Mahalagang mapanood na muna …
WALANG KAALAM-ALAM NA NAKABALIK NA SI CRISTO
Maraming-maraming salamat po Pinakamamahal din namin na Panginoong Elias Arkanghel Jesu-Cristo.. Naunawaan ko na lubos ngayon ang pakahulugan na darating Kayo na itinulad po sa isang magnanakaw. Na tama po sapagkat sinabi ipinapaunawa ng ating Amang Napakabanal po natin na siyang ginagawa Niyo po sa kasalukuyan, ay gawain ng natutulad po sa isang magnanakaw na walang kaalam-alam ang mga tao na nandiyan po ang magnanakaw. Na tulad din naman ng nangyayari po ngayon na wala silang kaalam-alam, na nandito na po Kayo na gumagawa na po, subalit natutulad nga po sa isang magnanakaw ang Iyo po na pagdating. Kaya silang mga nahiwalay at silang mga di po napapaloob sa Inyong pong Piniling mga Hinirang o Piling mga Hinirang po sa Iglesia, ay di nila ito nalalaman ang Iyo po na pagdating. Muli maraming-maraming salamat po Panginoong Elias Arkanghel Jesu-Cristo sa pagpapaunawa po Nyo sa pakahulugan ng Iyo po na pagdating na itinulad po ni Amang Napakabanal po natin sa isang magnanakaw.
KAANYUAN NI CRISTO NA IPINAKO SA KRUS
Pinakamamahal po namin na Panginoong Jesu-Cristo Elias Arkanghel Jesu-Cristo po … pinapaunawa po ni Ama po, na ang Iyong Kaanyuan po noon bilang Cristo na ipinako noon ng mga Judio sa krus ay iyan po ang Iyong kaanyuan noon. Sapagkat, kung anong Espiritu mayroon ang tao, ay iyon po ang magiging kaanyuan po ng tao. Sinabi, ipinapaunawa po ni Ama na bukod sa halos wala pong nakasulat na napauukol po sa Iyo po sa lumang Tipan, yan ay sapagkat inalis po iyon ng dyablong kaaway sa pagpalit-palitan ng mga hari na di po kumikilala po sa Inyo po ni Ama. Sapagkat, sa iba sila sumasamba sa mga inukit o sa rebulto o sa mga imahe. Bukod pa diyan ay ang Iyong kaanyuan po ay tila kakaiba. Kaya noong nagpakilala po Ikaw na Anak po Kayo ng Amang Panginoong Dios po natin, ay gayun po ang kanilang pagkagalit sa Iyo na di po nila matanggap na Ikaw po ay Anak ni Ama po sa Napakabanal na Espiritu Niya. Sapagkat, di Ka po nila kilala po. Tulad ngayon, sinabi ipinapaunawa po ni Ama po na mulit-muli di nila alam na babalik na Ikaw po ay babalik po, na magsasagawa ng pangangaral na napauukol sa mga Bagong Pahayag.
Panginoong Jesus Jesu-Cristo Elias Arkanghel Jesu-Cristo po, sinabi ipinapaunawa po ni Ama na iyang mukha po Nyo na iyan, ay iyan po ang mukha Nyo noong ipinako po Kayo o Ikaw ay ipako sa krus. Sinabi, ipinapaunawa po ni Ama po na iyang mukha po Nyo na iyan ang kadahilanan din po kung bakit Kayo po o Ikaw po ay tinanong ni Poncio Pilato na kung tagasaan po Kayo? Sa kadahilanang, iba po ang Iyo na kaanyuan po.
Juan 19:9 MBB [9] Muli siyang pumasok sa palasyo at tinanong si Jesus, “Tagasaan ka ba?” Subalit hindi tumugon si Jesus.
IBANG KAANYUAN ANG NAKIKITA KAYA NAITANONG KUNG TAGA SAAN
Iyang namamalas po namin ngayon ay iyan na iyan po ang Iyo pong kaanyuan. Kaya maging si Pilato po ay sinabi ipinapaunawa po ni Ama na nagulumihanan po siya sa Iyo. Kaya gayun na lang po ang kaniyang katanungan. Ipinakikita po sa akin ni Ama sa Inyong abang Lingkod na Alipin po Ninyo ni Ama, na parehong-pareho ang mukha, ay di po iyon kamukha ng mga batang Judio kundi kamukha o kaanyuan po ng mga batang lahing Juda. Sinabi ipinapaunawa po ni Ama po na kamukha o kaanyuan po ng Pilipino.
Tagasaan ka ba? Kaya gayun na lang po ang katanungan ni Pilato.
KAYA HINDI MATANGGAP SAPAGKAT JESUS ANG IPINANGALAN SA HALIP NA EMMANUEL
Panginoong Jesus Elias Arkanghel Jesu-Cristo, sinabi ipinapaunawa po din ni Ama na ang kadahilanan po pala talaga kaya di Kayo o di po nila Ikaw na matanggap, ay sapagkat Jesus po ang ipinangalan sa Iyo po at di Emmanuel.
Inalis po nila ang pangalan na napauukol sa Iyo noon, kaya di nila Kayo o di nila Ikaw matanggap. Sinabi ipinapaunawa po ni Ama po na naulit po muli ang pangyayari po ngayon. At iyang bagong Tipan nandun na po nakasulat na muli ang napauukol sa Cristo na ipinako nila sa krus. Subalit ang napauukol sa Cristo na Anak ng Tao ay nakalihim sa hiwaga. Subalit di po pumayag si Ama na di iyon maihayag. Kaya ang napauukol po sa Cristo na anak ng tao po, ay walang iba ang katuparan po niyon ay Kayo po iyon Panginoong Jesus Jesu-Cristo Elias Arkanghel Jesu-Cristo po.
Panginoong Elias Arkanghel Jesu-Cristo po sinabi ipinapaunawa po ni Ama o ng ating Amang Napakabanal po natin, ang nakasulat po na mababasa sa Lucas 17:24-25
Lucas 17:24-25 [24] Sapagkat pagsapit ng takdang araw, ang Anak ng Tao ay darating na parang kidlat na nagliliwanag sa buong kalangitan sa isang iglap.
Ay sinabi ipinapaunawa po muli ni Amang Napakabanal po natin na iyang parang Kidlat po na dumarating po, ay kapag mahahayag na po Kayo. Magliliwanag sa buong Kalangitan po, na ang pakahulugan po nito ay ang Iyo po na pagkahayag ay aabot po ito sa buong sanlibutan na kabilang na po dito sa mga makakasaksi ay ang mga Kaanib sa Iglesia ni Cristo po, na nasa kung saang panig ng mundo sila naroroon po. [PAGPAPAUNAWA: Sila yaong hindi sumama sa Pagtakas o Paglikas na naiwan sa dating daigdig. Samantala kung saan magaganap ang binabanggit sa talata ay naroroon na sa Bagong Daigdig na kinaroroonan ng mga kumilala, sumampalataya sa Pagtakas o Paglikas, gumalang at tapat na sumunod sa Kalooban ng ating Panginoong Diyos– Elias Aranghel Jesu-Cristo]
At sinabi ipinapaunawa pa po ng ating Amang Napakabanal po natin kaya magliliwanag po ang buong Kalangitan po ay sapagkat mahahayag na po Kayo na yan ang Iyo po na Kaluwalhatian Panginoong Jesu-Cristo na nasa Bagong Napakabanal Nyo po na Pangalan na Elias Arkanghel Jesu-Cristo. At sinabi ipinapaunawa pa po ng ating Amang Napakabanal po natin, na ang pinakahigit po na Maluluwalhati po sa araw po na yaon o iyon, ay walang iba ay Siya po o si Amang Pinakamamahal po natin na Napakabanal na Pinakadakila po natin na Panginoong Dios po. Maluluwalhati higit po sa lahat ay Siya, sapagkat mahahayag na po ang Kaniyang Pinakamamahal po din na Isa sa Kaniya po na Anak sa Napakabanal po Niya na Espiritu po na Siya din po ang Pinakapanganay sa lahat po na Nilikha po na mga Anak po ng ating Panginoong Dios po.
At ang napauukol naman po daw po sa talatang nasa 25 po
[25] Ngunit kailangan munang magdanas siya ng maraming hirap at itakwil ng mga tao sa panahong ito.
Ay sinabi ipinapaunawa po ni Amang Napakabanal po natin na Iyo na po ito na nararanasan, ang maraming hirap at itakwil ng mga tao kaya sinabi ipinapaunawa pa po ni Amang Napakabanal po natin na malapit na po ang ganap po Nyo na tagumpay at di lamang po sa Iyo po kundi maging sa lahat po na mga Hinirang po Ninyo sa loob ng Inyo pong Iglesia ni Cristo po at sa mga Piling Hinirang at sa lahat na mga sumasampalataya po sa lahat po na mga Bagong Aral Bagong Pahayag po Ninyo ni Amang Napakabanal po natin po. At ang napauukol naman po sa Bersikulo at Talata na mababasa po daw po sa Lucas 21:27-28,31-32
[27] Sa panahong iyon, makikita nila ang Anak ng Taong dumarating na nasa alapaap, at may kapangyarihan at dakilang karangalan.
Ay sinabi ipinapaunawa po ni Amang Napakabanal po natin na ang pakahulugan po na Ang Anak ng Tao na dumarating na nasa alapaap po ay makikita po Kayo ng mga tao na nasa alapaap po Kayo na ang araw po na iyon ay taglay na po Nyo ang Kapangyarihan at dakilang Karangalan po. Sinabi ipinapaunawa po ni Amang Napakabanal po natin na ang pakahulugan po nito ay siya na Iyo po na pagdating din po sa Kaharian po ng ating Panginoong Dios taglay na po Nyo ang Kapangyarihan at dakilang Karangalan po.
[28] Kapag nagsimula nang mangyari ang mga ito, magalak kayo sapagkat malapit na ang inyong katubusan.”
Sinabi ipinapaunawa po ni Amang Napakabanal po natin na ang pakahulugan po sa talatang ito po, ay kapag matutupad o mangyayari na po ang itinakda po Ninyo po ni Amang Napakabanal po natin na magaganap sa nakatakda po, ay iyon na po ang nalalapit na po na araw ng katubusan o ang araw na po ng paghuhukom ayon sa itinakda po na Literal at Espirituwal po na paghuhukom po. At ang napauukol naman po sa t alatang
[31] Gayundin naman, kapag nakita ninyong nangyayari na ang mga sinabi ko, malalaman ninyong malapit na ang paghahari ng Diyos.
Ay sinabi ipinapaunawa po ni Amang Napakabanal po natin na ang paghahari po Niya na pinatutungkulan ay iyong wala na po ang dyablong kaaway. Kung ang dyablong kaaway po ay makukulong na po o pagkatapos ng kanyang pagkakakulong ay maghahari na po ng lubusan po ang ating Panginoong Dios po magpakailanpaman po. Subalit ipinapaunawa po ni Amang Napakabanal po natin na ang pakahulugan po ng Kaniya po na paghahari po ay magiging Hari po din po Kayo. Subalit iba po ang pagkaHari po ng ating Amang Panginoong Dios po sapagkat Siya po ang Hari sa lahat po ng mga Hari po. At ang lahat po na mga Hari ay igagalang po Siya. Tulad sa kasalukuyan ay di pa po nakukulong po ang dyablong kaaway kung kaya may kaagaw pa po si Amang Napakabanal po natin sa Kaniyang pagiging Hari po. Sapagkat ang dyablong kaaway po ay di ito rumirespeto o di po ito gumagalang sa Kaniya, sa ating Panginoong Dios po.
At ang napauukol naman po sa talatang nasa 32 po
[32] Tandaan ninyo: magaganap ang lahat ng ito bago mamatay ang lahat ng taong nabubuhay sa salinlahing ito.
Ay sinabi ipinapaunawa po ni Amang Panginoong Dios po na ang pakahulugan po nito na magaganap po ang lahat ng ito ay nakasulat ayon sa araw na itinakda po ni Amang Napakabanal po natin na magaganap po sa pagdating ng araw ng paglikas po. At kapag nasa Banal na Dako o sa Banal na Lupang Ipinangako na po ang mga tao ay iyon na po ang pakahulugan po sa talatang 32 po. Na sinabi ipinapaunawa po ni Amang Napakabanal po natin na magaganap po muna ang araw ng paglikas po at pagkatapos nito ay ang araw na po ng pagwasak sa napakagulo at napakasama po na sanlibutan po, na iyon po ang araw po ng paglipol po na katuparan na po sa nakasulat na magaganap ang lahat ng ito bago mamatay ang lahat ng mga salinglahi ng tao. Sapagkat sinabi ipinapaunawa po muli ni Amang Napakabanal po natin na sa araw ng paglipol ang hindi po makasama o makabilang sa araw ng paglikas ay ang lahat po ay malilipol sa pagwasak po ni Amang Napakabanal po natin dito sa napakagulo at napakasama po na sanlibutan po.

Hashtags: Please share, copy and paste to all your messages
#iglesianicristo #inc100 #inccentennial #centennial #inc4life #incootd #incfashion #icmedianews #inctv #net25 #incmedia #increview #fymfoundation #mycountrymenmybrethren #kabayankokapatidko #incselfiechallenge #incwikileaks #sanggunian #radelcortez #gerrypurification #junsantos #gliceriosantosjr #rodelcabrera #biensantiago #erdzcodera #ernestosuratos#mattpareja #antonioebangelista #silentnomore #iglesianicristosilentnomore#Pananampalataya #Pagasa_#Pagibig #DoblehinAngPagsisikap#PuspusangPagbabagongBuhay #PuspusangPakikipagkaisa#ItaguyodAngKasiglahangESPIRITUAL #Iglesia_Ni_Cristo #DoblehinAngPagsisikap #SolidongPananampalataya #KaisangDiwaNgPamamahala #WEareONEwithEVM#PuspusangPagsunodAtPagpapasakopParaMaligtas #ItaguyodAngKasiglahangEspiritual #MasaganangPagbubunga#PalaguinAngPananampalatayaPagibigAtPagasa #INC101 #DoblehinAngPagsisikap #INC #Maytungkulin #INC4ever#IamTheOneWithEVM #INC108 #WeAreOneWithEVM #IglesiaNiCristo #ChurchOfChrist #FaithLoveHope #ProudINC