Sugong lingkod, ng mga Propeta, ng ating Panginoong Jesu-Cristo, at ng mga Apostol. Lahat ng mga Hula na ipinahayag nila ay sinaklawan ng mga Hiwaga. Kung pahihintulutan na ng ating Pinakadakilang Panginoong Diyos ay saka pa lamang makapangyayari ang lahat ng kaukulan ng mga Hula Niyang ito na magaganap lamang sa tamang lingkod Niya na Kaniyang pipiliin at hihirangin na sa Pasimula pa lamang ay naipahayag na Niya ito sa pamamagitan ng mga Propeta na may pagkasi ng Espiritu Santo.
II Pedro 1:21 MB [21] Sapagkat hindi nagbuhat sa kalooban ng tao ang hula ng mga propeta; ito’y galing sa Diyos at ipinahayag ng mga taong kinasihan ng Espiritu Santo.
Kaya lahat ng sinalita ng ating Panginoong Diyos. Lahat ng Kaniyang ipinanukala. Lahat ng maibigan Niyang gawin, ay napangyari Niya at mapangyayari pa ang lahat na walang sinuman ang maaring makahadlang. Ang Banal Niyang Aklat na ito ang Biblia ay binalot Niya ng Hiwagang hindi mapag-uunawa ng sinuman kung wala Siyang kapahintulutan. Kaya hindi basta-basta na lamang mapag-uunawa ng kahit sino pa mang pantas na tao na mga nagpakadalubhasa na dito. Oo kahit pa na sanguniin ang mga lihitimong nakauunawa ng salitang Hebreo, salitang Griego o anumang wika na nauugnay sa pagkakasulat ng Banal na Kasulatan o Biblia, ay hindi sasapat ang unawang ayon lamang sa nalalaman ng kanilang pinagsanggunian. Limitado ang kanilang nalalaman at yan ay pinamamalagi ng ating Panginoong Diyos sa mahabang panahon, sapagkat hindi Niya sa kanila ihahayag ang mga ganap na kasagutan. Kaya anumang mga pag-aaral, pagsusuring gawin ng tao sa tao ay hindi mapananaligan ang kanilang nakuhang unawa para maging batayan. Kaya di nila matutumbasan ang Karunungan ng ating Panginoong Diyos na tinaglay ng ating Panginoong Jesu-Cristo na mahal.
Huwag ninyong isipin na tila sinasaklawan ko ang ating Panginoong Jesu-Cristo at inangkin ang Kaniyang Kahalalan. Gaya ng panimulang pagpapaunawa sa lahat na; “Ako ay magpapakilala sa inyo, sa takdang panahon!” “Pagkat may nakahihigit pa sa akin.” “Siya ay ako, ngunit hindi ako Siya.” ” Ako ay sa Kanya, ngunit Siya ay hindi sa akin.” “Kung ano ang iniisip ko, yun din ang iniisip Niya!” “Pagkat hindi kami dalawa, kundi kami ay iisa!” “Iisa ang aming diwa sa pag-ibig at pagmamahal sa IGLESIA gaya rin naman ninyo tayo ay iisa sa Katawan ng ating Panginoong Jesu-Cristo.” Kaya magalak kayo pagkat magaganap na ang paglilinis ng DAKILANG PANGINOONG DIYOS sa IGLESIA. Ibabalik ang mga dating bagay na nakalulugod sa ating DAKILANG PANGINOONG DIYOS. Muling matatanyag ito, mali sa iniisip ng iba. Pagkat kailanman walang binanggit sa Biblia na nakapagtalikod sa IGLESIA. Ngunit pansamantala itong tatagilid dahil sa mga pangyayari. Muling itong babangon, at sa panahong yun ay wala na ang mga hanay ng mga masasama. Kaya panghawakan natin ang mga aral at Katotohanan na ating tinanggap mula ng tayo’y matawag at tumanggap ng Banal na bautismo. Hinihiling na laging mananalangin sa lahat ng pagkakataon, huwag na huwag nating lulubayan upang hindi mapuputol ang ating kaugnayan sa ating DAKILANG PANGINOONG DIYOS at sa ating Panginoong Jesu-Cristo anuman ang mangyari sa kabuuan. Dahil ang madalas na pananalangin sa KANILA ang katumbas na rin ng araw-araw natin PAGSAMBA habang ang lahat ng kaganapan ay ipinahihintulot pa.
Yan ang nilalaman ng aking Kauna-unahang Pahayag (May 27, 2015) na nagpapakilalang hindi ko saklaw ang Diwa ng ating Panginoong Jesu-Cristo, kundi ang diwa ko ang sinasaklawan ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Ang Diwa naman ng ating Panginoong Jesu-Cristo ang saklaw ng ating Panginoong Diyos. Kaya Sila ang kapwa lumalakip sa akin para maipahayag ang Kalooban ng ating Panginoong Jesu-Cristo na sa pamamagitan Niya ay mapaparangalan, maluluwalhati Niya ang Kaniyang Amang Banal na Panginoong Diyos natin.
Juan 12:49-50 NPV [49] Pagkat hindi ako nagsalita mula sa aking sarili. Ang Amang nagsugo sa akin ang nag-utos kung ano ang dapat kong sabihin at paano ko ito sasabihin. [50] Alam kong ang kanyang utos ay naghahatid sa walang hanggang buhay. Kaya ang sinasabi ko ay ‘yon lang ipinasasabi sa akin ng Ama.”
Juan 14:15 RTPV05 [15] “Kung iniibig ninyo ako, tutuparin ninyo ang aking mga itinuturo. [16] Dadalangin ako sa Ama, upang kayo’y bigyan niya ng isa pang Tagapagtanggol na magiging kasama ninyo magpakailanman. [17] Siya ang Espiritu ng katotohanan, na hindi matanggap ng sanlibutan sapagkat siya ay hindi nakikita ni nakikilala ng sanlibutan. Ngunit nakikilala ninyo siya, sapagkat siya’y nasa inyo at siya’y mananatili sa inyo.
ANG KATOTOHANAN AY MANANATILING KATOTOHANAN
Juan 17:17 NPV [17] Pakabanalin mo sila sa katotohanan: ang salita mo’y katotohanan.
Ang Banal na Kasulatan o Biblia ang tinutukoy na naglalaman ng Salita ng Katotohanan ng ating Amang Banal na Pinakadakila na Pinakamamahal na Panginoong Diyos at naglalaman rin ng salita ng ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo. Lamang ipinauunawa ng ating Panginoong Jesu-Cristo ang mga Katotohanan na ipinahayag Niya ay hindi Siya ang nagsasalita mula sa Kaniyang sarili. Kaya napakahalaga na maunawaan ng lahat ang mga Katotohanang ipinahayag ng ating Panginoong Jesu-Cristo. At yan ay ating ganap na sinasampalatayanang lahat. Mabuti at matuwid ang pananampalatayang iyan na humubog sa inyong lahat sa pagkakilala ninyo sa ating Panginoong Jesu-Cristo. Dahil diyan ay naging kalugud-lugod kayo sa ating Panginoong Diyos sa napakalaking pananampalataya at pagkakilala ninyo sa ipinahahayag ng ating Panginoong Jesu-Cristo.
Kaya naman, higit lalo kayong magiging kalugud-lugod sa ating Panginoong Diyos kung inyong kikilalanin ang Kaniyang higit na ipinauunawa. Oo, Siya mismo ang nagpapahayag na naglagay anya Siya sa Sion o sa Iglesia ni Cristo ng isang batong panulok na mahalaga para sa Kaniya.
Isaias 28:16 NPV [16] Kaya ito ang sinasabi ng Makapangyarihang PANGINOON: “Tingnan ninyo, naglagay ako ng bato sa Sion, isang subok na bato, isang mahalagang batong panulok para sa isang matatag na pundasyon; sinumang magtiwala rito ay hindi mabibigo.
Ang Katotohanan ito, ang ating Panginoong Diyos ay naglagay sa Sion o sa Iglesia ni Cristo ng isang subok na bato, batong panulok o batong saligan ng Katotohanan ay matatag anya at di magigiba ng sinuman, kahit pa likhaan ng kasinungalingan, kahit pa gawan ng kasiraan, kahit pa balutan ng kapintasan ang Katotohanan ay mananatiling Katotohanan. Mga mahal kong kapatid ang batong ito ay pinahahalagahan ng ating Panginoong Diyos. Siya mismo ang naglagay! Siya mismo ang naghalal, Ang Banal na Gawain na ito ay itinatag mismo ng ating Panginoong Diyos sa Sion o sa Iglesia ni Cristo. Mababago ba ng sinuman ang kagustuhan ng Panginoong Diyos para maisantabi ito at di na kilalanin? Walang makahahadlang sa panukala Niyang ito. May napakalaking kaukulan ang batong ito na nilagay Niya sa Sion o sa Iglesia ni Cristo. May kaibahan ba ang Kaniyang inilagay sa Sion o sa Iglesia ni Cristo para di ninyo ikalito?. Hayaan ninyo ang talatang sinipi ang maglilinaw ng kaibahan nito. Ano nga ba ang kaibahan ng batong panulok na inilagay ng ating Panginoong Diyos kaysa sa ating Panginoong Jesu-Cristo?
Efeso 2:20 MB [20] Na mga itinatayo sa ibabaw ng kinasasaligan ng mga apostol at ng mga propeta, na si Cristo Jesus din ang pangulong bato sa panulok;
Kaya napakalaki ng kaibahan ng dalawang binabanggit na batong panulok na kapwa Pinaghaharian ng Kapangyarihan ng ating Panginoong Diyos. Ano ang napakalaking kaibahan? Ang Panginoong Jesu-Cristo ang Pangulong batong panulok. Samantala ang inilagay ng ating Panginoong Diyos sa Kaniyang Iglesia ay isang mahalagang bato sa panulok, isang matatag na pundasyon, na ang sinumang magtiwala sa inilagay Niya ay hindi mabibigo.
Yan ang Katotohanan na inyong mapananaligan, ito ang banal na kaukulan ng Kanilang napahihintulutan na may kumakatawan. Kaya di rin maiiwasan na kilalanin ng lahat ang Banal na Gawain ng ating Panginoong Diyos na pinangungunahan ni Elias Arkanghel sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo (EliasArkanghel – Jesu-Cristo). Siya mismo ang naglagay sa Sion o Iglesia ni Cristo na nagtataglay ng Kaniyang Karunungan na ipinagkatiwala sa Kanilang napahihintulutan. Sa pangalan ng ating Panginoong Jesu-Cristo ay isinusugo Niya ang Espiritu ng Katotohanan na lumalakip sa aba Nilang lingkod na Kanilang Piniling Hinirang. Hindi man siya nakapagtapos ng pag-aaral, di man siya nakapag-aral sa Ministeryo, wala mang natamong anumang karangalan, salat na salat sa karunungan at katalinuhan. mangmang na maituturing, kapos at salat sa kayamanan. nakatira sa isang yungib kung iwawangis ang kaniyang kinaroroonan. Subalit ang abang lingkod na hamak ang kalagayan ang Kaniyang Pinili na hinubog sa kaalaman na may matibay na kahalalan sa Banal na Kasulatan o Biblia ay puspos ng hula na mahahayag sa Huling panahon. Oo, sinanay, hinubog at tinuruan ng ating Panginoong Diyos ng Kaniyang Karunungan. Tunay na Kaniyang inalalayan ng Kaniyang Kanang Kamay na Bakal ng Katwiran. Hindi magagapi, hindi mapipinsala, hindi magagalaw ng masama, hindi mapananaigan, hinding-hindi maagaw ang kahalalan. Sinuman ang mangangahas at mag-iisip na pinsalain siya, ay bago pa nila magawa ay may pasya na ang Panginoong Diyos na mangyayari na sa kanila. Upang sa gayon ay makapag-isip-isip na huwag ng gumawa ng masama sa halip ay bumalikwas na, piliin ang mabuti at maging matapat na sa pagtalima sa Atas ng Panginoong Diyos na ipinag-uutos Niya sa kaniya. Pinili siya at Hinirang para maibalik ang lahat ng bagay sa ibig Niya na kaayusan. Kaya huwag na ninyong tanggihan ang Katotohanan. Sapagkat ito ang magpapalaya sa masamang kaisipan, sa maling akala, sa maling paghuhusga, sa maling pagkaunawa, at sa maling pagkakilala. Dahil hinding-hindi mahahadlangan ng sinuman, ang Lihim na Panukala ng ating Panginoong Diyos na naganap na sa yugto ng inyong panahon. Oo, sa huling panahon na ito ay inihahayag na mga Bagong Pahayag ang Kaniyang Banal na Katwiran na inilalapit na sa lahat sa pamamagitan ng ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo.
Marami ang nagsisikap na maabot ang Karunungan ng ating Panginoong Diyos na nakasulat sa Banal na Aklat o Biblia. Subalit, tanging sa mga isinusugo lamang Niya inihahayag ang ilang Hiwagang napapaloob dito na saklaw lamang sa kanilang kapanahunan. Oo, hindi lahat ay napahintulutan magtamo ng pagkaunawa lalo pa nga’t hindi pa takdang panahon na maganap sa kanilang kapanahunan. Bagamat, binigyan man sila ng Kapahintulutan ng ating Panginoong Diyos ng pagkaunawa sa mga hiwagang napapaloob sa Propesiya o sa mga Hula, ang lahat ng yaon ay banaag lamang sa Katotohanan. Sapagkat sa huling panahon pa lamang mahahayag ang lahat at ang kakasangkapanin Nila ang mapahihintulutan na maghanay ng Kanilang Banal na Katwiran sa mga Bagong Pahayag ay ilalakip ng pailan-ilan, hanggang sa malubos na maihanay at masunod ang Banal na Kalooban ng ating Panginoong Jesu-Cristo para maparangalan sa pamamagitan Niya ang ating Amang Banal na Pinakamamahal na Pinakadakilang Panginoong Diyos.
Kaya nga hindi Niya ganap na ipinagkakaloob pa noon, sapagkat ang kaukulan ay sa huling panahon, sa huling araw, sa wakas ng lupa ang takdang panahon na kaganapan. Bawat isa sa Kaniyang mga isinugo ay nilimitahan lamang Niya ang nalalaman. Tulad ng mga pangayayari kay Propeta Daniel na pinagkaitan na maunawaan ang Mensahe ng ating Panginoong Diyos.
ANG KAIBAHAN NG “SA MGA HULING ARAW AT NG “SA HULING ARAW”.
Daniel 12:8-9 MB [8] Hindi ko naunawaan ang kanyang sagot kaya nagtanong ako uli, “Ginoo, ano’ng talaga ang mangyayari?” [9] Sinabi niya sa akin, “Tumahimik ka na, Daniel. Ang kahulugan nito’y mananatiling lihim hanggang sa huling araw.
“Ginoo, ano’ng talaga ang mangyayari?” Ang pagtatanong ni Propeta Daniel kay Anghel Gabriel. Nangangahulugan lamang na hindi niya nauunawaan ang Mensahe bagama’t isa siyang kilalang Propeta ng ating Panginoong Diyos sa kaniyang kapanahunan. Naipagkaloob din ba kay Propeta Daniel ang kaniyang hinihinging pagkaunawa dahil masigasig siyang malaman ang pakahulugan nito? Hindi naipagkaloob kay Propeta Daniel ni kahit kaunting unawa ay wala siyang anumang natanggap! Ang katunayan ay pinatahimik siya at binilinan na lamang na mananatiling lihim hanggang sa huling araw. Pansinin ninyo ang salitang sa huling araw! Hindi sinabi sa mga huling araw. Nagpapatotoo lang na hindi na talaga darating sa pagkaunawa ng ating mahal na kapatid na Felix Y. Manalo ang hiwagang napapaloob sa Mensahe na ipinagkait kay Propeta Daniel. Kaya totoo at tama ang mga pangangatwiran ng mga kapatid nating Ministro sa loob ng Iglesia ni Cristo na hindi naituro sa kanila sa Ministeryo ng mahal nating kapatid na Felix Y. Manalo ang karamihan sa mga Hiwaga na ipinahahayag sa Blog ng Iglesia ni Cristo…Hinirang dahil saklaw na ito “sa huling araw.” Samantala “sa mga huling araw” na panahon naman napapaloob ang panahon ng ating mahal na kapatid na Felix Y. Manalo at saklaw nito maging hanggang sa panahon ng ating mahal na kapatid na Erano G. Manalo.
Kaya patuloy akong nagpapasalamat sa ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo sa patuloy na paglakip ng Kaniyang Diwa sa kanilang abang lingkod na sa pamamagitan ng kaniyang pangalan ay isinusugo ng ating Panginoong Diyos ang Espiritu ng Katotohanan na laging lumalakip sa Kanilang napahihintulutan kaya napupuspos ng Kanilang Karunungan.
Salamat po sa pagtitiwala Mo aming Amang Banal muli Mo pong napahihintulutan na makapaghanay ng mga pahayag ng pagtutuwid. Dahil di Mo ibig na mamalaging nasa kalituhan ang mga Hinirang Mo sa loob ng Iglesia ni Cristo. Kung kaya ang Iyo pong abang lingkod ang literal na kinasangkapan Mo po na magpaunawa ng mga napuna Mo na kamalian na naituturo pa sa mga kakapatid sa Iglesia ni Cristo na ibig Mo po Amang Banal na Panginoong Diyos namin na maituwid agad ang mga kamalian, na di Mo mamarapatin na paulit-ulit pang hinahayaang maituturo sa mga banal na pagtitipon ng lahat ng mga hinirang.
Sa mga nakaraang mga Pagsambang Pansambahayan batay sa Leksyon na Binalangkas para sa araw ng Miyerkules/Huwebes: Setyembre 9/10, 2020 at para na rin sa nakaraang araw ng Sabado/Linggo: Setyembre 26/27, 2020 nito lamang nakaraan na Pagsambang Pansambahayan batay sa Leksyon na binalangkas Sabado/Linggo: Oktubre 10/11, 2020 na pare-parehong tinalakay sa binalangkas na mga texto ang napauukol sa Isaias 62:11-12 subalit kapuna-puna ang pagtukoy sa “Anak na Babae ng Sion” ay mula anya sa mga wakas ng lupa” at ang Anak na Babae ng Sion ang diumano ang Iglesia ni Cristo sa mga huling araw. Ito ay marapat na maitama at maiturong muli sa kapulungan ng mga Sumasamba na nasa tama ng pagpapaunawa.
Sapagkat makailang ulit ng nagiging bahagi ng paksa ang Isaias 62:11-12 na kapag binabasa sa kapulungan ng mga Sumasamba ay hindi umaayon sa higit na Katotohanan. Sa halip nag-iiwan lagi ng katanungan at kalituhan sa mga nakapupuna at nakikita rin ang kamalian. Subalit piniling manahimik na lamang at umayon na lamang sa nakahihigit sa kanila. Huwag ninyong hayaang ang napunang kamalian ay hindi ninyo mailapit sa mahal nating kapatid na Eduardo V. Manalo. Kaya mga mahal kong kapatid na mga Ministro kayong lahat ang tinatawagan ng pansin ng ating Pinakadakilang Panginoong Diyos. Kayo ang higit na may pananagutan kapag may mali kayong napupuna na dapat ay maagapan. Nawa mapagtuunan ninyo ng pansin na inyong pag-aralan masinsinan ang mga pagtutuwid ng ating Panginoong Diyos sa mga hayag na kamalian. Dahil nais ng ating Panginoong Diyos na maituwid ang lahat ng kamalian sa gayun ay maituro sa lahat ng mga kapatid sa Iglesia ni Cristo ang totoo at napakahalagang Mensahe na napapaloob sa Isaias 62:11-12. Kaya naman, napahihintulutan ng mabigyan daan na maipaunawa sa lahat pati na ang mga iba pang magkakaugnay-ugnay na mga talata na magpa-uunawa, sa kaibahan ng “Sion” at ng “Anak na Babae ng Sion.” “sa mga wakas ng lupa” at kaibahan ng “sa wakas ng lupa”, at ang “sa mga huling araw” at kaibahan ng “sa huling araw” at ang “sa mga huling panahon” at kaibahan ng “sa huling panahon” Nawa sa Kapahintulutan ng ating Panginoong Diyos sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo ay malinaw na ninyong makita ang Kaniyang Banal na Katwiran na inilalapit na Niya ngayon sa inyong lahat sa pamamagitan ng ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo kaya sikapin ninyong maituwid ang kamalian na naipunla na sa kaisipan ng ating mga kakapatid na hinirang.
————ooo000O000ooo————–
ANG MATUTUNGHAYAN NINYO SA BAHAGING ITO AY LEKSYONG BINALANGKAS NA MARAPAT NG MAITUWID NG LAHAT NG MGA MINISTRO SA GAYUN ANG KATOTOHANAN NG BANAL NA KATWIRAN ANG HIGIT NA MAMAYAGPAG NG MAITURO SA LAHAT.
Pagsambang Pansambahayan Miyerkules/Huwebes: Setyembre 9/10, 2020 pahina 2
mababasa sa Isaias 62:11-12 Sa marami nating pag-aaral ay nauunawaan na natin na ang Sion sa hula ay tumutukoy sa Iglesia noong unang siglo at ang anak na babae ng Sion ay tumutukoy naman sa Iglesia Ni Cristo na nagsimula sa Pilipinas noong 1914.
Pagsambang Pansambahayan Sabado/Linggo: Setyembre 26/27, 2020 pahina 1
Tiniyak sa Unang Samuel 12:22 (Magandang Balita Biblia) na ang bayang hinirang ng Diyos ay hindi Niya pababayaan, tulad ng ipinangako Niya noon sa matandang Israel. Sa Isaias 62:11-12 naman may hinuhulaang bayan ng Diyos sa panahong mga wakas ng lupa na pinangakuan ding hindi Niya pababayaan. Ang tinutukoy sa hula ay ang “anak na babae ng Sion.”
Ang tinatawag na Sion o Jerusalem ay ang Iglesiang kinabibilangan ng mga panganay na makakasama sa masayang pagtitipon ng libu-libong anghel sa langit. (Hebreo 12:22-23, New Pilipino Version). Ang mga panganay na tinutukoy ay ang mga unang bunga o mga unang kaanib sa Iglesia na nagmula sa labindalawang angkan ng Israel o ang mga Judio–kaya tinawag din silang Iglesia ng mga panganay. Nakatala sa langit ang kanilang pangalan. Kaya tiyak na maliligtas sila. Kung gayon, kapag ang tao ay hindi kabilang sa Iglesiang ito ay hindi siya kabilang sa bayan ng Diyos, hindi nakatala sa langit, at hindi maliligtas.
(Kapatid na Elias Arkanghel) : Mga mahal kong kapatid, Tulad ng naipagpauna kuna sa inyo, ako ay naatasan lamang maghanay ng pahayag ng pagtutuwid. Ang Panginoong Diyos mismo ang nangungusap sa akin sa pagsusugo sa Espiritu ng Katotohanan sa pangalan ng ating Panginoong Jesu-Cristo na lumalakip sa diwa ko, ang tuwirang pinanggagalingan ng mga Banal na Katwiran na aking hinahanay dito. Oo, ang Banal na Katwiran ay inilalapit na Niya sa inyong lahat.
Ngayon ay tuwirang itinutuwid ng ating Panginoong Diyos ang binalangkas na texto upang huwag ng ipilit ang mali na pagkaunawa. na ang anak na babae ng Sion diumano ay ang Iglesia ni Cristo na nagsimulang umiral sa Pilipinas noong taong 1914.
Sa ikaaayos ang pagbabalik ng Iglesia ni Cristo sa taong 1914 ay sinasaklawan ito ng panahon na kung tawagin ay sa mga wakas ng lupa. Samantalang naitanyag ang anak na babae ng Sion ay sa wakas ng lupa gaya ng mababasa sa Isaias 62:11-12. Hindi ba’t kay linaw naman mga mahal kong kapatid? Kaya ang sumunod na iyong binalangkas na texto, nito lamang Setyembre 26/27 2020 ay pinuna rin ng ating Panginoong Diyos ang mga maling pagpapaunawa na naman, gamit na naman ang aklat ng Isaias 62:11-12 na inyong pamalagian ng naituturo kamalian sa mga kapatid natin sa Iglesia ni Cristo. Ayon sa mababasa sa textong binalangkas na; ” may hinuhulaang bayan ng Diyos sa panahong mga wakas ng lupa“. Ang bahaging ito ay di mababasa sa Isaias 62:11-12. Sa halip ang mababasa na naroroon ay “sa wakas ng lupa”. Gaya ng ipinaunawa ang mga wakas ng lupa ay tumutukoy sa panahong nagsisimula pa lang o nasa bungad pa lang ng pagbabalik ng Iglesia ni Cristo. Samantala ang “sa wakas ng lupa” ay sa yugto na ng ating panahon tumukoy na halos nasa dulo ng bahagi ng panahon. Kaya nga higit na malapit na ang araw ng kaligtasan.
————ooo000O000ooo————–
Nabasa na ninyo ang Leksyon na binalangkas na maaring ikinalilito lamang dahil hindi nailalakip ang nilalaman ng mga talatang nabanggit. Ayaw ng Panginoong Diyos na tila pahapyaw na lamang ninyong binabanggit ang Kaniyang mga Banal na Katwiran, na kung ano na lang ang maibigan ninyong basahin at kung ano lang ang ibig ninyong marinig ng mga kapatid ay yaon lamang ang inyong ipinararating sa halip na ang ilakip ay ang kabuuang mga ipinapahayag sa mga talata ng Banal na Kasulatan o Biblia. Mga mahal kong kapatid, ibalik natin ang mas angkop na pamamaraan. Ilakip ninyo ang kabuuan ng talatang sinisipi ninyo bagay na nakalulugod sa ating Panginoong Diyos doon Siya naluluwalhati.
Kaya minabuti ng ating Panginoong Diyos na ipalakip Niya sa akin dito ang nilalaman ng siniping mga talata sa gayun ang ipinapahayag sa hula ay mapag-unawa ninyong lahat.
I Isaias 62:11-12 [11] Narito, ang Panginoon ay nagtanyag hanggang sa wakas ng lupa, Inyong sabihin sa anak na babae ng Sion, Narito, ang iyong kaligtasan ay dumarating; narito, ang kaniyang kagantihan ay nasa kaniya, at ang kaniyang ganti ay nasa harap niya. [12] At tatawagin nila sila Ang banal na bayan, Ang tinubos ng Panginoon: at ikaw ay tatawagin Hinanap, Bayang hindi pinabayaan.
I-A [Narito, ang Panginoon ay nagtanyag hanggang sa wakas ng lupa.] : Nagtanyag na ang ating Panginoong Diyos hanggang sa wakas ng lupa. Ito ang hula ng ating Panginoong Diyos na hindi na nauugnay sa kapanahunan ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Sapagkat sa wakas ng lupa napatutungkol. Hindi na rin nauugnay sa panahon ng ating mahal na kapatid na Felix Y. Manalo bilang Sugong Lider sapagkat sa kaniyang kapanahunan nang magpasimula siyang mangaral ay tuwirang tumutukoy sa mga wakas ng lupa. Hanggang sa lumipas na ang ikasandaan-taon ng Iglesia ni Cristo (1914-2014). Nang magkaroon ng kaguluhan sa loob ng Central ito ang panimula ng ang pagkakatalaga ng Panginoong Diyos sa akin at sa Iglesia ni Cristo…Hinirang na Kaniyang Banal na Gawain. Oo, Siya na ating Amang Banal natin ang lumalakip sa akin. Ang mga salitang Niya’y inilagay Niya sa aking bibig kaya hindi ko sariling Kalooban ang mga ipinapahayag ko dito. Ako ay abang lingkod lamang Niya na naatasan maghanay ng Kaniyang mga Pahayag. Kaya Siya rin na ating Pinakadakilang Panginoong Diyos ang tuwirang gumaganap ng Kaniyang Gawain na naipanukala Niya sa Pasimula pa lamang.
I-B [Inyong sabihin sa anak na babae ng Sion.] : Sino ang “Inyong” na pinatutungkulan sa talata? Ito ay napatutungkol sa inyong mga Tagapagturo sa loob ng Iglesia ni Cristo na may kahalalan. Kayo ang inuutusan ng Panginoong Diyos na inyong sabihin sa anak na babae ng Sion o sa Iglesia ni Cristo…Hinirang. Kaya hindi iisang panig ang napapaloob sa “Inyong sabihin sa anak na babae ng Sion,” kundi dalawa; ang una sa Iglesia ni Cristo (Sion) napatutungkol ang “inyong” at ang ikalawa naman ay nang tukuyin ang “sabihin sa anak na babae ng Sion” (Iglesia ni Cristo…Hinirang) Kaya magkaiba ang Mother sa Daughter sa Espiritual na pagpapakahulugan. Anak na Babae ng Iglesia ni Cristo ang Iglesia ni Cristo…Hinirang.
I-C [Narito, ang iyong kaligtasan ay dumarating:] ang “iyong” ay panghalip panao na tumutukoy sa isang tao. Ipinauunawa ng ating Panginoong Diyos sa pamamagitan mo bilang Pamamahala ng Iglesia ni Cristo at ng mga katuwang mo sa Ministeryo ang ipauunawa sa lahat ang
At kayo naman ang kumakatawan sa “inyong” na tumutukoy sa maramihang tao. Kaya sa derektang pagpapaunawa kayo mahal kong kapatid na Eduardo V. Manalo sa pangunguna mo bilang ikaw ang Pamamahala sa Iglesia ni Cristo ang magsasabi sa pinatutungkulang Hinirang ng Panginoong Diyos sa loob ng Iglesia ni Cristo. Katumbas ito ng pagpapakilala mong gagawin para makarating na sa kabatiran ng lahat ng mga kapatid nating Iglesia ni Cristo ang mga mahahalagang bilin napauukol sa Anak na Babae ng Sion o sa Iglesia ni Cristo…Hinirang.
I Pedro 1:5 NPV [5] Sa pamamagitan ng pananampalataya, kayo’y iniingatan ng kapangyarihan ng Dios hanggang dumating ang kaligtasang mahahayag sa huling panahon.
[Sa pamamagitan ng pananampalataya,] : Oo yan ang naituro na ninyong lahat mahal kong kapatid na Eduardo V. Manalo at ng iyong mga katuwang sa Ministeryo. Marami sa mga kapatid ang labis na nagpapasalamat dahil sa tiyaga ninyo na sila ay turuan ng mga Aral at Katuruan sa pag-anib sa Iglesia ni Cristo. Sila ang inyong mga mabubuting naging bunga sa pamamagitan ng pananampalataya na mapabilang sa loob ng Iglesia ni Cristo at maipaunawa na ito ang tanging lamang ang daan sa ikapagtatamo ng kaligtasan. Yan ang napahihintulutan pa lamang ng ating Panginoong Diyos sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo na nauunawaan pa lamang ninyo.
[kayo’y iniingatan ng kapangyarihan ng Dios] : sa mahabang panahon iningatan mainam ng ating Panginoong Diyos ng Kaniyang Kapangyarihan na ang nalalaman pa lamang ninyo na kaparaanan ng kaligtasan ay ang mga naituro sa inyo ng ating mahal na kapatid na Felix Y. Manalo at ng ating mahal na kapatid na Erano G. Manalo, at ng naituturo mo ngayon mahal naming kapatid na Eduardo V. Manalo. Oo, yan ang hinayaan na tumatak sa inyong kaisipan, ang mga aral na mga naituro niyo na kung tawagin ay sa pamamagitan ng pananampalataya.
[hanggang dumating ang kaligtasang mahahayag sa huling panahon.] : Mga mahal kong kapatid nais kong ipaunawa sa inyong lahat tayo ay nasasaklawan na sa huling panahon, Ang huling panahon na sinasaklawan ng huling araw at ng wakas ng lupa ay ito na ang yugto na ng ating panahon. Kaya naisakatuparan na ang paghahayag! Naipaunawa na sa panulat sa Blog ng Iglesia ni Cristo…Hinirang ang kaparaanan para ang tao ay maligtas sa kawasakang darating na Paghuhukom sa lahat ng bansa. May magaganap na Paglikas! Ito ang ipinaunawa ng ating Panginoong Diyos kaya Siya naglagay sa Sion o Iglesia ni Cristo ng batong panulok para ipaunawa na ang kaparaanan sa kaligtasan ng lahat ay magmumula sa naipaunawa ng Panginoong Diyos sa Kaniyang Pinili at Hinirang na Napahihintulutan. At ang mga ipinahayag ay kailangan maituro ng Central sa lahat ng mga Iglesia ni Cristo. Kung kikilalanin ninyo anya ang Pahayag ng ating Panginoong Diyos ay hindi kayo mapapahiya. Hindi pa ba sapat ang Iglesia ni Cristo para ang tao ay maligtas? Sapat at lapat, yan ang totoo. Wala namang ibang kaparaanan sukat na ikaligtas ng tao kundi ang Iglesia ni Cristo pa rin! Eh ano kung gayun ang Iglesia ni Cristo…Hinirang? Inilagay ng ating Pinakadakilang Panginoong Diyos sa Sion o Iglesia ni Cristo. Ito ang Kaniyang Banal na Gawain sa pamamagitan pa rin ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Isa itong Tagapag-hatid ng Mabuting Balita ng mga Bagong Pahayag ng ating Panginoong Diyos. Pinagkatiwalaan ng ating Panginoong Diyos na isinilang sa Iglesia ni Cristo na Kaniyang pinatutungkulan para isakatuparan ang lahat ng Kaniyang balak o lihim na Kaniyang panukala. Tulad ng pagtakas o paglikas na Kaniyang ipinaunawa na naipahayag mismo ng ating Panginoong Jesu-Cristo na nagbilin pa na;
Mateo 24:16-20 MB [16] Kapag nangyari na ito, ang mga nasa Judea ay dapat tumakas sa kabundukan. [17] Ang nasa bubungan ay huwag nang mag-abala pang bumaba upang kumuha ng kahit ano sa kanyang bahay. [18] At ang nasa bukid ay huwag nang umuwi upang kumuha ng balabal. [19] Kawawa ang nagdadalantao at ang nagpapasuso sa mga araw na iyon! [20] Ipanalangin ninyo na ang inyong pagtakas ay huwag mataon sa taglamig o sa Araw ng Pamamahinga
Hindi yan naganap sa panahon ng ating Panginoong Jesu-Cristo at wala pang pangyayari sa kasaysayan ng tao pagkatapos ng Kaniyang kapanahunan ay naisakatuparan ang pinatutungkulang pagtakas o paglikas.
Apocalipsis 12:14 MB [14] Ngunit ang babae ay binigyan ng mga pakpak ng malaking agila upang makalipad patungo sa ilang. Doon siya itatago sa loob ng tatlong taon at kalahati upang maligtas sa pananalakay ng ahas.
Kaya sa pagtakas o paglikas patungo doon sa ilang ay para itago lang sa loob ng tatlong taon at kalahati sa pangangalaga ng ating Panginoong Diyos sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Kaya hindi pa Araw ng Paghuhukom na inaakala na darating na ang ating Panginoong Jesu-Cristo. Sa halip ay kawasakan pa, na tinatawag na paghuhukom sa lahat ng bansa ang higit na pinatutungkulan. Doon sa pagdadalhan ay maliligtas ang mga makakasama sa pagtakas o paglikas. Saan? Sa pananalakay ng kapangyarihan ng diablo o ni satanas na may taong kakatawan na gagawa ng kaniyang lilikhaing napakalaking pinsala.
Kaya yan ang dahilan kung bakit naipagkatiwala ng Panginoong Diyos ang kaparaanan sa Iglesia ni Cristo…Hinirang para iparating sa lahat ng Iglesia ni Cristo kung paano ang mga tao ay maliligtas sa kawasakang darating sa magulo at sumasama ng daigdig na ito. Dapat ninyong maunawaan “ang kaligtasang mahahayag sa huling panahon” ay panukala ng ating Panginoong Diyos na kailangan lakipan ng pagsunod.
Mateo 11:25 NPV [25] Nang panahong ‘yon ay sinabi ni Jesus, “Ama at Panginoon ng langit at lupa, pinupuri kita pagkat ikinubli mo sa matalino at maalam ang mga bagay na ito ngunit inihayag mo sa mga may kaloobang tulad ng bata.
Kaya hindi ito napag-uunawa ng sinuman. Walang nakabatid para masabi nilang alam na nila ang Lihim na Panukala ng ating Panginoong Diyos. Subalit dahil nakatakda na sa yugto ng ating panahon. Sa huling araw, sa huling panahon, sa wakas ng lupa ay kailangan nang maipaunawa sa lahat.
Napakahalaga ang kahalalan ng Hinirang na pinatutungkulan. Sapagkat siya ang ginawang Katiwala ng Panginoong Diyos sa kaganapan ng panahon na binigyan rin Niya ng pagkaunawa para maihatid ang babae o ang Iglesia sa dako ng ilang na Kaniyang pinatutungkulan. Ibinigay sa kaniya ang kapahintulutan na ihatid kayo sa ligtas na dako na ituturo sa kaniya ng ating Panginoong Diyos bago maganap ang Paghuhukom sa lahat ng bansa. May magaganap na “Paglikas” Kaya nga may tagpong nagpangita ang Panginoong Jesu-Cristo, si Propeta Moises kumakatawan sa paglikas at si Propeta Elias kumakatawan sa digmaang Espiritual at sa pagsasaayos.
Mateo 17 MB [1] Pagkaraan ng anim na araw, isinama ni Jesus si Pedro, at ang magkapatid na Santiago at Juan, at sila’y umakyat sa isang mataas na bundok. [2] Samantalang sila’y naroon, nakita nilang nagbagong-anyo si Jesus: nagliwanag na parang araw ang kanyang mukha, at pumuting parang busilak ang kanyang damit. [3] Nakita na lamang at sukat ng tatlong alagad sina Moises at Elias na nakikipag-usap kay Jesus.
Kaya walang sinumang nakaunawa kung bakit nagkaroon ng pag-uusap ang ating Panginoong Jesu-Cristo, si Propeta Moises at si Propeta Elias na nauugnay ito sa huling panahon na mahahayag para sa kaligtasan. Hindi simpleng pag-uusap ang kanilang ginawa. Ipinaunawa na ng ating Panginoong Diyos sa akin sa pamamagitan ng Diwa ng ating Panginoong Jesu-Cristo na sumasaakin ang mga detalyeng hindi pa maaaring maipabatid sa lahat hanggang di pa natutupad ang pagpapanagpo ng inyong kapatid sa Kinauukulan na nasa Central.
Oo, ipinaunawa at itinuro ng ating Panginoong Diyos sa akin kung paano nga ba talaga maliligtas ang mga ganap na kumikilala at sumasampalataya sa pagiging Iglesia ni Cristo. Kaya hindi maghihintay lang habang gumagawa ng mabuti. May magaganap na literal na kawasakan at hindi pa kawakasan. Tinawag ito ng ating Panginoong Diyos na “paghuhukom sa lahat ng bansa“, uulitin ko “paghuhukom sa lahat ng bansa” sa pagtutuwid ng Panginoong Diyos ay hindi pa magaganap ang Paghuhukom na iniisip ninyo na sasalubungin na agad tayo ng ating Panginoong Jesu-Cristo sa alapaap. May isang libong taon pa na magaganap bago ang Takdang Paghuhukom.
I-D [ narito, ang kaniyang kagantihan ay nasa kaniya, at ang kaniyang ganti ay nasa harap niya.] tinanggap ko ang kagantihan ng ating Panginoong Diyos. Mula nang ipaubaya ko Kaniya na Siya na ang magmaniobra ng aking kapalaran. Pinili kong mamuhay na may pagtitiis at pagsasakit para maitaguyod ang Banal na Gawain Niyang ito na ipinagkatiwala Niya sa akin. Tinanggihan ko ang mga bagay na aaliw sa akin bilang tao sa halip pinili kong maging matatag. Kaya ng aking mapagtagumpayan ang lahat ay pinagkalooban Niya ako ng kakaunting kapangyarihan. Sa tulong Niya sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo ay nakapagpapalayas ako ng masasamang espiritu na di na kailangan ang anumang orasyon at hawak-hawakan pa ang inaalihan. Salitain lamang ang pagtataboy umaalis ito na may takot. Sa tulong Niya na ating Pinakadakilang Panginoong Diyos sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo ay nakapagpapagaling rin ng anumang sakit. Ito ang ginagawa ng mga kapatid na kumikilala na sa Gawain. Kamakailan lamang ang kapatid ay labis na nag-alala sa paglura niya ng dugo, ito ay labis niyang ikinabahala. Hindi rin maganda ang kundisyon ng kaniyang kalusugan. Ngunit sumangguni siya at humiling ng panalangin. Ipinagawa sa kaniya ang lahat ng ipinaunawa. Walang alinlangang sinunod niya at ginawa. Dahil sa laki ng kaniyang pananampalataya halos lahat ng resulta ng kaniyang Medical exam ay negatibo siya sa anumang sakit. Lahat halos ng kaniyang internal organs ay maayos at mainam ang kalagayan. Kaya taos puso siyang nagpasalamat sa ating Panginoong Diyos at sa ating Panginoong Jesu-Cristo. Ang kaniyang pananampalataya ang nagpagaling sa kaniya. Tulad ng dinaramdam mo sa iyong tuhod mahal naming kapatid na Eduardo V. Manalo ay ipinauunawa na Niya sa akin. Kapahintulutan na humiling na isugo si Arkanghel Miguel, Arkanghel Gabriel, Arkanghel Rafael …. Oo silang pitong Arkanghel ng PANGINOON. Gayundin pinahintulutan rin ako na humiling at dumating ang mga laksa-laksang anghel na isinugo ng Amang Banal na bumababa mula sa Langit. Ito ay nakikita ng mga pinagkalooban ng ikatlong pananaw, kaloob na mula sa ating Panginoong Diyos. Kaya sa isang pagkakataong kami ay may Pagtitipon-tipon ay may isang babaeng di namin kilala ang bigla na lang nagsalita na: “Anong mayroon dito bakit sobrang liwanag ninyo dito?” Hindi lang ilang ulit na may namamangha. Napahintulutan na rin isugo nakausap maging si Propeta Moises at Propeta Elias na nagpaunawa ng mga magiging kaganapan. At maging ang kapatid na Felix Y. Manalo at ang kapatid na Erano G. Manalo ay napahintulutan na rin na isugo ng ating Panginoong Diyos ang kanilang mga espiritu. Oo, bawat hiniling ko ay ipinahihintulot ng ating Panginoong Diyos mismo. Kaya wala akong nalabag dahil pagmamay-ari ng Panginoong Diyos ang espiritu ng bawat isa na ipinatatawag. Ginagwa Niya ito para magpatotoo ng Kaniyang kahalalan sa akin na napauukol sa Banal Niyang Gawain na ipinagkatiwala Niya sa akin. Ginagawa Niya ito para magpatotoo kung gaano Siya napaka-Makapangyarihan sa lahat. Ito ay nasaksihan na ng mga kapatid na dumadalo sa mga nakaraang Pagtitipon ng wala pang epedemya na umiiral sa ating bansa. Hanggang ngayon ang mga Kaloob na yan ay nananatiling tinataglay na kayo man mga mahal kong kapatid ay ibig namin makasaksi sa Hiwagang ngayon pa lamang muling napahihintulutan ng ating Panginoong Diyos na mangyari sa yugto ng ating panahon.
[At tatawagin nila sila Ang banal na bayan] : at mangyayari ito kapag napatunayan ninyo na ang lahat ng sinasabi sa mga Pahayag dito ay magpatotoo rin sa inyo. Kikilalanin ninyo na rin ang Banal na Bayan na sumasagisag sa “Bayang Hinirang” ng ating Panginoong Diyos. Ang Bayan Niya na Kaniyang kinikilalala na Kaniyang itinatag sa Iglesia ni Cristo. Ito ang Kaniyang Bayan na Hinirang o Iglesia ni Cristo…Hinirang. Oo, ito nga ang Anak na Babae ng Iglesia o Anak na Babae ng Sion.
[Ang tinubos ng Panginoon:] Kaya napakapalad ng lahat na kikilala sa Banal na Gawain ng ating Panginoong Diyos na Siya mismo ang tumubos.
ANG KAUGNAYAN NG JUAN 10:16 MB, SA ISAIAS 62:11-12
Isaias 28:16 NPV [16] Kaya ito ang sinasabi ng Makapangyarihang PANGINOON: “Tingnan ninyo, naglagay ako ng bato sa Sion, isang subok na bato, isang mahalagang batong panulok para sa isang matatag na pundasyon; sinumang magtiwala rito ay hindi mabibigo.
Awit 87:5 [5] Oo, tungkol sa Sion ay sasabihin, Ang isang ito at ang isang yaon ay ipinanganak sa kaniya; At itatatag siya ng Kataastaasan.
Kaya ito ang sinasabi ng Makapangyarihang PANGINOON: “Tingnan ninyo, : Ano ang sinasabi ng ating Makapangyarihang Panginoong Diyos? Tingnan ninyo! Utos Niya na pagtuunan ninyo ng pansin ang Kaniyang sasabihin na katumbas na sumentro ang inyong kaisipan sa Kaniyang ipauunawa.
naglagay ako ng bato sa Sion, : Siya anya ay naglagay sa Sion o naglagay Siya sa Iglesia ni Cristo ng bato. Ang batong ito ay may taong kumakatawan. Siya ay Kaniyang Hinirang sa loob mismo ng Iglesia ni Cristo. Ang taong ito ang Kaniyang Sinugo na Kaniyang Hinirang. Oo, kinikilala ng ating Panginoong Diyos namay kahalalan ang Kaniyang Hinirang na nilagay sa Iglesia ni Cristo.
isang subok na bato, : handog sa loob ng Iglesia ni Cristo. Dumating ang takdang panahon ang naatasang manggagawa na mag-doktrina ay naaaliw na pinakikingan habang kaniyang dinodoktrinahan ang batang musmos. Sapagkat sa murang idad habang nagtuturo ay sabay ding nagpapaunawa sa naituturo ng Manggagawa. Kaya sa murang idad ay nabautismuhan at naging masiglang Maytungkulin sa Lokal na kinatatalaan. Bata pa ay Banal na Aklat o Biblia na ang tangan-tangan at sa idad na dose ay naipagtatanggol na ang mga aral na sinasampalatayan sa loob ng Iglesia ni Cristo na ikinamamangha ng mga kapatid na mga ministro na nakakausap. Lalo na ng maghanay ng mga mahihiwagang pahayag na doon lamang nabuksan sa mga pag-uusap. Nang ipaunawa sa kanila na hindi ang kapatid na Erano G. Manalo ang makapaghahatid sa Iglesia ni Cristo at nagbigay na ng patotoo kaya tinanggap ng may pananampalataya. Sinaklawan ng Hiwaga ng Kapangyarihan ng ating Panginoong Diyos ang naging buhay at pamumuhay mula sa pagkabata, batbat ng pagsubok hanggang ngayon. Batbat ng mga pagsasakit, ngunit di natitinag na patuloy na napagtatagumpayan ang lahat ng mga nakaambang pagsubok. Nakilala ang mahal na kapatid na Erano G. Manalo, masayang nakadaupang-palad, kinaaliwan, kaniyang hinangaan, niyakap hanggang maganap ang lingid sa kaalaman ng lahat. Pinababantayan kahit saan magtungo pinangalagaan. Iningatan sa mata ng mga kaaway inilingid at itinago ayaw na malantad. Hanggang sinubok sa Materyal ngunit hindi nasilaw sa halip ay tumakas di nagpaalam dahil mas pinili ang Espiritual na paglilingkod kaysa sa Materyal na paglilingkod. Aktual na nagpakita sa akin sa anyong wangis ng tao ang nasa Espiritung kalagayan. Hindi ako tulog, hindi rin nananaginip, kundi gising na gising. Nakikita ko Siya walang laman at mga buto subalit nababanaag ko lamang Siya ng napakalinaw, at walang kasing amo ang Kaniyang kaanyuan habang ako ay Kaniyang nginingitian. Nangyari ito sa isang tahanan na ako ay nag-iisa at Siya lamang ang naroroon. Hindi ko Siya nakilala sa silid na nagliliwanag na di mailarawang kaputian ng Kaniyang kasuutan. Ang Kaniyang Tinig ay dumadagundong na nagpahilakbot sa akin na halos gulat na gulat ako sa pagkabigla na hindi ko maintindihan ang nararamdamang pagkatakot kaya bigla na lang din Siyang naglaho ng marinig ko ang wikang di ko nauunawaan.
Bilang 12:6 NPV [6] Sinabi niya, ‘Pakinggan ninyo itong mga sasabihin ko: “Kapag may propeta ang PANGINOON sa kalagitnaan ninyo, nagpapahayag ako sa kanya sa mga pangitain. Kinakausap ko siya sa mga panaginip.
Hanggang nasundan pa ang Kaniyang pagpapakita sa akin ng Siya ay muli kong tawagin. Muling napahintulutan marinig ang Kaniyang Tinig sa wikang nauunawaan ko na.
isang mahalagang batong panulok para sa isang matatag na pundasyon; kinikilala ng ating Panginoong Diyos ang batong panulok na nilagay Niya sa Sion o nilagay Niya sa Iglesia ni Cristo. Para sa kaniya mahalaga ang banal na kaukulan ng taong kumakatawan sa mahalagang bato na inilagay Niya sa loob ng Iglesia ni Cristo. Sa anong layunin? Para anya sa lalo pang ikatatatag ng pundasyon, na ito mga mahal kong kapatid ang tinitindigan mga aral at mga katuruan ng Iglesia ni Cristo.
sinumang magtiwala rito ay hindi mabibigo. paanong mabibigo ang sinumang magtiwala sa pinatutungkulan? Kung kinikilala ng Panginoong Diyos ang kahalagahan ng Kaniyang inilagay na batong panulok sa Iglesia ni Cristo.
Awit 87:5 [5] Oo, tungkol sa Sion ay sasabihin, Ang isang ito at ang isang yaon ay ipinanganak sa kaniya; At itatatag siya ng Kataastaasan.
Nawa nauunawaan na ninyo ang Sion at ang Anak na Babae ng Sion. Ang Iglesia ni Cristo (Sion) ay ipinanganak sa kaniya ang Banal na Gawain na yan ang Iglesia ni Cristo…Hinirang na sumasagisag sa Anak na Babae ng Sion. At ang isa pa na ipinanganak sa Sion o Iglesia ni Cristo ay ang abang lingkod niyo Elias Arkanghel sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo (Elias Arkanghel-Jesu-Cristo). Ang higit na dapat maunawaan ninyo itatatag siya ng Kataastaasan. Siya ay tumutukoy sa tao na sa inyong abang-lingkod ipinatutungkol. Kaya ang abang lingkod niyo ay may napakalaking kaukulang gampanin sa Iglesia ni Cristo na Pinamamahalaan ng mahal nating kapatid na Eduardo V. Manalo. Sa takdang pagtatagpo namin ipauunawa ko sa kaya ang napakalaking kaukulan niya para sa Banal na Gawain.
Mahal kong kapatid na Eduardo V. Manalo kung nananatili ang mga Pahayag sa Blog ng Iglesia ni Cristo…Hinirang na nababasa ng karamihan na tila laban sa iyong kalooban at sa kalooban ng mga kapatid yan ay may takdang araw na mawawala na rin. Hindi pa pinahihintulutan ng Panginoong Diyos na alisin at burahin na dito. Pansamantalang nakalathala pa, para makita, mabasa ng lahat na natupad at patuloy na natutupad ang Kalooban ng ating Amang Banal na Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos natin.
Mahal naming kapatid na Eduardo V. Manalo tangapin mo ang maagang pagbati naming mga Ka Hinirang mo MALIGAYANG KAARAWAN SAYO mahal naming kapatid. Lumakip sayo ang pag-ibig ng ating Panginoong Diyos at pagmamahal Niya sayo at sa mga mahal mo sa buhay. Hinihiling ko sa Kaniya na mabuksan na ang iyong kamalayan sa Hiwaga na napapaloob sa Banal na Gawain Nilang ito na ipinagkatiwala Niya sa akin. At nawa lumambot na ang iyong puso sa lahat ng mga kapatid. Sapagkat ang lahat ay sinubok lamang. Marami pa akong ipauunawa sa lahat ng mga kapatid kung sino ka na mahal kong kapatid na may mabuting kaukulan sa Banal na Gawaing ito ng ating Panginoong Diyos.
Colosas 1:11 NPV [11] Idinadalangin din naming kayo’y palakasin niya sa pamamagitan ng dakila niyang kapangyarihan upang matagalan ninyo at mapagtiisang may kagalakan ang lahat ng bagay.
Muli ibinabalik natin ang lahat ng Kapurihan sa ating Amang Banal na Pinakamamahal Pinakadakilang Panginoong Diyos sa pamamagitan ng ating Pinakamamahal na Panginoong Jesu-Cristo.
– Elias Arkanghel-Jesu-Cristo M102620201801
